Bading pero may Girlfriend?! SHOCKING!

Chick

Hello Madma,

Gusto ko lang sumangguni sa’yo about sa ex-boyfriend ko. I just find him weird.

Sometime February last year, natapos ang 3 year-relationship namin ni ex-boyfriend. Ako ang pinakamatagal n’yang karelasyon. Naka-3 boyfriends din yata siya bago yung amin. Maayos naman ang hiwalayan namin and friends naman kame up to now. Though hindi na sobrang close.

Ang weird lang kasi nalaman kong may girlfriend na siya ngayon. Nabalitaan ko sa isang common friend namin. Nalaman ko pa na ay planong pakasalan ni ex-boyfriend ang babaeng kinakasama n’ya ngayon. Hindi naman po ako bitter or anything. Naka-move on na po ako sa totoo lang. Swear! Ang weird lang na may girlfriend siya ngayon after n’yang makipagrelasyon sa mga lalaki before.

Pwede ba talaga itong mangyari? Naguguluhan lang ako sa mga nagaganap. Ano tingin mo Madma?
Salamat and more power.

-Jake

P.S. Pogi si ex-boyfriend at borta. Hawig siya ni Andrew Wolff.

_________________________________

Dear Jake,

Hello naman sa’yo, Jake. Naku baklaan na naman ang topic. Gustung-gusto ‘to ng mga fans and followers ng YTM!🙂 Grabe yung ako na talaga ang takbuhan ng mga bading kapag may mga ngasngas sila sa buhay. Lakas maka-Icon nito! At hindi ko kinaya yung kamukha ni Andrew Wolff ang ex-boyfriend mo ha. Hooong pogi nomooon!!! Shet. Siguro ang saya-saya mo nung kayo pa at talaga namang “panay-panay” ang sex n’yo ‘no?! Umamin ka. Huwag mo akong artehan! Ang sarap namang “madiligan” ng pogi! Pogi ka rin ba, Jake? Padilig naman d’yan. Tuyo ‘eh. CHAR!😉 Ano ba ‘to ang landi ko na naman. Ang lamig kasi ‘eh! Hindi ko mapigilan!🙂

Anyway, naku huwag ka ng maguluhan, Jake. Weird na talaga ang mundo ngayon just in case hindi mo napapansin. Marami na talagang mga “kababalaghan” at “misteryo” sa lipunan ngayon ang hindi maipaliwanag ng simpleng isipan. Halimbawa, ang mga Korean songs ay patok na patok sa atin kahit hindi natin naiintindihan yung lyrics. Ang mga lugar na hindi binabagyo, ngayon ay binabayo na rin. Si Regine Velasquez, sa unang pagkakataon, ay hindi nakakanta sa sarili n’yang concert. Si Manny Pacquiao, nakatulog at bumagsak sa laban n’ya kay Marquez etc. etc. O, ‘di ba ang weird?! Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka yung mga eksenang biglang nagkaka-girlfriend ang mga beki ngayon. Nakakaloka, yes. Pero it really happens these days.🙂

Aaminin ko, weird talaga ‘yang eksenang ganyan. Kahit ako man ay naloloka sa ganyang drama. Ka-level ‘yan ng relationship ni Mahal at ni Jimboy dati. O kaya ni Madam Auring at yung boy toy n’yang si Archie. O kaya ang biglang pagtangos ng ilong ni Ms. Lani Misalucha tapos sasabihin n’yang hindi raw siya nagparetoke. Ano yun biglang tumubo? Monggo seed? NAKAKALOKA TALAGA.🙂 Sa akin kasing paniniwala, kapag bading, BADING! Hindi siya katulad ng ubo at sipon na nawawala at gumagaling. Hindi siya katulad ng insomnia na iinuman mo lang ng sleeping pills tapos ok na. It doesn’t work that way for me. Ang sisiw, kulayan mo man ng kulay pink, violet or yellow, sisiw pa rin‘yan. Hindi mo mababago ‘yan. Period.🙂

May mga personal friends din ako na bading tapos after makailang boyfriend ay biglang nagka-girlfriend. Shocking talaga sa una. Hindi ko masyadong kinakaya ang biglaang shift ng “diet” nila. Dati enjoy na enjoy nila ang “talong” tapos bigla na lang silang nahilig sa “tahong.” BONGGA!🙂 Natural reaction naman yung magulat at maloka sa balitang ganito. Ako nga may patili-tili pa kapag nakakatanggap na mga ganitong balita. O, ‘di ba ang arte?!🙂 ‘Eh kasi naman nakakawindang nang tunay ang mga ganitong chismis. Lalo na’t alam na alam mo kung gaano kaberde ang dugo ng friend mo na pumatol sa babae. Nakakanginig talaga ng laman ‘yan. SHOCKING!!!

Pero at the end of the day, wala naman tayong magagawa kundi tanggapin at yakapin ang mga milagrong ganito lalo na kung kaibigan mo. Ang policy ko na lang lagi is basta masaya ang friend ko sa ganyang set-up at genuine ang nararamdaman n’ya, ok ako.🙂 Ako pa ba yung aarte? Mas una kasi sa akin ang kapakanan at nararamdaman ng friend ko kaysa sa sarili kong arte. Lakas maka-politician nung inuuna ang kapakanan ng kapwa kaysa sa sarili!🙂 Hindi man natin lubos na naiintindihan kung ano ang tumatakbo bigla sa kokote nila, support pa rin tayo dapat sa kanila. Malay mo nga naman, bigla talaga silang tinawag ng “kakaibang” pag-ibig. Bigay rin natin sa kanila ang benefit of the daw.🙂

Take it from Madma, deadmahin mo na ang ganap ng ex-boyfriend. Hayaan mo na siya. Naka-move on ka na ba talaga? Parang hindi pa! Char.🙂 Respetuhin mo na lang ang desisyon n’ya and i-wish na maging masaya siya sa napili n’yang landas. Kung friend mo talaga siya, you’ll be happy for him.😉 And besides, ang dami pang ibang pwedeng pagkaabalahan kaysa sa isipin ang mga kaganapan ng ex mo ‘no. Sayang naman ang space sa utak mo kung siya lang ang laman n’yan. Paupahan mo na lang! Wow.😉

Yun naman ang akin. Keyword: RESPECT.😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.omgsocute.com/2011/10/04/rainbow-colored-chicks/)

P.S. Super excited na ako sa pagbabalik ng pinakamaganda kong friend na si Ma. Gertrude Hernandez! Excited na ako sa bonding natin! I sooo miss you. Susulitin natin ang appearance mo.😉

I love you, Ganda.❤

Ger
____________________________________

P.P.S. Sa Sunday (January 27, 2013) na pala ipapalabas sa TV ang nakakalokang ‘Silver Rewind’ ni Idol Regine Velasquez! Mapapanood n’yo na kung paano niya tinodo ang birit n’ya sa kontrobersyal na concert na ito. BONGGA! Siguraduhing nakakatutok kayo sa GMA 7 at exactly 9:30 p.m. sa Linggo ha. Sama-sama tayong manood. Woooh!❤

Na-miss ko naman bigla si Asia's Songbird.😉 Sharing this very recent performance of Regine. PASABOG 'TO! SWEAR!❤


_____________________________________

8 thoughts on “Bading pero may Girlfriend?! SHOCKING!

  1. Parang di pa talaga nakaka move-on si Jake. Let me help you with that. *wink wink*

    Bading na may girlfriend? Well, di niyo naitatanong, pero sasabihin ko na hahaha! Alam mo ‘to madma: Yung maglalandian kayo ng very light ni guy, tapos pag-gising mo the next day eh pinuputakti ka na ng BBM messages mula sa…GIRLFRIEND niya! KALOKA! Yung may paawa effect si girl, tapos di niya kayang mawala BF niya, at higit sa lahat, alam niya kung ano yung preference ng boyfriend niya. SHOCKING! Dapat pala isinulat ko ‘to sa’yo, Madma, kaso naka move-on na ako. Hi Jake! Hahaha! Chos lang.

    So ang point is, yes, nangyayari talaga yan. At minsan, or most of the time eh alam naman ni girl na gusto rin ni guy ng tinatawag nating “jun jun.” I don’t know why, pero may mga ganyang girls. Or pwede rin namang walang idea si girlfriend dahil nga borta at pogi si guy at di wala siyang idea sa nakaraan ni guy.

    At the end of the day, hayaan na lang natin sila. Ginusto nila yan eh. Kaya na nila yan.

    Pero please, bakit kayo naghiwalay kung kamukha siya ni Andrew Wolff??? Mygahd.

    Yun lang.

    • wahaha. Alam na alam ko yung scenario na nag-BBM message yung “GIRLFRIEND” nung kalandian lalaki. hahaha I’m sure malapit sa puso mo ang eksenang ito. haha Naku-curious rin ako kung bakit sila naghiwalay ‘eh ang pogi nung hawig ni Andrew Wolff ha! Pero at the end of the day, hindi talaga sapata ang CHURA. hahaha

  2. Basta para sa akin, hindi naman magiging kagulat-gulat ang lahat kung in the first place ay hindi siya binigyan ng label at in-expect na mag-conform doon. Haha, heto na naman ako on labeling. But oh well, ganoon na mag-isip ang lipunan eh. So yeah, to quote Madma and Aretha Franklin, “RESPECT” na lang. And always keep an open mind, lalo na sa panahon ngayon na hit na hit ang indibidwalismo. I’ll stop right there kasi magiging nobela talaga ‘to kapag tumuloy ako. Haha.

    PS Bilang hawig niya si Mr. Wolff, mlakas ba siyang “umungol”? Hahaha. #makabanatlang

  3. tatlong possible scenarios yan :

    una, nagbago na talaga sya. madaming straight na nagiging beks, so why not the other way around? pag nakatikim ng tite, bakla for life, pero pag the other way around, parang di natin matanggap ng maluwag? i believe sexuality is fluid.

    ikalawa, societal pressure. baka gusto nya na pumasok sa norm, may pangarap syang magkapamilya at anak na masasabing tunay na kanya?

    three, what if bi sya or pansexual (mahilig sa pan? ewan)

    ano magagawa mo? tatlo ding scenarios

    una, tanungin mo sya

    ikalawa, sulutin mo. pwedeng ganito ang nangyari : pag natikman, di na mawawala sa panlasa yan. hahanap-hanapin.

    ikatlo, maging maligaya. move on.

    iyan ang payo ko sayo.

    • Ang sustansya ng payo mo, Masustansya. hahaha Bet! Gustoko yung mga very practical scenarios mo. Well, yan lang naman ang mga possibleng mangyari. Unless magkalindol at tsunami. Maloloka ang buong Pinas. Ano daw?! haha Salamat naman sa comment mo, Masustansya. Yum!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s