Effective ba ang New Year’s Resolution?

NYR

Dear Madma,

Happy New Year po sa inyo. Sana ay maging maganda ang taon na ito for you and your family. Wish ko po ay love life para sa idol kong blogger.

Tanong ko lang po, ano bang thoughts n’yo sa mga new year’s resolution? Iniisip ko kasing gumawa ‘eh. Pero parang tinatamad din ako kasi baka ‘di ko rin ma-achieve. Gumagawa po kayo ng resolutions?

Excited na po ako sa mga pasabog sa YTM. Mabuhay ka Madma!

Your fan,

Water Snake
____________________________________

Dear Water Snake,

Happy New Year naman sa’yo, Water Snake! Ikaw talaga ang buena manong letter ng YTM for this year ha. Swerte mo naman! Sana swertehin din ako sa pagpili ko sa’yo. Char.😉 Salamat naman sa wagas na suporta mo kay Madma. Year of the Water Snake nga pala ngayong 2013. Gosh. Sana hindi kumalat ang mga “ahas” sa lipunan. Ayoko pa naman sa mga “ahas.” Panira sila ‘eh. Tsaka ahas sila. Ahas! Parang may hugot ako ha sa mga ahasan. Ano ba! GV!😉

Kung ako sa’yo, huwag ka nang gumawa ng New Year’s resolution kasi hindi naman natutupad ‘yan. Time and time again, napatunayan na hindi ito masyadong effective. Madi-disappoint ka lang sa huli kasi walang natupad sa mga resolutions mo. Yung mga may resolutions na magpapa-payat, hindi na magyo-yosi at iinom ng alak, ‘di na manlalaki/mambababae/mamamakla, ‘di na magnanakaw etc. Naku! Hindi ako bilib sa mga ganyan. Narinig na ‘yan last year. Pustahan tayo ilang araw lang or next month, balik na ulit sa dating gawi ang mga hinayupak na ‘yan. Lalo na yung mga magpapayat na raw. NAKU! Dumudugo na ang tenga ko sa dami ng nagsasabi ng line na ‘yan. Sa una lang ‘yan. Maniwala ka. Next month kita mo, nakatambay na naman sila sa mga restaurant. Next month, punung-puno na naman ang mga ref nila ng cakes, ice cream, chocolates etc. Tapos makikita mo na lang sila na singtaba na na naman ni Ms. Nadia Montenegro.

Pati ‘yang mga Balik Alindog Projects na ‘yan. Naku po. Wala akong sampalataya d’yan. Aside sa hindi siya applicable sa akin kasi NEVER naman nawala ang alindog ko to begin with, ‘eh parang wala namang nagiging matagumpay d’yan. Sa una ang sipag sipag pumanta sa gym. Halos maging kamukha ng nila ang mga empleyado doon sa sobrang dalas ng appearance nila. After several weeks or sometimes days nga lang, kamustahin mo sila about it. Sasagot sa’yo, next year na lang ulit kasi busy na ulit, daming trabaho sa work, ang hirap mag-commute, nagkasakit yung tatay, nawala yung kapatid, nawala yung gym card, depress ‘yung kapit-bahay, mainit sa gym etc. WOW!🙂

Ako personally, hindi ako gumagawa ng New Year’s resolution kasi ang perfect ng buhay ko ‘eh. Charoth. Seriously, hindi talaga ako fan n’yan. Mahinang klase kasi ‘yang New Year’s resolution. Usually, ang coverage lang kasi ng mga New Year’s resolution is from January-February. Mga ganyan lang. By March, nakalimutan na ‘yan. SURE! Nega much?!Though aware naman ako na may mga cases na nagwo-work ang paggawa ng New Year’s resolution. May mga mga success stories din naman sa field na ito. Apparently, mga lima lang silang successful out of 7 billion. The rest NGANGA at the end of the year. Nabilang ko talaga ‘no?🙂 So, siguro instead na gumawa ka ng New Year’s resolution, mas mabuting gumawa ka na lang ng yema. At least dito kikita ka pa. Sure ‘yan! Charoth.🙂

Take it from Madma, huwag ka na gumawa ng resolutions. Mga ngawngaw lang yang resolutions ‘eh. Puro satsat lang. I suggest gawa ka na lang ng mga targets mo for the year. ‘Yan mas bongga ‘yan!😉 Iba ang target sa resolutions ha. Mas measurable kasi ang targets than resolutions. Mas scientific and realistic pa siya. Yung mere word na “target” is more powerful than “resolution.” Aminin n’yo! Mas malakas!🙂 Halimbawa ang target mo is mag-ipon. Dapat mag-set ka ng target amount kung magkano ang plan mong maipon and kung by what month or day mo siya ma-achib. O ‘di ba mas measurable? Or kung gusto mo magpapayat, magbigay ka ng target weight by a specific date. Magkaiba kasi yung statement na “magpapapayat na ako” versus “magbabawas ako ng 5 pounds by next month.” Gets ba? Ganun lang.🙂 Ganyan na lang ang atake mo para mas maging productive ang taong ito at hindi ka pulutin sa kangkungan by the end of the year. Set your targets. Mas magiging madali ang lahat. Swear!😉

And one more thing. Samahan mo ng disiplina at consitency ang pag-achib mo sa mga targets mo. Yung tipong huwag kang bibitiw until ‘di mo nakukuha ang mga targets mo. Go lang nang go kumbaga. Maraming mga balakid sa pag-abot ng mga targets kaya disiplina ang magiging pangontra mo sa mga ‘yan. Sabi nga ni PNoy, hindi madali ang daang matuwid.🙂 KAYA MO ‘YAN!🙂

So there. Good luck sa target setting mo, Water Snake. Salamat sa pagsulat sa YTM. Thanks din pala sa pag-wish ng love life for me. That’s sweet!😉 Though ang dami na ring nag-wish n’yan sa akin over the years. Sadly, NEVER natupad. Para siyang resolution. Char.😉 Iba na lang i-wish mo for me. Mas natutupad pa yun. Para kasing biglang nabibingi si Lord kapag binabanggit ko ang love life ‘eh. Parang nabu-busy siya agad. Napapansin ko lang. But thank you anyway.🙂

Happy New Year sa’yo!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://associationsnow.com/2012/12/5-new-years-resolutions-meetings-can-help-you-keep/)

P.S. Tuluy-tuloy na tayo sa payuhan! Ife-feature ko rin yung mga backlogs ko from 2012. Nakalista naman kayo so huwag kayong mag-alala. Ngawngaw agad ‘eh.

Bukas na bukas na ulit ang tangggapan ni Madma para sa inyong mga ngasngas sa buhay. Ipadala lang ito sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali! Mas mga pasabog stories ang tatalakayin natin this year!

Let’s do this!🙂

20 thoughts on “Effective ba ang New Year’s Resolution?

  1. Happy new year naman sa’yo, Madma!

    Tama si Madma, Water Snake. (Wow, laging agree sa advice ni Madma eh no. Haha.) But seriously, mas maganda ngang mag-set ng targets instead of maglista ng resolutions. Pero ang masasabi ko lang, kahit ano pa man din ang method mo, magwo-work lang ‘yun kung determined ka talagang magbago. Takot tayo sa pagbabago eh, lalo na kung improvement ng ating mga sarili. Mas ninanais natin minsan na maging “comfortable” kung nasaan man tayo, kaysa mangahas (pun intended) na paunlarin pa ang ating pagkatao, because the latter takes a lot of hard work. Also, ‘yung mga resolution, hindi naman kailangang new year lang gawin. As long as you find the need na baguhin ang isang bagay, go na! Huwag nang maghintay ng tamang panahon. Minsan, kailangan nating tumalon dahil kailanman ay hindi talaga tayo magiging handa. At minsan, kailangan ding tumalon para tumangkad. Haha. Cheers!

    • OMG! Welcome back naman, Gens! Namiss kita ha. #clingy

      Agree ako sa hindi na dapat maghintay ng new year para magbago. Gusto ko ‘tong input na ito. Dapat ratchada agad as the need arises. hahaha Parang kulang ang “pagtalon” mo ha. Medyo hindi nag-reflect sa actual height mo. wahahaha #bitch

      Miss you, Gen! As in! Kita kita naman nila Sael.

      • Na-hurt naman ako Madma, bilang sensitive issue ang height ko. Wow, umarte rin? Haha! Joke lang. Kinuha na kasi ni Sael ang height eh, ayan tuloy walang natira sa atin. Yes nangdamay pa. Hahaha. Pero mukha lang talaga akong mas maliit than my actual height dahil sa aking youthful looks at pang-teenager na body. #defensive

      • Hello Water Snake, happy new year naman sa’yo. 1989 ka siguro pinanganak. Pareho kasi tayo. Feeling ko nga kilala kita eh. Feeling ko lang ha, ‘wag kang masyadong magfeeling. Feeling mo naman. Haha. Eni-eni na lang din ples.

        Yes, tama na naman si Madma. Kainis no? Sana naman magkamali siya minsan. Nasabi na niya lahat eh.
        Pero ang pinaka-importante eh yung GO na sa pagtitinda ng yema! Winner yun.

        Hello Madma! Sino si Sael? Pakilala mo naman siya. Haha. Baliw na rin ples.😄

        Salamat naman sa pagcompare saken sa isang giraffe. Or gira-fee. :p SIla kasi ang favorite kong mammal (bukod sa tao). Actually yung height ko eh “normal” pa sa pamilya namin. Haha.

        Grabe hindi na natuloy yang bonding na yan! San ba ang Hathienda? Makapunta na nga lang. WOW.
        I miss you Madma! Nga pala, bilang nakikibakas ako sa kasikatan mo, avail mo naman ang first post ko. Para kasi sa’yo yan.🙂 Eto yung link: http://deathbymilktea.wordpress.com/2012/10/13/unang-paskil/ Actually, last October ko pa yan pinost, nakalimutan ko lang sabihin sa’yo.🙂

      • wahahaha I think meant kayo ni Water Snake! Yikeeee. Love life naman for 2013!

        Grabe yung normal pa yang height mo sa pamilya mo? WOW! Ang lakas n’yo ha. Ituloy na kasi ‘tong bonding na ‘to! Ano sched mo? Ikaw Gens? Dali Moonleaf tayo or something. Game ako sa Saturday! O, ayan ha!

        I shall read your blog in a bit! Taray naman nung may entry ka ha. haha Love it.🙂

        Miss you, Sael. Miss ka na rin ni Benson. I think KAILANGAN n’yo na magkita.❤

  2. Hello naman, Madma! Happy New Year sayo, mam! Paramdam ka naman bilang wala na akong BBM at nag switch na ako sa iPhone. WOW. Text text naman! Walang load?!??!? Nubayan!

    As for New Year’s resolutions, I think maganda ito kase it forces you to take a look at your life: where you are and where you plan to go. Sabi nga di Deedee of Dexter’s Lab fame: “The first step is always the hardest.” Totoong totoo yan.

    For me, naging successful naman ang resolution ko na maging mas consistent mag gym. Nag start ako January 2012 and still going strong in Twenty thir-THIN! I have the biceps to prove it (WOW) pero yung abs…. uhm, next question ples.🙂

    Gaya nga ng sabi ni Madma, consistency is key. Whatever it is you want to achieve, your mental approach to it is important. Know that whatever your goal is, it will be a challenge. Lahat ng worth it sa mundo eh mahirap talaga otherwise, lahat tayo ay mayaman, sexy at maganda. Find the positive in whatever you’re doing to keep you motivated. Yung small improvements na nakikita mo, let that drive you to move forward. Every pound you lose, every peso you save, gawin mo yang metaphorical pat on the back and fuel to propel you.

    Set realistic targets, too. Hindi yung pag hindi ka nagka abs in one month, give up na. Mahirap naman talaga i achieve yun, trust me. Or maybe I’m not doing enough crunches. hmmmmm. Hope this helps.

    WOW, ang haba din ng “entry” ko ha! Good luck sa yo, WaterSnake! At sayo naman, Madma, bonding naman jan! Miss na kita!!!

    • THELMA! I misssss you! Ang sosyal nung naka-i Phone. Download ka ng whatsapp. BEST YUN!

      Ang haba ng “comment” mo ha. Level na rin ng entry ko. haha In fairness naman sa abs at katawan mo, kitang-kita ang bunga ng hirap mo. hahaha Though may point na tumataba ka rin talaga. Pero manageable naman. hahaha Ang lakas nitobng line na ‘to oh “I have the biceps to prove it.” Tanginaaaa! Medyo may kayabangan ha. hahaha

      Kita tayo! Kelan ka pwede? Mag-download ka na ng whatsapp! Ang dami ko ng bagong kanta!

      Love you, Thelms.❤

      • Grabe yung hindi free ang whatsapp sa iphone! Lakas maka kurakot ples! Fine, para sayo, bibilhin ko yang whatsapp na yan! See you soon, Thelma! This Saturday, pwede ka?

      • Grabe yung hindi ako kilala! Ako si LORNA! Grabe din ang amnesia, THELMA ha!?!?! Ikaw kase si Thelma, ma’am! Sana maging “target” mo this 2013 ang pag inom ng MemoPlus GOLD ples!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s