Madma Reacts: SM Megamall Robbery Case, Carlos Celdran Case and Wowowillie

Dear fans and followers,

Hello naman ulit sa inyo. Bonding naman! Hindi pa pala ako chumuchika sa inyo this week. Sorry naman. Minsan talaga “nakakaabala” ang trabaho sa mga gusto mong gawin sa buhay. Char.🙂 Miss ko na kayong lahat and I’m sure miss n’yo na rin ako. #Assumera🙂

Anyway, ang daming naganap this week. GRABE! Samu’t sari na namang mga happenings ang bumulaga sa atin nitong nakaraang araw. BONGGA! Andyan ang nakakalokang robbery sa SM Megamall, ang literal na pasabog slash explosion sa aking Alma Mater, University of the Philippines-Diliman, ang pagkaka-convict ni Mr. Carlos Celdran dahil sa kanyang “Damaso Act,” ang ongoing saga ng Tubbataha Reef case at ang pagbubukas ng show ni Mr. Willie Revillame na “Wowowillie.” So many happenings for a short period of time! Walang time ma-bore! Bawal tumengga!🙂

Kaya naman, maglalabas muna ako nang very light reaction sa ilan sa mga ganap na ito. I think I owe it to my fans and followers.🙂

GAME!
_____________________________________________

SM Megamall Robbery Case

SM Megamall

Ibang level na rin talaga ang tigas ng mukha ng mga masasamang tao ngayon ‘no?! Wala ng pinipiling lugar. Matao man o hindi, deadma sila. Kingina. Lupeeeet! Na-amaze ako sa tapang ng apog ng 6 na magnanakaw na ito dahil mismong loob talaga ng SM Megamall ang tinira nila. At take note, around 7:30 p.m. sila dumale ha. Rush hour!!! Shocking!!!😦

Sa saglit na panahon ng pagnanakaw ng 6 na hinayupak na ‘to, nakakuha sila ng almost 200 pieces of jewelry. GRABE! Ang bilis ng mga kamay nila!!! Kaya naku mag-ingat kayo sa mga friend n’yo na mabilis mag-type sa keyboard kasi malakas ang tendency n’yan na “magnakaw.” Promise! Char.😉 Kawawa naman yung mga tindahang napagnakawan. Haaay… Group hug naman natin yung mga biktima!:(

Super alarming ng balitang ito for me kasi madalas din akong pumunta sa SM Megamall bilang malapit ito sa tinitirhan naming apartment. Dito ako nagsho-shopping, kumakain, nagvi-videoke, nanonood ng sine, nakikipag-EB etc. Kaya malapit sa puso ko ang mall na ito. Para na rin akong may-ari n’yan ‘eh. WOW.🙂 Buti na lang at wala ako ng mga oras na naganap ang krimen kasi more sigaw ako for sure! Alam n’yo namang ratchadora ang bunganga ko so malamang mapa-trouble ang Madma n’yo. Baka maloka yung mga robbers sa bunganga ko tapos ako yung puntriyahin nila. Afraid!!!

Sa mga ganitong kaso, laging nasasabon ang mga naka-duty na security guards. Naku, ito na naman tayo sa usapin ng security guards! Sabi sa nabasa kong reports, based sa CCTV footages, isa lang sa anim na robbers ang armado ng .45 pistol at ito ay naka-tuck sa waistband n’ya, right on top of his abdomen. O, ‘di ba? Wagas ang kapal ng mukha ni Kuya?! Doon talaga naka-suksuok ang baril n’ya sa pinaka-obvious na spot. Parang pinagsisigawan n’yang “MASAMANG TAO AKO! MASAMNG TAO AKO!” Ganung level. Ito namang mga security guards ay muli na namang naisahan gaya ng portrayals nila sa mga Pinoy action film. Tsk. Tsk. Tsk. Hindi magugustuhan ni Amalayer Diva herself Paula Jamie Salvosa ‘yan! Alam n’yong “malapit” sa puso n’ya ang mga security guards.

Hay naku… Kapag may mga ganitong kaso, lalo lang lumalakas ang stand ko na dapat mas mag-invest na talaga sa mga bonggang detector machine ang mga malls and all establishments for that matter para mas secure. Aminin natin, hindi talaga efficient ang mga security guards when it comes to checking the entrance points of an establishment. Simpleng “dutdot” at “kapa” lang namang ang ginagawa nila in reality kaya madali rin talaga silang maisahan. Well, hindi ko naman sila masisisi kasi tao rin sila at sa dami ba naman ng mga pumapasok sa malls ‘eh mabuburyong ka rin talaga. Kung ako siguro security guard, ngingitian ko na lang lahat ng mga papasok kasi nakakatamad mag-check! Lalo na kung sa MRT ako ma-destino. Diyos ko po! Kunin n’yo na lang ako!!!

Tsaka pabor din ako na dapat armado ang mga security guards sa mga malls. Hindi pala sila armado?! All these years, akala ko ‘eh may mga baril talaga silang tunay! My God! Naloko ako doon ha. Kaya naman wala ring nagawa ang mga security guards during the incident kasi hindi naman sila armed. Anong expect nating gagawin nila? Sasayaw ng Gangnam Style?! Naku naman…

Well, i-wish na lang natin na mahuli ang mga gagong magnanakaw na ‘yan at hindi na masundan. At least yung iba na-identify sa CCT footages. Very good! Pasasaan pa’t titimbog din ang mga ‘yan. Leche.
______________________________________

Carlos Celdran Case

Carlos Celdran

Isa pa itong nakakalokang balita. Hindi ko kinaya ang pag-convict ng Metropolitan Trial Court Branch 4 kay Tour guide and Reproductive Health advocate Carlos Celdran for “offending religious feelings.” Ack. Nakakasuka.:(

Article 133 of the Revised Penal Code punishes those who “in a place devoted to religious worship or during the celebration of any religious ceremony shall perform acts notoriously offensive to the feelings of the faithful.” O, ‘di ba? May batas pala na ganito?! Ansabe?!

Well, ang pinaka-issue ka rito is yung word na “offending.” Very subjective lang talaga. Kapag “na-offend” pala, dapat magkaso na?! Ang babaw ha. ‘Eh ang daming beses ko na na-offend sa loob ng simbahan ‘eh. Yung mga sermon ng pari na masasama at makasalanan ang mga gays and other members of LGBT. Yung mga sermon na masusunog sa impyerno ang mga bading. Yung mga sermon na hayagan nilang pino-promote ang Anti-RH Law etc. etc. OFFENSIVE rin kaya ‘yun for me! So magkakaso na ko?! Petty. At tsaka I don’t think na yung ginawa ni Mr. Celdran falls under “notoriously offensive” gaya ng nakalagay sa Article 133. Notorious act ba yung ginawa ni Mr. Celdran? I don’t think so. Mas notorious pa rin yung panghahalay ng ilang pari sa mga sakristan sa ilang simbahan. Yan ang notorious! Ang chaka ng batas na ito ha. Ples.

Totoong mali yung ginawa ni Mr. Celdran. Hindi naman made-deny ‘yan. Hindi talaga tama yung pumasok siya sa loob ng Manila Cathedral with his Damaso costume at sa loob nagprotesta habang may religious/ecumenical service. May tamang lugar sa lahat ng bagay. Point taken. May mali sa ginawa ni Mr. Celdran and I highly agree with it. Pero para IKULONG siya for 2 months and 21 days to a maximum of one year at isama siya sa mga mamamatay-tao, mga rapist at mga criminal ay HINDI MAKATARUNGAN!!! Anooo baaaa. That’s offensive! Dapat mag-kaso na rin si Mr. Celdran against the church kasi na-offend siya! Pwede sigurong bigyan siya ng ibang sanctions para sa ginawa n’yang kasalanan like paglinisin at paglampasuhin ng buong Manila Cathedral o kaya mag-scrub ng bubong ng simbahan pero not ikulong. Hindi ganun kabigat ang kasong ito para patawan siya ng pagkakakulong. Hindi criminal offense ang ginagawa n’ya. Gosh! Para ka na ring nagkulong ng isang bata kasi inasar niya yung kaklase n’ya sa school. Ganung level sa ka-cheapan. Haaaay… Napapabuntong-hininga na lang ako. What’s happening to this country!

Sana patawarin na lang ng simbahan si Mr. Cedran, After all, ang simbahan naman ang nagtuturo sa atin na dapat “magpatawad.” Ngayon ang best way para i-showcase ng church ang knowledge nila sa pagpapatawad.

Anyway, Mr. Celdran would appeal against the court’s decision and sana naman ay manalo siya. Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.
_________________________________

Willie sa Wowowillie

Wowowillie

Napanood ko pala yung pilot episode ng bagong show ni Mr. Willie Revillame na “Wowowillie” last January 26, 2013 sa TV5. Balik noontime na ulit ang show ni Willie para pataobin ang “Eat Bulaga” ng GMA 7 at ng “It’s Showtime” ng ABS-CBN 2. Don’t get me wrong ha. Hindi ako fan ni Willie! Si Regine Velasquez ang idol ko at alam kung alam n’yo ‘yan. Pinanood ko lang siya kasi naiintriga ako sa balitang more than P 100 Million ang ginastos ng TV 5 para sa bagong show na ito plus may more than 100 performers and at least 360 dancers for its launching episode. O, ‘di ba bongga?!

Kaya lang naka-45 minutes or so lang ako ng panonood kasi hindi ko kinaya ang kabastusan ni Willie. Grabe yung pinapahiya n’ya yung mga co-host n’ya on-air! NAKAKALOKA.😦 Hindi ko kaya yung mga banat n’ya sa bagong mainstay host ng show na si Ms. Ethel Booba. Nakakanginig. Nakaka-offend. Nakakasura. Parang may eksena na nagbibiro si Ethel tapos sinabi ni Willie after na “Ayos ka rin ha. Hindin ka naman nakakatawa. Parang hindi ka na babalik sa Monday.” Ganyan. Something to that effect. Very sarcastic. Ack.

Hindi ko gusto ang brand of comedy ni Willie. Hindi ako bilib sa kanya as a host kasi hindi naman siya magaling for me. Sa totoo lang, mas magaling at talented pa si Ethel Booba kaysa sa kanya. Hindi ko keri yung naninermon siya on-air. Hindi healthy for the show and for the entire staff and hosts. Stressful panoorin. Sakit sa mata. Sakit sa tenga. Ikaw ba gaganahan kung ipapahiya ka? I don’t think so. Hindi motivating ang ganitong mga antics. Sabi ko nga, mas pipiliin ko na lang maging labandera kaysa maging co-host ni Willie. Hindi ko kaya. Period.

Good luck na lang sa show n’ya. I don’t think na manonood pa ulit ako ng show na ito. Ipapaubaya ko na sa Diyos ang kapalaran ng Wowowillie. At sana tumagal si Ethel sa show. I have this vibe na matsu-tsugi siya very soon. Wait and see tayo.
_______________________________________

Yun lang naman ang ngasngas ko. Ang haba na rin ha!🙂

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://newsinfo.inquirer.net/348095/200-pieces-of-jewelry-lost-in-mall-heist; http://newsinfo.inquirer.net/348483/celdran-to-appeal-guilty-verdict; http://www.pep.ph/guide/tv/11358/pep-exclusive-p100-million-spent-for-tv539s-new-show-wowowillie)

(Photo source: http://www.abs-cbnnews.com/nation/metro-manila/01/26/13/shooting-incident-sm-megamall-causes-panic; http://www.spot.ph/the-feed/46647/tour-guide-carlos-celdran-arrested-after-protesting-during-an-ecumenical-service-charged-for-offending-religious-feelings; http://pinoyhitsandflops.blogspot.com/)

P.S. Payuhan ang peg natin bukas! Sa mga gustong magpadala ng ngasngas at ngawngaw sa buhay, sumulat lang at ipadala sa yourstrulymadma@gmail.com. GO!

7 thoughts on “Madma Reacts: SM Megamall Robbery Case, Carlos Celdran Case and Wowowillie

  1. Madma for the sake of argument lang and just a thought. I do think Filipinos, in particular yung mga nagsasabing hindi tama yung pagkaconvict kay Celdran, will react differently if sa ibang religion yun ginawa. Halimbawa, ano kaya magiging reaction ng mga tao kapag sa Mosque niya ginawa yun. Feel ko din kasi, napakadisrespectful yung sa gitna ng prusisyon, na para sa mga katoliko ay banal, ay bubulabugin ng isang protesta. Pero at the same time, saan nga ba best gawin ang protesta kundi sa mismong misa para isampal sa mga pari yung gusto mong i-point out. Anyway wala akong sort of side, except that tama lang na naconvict si Celdran because there is such a law. At walang kasalanan yung Church dun. Ang dapat kwestiyonin, yung judge na nagdecide na “offensive” nga yun (which i think it is), or yung nagpasa ng batas. In terms of ma-aabuse yung “offensive” na clause, feel ko kering keri lang naman ng ating mga huwes ang kanilang trabaho. And in terms of yung place to protest, feel ko nga dapat regulated ang mga protests, in the same way na may mga barikada ang mga pulis para tuwing may rally, kasi may mga areas na allowed lang magrally.

    Pero yun, point is… sa lahat ng mambabasa, isipin nga natin, what if sa Muslims ginawa yun, iba kaya ang approach ng mga against sa pagkaconvict? Sobrang clashing talaga ng beliefs at gusto ng mga tao at yun yung role ng gobyerno. Hayz sobrang nakakaoverwhelm ang topic na ito, kaya nga apat na taong pinag-aaralan ng mga PolSci itech. or kanila ba ito? Anywho, i dont intend to make nguynguy para magpakabibo haha, para lang magisip din ang mga utaw. Kung may macocomment kayo, I’d love to listen to your thoughts. Hihihi :>

    Okay kay willie naman, hindi ko rin gets madma kung bakit natatangkilik siya. Pero grabe dati kasi, ililipat talaga ng katulong namin sa willing wille kahit gusto ko namin manood ng iba. As in taas kilay. Pero hinahayaan na namin kasi yun lang naman pinanonood niya. Also, ever since sobrang bv na nga sa ibang co-hosts at guests yung mga pinagsasabi ni willie. Pero well, most naman nung mga sinasabihan niya dwindling ang career so kaialngan nila makagig. Sigh. Wala bang batas na nagbabawal ng “offensive” on air? Haha

    • *Clap, clap, clap. Ang taray naman ng arguments mo. Panalo! Salamat naman sa mga ideas na hinain mo. Totoo naman lahat ito.🙂

      Well, hindi rin kasi perfect ang mga provisions ng mismong mga batas. Napakaraming outdated na and very exclusive and hindi encompassing lalo na yung mga batas na ginagawa nung mga mga 20 years or more. Clearly, kailangang i-update ang mga ito. Totoong may kasalanan ni Carlos Celdran at dapat siyang ma-convict. Hindi lang talaga ako pabor na ikulong kasi hindi siya kriminal. That’s just too harsh. Si Gloria Macapagal at ang asawa n’ya nga hindi makulong-kulong kahit na OBVIOUS namang makasalanan yang mga hinayupak na ‘yan. Tapos itong si Celdran, kulong na?! Parang may mali yata. Hindi naman ako magaling sa batas so bumabatay lang ako sa logic. hahaha Very interesting talaga ang pag-aaral ng lipunan. Masakit nga lang sa ulo minsan. Pero kasi after all, tungkulin nating makiaalam at mag-aral. Wala ngang kasalanan ang Church sa desisyong ito. Tama ka. Naiirita lang ako na ang senstive nila. Mga balat-sibuyas pala ang tao d’yan so dapat tumigil na sila sa pamumulitika! Kaloka.

      As to Wowowillie, nakakaloka yung may katulong kayo. hahaha Kayo na ang may kaya! Ayoko na si Willie. Wala na akong pakiaalam sa kanya. Hambog ang pota. Eh mas magaling pa ako d’yan mag-host! Antayin n’ya lang ako. hahaha

    • @Friendly super fan: Ang masasabi ko lang, tingnan din natin ang context. The Muslim religion is in the minority and has been subject to various cruelties (lalung-lalo na after 9/11), so masama talaga sa panlasa kapag nanggulo ka sa mosque. Ang Catholic Church dito ay ang majority religion, and aminin na natin na may history sila ng pambibiktima (Spanish Inquisition; used as a mode of colonization; pakialamero sa issues ng legislation). So kung sa context, parang ganito: kadiri kapag may American na nagreklamo sa isang gathering na puro Pinoy, pero makikinig ka kapag may isang Pinoy na nag-protesta sa grupo ng mga Amerikano (colonizer).

      Ilang beses ko na ring ginustong sumigaw sa simbahan – sa totoo lang tumigil na ako sa pagsimba dahil ang laging tinitira ay 1) babae at 2) sangkabadingan. Paano ka makaka-GV sa ganyan? Ni hindi ko na marinig ang Diyos sa mga sermon ng pari. Wala nang compassion. Puro hellfire ang sinasabi. Pwede ba. Pero never ko nagawang sumigaw dala ng hiya at takot. This is a good essay on the issue, written by a lesbian: http://www.gmanetwork.com/news/story/292633/opinion/when-to-shout-in-church

      Hindi ako fan ni Celdran; nahaluan ng need for publicity ang sincerity ng actions nya. Pero OA na ikulong sya.

  2. nakakaaliw tong blog mo! hahha! magandang basahin lalo kapag nabuburyong ka na sa stress na dala ng trabaho. hahaha! ayos din kasi kahit kasing liit na ng 1/4 sheet of paper yung firefox ko e nagaajust ng kusa yung mga sulat! ang taray lang😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s