Matapang ka? Magpa-test ka!

hiv-aids

Dear fans and followers

Kamusta na ang mga beauty n’yo? Ang busy kapag December! Grabe. Kaliwa’t kanan ang mga gimik. Laging puyat. Ang todo ng gastos. Parang hindi natatapos ang mga kaganapan. Nakakaloka. But of course, super happy naman!🙂 Ang saya rin talaga nung mga bonding moments slash reunions with your close friends. Magastos, yes. Pero, best! PRICELESS.🙂

Bago ako chumika, gusto ko pala munang  i-mention na ang init ng December na ito! Tang ina. HOTTEST EVER! Ramdam n’yo ba? Grabe yung pinagpapawisan tayo ngayong December ha! Pati electric fan ko umiiyak din sa init. Ibang level ang alinsangan ngayon lalo na sa gabi. Ang lagkit ng feeling.  Hindi pwedeng hindi maligo. My god! Nasaan na ba ang tinatawag na “simoy ng Pasko?” Na-late?! Parang summer nga ngayon ‘eh. Aminin n’yo! Parang kering-keri magsuot ng bathing suit at mag-swimming. Ayoko ko pa naman ng init. Andami kasing pinuputok ‘eh. Lalo na sa MRT! Kairita.

Anyway, gusto ko pala i-share sa inyo na nagpa-HIV-AIDS test ako kahapon. At salamat naman sa Diyos at lahat ng mga tests sa akin ay negative or non-reactive. PAK!🙂 Ito lang yata ang negative na masaya!😉 Nakaka-alarm kasi yung pagtaas ng HIV cases sa Pilipinas lately kaya agad-agad din talaga akong nagpa-test. Aba, mabuti na ang sigurado ha! Mahirap ang nabubuhay sa agam-agam.

Admittedly, I have been very naughty this year. Yun oh! :) Kaya naman hindi ako nage-expect ng kahit na anong regalo kay Santa Claus ngayong taon. Hindi rin talaga ako naging “behaved” this year. Sabihin na nating naging “sagana” tayo sa taong 2012. :)Andami kasing “tukso” nowadays ‘eh. And sadly, bumigay din talaga ako. Naging mahina ang Madma n’yo.🙂 Pagbigyan n’yo na rin. Late bloomer na nga ako ‘eh. Late last year lang talaga ako nagsimulang “mag-bloom.” O, ‘di ba very late na?! Bordering to expiration na?! I’m sure yung iba sa inyo lumandi na agad the moment na natutong maglakad kaya huwag kayong magmalinis d’yan. Char.🙂 Mapili rin kasi ako ‘eh kaya super late bloomer ako. Hindi ako kumakain ng “basura.” LAKAS! To be honest, hindi naman kasi talaga ako sexual na tao. Mas bet ko pang chumika at dumaldal. Mas mataas ang need ng bunganga ko kaysa sa need ko for sex. So there.😉

Nakakatuwa na maraming nagpa-test doon sa center na pinuntahan ko kahapon. Isang malakas at dumadagundong na SHOUT OUCH para sa “Take The Test Project” para sa kanilang bonggang FREE and confidential HIV testing initiative. BONGGA talaga! Panalo ang services nila. Nagbigay sila ng HIV Counseling & Testing, Syphilis Testing, Referral to Treatment Hubs, Referral to support groups, Training on Basic STI, HIV & AIDS Education etc. PANALO TALAGA! Super saya ng chikahan ko with my assigned counselor. Shout ouch naman kay Sir Ryan Rovero Pinili. Salamat sa “pagpili” sa akin. WOW.😉

TTT

Ang  “Take The Test Project” din pala ang nasa likod ng pasabog at napaka-kontrobersyal na “Maalalaala M0 Kaya” episode na pinamagatang “Pulang Laso” starring Carlo Aquino and Joem Bascon last December 1, 2012. Alam n’yong nakakaiyak ang storya nila Kevin and Allan! Sniff.😦

Here is the trailer of “Pulang Laso” para ma-refresh kayo.

__________________

Galaw-galaw na mga Ma’am lalo na yung mga super dalas at ginagawang kanin ang pakikipag-sex. Pa-test na kayo! Sabi sa nabasa kong article sa rappler.com, “globally, the AIDS response is on the upswing. But the Philippine story is something else. UNAIDS’ 2012 report showed a 25% increase in new HIV incidents in the country.” Dagdag pa, “in 2012, at least 9 new cases of HIV or AIDS are reported every day, compared to only 1 new case every three days in 2000. If the trend continues, DOH projects up to 37,000 new cases of HIV in 2015, the supposed deadline to reverse HIV incidents set by UNAIDS.” OMG! Nakakalokaaaaa.😦

Sabi naman sa article ng PhilStar, “based on the DOH’s Philippines HIV and AIDS Registry, the new infections brought to 2,761 the number of HIV cases since January this year, including 148 AIDS cases and 11 deaths. The registry showed that of the 295 cases, 93 percent were males while 57 percent were in their productive ages of 20 to 29 years.” Grabe yung more than 2,000 ang new HIV cases sa bansa this year alone! SCARY!😦

Ang common mode of transmission pala ng HIV ngayon is MSM or Men who have sex with men. Yun na oh! Dami na kasing bading nowadays ‘eh. And malalanding bading for that matter. Daming promiscuous. Mukhang anghel sa labas pero WILD at laging nakatambay sa kama. Naku! Kaya naman ingat-ingat din tayo mga Ma’am. Hindi porke’t mukhang masarap, kakainin na! Ingat din talaga. Masarap ang sex, yes. Pero pwedeng ikamatay kapag hindi naging maingat. Isang maling galaw lang, tapos ka! Once na nakapasok na ang virus sa katawan mo, wala na! Kaya naman inaanyayahan ko ang lahat na maging matapang para magpa-test. Labanan ang stigma sa HIV! PLEASE! Hindi n’yo ikayayaman ang takot at hiya. Huwag n’yo ng hintayin na kayo na ang maging susunod na biktima. Huwag kayong matakot! Diyos ko naman. Test lang ‘yan! Para ka lang nagpa-check up ng ubo and the likes. Kukunan ka lang ng konting dugo for testing at i-interviewhin. Yun lang! Anong mahirap doon? Hindi ka nila pagwawalisin nor paglalabahin. Promise! Mahirap mabuhay sa agam-agam mga Ma’am kaya go na!

Ang hirap kasi sa iba, nauunahan agad ng takot. Yung tipong natatakot malaman ang katotohanan kaya natatakot magpa-test. Nega agad ang mga pota. Hindi pa man nagpapa-test, guilty na agad na positive sila. O, ‘di kayo na ang  may sariling testing center sa utak. Not likey ‘yan! Ano ba ang mas nakakatakot? Yung alam mo ang status mo o hindi? Obviously, mas mabuting alam mo ang HIV status mo! Duh. Kung negative ka sa test, congrats! Kung positive ka naman, so be it. Face it. After all, ikaw naman ang gumamit ng katawan mo so wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo. Hinahamon ko kayong magpa-test. Magtulungan tayong maging HIV free ang bansang ito. Bahay natin ang Pilipinas. Tungkulin nating protektahan ito laban sa lahat ng panganib!

May mga kilala akong HIV positive at nakakalungkot na ilan sa kanila ay kaibigan ko. Yung dating HIV statistics lang at figures na binabasa ko, ngayon may mukha na. Nakakalungkot talaga. :( Kaya naman, ipinangako ko talaga sa counselor ko na magiging maingat na ako nang bongga! Abstinence na ‘to! Jakol na lang. WOW. :) Iniisip ko na ngang mag-madre ‘eh. Arte pa?! Ibayong pag-iingat talaga ang kailangan sa panahon ngayon. At mabuting simulan ito sa pagpapa-test for HIV. Kaya go na! Pa-test na! Agree din ako panawagan na magpa-test din ang mga mataas na government officials natin para mahikayat ang lahat na magpa-test. Kailangan kasi talaga mawala yung “stigma” at “takot” sa HIV testing ‘eh.

Yun lang naman. Sana ay nahikayat kayo ni Madma. AIDS Awareness month pala ngayon so ito ang best time para mag-take ng test! Tandaan, hindi kayo nakakasigurado unless magpa-test kayo. Huwag kayong kampante. Huwag n’yong i-base ang HIV status n’yo sa gut feel n’yo. PAK! GO NA!

Yours truly,

Madma

(Sources: http://www.rappler.com/nation/16494-rising-hiv-cases-in-ph-buck-global-decline; http://www.philstar.com/headlines/2012/12/04/879865/hiv-cases-%E2%80%93-doh; and http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/NEC_HIV_Feb-AIDSreg2012.pdf)

(Photo credit: http://exministries.wordpress.com/2012/11/28/the-truth-behind-hip-hop-cdc-us-aids-epidemic-fresh-in-risk-taking-youth/ and

P.S. Bisitahin n’yo ang website ng “Take The Test Project” para malaman ang next nilang schedule for FREE HIV testing! Again, it’s for FREE! So wala ng dahilan para umarte-arte!

“Take The Test Project”

Website: http://www.takethetest.ph/

Facebook: http://www.facebook.com/takethetest/info

__________________

12 thoughts on “Matapang ka? Magpa-test ka!

  1. Hanga ako sa pagka-open mo sa readers mo, Madma!🙂
    I’m sure kahit papano, sa milyun-milyon mong readers (parang buong population na ng Pinas? Char!), maraming mahihikayat na magpatest dahil sa pagkwento mo ng experience mo.

    • wahaha. Gusto ko yung “milyung-milyong readers.” haha Salamat naman sa pag-comment. Kailangan talaga nating alisin ang stigma about HIV-AIDS dito sa ating bansa. Nakakaloka yung ang daming natatakot magpa-test. Ikaw ba? Nakapagpa-test ka na ba? Go ka na rin!🙂

  2. Ang ganda talaga ng entry na to. Napaka progressive! I love it, Madma! Coming from you, serious and rather gloomy things like these become so light and understandable! Love you mars!😉

  3. Hello naman, Thelma! Congarts naman sayo! Question lang, if positive ka ba, would you share it with your fans?😛

    Saan itong testing center na ito? Parang I wanna din. Kahit masasabi nating “tigang” ako, I would like to know din.

    • Hello naman Lorna! Miss na kitaaaaa! Ang taray naman ng tanong mo. Lakas maka-Q & A portion.🙂

      If positive ako, ang una kong gagawin is kukuha ng second opinion sa isang mamahalin at sosyal na hospital gaya ng St. Luke’s hospital. Tapos kapag postive pa rin. TANG INA! Iyaaak na! Waaaah! Then after that, dadaan ako sa tinatawag Kübler-Ross model a.k.a “five stages of grief” such as denial, anger, depression, bargaining and acceptance. Kapag nasa acceptance part na ako, doon ko na ishe-share ang lahat sa blog ko. hahaha. After all, tao rin ako na natatakot at nalulungkot. So, ibibigay mo muna ang nguynguy stage then sharing na.🙂

      Thank you judges.

      • Dapat “Thank you for that very beautiful question” muna. hahaha. Winner ang answer mo. Panalo ka na. Mahihiya sa yo si Miss Philippines-Universe. chosss.

      • Haha. Thank you so much, Ms. Thailand (taas din ng HIV rate ng Thailand, aminin mo!)🙂 MIss you, Thelma. See you soon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s