Madma Reacts: SM Megamall Robbery Case, Carlos Celdran Case and Wowowillie

Dear fans and followers,

Hello naman ulit sa inyo. Bonding naman! Hindi pa pala ako chumuchika sa inyo this week. Sorry naman. Minsan talaga “nakakaabala” ang trabaho sa mga gusto mong gawin sa buhay. Char. 🙂 Miss ko na kayong lahat and I’m sure miss n’yo na rin ako. #Assumera 🙂

Anyway, ang daming naganap this week. GRABE! Samu’t sari na namang mga happenings ang bumulaga sa atin nitong nakaraang araw. BONGGA! Andyan ang nakakalokang robbery sa SM Megamall, ang literal na pasabog slash explosion sa aking Alma Mater, University of the Philippines-Diliman, ang pagkaka-convict ni Mr. Carlos Celdran dahil sa kanyang “Damaso Act,” ang ongoing saga ng Tubbataha Reef case at ang pagbubukas ng show ni Mr. Willie Revillame na “Wowowillie.” So many happenings for a short period of time! Walang time ma-bore! Bawal tumengga! 🙂

Kaya naman, maglalabas muna ako nang very light reaction sa ilan sa mga ganap na ito. I think I owe it to my fans and followers. 🙂

GAME!
_____________________________________________

SM Megamall Robbery Case

SM Megamall

Ibang level na rin talaga ang tigas ng mukha ng mga masasamang tao ngayon ‘no?! Wala ng pinipiling lugar. Matao man o hindi, deadma sila. Kingina. Lupeeeet! Na-amaze ako sa tapang ng apog ng 6 na magnanakaw na ito dahil mismong loob talaga ng SM Megamall ang tinira nila. At take note, around 7:30 p.m. sila dumale ha. Rush hour!!! Shocking!!! 😦

Sa saglit na panahon ng pagnanakaw ng 6 na hinayupak na ‘to, nakakuha sila ng almost 200 pieces of jewelry. GRABE! Ang bilis ng mga kamay nila!!! Kaya naku mag-ingat kayo sa mga friend n’yo na mabilis mag-type sa keyboard kasi malakas ang tendency n’yan na “magnakaw.” Promise! Char. 😉 Kawawa naman yung mga tindahang napagnakawan. Haaay… Group hug naman natin yung mga biktima!:(

Super alarming ng balitang ito for me kasi madalas din akong pumunta sa SM Megamall bilang malapit ito sa tinitirhan naming apartment. Dito ako nagsho-shopping, kumakain, nagvi-videoke, nanonood ng sine, nakikipag-EB etc. Kaya malapit sa puso ko ang mall na ito. Para na rin akong may-ari n’yan ‘eh. WOW. 🙂 Buti na lang at wala ako ng mga oras na naganap ang krimen kasi more sigaw ako for sure! Alam n’yo namang ratchadora ang bunganga ko so malamang mapa-trouble ang Madma n’yo. Baka maloka yung mga robbers sa bunganga ko tapos ako yung puntriyahin nila. Afraid!!!

Sa mga ganitong kaso, laging nasasabon ang mga naka-duty na security guards. Naku, ito na naman tayo sa usapin ng security guards! Sabi sa nabasa kong reports, based sa CCTV footages, isa lang sa anim na robbers ang armado ng .45 pistol at ito ay naka-tuck sa waistband n’ya, right on top of his abdomen. O, ‘di ba? Wagas ang kapal ng mukha ni Kuya?! Doon talaga naka-suksuok ang baril n’ya sa pinaka-obvious na spot. Parang pinagsisigawan n’yang “MASAMANG TAO AKO! MASAMNG TAO AKO!” Ganung level. Ito namang mga security guards ay muli na namang naisahan gaya ng portrayals nila sa mga Pinoy action film. Tsk. Tsk. Tsk. Hindi magugustuhan ni Amalayer Diva herself Paula Jamie Salvosa ‘yan! Alam n’yong “malapit” sa puso n’ya ang mga security guards.

Hay naku… Kapag may mga ganitong kaso, lalo lang lumalakas ang stand ko na dapat mas mag-invest na talaga sa mga bonggang detector machine ang mga malls and all establishments for that matter para mas secure. Aminin natin, hindi talaga efficient ang mga security guards when it comes to checking the entrance points of an establishment. Simpleng “dutdot” at “kapa” lang namang ang ginagawa nila in reality kaya madali rin talaga silang maisahan. Well, hindi ko naman sila masisisi kasi tao rin sila at sa dami ba naman ng mga pumapasok sa malls ‘eh mabuburyong ka rin talaga. Kung ako siguro security guard, ngingitian ko na lang lahat ng mga papasok kasi nakakatamad mag-check! Lalo na kung sa MRT ako ma-destino. Diyos ko po! Kunin n’yo na lang ako!!!

Tsaka pabor din ako na dapat armado ang mga security guards sa mga malls. Hindi pala sila armado?! All these years, akala ko ‘eh may mga baril talaga silang tunay! My God! Naloko ako doon ha. Kaya naman wala ring nagawa ang mga security guards during the incident kasi hindi naman sila armed. Anong expect nating gagawin nila? Sasayaw ng Gangnam Style?! Naku naman…

Well, i-wish na lang natin na mahuli ang mga gagong magnanakaw na ‘yan at hindi na masundan. At least yung iba na-identify sa CCT footages. Very good! Pasasaan pa’t titimbog din ang mga ‘yan. Leche.
______________________________________

Carlos Celdran Case

Carlos Celdran

Isa pa itong nakakalokang balita. Hindi ko kinaya ang pag-convict ng Metropolitan Trial Court Branch 4 kay Tour guide and Reproductive Health advocate Carlos Celdran for “offending religious feelings.” Ack. Nakakasuka.:(

Article 133 of the Revised Penal Code punishes those who “in a place devoted to religious worship or during the celebration of any religious ceremony shall perform acts notoriously offensive to the feelings of the faithful.” O, ‘di ba? May batas pala na ganito?! Ansabe?!

Well, ang pinaka-issue ka rito is yung word na “offending.” Very subjective lang talaga. Kapag “na-offend” pala, dapat magkaso na?! Ang babaw ha. ‘Eh ang daming beses ko na na-offend sa loob ng simbahan ‘eh. Yung mga sermon ng pari na masasama at makasalanan ang mga gays and other members of LGBT. Yung mga sermon na masusunog sa impyerno ang mga bading. Yung mga sermon na hayagan nilang pino-promote ang Anti-RH Law etc. etc. OFFENSIVE rin kaya ‘yun for me! So magkakaso na ko?! Petty. At tsaka I don’t think na yung ginawa ni Mr. Celdran falls under “notoriously offensive” gaya ng nakalagay sa Article 133. Notorious act ba yung ginawa ni Mr. Celdran? I don’t think so. Mas notorious pa rin yung panghahalay ng ilang pari sa mga sakristan sa ilang simbahan. Yan ang notorious! Ang chaka ng batas na ito ha. Ples.

Totoong mali yung ginawa ni Mr. Celdran. Hindi naman made-deny ‘yan. Hindi talaga tama yung pumasok siya sa loob ng Manila Cathedral with his Damaso costume at sa loob nagprotesta habang may religious/ecumenical service. May tamang lugar sa lahat ng bagay. Point taken. May mali sa ginawa ni Mr. Celdran and I highly agree with it. Pero para IKULONG siya for 2 months and 21 days to a maximum of one year at isama siya sa mga mamamatay-tao, mga rapist at mga criminal ay HINDI MAKATARUNGAN!!! Anooo baaaa. That’s offensive! Dapat mag-kaso na rin si Mr. Celdran against the church kasi na-offend siya! Pwede sigurong bigyan siya ng ibang sanctions para sa ginawa n’yang kasalanan like paglinisin at paglampasuhin ng buong Manila Cathedral o kaya mag-scrub ng bubong ng simbahan pero not ikulong. Hindi ganun kabigat ang kasong ito para patawan siya ng pagkakakulong. Hindi criminal offense ang ginagawa n’ya. Gosh! Para ka na ring nagkulong ng isang bata kasi inasar niya yung kaklase n’ya sa school. Ganung level sa ka-cheapan. Haaaay… Napapabuntong-hininga na lang ako. What’s happening to this country!

Sana patawarin na lang ng simbahan si Mr. Cedran, After all, ang simbahan naman ang nagtuturo sa atin na dapat “magpatawad.” Ngayon ang best way para i-showcase ng church ang knowledge nila sa pagpapatawad.

Anyway, Mr. Celdran would appeal against the court’s decision and sana naman ay manalo siya. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.
_________________________________

Willie sa Wowowillie

Wowowillie

Napanood ko pala yung pilot episode ng bagong show ni Mr. Willie Revillame na “Wowowillie” last January 26, 2013 sa TV5. Balik noontime na ulit ang show ni Willie para pataobin ang “Eat Bulaga” ng GMA 7 at ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN 2. Don’t get me wrong ha. Hindi ako fan ni Willie! Si Regine Velasquez ang idol ko at alam kung alam n’yo ‘yan. Pinanood ko lang siya kasi naiintriga ako sa balitang more than P 100 Million ang ginastos ng TV 5 para sa bagong show na ito plus may more than 100 performers and at least 360 dancers for its launching episode. O, ‘di ba bongga?!

Kaya lang naka-45 minutes or so lang ako ng panonood kasi hindi ko kinaya ang kabastusan ni Willie. Grabe yung pinapahiya n’ya yung mga co-host n’ya on-air! NAKAKALOKA. 😦 Hindi ko kaya yung mga banat n’ya sa bagong mainstay host ng show na si Ms. Ethel Booba. Nakakanginig. Nakaka-offend. Nakakasura. Parang may eksena na nagbibiro si Ethel tapos sinabi ni Willie after na “Ayos ka rin ha. Hindin ka naman nakakatawa. Parang hindi ka na babalik sa Monday.” Ganyan. Something to that effect. Very sarcastic. Ack.

Hindi ko gusto ang brand of comedy ni Willie. Hindi ako bilib sa kanya as a host kasi hindi naman siya magaling for me. Sa totoo lang, mas magaling at talented pa si Ethel Booba kaysa sa kanya. Hindi ko keri yung naninermon siya on-air. Hindi healthy for the show and for the entire staff and hosts. Stressful panoorin. Sakit sa mata. Sakit sa tenga. Ikaw ba gaganahan kung ipapahiya ka? I don’t think so. Hindi motivating ang ganitong mga antics. Sabi ko nga, mas pipiliin ko na lang maging labandera kaysa maging co-host ni Willie. Hindi ko kaya. Period.

Good luck na lang sa show n’ya. I don’t think na manonood pa ulit ako ng show na ito. Ipapaubaya ko na sa Diyos ang kapalaran ng Wowowillie. At sana tumagal si Ethel sa show. I have this vibe na matsu-tsugi siya very soon. Wait and see tayo.
_______________________________________

Yun lang naman ang ngasngas ko. Ang haba na rin ha! 🙂

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://newsinfo.inquirer.net/348095/200-pieces-of-jewelry-lost-in-mall-heist; http://newsinfo.inquirer.net/348483/celdran-to-appeal-guilty-verdict; http://www.pep.ph/guide/tv/11358/pep-exclusive-p100-million-spent-for-tv539s-new-show-wowowillie)

(Photo source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/01/26/13/shooting-incident-sm-megamall-causes-panic; http://www.spot.ph/the-feed/46647/tour-guide-carlos-celdran-arrested-after-protesting-during-an-ecumenical-service-charged-for-offending-religious-feelings; http://pinoyhitsandflops.blogspot.com/)

P.S. Payuhan ang peg natin bukas! Sa mga gustong magpadala ng ngasngas at ngawngaw sa buhay, sumulat lang at ipadala sa yourstrulymadma@gmail.com. GO!

Advertisements

Bading pero may Girlfriend?! SHOCKING!

Chick

Hello Madma,

Gusto ko lang sumangguni sa’yo about sa ex-boyfriend ko. I just find him weird.

Sometime February last year, natapos ang 3 year-relationship namin ni ex-boyfriend. Ako ang pinakamatagal n’yang karelasyon. Naka-3 boyfriends din yata siya bago yung amin. Maayos naman ang hiwalayan namin and friends naman kame up to now. Though hindi na sobrang close.

Ang weird lang kasi nalaman kong may girlfriend na siya ngayon. Nabalitaan ko sa isang common friend namin. Nalaman ko pa na ay planong pakasalan ni ex-boyfriend ang babaeng kinakasama n’ya ngayon. Hindi naman po ako bitter or anything. Naka-move on na po ako sa totoo lang. Swear! Ang weird lang na may girlfriend siya ngayon after n’yang makipagrelasyon sa mga lalaki before.

Pwede ba talaga itong mangyari? Naguguluhan lang ako sa mga nagaganap. Ano tingin mo Madma?
Salamat and more power.

-Jake

P.S. Pogi si ex-boyfriend at borta. Hawig siya ni Andrew Wolff.

_________________________________

Dear Jake,

Hello naman sa’yo, Jake. Naku baklaan na naman ang topic. Gustung-gusto ‘to ng mga fans and followers ng YTM! 🙂 Grabe yung ako na talaga ang takbuhan ng mga bading kapag may mga ngasngas sila sa buhay. Lakas maka-Icon nito! At hindi ko kinaya yung kamukha ni Andrew Wolff ang ex-boyfriend mo ha. Hooong pogi nomooon!!! Shet. Siguro ang saya-saya mo nung kayo pa at talaga namang “panay-panay” ang sex n’yo ‘no?! Umamin ka. Huwag mo akong artehan! Ang sarap namang “madiligan” ng pogi! Pogi ka rin ba, Jake? Padilig naman d’yan. Tuyo ‘eh. CHAR! 😉 Ano ba ‘to ang landi ko na naman. Ang lamig kasi ‘eh! Hindi ko mapigilan! 🙂

Anyway, naku huwag ka ng maguluhan, Jake. Weird na talaga ang mundo ngayon just in case hindi mo napapansin. Marami na talagang mga “kababalaghan” at “misteryo” sa lipunan ngayon ang hindi maipaliwanag ng simpleng isipan. Halimbawa, ang mga Korean songs ay patok na patok sa atin kahit hindi natin naiintindihan yung lyrics. Ang mga lugar na hindi binabagyo, ngayon ay binabayo na rin. Si Regine Velasquez, sa unang pagkakataon, ay hindi nakakanta sa sarili n’yang concert. Si Manny Pacquiao, nakatulog at bumagsak sa laban n’ya kay Marquez etc. etc. O, ‘di ba ang weird?! Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka yung mga eksenang biglang nagkaka-girlfriend ang mga beki ngayon. Nakakaloka, yes. Pero it really happens these days. 🙂

Aaminin ko, weird talaga ‘yang eksenang ganyan. Kahit ako man ay naloloka sa ganyang drama. Ka-level ‘yan ng relationship ni Mahal at ni Jimboy dati. O kaya ni Madam Auring at yung boy toy n’yang si Archie. O kaya ang biglang pagtangos ng ilong ni Ms. Lani Misalucha tapos sasabihin n’yang hindi raw siya nagparetoke. Ano yun biglang tumubo? Monggo seed? NAKAKALOKA TALAGA. 🙂 Sa akin kasing paniniwala, kapag bading, BADING! Hindi siya katulad ng ubo at sipon na nawawala at gumagaling. Hindi siya katulad ng insomnia na iinuman mo lang ng sleeping pills tapos ok na. It doesn’t work that way for me. Ang sisiw, kulayan mo man ng kulay pink, violet or yellow, sisiw pa rin‘yan. Hindi mo mababago ‘yan. Period. 🙂

May mga personal friends din ako na bading tapos after makailang boyfriend ay biglang nagka-girlfriend. Shocking talaga sa una. Hindi ko masyadong kinakaya ang biglaang shift ng “diet” nila. Dati enjoy na enjoy nila ang “talong” tapos bigla na lang silang nahilig sa “tahong.” BONGGA! 🙂 Natural reaction naman yung magulat at maloka sa balitang ganito. Ako nga may patili-tili pa kapag nakakatanggap na mga ganitong balita. O, ‘di ba ang arte?! 🙂 ‘Eh kasi naman nakakawindang nang tunay ang mga ganitong chismis. Lalo na’t alam na alam mo kung gaano kaberde ang dugo ng friend mo na pumatol sa babae. Nakakanginig talaga ng laman ‘yan. SHOCKING!!!

Pero at the end of the day, wala naman tayong magagawa kundi tanggapin at yakapin ang mga milagrong ganito lalo na kung kaibigan mo. Ang policy ko na lang lagi is basta masaya ang friend ko sa ganyang set-up at genuine ang nararamdaman n’ya, ok ako. 🙂 Ako pa ba yung aarte? Mas una kasi sa akin ang kapakanan at nararamdaman ng friend ko kaysa sa sarili kong arte. Lakas maka-politician nung inuuna ang kapakanan ng kapwa kaysa sa sarili! 🙂 Hindi man natin lubos na naiintindihan kung ano ang tumatakbo bigla sa kokote nila, support pa rin tayo dapat sa kanila. Malay mo nga naman, bigla talaga silang tinawag ng “kakaibang” pag-ibig. Bigay rin natin sa kanila ang benefit of the daw. 🙂

Take it from Madma, deadmahin mo na ang ganap ng ex-boyfriend. Hayaan mo na siya. Naka-move on ka na ba talaga? Parang hindi pa! Char. 🙂 Respetuhin mo na lang ang desisyon n’ya and i-wish na maging masaya siya sa napili n’yang landas. Kung friend mo talaga siya, you’ll be happy for him. 😉 And besides, ang dami pang ibang pwedeng pagkaabalahan kaysa sa isipin ang mga kaganapan ng ex mo ‘no. Sayang naman ang space sa utak mo kung siya lang ang laman n’yan. Paupahan mo na lang! Wow. 😉

Yun naman ang akin. Keyword: RESPECT. 😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.omgsocute.com/2011/10/04/rainbow-colored-chicks/)

P.S. Super excited na ako sa pagbabalik ng pinakamaganda kong friend na si Ma. Gertrude Hernandez! Excited na ako sa bonding natin! I sooo miss you. Susulitin natin ang appearance mo. 😉

I love you, Ganda. ❤

Ger
____________________________________

P.P.S. Sa Sunday (January 27, 2013) na pala ipapalabas sa TV ang nakakalokang ‘Silver Rewind’ ni Idol Regine Velasquez! Mapapanood n’yo na kung paano niya tinodo ang birit n’ya sa kontrobersyal na concert na ito. BONGGA! Siguraduhing nakakatutok kayo sa GMA 7 at exactly 9:30 p.m. sa Linggo ha. Sama-sama tayong manood. Woooh! ❤

Na-miss ko naman bigla si Asia's Songbird. 😉 Sharing this very recent performance of Regine. PASABOG 'TO! SWEAR! ❤


_____________________________________

Madma Reacts: Ricky Lo-Anne Hathaway Interview, Tubbataha Reef Accident and American Idol Season 12

Dear fans and followers,

Hello naman!

Hindi na tayo nagbo-blog. Ang busy nitong mga nakaraang araw. Ngayon lang ako “nakahinga.” 🙂

Kamusta na kayo?! Soobrang lamig lagi. BEST! To be exact, kaninang umaga ang pinakamalamig nating temperature at 18.1 degrees Celsius. Waaaah! Aarte pa?! Lakas maka-Europe! Kaya naman nagkaka-windburn na ang Madma n’yo. Shet. Sobrang cheap nung nagkaka-windburn sa Pilipinas ha. Aminin n’yo. 😉

Pero still, gusto ko pa rin ang malamig na panahon. Sa gabi, nakatutok lang yung industrial fan ko sa mukha ko at naka-number 3. O, ha! Deadma na sa windurn tsaka sa TB. Lamig is lurve talaga. ❤ Tsaka nababawasan yung mga may putok dahil malamig. Hindi na masyadong offensive ang amoy ng LRT at MRT these days. Amoy baby pa rin ang masa kahit na gabi na. Love it! 😉 Pero kinakabahan ako sa summer. My God! Feeling ko bubwelta ang init at dadami na naman ang puputukin. Bakit ba kasi naimbento pa yang putok sa kili-kiliki. Sana time machine na lang yung naimbento instead na putok at baktol. Anyway, matagal pa naman ang summer so enjoying muna natin ang lamig. GV, GV muna!

Kung malamig sa Metro Manila, naku Alaska level na sa Baguio. Ang pinakamalamig na temperature sa Baguio ay 9.5 degrees Celsius last Friday. Hooong lamig! Pati pawis n’yo giginawin din dun for sure. 🙂 Ang hirap lang kapag malamig is yung pagligo sa umaga. Tangina lang talaga. Pahirap! Mga 1 hour lang akong tulala pagkagising bago kumilos. Parang naka-drugs lang. Ganyan. Para may idea kayo, ito ang schedule ko sa umaga nowadays:

6:30 a.m. Gising
6:30-7:30 a.m. Tulala
7:30-7:33 a.m. Ligo
7:33-7:55 a.m. Bihis
8:00 a.m. Pasok

O, ‘di ba ang bilis ko maligo?! 3 minutes lang. Parang aso lang. ‘Eh ang lamig ‘eh. Buti nga naligo pa! Yung iba nga nakasuot na yung uniform na pang-office bago matulog sa gabi tapos pagising sa umaga, pagtayo sa kama, deretcho agad sa sakayan ng jeep. Panalo! 😉

Syempre charoth lang yung 3 minutes lang ako maligo. Baka kumalat sa internet tapos ikabagsak pa ng career ko. Mga 20 minutes lang talaga ako maligo nowadays. Wala nang kanta-kanta sa shower. Wala ng jakol. Pagpasok sa CR, buhos agad. Ligo agad. I really mean business here. Ganyan! I’m sure struggle n’yo rin sa umaga ang maligo. Pero BAWAL MAG-GIVE UP HA! Bawal magpatalo sa lamig at pumasok sa office ng hindi naliligo. Konting hygiene naman mga Ma’am/Sir. 🙂

Moving forward, ang daming mga kaganapan nitong nakaraang araw na worth it i-blog. Nakakaloka. Buhay na buhay ang show biz at politics sa mga issue at chika. Kaya naman hayaan n’yo muna akong magre-react sa ilang mga events. I think I owe this to my fans. WOW.

Game!
____________________________________________

Ricky Lo-Anne Hathaway Interview: DELUBYO

Ricky

Nakakaloka ‘tong interview na ‘to. Isang beses ko lang ‘to pinanood kasi kinikilabutan ako. Ako yung nahihiya para kay Mr. Ricky Lo. Shet. I just can’t watch this video again! Super awkward and painful panoorin nung interview. Haaay… 😦

Ang nega rin kasi talaga ng simula ng interview ni Mr. Lo ‘eh. Weight issue agad ang tinira ni Kuya. ‘Eh alam naman nating super sensitive ng mga babae sa usapang weight and age. Para mo na ring tinanong ang isang bading kung kelan siya magiging lalaki. O kaya parang tinanong mo ang mga Pari kung kamusta ang sex life nila. Or parang tinanong mo ang mga isda kung kamusta ang buhay nila sa aquarium. Ganung level! Awkward. 😦

Isa pang nega sa interview ay ang too much focus ni Mr. Lo kay Ms. Lea Salonga. Ang OA rin kasi ng pag-mention kay Lea Salonga sa interview. Kahit siguro ako maiirita. I mean gets na namin na friends kayo ni Lea pero huwag naman ulit-ulit. Nawala na tuloy sa focus yung interview. Naging all about Lea na lang. After all, the interview was about Ms. Anne’s film, Les Miserables, and not about her admiration for Lea. Tsk. Tsk.

Sabi ni Ricky Lo sa column niya sa The Philippine Star, wala daw talaga sa mood si Anne at that time. Masama na pala talaga ang timpla ni Ate Anne bago pa ang interview n’ya kay Ricky. Yung mga previous journalists din daw na nag-interview kay Anne noong araw na yun ay nakatikim din ng pagtataray ni Ate Anne. Ok sige, fine. May ganitong factor. Bibigyan ko siya ng tinatawag na “benefit of the DAW.” Pero ang pinaka-problema kasi talaga is yung mismong paghandle ni Ricky sa interview ‘eh. Wala sa hulog talaga. Kita n’yo, pati cell phone ni Ricky ay nahulog din, which I find a bit amateur ha. Para siyang baguhang reporter where in fact “beterano” na siya. Haaay…

Sa totoo lang, valid naman lahat ng mga tanong ni Mr. Ricky Lo kay Ms. Anne. They were all sensible for me. Yung nga lang, sa Philippine setting siya bagay. Very local show biz ang peg ng mga tanong ni Mr. Lo. Nakalimutan n’ya ang tinatawag na “cultural difference.” Kaya naman naging disaster ang panayam na ito. Yun na!

Watch n’yo na lang ang interview and see it for yourself.


___________________________

Tubbataha Reef Accident: NAKAKALOKA

tubbataha-reef

Napaka-sad na balita nitong Tubbataha Reef incident. Grabe!:(

Para sa mga ‘di nakakaalam, isang US Navy ship, the USS Guardian, ang sumadsad sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea last January 17 destroying a total area of 1,000 square meters. GRABE!!! Take note, ang Tubbataha Reef is a marine sanctuary protected area at isang UNESCO World Heritage Site kaya nakakalokang may nakapasok sa area na ‘yan nang ganun-ganun lang. 😦

Sobrang ganda pala ng Tubbataha Reef based sa mga photos na nakita ko. NAKAKALOKA! In fact, sa sobrang ganda ng site na ito, na-nominate pala ito bilang one of the New 7 Wonders of Nature. May higit sa 1000 species ang nakatira sa Tubbataha Reef at karamihan ay endangered na pala. Haaay… My heart is breaking right now. 😦

Ang tanong: ano bang ginagawa ng US Navy ship sa area na ‘yan?! Bakit sila andyan?! Tang ina. Nakakaloka yung presence nila d’yan ha! Leche. Kahit si PNoy daw ay nagtataka sa presence US Navy ship sa Tubbataha Reef. Isang MALAKING CHE!!!

Sabi ng Malacanang, maliit lang naman daw ang pinsalang dulot ng pagsadsad ng ship na ito. Ang Tubbataha Reef ay may total area of 97,030 square meters. So maliit lang ang 1,000 square meters na nasira buhat ng incident. KAHIT NA!!! Ang keyword pa rin is NASIRA! 1,000 pa square meters pa rin yun!!! Huwag n’yo nga kameng ululin! Ang dami n’yong mga pakulo para ma-pacify kame! Pota.

Sana talaga ay magkaroon ng justice ang issue na ito. Abangan natin ang gagawin ng government sa mga salarin. Tingnan natin ang “bangis” ng PNoy administration sa kasong ito. Umayos kayo! Lahat kami ay nakaabang. Ang isang sanction pala na nakasaad sa Republic Act 10067 or the Tubbataha Reefs National Park Act of 2009 ay pag-fine ng approximately P12,000 per square meter of damaged corals. Grabe. Pera-pera na lang?! Ganun na lang?! Hindi naman maibabalik nito ang buhay ng mga coral reefs at iba pang hayop sa dagat na namatay dahil sa kacheapang accident na ito. Haaaaay. Isang mahabang haaaaay… 😦

USS-Guardian-grounded.3

Sa ngayon ay nandun pa pala ang US Navy ship na sumadsad. Hindi pa naaalis. Inaaral pa kung paano aalisin ang malaking sasakyan na ito. Hindi pa nila alam kung hahatakin ang ship, bubuhatin or pipira-pirasuhin. Tang ina kasi bakit andyan yan in the first place! Buhatin n’yo yan tapos ipakilo n’yo! Saksak n’yo sa baga n’yo! Ulamin n’yo ‘yang ship n’yo! Leche kayo! Iritaaaaa. Hay! 😦

Pagbayarin ang may sala! Nakakainit ng ulo ‘to. 😦
____________________________________________

American Idol Season 12: PASABOG

american-idol-season-12-judges

At talaga namang hindi ko maitago ang pagkaaliw at pagkabaliw ko sa American Idol Season 12! Ibang level din talaga yung presence ni Superstar Mariah Carey sa bagong season na ito. LAKAS!!! 🙂

In fairness sa mga bagong judges ha, maganda ang chemistry nila. Gustung-gusto ko ang iringan nina Mariah Carey and Nicky Minaj. I’m sure bet na bet din ito ng beki community. Huling-huli ang kiliti ng mga bading! 🙂 Maganda rin ang anggulong ito ng American Idol ha. Masasabi! At least mina-maximaze nila nang todo ang mamahalin nilang mga judges. Sa mga hindi nakakaalam, si Mariah Carey ang highest-paid talent show judge ngayon! Ang presyo lang naman ng serbisyo ni Ate Mariah n’yo ay tumataginting na $18Million. Tanginaaaa. NAKAKALOKA! 🙂 Kinabog n’ya ang talent fee nila Britney Spears ($15Million) and Jennifer Lopez ($12Million). Muntik pang pumantay ang talent fee ni Mariah sa prize money ni Manny Pacquiao sa nakaraan n’yang laban kay Manuel Marquez na $25Million. Grabe! Si Manny halos mamamatay na para sa premyo n’ya tapos si Mariah upo-upo lang tapos $18 Million na?! WOW. Ikaw na Mariah!!! Penge namang pera d’yan. Sana magpadala ka naman kahit $1Million. WOW. Laki rin ng hingi ko ha. Level ng ransom money. 🙂

AI

Sadly, mababa ang ratings ng pilot episode ng American Idol Season 12. As in lowest-rated pilot episode ever in the history of American Idol. Kaloka. 😦 The pilot episode of the newest AI season posted a total of 17.8 million viewers versus Season 11’s debut of 21.93 million viewers, about 19% lower. GRABE! Anyare?! Nakaka-sad naman ito for Ate Mariah. Pero malakas pa rin naman ang AI sa ngayon compared sa ibang talent show programs gaya ng The Voice and The X Factor. Ang AI pa rin ang hari ng lahat ng mga talent shows. Ang pilot episode ng The Voice Season 3 ay nakakuha ng 10.7 million viewers versus The X Factors Season 2’ 8.5 million viewers from its debut. O, ‘di ba?! Well, trend naman sa US ngayon ang bagsakan ng ratings. Across the board ‘yan. So hindi rin nakaligtas ang American Idol.

Pero in fairness, sobrang liit lang ng ibinaba ng ratings ng American Idol Season 12 nung second night from its pilot episode. And second night ng AI ay pumalo sa 16.18 million viewers compared with the 18.02 million viewers ng last season’s second night. AYAN NA! Bumabawi na si Ma’am. Ibig sabihin, effective si Ate Mariah at ang iringan nila ni Nicki! Tumalab na ang charm ni Ate Mariah at ng ibang judges kahit paano. 😉

Aliw na aliw ako sa pagko-comment ng mga judges ngayon. Buhay na buhay! May sense nang todo at talagang believable. Si Nicki ha, ratchada ang bunganga ni Ma’am. Love ko na siya kasi ang articulate n’ya as a judge. Nagulat ako sa talino ni Ms. Minaj sa craft n’ya. 🙂 Si Mariah naman tamang regal and diva lang ang peg which is expected sa kanya. Pero maniniwala ka sa lahat ng sasabihin ni Mariah kasi magaling siya as a person. Isipin n’yo kung si Ms. Pops Fernandez ang judge tapos sinabihan kayong hindi maganda ang boses n’yo, papayag kayo?! Da fuck!:)

Ayos din ang male judges ng AI. Tamang balance si Keith Urban. Plus ang pogi pa n’ya. Shet. 🙂 Si Randy Jackson naman ay cool pa rin so bet! Ang ganado mag-comment ng lahat ng judges in general. Malaman talaga! Hindi tulad ni Ms. Britney Spears na walang kalatuy-latoy magsalita sa The X Factor. Sayang ang bayad kay Ms. Britney. Buti na-tsugi na si Ma’am. 🙂

American-Idol-Season-12-Judges-Table-Photo

Marami pang mangyayari sa bagong season ng AI. Mahaba pa ang laban. Sana lang ay mas maraming magagaling na singers ang makuha sa bagong season na ito. After all, ang mga contestants naman talaga ang bida rito. Nasa quality pa rin ng mga contestants nakasalalay ang main bulk ng success ng show. At sana rin ay ma-maintain nila ang tamang balance ng iringan nila Mariah at Nicki. Baka mamaya ay magsapakan silang dalawa for real. Lagot na. 😉 So far, maraming ng promising contestants! Shet. Kaya tutok lang tayo mga fans!

So there.

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://www.interaksyon.com/article/53461/brrr–pagasa-records-lowest-metro-temperature-of-18-1-degrees-c-in-qc; http://www.philstar.com/entertainment/2013/01/23/899982/anne-thousand-hits; http://en.wikipedia.org/wiki/Tubbataha_Reef, http://www.abs-cbnnews.com/nation/01/17/13/us-navy-ship-stuck-tubbataha-reef; http://thatgrapejuice.net/2012/07/mariah-carey-highest-paid-talent-show-judge-history-jennifer-lopez-responds/; http://www.huffingtonpost.com/2013/01/17/american-idol-ratings-season-12-premiere-mariah-carey_n_2496996.html;)http://www.hollywoodreporter.com/live-feed/ratings-x-factor-premiere–britney-spears-voice-369975; http://tv.yahoo.com/news/ratings-rat-race-american-idol-season-premiere-second-164302016.html)

(Photo credit: http://www.wheninmanila.com/awkward-anne-hathaway-les-miserables-interview-with-filipino-ricki-lo/; http://dextertravels.blogspot.com/2012/01/my-2nd-natural-wonder-of-philippines.html; http://globalbalita.com/2013/01/22/us-navy-fined-for-illegal-entry-at-tubbataha/; http://blog.newsok.com/bamsblog/2012/09/18/secamerican-idol-and-the-voice-shake-up-judging-panels/; http://www.rickey.org/american-idol-season-12-judges-table-photo/; http://startrident.com/2012/10/04/nicki-minaj-mariah-carey-engage-in-a-gruesome-feud/)

P.S. Wala ng P.S. Ang haba na nito. Pota. Abusado?! 🙂

RH Law Effective na Starting Today!

RH LAW

Dear fans and followers,

At talaga namang wala ng makakapigil sa pagpapatupad ng kontrobersyal na Republic Act 10354 titled “An Act Providing for a National Policy on Responsible Parenthood and Reproductive Health.” After ng nakakamatay at nakakalokang deliberasyon sa batas na ito for more than two decades, finally ay effective na siya starting today! *Clap, clap, clap with standing O. I love it! Ang ganda talaga ng pasok ng taong ito. Pak na pak! 🙂

Happy ako at sa wakas ay may ginawa nang totoo ang gobyerno para i-address ang nakakalokang population ng Pilipinas. Para sa mga hindi nakakaalam, ang bilang ng mga Pilipino ngayon sa bansa ay nasa 95 million na! At 20 million dito ay nasa Metro Manila nakatira. NAKAKALOKA. Kaya naman bawal umarte kung masikip sa MRT, sa bus at sa jeep kasi overpopulated na tayo mga Ma’am. Bawal magreklamo kung madikitan ka ng mga pawis na tao habang ikaw ay namamasyal sa malls o kaya ay nasa palengke or grocery. Bawal mainarte sa traffic sa EDSA dahil hindi na kaya ng kalsada natin ang dami ng Pilipinong may sasakyan. Bawal umangal kung wala ka ng maupuan sa mga eskwelahan. Bawal ngumuynguy kung wala ka ng matayuan ng bahay o kaya maupahan. Napakarami na natin! Diyos ko. 95 million!!! Pang-12 na tayo sa most populated country sa mundo! Shet. Kung laban ito sa Miss Universe, pasok na pasok tayo sa Magic 12. Buti sana kung lahat pogi at may itsura. Buti sana kung lahat kamukha ni Piolo Pascual o kaya ni Derek Ramsey. ‘Eh hindi rin naman so hindi rin masaya. Char. 🙂

Tingnan natin ang populasyon ng ibang bansa ha: Germany (81 million), France (64 million), United Kingdom (63 million), Italy (60 million), South Korea (50 million), Malaysia (30 million), Saudi Arabia (28 million), Australia (22 million), United Arab Emirates (8 million), Hong Kong (7 million) and Singapore (5 million). O, ‘di ba?! Tangina. Ang best ng Philippines when it comes to population ha. Pabida! Hiyang-hiya yung mga mayayamang bansa. Baka 2 years from now ‘eh maabutan na natin ang China na may 1.3 Billion population ngayon. Grabe. Ang dami na talaga natin! Bawas-bawas naman! Pota.

Kaya naman super happy talaga ako sa RH Law kasi kahit papaano ‘eh makakatulong ito para mapigilan ang paglobo ng populasyon ng bansa. Naalala ko lang last year, may nagsabi na isang kongresman na hindi pa raw tayo overpopulated. TANGA BA SIYA?! Saan ba siya nakatira?! Sa ulap? Kakagigil si Kuya. Sarap ipasagasa sa MRT! Grrr. Super serious problem talaga ang overpopulation at nakakatuwang finally ‘eh pinansin na rin siya ng gobyerno. Hindi happy kapag overpopulated. Gutom, hirap, at agawan sa resources ang kakalabasan nito. Pati sa jowa agawan na rin. Ganun! 🙂

Sa totoo lang, promising naman ang laman ng RH Law sa kabuuan. According to its provision, “this act shall be liberally construed to ensure the provision, delivery and access to reproductive health care services, and to promote, protect and fulfill women’s reproductive health and rights.”

Para mas madali n’yong ma-gets, ito ang ilan sa mga highlights ng RH Law:

1. The law seeks to improve public access to reproductive health services, including natural and artificial family planning options.
2. Under the law, all accredited public health facilities shall provide a “full range of family planning methods which shall include medical consultation, supplies and necessary and reasonable procedures for poor and marginalized couples having fertility issues who desire to have children.”
3. It promotes better maternal care, responsible parenthood, and youth education on sexual and reproductive health issues.
4. It funds the distribution of free contraceptives, requires public hospitals to provide RH services, and mandates sex education in public schools.
5. It provides for “age- and development-appropriate reproductive health education to adolescents” to be taught by adequately trained teachers in formal and non-formal set-up.

O,‘di ba bongga naman?! Aarte ka pa ba sa fact na ginagawa ng madali ang access sa reproductive health care services para sa kapakanan ng lahat?! Aarte ka pa ba pag-promote ng responsible parenthood?! Papalag ka pa ba sa sex education in public schools?! Ako, hindi! Go na ako! 🙂 Huwag kasi nating isipin or i-simplify na ang batas na ito ay para sa “abortion.” Konting bukas naman ng utak d’yan. Hindi siya abortion law! Kaloka. It does not, in any way, promote abortion. Ang batas na nito ay nagbibigay ng malakawang kaalaman at mga alternatibo tungkol reproductive health. Mas ‘yun kasi ang focus nito. Konting intindi naman.

Ito pala ang link ng buong RH Law: http://www.gov.ph/2012/12/21/republic-act-no-10354/

Gets ko naman ang sentiment ng mga “pro-life” and anti-RH Law people. Alam ko namang ang ngasngas n’yo sa pagka-sacred ng buhay. Gets ko naman at iginagalang ko ang kanilang saloobin. Sa lahat naman ng issue, lagi’t laging may dalawang opposing sides. Laging may pro at laging may anti. Given na ‘yan. Kapag walang bangayan, boring. Pero at the end of the day, kailangang mag-decide. Kailangang magpasya. Kailangang mamili. Kailangang umaksyon. Hindi pwedeng natetengga sa debate at pagpapalitan ng mga ideas. Hindi pwedeng natitigil sa bangayan. Ultimately, a decision has to made. At natutuwa akong nagtagumpay ang pagsasabatas ng RH Law. Shout ouch naman principal author ng batas na ito na si Sen. Pia Guanio. I mean Sen. Pia Cayetano! Super love kita. 🙂

Sa issue tuloy ng RH Law, mas naging maliwanag sa akin ang importance ng separation ng state and church. Dapat kasi talaga may absolute separation ang dalawa ‘eh. Hindi dapat nagpapatali ang gobyerno sa simbahan ng anumang relihiyon. Hiwalay dapat sila. Dapat hindi nagpapa-pressure ang gobyerno sa mga banta ng anumang religious sectors. After all, tungkulin ng pamahalaan na itaguyod ang nakakabuti para sa higit na nakakarami. Tungkulin ng pamahalaan na gumawa ng desisyon para sa ikakaunlad ng mas nakakarami. The government is responsible to the Filipino people not to the church or any religion. Pero in actuality, alam naman nating walang absolute separation ang dalawa. Lagi’t laging naiimpluwensyahan ng isa ang isa. Which is sad. 😦

So yun naman. Ang fierce din ng views ko about this issue ha. Natodo ko rin yung emotion ko ha. Whoa! 🙂 Sana ay mas marami pang maipasang batas na kagaya nito. Yung mga batas na revolutionary at talagang may silbi sa mga Pilipino. Sana ay mas lawakan pa natin ang ating pag-iisip at pang-unawa. Gamitin natin ang reason at logic kaysa sa emotion. Marami pa tayong haharaping mabibigat na issues sa mga susunod panahon. Ito na ang time para maging maalam sa mga issues. Para makialam at magpahayag ng saloobin. Ang taray ‘no?! Tama na nga. Baka damputin na ako ng mga pulis. 😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://diariesofwoesandchaos.blogspot.com/)

(Sources: http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_countries_by_population; http://www.philstar.com/headlines/2013/01/03/892746/rh-law-take-effect-jan.-17; http://nso-ncr.ph/; http://en.wikipedia.org/wiki/Responsible_Parenthood_and_Reproductive_Health_Act_of_2012; http://opinion.inquirer.net/44831/unfinished-debate-over-the-rh-law; http://www.gov.ph/2012/12/21/republic-act-no-10354/)

P.S. Isang malakas na shout ouch para sa mga fans and readers ng YTM sa Brunei! Ibang level ang suporta n’yo d’yan ha. Maraming salamat sa inyo. Hayaan n’yo bibisita ako d’yan para sa meet and greet. Char. 😉

Special shout ouch sa napakagandang Mommy ng aking Migssy na si Mrs. Lourdes Beltran Aguirre. Alam ko po ang pagka-adik n’yo sa blog ko. Nakakaloka. Super thanks, Tita! I hope to see you soon. I love you po. ❤

Mrs. Aguirre

To Confess or Not To Confess

IOH-10057004 - © - image100

Dear Madma,

Bago ang lahat, salamat sa’yo at napapatawa mo ako sa mga posts mo dito sa iyong blog. Alam mo na, minsan stressed sa school/work.

Anyway, naisipan kong magsulat dahil wala naman akong kaibigan na pwedeng pagsabihan nitong problema ko. Wala kasing nakakaalam tungkol sa identity crisis na pinagdadaanan ko ngayon.

May isa kasi akong kaklase na sobrang mabait at sobrang charming ng pagkato. Bonus na lang yung itsura nya. Ayun, nahuhulog na ata ako sa kanya. Naging running at study buddy ko na siya. Minsan niyaya nya ako sa apartment nila at laking gulat ko na isa sa mga housemates nya ay girlfriend nya. Ang sakit lang! Buong akala ko, okay ang lahat. May sabit pala.

Pero hindi dun nagtatapos ang kwento. Close pa rin kami, lagi nga kami magkachat sa facebook. Kapag weekend, magkasama kami. Although minsan kasama gf niya. Oo na third wheel na ako hehe.

Alam kong hindi na dapat akong umasa pa kaso something is telling me inside na may ‘chance’ kaming dalawa. Ewan ko ba, malakas kasi instinct ko, nasesense ko na may problema sila ni gf. Pero di ko naman wini-wish na magkahiwalay sila. His gf is nice too! Kaibigan ko na rin.

Kaya lang ayun, dahil lagi kami magkachat, magkasama, at ang sweet pa niya sa’kin, naiisip ko na baka nga may nararamdaman din siya para sakin. Basta yung mga message exchange namin hindi normal sa dalawang lalaking magkaibigan lang ang turinngan. O baka masyado lang akong assuming hehe.

So ayun, aamin ba ako o hindi? Nabasa ko lang kasi somewhere na I will never know the answer or the answer is always NO, unless I ask.

Tulong naman…

Umaasa,

Ken
______________________________________________

Dear Ken,

Nakaka-flatter naman yung fact na napapasaya kita kahit papaano. Ang funny ko ‘no? Don’t you like me? WOW. Agresiba si Ma’am. 🙂 Salamat sa pagtambay sa YTM. Masaya ako at nakakadagdag ako sa kasiyahan ng buhay mo. Ang sweet nung nag-confide ka talaga sa blog ko and you see me as a “friend.” Awww… Parang nahuhulog na tuloy ang loob ko sa’yo. Char! Ano ba ‘to ang landi-landi ko. Ang lamig kasi ‘eh. Pota. 😉

Alam mo, Ken, hindi naman ako nagtataka na ma-fall ka sa kaklase mo kasi nga lagi kayong magkasama. Ang dami n’yong moments together. Ang ki-clingy n’yo ‘eh! Iba rin talaga ang power ng proximity. Nakakaloka ‘yan. Yung tipong buddy-buddy lang kayo sa una tapos magigising ka na lang one day na mahal mo na siya. Darating na lang yung araw na makukulangan ka na sa pagiging “mag-buddy” n’yo and gusto mo na siyang angkinin totally para maging “fuck buddy.” Charoth! Maraming ganyang kaso ngayon. Kalevel ng homicide sa dami. So kalma ka lang, Ken. 😉

Simple lang ang policy ko sa buhay, basta taken na, layuan na. Ayoko ko kasi ng kumplikadong buhay. Naniniwala ako na marami pang ibang bading na single d’yan so walang dahilan para mang-agaw at manira ng anumang relasyon. Tingin ka lang sa paligid. To be more precise tingnan mo ako. WOW. 😉 Respeto rin sa kapwa, Ken. Yun lang ‘yun ‘eh. Maliwanag naman na may GF yang kaklase mo. Take note ha, GIRLFRIEND ang karelasyon ni Kuya. So LALAKI ang portrayal niya sa buhay as of now. And ikaw na rin ang may sabi na nice ang GF n’ya. Ang bad mo naman kung manggugulo ka at sasaktan mo si GF, ‘di ba? Not likey! 😦

Alam mo damang-dama ko ang strong desire mo sa kaklase mong ‘yan, Ken. Gets ko ‘yan. Maniwala ka! Pero hindi mo deserved na lumabas na mang-aagaw at traydor sa kwento. Ayaw natin ang mga kontrabida role! Dapat bida tayo lagi. So kung ako ang nasa sitwasyon ko, gagawin ko ang tama. Lalayo ako sa sitwasyong ganyan. 😦 Aba, ang hirap kaya nung feeling na nagseselos at nasasaktan araw-araw ha. Tangina. Ayoko n’yan! Nakakamatay ‘yan. Nakakapangit ‘yan. Huwag ka namang maging harsh sa sarili mo. Tandaan mo, isa lang ang buhay kaya mahalin mo ito.

Pero bago ka lumayo, magtapat ka rin. Again, magtatapat ka hindi para mang-agaw kundi para mas mapadali ang paglayo mo. I just want to be clear on this. 🙂 Tapusin na ‘yan! Diyos ko. Kausapin mo na ang kaklase mong yan at sabihin ang lahat ng drama mo. Ang sarap din kasing pinapakawalan ang nararamdaman. Mas nakakatulong ‘yan sa paglayo at pagsisimula ng bagong buhay. Mahirap din yung puro “what ifs” so mabuti nang iparating mo rin ang laman ng puso mo para sa ikatatahimik mo. 🙂

Ngayon, kung sabihin n’yang mahal ka rin ‘yan. O, ‘di ang ganda mo! Happy Birthday sa’yo. IKAW NA! Pero huwag mo namang i-grab agad. Kati mo rin ‘eh. 🙂 Magbigay ka rin ng tamang panahon para ayusin, plantsahin at itama n’ya ang gusot ng buhay n’ya. Mag-allot ka ng panahon para maghilom ang mga pusong masasaktan. Hayaan mo si Kuyang maging mature enough to fix his mess. Again, ayaw nating maging kontrabida!

Kung sabihin n’ya namang wala siyang nararamdaman sa’yo, ‘eh magbigti ka na. CHAR! Well, ganun naman ang buhay ‘eh. Hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. So mag-move on ka na. Magsimula ka na ng bagong buhay na malayo muna sa kanila. Ang laging importante is honest and strong enough tayo para harapin at i-resolve ang arte natin sa buhay. ‘Yun naman ang nagma-matter lagi. 🙂

Take it from Madma, piliin natin lagi ang tama. Higit tayong magiging masaya kung wala tayong naapakan, nasasagasan at nasasaktan na ibang tao. Ang kaligayahan ay hindi dapat madamot. Hindi dapat nananakit. I know this is easier said than done pero sana sikapin nating piliin ang tama. 🙂 It’s all about making choices, bitch. 😉 Lakas maka-bible nung mga sinasabi mo. Nakakaloka. 😉

Good luck sa’yo, Ken. Hangad ko ang kaligayahan mo. 😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.agefotostock.com/en/Stock-Images/Royalty-Free/IOH-10057004)

P.S. Patuloy lang sa pagpapadala ng mga nguynguy at ngasngas sa buhay. Ipadala ito sa yourstrulymadma@gmail.com. GO NA!

Madma Says ang bongga ng “Parental Guidance” and “Life of Pi”

Dear fans and followers,

At talaga namang nakadalawang bagong pelikula ako over the weekend. Hindi na rin masama ha! Ratchada na tayo ulit sa panonood at pagre-review ng pelikula. By the way, nag-promise pala ako this year na medyo magve-venture out ako sa horror/suspense/thriller films. Medyo susubukan din ng Madma n’yo ang ibang genre para mas bongga. Pero syempre hindi mawawala ang panood ko ng mga horror films from time to time. Nasa dugo ko na ‘yan ‘eh. Hindi na ‘yan mawawala. 😉

So sharing time na. Game. 🙂
_________________________________________

“Parental Guidance,” May Kurot sa Puso

PG

Shout ouch naman sa very first film ko sa big screen this year. Super thanks to my IPF, Mr. Rogelio Estacio Jr., for this movie treat at pagsama sa akin sa advance screening. 🙂 Ang sosyal nung advance screening ha. Ang advanced na talaga natin kumpara sa ibang masa. Char. 😉 In fairness sa “Parental Guidance,” maganda siya ha. Matino naman ang pagkakagawa at nakakatawa. Magaling umarte ang cast na sina Billy Crystal, Marisa Tomei, Bailee Madison and the diva herself, Ms. Bette Midler. Effective ang combination nila! Aliw na aliw ako. Pak na pak! 🙂

Masasabing nakakatawa pa rin yung film kahit na hindi na bago ang plot. Nagawa na rin kasi yung tipo ng film na ‘to. Maraming beses na. Buti na lang at bongga ang script! Napaka-witty ng mga lines nila at effective ang mga eksena. Lakas ng tawa ko sa sinehan. Shet. Nangingibaw talaga. Masyadong pabida. 🙂 Very “Modern Family” and “How I Met Your Mother” ang peg nito. Kung mahilig kayo sa comedy TV series na ‘yun, watch na kayo! Marami kayong mapupulot na aral on parenting. TODO! Bagay na bagay ito sa mga young Mommies and Daddies out there. Syempre hindi ko na ikukwento ang mga details para naman ‘di kayo ma-spoil. Alam n’yong hate natin ang mga spoliers. 🙂 Basta maraming mga scenes na may “kurot” sa puso. In fact, naiyak nga ang kasama ko ‘eh. Sabi n’ya bigla “OMG naiiyak na ako.” Sabay pahid ng luha. 😉 Kaloka. Iyak naman ulit, IPF. Hindi ka na umiiyak. 🙂

Kung gusto n’yo ng super feel good movie, I recommend na panoorin n’yo ang “Parental Guidance.” Mawawala ang kanegahan n’yo sa katawan after watching it. Swear! 🙂 Highly recommended ko siya sa mga malulungkot at may mga pinagdadaang pagsubok sa buhay sa mga oras na ito. Alam n’yong best medicine ang laughter kaya attack na kayo para manood. Masayang simulan ang taon na ito ng mga bagay na positive! GV GV naman! 😉

Ang “Parental Guidance” ay nakakuha ng 3/5 on my Divanomter. Hindi na rin masama ha. 😉 Watch na!
_____________________________________

Nakakabaliw sa ganda ang “Life Of Pi”

Life of Pi

O.M.G.!!! Hindi ko mapigilang isigaw na soooobrang ganda ng “Life Of Pi.” Potaaaang inaaaa! Kailangan ko ng calming lotion! Naloloka na yata ako!!! 🙂 I just loved everything about the film. As in everything! Whoooa. Busog na busog ang mata ko sa pasabog na cinematography and visuals. Ibang level ang pelikulang ito ni Direk Ang Lee. PANALO! Shet lang. 😉

Ang pinakanagustuhan ko sa film ay yung fact na capture n’ya yung pinaka-meat at pinaka-essence ng book at nabigyang-buhay n’ya ito sa pelikula. By the way, book ang “Life Of Pi” ha at ito ay isinulat ni Yann Martel. The book was published in 2001 and nabasa ko siya 2 years ago lang. Ang best nung naipakita ni Direk Ang Lee ang mga bagay na na-imagine ko habang binabasa ang book version. Super magka-wavelength kame ni Ang Lee. WOW. 🙂

Maraming pagkakataon na sinasabi nating mas maganda ang book version kaysa sa film adaptation (hello naman “I Am Number Four”). I’m sure nasabi n’yo na ‘yan at some point in time. Ang daming mga film directors ang binaboy ang magagandang books sa film version. Nakakaloka. Pero ibahin n’yo ang pelikulang “Life Of Pi.” Parehong maganda ang book and film version! Shet. Pareho silang charming at pasabog! Ang galing talaga. Grabe. Talaga namang binigyan ng justice ni Direk Ang Lee ang award-winning na book na ito. 🙂 Na-amaze ako na very faithful si Direk Ang Lee sa book yet nabigyan n’ya ng nakakalokang twist and turns ang pelikula. Isang dumagadundong na SHOUT OUCH kay Direk Ang Lee sa napakahusay na pagsasa-pelikula ng libro ni Yann Martel. Maraming salamat sa paggawa ng life-changing film na ‘to. 🙂

Magaling din ang mga artistang gumanap sa pelikula lalo na ang bidang si Pi na ginapaman ni Suraj Sharma. Syempre hindi natin siya kilala kasi Indian actor siya. Pero nonetheless, magaling siya! Bow ako sa acting prowess n’ya. Ibang level! Nagawa n’ya nang maayos ang mahihirap at mabibigat na eksena, which is MARAMI! May God. Gustung-gusto ko yung mga eksena after lumubog ang barko at nagsimula ang buhay n’ya sa bangka kasama ang isang Bengal Tiger na si Richard Parker. GRABE!!! 😉 Sigaw ako ng sigaw sa sinehan. Level ng horror film. Siguro naloka yung mga katabi ko. Ang ganda-ganda talaga. Haaay. From start to end, BEST! Pwede pala ‘yun?! Ibang level ang mga challenges na naranasan ni Pi sa film na ‘to. Ilang beses n’ya ring nalampasan ang death ha. Dapat talaga ang title nito ay “Lives Of Pi” ‘eh. Char. 😉

Panoorin n’yo na ang “Life Of Pi” habang humihinga pa kayo. I-miss n’yo na ang date n’yo sa jowa n’yo huwag lang ang pelikulang ito. Kakaibang experience ang pagnood ng “Life Of Pi.” SWEAR! Nababaliw na ako while writing this entry. ANG GANDA KASI TALAGA!:)

With that, ang “Life Of Pi” ay nakakuha ng 5/5 on my Divanometer. O, ‘di ba?! Perfect score! Naku kulang pa nga ‘yan sa totoo lang. Hatakin na ang pamilya at mga kaibigan n’yo at sama-sama kayong manood. Hindi kayo magsisisi sa film na ‘to. Ipaligpit n’yo ako kapag napangitan kayo rito. Shet.

GO NAAAAAAAAA!!!

Yours Truly,

Madma

P.S. Shout ouch naman sa Kepsquad na kasama ko manood kagabi: Mr. Robby Benson Torres, Ms. JC Cantos, Ms. Kti alibanban and Ms. Kristy Texon. Shout ouch din kay Ms. Tin Reyes and Mr. Rogelio Estacio Jr. Grabe yung movie buddy na tayo, IPF! Likey ko ‘to. Badminton naman! 😉

Bonding2

Payuhan pala tayo bukas. Excited na ako sa featured story natin. Padala lang kayo ng story n’yo sa yourstrulymadma@gmail.com! Humahaba na ang pila. GO NA!

2012 Annual Blog Report of Yours Truly, Madma

The WordPress.com stats helper monkeys prepared a 2012 annual report for this blog.

Here’s an excerpt:

19,000 people fit into the new Barclays Center to see Jay-Z perform. This blog was viewed about 120,000 times in 2012. If it were a concert at the Barclays Center, it would take about 6 sold-out performances for that many people to see it.

Click here to see the complete report.