Madma Says ang bongga ng “Parental Guidance” and “Life of Pi”

Dear fans and followers,

At talaga namang nakadalawang bagong pelikula ako over the weekend. Hindi na rin masama ha! Ratchada na tayo ulit sa panonood at pagre-review ng pelikula. By the way, nag-promise pala ako this year na medyo magve-venture out ako sa horror/suspense/thriller films. Medyo susubukan din ng Madma n’yo ang ibang genre para mas bongga. Pero syempre hindi mawawala ang panood ko ng mga horror films from time to time. Nasa dugo ko na ‘yan ‘eh. Hindi na ‘yan mawawala.😉

So sharing time na. Game.🙂
_________________________________________

“Parental Guidance,” May Kurot sa Puso

PG

Shout ouch naman sa very first film ko sa big screen this year. Super thanks to my IPF, Mr. Rogelio Estacio Jr., for this movie treat at pagsama sa akin sa advance screening.🙂 Ang sosyal nung advance screening ha. Ang advanced na talaga natin kumpara sa ibang masa. Char.😉 In fairness sa “Parental Guidance,” maganda siya ha. Matino naman ang pagkakagawa at nakakatawa. Magaling umarte ang cast na sina Billy Crystal, Marisa Tomei, Bailee Madison and the diva herself, Ms. Bette Midler. Effective ang combination nila! Aliw na aliw ako. Pak na pak!🙂

Masasabing nakakatawa pa rin yung film kahit na hindi na bago ang plot. Nagawa na rin kasi yung tipo ng film na ‘to. Maraming beses na. Buti na lang at bongga ang script! Napaka-witty ng mga lines nila at effective ang mga eksena. Lakas ng tawa ko sa sinehan. Shet. Nangingibaw talaga. Masyadong pabida.🙂 Very “Modern Family” and “How I Met Your Mother” ang peg nito. Kung mahilig kayo sa comedy TV series na ‘yun, watch na kayo! Marami kayong mapupulot na aral on parenting. TODO! Bagay na bagay ito sa mga young Mommies and Daddies out there. Syempre hindi ko na ikukwento ang mga details para naman ‘di kayo ma-spoil. Alam n’yong hate natin ang mga spoliers.🙂 Basta maraming mga scenes na may “kurot” sa puso. In fact, naiyak nga ang kasama ko ‘eh. Sabi n’ya bigla “OMG naiiyak na ako.” Sabay pahid ng luha.😉 Kaloka. Iyak naman ulit, IPF. Hindi ka na umiiyak.🙂

Kung gusto n’yo ng super feel good movie, I recommend na panoorin n’yo ang “Parental Guidance.” Mawawala ang kanegahan n’yo sa katawan after watching it. Swear!🙂 Highly recommended ko siya sa mga malulungkot at may mga pinagdadaang pagsubok sa buhay sa mga oras na ito. Alam n’yong best medicine ang laughter kaya attack na kayo para manood. Masayang simulan ang taon na ito ng mga bagay na positive! GV GV naman!😉

Ang “Parental Guidance” ay nakakuha ng 3/5 on my Divanomter. Hindi na rin masama ha.😉 Watch na!
_____________________________________

Nakakabaliw sa ganda ang “Life Of Pi”

Life of Pi

O.M.G.!!! Hindi ko mapigilang isigaw na soooobrang ganda ng “Life Of Pi.” Potaaaang inaaaa! Kailangan ko ng calming lotion! Naloloka na yata ako!!!🙂 I just loved everything about the film. As in everything! Whoooa. Busog na busog ang mata ko sa pasabog na cinematography and visuals. Ibang level ang pelikulang ito ni Direk Ang Lee. PANALO! Shet lang.😉

Ang pinakanagustuhan ko sa film ay yung fact na capture n’ya yung pinaka-meat at pinaka-essence ng book at nabigyang-buhay n’ya ito sa pelikula. By the way, book ang “Life Of Pi” ha at ito ay isinulat ni Yann Martel. The book was published in 2001 and nabasa ko siya 2 years ago lang. Ang best nung naipakita ni Direk Ang Lee ang mga bagay na na-imagine ko habang binabasa ang book version. Super magka-wavelength kame ni Ang Lee. WOW.🙂

Maraming pagkakataon na sinasabi nating mas maganda ang book version kaysa sa film adaptation (hello naman “I Am Number Four”). I’m sure nasabi n’yo na ‘yan at some point in time. Ang daming mga film directors ang binaboy ang magagandang books sa film version. Nakakaloka. Pero ibahin n’yo ang pelikulang “Life Of Pi.” Parehong maganda ang book and film version! Shet. Pareho silang charming at pasabog! Ang galing talaga. Grabe. Talaga namang binigyan ng justice ni Direk Ang Lee ang award-winning na book na ito.🙂 Na-amaze ako na very faithful si Direk Ang Lee sa book yet nabigyan n’ya ng nakakalokang twist and turns ang pelikula. Isang dumagadundong na SHOUT OUCH kay Direk Ang Lee sa napakahusay na pagsasa-pelikula ng libro ni Yann Martel. Maraming salamat sa paggawa ng life-changing film na ‘to.🙂

Magaling din ang mga artistang gumanap sa pelikula lalo na ang bidang si Pi na ginapaman ni Suraj Sharma. Syempre hindi natin siya kilala kasi Indian actor siya. Pero nonetheless, magaling siya! Bow ako sa acting prowess n’ya. Ibang level! Nagawa n’ya nang maayos ang mahihirap at mabibigat na eksena, which is MARAMI! May God. Gustung-gusto ko yung mga eksena after lumubog ang barko at nagsimula ang buhay n’ya sa bangka kasama ang isang Bengal Tiger na si Richard Parker. GRABE!!!😉 Sigaw ako ng sigaw sa sinehan. Level ng horror film. Siguro naloka yung mga katabi ko. Ang ganda-ganda talaga. Haaay. From start to end, BEST! Pwede pala ‘yun?! Ibang level ang mga challenges na naranasan ni Pi sa film na ‘to. Ilang beses n’ya ring nalampasan ang death ha. Dapat talaga ang title nito ay “Lives Of Pi” ‘eh. Char.😉

Panoorin n’yo na ang “Life Of Pi” habang humihinga pa kayo. I-miss n’yo na ang date n’yo sa jowa n’yo huwag lang ang pelikulang ito. Kakaibang experience ang pagnood ng “Life Of Pi.” SWEAR! Nababaliw na ako while writing this entry. ANG GANDA KASI TALAGA!:)

With that, ang “Life Of Pi” ay nakakuha ng 5/5 on my Divanometer. O, ‘di ba?! Perfect score! Naku kulang pa nga ‘yan sa totoo lang. Hatakin na ang pamilya at mga kaibigan n’yo at sama-sama kayong manood. Hindi kayo magsisisi sa film na ‘to. Ipaligpit n’yo ako kapag napangitan kayo rito. Shet.

GO NAAAAAAAAA!!!

Yours Truly,

Madma

P.S. Shout ouch naman sa Kepsquad na kasama ko manood kagabi: Mr. Robby Benson Torres, Ms. JC Cantos, Ms. Kti alibanban and Ms. Kristy Texon. Shout ouch din kay Ms. Tin Reyes and Mr. Rogelio Estacio Jr. Grabe yung movie buddy na tayo, IPF! Likey ko ‘to. Badminton naman!😉

Bonding2

Payuhan pala tayo bukas. Excited na ako sa featured story natin. Padala lang kayo ng story n’yo sa yourstrulymadma@gmail.com! Humahaba na ang pila. GO NA!

13 thoughts on “Madma Says ang bongga ng “Parental Guidance” and “Life of Pi”

  1. hey madma, hindi talaga actor si Suraj Sharma.. as in wala syang experience, ni hindi niya nga gusto mag-audition, napilitan lang sya kasi sinamahan niya ang kuya niya na mag-audition. Kaya sobrang galing talaga ni Ang Lee.. imagine kung paano niya napaarte ng napakagaling si Suraj.

  2. Watched it in 3D yesterday………. Life of Pi in 3D = Paradise in Theater……. Perfection

    buhay na buhay ang mga Hayop….. nakakagulat si Richard Parker….. nakakainlove ang mga lumiliwanag na mga jelly fish…. sarap kurutin ng mga meerkats….. ramdam mong parang nalulunod ka din noong lumubog na ang barko…. at parang ang sakit nung mga flying fish.

    Parang National Geographic / Discover Channel / Animal Planet ang movie na to na may kirot sa puso.🙂

    • Grabe naiinggit ako at sa 3D mo napanood! Ibang level siguro yung effect! Nahihilo kasi ako sa 3D kaya sa ordinary lang ang Madma mo. haha Ibang level ang ganda ng Life of Pi! TODOOOOOOOO!!! Fiestang-fiesta ang mata ko! Busog.

  3. Hi Marvs / Madma! Nakalimutan kong banggitin sayo na big fan mo nga pala ako dito ! (Yung isang officemate nga din pala namin, big fan mo din! Ang sikat!) Sobrang nakakatawa yung mga entries mo at syempre na-enjoy ko lalo tong review mo sa “Lives of Pi” – ang ganda nga sobraaa!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s