To Confess or Not To Confess

IOH-10057004 - © - image100

Dear Madma,

Bago ang lahat, salamat sa’yo at napapatawa mo ako sa mga posts mo dito sa iyong blog. Alam mo na, minsan stressed sa school/work.

Anyway, naisipan kong magsulat dahil wala naman akong kaibigan na pwedeng pagsabihan nitong problema ko. Wala kasing nakakaalam tungkol sa identity crisis na pinagdadaanan ko ngayon.

May isa kasi akong kaklase na sobrang mabait at sobrang charming ng pagkato. Bonus na lang yung itsura nya. Ayun, nahuhulog na ata ako sa kanya. Naging running at study buddy ko na siya. Minsan niyaya nya ako sa apartment nila at laking gulat ko na isa sa mga housemates nya ay girlfriend nya. Ang sakit lang! Buong akala ko, okay ang lahat. May sabit pala.

Pero hindi dun nagtatapos ang kwento. Close pa rin kami, lagi nga kami magkachat sa facebook. Kapag weekend, magkasama kami. Although minsan kasama gf niya. Oo na third wheel na ako hehe.

Alam kong hindi na dapat akong umasa pa kaso something is telling me inside na may ‘chance’ kaming dalawa. Ewan ko ba, malakas kasi instinct ko, nasesense ko na may problema sila ni gf. Pero di ko naman wini-wish na magkahiwalay sila. His gf is nice too! Kaibigan ko na rin.

Kaya lang ayun, dahil lagi kami magkachat, magkasama, at ang sweet pa niya sa’kin, naiisip ko na baka nga may nararamdaman din siya para sakin. Basta yung mga message exchange namin hindi normal sa dalawang lalaking magkaibigan lang ang turinngan. O baka masyado lang akong assuming hehe.

So ayun, aamin ba ako o hindi? Nabasa ko lang kasi somewhere na I will never know the answer or the answer is always NO, unless I ask.

Tulong naman…

Umaasa,

Ken
______________________________________________

Dear Ken,

Nakaka-flatter naman yung fact na napapasaya kita kahit papaano. Ang funny ko ‘no? Don’t you like me? WOW. Agresiba si Ma’am.🙂 Salamat sa pagtambay sa YTM. Masaya ako at nakakadagdag ako sa kasiyahan ng buhay mo. Ang sweet nung nag-confide ka talaga sa blog ko and you see me as a “friend.” Awww… Parang nahuhulog na tuloy ang loob ko sa’yo. Char! Ano ba ‘to ang landi-landi ko. Ang lamig kasi ‘eh. Pota.😉

Alam mo, Ken, hindi naman ako nagtataka na ma-fall ka sa kaklase mo kasi nga lagi kayong magkasama. Ang dami n’yong moments together. Ang ki-clingy n’yo ‘eh! Iba rin talaga ang power ng proximity. Nakakaloka ‘yan. Yung tipong buddy-buddy lang kayo sa una tapos magigising ka na lang one day na mahal mo na siya. Darating na lang yung araw na makukulangan ka na sa pagiging “mag-buddy” n’yo and gusto mo na siyang angkinin totally para maging “fuck buddy.” Charoth! Maraming ganyang kaso ngayon. Kalevel ng homicide sa dami. So kalma ka lang, Ken.😉

Simple lang ang policy ko sa buhay, basta taken na, layuan na. Ayoko ko kasi ng kumplikadong buhay. Naniniwala ako na marami pang ibang bading na single d’yan so walang dahilan para mang-agaw at manira ng anumang relasyon. Tingin ka lang sa paligid. To be more precise tingnan mo ako. WOW.😉 Respeto rin sa kapwa, Ken. Yun lang ‘yun ‘eh. Maliwanag naman na may GF yang kaklase mo. Take note ha, GIRLFRIEND ang karelasyon ni Kuya. So LALAKI ang portrayal niya sa buhay as of now. And ikaw na rin ang may sabi na nice ang GF n’ya. Ang bad mo naman kung manggugulo ka at sasaktan mo si GF, ‘di ba? Not likey!😦

Alam mo damang-dama ko ang strong desire mo sa kaklase mong ‘yan, Ken. Gets ko ‘yan. Maniwala ka! Pero hindi mo deserved na lumabas na mang-aagaw at traydor sa kwento. Ayaw natin ang mga kontrabida role! Dapat bida tayo lagi. So kung ako ang nasa sitwasyon ko, gagawin ko ang tama. Lalayo ako sa sitwasyong ganyan.😦 Aba, ang hirap kaya nung feeling na nagseselos at nasasaktan araw-araw ha. Tangina. Ayoko n’yan! Nakakamatay ‘yan. Nakakapangit ‘yan. Huwag ka namang maging harsh sa sarili mo. Tandaan mo, isa lang ang buhay kaya mahalin mo ito.

Pero bago ka lumayo, magtapat ka rin. Again, magtatapat ka hindi para mang-agaw kundi para mas mapadali ang paglayo mo. I just want to be clear on this.🙂 Tapusin na ‘yan! Diyos ko. Kausapin mo na ang kaklase mong yan at sabihin ang lahat ng drama mo. Ang sarap din kasing pinapakawalan ang nararamdaman. Mas nakakatulong ‘yan sa paglayo at pagsisimula ng bagong buhay. Mahirap din yung puro “what ifs” so mabuti nang iparating mo rin ang laman ng puso mo para sa ikatatahimik mo.🙂

Ngayon, kung sabihin n’yang mahal ka rin ‘yan. O, ‘di ang ganda mo! Happy Birthday sa’yo. IKAW NA! Pero huwag mo namang i-grab agad. Kati mo rin ‘eh.🙂 Magbigay ka rin ng tamang panahon para ayusin, plantsahin at itama n’ya ang gusot ng buhay n’ya. Mag-allot ka ng panahon para maghilom ang mga pusong masasaktan. Hayaan mo si Kuyang maging mature enough to fix his mess. Again, ayaw nating maging kontrabida!

Kung sabihin n’ya namang wala siyang nararamdaman sa’yo, ‘eh magbigti ka na. CHAR! Well, ganun naman ang buhay ‘eh. Hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. So mag-move on ka na. Magsimula ka na ng bagong buhay na malayo muna sa kanila. Ang laging importante is honest and strong enough tayo para harapin at i-resolve ang arte natin sa buhay. ‘Yun naman ang nagma-matter lagi.🙂

Take it from Madma, piliin natin lagi ang tama. Higit tayong magiging masaya kung wala tayong naapakan, nasasagasan at nasasaktan na ibang tao. Ang kaligayahan ay hindi dapat madamot. Hindi dapat nananakit. I know this is easier said than done pero sana sikapin nating piliin ang tama.🙂 It’s all about making choices, bitch.😉 Lakas maka-bible nung mga sinasabi mo. Nakakaloka.😉

Good luck sa’yo, Ken. Hangad ko ang kaligayahan mo.😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.agefotostock.com/en/Stock-Images/Royalty-Free/IOH-10057004)

P.S. Patuloy lang sa pagpapadala ng mga nguynguy at ngasngas sa buhay. Ipadala ito sa yourstrulymadma@gmail.com. GO NA!

14 thoughts on “To Confess or Not To Confess

  1. Hoy Ken! Ang Tita mo ‘to! Tutukan mo nga yang pag-aaral mo, hindi yang puro ka landi!!! Ching lang.

    Yes, I go for magtapat. Pero kung mahal ka niya tapos iiwan niya yung GF niya for you (which is nakakaganda on your part), parang ayoko ng ganun. Kawawa naman si girl if ever. Eh friends nga kayo di ba? FO na gad para sa love? Grabe to oh! Mas tama yung tingin-tingin ka lang sa paligid as per Madma. Boni, Mandaluyong is a good place to start. Wuw. Baka kasi nagpapakupota ka lang kay classmate.

    Pero mas ok pa rin na tutukan mo nga yang pag-aaral mo. K? K.

    • “Grabe to oh! Mas tama yung tingin-tingin ka lang sa paligid as per Madma. Boni, Mandaluyong is a good place to start.”

      Haha, Madma, hindi lang ikaw ang nakakangawit ng panga sa blog mo. Pati mga nagccomment, panalo!😀 O baka naman ikaw lang din yan Madma, dami ka lang fake account para kunwari active ang discussion dito. Char!

      Anyway, nagulat ako sa payo mo Madma. Kasi tama siya. Akala ko itutulak mo lang talaga si Ken na i-gora na yang pag-ibig na yan. Kaw naman kasi, kunwaring manyak ang peg, pero conservative pa rin pala. Nalito ako sayo ah.

      Basta tama nga na wag magtapat nang may masamang intensiyon (ie mang-agaw). Kahit na BF pa ang current na ka-relasyon ni Classmate, hindi talaga maganda na maging sanhi ng isang break-up. Kaw din, baka ma-karma ka! Kung naman aamin din si Classmate, tama pa rin si Madma na ipaayos kay guy ang gulong pinasok niya. Pag ayos na, tsaka na lang mag-ALAM-MO-NA-han. Ang pangit rin kasi kung masama ang simula ng relationship niyo, diba? Kasi kung ginago niya yung iba, pano mo malalamang hindi ka niya gagaguhin later?

      • Hello naman, Mary! Apir tayo sa tinatawag na KARMA. haha Ang babait naman natin! haha Ayoko ko talaga ng mga agawan at ahasan! Dapat sa mga taong ganyan ay pinapatay. haha May hugot din ha. haha Salamat sa comment mo, Mary. Amen.🙂

    • WAHAHAHA Tangina tawang-tawa ako dito “Hoy Ken! Ang Tita mo ‘to! Tutukan mo nga yang pag-aaral mo, hindi yang puro ka landi!!!” BWISIT!!! hahahasa

      At gusto ko yang promotion sa Boni bilng gay hub!!! Love it. hahaha

  2. Madma, so naexperience mo na ba yung super buddy buddy kayo tas nagustuhan mo na nang Todo ? Kindly advise us on this….

  3. Hahahahaha! madma, parang pareho kami ni Mary na nageexpect na ibubuyo mo si Ken na ilevel up ang kalandian kay classmate. But no. Ang taas ng respect ko sa payo mo! Love it. Ikaw nga rin pala ang expert sa mga buddy-buddy situation na ganyan.

  4. or baka naman katigangan yan? teh, madami ako kilala na ito ang sitwasyon: lust was mistaken for love. so alam na. kuskus-kuskos muna tayo jan. kung gusto mo pa rin sya after ng release, tama si madma na you must let your feelings be known. kung di reciprocated, wag manira ng relasyon. layu-layo muna teh. masama ang mang-agaw. bawal mukhang desperado. kawala ng poise.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s