Merry Christmas and Happy New Year To You and You… And You… You Gonna Love Me!

HNY

Dear fans and followers,

KAMUSTA NA KAYO?! Hindi na tayo nagkaka-chikahan lately ha. Kasi naman ang busy din talaga ng holiday season. Ibigay muna natin ito sa isa’t isa. Naka-vacation mode rin ang Madma n’yo. Huwag muna tayo maging clingy for now. Kiki-clingy much!

Anyway, since na-miss ko kayo, chikahan muna tayo nang saglit. Wala pa palang Christmas and New Year special ang YTM kaya naman ito na! Syempre, I owe it to the fans. WOW.😉

merry_christmas_11_1200

Tapos na ang Christmas. Just like that! Sobrang bilis. My God. Na-feel n’yo ba ang Christmas? Medyo iba na rin talaga ang panahon ‘no? Sabihin na nating “nabawasan” nang very light ang kinang ng Pasko. Ewan ko kung nag-mature lang ako kaya medyo iba na ang tingin ko sa Pasko or sadyang iba na ang talaga ang makabagong mundo ngayon. Parang hindi na siya masyadong festive like before ‘no? Mas less na ang mga bahay na may Christmas tree, parol, Christmas light etc. Yung iba sadyang hindi na nagkabit ng mga Parol kasi katwiran nila, tatanggalin din naman. Nega much ang mga pota! Pero may point. Char.🙂 Mas konti na rin ang nagre-regalo nowadays at mas konti na rin ang mga handa sa lamesa. Yung mga pinamimigay sa mga inaanak, medyo nabawasan din. Dati nasa P300-P500 ang bigayan sa mga inaanak. Ito yung bentahan sa merkado before. Ngayon parang nasa P100-200 na lang. Yung iba nga “tawad” na lang ‘eh. Pansin n’yo ba? Haaay… Sigurado mas mahirap lang talaga ang buhay ngayon kaya ganito. Tipid mode rin ang mga kababayan natin. Kumbaga “naghigpit din ng sinturon” ang mga Ma’am/Sir n’yo. Ang sad naman na iilan na lang kameng nakakaginhawa sa buhay. WOW.

Nonetheless, nakakatuwa na hindi nawawala ang reunion at gathering ng pamilya tuwing Pasko. Ang saya lang makita na sa kabila ng kahirapan ay talaga namang niraraos din kahit papaano ang Pasko. Bilib ka rin sa mga Pinoy, maghahanda rin talaga kahit wala na. Isasanla rin yung ref o kaya TV para magka-pera. Competitive! Ayaw patalo sa kapit-bahay. Char.🙂 Ang best part lagi ng Christmas is yung Noche Buena gathering. Aaaay… love it! Ang saya makita at makasama muli ang mga pinsan mo, mga tito at tita, mga pamangkin, Lolo at Lola, at iba pang kamag-anakan. HEAVEN! Sa kabila ng mga alitan at tampuhan sa pamilya, nabubuo rin talaga ang lahat tuwing Christmas. BEST! Love always prevails talaga. Or not.

First time ko pa lang mag-effort bumili ng regalo para sa mga friends and family members. Alam n’yo na, medyo may pera rin tayo nowadays. Kayo ba?🙂 Nakaka-yaman yung nagpapamudmod ng regalo. Parang Kris Aquino level. First time kong mamili sa Divisoria mag-isa and surprisingly, na-enjoy ko siya. Ang best ng Divisoria. Tangina. Lahat andoon na! Pwera lang jowa. WOW.🙂 Kung anu-ano ang tinitinda sa Divi. Wala ngang nasunod sa checklist ko kasi lahat nabago. Nakakaloka! Na-in love talaga ako sa beauty ng Divi. Soobrang buhay na buhay ang lugar na ‘yun. Aliw na aliw ako sa mga paninda doon kaya super enjoy ang pamimili ko. Deadma na sa may mga putok at pawisang masa na makakagitgitan mo. Part yan ng experience.😉 Ako rin pala ang nagbalot ng mga gifts after. EFFORT! And natuklasan ko na ang gift wrapping is a special skill. Either you have it or you don’t. Apparently, I don’t. AS IN! Kaya naman any-any na lang ang pagbalot ko. My God! Pero alam naman nating sa huli, it’s the thought that counts. Or it’s kantot that counts. CHAR!😉

At isa pang bagay ang dapat nating ipagpasalamat ay yung fact na hindi nagunaw ang mundo last December 21! Tanginaaa. Thank you, Lord! Naka-leave pa naman ako that day para at least ready. Hirap namang maabutan ng end of the world sa office. Loser much! Salamat naman Lord at sa kabila ng mga kasalanan namin ay binigyan mo pa kame ulit ng chance na mabuhay. Nakakaloka yung nadisappoint ang iba na hindi nagunaw ang mundo ha! Tangina. Gunawin ko kaya mga bahay n’yo?! Leche. Sana nagpa-sign up na lang si Lord kung sino ang gustong mawala na sa mundo. Voluntary exit ang peg. Tapos yung mga nag-sign up, ihulog n’ya sa kumukulong apoy! Kingina. Hindi pa nga ako nagkaka-jowa so bawal pa ang end of the world.😉 Love ko pa rin ang mga Mayans kahit na nagkamali sila ng predict. At least nabigyan nila tayo ng wake-up call sa mga ginagawa natin sa mundo. Kaya naman sa second life nating ito, sikapin nating maging mabuti at mahalin ang buhay. Lakas maka-El Shaddai nung line na yun. Amen. Or Emen. Pwede ring Ehmen.🙂

Traditional Santa Claus3

Excited na ako sa New Year! Bagong taon, bagong pag-asa! Bagong taon, bagong aura! Nae-excite na ako sa mga pakulo at kaganapan sa 2013. Shet! Sana naman ay mas maging masagana ang bagong taon para sa ating lahat! Sagana sa pagkain, sa pera, sa kalusugan at syempre sa sex. Yun oh! Sana ay hindi maging nega ang 2013. Medyo scary din kasi may number 13. OMG! Alam n’yong bad luck ang number na ‘to. Gosh. Pero, tuloy lang ang laban. Tuloy ang buhay. Sama-sama tayo sa hirap at saya sa 2013.🙂 Gumagawa na ba kayo ng new year’s resolutions? Naku itigil n’yo na ‘yan kasi hindi naman ‘yan natutupad. Huwag na kayong magpanggap. Go with the flow na lang.

At sa blog ko naman, asahan n’yo na MARAMING pasabog ang Yours Truly, Madma sa 2013!!! Abangan n’yo ang mga pakulo ni Madma sa mga susunod na araw. Itotodo natin ito. Hindi tayo titigil sa mga pasabog! Patuloy nating babaguhin ang mukha ng blogging world. Mas pinalakas, mas pinabongga at mas pasabog na YTM sa 2013! SHET! Excited na ako! Kapit kayo.

Maraming salamat sa tiwalang binibigay n’yo kay Madma. Salamat sa suporta at pagmamahal. Salamat sa mga fans na walang sawang tumatangkilik sa blog na ito.

I love you all. Merry Christmas and Happy New Year to everyone!

To end this post, hayaan n’yo namang i-serenade kayo ng ultimate idol ko na si Ms. Regine Velasquez. Super galing n’ya sa kantang ito! Kung ganito ang mangangaroling sa amin, ibibigay ko agad ang bahay namin! Pota. Kahit kapatid ko ibibigay ko na.🙂 Go, Regine! Ito pala ang rendition ni idol ng song na “O, Holy Night.” BEST! GRABE!❤


____________________

Ang galing ni Regine! Pota. Excited na sa resbak ni idol sa “Silver Rewind.” Sa January 5, 2013 na ito sa SM MOA Arena. Caaaaaaan’t wait! Shet. Sana naman hindi na siya paos by then.🙂

Ito pala ang teaser ng “Silver Rewind.” Wooooh!


___________________

So, there. See you all next year. Which is next week na rin pala.🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://hhdwallpapes.com/desktop/happy-new-year-2013-hd-wallpapers-new-year-wishes-photos-1080p/.html?pid=926; http://hhdwallpapes.com/festival-celebration/happy-christmas-2012-hd-1080p-wallpapers-desktop-photos/.html?pid=542 and http://christmas-santaclaus.blogspot.com/)

P.S.

Malapit na ang pagbabalik ng mga inaabangan at kinalolokohang payo ni Madma! Kaya naman ipila n’yo na ang stories n’yo habang maiksi pa ang pila.

Ipadala ang inyong nguyngoy at ngasngas sa: yourstrulymadma@gmail.com. Sulat na para ma-feature na kayo sa YTM! GO!

P.P.S.

Isang bonggang pagbati sa aking CF na si Mr. Albert Konrad de Luna! Binabati kita sa iyong ika-28 na kaarawan. My God! Malapit ka na mag-30 years old ha. At least may jowa ka na. Yikeeee…🙂 Gaya ng sabi ko, masaya ako sa mga pagbabagong dumarating sa bahay mo. Andito lang kame para sa’yo. Laban lang!

I love you, CF. Sana baguhin mo na yung mga “masasamang” ugali mo.🙂

CFs
_______________________

And since birthday mo ngayon CF, hayaan mong kantahan ka ni idol Regine ng isang “simpleng” Christmas song. Ito na lang ang regalo n’ya sa’yo. hahaha

Presenting, Regine Velasquez in scat singing! PANALO!!! Mahusay. Wagi. Pak. Regine is lurve.❤


_________________________

One thought on “Merry Christmas and Happy New Year To You and You… And You… You Gonna Love Me!

  1. Hello i loved the music and the wonderful gift
    That you have given to us all
    I wish for you a wonderful new year
    for you and your family
    I wrote this poem for the girl
    I will always love
    For the devotion above
    And beyond her call of duty
    I got the inspiration from this song
    I hope you like it.

    Daniel angel from Cape Cornwall

    The love Inside
    I wanted to tell this world,
    That you were the one for me.
    Happy, smiling and genuine,
    For all the world to see.
    A person with such beauty,
    Elegance, poise and grace,
    So difficult to live without,
    Impossible to replace.
    I never want to spend a day,
    Without you by my side.
    My heart would ache forever more,
    I’d feel like I had died.
    I spent a lifetime searching,
    For a love that is so true.
    And now that I have found it,
    I’m holding on to you.
    You hold my heart within your hands
    Never let go
    For what it is to lose you,
    I don’t want to know.
    I’d move heaven and earth for you,
    Because you deserve the best.
    A love that is so genuine,
    You do not need to test.
    So don’t go through life walking,
    With your head up in the cloud.
    Hold my love inside of you,
    And stand up and be proud.
    I could never hurt you,
    I’ll keep you by my side.
    Destiny are road map,
    And love will be our guide.
    We’ll build our dreams together,
    And live them to the full.
    As long as you are by my side,
    They’ll be the best of all

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s