Bagong Taon, Bagong Segment sa YTM

Madma and the book

Dear fans and followers,

Welcome naman sa bagong segment ng Yours Truly, Madma na pinamagatang “Madma Says.” O, ‘di ba lakas maka-Simon says?! Syempre bagong taon, bagong mga segments at mga pakulo dapat!

Ang “Madma Says” segment ay magfi-feature nga mga personal recommendations ni Madma para sa mga masugid na fans ng YTM. From movies, restaurants, books, events, gadgets, venues, etc. lahat ‘yan kakaririn ni Madma. Of course, expect only the best recommendations from Madma! Shet. Nakaka-excite naman itong segment na ito. Very endorser ang magiging peg ko rito, which I love!

So, ready na ba kayo sa unang recommendation ni Madma? GAME!!!
______________________________

Madma Says “A Bottle of Storm Clouds” is a MUST Read Book!

A Bottle of Storm Clouds
__________________________

Hindi ko kinaya ang ganda ng librong “A Bottle of Storm Clouds” written by the award-winning local author Eliza Victoria. Ang librong ito ay naglalaman ng 16 short stories na talaga namang kababaliwan n’yo. Katatapos ko lang basahin nito two days ago and until now nasa isip ko pa rin siya. Gosh. Very haunting ang bawat stories. Magaling ang pagkakasulat. Extraordinary ang mga plots. At mahahalin mo talaga ang mga character sa bawat kwento.🙂

Ibang klase magkwento si Ms. Eliza Victoria. Mabilis pero pasabog. Talagang dadalhin ka n’ya sa iba’t ibang mundo tapos ang dami-dami mong makikilalang iba’t ibang klase ng tao. Gustung-gusto ko yung overall feel ng book n’ya na eerie and magical. Mahilig kasi talaga ako sa mga ganitong type ng book ‘eh. Teenager level ang Madma n’yo. Young adult lang ang peg ko.🙂 Nasa-sad nga ako kasi natapos ko na yung book. Tinitipid-tipid ko pa naman yung pagbabasa kasi ninanamnam ko bawat storya!😦

Grabe yung buhay na buhay lagi ang isipan ko at imagination every time na binabasa ko ang librong ito. Hindi ko mapigilang maglakbay ang isip ko sa malalayong lugar kasama ng mga tauhan sa kanyang mga kwento. May isang time pa nga na lumampas ako ng station sa MRT kasi super engrossed ako sa pagbabasa. O ‘di ba sobrang paglalakbay talaga?! Hindi ko napansin na nasa Shaw Boulevard Station na pala ‘eh sa Boni Station lang ako baba. Haggard. Buti na lang din at walang nag-attempt na mandukot sa bag ko nung time na yun kasi for sure magtatagumpay siya bilang busy ako sa pagbabasa.🙂

Favorite ko pala na story is yung “Night Out” at “Sugar Pi.” Ang saya-saya kasi nung may konting baklaan element. Uy, bibili na ‘yan kasi narinig na yung keyword na “baklaan.” Char.🙂 Ang daming nagaganap sa book na ito. Grabe! Ibang mundo lagi ang mai-imagine n’yo sa bawat kwento. Para kang nanood ng 16 pasabog films. Ganung level. At naku ang mga twists! Kumapit kayo kasi very shocking! Titigil talaga ang mundo n’yo all of a sudden. Makaka-relate din kayo kasi ang daming mga Pinoy elements sa book. Talagang sariling atin.🙂

Please do read this book. Tapos kwentuhan tayo! Magbasa-basa rin kayo mga fans. Nakukulangan ako sa pagbabasa n’yo. Puro kayo sex tsaka porn ‘eh. Charoth.🙂 Hindi kayo magsisisi sa pagbili nito. Ipapahamak ko ba naman ang konting pera n’yo?! WOW. Yabang din ha.😉 Super ganda talaga. Suportahan naman natin ang mga local authors at ang Philippine literature. Ang daming magagaling sa Pilipinas. Ang daming mga local books na magaganda ang hindi natin nae-experience. Kaya naman target ko rin ang makabasa ng mas maraming books this year na gawa ng mga Pinoy authors.🙂

And one more thing pala. Ang ganda ng cover ng book! Favorite ko ang mga mermaids kaya naman aliw na aliw ako sa cover graphic or graphic cover.🙂

Congratulations sa’yo, Ms. Eliza Victoria. IKAW NA! Sana ay kwentuhan mo pa kame nang mas madalas. I’m so looking forward to your next book. Salamat sa mga pabaon mong mga stories. Sana ay magkita tayo soon. Papa-sign ko pa sa’yo yung copy ko!😉

Go na! Grab your copy!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.goodreads.com/book/show/15828203-a-bottle-of-storm-clouds)

P.S. Bukas na bukas na ang tanggapan ni Madma para sa inyong mga ngasngas sa buhay. Ipadala lang ang inyong kwento sa yourstrulymadma@gmail.com. Makakaasa kayong bibigyan kayo ng bonggang payo ni Madma.

Salamat sa suporta n’yo sa YTM. Ang taas na naman ng ratings natin! My God! Umpisa pa lang ‘yan. Tuluy-tuloy lang tayo sa mga pasabog.

I love you all.❤

10 thoughts on “Bagong Taon, Bagong Segment sa YTM

  1. Tapos kapag gusto namin ang ni-recommend mo, dapat may pwede kaming pindutin na button na Add to Madma-Cart, in reference to your URL. Para mala-Amazon na ang site mo Madma. Haha.

  2. Likey! Madma’s Book Club naman! Kalevel na to ng Oprah’s Book Club! Tas yung picture mo ang magiging “seal” of approval mo na ilalagay sa cover ng mga book! :p
    Babasahin ko ‘to Madma at irerecommend din sa mga fans mo dito sa South.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s