RH Law Effective na Starting Today!

RH LAW

Dear fans and followers,

At talaga namang wala ng makakapigil sa pagpapatupad ng kontrobersyal na Republic Act 10354 titled “An Act Providing for a National Policy on Responsible Parenthood and Reproductive Health.” After ng nakakamatay at nakakalokang deliberasyon sa batas na ito for more than two decades, finally ay effective na siya starting today! *Clap, clap, clap with standing O. I love it! Ang ganda talaga ng pasok ng taong ito. Pak na pak!🙂

Happy ako at sa wakas ay may ginawa nang totoo ang gobyerno para i-address ang nakakalokang population ng Pilipinas. Para sa mga hindi nakakaalam, ang bilang ng mga Pilipino ngayon sa bansa ay nasa 95 million na! At 20 million dito ay nasa Metro Manila nakatira. NAKAKALOKA. Kaya naman bawal umarte kung masikip sa MRT, sa bus at sa jeep kasi overpopulated na tayo mga Ma’am. Bawal magreklamo kung madikitan ka ng mga pawis na tao habang ikaw ay namamasyal sa malls o kaya ay nasa palengke or grocery. Bawal mainarte sa traffic sa EDSA dahil hindi na kaya ng kalsada natin ang dami ng Pilipinong may sasakyan. Bawal umangal kung wala ka ng maupuan sa mga eskwelahan. Bawal ngumuynguy kung wala ka ng matayuan ng bahay o kaya maupahan. Napakarami na natin! Diyos ko. 95 million!!! Pang-12 na tayo sa most populated country sa mundo! Shet. Kung laban ito sa Miss Universe, pasok na pasok tayo sa Magic 12. Buti sana kung lahat pogi at may itsura. Buti sana kung lahat kamukha ni Piolo Pascual o kaya ni Derek Ramsey. ‘Eh hindi rin naman so hindi rin masaya. Char.🙂

Tingnan natin ang populasyon ng ibang bansa ha: Germany (81 million), France (64 million), United Kingdom (63 million), Italy (60 million), South Korea (50 million), Malaysia (30 million), Saudi Arabia (28 million), Australia (22 million), United Arab Emirates (8 million), Hong Kong (7 million) and Singapore (5 million). O, ‘di ba?! Tangina. Ang best ng Philippines when it comes to population ha. Pabida! Hiyang-hiya yung mga mayayamang bansa. Baka 2 years from now ‘eh maabutan na natin ang China na may 1.3 Billion population ngayon. Grabe. Ang dami na talaga natin! Bawas-bawas naman! Pota.

Kaya naman super happy talaga ako sa RH Law kasi kahit papaano ‘eh makakatulong ito para mapigilan ang paglobo ng populasyon ng bansa. Naalala ko lang last year, may nagsabi na isang kongresman na hindi pa raw tayo overpopulated. TANGA BA SIYA?! Saan ba siya nakatira?! Sa ulap? Kakagigil si Kuya. Sarap ipasagasa sa MRT! Grrr. Super serious problem talaga ang overpopulation at nakakatuwang finally ‘eh pinansin na rin siya ng gobyerno. Hindi happy kapag overpopulated. Gutom, hirap, at agawan sa resources ang kakalabasan nito. Pati sa jowa agawan na rin. Ganun!🙂

Sa totoo lang, promising naman ang laman ng RH Law sa kabuuan. According to its provision, “this act shall be liberally construed to ensure the provision, delivery and access to reproductive health care services, and to promote, protect and fulfill women’s reproductive health and rights.”

Para mas madali n’yong ma-gets, ito ang ilan sa mga highlights ng RH Law:

1. The law seeks to improve public access to reproductive health services, including natural and artificial family planning options.
2. Under the law, all accredited public health facilities shall provide a “full range of family planning methods which shall include medical consultation, supplies and necessary and reasonable procedures for poor and marginalized couples having fertility issues who desire to have children.”
3. It promotes better maternal care, responsible parenthood, and youth education on sexual and reproductive health issues.
4. It funds the distribution of free contraceptives, requires public hospitals to provide RH services, and mandates sex education in public schools.
5. It provides for “age- and development-appropriate reproductive health education to adolescents” to be taught by adequately trained teachers in formal and non-formal set-up.

O,‘di ba bongga naman?! Aarte ka pa ba sa fact na ginagawa ng madali ang access sa reproductive health care services para sa kapakanan ng lahat?! Aarte ka pa ba pag-promote ng responsible parenthood?! Papalag ka pa ba sa sex education in public schools?! Ako, hindi! Go na ako!🙂 Huwag kasi nating isipin or i-simplify na ang batas na ito ay para sa “abortion.” Konting bukas naman ng utak d’yan. Hindi siya abortion law! Kaloka. It does not, in any way, promote abortion. Ang batas na nito ay nagbibigay ng malakawang kaalaman at mga alternatibo tungkol reproductive health. Mas ‘yun kasi ang focus nito. Konting intindi naman.

Ito pala ang link ng buong RH Law: http://www.gov.ph/2012/12/21/republic-act-no-10354/

Gets ko naman ang sentiment ng mga “pro-life” and anti-RH Law people. Alam ko namang ang ngasngas n’yo sa pagka-sacred ng buhay. Gets ko naman at iginagalang ko ang kanilang saloobin. Sa lahat naman ng issue, lagi’t laging may dalawang opposing sides. Laging may pro at laging may anti. Given na ‘yan. Kapag walang bangayan, boring. Pero at the end of the day, kailangang mag-decide. Kailangang magpasya. Kailangang mamili. Kailangang umaksyon. Hindi pwedeng natetengga sa debate at pagpapalitan ng mga ideas. Hindi pwedeng natitigil sa bangayan. Ultimately, a decision has to made. At natutuwa akong nagtagumpay ang pagsasabatas ng RH Law. Shout ouch naman principal author ng batas na ito na si Sen. Pia Guanio. I mean Sen. Pia Cayetano! Super love kita.🙂

Sa issue tuloy ng RH Law, mas naging maliwanag sa akin ang importance ng separation ng state and church. Dapat kasi talaga may absolute separation ang dalawa ‘eh. Hindi dapat nagpapatali ang gobyerno sa simbahan ng anumang relihiyon. Hiwalay dapat sila. Dapat hindi nagpapa-pressure ang gobyerno sa mga banta ng anumang religious sectors. After all, tungkulin ng pamahalaan na itaguyod ang nakakabuti para sa higit na nakakarami. Tungkulin ng pamahalaan na gumawa ng desisyon para sa ikakaunlad ng mas nakakarami. The government is responsible to the Filipino people not to the church or any religion. Pero in actuality, alam naman nating walang absolute separation ang dalawa. Lagi’t laging naiimpluwensyahan ng isa ang isa. Which is sad.😦

So yun naman. Ang fierce din ng views ko about this issue ha. Natodo ko rin yung emotion ko ha. Whoa!🙂 Sana ay mas marami pang maipasang batas na kagaya nito. Yung mga batas na revolutionary at talagang may silbi sa mga Pilipino. Sana ay mas lawakan pa natin ang ating pag-iisip at pang-unawa. Gamitin natin ang reason at logic kaysa sa emotion. Marami pa tayong haharaping mabibigat na issues sa mga susunod panahon. Ito na ang time para maging maalam sa mga issues. Para makialam at magpahayag ng saloobin. Ang taray ‘no?! Tama na nga. Baka damputin na ako ng mga pulis.😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://diariesofwoesandchaos.blogspot.com/)

(Sources: http://en.wikipedia.org/wiki/List_of_countries_by_population; http://www.philstar.com/headlines/2013/01/03/892746/rh-law-take-effect-jan.-17; http://nso-ncr.ph/; http://en.wikipedia.org/wiki/Responsible_Parenthood_and_Reproductive_Health_Act_of_2012; http://opinion.inquirer.net/44831/unfinished-debate-over-the-rh-law; http://www.gov.ph/2012/12/21/republic-act-no-10354/)

P.S. Isang malakas na shout ouch para sa mga fans and readers ng YTM sa Brunei! Ibang level ang suporta n’yo d’yan ha. Maraming salamat sa inyo. Hayaan n’yo bibisita ako d’yan para sa meet and greet. Char.😉

Special shout ouch sa napakagandang Mommy ng aking Migssy na si Mrs. Lourdes Beltran Aguirre. Alam ko po ang pagka-adik n’yo sa blog ko. Nakakaloka. Super thanks, Tita! I hope to see you soon. I love you po.❤

Mrs. Aguirre

8 thoughts on “RH Law Effective na Starting Today!

  1. Managee, nanuod ka ba ng reading nito? Lalo kang mang-gagalaiti sa mga reasons ng mga mambabatas na nagvo-vote ng NO tapos wala namang logic yung ini-explain. Buti nga naipasa na to eh. Dapat lumipat na yung iba sa Cavite. Stop na sa Manila….tara na sa Cavite dun naman tayo magsiksikan.

    • hahaha Hindi ko napanood ang reading nito. Sayang nga eh. Nabasa ko lang yung mga “katangahan” nung ibang officials. haha Tara sa Cavite! Gawa tayo ng sarili nating Wisteria Lane. Ako na si Gabby Solis ha. Na-assign na! haha

  2. Ang best ng write up madma!~🙂 Gosh kung pupuntahan mo yung page ni TITO SEN wala, tatawa ka lang hanggang mautot ka. Thanks for sharing this, share ko din!~

  3. Madma, ako rin pro-RH.🙂 Pero para lang dun sa edukasyon, freedom to choose, and availability of resources na part. Kebs ako sa overpopulation. Di ako naniniwalang overpopulated tayo. Kulang lang sa city planning at talagang di naasikaso ng gobyerno ang rural areas kaya naman nagsisidagsa sa capital ang mga tao. Eh kung umaabot ba naman sa mga bukid yung mga discovery ng IRRI tapos di nababaon sa utang-cycle yung food producers natin, edi di sana sila nagpupunta sa Maynila para pumila sa show ni Willie? Pano pa kapag madali nang mag-biyahe/transfer ng goods between provinces?! Ay nako. Baka sobrang mag-mura yung mga prutas at gulay, i-suspend na sila ng MTRCB!

    Anyway, mahal ko ang RH bill dahil nga education at information campaign ang gagamitin niya para gamutin ang kamangmangan natin (kasama ako, marami pa akong di alam!) Hindi yung puro hand-outs lang. Kung pwede nga lang i-info campaign na rin yang mga mayayamang senador na walang alam sa pagpapalaki ng mga bata eh…

    Ansabe ng export daw natin ang labor?! Gaga ba sila? Kala nila pagka-ire mo ng bata, pwede na siyang magtrabaho sa labas ng bansa? Yung mga kapatid kong nurse, pahirapan makaalis ng Pinas. Sa dami ng gagastusin para sa mga training at application fee, mas economically sound pa yata kung nagpa-retoke ka na lang ng buong katawan tsaka ka pumasok sa showbiz. O kaya pulitika. Kung di ka sumikat, at least gumanda ka, diba?

    • hahaha I soo love your insights, Mary. Kailangan talagang maging vigilant nowadays at makialam. Ang dami kasing mga anomalya sa bansang ito. Sana mas marami pang batas na maipasa na relevant sa ating buhay. Mabuhay ang RH Law.❤

  4. hi hello Marvin . . kumusta ka na??? shout talaga ako at na fetured ako sa blog mo. . . kilig talaga ang beauty ng mommy ni Jetti. Actually 1 month akong contract leave pero dahil sa kabisihan ko sa manila, di ko nabubuksan ang website mo. . . pero updated naman ako sa mga kuwento ni Jetti tungkol sa mga blogs mo. . . kung may hihigit pa sa salitang SALAMAT yung ang gusto kong sabihin sayo. . . . Many many thanks Marvin at sana sa paguwi ko uli diyan sa Pinas, makadalaw ka sa amin sa Pulilan, you are warmly welcome. And of course welcome na welcome ka dito sa Brunei. . .

    God Blesses you Always. . . Magiingat ka lagi and wish ko na sana magka rainbow na ang love life mo. . . cheers!!

    • Hello Tita Lourdes.😉

      Ang sweet n’yo naman, Tita! Salamat po sa patuloy na pagbabasa ng YTM.🙂 Grabe ‘yung ang todo ng support n’yo all the way from Brunei.🙂 SALAMAT NANG TODO. Super love ko kayo ni Jetti. Sana po magkita tayo sa susunod n’yong pagbalik. Mag-iingat din po kayo d’yan. Stay happy, Tita. And of course, stay beautiful and fabulous! Mwaaah.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s