Madma Reacts: Abusadong Prof. and Matt Dallas


______________________________

Dear fans and followers,

Nakakaloka si Sir!!! Anyareee?! Menopausal stage kayo, Sir? Kulang sa tulog? May stage 4 cancer? O baka naman tigang kayo sa sex?! Ang best naman ng galit ni Kuya. Parang ito na ang huling galit n’ya sa mundo. Tangena. Sa’yo na ang Best in Galit Award! Wala ng papalag. Wala ng kokontra. Hindi ko kinaya ang ginawa n’ya. Ang lupet!!! Teacher ba talaga ‘to? Parang boksingero ‘eh. My God.

Quotang-quota ka na Sir sa galit this year ha. Bawal ka na magalit sa next 3 years. Dapat puro ka na lang tawa. Natodo mo na ‘eh. Diyos ko! Kapag nakita pa kitang nagalit ulit, naku, sasamain ka na sa akin. Wow.🙂 Hindi ko ma-imagine ang traumang dala nito sa student na inaway n’ya at sa iba pang bagets na present sa scene of the crime. Nakaka-trauma ‘to nang todo. Parang ayoko na maging student after watching this video. Parang mas gusto ko na lang maging halaman. Ganyan.

Nakaka-alarma talaga itong video na ‘to ha. Shout ouch naman dun sa matapang na student na nag-video nito. Buti naman at naisilawat ang kagaguhang ito. By the way, Professor pala si Kuya sa Montessori Professional College sa Pasay. Ganito ba talaga ang teaching strategy n’yo sa school n’yo? LAKAS HA! Sana mag-enrol sina Ms. Annabell Rama at Ms. Amalia Fuentes sa school na ito. Feeling ko kaya nilang makipagsabayan. Char.🙂

Ang nakakaloka pa is teacher pala si Kuya ng Personality Development. WOW! Talaga lang ha?! Natatawa ako sa irony na ‘to. Baka naman ang full title ng subject na tinuturo n’ya ay “Personality Development 101: The Extreme Personality.” Baka ‘yan. Wagas yung galit ni Kuya. Galit at its finest. Hiyang-hiya yung galit ni Lord kina Eba at Adan nung kinain nila ang mansanas.

Well, buti na lang at tinanggal na sa trabaho ang Professor na ito ayon sa nabasa kong report. Nakakahiya naman kung hindi. At least nawala na ang bakulaw sa paaralang ‘yun at makakahinga na ulit ang mga students ng Montessori Professional College. Wala akong pakialam kung anu man ang dahilan n’ya kung bakit siya nagalit nang ganun. I don’t care kung may pinagdadaanan siyang matinding pagsubok sa buhay kaya siya naging si Incredible Hulk bigla. Lahat tayo ay may kanya-kanyang problema kaya ‘wag siyang umarte. Wala siyang karapatang manakit at manakot nang ganun sa mga students at sa kahit kaninong bata or tao for that matter. Period.

Kaya naman din ako na-alarma sa balitang ito ay dahil sa malapit na rin akong maging isang guro.🙂 Yes, you heard it right. Teacher na si Madma very soon. Sa Sunday na ang simula ko to be exact. O, ha! Naku hindi ko ‘to gagawin. Promise! OR ‘di rin natin sure. Char.🙂 Sana naman ay maging magaling akong teacher! Good luck sa akin.🙂

Message ko kay Sir, chill lang ho. Isa lang ang buhay. Mahalin n’yo ito.

Message ko sa student na inaway n’ya, kalma ka na, girl. Wala na ang bakulaw. Sana maka-move on ka na very soon. We love you.🙂

Lakas maka-showbiz nung nagme-message.
______________________________________

Matt Dallas, Out na Out na!

Nakakaloka rin itong balitang ito!!! Tangena ang pogi kasi ni Matt Dallas nang todo. Whooooo. Sa mga hindi kilala si Matt, siya ang bida sa series na Kyle XY. Ito siya oh.

Matt
______________________________

O, eto pa just in case hindi pa kayo convinced na pogi siya!

Matt2
____________________________

Waaaah! Pogeeee!!! AARTE PA?! Kinginaaaa. Ok lang kahit sigaw-sigawan ako ni Prof. Kahit hampas-hampasan pa n’ya ako ng papel. Basta ito jowa ko, go lang! Lampake sa kanya! Char.

Welcome naman sa gay community, Matt. You are sooo welcome here. Aarte pa ba kame?! Yung mga panget nga tinanggap ‘eh ikaw pa kaya?!🙂 Actually sa pogi mong ‘yan, kahit anong community ay pasukan mo ay tatanggapin ka nang wagas. Kahit sa lesbian community, community for the blind, community outreach program etc. Pasok na pasok ka. Lakas mo ‘eh! Ang perfect mo ‘eh!

Nakakabilib naman ang tapang mo, Matt. Bilib ako sa pag-out mo. Good job!🙂 After all, ang hirap maging closeta. Sarili mo lang din ang lolokohin mo. Ikaw rin ang mahihirapan. At least malayang-malaya ka na ngayon.😉 Sana ma-inspire na rin yung iba na mag-out. Paging Piolo Pascual. Sana tablan ka na. Char.😉 Ang dami-dami pang closet gay sa mundong ito. Ang dami pa ring lalaki kuno pero wagas makipaglandian sa kapwa lalaki. Huwag n’yo akong simulan. Marami akong kilalang ganyan. Naku.:)

We love you, Matt. Sana mabasa mo naman ‘tong blog ko. Ay, pakshet. English nga pala ang language mo. Hay naku! Abala. Mage-English pa ako. Huwag na pala. Sige. Ingat ka na lang. No English please. Pagod ako. Tsaka gutom. Next time na lang. Charoth!😉

Nga pala, si Blue Hamilton ang jowa ni Matt. Na super pogi rin!!! Grabe!!! Ito siya oh.

Blue
______________________

Pota. Ang popogi nila. YUMMY! Ginugutom tuloy ako. “Makakain” na nga. WOW.🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.fmforums.co.uk/forums/index.php?s=96cca223fbc02d59280bf3aa061db587&showtopic=152347&mode=threaded&pid=1970273, http://www.zimbio.com/Matt+Dallas and http://www.trendingrecords.com/2011/05/introducing-blue-hamilton/)

(Video credit: http://www.youtube.com/watch?v=wzckyTVHiMc)

P.S. Dumarami na naman ang nagpapadala ng mga ngasngas kay Madma! Salamat naman sa pagtugon sa aking panawagan.🙂 Bukas payuhan tayo!

Bukas na bukas pa rin ang tanggapan ni Madma para sa mga kaartehan n’yo sa buhay. Email lang kayo sa yourstrulymadma@gmail.com. GAME!

6 thoughts on “Madma Reacts: Abusadong Prof. and Matt Dallas

  1. Nakakatakot naman ‘yung prof. At in fairness kay ate student ha, palaban talaga. Haha.

    Wow, Madma. Pasabog naman na magti-teacher ka na! Haha. Congrats sa iyong bagong career path. Bakit pala Sunday ang start? Magiging Sunday School teacher ka na ba? Haha joke. Good luck!

    • ‘Di ba afraid si Prof.? Grabe ‘no? Terror much. Gusto ko yung palaban si girl. Love her!

      Yes, Sunday School Teacher na ako. Level ng mga madre sa kumbento. haha Sana nga hindi maging show yung klase ko. Sana hindi maging comedy bar. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s