Madma Reacts: Ricky Lo-Anne Hathaway Interview, Tubbataha Reef Accident and American Idol Season 12

Dear fans and followers,

Hello naman!

Hindi na tayo nagbo-blog. Ang busy nitong mga nakaraang araw. Ngayon lang ako “nakahinga.”🙂

Kamusta na kayo?! Soobrang lamig lagi. BEST! To be exact, kaninang umaga ang pinakamalamig nating temperature at 18.1 degrees Celsius. Waaaah! Aarte pa?! Lakas maka-Europe! Kaya naman nagkaka-windburn na ang Madma n’yo. Shet. Sobrang cheap nung nagkaka-windburn sa Pilipinas ha. Aminin n’yo.😉

Pero still, gusto ko pa rin ang malamig na panahon. Sa gabi, nakatutok lang yung industrial fan ko sa mukha ko at naka-number 3. O, ha! Deadma na sa windurn tsaka sa TB. Lamig is lurve talaga.❤ Tsaka nababawasan yung mga may putok dahil malamig. Hindi na masyadong offensive ang amoy ng LRT at MRT these days. Amoy baby pa rin ang masa kahit na gabi na. Love it!😉 Pero kinakabahan ako sa summer. My God! Feeling ko bubwelta ang init at dadami na naman ang puputukin. Bakit ba kasi naimbento pa yang putok sa kili-kiliki. Sana time machine na lang yung naimbento instead na putok at baktol. Anyway, matagal pa naman ang summer so enjoying muna natin ang lamig. GV, GV muna!

Kung malamig sa Metro Manila, naku Alaska level na sa Baguio. Ang pinakamalamig na temperature sa Baguio ay 9.5 degrees Celsius last Friday. Hooong lamig! Pati pawis n’yo giginawin din dun for sure.🙂 Ang hirap lang kapag malamig is yung pagligo sa umaga. Tangina lang talaga. Pahirap! Mga 1 hour lang akong tulala pagkagising bago kumilos. Parang naka-drugs lang. Ganyan. Para may idea kayo, ito ang schedule ko sa umaga nowadays:

6:30 a.m. Gising
6:30-7:30 a.m. Tulala
7:30-7:33 a.m. Ligo
7:33-7:55 a.m. Bihis
8:00 a.m. Pasok

O, ‘di ba ang bilis ko maligo?! 3 minutes lang. Parang aso lang. ‘Eh ang lamig ‘eh. Buti nga naligo pa! Yung iba nga nakasuot na yung uniform na pang-office bago matulog sa gabi tapos pagising sa umaga, pagtayo sa kama, deretcho agad sa sakayan ng jeep. Panalo!😉

Syempre charoth lang yung 3 minutes lang ako maligo. Baka kumalat sa internet tapos ikabagsak pa ng career ko. Mga 20 minutes lang talaga ako maligo nowadays. Wala nang kanta-kanta sa shower. Wala ng jakol. Pagpasok sa CR, buhos agad. Ligo agad. I really mean business here. Ganyan! I’m sure struggle n’yo rin sa umaga ang maligo. Pero BAWAL MAG-GIVE UP HA! Bawal magpatalo sa lamig at pumasok sa office ng hindi naliligo. Konting hygiene naman mga Ma’am/Sir.🙂

Moving forward, ang daming mga kaganapan nitong nakaraang araw na worth it i-blog. Nakakaloka. Buhay na buhay ang show biz at politics sa mga issue at chika. Kaya naman hayaan n’yo muna akong magre-react sa ilang mga events. I think I owe this to my fans. WOW.

Game!
____________________________________________

Ricky Lo-Anne Hathaway Interview: DELUBYO

Ricky

Nakakaloka ‘tong interview na ‘to. Isang beses ko lang ‘to pinanood kasi kinikilabutan ako. Ako yung nahihiya para kay Mr. Ricky Lo. Shet. I just can’t watch this video again! Super awkward and painful panoorin nung interview. Haaay…😦

Ang nega rin kasi talaga ng simula ng interview ni Mr. Lo ‘eh. Weight issue agad ang tinira ni Kuya. ‘Eh alam naman nating super sensitive ng mga babae sa usapang weight and age. Para mo na ring tinanong ang isang bading kung kelan siya magiging lalaki. O kaya parang tinanong mo ang mga Pari kung kamusta ang sex life nila. Or parang tinanong mo ang mga isda kung kamusta ang buhay nila sa aquarium. Ganung level! Awkward.😦

Isa pang nega sa interview ay ang too much focus ni Mr. Lo kay Ms. Lea Salonga. Ang OA rin kasi ng pag-mention kay Lea Salonga sa interview. Kahit siguro ako maiirita. I mean gets na namin na friends kayo ni Lea pero huwag naman ulit-ulit. Nawala na tuloy sa focus yung interview. Naging all about Lea na lang. After all, the interview was about Ms. Anne’s film, Les Miserables, and not about her admiration for Lea. Tsk. Tsk.

Sabi ni Ricky Lo sa column niya sa The Philippine Star, wala daw talaga sa mood si Anne at that time. Masama na pala talaga ang timpla ni Ate Anne bago pa ang interview n’ya kay Ricky. Yung mga previous journalists din daw na nag-interview kay Anne noong araw na yun ay nakatikim din ng pagtataray ni Ate Anne. Ok sige, fine. May ganitong factor. Bibigyan ko siya ng tinatawag na “benefit of the DAW.” Pero ang pinaka-problema kasi talaga is yung mismong paghandle ni Ricky sa interview ‘eh. Wala sa hulog talaga. Kita n’yo, pati cell phone ni Ricky ay nahulog din, which I find a bit amateur ha. Para siyang baguhang reporter where in fact “beterano” na siya. Haaay…

Sa totoo lang, valid naman lahat ng mga tanong ni Mr. Ricky Lo kay Ms. Anne. They were all sensible for me. Yung nga lang, sa Philippine setting siya bagay. Very local show biz ang peg ng mga tanong ni Mr. Lo. Nakalimutan n’ya ang tinatawag na “cultural difference.” Kaya naman naging disaster ang panayam na ito. Yun na!

Watch n’yo na lang ang interview and see it for yourself.


___________________________

Tubbataha Reef Accident: NAKAKALOKA

tubbataha-reef

Napaka-sad na balita nitong Tubbataha Reef incident. Grabe!:(

Para sa mga ‘di nakakaalam, isang US Navy ship, the USS Guardian, ang sumadsad sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea last January 17 destroying a total area of 1,000 square meters. GRABE!!! Take note, ang Tubbataha Reef is a marine sanctuary protected area at isang UNESCO World Heritage Site kaya nakakalokang may nakapasok sa area na ‘yan nang ganun-ganun lang.😦

Sobrang ganda pala ng Tubbataha Reef based sa mga photos na nakita ko. NAKAKALOKA! In fact, sa sobrang ganda ng site na ito, na-nominate pala ito bilang one of the New 7 Wonders of Nature. May higit sa 1000 species ang nakatira sa Tubbataha Reef at karamihan ay endangered na pala. Haaay… My heart is breaking right now.😦

Ang tanong: ano bang ginagawa ng US Navy ship sa area na ‘yan?! Bakit sila andyan?! Tang ina. Nakakaloka yung presence nila d’yan ha! Leche. Kahit si PNoy daw ay nagtataka sa presence US Navy ship sa Tubbataha Reef. Isang MALAKING CHE!!!

Sabi ng Malacanang, maliit lang naman daw ang pinsalang dulot ng pagsadsad ng ship na ito. Ang Tubbataha Reef ay may total area of 97,030 square meters. So maliit lang ang 1,000 square meters na nasira buhat ng incident. KAHIT NA!!! Ang keyword pa rin is NASIRA! 1,000 pa square meters pa rin yun!!! Huwag n’yo nga kameng ululin! Ang dami n’yong mga pakulo para ma-pacify kame! Pota.

Sana talaga ay magkaroon ng justice ang issue na ito. Abangan natin ang gagawin ng government sa mga salarin. Tingnan natin ang “bangis” ng PNoy administration sa kasong ito. Umayos kayo! Lahat kami ay nakaabang. Ang isang sanction pala na nakasaad sa Republic Act 10067 or the Tubbataha Reefs National Park Act of 2009 ay pag-fine ng approximately P12,000 per square meter of damaged corals. Grabe. Pera-pera na lang?! Ganun na lang?! Hindi naman maibabalik nito ang buhay ng mga coral reefs at iba pang hayop sa dagat na namatay dahil sa kacheapang accident na ito. Haaaaay. Isang mahabang haaaaay…😦

USS-Guardian-grounded.3

Sa ngayon ay nandun pa pala ang US Navy ship na sumadsad. Hindi pa naaalis. Inaaral pa kung paano aalisin ang malaking sasakyan na ito. Hindi pa nila alam kung hahatakin ang ship, bubuhatin or pipira-pirasuhin. Tang ina kasi bakit andyan yan in the first place! Buhatin n’yo yan tapos ipakilo n’yo! Saksak n’yo sa baga n’yo! Ulamin n’yo ‘yang ship n’yo! Leche kayo! Iritaaaaa. Hay!😦

Pagbayarin ang may sala! Nakakainit ng ulo ‘to.😦
____________________________________________

American Idol Season 12: PASABOG

american-idol-season-12-judges

At talaga namang hindi ko maitago ang pagkaaliw at pagkabaliw ko sa American Idol Season 12! Ibang level din talaga yung presence ni Superstar Mariah Carey sa bagong season na ito. LAKAS!!!🙂

In fairness sa mga bagong judges ha, maganda ang chemistry nila. Gustung-gusto ko ang iringan nina Mariah Carey and Nicky Minaj. I’m sure bet na bet din ito ng beki community. Huling-huli ang kiliti ng mga bading!🙂 Maganda rin ang anggulong ito ng American Idol ha. Masasabi! At least mina-maximaze nila nang todo ang mamahalin nilang mga judges. Sa mga hindi nakakaalam, si Mariah Carey ang highest-paid talent show judge ngayon! Ang presyo lang naman ng serbisyo ni Ate Mariah n’yo ay tumataginting na $18Million. Tanginaaaa. NAKAKALOKA!🙂 Kinabog n’ya ang talent fee nila Britney Spears ($15Million) and Jennifer Lopez ($12Million). Muntik pang pumantay ang talent fee ni Mariah sa prize money ni Manny Pacquiao sa nakaraan n’yang laban kay Manuel Marquez na $25Million. Grabe! Si Manny halos mamamatay na para sa premyo n’ya tapos si Mariah upo-upo lang tapos $18 Million na?! WOW. Ikaw na Mariah!!! Penge namang pera d’yan. Sana magpadala ka naman kahit $1Million. WOW. Laki rin ng hingi ko ha. Level ng ransom money.🙂

AI

Sadly, mababa ang ratings ng pilot episode ng American Idol Season 12. As in lowest-rated pilot episode ever in the history of American Idol. Kaloka.😦 The pilot episode of the newest AI season posted a total of 17.8 million viewers versus Season 11’s debut of 21.93 million viewers, about 19% lower. GRABE! Anyare?! Nakaka-sad naman ito for Ate Mariah. Pero malakas pa rin naman ang AI sa ngayon compared sa ibang talent show programs gaya ng The Voice and The X Factor. Ang AI pa rin ang hari ng lahat ng mga talent shows. Ang pilot episode ng The Voice Season 3 ay nakakuha ng 10.7 million viewers versus The X Factors Season 2’ 8.5 million viewers from its debut. O, ‘di ba?! Well, trend naman sa US ngayon ang bagsakan ng ratings. Across the board ‘yan. So hindi rin nakaligtas ang American Idol.

Pero in fairness, sobrang liit lang ng ibinaba ng ratings ng American Idol Season 12 nung second night from its pilot episode. And second night ng AI ay pumalo sa 16.18 million viewers compared with the 18.02 million viewers ng last season’s second night. AYAN NA! Bumabawi na si Ma’am. Ibig sabihin, effective si Ate Mariah at ang iringan nila ni Nicki! Tumalab na ang charm ni Ate Mariah at ng ibang judges kahit paano.😉

Aliw na aliw ako sa pagko-comment ng mga judges ngayon. Buhay na buhay! May sense nang todo at talagang believable. Si Nicki ha, ratchada ang bunganga ni Ma’am. Love ko na siya kasi ang articulate n’ya as a judge. Nagulat ako sa talino ni Ms. Minaj sa craft n’ya.🙂 Si Mariah naman tamang regal and diva lang ang peg which is expected sa kanya. Pero maniniwala ka sa lahat ng sasabihin ni Mariah kasi magaling siya as a person. Isipin n’yo kung si Ms. Pops Fernandez ang judge tapos sinabihan kayong hindi maganda ang boses n’yo, papayag kayo?! Da fuck!:)

Ayos din ang male judges ng AI. Tamang balance si Keith Urban. Plus ang pogi pa n’ya. Shet.🙂 Si Randy Jackson naman ay cool pa rin so bet! Ang ganado mag-comment ng lahat ng judges in general. Malaman talaga! Hindi tulad ni Ms. Britney Spears na walang kalatuy-latoy magsalita sa The X Factor. Sayang ang bayad kay Ms. Britney. Buti na-tsugi na si Ma’am.🙂

American-Idol-Season-12-Judges-Table-Photo

Marami pang mangyayari sa bagong season ng AI. Mahaba pa ang laban. Sana lang ay mas maraming magagaling na singers ang makuha sa bagong season na ito. After all, ang mga contestants naman talaga ang bida rito. Nasa quality pa rin ng mga contestants nakasalalay ang main bulk ng success ng show. At sana rin ay ma-maintain nila ang tamang balance ng iringan nila Mariah at Nicki. Baka mamaya ay magsapakan silang dalawa for real. Lagot na.😉 So far, maraming ng promising contestants! Shet. Kaya tutok lang tayo mga fans!

So there.

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://www.interaksyon.com/article/53461/brrr–pagasa-records-lowest-metro-temperature-of-18-1-degrees-c-in-qc; http://www.philstar.com/entertainment/2013/01/23/899982/anne-thousand-hits; http://en.wikipedia.org/wiki/Tubbataha_Reef, http://www.abs-cbnnews.com/nation/01/17/13/us-navy-ship-stuck-tubbataha-reef; http://thatgrapejuice.net/2012/07/mariah-carey-highest-paid-talent-show-judge-history-jennifer-lopez-responds/; http://www.huffingtonpost.com/2013/01/17/american-idol-ratings-season-12-premiere-mariah-carey_n_2496996.html;)http://www.hollywoodreporter.com/live-feed/ratings-x-factor-premiere–britney-spears-voice-369975; http://tv.yahoo.com/news/ratings-rat-race-american-idol-season-premiere-second-164302016.html)

(Photo credit: http://www.wheninmanila.com/awkward-anne-hathaway-les-miserables-interview-with-filipino-ricki-lo/; http://dextertravels.blogspot.com/2012/01/my-2nd-natural-wonder-of-philippines.html; http://globalbalita.com/2013/01/22/us-navy-fined-for-illegal-entry-at-tubbataha/; http://blog.newsok.com/bamsblog/2012/09/18/secamerican-idol-and-the-voice-shake-up-judging-panels/; http://www.rickey.org/american-idol-season-12-judges-table-photo/; http://startrident.com/2012/10/04/nicki-minaj-mariah-carey-engage-in-a-gruesome-feud/)

P.S. Wala ng P.S. Ang haba na nito. Pota. Abusado?!🙂

19 thoughts on “Madma Reacts: Ricky Lo-Anne Hathaway Interview, Tubbataha Reef Accident and American Idol Season 12

  1. Kahit pinipilit ng AI na clashing ang personalities nina Mariah and Nicki, feeling ko magkasundo sila. Biruan, tawanan, etc. Pwedeng nagkakainitan once in a while, pero feeling ko hindi barilan level. Pero OK na rin na i-sensationalize nila, for more viewers. At totoo, ayos mag-judge si Nicki. Malayo sa kanyang persona.😄

    Grabe lang ‘yang sa Tubbataha Reef na ‘yan. Chance na ni PNoy ma-prove na hindi lang tayo basta tuta ng US. Sa interview naman, hindi ko pa rin magawang panoorin. Feeling ko super awkward lang kaya transcript na lang tinignan ko. Haha.

    • hahaha Mukha naman talagang magkakasundo sila. Para lang isang pamilya. A weird family. haha Very surprising talaga si Nicki. amazing siya! Love her insights. And oh, Mariah is lurve.❤

      Panoorin mo na yung interview! Grabe. haha

      Nadudurog ang puso ko sa balitang Tubbataha Reef. Hayyy…

    • @geneshizz, panoorin mo na yung interview! Kulang ang transcript para ma-absorb mo ang buong pangyayari. Oo, painful nga siya, pero mabilis lang naman yung sakit. Para lang first time yan eh! Pagkatapos nun, makakarelate ka na nang todo sa sinasabi ng mga tao at makaka-form ka na ng sarili mong opinion.🙂

      Madma, ang nakakalungkot pa sa pagkasira ng coral reef ay mabagal silang tumubo pabalik. As in, mga ilang cm lang per year. Baka mauna pang mag-second coming si Lord bago bumalik sa dating size yung Tubbataha.😥

  2. Malamig na weather is love! Favorite ko yung malamig na simoy ng hangin, makulimlim lang, tapos may konting ambon, drizzle drizzle lang ang peg. Super like! ♥ Ang lakas maka-Forks ng weather! Sana nga forever na to eh. WOW. :p
    At contrary to popular practice, mas bet ko ang maligo na malamig yung tubig. Yung tipong freezer lamig. Likey yan! May nagsabi kasi sakin na mas lalamigin ka raw pag mainit/maligamgam yung tubig na pinapaligo, kasi mag-oopen lalo yung pores ng katawan mo. Haha. Dami kong paliwanag. Baranggay levels.😄

    Re: Tubbataha Reef Accident, JUSKO! Ayoko na ‘tong pag-usapan Madma. Nakakaiyak kasi. Malapit kasi sakin to bilang dati akong polyp nung past life ko. Haha.
    Seriously, kawawa naman yung milyun-milyong organisms na nasira ng PESTENG ship na yan. :'((( Libu-libo/daang taon or minsan eh milyong taon pa ang kalilangang mabuo ang isang reef/barrier tapos ganyan lang? Php12,000 lang ang multa per sq meter? Anto lokohan? Dapat ang kapalit niyan eh isang state ng US. Samin na lang Hawaii. Tutal marami namang Pinoy dun eh. At uso naman ang pagcclaim ng mga islands these days. Hello naman China. Pakyu chin chan zu.

    Re: Ricky Lo – Sana magsulat na lang si Sir. Bakit ba siya na lang palagi ang nag-iinterview ng mga Hollywood stars? Hindi ko magets. Aminado naman siyang ‘di siya fluent mag-English verbally eh. ‘Pag nakakanood ako ng Startalk eh naaasar ako sa kanya kasi binabasa lang niya talaga yung idiot board. Kadalasan nagkakamali pa. Hindi excuse yung masama na yung timpla ni Anne Hathaway kasi bilang reporter dapat sanay na siya sa ganun. And sensitive talaga si MS. Maam sa weight issue. Sa mga past interviews niya sa iba’t ibang magazines eh ayaw na ayaw niyang pag-usapan ‘to. Dapat alam mo na ‘to Tito Ricky (wow close?). Obviously, hindi ka nag-research. Hindi ka gumawa ng homework mo which is very critical kapag may makakapanayam ka. Sana si Tito Boy na lang yung nag-interview. May mga pakulo pa siyang “Magic Mirror” at “Lights on or Lights off.” Tsk tsk. Magsulat ka na lang. Ito na yung forte mo eh. K?

    Re: American Idol – Isang episode pa lang ang napapanood ko kaya ‘di ako masyadong maka-react agad. And Hollywood week kasi ang favorite part ko. Pero mukhang exciting nga! Sana mag-away si Nicki at Mariah! Yung pisikalan level! Yung tipong sasaksakin ni Nicki ang hita ni Mariah! Nyahaha. Ok lang naman yun kasi insured naman ang mga hita ni Maam! Haha. Bayolente rin pala. xp

    Namiss ko na naman ang pag-“comment” sa blog mo Madma! Haha. Inavail ko ng bongga bilang walang ginagawa dito ngayon sa office. Nganga lang.

    PS – Naghanap ako ng A Bottle of Storm Clouds pero wala akong makita.😦 Tatlong mall na ang napuntahan ko. San ka nakabili?

    • Pasensya na Madma at nakisawsaw ako. Hi deathbymilktea! Available (dapat) sa lahat ng major bookstores ang Storm Clouds. Sabi ng friends ko may nakikita silang copies sa Glorietta and Greenbelt. I guess pinaka-sure ang Fullybooked sa Taguig, yung main branch nila.🙂 Maraming salamat at nawa’y mahanap mo yung libro hehe. You can also email the publisher (or ako) para ireklamo ang mga malls na yan haha.

      As for the issues, maganda itong article ni Jessica Zafra about the Ricky Lo issue. http://www.interaksyon.com/article/53257/jessica-zafra–analyzing-anne-hathaway-dissecting-ricky-lo Nabanggit din nya ang cultural differences. At true, very local showbiz ang questions nya kay Anne.

      Nalulungkot ako sa nangyari sa Tubbataha. Nag-sorry man lang ba ang US Navy? Sana naman magmatigas si PNoy, para hindi na naman tayo magmukhang alipin (pa rin) ng dating kolonyal na amo.

      As for AI, wa ako ma-say, di na kasi ako nanonood.😀

      • O.M.G.! Grabe yung nagreply ang isa sa favorite author ko ngayon!!! SHOUT OUCH NAMAN, Ms. Eliza Victoria!!! Grabe ang hirap nga hanapin ng book mo. Ang ilap ha. hahaha Tsaka saan ko makikita ang iba mo bang book?! Gusto ko basahin LAHAT ng gawa mo. AS IN! Gusto ko naman mabasa ang novel mo.

        Aaay. Hindi ko pa nababasa ang article ni Ms. Zafra. Nabasa ko lang yung paliwanang ni Ricky Lo sa The Philippine Star. Medyo “nagpapalusot” si Kuya ha. hahaha Basahin ko mamaya ang piece ni Ms. Zafra.

        Nagsorry naman ang US Navy. Twice. Pero still, the damage has been done.😦 Haaaay…

      • ANG TARAY NUNG MAY E-BOOK VERSION!!! hahaha Wala bang hard copy? Gusto ko talaga yung book ‘eh.😦 Pabili namaaaan!

        At congrats naman sa pasabog mong URL! wow! LAKAAAAA!❤

      • Hello Ms. Eliza! Actually puro NBS and Powerbooks yung napuntahan ko. Wala kasing malapit na Fully Booked dito sa South kundi yung sa MOA. Pero I’ll try uli. Yung sa NBS kasi out of stock daw. I’ll tell you ‘pag nakabili na ako at nabasa ko na. Gusto ko kasing i-promote ‘to dito sa South. Hihi.🙂

    • WOW. Grabe yung mas likey mo maligo kapag malamig! BONGGA! hahaha

      Re: Tubbataha Reef, sana talaga ay aksyunan ito ng pamahalaan. Sobrang inaabangan ko ang gagawin ng PNoy administration sa kasong ito. Grabe walang kalaban-laban ang mga coral reefs at nanahimik ang mga lamang-dagat sa Tubbataha tapos biglang guguluhin?! UNACCEPTABLE!

      Re: Ricky Lo naman, hindi ko sinusubaybayan ang career ni Mr. Lo sa totoo lang, Nababagot kasi ako sa kanya kapag nag-iinterview. Lang gana. Lang buhay. Magaling siya magsulat though. Mas masarap siyang basahin than pakinggan. hahaha Ako na ang magaling sa interview.🙂

      Re: AI, manaood ka! PLEASE! Sooobrang cool. hahaha

      Sa Trinoma ako nakabili ng A Bottle of Storm Clouds. Sa Powerbooks. Mahirap nga siya hanapin. Parang love. hahaha Basahin mo ‘to ha! REQUIRED. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s