Case Closed: Regine is Reigning Still!

Silver

Dear fans and followers,

Hindi pa rin ako maka-get over sa super pasabog at super bonggang resbak concert ni idol Regine Velasquez-Alcasid na “Silver Rewind” last January 5, 2013 sa SM MOA Arena. Worth the wait talaga ang concert n’ya at napakagandang panimula ng 2013. Tinotoo n’ya talaga ang sinabi n’yang babawi siya! Gosh.🙂

Ibang klase ang galing ni Songbird last Saturday. WAGAS. Lahat kame NGANGA! Ramdam na ramdam mong tinotodo n’ya ang prowess n’ya sa bawat kanta. Walang tengga moments. Lahat palaban. Lahat contest piece. Para siyang nasa isang singing competition all over again. Parang pang-grand finals ang performance ni Ate sa lahat ng numbers n’ya. Ganung level. Birit kung birit! Grabe. Nakakaloka! Ang taas ng excitement ko all throughout. Parang nanonood ako ng Miss Universe pageant. Ganyan!

Opening number pa lang ni Songbird, birit na agad. ‘Eh kantahin ba naman n’ya ang song na “Shine.” Ewan ko na lang ha. Diyos ko. Parang mga ibon lang ang nakakakanta ng song na ‘yan sa totoong buhay ‘eh. Aminin n’yo! Sa unang bitaw pa lang ng note n’ya sa opening number, alam mong nasa kundisyon na siya. Wala na nga ang pesteng virus na dumapo sa kanya last November. Nasaan na kaya ang virus na ‘yun? Sana nasa China na. Char.🙂 Panalo agad ang opening number ni Ate. Sulit na sulit na agad ang napakahabang paghihintay. Masasabi mo talagang “she is sooo back!”


__________________

Ibang-iba ang feel ng concert n’ya last Saturday kumpara sa kontrobersyal n’yang concert last November. Sa una pa lang, alam mo agad na si Regine ang kumakanta. Last time kasi parang pinsan lang n’ya yung nagpe-perform. Kaliwa’t kanan ang piyok tapos nawawala pa sa tono nang bongga. Kakaawa talaga.😦 I have to admit, may baon akong kaba sa pagpunta ko sa SM MOA Arena. Alam mo yung feeling na baka mag-fail na naman si idol. Baka may virus na naman siya o kaya ketong. Ganyan. I’m sure siya rin kinakabahan sa umpisa. Lahat kasi ng mga mata ay nakatingin sa kanya nung gabing ‘yun. Nakaka-pressure talaga. My God. Nai-imagine ko ang pressure ni Regine! Ang todo kasi nung pagbagsak n’ya last November ‘eh. Epic fail talaga. Sagad-sagad. Mega cry talaga ang Madma n’yo sa unang staging ng “Silver.” Grabe. Hindi ko makalimutan ang pagbaha ng luha ko na parang tanga. Parang namatayan ng kamag-anak. Ganun ka-cheap.

Can I just say na super jampacked ang concert ni Regine?! GRABE! Punung-puno talaga. Walang etchos. Ang daming mga bading sa concert ni Ate. At mga poging bading ha. Nakakabahing talaga. Diyos ko! Feeling ko lahat ng bading sa Pilipinas andun na. Pwede na kameng magdaos ng isang mock election. Ganun!🙂 At naku, super ganda ni Regine. Grabe! Fresh na fresh ang look n’ya. Tamis-tamisan. Virgin-virginan ang drama ni Ate. Para siyang isang teenager na kakaligo lang. Ganun ka-fresh! Ganda ng make-up n’ya. Subtle pero ROCK! Ganda rin ng mga costumes n’ya. Lakas maka-reyna!

Halos lahat favorite number ko! Pero ang pinaka-bet na bet ko is yung “On The Wings of Love” moment. IBANG LEVEL! Nakabitin tapos bumibirit. Whoa! In fairness ‘to Regine, nabubuhat na at nabibitin na! Ang petite! Ito yun oh!


_____________________

Oh, aarte pa?! Tangina ang todo ni Ma’am!!! Parang tanga.
Waging-wagi rin ang duet ni Regine with Gloc 9 sa song na “Sirena.” Grabe yung super taas ng rendition ni Ate. Feeling ko hindi na nakilala ni Ebe Dancel yung song. Ang taas-taas ng version ni Ma’am. Pwede na n’yang ka-duet si Lord sa sobrang taas! Grabe. Ito yung performance nila ‘oh!


____________________

Success din pala number ni Regine with La Diva, Rachelle Ann Go and Ms. Jaya. In all fairness sa kanila, maganda ang number nila. Notable ang performance and wit ni Ms. Jaya last Saturday. Bentang-benta.🙂 Na-amaze ako na maayos ang naging performance ni Ms. Jaya. Medyo nega kasi siya sa akin lately. Malinis at swabe ang birit n’ya. I’ll give it to her. Hindi masakit sa tenga ang bitaw n’ya sa mga notes. Hindi siya nawala sa tono. Minsan kasi medyo makalat kumanta si Ma’am Jaya. Lalo na kapag birit part. Aminin natin ‘yan. Pero bongga, kewla at humble na Jaya ang humarap sa SM MOA Arena nung Saturday. Love ko na siya ulit.🙂

Silver2
__________________

Mahusay rin ang pinakita ni Rachelle Ann at ng La Diva lalo na si Ms. Jonalyn Viray. MY GOD! Biritan talaga ang labanan. Tamang blending lang sila at may kanya-kanyang shining moments. Lahat naman nag-shine at wala namang sapawang naganap so bet! Nakakahinayang lang si Jonalyn kasi parang hindi masyadong sumisikat despite her prowess. Sana sumikat pa siya lalo. Magaling si Ma’am Jonalyn ‘eh. Sayang.

At naku, hindi ko kinaya ang final song ni Regine na “What Kind of Fool Am I?” OMG!!! Naulol kame sa number na ito. GRABEEEEEE! Achib na achib! Kung makabirit si Ma’am parang hindi caesarian nung nanganak. My God. Panalong-panalo ang hagod ni idol. Plakado. Ang dami na rin kasing kumanta ng song na ito pero iba kapag si Regine. Parang siya at ang kanta ay iisa. Ganun! Naku panoorin n’yo na lang!


______________________

*Clap, clap, clap with standing O!!! O’di ba?! Aarte pa kayo sa performance n’ya?! BEST!🙂 Siguro naman ay matutuldukan na ang mga agam-agam at duda kung siya pa ba ang reyna. Ano? Papalag pa ba?! Aangal pa?!

Masaya akong nasaksihan ang pag-bwelta ni Regine sa “Silver Rewind.” Natutuwa ako na nakasama ko siya at her lowest moment hanggang sa muli n’yang paglipad nung Saturday. Achievement na talaga ito sa akin bilang isang die-hard fan. Hindi man n’ya ako kilala personally, masaya ako sa tagumpay na nakamit n’ya. Kaya naman isang wagas na pagbati sa very successful concert mo, idol Regine!🙂

Salamat sa iyong musika na naging malaking bahagi ng aming buhay. Salamat sa pagbabahagi ng iyong talento. Salamat sa inspirasyon na hatid mo sa amin. Walang-duda, ikaw pa rin ang REYNA! Mabuhay ka, Regine. Lakas maka-politician nung may “mabuhay ka!”

Hanggang sa iyong muling paglipad at pag-awit.

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://pep.ph/photos//)

(Video credit: http://www.youtube.com/watch?v=SqvCmemu_aI, http://www.youtube.com/watch?v=sv38BvCUlaQ, http://www.youtube.com/watch?v=GbDlF5-R5LM and http://www.youtube.com/watch?v=jOGFUGBAH9U)

P.S. Shout ouch naman sa mga kasama kong manood ng “Silver Rewind” na sina Reginald Uy, Silvino Philipp Guangco, Rogelio Estacio Jr., Carla Jill Masalonga, Andrea Aniban, Mark Vigare, Jadey Bata and Jonel Bata. In fairness to you Jonel ha. Bongga yung kasama ka! Kapag pumunta ang favorite mong band na “Lamb of God,” Manonood tayo n’yan. (Lord, sana hindi pumunta. Please.)

Silver3
________________________

Shout ouch din sa mga co-Reginians na nakita namin sa venue na sina Mark Arthur Abalos, Aaron Caballero, Atty. Tom Temprosa and Dianne Jane Duran.

6 thoughts on “Case Closed: Regine is Reigning Still!

  1. Hi Madma,

    I theenk regine is the best. Ang galing nya nung concert eh. Buti nga nasaksihan ko ito, thanks sa mga friends ko. They gave me free tickets, hindi GenAd ito ha? Hehe super best ni ate Reg! Very Pasabog ang first concert of the year na napanood ko!

    • Buti naman at you find it the best. Kasi kung hindi best ito, ewan ko na lang! hahaha Thanks din sa pagnood. Ang Reginatics mo na rin ha. Grabe yung LAGI ka na ring nakakanood ng Regine concert. haha Sayang lang though at hindi kumanta si Nate. Alam kong gustung-gusto mo ‘tong number na ‘to. hahaha

  2. malapit ng magharap sila Regine at Pops sa FOURSOME Concert. Mamaintain nya kaya ang korona o masungkit ni Pops. Abangan….

  3. MADMA!!! Grabe wala lang, gusto ko lang din sabihin na SOBRANG OMG yung concert!!

    I must agree, bawing bawi ni idol! Actually wit ko bet yung shine haha! Pero nung “Dadalhin” na, yung fave ko na song nya, OMG SHE’S BACK!

    Pero iba talaga yung On the Wings of Love at What Kind of Fool!!! Standing O yan!!!!! Grabe kinikilabutan ako the whole time! Parang di ako makaalis sa venue haha!

    And trew kay Jaya! Nagulat ako ah, ang galing nya nung concert at super sold out siya sakin haha!

    Ano naman masasabi mo sa paghaharap ng pinakafavorite mong si Pops at Regine HAHAHA!

    • hahaha Ang ganda nga ng rendition ni Regine ng “Dadalhin.” Damang-dama ko rin talaga. Parang bagong kanta ulit siya. hahaha

      Shout ouch talaga kay Jaya. Mahal ko na siya ulit. haha

      And regarding kay Pops, wala akong masasabi. Natatawa lang ako sa lips n’ya. hahahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s