Si Madma at ang “PacMarquez 4” Event

pacman-marquez

Dear fans and followers,

I’m sure nalungkot kayo sa pagkatalo ni Manny Pacquiao sa nakaraang labanan nila ni Juan Manuel Marquez. Napanood n’yo ba? Hindi ko kasi napanood ‘eh. Hindi ako nanood ng boxing. Hindi ko ito genre. Nasa simbahan kasi ang Madma n’yo para mag-Ninang sa binyag habang nagbubugbugan sina Pacman at Marquez. Lakas maka-Sharon Cuneta nung nagni-Ninang ha. Aminin n’yo.🙂 Grabe yung luwag ng EDSA last Sunday! Panalo! Hiyang-hiya ang pwet ng bottomera sa luwag. Char.🙂 Iba talaga kapag may laban si Pacman. Nagmi-mistulang ghost town ang mga kalsada. Swabe ang byahe. Sing-swabe ng byahe sa mga first world countries! Sana ma-consider ng MMDA na ilaban si Pacman everyday para ma-solve ang nakakalokang traffic sa Pilipinas. I think very effective na strategy ito! Paging MMDA.

In fairness, ang daming nanghihingi ng opinyon ni Madma hinggil sa resulta ng “PacMarquez 4” event. Ang mum ko raw about it. Kaya naman, ito na! Since hiningi n’yo ang boses ni Madma, ibibigay!🙂

Una sa lahat, gusto kong sabihin na marami akong issues sa boxing as a sport. Hindi ko talaga ito gusto at naniniwala akong hindi ito mabuting activity. Hindi ako masaya na makita ang dalawang taong nagbubugbugan at nagpapatayan. Hindi ko naiintindihan kung bakit sinusuportahan ng maraming tao ang boxing. Sa normal na buhay, kapag may dalawang taong nagbubugbugan sa labas ng bahay or sa kalsada, hindi ba’t isusumbong natin ito sa barangay para ipatigil? Tapos kung may batang nakakita, sasabihin natin na huwag itong gayahin kasi MASAMA ang pakikipag-suntukan? Hindi ko talaga makuha ang point ng boxing. Hindi ako naaaliw. Hindi ako natutuwa. Live-action patayan ang boxing mga Ma’am! Konting pag-analyze naman. Grabe.

Nakakalungkot yung nakakalimot na ang marami sa atin na magtanong. Ang sad nung marami sa atin ang tumigil na sa pag-question ng mga bagay-bagay sa mundong ito. Nagugulat ako na ang daming humaling na humaling sa boxing sa kabila ng katotohanan na literal na PATAYAN ang ginagawa ng mga boxers. Naloloka ako sa suportang binibigay ng mundo sa boxing. Yung mga wagas kung makasigaw sa galak habang duguan at halos mamatay na ang mga boxers sa boxing ring. Hindi ba kayo kinikilabutan sa scenario na ito?! Ilang boxers na ba ang namatay dahil sa boxing? Ilang boxers na ba ang na-coma at na-paralyze dahil sa larong ito? My God! Hindi ko alam kung nakalimutan na ng mundo na BUHAY ng mga totoong tao ang nakataya sa larong ito or sadyang makitid lang ang utak ko at umaarte lang ako kaya hindi ko siya nae-enjoy. Hay.😦

PacMan

Natatakot ako sa fact na tanggap ng buong mundo ang boxing. Hindi ko naiintindihan kung ano ang nakakatuwa sa boxing. Hindi ko nauunawaan kung bakit enjoy na enjoy ang maraming tao ang boxing. Hindi ko gets kung bakit nakasuporta ang buong mundo sa larong ito. I just don’t get it AT ALL. Kung ako ang tatanungin, ang boxing ay porma ng patayan na nagtatago sa concept ng “sport.” Ito ang modern day “Gladiator” at ang real life “Hunger Games.” Ganun ang basa ko sa d’yan. I don’t even consider boxing as a sport kasi it’s not healthy AT ALL! Healthy ba yung buhay ng mga players ang nakataya at pwede silang mamatay at any point in time of the game? I don’t think so.

Ewan ko kung ako lang ang nag-iisip ng mga bagay na ito. Baka masyado lang akong critical. Baka dahil bading lang ako kaya hindi ko nae-enjoy ang boxing gaya na pag-enjoy ko sa videoke at pagkahumaling ko kay Regine Velasquez. Hindi ko alam. Basta ang alam ko, hindi ako masayang nakikita ang dalawang tao na nagpapatayan. Period. Magalit na ang mga magagalit sa akin. Suntukan na lang oh! WOW. Ayaw pala ng boxing ha.😉

Mag-reflect din kayo mga Ma’am. Mag-isip isip din kayo. Pagmuni-munihan n’yo rin ang mga sinabi ko. Hindi naman ako nagpapaka-moral at nagpapaka-santo rito ‘no. Makasalanan din naman ako at gumagawa rin ng masama at times gaya ng pagnanakaw. CHAR!🙂 Hindi ko naman kayo nire-recruit na paniwalaan ang beliefs ko. After all, may kanya-kanya tayong pag-iisip at paniniwala. I just want to share my views on boxing. That’s all. Thank you.  :)

Para naman sa tanong na dapat pa bang lumaban ulit si Pacman, ang sagot ko ay bahala siya. Malaki na siya. Kaya na n’ya mag-decide. Busy ako sa Christmas shopping para atupagin siya. After all, buhay naman n’ya ‘yan so siya na bahala kung paano n’ya ito gagamitin. Siya naman ang sasapakin sa ring so ibibigay ko na sa kanya ang desisyon. Shet. Hindi ko talaga keri ang concept ng suntukan. Grabe! Pero huwag n’yo rin akong hamunin kasi baka magsisi rin kayo. LAKAS! Paano kayo kung hamunin ni Pacquiao si Madma after reading this post? Ano tawag sa laban namin? “PacMadma: The Ultimate Fight?” WOW. :)

Kung hihingan naman ng payo si Pacman kay Madma, sasabihin ko sa kanya na tumigil na siya sa pagbo-boxing habang nabubuhay pa siya nang maayos. Habang malakas pa siya at nasa matinong pag-iisip. Mabuting i-spend n’ya na lang ang natitira n’yang buhay para makasama ang pamilya n’ya at mahal sa buhay. Maswerte siya dahil buhay pa rin siya after all that suntok and sapak na inabot n’ya sa lahat ng laban n’ya. Mapalad siya.😉 Kung nag-aalala siya sa pera at baka magutom ang pamilya n’ya kapag tumigil siya sa boxing, PLEASE! Tigilan n’ya ako! Sa dami ng pera n’ya, kahit second and third life n’ya at ng pamilya n’ya, isama na ang pamilya ko, ay covered na. WOW. Sinali rin talaga ang pamilya ko ha. Bakas din ha.🙂

So there. Yun lang naman. Just my two-four cents.🙂 Avail n’yo naman ang range!

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://www.pinoygigs.com/blog/category/sports/)

P.S. Babalik na naman tayo sa kinahuhumalingan n’yong payuhan soon! Abangan ang ating pasabog featured story! Shet.😉

Kung may nguynguy kayo sa buhay, ipadala lang ‘yan sa yourstrulymadma@gmail.com. Sumulat na kayo para ma-feature kayo sa YTM at para makatanggap kayo ng pasabog na payo mula kay Madma.! GO NA!

Malapit na ang Christmas! Pota. Ang bilis ng araw! Kaya naman hayaan n’yong kantahan kayo ng idol kong si Ms. Regine Velasquez.🙂 Excited na ako sa “Silver Take 2” sa January 5. Wooooh! Nakapagpalit na ako ng ticket for her concert. POTA!

Enjoy the video.😉 Ito pala ang unang birit ni Regine matapos ang pagkawala ng boses n’ya sa “Silver Concert” last November 16. SHET. She is sooooo back!!!😉

________________________________

 

8 thoughts on “Si Madma at ang “PacMarquez 4” Event

  1. Hear hear!!! I sooooper agree Madma! Not likey ang boxing. Kebs din ako dito. Para saken pwede lang itong maging positive kung for fitness purposes. Other than that eh ekis na.

  2. I’m with you Re: Boxing, Madma.

    Naaalala ko nung bata pa ako, iisa pa lang ang TV namin sa bahay (ngayon kasi dalawa na, OK lang? Hahaha!). Tuwing Sunday, may sapakan ng mga chararath bumba sa IBC 13 na kasabay ng ASAP. Sobrang inis na inis ako dahil nakatutok ang dad sa boxing eh gusto ko manood ng ASAP. So tuwing tatayo ang dad dahil commercial break na dominated ng Motolite Battery, nililipat ko sa ASAP tapos nilolock ko yung channel switcher (may ganung function yung TV namin eh, OK lang? hahaha!) So ayun, may slight commotion na nagaganap kapag Sunday lunchtime dahil ayoko ng boxing (alamna!) or may pagkabastos ako that way. Hahaha!

    Hindi naman ako pinipilit noon na manood ng boxing, pero simula bata pa ako, lampaque talaga sa boxing. Sinabi ko pa nga noon sa sarili ko na “kapag naging presidente ako ng Pilipinas, ipapatigil ko yang sport na yan!” Taas din ng pangarap ha! Hiyang-hiya ang saranggola ni Pepe.

    Pareho tayo: we just don’t get the point of this so-called “sport.” We don’t and we never will.

  3. Ako din, NOT LIKEY ang boxing. Di ko magets yung nagbabasagan ng muka and tawaging sports.

    Plus it pains me to hear news about boxers na badly injured sa match. Yung tipong napa – paralyze levels…😦

    Human sabong ang tingin ko dito, only hindi manok ang pinaglalaban. TAO.

  4. Madmaaaa. putang ina excited na ako sa Miss Engg. Grabe ang mahal din ng TF mo ha at 200 na ticket ngayon. Kidding. See you there!

  5. Exactly why I don’t really watch boxing. Nasabi ko na rin ‘yan the other day na sport nga ba ‘yan? And why would a Christian deliberately hurt another person…I did take some Muay Thai lessons and if i have money, I will again. Di naman para makipagbuntalan kundi for the fitness (sana!), discipline, and (‘wag na sanang kailanganin) self-defense. Walang sparring na nangyayari pwera na lang if you want to be trained for it (I don’t).

    That said, Pacquiao has my respect and he’s my favorite athlete (kasi nga sport nga raw ang boxing). ‘Wag na lang sa ibang bagay. (sorry)

  6. Hello Madma,

    Masasabing ang mga boxers/ufc fighters ang modern gladiators. Di mo talaga masyado maaarok ang pleasure ng mga “LALAKI” pag nagwatch sila ng mga ganito, sa boys kasi, competition palagi ang mga bagay-bagay. Palakasan, pagalingan, matira matibay.

    Sa totoo lang nalungkot ako sa ibang tao na sinali na ang religion sa pagkatalo ni pacman. Kung tutuusin wala naman sa paniniwala nya yung dahilan, Marquez was just better than Pacquiao on that day. Napatunayan ko rin ang pagiging “Christian” ni Pacquiao ng tanggapin nya ng maluwag ang pagkatalo nya. I salute Manny for changing for the better. aminin natin malayo na narating nya at madami na siya nabigay na karangalan sa bansa kapalit ng sakripisyo nya. For me, his last fight is the start of his next chapter of being a champion. Good luck Manny Pacquiao.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s