Waging-wagi ka, Ms. Janine Tugonon!

Janine

Dear fans and followers,

TANGINAAAAAA! 1st Runner-up tayo sa Miss Universe 2012! WOW naman! Super congrats sa ating manok na si Ms. Janine Tugonon. Pak na pak ka ‘Te! Grabe yung nerbyos at kaba ko ha. Muntik na akong putukin. Char.🙂 Sayang nga lang at hindi siya nanalo as Miss Universe. Tangina soooobrang lapit na ni Ms. Janine Tugonon sa korona! GRABEEEEE! Isang kembot na lang, sa kanya na sana ang crown!!! Pota naman oh. GRABEEEEEE! Hindi ako maka-move on sa part na ito! Ano baaaaa.😦 Eh kasi naman ang lapit na talaga eh! Haaaaaayyyyyyy…. Isang taon na naman ang hihintayin natin para rumesbak! Dapat monthly na lang yung Miss Universe eh o kaya quarterly. Tagaaaaaaaal pa ng December 2013! Leche.😦

Waging-wagi na rin si Ms. Janine sa puso nating lahat. Imagine ha, 89 candidates all over the world ang pinabagsak ni Ms. Tugonon. Si Manny Pacquiao nga hindi napabagsak ang kaisa-isang kalaban n’ya eh. Nakatulog pa si Kuya. So, I think mas malakas talaga si Ms. Janine! Pak!😉 Kaya naman, isang MALAKAS at DUMADAGUNDONG na shout ouch sa’yo, Miss Philippines Janine Tugonon. WINNER KA!🙂 Muli mong pinatingkad ang pangalan ng Pilipinas sa buong mundo. I’m sure, kilalang-kilala na talaga tayo ng mga foreigners. Feeling nila ang gaganda ng mga tao rito. Which is partly true. May mga pangit din kasi talagang nahalo sa atin. Kilala n’yo kung sino kayo.

Panalo ang sagot ni Ms. Janine sa Q & A portion. WAGI! Short, sweet and very direct to the point ang sagot ni Ma’am. Tangina. Kalkulado ang bawat bitaw ng mga salita! WINNER talaga! After kong ngang marinig yun, alam ko na mananalo siya eh. Ang tanong pala sa kanya is: “As an international ambassador do you believe that speaking English is a pre-requisite to be Miss Universe?” Ang tugon naman ni Ms. Tugonon sa tanong na ito ay: “For me Miss Universe is not about being able to speak a particular language, it’s about being able to influence and inspire other people. No matter what language you speak as long as you have the heart you can inspire other people.” WINNER!!!🙂 Bakit ba si Miss USA ang nanalo?! Medyo “dubious” din ako sa resulta ha. Saan nga ulit ang venue ng Miss Universe? Sa Las Vegas, USA, right? Hmmm… Hayaan na nga. So much for being nega.🙂 By the way ha, sabi sa rappler.com, this is the 8th Miss Universe title for USA with wins in 1954, 1956, 1960, 1967, 1980, 1995, and 1997. Shet. Hayaan na nga. Hayaan na nga. Bigay na natin sa kanila. Nasa kanila na eh. After all 1st Runner-up is 1st Runner-up. And Anna Dizon is Anna Dizon. Tanggapin na natin ‘yan. Move on na.🙂

Top 5

Ang saya nung Miss Universe 2012!!! Talaga namang tumigil ang mundo ng mga sangkabadingan. Ito na ang katumbas ng Pista ng Nazareno para sa mga bading. Kung may “Pacman Day” ang mga lalakng maton at mahilig sa boxing, may “Miss U Day” naman ang mga bading at mga girls. I’m sure yung iba nag-leave pa sa office para makapanood ng live. Yung iba naman nagsakit-sakitan na lang kasi ubos na yung leave. Sure ‘yan! Ang dali na rin talagang ma-track ng mga bading nowadays. Wala ng challenge masyado. Kabisado mo na yung galaw ng bituka nila. Mababasa mo na ring yung hilatsa nila. Love it! :) Agree ako sa comment ng iba na kapag absent ang officemate mo na guy ngayon, ALAM NA ALAM NA!🙂

Hindi ako nag-leave today pero pinabuksan ko ang TV dito sa opisina para makapanood ng live. Powerful ‘no?🙂 Syempre hindi dapat mahuli ang Diva! Ako pa ba yung papahuli? ‘Eh mas nauna pa nga akong maging bading kaysa sa iba d’yan. Excuse me naman.🙂 Dapat talaga national holiday na rin ang Miss Universe pageant eh. Paging PNoy! Ibigay mo naman sana itong simpleng hiling na ito. If I know, ayaw mo ring naaabala habang nanonood ng Miss U. Char.🙂

Ibang level talaga ang sayang dulot Miss Universe! RUROK! Pangarap din kasi ng lahat ng bading na sumali sa isang pageant. I’m sure noong mga batang bading pa lang sila or so-called “badette” ay nakasali na rin sila sa mga kunya-kunyariang Miss Universe along with other fellow badettes. Alam na alam ko ‘yan. Napagdaanan ko rin ‘yan.😉 In fairness, matangkad din ako noong bata ha. Long-legged din ang Madma n’yo.

Muli, binabati ko si Ms. Janine Tugonon! Galing! ;) Medyo hawig n’ya rin si Ms. Mirriam Quiambao ha. Dapat pala mga ka-peg ni Mirriam ang manok natin. Lakas ng chance manalo! Nakaka-exotic beauty. Congrats ulit, Ms. Janine. Mahal ka namin.❤

So ayun naman. Grabe yung hindi ko talaga napigilang hindi mag-blog about this despite my super busy schedule. Naisingit ko rin talaga itong nguynguy ko on Miss Universe 2012 agad-agad ha. Na-amaze ako na dere-deretso agad ang daloy ng thoughts ko pag harap ko sa computer. Parang daloy lang ng kanal. LOVE IT! Alam na talaga.🙂 Sana naman next year makuha na natin ang korona!!! Pota. Sabi pa sa article ng rappler.com, “this is the Philippines’ best finish since Miriam Quiambao in 1999. It is also the 3rd consecutive year that a Filipina has made the Miss Universe Top 5. In 2010 Venus Raj was 4th Runner up and in 2011 Shamcey Supsup was 3rd runner up.” Yun oh! FYI din, 1973 pa nung huling maiuwi ang Miss Universe crown sa bansa. Si Ms. Margie Moran ang huling Pinay na nakasungkit ng korona. TAGAL NA! Hindi pa ako pinapanganak noong 1973! My God. Sana talaga next year tayo na ulit. Lagi lang tayong muntik-muntikan in the past years. Haaaay.

So there. Malapit na ang Pasko! Wooooh. Bukas ay December 21 na pala a.k.a. End of the World as per Mayan Calendar. SHET! Ano kayang mangyayari bukas? ABANGAN…

I miss you all! Sorry naman at bihira mag-post. Ang busy ng Madma n’yo. Kaliwa’t kanan ang mga kaganapan. GRABE! Bawi na lang ako after ng Christmas season.🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://ph.omg.yahoo.com/news/ph-rep-janine-tugonon-conquers-miss-u-prelims-035138770.html and http://www.rickey.org/miss-universe-2012-winner-results/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=miss-universe-2012-winner-results)

(Additonal sources: http://www.rappler.com/life-and-style/18252-miss-philippines-wins-1st-runner-up-at-miss-universe-2012 and http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_Miss_Universe_titleholders)

P.S. Happy Birthday ulit to my TF, Mr. Rustan Paolo Baltazar.🙂 Hindi na tayo nag-aaway! Away naman!😉 Salamat sa pag-invite sa akin sa bahay n’yo kagabi. In fairness to me, two consecutive years na pala akong sole visitor sa bahay n’yo tuwing birthday mo ha. Ako na!🙂 Sarap ng spaghetti ni Tita. PANALO!

Stay happy, TF. Huwag mo na akong aawayin ha? WOW.🙂 I love you.🙂

Stan

P.P.S. Malapit na ang “Silver Take 2” ni Regine Velasquez!!! January 5 na ito sa SM MOA Arena. Woooooh! Hindi na ako makapaghintay na marinig ang resbak ni Songbird. Pota.🙂 Check n’yo pala itong very recent na video n’ya. Partida ha, rehearsal pa lang ‘yan! Shet.

Enjoy.❤

___________________________________

 

6 thoughts on “Waging-wagi ka, Ms. Janine Tugonon!

  1. Hi Madma, what is your email address? I would like to send you an email regarding an invitation to our brand ambassador program🙂 Thanks!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s