Madma Reacts: Sabah Standoff

Dear fans and followers,

Hello everyone! Kamusta na kayo?! Ang titindi ng mga pasabog natin sa YTM last week ha, aminin n’yo ‘yan. Taas ng ratings natin!!! In fact sa sobrang taas, nag-peak tayo nang bongga last Sunday afternoon at nakuha natin ang 28th spot bilang most read and viewed blog in the Philippines under Personal category based sa topblogs.com. LAKAS!!! Tangina. 😉 I think kaya na rin nating sabayan ang ratings ng teleserye ni Ms. Kim Chu na ‘Ina, Kapatid, Anak, Tiyuhin, Biyenan.’ Charoth. 😉

Just so you know, mahirap ang labanan ng ratings sa blogging industry kaya huwag kayong masyadong umarte. Patayan talaga! Parang labanan lang ng ratings sa TV. Sa dami ba naman ng blogs nowadays! Diyos ko naman. Every week ang labanan ng mga blogs sa ranking. Very competitive talaga! Ang hirap ding sumabay lalo na sa kagaya kong may totoong full-time job. Gosh! Pero laban lang. Laban lang nang laban! 🙂

Kaya naman WAGAS ang pasalamat ko sa lahat ng mga walang-sawang nagbabasa ng blog na ito. Salamat naman at sa dami ng mga babasahin ngayon sa internet ay may time pa kayong bisitahin si Madma at makinig sa mga ngasngas n’ya. Na-touch naman ako sa support n’yo, guys. Biruin n’yong nagbabasa pala kayo?! Group hug naman! ;)Hindi ko na tuloy masyadong nararamdaman na single ako kasi and’yan kayo lagi for me. WOW. Arte!

Anyway, MARAMING SALAMAT muli sa inyong tiwala at suporta. Lalo tuloy akong ginaganahang magsulat. Salamat, salamat, salamat talaga! Mas marami pa tayong pasabog sa mga susunod na araw. Asahan n’yong itotodo pa natin ang laban. TARAY!

I love you all. 🙂
________________________________________________
Jamalul-Kiram
________________________________________________
Gusto ko palang pag-usapan natin ang iringan ng Malaysian government at ng pwersa ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III about sa ownership ng Sabah. Super init kasing issue ito ngayon kaya bilang tinaguriang ‘Boses ng Masa,’ marapat lamang na ilabas ko ang ngasngas ko about it. Dapat kasi talaga ay payuhan portion tayo today. Pero I decided na bukas na lang pasabugin ang featured letter natin to give way to this very timely subject. Shout ouch naman sa pagiging relevant ni Madma! Ang pa-involve ko na rin talaga sa mga national issues ha. 🙂

Anyway, usong-uso na naman lately ang agawan ng teritory! Super scary talaga. Kung dati ay asawa at jowa lang ang karaniwang pinag-aagawan, ngayon, pati ang mga lupain at teritoryo ay pinagdidiskitahan na naman. Ang mga tao nga naman oh. PASAWAY! Siguro mabuting i-check n’yo rin kung kayo pa rin ba ang may-ari ng puso ng asawa or jowa n’yo. Baka maloka kayo at IBA na pala ang may-ari n’yan. SHOCKING! 🙂

Isang classic example na nga ng agawan ay ang walang kamatayan at ang nagbabalik na issue sa tunay na may-ari ng Sabah. Very plot sa teleserye ang peg nito. Kanino nga ba ang Sabah?! ‘Yan ang million dollar question ngayon. Sa totoo lang, ang tunay na may-ari ng Sabah ay si Lord. Alam n’yong siya ang may-ari ng lahat! So, ano pang issue bale?! Charoth lang, beybe!

O, eto, para hindi kayo ma-lost sa issue, ichi-chika ko muna sa inyo quickly ang background ng iringang ito. Flashback muna tayo sa simula ng lahat para mas madaling maintindihan. Mahalaga kasing malaman natin ang simula ng storya para mas madaling makagawa ng opinyon at kuru-kuro. Kumbaga sa fairy tale, mag-start tayo sa classic line na “once upon a time.” GAME! 😉

Noong unang panahon, wala pang Sabah. Lakatan pa lang at tsaka Latundan ang mayroon. Then isang araw, biglang may umusbong na tila kakaibang klase ng prutas sa isang ‘di kalayuang kakahuyan. Medyo mataba ang prutas na ito, bilugan at kulay brown. Hindi ito titi, ok?! 🙂 One time, may isang Ale na dumaan sa area na ‘yun tapos nakita n’ya ang naturang prutas. Kinuha n’ya ito, binalatan at tinikman. While eating, biglang napasigaw ang Ale, “Shit. Ang sarap naman nitong prutas na ito! Grabe. Nakakaulol! Para siyang… para siyang…para siyang… Sabah!” At ito nga ang ‘Alamat ng Saging na Sabah.’ CHAROTH! Ano baaaaaa. Ang corny! 🙂

Serious na nga. GAME!
_________________________________________________
IMAGE_FEB222013_UNTV-News_Google-Maps_SABAH
_________________________________________________
Base sa aking mga nakalap na data, ang Sabah (North Borneo) pala ay pag-aari na ng Sultan ng Sulu noon pang 1704. Ang lupain na ito ay iniregalo ng Sultan ng Brunei sa Sultan ng Sulu bilang pasasalamat nito sa tulong na ibinigay ng Sultan ng Sulu sa pagpuksa sa malakasang rebellion sa Brunei at that time. Ang bongga magregalo ng Sultan ng Brunei no?! Hiyang-hiya si Ms. Sharon Cuneta. Kukunin ko talaga siyang Ninong sa kasal kung buhay na ako noon. Ok na sa akin na regaluhan n’ya ako ng sampung poging lalaki. SHET! Feeling ko sisiw lang sa kanya ang simpleng request na ito. Kahit gawin ko pang twenty, kering-keri!

Noong 1878 naman, pumasok sa isang ‘lease agreement’ ang Sultan ng Sulu with British nationals na sina Gustavus Baron de Overbeck and Alfred Dent. Ayon sa agreement, ang mga British nationals na nabanggit ay pinayagang mag-occupy sa Sabah kapalit ng pagsu-supply nila ng armas sa Sultan. Kaaway kasi ng Sultan ang mga Spaniards during that period. Ang mga armas na sinu-supply ng mga British nationals ay ginagamit ng Sultan laban sa Spaniards. Hindi pinapang-raffle ang mga armas ha! Hindi ito level ng show ni Willie Revillame.

Maliban sa pagsu-supply ng armas, required din na magbayad ang mga British nationals ng 5,000 Malaysian ringgits annual rental based on the Mexican dollar’s value at that time or its equivalent in gold. So, dalawa ang components ng agreement– ang pagsusupply ng armas at pagbabayad ng annual rental. Maayos naman ang naging kalakaran ng usapan. More bayad ang dalawang Briton, more kubra ang Sultan. Naging swabe naman ang kalakaran. Maliwanag din palang nakasaad sa agreement na ang rights ng Sabah ay hindi pwedeng i-transfer to any other nation or anyone else without the Sulu Sultan’s express consent. Klaro pala ‘yan!

After some years, pinasa at binenta na nila Gustavus Baron de Overbeck and Alfred Den ang kontrata ng pag-renta sa Sabah sa British Empire. Ang British Empire na ang nagpatuloy ng pag-occupy sa Sabah. Out na sa story sina Overbeck at Den. Kumbaga sa teleserye, pinatay na ang characters nila sa puntong ito. 🙂

Noong 1946, after 86 years since the lease agreement was inked, tuluyan nang inangkin ng British Empire ang Sabah. Hindi lang inangkin ha, pinamigay pa nila ito sa isa sa mga colonies nila. To quote one of my sources, “the British Empire included Sabah in the Federation of Malaysia when it granted independence to its colony in 1963.” O, di ba nakakaloka?! Umupa lang tapos biglang sa kanila na tapos pinamigay pa! LUPET! Lakas maka-gago no?! Try ko kayang gawin ito sa landlady namin, Ewan ko lang kung hindi n’ya ako kalbuhin!

Kaya naman dahil sa nakapa-cheap na agawang ito, nanghingi ng saklolo ang Sultan ng Sulu sa Philippine Government. In 1962, the Sultan of Sulu entered into an agreement with the Government of the Philippines para ipagpatuloy ang laban sa pagbawi sa Sabah sa International Court of Justice. Naganap ang ang agreement na ito noong time ni Presidency Diosdado Macapagal. So in essence, ang Philippine government dapat ang TAGAPAGTANGGOL ng Sultan ng Sulu. ‘Yan pala ang usapan.
___________________________________________________
home-affairs-minister2
___________________________________________________
So ngayong present time, ANO NG NANGYARI?! Bakit nagka-leche leche na?! Historically, ang Sultan pala talaga ng Sulu ang may-ari ng Sabah. SA PILIPINAS ANG SABAH. Nasa kamay ni Sultan Kiram ang lahat ng dokumento at ebidensya na magpapatunay sa claim na ito. So, anong inaarte-arte ng Malaysia?! Grabe ‘yung sila pa ang may ere! Duh. Konting HIYA naman ‘d’yan. Alam kong alam n’yong hindi talaga sa inyo ang lugar na ‘yan so ‘wag na kayong magmaang-maangan. Napapalibutan na namin kayo. Char. 😉

Until now pala ay tuloy ang pagbabayad ng Malaysia ng renta sa heirs ng Sultan ng Sulu. Sabi sa chika, ang Malaysian Embassy ay nagbabayad pa rin ng annual rent amounting to USD1,500 per year bilang kabayaran sa paggamit sa Sabah. Hindi ka naman magbabayad ng renta kung hindi mo ina-acknolwedge na may-ari ‘yung pinagbabayaran mo, ‘di ba?! Ang simple nito, PLES! Kahit elementary student mage-gets na ‘to agad. Hindi nila pwedeng gamitin ang argument na ang Sabah ay binigay sa kanila ng British Government kasi in the first place, hindi naman sa mga Briton ang Sabah. Walang namang naganap na bentahan ng Sabah sa pagitan ng Sultan ng Sulu at ng British Empire! Gosh. Irita. 😦 Sa toong buhay, hindi mo pwedeng ipamigay sa iba ang bagay na hindi sa’yo! Ano ba. Expound ko pa ba ‘to?! Mismong ilang mga Malaysian observers na nga ang nagsasabing sa Pilipinas ang Sabah ‘eh. PAPALAG PA BA?!

Hindi ko rin masisisi ang ginawang paglusob ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram III last February 9, 2013 sa Lahad Datu sa Sabah. After all, sa kanila naman pala ang lupaing ito. Sila ‘yung inaagawan. Sila ‘yung ninakawan. Sila ang BIKTIMA. Ang sad lang ‘nung parang pinagtatabuyan sila sa sarili nilang pag-aari. Isipin mo, ikaw ‘yung landlady at ang LEGAL na may-ari ng isang apartment tapos noong pumunta ka sa property mo ay pinagtabuyan ka na lang ng mga umuupa sa’yo. POTA! Asan naman ang sense nito?!
_________________________________________________
philippines_malaysia_sabah
_________________________________________________
At ang worst part is, ang ating mahal na pangulo na si PNoy na inaasahan nilang kakampi sa kanilang laban ay pumabor pa sa Malaysians. SHOCKING! Malaysians ba ang nagluklok sa kanya?! Last time I checked, HINDI! Gosh. 😦 Ang sakit ‘nun sa part ni Sultan Kiram ha. Para silang inabandona ng sarili nilang ama. Para silang pinagkanuno ng sarili nilang kasangga. Para silang iniwan ng kanilang pamilya sa gitna ng isang matinding labanan. Sila na nga ‘yung nasa TAMA, sila pa ‘yung iniipit, sila pa ‘yung tinatakot at pinagbabantaan, sila pa ang pinapalabas na masama ng gobyernong dapat sama ay KAALYADO NILA. GRABE!!!

Actually, hindi naman pala dapat aabot sa ganito ang galit ni Sultan Kiram at hindi na sana magiging magulo ang lahat kung pinansin at binasa ni PNoy ang letter ni Sultan Kiram requesting for a consultation on peace talks. Last 2010 pa pala pinadala ng Sultan ang nasabing letter sa Malacañan, ilang linggo matapos manalo si PNoy as President. In fairness to Sultan Kiram, gumawa siya ng initiative para mabuksan ulit ang usapan re: peace process sa Mindanao including the issue on Sabah. Pero anong naganap? Hindi nabasa ni PNoy ang nasabing letter! To quote PNoy, “let me say to Sultan Jamalul Kiram III: I have just been made aware that a letter to me, from you, was sent through the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process in the very first weeks of my term, when we were organizing the government. Unfortunately, this letter was lost in the bureaucratic maze.” NAWALA naman pala ang letter. Ok. NOTED!

Overall, ang duwag ni PNoy at ng kanyang administration sa kasong ito. Para sabihin n’yang “hopeless cause” ang laban sa ownership ng Sabah ay patunay lang na wala siyang balak i-push ang pag-claim nasabing lupain. Kung wala naman pala siyang balak protektahan ang mga ari-arian natin, ‘eh ‘di ipa-raffle n’ya lang ang lahat ng lupain ng Pilipinas para mas happy! Ako na magho-host para mas bongga! Gosh. NAKAKALOKA. 😦

Don’t get me wrong ha, hindi ako pabor sa kaguluhan at hindi ko ina-advocate na gerahin natin ang Malaysia. I’m all for peaceful resolution and all. Ang akin lang is dapat mabuhay ulit ang malakas na call natin sa ownership ng Sabah na matagal nang natengga! Ito naman kasi ang ultimate long-term call sa issue na ito ‘eh. Whether may nagtulak kina Sultan Kiram para gawin ang paglusob or wala, the fact still remains na may issue sa ownership ng Sabah at kailangan itong ma-resolve ASAP! Wow. Urgent?! 🙂 Pero based sa mga turn of events ngayon, mukhang walang malinaw na plano si PNoy about it. Ang concern lang n’ya is mapaalis ang grupo ni Sultan Kiram sa Sabah, which is very short-term na pagtingin. Wala man lang siyang statement of assurance na itutuloy ang laban hanggang sa mabawi natin ang Sabah and matuldukan na finally ang issue na ito. My God! Wala man lang ganun!

Ang sad ‘nung hindi natin kayang ipagtanggol ang mga bagay na pag-aari natin. Nakakagalit ‘yung fact na hindi natin kayang i-defend ang ating teritoryo. Kung sinu-sino na lang ang umaangkin sa mga lupain natin. Kung sinu-sino na lang ang nambu-bully sa atin. Kaya naman, huwag na kayong magulat kung bukas makalawa ay ibang bansa na ang may-ari bigla ng Manila at Makati. Huwag na kayong magulat kung paggising n’yo ay China or Malaysia na bigla ang may-ari ng Palawan, Cebu at Bacolod. I think mabuting mag-start na tayong mag-aral ng Chinese at Malay para worst comes worst, maka-survive pa rin tayo sa anumang pagbabago. GRABE!!!

Haaay… nasa-sad ako. Sana ay pagmuni-munihan n’yo rin ito. 😦

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://www.interaksyon.com/article/55753/mel-sta-maria–sabah-is-ours–we-should-claim-it; http://www.epilipinas.com/sabahclaim.htm; http://opinion.inquirer.net/47591/not-a-very-good-idea#disqus_thread; http://www.freemalaysiatoday.com/category/opinion/2013/02/22/to-whom-does-sabah-belong/; http://www.interaksyon.com/article/55861/kiram-letter-seeking-consultation-on-peace-talks-lost-in-the-maze—aquino; http://en.wikipedia.org/wiki/Jamalul_Kiram_III)

(Photo credits: http://www.globalnation.inquirer.net, http://www.scmp.com, http://www.verafiles.org, thepinoyweekly.com, http://www.untvweb.com, http://www.globalgrind.com; http://www.dinmerican.wordpress.com )

P.S. Gusto ko palang i-share na super aliw na aliw ako sa bagong single ni Ms. Mariah Carey titled ‘Almost Home’ na soundtrack ng upcoming Disney film na ‘Oz The Great & Powerful.’ Ang cool ng melody ng song. Very upbeat. Very Mariah! Masasabing talagang magandang comeback ito para sa idol kong Diva na si Mariah.

Pakinggan n’yo naman! Medyo mataas nga lang ng konti ang pitch so good luck na lang sa mga ka-boses ni Ms. Jessa Zaragosa and Ms. Jaya. 🙂
______________________________________________

_______________________________________________
P.P.S. Sa lahat ng gusto lumiham kay Madma, ipadala lang ito sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali! Huwag mahiya. Promise, sasagot ako. 🙂

Advertisements

2013 Oscar Predictions ni Madma

Oscars-2013

Dear fans and followers,

At talaga namang ito na ang pinakaaabangang tagisan ng mga hollywood actors and actress sa 85th Academy Awards. It’s Oscars time again, bitches! At syempre bilang tinaguriang “Boses ng Masa,” marapat lamang na maglabas din ng prediction si Madma. Grabe ‘yung pinu-push ko ‘yung title na “Boses ng Masa” sa sarili ko.

First time kong magpa-involve sa Oscars season. Dati kasi dinedeadma ko lang ang mga films dito kasi nga wala namang horror film na sinasali. Alam n’yo namang horror lang ang alam kong genre before. Kapag walang nanakot sa akin or walang namatay na character within 15 minutes, ekis na sa akin ang film! O, ‘di ba ang harsh ko lang. 🙂 Pero since nag-promise na akong magve-venture out ng genre, binigyan ko na rin ng chance ang LAHAT, take note LAHAT ng mga major entries sa Oscars. I really deserve a shout ouch for this! Wow. 😉

Hindi ako binigo ng lahat ng mga films na kasali sa Oscars. GRABE! Iba’t ibang mga pasabog at putahe ang ino-offer nila. Kung may plano din kayong mag-venture out ng film genre like me, I strongly suggest na sa Oscar entries kayo magsimula. Soobrang gaganahan na kayo! Swear!

Anyway, so much for ngasngas, I’m now presenting my Oscars review and predictions for 2013. Woooh!

Paalala, ang mga opinion na nasasaad sa bawat sa post na ito ay sariling opinion lang ni Madma at hindi ng buong management. MANAGEMENT?!
_________________________________________
les_miserables_ver11
_________________________________________
Les Misérables (Hugh Jackman, Russell Crowe, Anne Hathaway, Amanda Seyfried)

Hindi naman ako binigo ni Director Tom Hooper sa version n’ya ng Les Misérables. Overall, nabigyan naman ng n’ya ng justice ang timeless and classic film na ito at masasabing sulit ang binayad kong P220. Nakakaloka ‘yung ang dami kong naramdamang emotion habang pinapanood ito sa sinehan! Kinilig ako, kinabahan, nasaktan, naiyak, nagalit, nairita, naloka haaaay this is crazy!!! Medyo nakakahiya nga sa mga katabi ko sa sinehan kasi masyado akong pa-involve. May pasigaw-sigaw pa ako. Shet. Baka inisipin tuloy nila baliw ako. SHOCKING! 🙂 Hay naku, deadma na. Hindi naman sila mga pogi. Pampakapal lang sila ng population so keri lang. Chura.

Masasabing nadale pa rin ako ng film kahit na alam ko na ‘yung story n’ya, Tagos pa rin sa puso at puson! Kamusta naman ‘yung naiyak ako noong namatay si Fantine at nadurog ang puso ko sa unrequited love ni Eponine para kay Marius. Gosh. ‘Eh expected namang mamatay si Fantine at ire-reject si Eponine ni Marius, ‘di ba?! Kaloka! Wagas ‘yung emote ko sa scene ni Eponine habang kinakanta n’ya ang famous song na ‘On My Own’ ha. May ulan-ulan effect pa! Parang pelikula lang ni Sarah and John Lloyd. Very Pinoy ang peg ng scene na ‘yun.

Well, sobrang gandang material naman kasi ng Les Misérables so you can never go wrong with the story. May template na rin agad na susundin. May sigurong direksyon na agad na pupuntahan. Hindi ka na maliligaw. Magkakatalo na lang talaga sa treatment. And as a whole or asshole, maayos naman ‘yung atake ni Director Hooper. Nabo-bother lang ako sa singing parts ng ilang characters lalo na si Russell Crowe. Diyos ko, very nasal si Kuya! Sa ilong siya humuhugot ng notes! Parang si Ms. Zsa zsa Padilla ata ang nag-train sa kanya ‘eh. Nasisira ‘yung momentum ko every time na kumakanta si Ruselle. Parang boses ni Karylle ang naririnig ko. Ack. Sana naghubad na lang si Ruselle at nagpakita ng pwet. Mas ma-appreciate ko pa siya!

Hindi masyadong outstanding ang ‘musical’ part ng film. I think dun sila sumablay. The singing was just right. Hindi superb. Tamang kanta lang. Mairaos lang. Makanta lang. Sana hindi na lang nila ginawang musical since hindi naman nila mapapanindigan. Buti na lang super gaganda ng mga songs at alam ko na sila by heart kasi otherwise, lalayasan ko sila at magvi-videoke ako mag-isa. Baka mas mabigyan ko pa ng justice ‘yung mga songs sa labas. WOW. Sample naman! 🙂

Commendable ang performance ni Ms. Anne Hathaway or Had A Way ha! Tumaas ang respeto ko sa kanya bilang artista. ‘Eh si Ricky Lo kaya tumaas rin ang respeto kay Anne? Char! 🙂 I think we already talked about that. 🙂 Ok din ang acting ni Hugh Jackman. Pasabog din! Ang pogi pa n’ya. SHET! Ang sarap n’ya. Kung asawa ko siya tang ina hindi na ako lalabas ng kwarto! Bahala na kayo sa buhay n’yo.
____________________________________________
Silver-Linings-Playbook-Poster
____________________________________________
Silver Linings Playbook (Bradley Cooper, Jennifer Lawrence, Robert De Niro, Jacki Weaver)

GRABE ang pelikulang ito! Tumataas ang BP ko sa stress!!! Shet. Hindi ako fan ng rom-com movies pero ibang klase ang Silver Linings Playbook. Mahusay ang pagkakagawa. Panalo ang pacing, very contemporary and very edgy. Swak sa banga, mga Ma’am! 🙂

Ang daming beses pinasakit ng film na ito ang ulo ko dahil sa mga stressful, nonsense and agitating arguments ng character nina Bradley Cooper and Jennifer Lawrence. GRABE! Dilat na dilat ang mata ko all throughout the film kasi ang daming stressful at baliw-baliwan moments. Best na alternative sa kape ang Silver Linings Playbook. Gigisingin n’ya talaga ang dugo mo sa banas! Kung mahirap kayo at wala kayong kape, panoorin n’yo lang ‘to at ma-achib n’yo rin ang same effect. SWEAR! 🙂 Pati siguro kape ay magising kapag napanood ‘to. WOW. 🙂

Panalo ang direction ni Director David O. Russell kasi nagawa n’yang effective ang film. Talagang manunuot ‘yung story sa laman mo. Madadala ka talaga sa mga eksena. Pasabog din ang chemistry ni Bradley at Jennifer! Legit! Patalbugan sila sa kabaliwan. Dito mo mare-realize na mahirap pala talaga kapag pinagsama ang dalawang taong baliw. Mababaliw ka rin bilang audience.

Can I also just say na ang HOT ni Jennifer?! AS IN! Ang fierce ng mukha n’ya at ang ganda pa ng speaking voice. Kung lalaki lang ako, magiging crush ko siya nang todo. ‘Eh kaso hindi ‘eh kaya si Bradley ang bet na bet ko. Char! 🙂
_______________________________________
Beasts-of-the-Southern-Wild
_______________________________________
Beasts of the Southern Wild (Quvenzhané Wallis, Dwight Henry, Levy Easterly, Lowell Landes)

Aaminin ko, wala akong masyadong na-gets sa film na ito kasi ang PROFOUND! Kaloka. Very Indie ang peg ng Beasts of the Southern Wild. Malalim ang gusto n’yang sabihin at sa sobrang lalim, nalunod na ako. Ang daming mga symbolisms ng film na ito na masasabing matatalino lang ‘yung makaka-gets. Apparently, hindi ako matalino, Diva lang ako. 🙂 Kung sa Silver Linings Playbook ay dilat na dilat ang mata ko, dito naman ‘eh halos tungkuran ko na ng posporo ang pagitan ng mata ko para hindi ako makatulog. Pero in fairness to me, tinapos ko pa rin ha kahit ‘yung mga kasama ko ay nagsipagtulugan na. I think I deserve another shout ouch there so, SHOUT OUCH to me! 🙂

Beasts of the Southern Wild is a coming-of-age film mix with magical surrealism and poetry. Hindi ko talaga ito genre! Gosh. Wala akong time sa masyadong profound na film. Lalong hindi ako magkaka-jowa kung ia-analyze ko pa nang todo ang pelikulang ito. Ibibigay ko na lang sa mga ‘experts’ ang pagju-judge dito. Most of the time kasi ay NGANGA lang ako so wala akong masyadong insights sa storya.

Ibibigay ko rin ang husay ng batang bida na si Quvenzhané Wallis. Alam n’yo bang siya ang youngest actress ever to receive a nomination for the Academy Award for Best Actress?! SHOCKING! 🙂 Sa murang edad n’ya na 9 years old ay na-nominate na agad siya sa Oscars! *Clap, clap, clap. Pero kaya ring gampanan ni Ms. Jinky Oda ang role ni Quvenzhané kung bata-bata lang siya at nabigyan siya ng break. Kaso thunder na si Ate Jinky n’yo at pumuti na rin so ekis na siya sa role.

Basta panoorin n’yo na lang ang Beasts of the Southern Wild. Balitan n’yo na lang ako kung may na-gets kayo. Basta be sure na kumpleto ang tulog n’yo kapag sinalang n’yo ang film na ito ha. Galingan n’yo!
______________________________________
argo-poster1
______________________________________
Argo (Ben Affleck, Bryan Cranston, John Goodman, Alan Arkin)

Hindi rin matatawaran ang ganda at intensity ng Argo!!! Kinginaaaa. Ang galing ng pagkakagawa ni Director Ben Affleck sa film na ito! Bow ako! Panalo ang directing. Sooobraaaa. 🙂 Ang ganda-ganda ng buildup at ang taas-taas ng intensity level. Ito ‘yung tipo ng pelikulang puputikin ka sa nerbyos at babaktulin ka sa kaba kapag pinanood mo. Kaya naman siguraduhing napahiran ng deodorant ang kili-kili n’yo bago kayo sumabak sa panood ng Argo. I-ensure n’yo na na-cover ang lahat ng area ha! Mahirap ng may makalusot na part. Shet.

Para akong nakasakay sa rollercoaster habang nanonood ng Argo. GRABE!!! Super ganda n’ya lalo na nung last 30 minutes. AY!!! Kakapit ka talaga sa upuan, Ma’am. Panalong-panalo. Kuhang-kuha ang Madma n’yo. Grabe ‘yung adrenaline rush na binigay ng Argo sa katawan ko. Feeling ko nga kaya kong buhatin ang ref namin at that time ‘eh. Ganung level! 🙂 Bibilis talaga ang tibok ng puso mo sa mga nakakalokang eksena sa pelikula. Kaya medyo ingat lang ‘yung may mga heart-enlargement issue ha. Hindi ko masyadong nire-recommend ang Argo sa mga high blood kasi baka biglang pumutok bigla ang ugat n’yo sa batok habang nanonood. Sisihin n’yo pa ako!

Sayang nga lang at hindi ko ito napanood on big screen. Sa laptop ko lang ito napanood kasi akala ko chaka. Nai-imagine ko ‘yung eskandalong gagawin ko sa loob ng sinehan kung nagkataon! Shet. Highly recommended ang Argo. As in HIGHLY! I’m sure maga-agree sa akin ang mga nakapanood na. Ibang klase ang ganda. WAGAS! At ang pogi ni Ben Affleck ha. Ganda ng abs ni Kuya. Sarap dilaan. CHAROTH! 😉
______________________________________________
DjangoUnchainedOfficialPosterPT
______________________________________________
Django Unchained (Jamie Foxx, Christoph Waltz, Leonardo DiCaprio, Kerry Washington, Samuel L. Jackson)

Ito na talaga ang rurok na patunay na nagve-venture out na ako sa film genres. Grabe ‘yung pinanood ko ang very panlalaking film na Django Unchained! Ansabeee?! 🙂 Shout ouch naman kay Madma ulit! 🙂 Bilang Diva, hindi talaga ako mahilig manood ng action film. Ang last ko pa yatang super action film na pinanood sa sinehan ay ‘yung kay Jet Li na ‘Once Upon a Time in China.’ Kasama ko pa Papa ko sa sinehan nomanood noon. Diyos ko! Bagets na bagets pa ako nung mga panahong ‘yun. Kaloka!

Nag-fiesta ang mata ko sa pagdanak ng dugo sa pelikula. Ibang klase talaga si Director Quentin Tarantino! Siya ang epitome ng salitang ‘ACTION.’ Binubuhay n’ya ang natitirang pagkakalalaki sa katawan ko! 🙂 Patay kung patay. Dugo kung dugo. Bituka kung bituka. Utak kung utak. Ganyan! Hindi ka talaga n’ya titipirin sa pagka-gory ng pelikula. Shet! Siguraduhing n’yo lang na hindi kayo masyadong busog habang nanonod kasi baka masuka kayo. May mga eksena kasi talagang NAKAKALOKA!!! 🙂

Panalo rin ang story ng Django Unchained. Magsasawa ang mga mata n’yo sa mga negro kasi about slavery ang theme. Gosh. Sobrang daming blacks sa film! Parang ang sarap magtinda ng ‘Likas Papaya’ soap o kaya ng ‘Glutathione.’ I think maghi-hit ang mga producktong ito kung naimbento na sila sa period na ‘yun. Baka magkaroon pa nga ng panic buying! Char. 🙂 Medyo may kahabaan lang ang pelikula pero sulit naman kasi ang daming pasabog. Almost 3 hours din ang running time ng Django Unchained so kung byahe ito, nakarating ka na sa Batangas. 🙂

Gustong-gusto ko pala ang soundtrack ng pelikulang ito. Super aliw! Nagulat ako pero pasok na pasok. Gusto ko rin ang acting nina Christoph Waltz at Leonardo DiCaprio. Ang taas ng level ng aktingan nila. Talagang kinarir ang kanilang mga characters. In fairness to Leonardo, pogi pa rin until now at super galing n’ya pa ring umarte. Walang kupas si Kuya! Intense actor. Level ni Marvin Agustin. Or. 🙂
_______________________________________________
zero_dark_thirty_poster04_jessica_chastain
_______________________________________________
Zero Dark Thirty (Jessica Chastain, Joel Edgerton, Chris Pratt, Mark Strong)

Hindi rin papahuli ang sa mga pasabog at aksyon ang Zero Dark Thirty. GRABE!!! Ibang klaseng putahe rin ang film na ito. Super taas din ng intensity ng mga eksena and very compelling din ang storya. Sa mga hindi nakakaalam, ang Zero Dark Thirty ay pelikula about sa malakasang hunt ng US intelligence sa leader and founder ng al-Qaeda na si Osama bin Laden. Tingin ko, ang pinaka-interesting thing dito ‘eh ‘yung ‘Osama bin Laden’ element. Ito ‘yung pinakahatak ng pelikula. Kung hunt ito para sa ibang tao like let say kay Madam Auring or Mystica, feeling ko iba ‘yung effect nito sa akin. Grabe ‘yung may hunt for Mystica ha. Asan na ba kasi siya?! Parang kailangan na nga siyang hanapin! Name-miss ko na ‘yung pag-split n’ya ‘eh. 😉

Overall, mataas naman ang suspense level ng film kahit wala ang ‘bin Laden’ element. Maayos ang pagkakagawa at panalo ang buildup. Very gripping talaga! Ang intense ‘nung last 30 minutes ng film kasi dito pinakita ‘yung detailed execution kung paano napatay si bin Laden sa isang cheapipay compound n’ya sa Pakistan. Soobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa bawat putok ng bala ng mga CIA officers kasi baka si bin Laden na ‘yung nadale. Alam n’yo ‘yung ganung feeling?! 🙂 Ang galing-galing ni Director Kathryn Bigelow. Intense kung intense! Ang bilis ng circulation ng dugo ko habang nanonood. Shet. By the way, highly required din pala ang paggamit ng deodorant before watching it ha kasi alam n’yo na. 🙂

Gusto ko rin ang very subtle yet powerful acting ni Jessica Chastain. Not my favorite actress among the Oscars nominees pero tama lang siya for the film. You really have to watch it para magka-idea kayo kung paano napatay si bin Laden. Alam kong gusto n’yo ring malaman kung paano siya namatay. Go na!
_______________________________________________
life-of-pi-1
_______________________________________________
Life of Pi (Suraj Sharma, Irrfan Khan, Adil Hussain, Tabu)

Ito ang perfect epitome ng literal na ‘Best Picture’ kasi nag-fiesta ang mata ko sa ganda ng cinematography and visuals ng Life of Pi. Talaga namang binigyan ng justice ni Director Ang Lee ang award-winning book na ito ni Yann Martel. Shet, tumataas na naman ang energy ko bigla kasi naalala ko ‘yung experience ko while watching it! I just loved everything about the film. As in everything! 🙂

Gaya ng sinabi ko sa previously, maraming pagkakataon na sinasabi nating mas maganda ang book version kaysa sa film adaptation, ‘di ba?! Pero iba ang kaso sa pelikulang ito. Parehong maganda at pasabog ang book and film version! Yes, pwedeng ganun. 🙂 Nabasa ko ang book version years ago at naipakita sa film ang mga bagay na na-imagine ko habang binabasa ang book version. Ganun ka ganda! 😉

Best ng pagkakaganap ng bidang si Suraj Sharma sa character na Piscine Molitor “Pi” Patel. Kuhang-kuha ang tamanag tirada. Grabe. And ang nakakaloka is walang formal acting experience si Suraj bago siya sumalang sa Life of Pi. Sinamahan n’ya lang ‘yung kapatid n’ya mag-audition tapos siya na ‘yung nakuha. TANGINA! Lalo akong bumilib kay Suraj ‘nung nalaman ko ‘to. Ang dami kasing nire-require sa character ni Pi Patel sa film at talaga namang nabigay slash nalampasan pa ni Suraj ang lahat ng ito! Gosh. Sobrang kailangan n’yong mapanood ito, just in case hindi n’yo pa naa-avail. This is really a life-changing experience. AS IN!
_______________________________________
lincoln-poster_743x1100
_______________________________________
Lincoln (Daniel Day-Lewis, Sally Field, David Strathairn, Joseph Gordon-Levitt)

Taas ang kamay ko sa galing at husay ni Daniel Day-Lewis sa pagganap n’ya bilang Lincoln. BRAVO!!! Ang astig! Hindi ko naman kilala si President Abraham Lincoln personally pero parang feeling ko close na kame after watching it kasi na-portray nang todo ni Daniel ang character. Acting at its finest si Kuya. Hindi mo makikilala si Daniel kasi maliban sa prosthetics sa mukha n’ya, ibang-iba rin ang kilos, pananalita at nuances n’ya. Kung si Tyra Banks ay may “modelling from head to toe,” si Daniel naman ay may “acting from head to toe.” Grabe lang talaga! Dapat magpaturo si Ms. Kris Aquino kay Daniel kasi same-same lang lagi ang atake ni Kris sa LAHAT ng film n’ya ‘eh. Keyword: LAHAT! Laging kunot-noo school of acting si Madam. Kasora.
Mahusay ang take ni Director Steven Spielberg sa film. Daming winning moments! Nadala n’ya talaga ako sa period na dine-depict n’ya. Feeling ko nga paglabas ko ng bahay ‘eh negro na lahat ‘yung mga kapit-bahay namin. Ganung level. Nakakapraning! Compelling ‘yung story at hindi mo mamalayan na more than 2 hours pala ang running time ng pelikula. Magandang refresher film din ang Lincoln sa knowledge natin on slavery and ‘yung mga kaganapan sa Civil War sa USA noong 1861.Very interesting pala ‘yung period na ‘yun ha. Daming nagaganap. Mahihiya ang mga teleserye natin! Hindi kasi talaga ako mahilig sa history as person dati. Kasi ‘di ba nga, may kasabihan na “history repeats itself.” So, bakit ko pa aalamin ang nakaraan kung mauulit lang din naman. Or bakit ko pa papanoorin ang live telecast ng “The Walking Dead” kung pwede ko naman itong ulitin at my convenient time in the future by downloading it. Gets?! Mai-connect lang. 🙂 Pero again dati ‘yun ha. Super love ko na ngayon ang history and current events. 😉

This is definitely a must-see film. Huwag n’yo itong palampasin. Mapapatayo ka talaga sa dulo at mapapa-palakpak! Grabe. Ang gaganda ng mga eksena! Soobrang mahusay ang pelikula. Wala na akong ibang masabi kundi BOW. Clap, clap, clap with standing O! 😉
_____________________________________________
With this, ito naman ang 2013 Oscar predictions ko for this year!

Best Picture: Lincoln
Best Actor in a Leading Role:Daniel Day-Lewis
Best Actress in a Leading Role: Jennifer Lawrence
Best Director: Life of Pi
Best Actor in a Supporting Role: Christoph Waltz
Best Actress in a Supporting Role: Anne Hathaway
Best Animated Feature Film: ParaNorman

Taray! O, ‘di ba kinarir?! Hindi ko pala napanood ang ‘Amour’ ni Michael Haneke. Kinapos na ako ng oras! Kaloka. Napanood ko rin ang mga mga films na nominated sa Best Animated Feature Film. GANDAAA!!!

So, ayan naman! Again, ang mga comments ko ay gabay lamang, meron kayong free will, gamitin n’yo ito. 🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.impawards.com/2012/les_miserables_ver11.html; http://www.screencrush.com; http://www.liveforfilms.com; http://www.collider.com ; http://www.hitfix.com; http://www.lostinthemultiplex.com; http://www.filmofilia.com; http://www.insidemovies.ew.com)

P.S. Malugod ko kayong inaanyayahan sa pasabog na play ng The UP Repertory Company na pinamagatang ‘APUHAP: 13 in 1’ sa darating na March 2 & 4, 2013 | 3PM & 7PM
sa Aldaba Recital Hall, UP Diliman. For ticket inquiries, contact Gian 0917 546 1935.

Tara na!!!
___________________________________
UP Rep
___________________________________

Si Teddy Casiño ang Senador ko!

teddy31

Dear fans and followers,

Kasado na…

Go na go na…

Si Madma ay para sa tunay na pagbabago…

Si Madma ay para kay Teddy Casiño!

Palapit na nang palapit ang inaabangang May 2013 Elections. Ilang buwan na lang at magkakaalaman na kung sino ang mga mananalo at sino ang mga matatalo. Nakapili na ba kayo ng iboboto? Napintahan n’yo na ba ang mga tumatakbong kandidato? Grabe kilos! 😉

Soobrang importante ng magaganap na eleksyon sa Mayo kaya dapat seryosohin natin ito. Bawal umarte-arte! Whether you like it or not, may magaganap na eleksyon kaya dapat karirin na lang natin ‘to mga fans. Dapat seryoso tayo sa paghahanap ng mga iboboto. Dapat i-level natin ang paghahanap ng karapat-dapat na politiko sa paghahanap natin ng jowa sa totoong buhay para mas maging meaningful ang atake natin sa eleksyon. Pak! 🙂

Kung gaano tayo ka-kritikal sa paghahanap ng jowa, ganun din dapat ang peg natin sa pag-scrutinize sa deserving politicians. Isipin dapat natin na parang manliligaw lang natin ‘yung mga kandidatong tumatakbo tapos mamimili tayo sa kanila kung kanino natin ipagkakatiwala ang ating puso. Ganun dapat ang peg mga fans! 🙂 So ang tanong ngayon, ipagkakatiwala mo ba ang puso mo isang taong puro porma at papogi lang ang alam gawin sa buhay? Ibibigay mo ba ang matamis mong “oo” sa isang sinungaling at magnanakaw? Ipagkakatiwala mo ba ang future mo at ng magiging mga anak mo sa isang mahinang klaseng nilalang? Isipin n’yo ‘yan! 🙂

Kaya ako, mataas ang premium ko sa pagpili ng kandidatong iboboto ko kasi mataas din ang standards ko sa pagpili ng magiging jowa ko. WOW. 🙂 Kaya nga ako single until now kasi wala pang nakakapasa sa standards ko ‘eh. O, ‘di ba ang ganda-ganda ko?! Hiyang-hiya ang beauty ni Ms. Lucy Torres-Gomez. 🙂 Aba, mahirap ng mauwi sa chakang jowa ha! Not likey ‘yan! 🙂

Sa lahat ng mga nanliligaw sa aking politiko so far, si Mr. Teddy Casiño lang ang napupusuan ko. ‘Yun oh! 🙂 Siya lang talaga ang masasabing “naka-capture” ng puso ko bilang isang botante. Sa kanya lang ako naniniwala at nakikinig. Sa kanya lang ako nabibilib. Kaya naman sa kanya ko lang ipagkakatiwala ang aking matamis na “oo.” Hindi na ako papaloko sa mga paulit-ulit na mga pangalan sa pulitika. Hindi na ako papasilaw sa mga matatamis nilang salita. Tama na ang minsang maloko. Tama na ang minsang maisahan. TAMA NA PLEASE! Gusto ko iba naman! Gusto ko si Teddy Casiño naman! 🙂
__________________________________________
mkbyn-convention-teddy-casino-9
__________________________________________
Tama ang sinabi ni Teddy Casiño, matagal nang nabibihag ang Senado ng mga pare-parehong mga political families and personalities na may kanya-kanyang mga personal na interest na pinangangalagaan. Matagal nang pinamumugaran ang Senado ng mga trapo at basurang politiko. Matagal nang pinagkakakitaan at ginagawang “business avenue” ang Senado. TAMA NA! Kailangan natin ng mga taong “totoong” magpu-push ng pagbabago para sa bansa. Diyos ko naman!!! Bibigyan na naman ba natin sila ng panibagong pagkakataong gawin muli ang mga ito sa atin?! NO WAY! Or Norway! Shout ouch naman sa mga taga-Norway. Hei alle sammen. WOW. 🙂

Lagi nating sinasabi na gusto natin ng pagbabago. Lagi nating pinapangarap na dumating na sana ang pinakaaasam nating kaunlaran. Sa tingin n’yo ba makakamit ito kung pareho-parehong mga tao ang inilalagay natin sa gobyerno?! I don’t think so. Umay na umay na ako sa putaheng hinahain ng Senado. Sukang-suka na ako! Kaya naman gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay mabago ito. 😉
___________________________________________

___________________________________________
Teddy Casiño: MAY GINAWA

Ang mga mambabatas ay dapat gumagawa ng batas. Kaya nga sila mambabatas, ‘di ba?! Basic ‘yan! Binabayaran natin ang mga congressmen gamit ang pagkalaki-laking tax na kinukuha sa atin para gumawa sila ng mga makabuluhang batas na makakatulong sa pag-unlad ng mga tao at ng buong bansa in general. Kung ikaw ay isang congressman at wala kang nagawang batas sa buong term mo, EPIC FAIL KA!!! Anong ginawa mo bale?! Nagpasarap?! Tumengga? Ngumanga?! Sumahod lang?! Nakipag-bonding lang?! CHEEEEE!!!

Ito ang gusto ko kay Teddy Casiño, MAY GINAWA! May napatunayan at may naipaglaban. Masasabing sulit ang bawat sentimong pinasahod ng taumbayan kay Teddy Casiño kasi nagawa n’ya ang kanyang trabaho. Sa mga hindi nakakaalam, si Teddy Casiño ay nakapag-akda ng (4) batas na talagang bongga at may katuturan! Siya ang nasa likod ng mga batas na Public Attorneys Act of 2007 (R.A. 9406), kung saan pinapalakas nito ang PAO para sa mas malawak na libreng legal na serbisyo sa ating hikahos na mga; ang Tax Relief Act of 2009 (R.A. 9504) na nagbibigay ng eksempsyon sa mga kumikita lamang ng minimum wage mula sa witholding taxes; ang Rent Control Act of 2009 (R.A. 9653) na nagtatalaga ng hangganan sa upa para sa minimum wage earners; at ang Anti-Torture Act of 2009 (R.A. 9745) na nagbibigay kaparusahan sa sinumang gumagawa ng tortyur. O, ‘di ba?! PANALO! Aarte ka pa?! 😉 Sa tatlong termino n’ya sa Congress ay naipaglaban n’ya ang mga batas na ito na atin naman ngayong pinakikinabangan! Love it. 😉

And wait there’s more! Si Teddy Casiño ay nakapag-akda rin ng 178 measures at nag co-author ng mahigit 376 na iba pang mga batas. Kaya naman Teddy Casiño ay nasama sa top 5 most prolific congressmen sa 15th Congress! O, ha! 🙂 Sulit ang bayad sa kanya. Masasabi! Mahiya naman sana ‘yung IBA na ang lakas-lakas nang loob na tumakbo kahit wala pang napapatunayan sa kanilang karera. Mahiya naman sana ‘yung mga kasalukuyang nakaupo ngayon na mahilig mamuna at manlait ng iba pero wala namang nagawa noong sila ay nasa dating posisyon pa nila. Yes, PNoy? Would you like to share something?!
___________________________________
Teddy
_________________________________________________
Teddy Casiño: MAY GINAGAWA

Aside sa mga nagawa na n’ya, hindi tumitigil si Teddy Casiño sa pag-push ng mga very nationalist and progressive changes sa ating bansa. Patuloy siyang lumalaban para sa genuine agrarian reform, higher wages for workers, higher budget for education, independent foreign policy, women’s rights, justice for human rights victims, permanent societal reforms in the government and in economics among others. Hindi siya nagpapayaman gaya ng iba na uupo lang tapos yayaman na. In fairness to Teddy Casiño, pangatlo siya sa pinakamahirap na kongresista sa ngayon at meron lamang siyang net worth na P232,000.00. Gosh. Mas malaki pa ang sahod ko ha. No offense, Sir Teddy ha. WOW. 🙂 Pa-holdap?! 🙂 Nakakatuwang kahit na naka-tatlong terms na si Teddy Casiño sa Congress ay NEVER lumobo ang assets n’ya until now. ‘Eh ‘yung iba?!

I-check n’yo rin ‘yung financial background ng ibang mga kumakandidato ngayon pati na ‘yung mga nasa posisyon sa gobyerno. Maloloka kayo kung paano lumobo ang yaman nila! Magugulat kayo kung paano sila nagkaroon BIGLA ng bonggang pera. Kaya siguro hindi rin maipasa-pasa ang Freedom of Information Bill (FOI) ‘eh. Maraming takot kasi maraming MABUBUKING! Pak!
_______________________________________________

_______________________________________________
Teddy Casiño: MAY GAGAWIN

At syempre, pasok na pasok rin ang malinaw na plataporma ni Teddy Casiño kapag siya ay naging Senador. Pasok sa banga ang pinu-push n’yang mababang presyo ng mga bilihin and basic utilities, dagdag kabuhayan at trabaho and pagpapalaganap ng mabuting gobyerno. Tama si Sir Teddy, hindi lang “tuwid na daan” ang kailangan. Mas kailangan ang daang kakatawan sa kapakanan ng karaniwang tao at mamamayan. 🙂 Alam kong may plataporma rin naman ‘yung ibang kandidato. Nabasa ko rin ang mga ito. Pero wala akong bilib na gagawin nila ang mga sinabi nilang ito kapag sila ay naluklok na sa Senado. Madali lang ang magbanggit ng mga pasabog na plataporma. Madali lang ang magsulat at magsabi ng mga agenda. Pero ibang usapan ‘yung gagawin ba talaga ito at ipu-push kapag sila ay nahalal na. Naku po, ang dami na nating nasaksihang mga napakong mga pangako! TAMA NA! Nakakaloka na!

Natutuwa ako na tumakbo si Teddy Casiño bilang isang Independent candidate hindi tulad ng iba na nagtatago sa apelyido ng pamilya at nakikiangkas sa popularidad ng mga political parties. Natutuwa ako sa malinis, simple, very humble at mataas na antas na pagkampanya niya. Ang best nung literal na tumatakbo siya at sinusuyod ang mga masang lugar para kausapin ang ordinaryong mga tao. 🙂 Natutuwa ako na hindi gumagamit si Teddy Casiño ng malalaki at mamahaling ads sa TV at radio unlike ng ibang candidates na minu-minuto mong nakikita ang pagmumukha sa TV. Hindi madali tumakbo bilang isang Independent candidate kaya bilib ako na pinili n’ya ang mahirap na daan patungo sa tagumpay. Nakakabilib! 😉
___________________________________________________

_________________________________________________
‘Yun lang muna ang aking PAUNANG salvo para sa aking suporta sa aking Senador na si Teddy Casiño. Marami pang mga susunod na pasabog about my favorite candidate. Ikakampanya ko siya sa abot ng aking makakaya! Syempre, doon din tayo sa mataas na antas ng pangangampanya na kung saan naka-focus tayo sa issues at platforms at hindi sa mga pagtira sa sa personalty. Mababang klase kasi ‘yung personality-based na kampanya at batuhan ng mga “putik.” Pang-starlet ang ganitong atake kumbaga sa show biz! 🙂

At sa mga walang-sawang nagpaparatang kay Teddy Casiño na isa siyang komunista, nasagot n’ya na ‘yan. He already talked about that. Hindi siya komunista at hindi siya bahagi ng armadong pakikibaka. Kung may ebidensya kayo na magpapatunay na siya ay komunista, ilantad n’yo. Pasabugin n’yo. Pag-usapan natin. Makikinig ako. 😉

Yours Truly,

Madma

(Article source: http://myteddycasino.com/; http://truth.myteddycasino.com/?page_id=16)

(Video sources: http://www.youtube.com/watch?v=v-OD0cNEiPA; http://www.youtube.com/watch?feature=player_detailpage&v=v-OD0cNEiPA and http://www.youtube.com/watch?v=HZj5ccKqKGs)

P.S. Let’s vote for Teddy Casiño! I think nasabi ko na ‘to. 😉 Follow n’yo siya sa Twitter: @teddycasino. GO! #TeamTeddy #TatakboSiTeddy #TeddyCares
_________________________________
iba-naman-tc-banner2

Hindi masama ang mga “LEFTIST”

Philippines Labor Day

Dear fans and followers,

Hello to everyone!

Grabe ‘yung ngayon pa lang ako nakapag-blog this week. Sorry naman! 🙂 Minsan talaga kailangan ding “mag-work” nang totoo at isantabi ang ibang mga hobbies sa buhay. After all, equally important din ang work ha! Nega minsan, yes, pero alam n’yong “kabuhayan” ito. 🙂 So, dapat lagi tayong positive towards work. Dapat ang statement lagi is “I love my work! Pagod na ako pero I love my work pa rin. Woooh! Trabaho pa! OT pa!” Ganun dapat.GV, GV lagi! 😉 Dapat iniiwasan natin ang mga nega statements like “Tang inang work ‘to oh! Napakarami. Hindi na ako makahinga! Ako na lang ba ang empleyado rito?!” Tsk, tsk, tsk. Very nega. Not likey!

Speaking of nega, gusto ko pa lang i-share ang thoughts ko tungkol sa mga taong tinatawag nating “leftist” o mga makakaliwa. Madalas ko kasing marinig ang word na ito lately ‘eh. Kesyo nanggugulo na naman ang mga leftist group, nega na naman ang mga leftist organizations, sagabal sa buhay ang mga leftist, walang alam ang mga leftist kundi mag-rally, ngumasngas at manggulo, laging nega sa gobyerno ang leftist, hindi ko iboboto ang mga leftist na kandidato etc. etc. Siguro naha-hype na naman ang term na ito kasi eleksyon ngayon. Maraming mga politikong bumabanggit sa kanila kasi kailangan nilang “magpabida” sa fans. Kailangan nilang “magpabango.” Kanilangan nilang “magpabibo.” Kaloka!

Hindi masama ang mga leftist! Mataas ang respeto ko sa kanila. Bilib ako sa kanila. Love ko sila. 🙂 Bakit ko sila love? Kasi sila ‘yung mga taong pinipiling ipagpalit ang sariling comfort sa buhay para ma-sustain ang kanilang paniniwala. Sila ‘yung mga taong mas pinipiling magbilad sa arawan at isigaw ang kanilang ipinaglalaban sa kalsada kaysa sa umupo sa office na may air-con. Sila ‘yung may malasakit na ipakita at isiwalat ang hindi nakikita ng karamihan. Sila ‘yung mga taong pumupuno sa kakulangan ng iba pagdating sa pagbabantay sa lipunan. Sila ‘yung mga taong lumalaban sa mga laban na hindi na naa-attendan ng iba kasi busy sa mga pansariling ganap sa buhay. Bakit ha? Laban lang ba nila ang pagtutol sa mataas na presyo ng gasoline, kuryente at tubig? Laban lang ba nila ang pagdadagdag ng budget sa edukasyon at iba pang pangunahing serbisyo ng gobyerno? Laban lang ba nila ang pangangalaga sa kalikasan? Laban lang ba nila ang paglalantad sa mga katiwaliaan ng mga politiko? HINDI!!! Dapat pa nga nahihiya tayo sa kanila ‘eh kasi sila lang ‘yung umaako at nagpapatuloy ng laban na dapat sana ay laban ng lahat! Gosh. Sorry for that outburst. 🙂

Nalulungkot ako para sa ibang tao na napakakitid ng pagtingin sa mga leftist. Nalulungkot ako sa mga taong ang tingin sa leftist ay nega lagi. Example na lang ‘yung pagtingin na “kapag may welga, abala.” Kapag tumaas ang gas tapos may welga sa kalsada, nega agad ‘yung iba kasi “naaabala” sila– nale-late sila sa pagpasok sa office dahil na-traffic, nahihirapan sumakay, pinuputok sa pawis kasi nakipagsiksikan sa jeep, napupunit ang panty sa pakikipaghabulan sa bus etc. Pero kapag success naman ang welga at napababa ang presyo ng gas, happy din sila! Wala man lang thank you at pasalamat sa mga taong nakipaglaban sa kalsada. Nakakaloka! ‘Yan ang hirap ‘eh. Puro KABIG! Puro GANANSYA! Puro PASARAP! Ayaw mahirapan. Gusto laging kakabig lang. Gusto laging nakahain na sa mesa ang pagkain. Pota.
_____________________________________________
rally
_____________________________________________
Sa ibang parte ng mundo like sa Europe, very progressive ang pagtingin ng mga tao sa leftist. Para sa kanila, ang mga leftist ay integral part ng balance ng society. Nirerespeto nila ang leftist views dahil importante ito sa panlipunang pamumuhay. Likey! 😉 Dito sa atin sa Pilipinas, wala, very nega ang connotation sa mga leftist. So saddening. 😦 Ano bang gusto n’yong mangyari? Lahat nasa “right” para peaceful? Dapat walang opposing views? Dapat lahat ng sasabihin ng gobyerno ay paniniwalaan na lang?! Dapat lahat magagandahan sa pelikula ni Coco Martin at Julia Montes? Dapat lahat idol si Angeline Quinto?! ANO BA!!! In your dreams, bitches! Lulubog ang barko kapag lahat nasa kanan. Mapipigtas ang sampayan kapag nilagay mo lahat ng sinampay sa gawing kanan. Hindi magiging pantay ang kulay ng mukha mo kung sa kanang part lang ng face mo ia-apply ang Eskinol. Isipin n’yo ‘yan!

Sa mga maarteng laging tingin sa leftist ay nega, minsan try n’yo ring lapitan sila at kausapin nang malaman n’yong legit ang pinaglalaban nila. Instead na i-judge sila at kainisan from afar, i-try n’yong dumikit sa kanila para alamin ang sentiments nila kung bakit nila ito ginagawa. Try n’yo rin minsang bumaba sa kotse n’yo or sa bus na sinasakyan n’yo para magbigay ng saglit na oras to hear their sentiments. Try n’yo lang!

Anyway, basta ako, patuloy akong makikinig sa sasabihin ng mga leftist at susuporta sa abot ng aking makakaya. Hindi ako magsasawang pakinggan ang kanilang nakakalokang mga pasabog. 🙂 Masaya ako na sa kabila ng pagbabago ng mundo, may mga tao pa ring kinakalimutan ang sarili para ipagpatuloy ang napakaraming laban sa lipunan. Salamat sa inyo. Hanga ako sa inyo. Mabuhay kayo! Lakas maka-solidarity message ha. 😉

Haaay… masyado kong natodo ang emotion ko sa post na ito ha. Kakapagod din. Makapag-spa nga later. Relax relax naman! Sarap din ng body massage minsan ‘eh. 🙂

‘Yun lang naman ang ngasngas ko today. Very political ‘no?! 🙂 Bukas ko na pala ire-reveal ang aking susuportahan sa darating na eleksyon! Lakas maka-endorser! 🙂 Ayan na ang hinihintay n’yo. Malalaman n’yo na bukas ang “manok” ni Madma sa darating na 2013 May elections. Abangan… 🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.vosizneias.com; http://dustent.blogspot.com/2011/12/philippine-street-protests-do-more-harm.html)

P.S. Sali na kayo sa nakakalokang pa-contest sa Facebook ngayon!!! Gusto ko kayong imbitahan na sumali na sa ‘The Ananda Kanani Facebook LIKE Contest’ and win Over P1,000.00 worth of prizes!!! Magaganda ang gawa ng Ananda Kanani. Swear! Very personalized at talagang unique ang mga designs. Visit n’yo ang site nila para makita. Maloloka kayo! 🙂

SALI NAAAAAAAAA!!! Ikagaganda n’yo ‘to. Promise!
______________________________________
Ananda
______________________________________

Pagpupugay sa mga SINGLE ngayong Valentine’s Day!

HVD
__________________________________________________
Dear fans and followers,

So, Valentine’s Day na pala ulit today. K. Keri. Noted. Enjoy kayo. Text-text na lang after. Busy ako.

WOW. Very nega lang ang peg. 😉 Well, hindi naman special ang araw na ito for me bilang single since birth ang Madma n’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng fans na hindi ko “forte” ang sarili kong love life. Kumbaga sa libro, pwedeng skip na natin ang part na ito at punta na lang tayo sa ibang chapters. Mas exciting pa! 😉 Kaya nga aliw na aliw ako sa Valentine’s joke ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na “para sa mga malungkot na single, ang tawag dito sa araw na ito ay Singles’ Awareness Day. Para sa mga masasayang single, ang tawag dito ay Singles’ Independence Day. Pero sa mga walang pakialam, ang tawag dito ay Thursday.” True enough. Today is THURSDAY. And tomorrow is FRIDAY. 🙂

Aminin na natin, magpakatotoo na tayo mga Sir/Ma’am, ang Valentine’s Day ay araw ng magkasintahan at magsing-irog. Ito ang araw na kung saan magde-date ang mag-jowa, magre-regaluhan sila nang bongga, mag-check in sa hotel/motel para mag-sex, manonood ng sine tapos mag-MOMOL sa loob, maglalampungan sa kalsada, maglalandian sa park etc. etc. Huwag na tayong maging polite at sensitive na ang araw na ito ay “para sa lahat.” Tigilan ako. I-rub in pa?! Hindi namin kailangan ng “sugar coating” at ng mga “polite” na statements. Sige nga kung “para sa lahat” ‘yan, isama n’yo kame sa motel later tapos sex tayong lahat. Ano?! Orgy ang peg. 🙂 Plain and simple, Valentine’s Day is for lovers. Kaya hindi talaga ako nasanay na pinagdiriwang ang “Araw ng mga Puso” bilang single for 27 years and counting. Anong gusto n’yong gawin ko? Tumambling? Umiyak? Bigyan ang sarili ko ng flowers at cards?! Baliw-baliwan?! Ano baaa!

What I’m saying is, hindi lahat ng tao ay masaya tuwing Valentine’s Day. Habang ang iba ay kilig na kilig ang pepe kasi may jowa, ang iba naman ay naloloka dahil nare-remind na naman sila na pa-expire na sila pero hindi pa rin nila nahahanap ang taong para sa kanila. Sad, but true. 😦 Well, ganun naman ‘eh. Laging may dalawang mukha ang mga bagay-bagay. Laging may dalawang sides ang isang coin. Laging may dalawang storya sa bawat kwento. 😦

Don’t get me wrong ha. Hindi ako BITTER! My God. Hindi ko hobby ang maging-Bitter Ocampo. I’m just presenting the other side of the story. Super happy kaya ako bilang single! 🙂 Alam ng mga immediate friends and fans ko ‘yan. Masaya ako sa current status ko so huwag kayong maulol. 🙂 Actually, I’m proud pa nga because after all these years, nalampasan ko ang mga pagsubok sa buhay nang mag-isa. Nabuhay ako nang maayos at malusog. Nabuhay ako ng marangal at matino. NABUHAY AKO. 🙂 Kaya mataas ang tingin ko sa mga single ‘eh kasi alam kong hindi din biro ang pinagdadaanan ng mga ‘yan sa buhay. Ang daming pagsubok and struggles ang hinarap nila nang mag-isa. Ang daming tagumpay at happy moments na ni-celebrate nila alone kasi wala namang silang “someone” to share it with. Yes, mga kaibigan tayo na nakakasama. At marami akong friends. Ang gastos na nga nila ‘eh. Gosh! Pero alam mo ‘yun, nagwi-wish ka pa rin na may “someone” na i-she-share mo ‘yung mga bagay-bagay. Gets n’yo na ‘to, Diyos ko! Expound pa ba?! 🙂
___________________________________________
couple
__________________________________________
Sobrang rare lang ako magka-crush at ma-inlove. Mas madalas pa ang dating ng bagyo sa Pilipinas kasya sa moments na nagkaka-crush ako nang tunay. Pero again, capable akong magka-crush at ma-inlove ha. Hindi naman ako halaman! 🙂 OR. 🙂 Talagang hindi lang ako swerte sa field na ito. At tanggap ko ‘yun. Sabi nga nila, hindi mo raw talaga makukuha ang lahat. Pakyu kayo kasi tama nga kayo! Char. 😉 Mataas rin kasi ang standards ko sa “partner” and sa love. Diyos ko naman, naghintay na rin lang ako ng almost 27 years, might as well itaas ko na talaga, ‘di ba?! Ang sad part lang is wala nang nakaka-abot masyado. Kumbaga, lahat below poverty line. 🙂 Pero hayaan n’yo, ibaba ko na rin soon. Baka ang maging standard ko na lang is basta humihinga, ayos na. I’m sure naman marami ng PASOK d’yan! 🙂

Basta ang keyword ko lang lagi sa buhay is “ENJOY.” Whether may jowa or wala, ENJOY LANG! Enjoy the moment. Enjoy the opportunity. Enjoy the situation. ENJOY! 🙂 Hindi naman porke’t may jowa na ‘eh masaya na, ‘di ba?! Ibang level din ng problema ang hinaharap ng mga may mga jowa. Nasa perspective lang talaga ang lahat. At masaya ako na lagi kong pinipili ang positibong perspective sa buhay. 🙂

Message ko sa lahat ng single na kagaya ko, ENJOY lang! Nakakaririndi man sa tenga pero gusto kong ulitin na “darating din ang para sa atin.” Maniwala tayo d’yan. 😉

Message ko sa mga may jowa, ENJOY lang din! Savor the moment. Baka bukas wala na ‘yan. WOW. Threat?!

Message to Mr. Cupid, pakipana na ‘yung puso ng taong para sa akin. Kung nahihiya ka, akin na ang pana mo at ako na ang titira! Medyo mabagal ka rin talaga minsan!

Message to Lord, Hi Lord. Ano na?! Galaw naman!

Message to myself, I’m so proud of you! 🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://cms.ccps.us/2013/02/03/pta-flower-candy-sale-for-valentines-day/; http://www.wehatecleaning.co.uk/st-valentines-day-around-the-world/)

P.S. Happy Valentine’s Day to everyone! Stay happy and SAFE! Huwag naman magpabuntis tonight. Tamang sex lang. 🙂

Madma Reacts: Pope Benedict XVI’s Resignation and Lolong’s Death

Dear fans and followers,

It’s Madma Reacts time! Oh my God, hindi pa pala ako nakaka-react sa mga pinagpyestahang balita this past few days. So unbecoming of a Diva! Si Madma pa naman ang tinaguring “Boses ng Masa.” WOW. 🙂 Kung anu-ano na lang na title ang dinidikit ko sa sarili ko. Love it! 😉

Super daming naganap na mga pasabog nitong mga nakaraang araw. SHOCKING! Grabe! Parang pasabog after pasabog. I’m sure sabik na sabik na kayong marinig ang boses ni Madma sa mga nakakalokang issue kaya ito na. Ibibigay ko na.

GAME!
______________________________________________
Pope Benedict XVI Resigns, Very SHOCKING!

Pope2
______________________________________________

S.H.O.C.K.I.N.G. news talaga ito! Nakakaloka ‘yung walang kaabug-abog na pagre-resign ni Pope Benedict XVI, Joseph Aloisius Ratzinger in real life, bilang pinakamataas na pinuno ng Catholic Church simula February 28, 2013. NGANGA ako sa balitang ito! Hindi man lang nagpasabi or nagtext si Pope Benedict XVI para nakapaghanda ako kahit papaano. Hindi tuloy ako nakapagluto. WOW. 😉

Well, valid naman ang reason ni Pope Benedict XVI. Sa mga hindi pa nakakaalam, the Pope cited his advancing age and declining health as the major reasons for his resignation. Ang tanda na rin kasi n’ya sa edad na 85 years old. Diyos ko naman! Ibigay na rin natin sa kanya ang tinatawag na “pahinga.” 🙂 Hindi na rin talaga kalakasan ang kanyang katawan. Siya na mismo ang nagsabing hindi na n’ya kaya so huwag na kayong umarte-arte d’yan. Katawan n’yo?! 🙂 Ok lang na ma-shock sa biglaang resignation n’ya pero sa huli, dapat lang na igalang at tanggapin natin ang kanyang pasya. Wala namang masama kung naniniwala siya sa kasabihang “kung kaya ng iba, ipagawa mo sa iba,” ‘di ba?! 🙂

Gaya ng ibang trabaho sa mundo, allowed naman ang pagre-resign ng isang Pope sa batas ng Catholic Church. Sabi sa nabasa kong report, “there is a clause in Church Canon Law saying that a papal resignation is valid if the decision is made freely and manifested properly.” So, legit talaga ang resignation ng ating mahal na Papa. 🙂 Pero ayon sa kasaysayan ng simbahan, super rare ang pagre-resign ng isang Pope. According to sources, the last pope to resign from his papacy was Pope Gregory XII in 1415. Nearly 600 years ago na ang nakakaraan ng huling naganap ang ganitong eksena! SHOCKING!!!
__________________________________________
VATICAN POPE
_________________________________________
Hindi rin kasi talaga madali ang trabaho ng isang Pope. I could only imagine the stress!!! My God! Hindi biro ang maging leader ng buong Catholic Church na may estimated na 1.2 billion members worldwide! Ewan ko na lang kung hindi kumulot ang bangs mo sa stress at dumugo ang ilong mo kakasalita ng iba’t ibang languages especially Latin! Good luck talaga. Ibang issue pa ang pagharap sa mga controversies ng simbahan. Naku po! Hindi n’yo na rin naitatanong, nahirang na Pope si Pope Benedict XVI noong 2005 sa gitna ng kasagsagan ng kontrobersya re: pang-aabuso ng mga pari particularly child sex abuse. NAKAKALOKA!

Personally, hindi ko bet masyado ang very conservative and traditionalist mode na pamumuno niya sa Catholic Church. To quote one of my sources, “Pope Benedict XVI has a reputation as a theological conservative, taking uncompromising positions on homosexuality, women priests and contraception. He has always believed that the strength of the Church comes from an absolute truth that does not bend with the winds.” O, ‘di ba? Kamay na bakal ang peg ni Pope. 🙂 Kaya naman somehow, natutuwa na rin ako pagbaba niya sa pwesto kasi nabigyan ako ng hope na mas maisusulong ang liberalization ng Catholic Church with its new leader. Naniniwala akong kailangan ng din talaga ng “upgrading” at “modernization” ng Catholic Church sa ilang concepts, stands and beliefs sa panahon ngayon, bagay na mangyayari lamang kung ang mismong Pope ay may ganyang inclination. Ang dami na rin kasing mga “lumang paniniwala” ang hindi na akma sa nagbabagong mundo ngayon. Aminin n’yo ‘yan! 😉

So since final na ang pagre-resign ni Pope Benedict XVI, ang buong mundo ay naghihintay na sa bagong Pope na papalit sa kanya. ‘Yun oh! Exciting!!! 😉 Sana magkaroon din ng parang pageant sa paghahanp ng bagong Pope. Parang Miss Universe lang ganyan. Ang saya siguro ‘nun! Ang haggard naman kasi ng conclave bilang closed-door event. Hindi natin nasi-sight ang mga kaganapan sa loob. Baka mamaya may swimsuit competition din ang mga pambatong cardinals sa loob Sistine Chapel. Char! 🙂
________________________________________
Pope Benedict XVI
________________________________________
So far, malakas ang ugong na si Cardinal Peter Turkson, 64, ng Ghana ang papalit! Kung magkakatotoo, ito na ang simula ng era of an African pope. Taray! Malakas din ang laban ni Cardinal Marc Ouellet, 68, ng Canada at ni Cardinal Francis Arinze, 80, ng Nigeria. Syempre papahuli ba ang Pilipinas?! Alam n’yong hindi! Tayo pa. Si Cardinal Luis Tagle, 55, ang pambato ng The Philippines. Ang taray naman kung siya ang makukuha! Shet. Pero I think malabo. Marami pang ibang cardinal ang mas senior sa kanya. 🙂

Para naman aware kayo sa mga susunod na magaganap, gusto kong i-share itong process na tinatawag na “Papal Conclave.” Exciting ito kasi sa event na ito pinipili ang susunod na Pope!

1. The Vatican summons a conclave of cardinals that must begin 15-20 days after Benedict’s Feb. 28 resignation. Papal Conclave is a meeting of the College of Cardinals convened to elect a new Pope.

2. Cardinals eligible to vote – those under age 80 – are sequestered within Vatican City and take an oath of secrecy.

3. There are currently 118 cardinals under age 80 and eligible to vote, 67 of whom were appointed by Benedict. However, four of them will turn 80 before the end of March. Depending on the date of the conclave, they may or may not be allowed to vote.

4. Any baptized Roman Catholic male is eligible for election as pope, but only cardinals have been selected since 1378.

5. Two ballots are held each morning and two each afternoon in the Sistine Chapel. A two-thirds majority is required. Benedict in 2007 reverted back to this two-thirds majority rule, reversing a 1996 decision by Pope John Paul II, who had decreed that a simple majority could be invoked after about 12 days of inconclusive voting. Benedict did so to prevent cardinals from holding out for 12 days then pushing through a candidate who only had only a slim majority.

6. Ballots are burned after each round. Black smoke means no decision; white smoke signals that cardinals have chosen pope and he has accepted. Bells also signal the election of a pope to help avoid possible confusion over color of smoke coming from chimney of the Sistine Chapel.

7. The new pope is introduced from the loggia overlooking St. Peter’s Square with the words “Habemus Papam!” (Latin for “We have a pope!”) and he then imparts his first blessing.

‘Yun na!
_______________________________________________
So long, Lolong

Lolong
______________________________________________
SHOCKING din ang pagkamatay ng tinaguriang ‘World’s Largest Captive Crocodile’ na si “Lolong” last February 10, 2013. Sayang talaga. Napakabata pa n’ya. Parang kailan lang, ang lakas-lakas pa n’ya at patakbo-takbo pa tapos ngayon… Arte?!

Seriously, sayang talaga si Lolong. Grabe. Around 50 years old pa lang siya ngayon. ‘Eh hanggang 100 years pala umaabot ang buhay ng mga crocodile. Gosh! Lakas maka-Kuya Kim ng peg ko. Si Lolong ay pinakamalaking buwaya buong mundo sa habang umaabot ng 6.17-meters (20.24 feet) at tumitimbang ng 1,075-kilo (2,370-pound). GRABE!!! Kung sa boxing match ‘yan, sa Ultra-Mega-Divine Heavyweight na category papasok si Lolong. Hindi n’ya ka-level sina PacMan. Taas ni Lolong ha.

Hindi pa natutukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Lolong until now. Next week pa raw malalaman. Pero agree ako sa mga sinabi ng mga expert na sa “stress” namatay si Lolong. Hindi n’ya kinaya ang dami ng fans everyday kaya naloka si Kuya at na-deads. Biruin mo, more than 1,000 guests ang bumibisita kay lolong araw-araw sa Bunawan Eco Park and Research Center sa Agusan del Sur. So, 30,000 visitors ‘yan per month. SHOCKING! Talagang naging tourist attraction na si Kuya simula ng mahuli siya at ikulong sa park na ‘yan 17 months ago. Grabe! Very sensitive talaga ang mga hayop sa stress lalo na kung bigla mong ikukulong sa isang cage from their natural environment. Hindi sila sanay! Parang si Dyesebel lang ‘yan.
_______________________________________
Lolong2
_______________________________________
SUPER SAYANG TALAGA!!! Pinagkitaan na lang si Lolong. Grabe. Ngayon wala na siya, ano na kayo d’yan sa park?! NGANGA!!! Irita. Ayan tuloy, nagdiriwang ang mga Australians kasi naibalik na sa crocodile nilang si ‘Cassius’ ang title! Si Cassius ay may habang 5.48-meter (17 feet-11 inches) at kasalukuyang nasa park somewhere in Queensland, Australia. Siya ay nasa around 110 years old na ngayon and has been in captivity for 26 years. GRABE! Samantalang si Lolong…haaay… SAYANG!!! 😦

Sana talaga ay pagtibayin ang mga batas para sa mga hayop! Sayang kasi talaga ‘eh. Biruin mo, LARGEST CROCODILE si Lolong at namatay sa pangangalaga ng mga Pilipino. KALOKA! Sad talaga… 😦 Hindi ako expert pagdating sa mga hayop pero sana ay maalarma rin ang gobyerno sa pangyayaring ito. Sana hindi masayang ang death ni Lolong at magkaroon ng bonggang aksyon ang government to ensure the safety and protection of our endangered species.

‘Yan na lang muna. Hanggang sa muli, which is bukas! Valentine’s Day special ang peg natin tomorrow. ABANGAN! 🙂

Yours Truly,

Madma

(Article sources: http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-11141340, http://www.bbc.co.uk/news/magazine-21412604, http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-21430737, http://www.guardian.co.uk/world/2013/feb/11/pope-resigns-live-reaction, http://www.interaksyon.com/article/54863/who-will-succeed-pope-benedict-cardinal-tagle-is-among-top-10-most-mentioned-papables—reuters; http://www.huffingtonpost.com/2013/02/11/electing-a-new-pope-conclave-oath-chimney-smoke_n_2661731.html; http://www.abs-cbnnews.com/global-filipino/world/02/12/13/australias-cassius-reclaims-worlds-biggest-croc-crown; http://www.interaksyon.com/article/54899/autopsy-carried-out-on-lolong; http://www.cnn.com/2013/02/11/world/asia/philippines-crocodile-death/; http://www.mb.com.ph/articles/393736/with-lolong-gone-australia-s-cassius-now-world-s-biggest-croc)

(Photo credit: http://www.ksfy.com; http://www.euronews.com; http://www.guardian.co.uk; http://www.philstar.com; http://www.dailymail.co.uk)

P.S. Bon voyage naman sa’yo, Mr. Robby Benson Torres! Mag-iingat ka d’yan sa Dubai. Sana huwag kang magpa-rape. Char. 🙂 Galingan mo sa bago mong work. Padala ka na lang ng pera sa amin. WOW. Padala agad? Hindi pa nga nag-start?! 🙂

We will miss you, B! Sana ay tumambay ka pa rin sa YTM kahit na OFW ka na. At sana pagbalik mo, hindi ka magka-ere. Alam mo na ‘to. Keep in touch. ❤
______________________________
B
______________________________

Si Madma at ang May 2013 Philippine Elections

May 13, 2013
___________________________________________

Dear fans and followers,

At talaga namang simula na ng kampanya today para sa May 2013 Philippine elections! Wooooh. Naku po. Ihanda na ang mga tenga at mata sa mga nakakasawang jingle at mga nakakairitang posters ng mga kandidato lalo na ng mga senatorial candidates all over the country. This is really is it! Ito na naman ang time para makarinig ng sandamakmak na mga pangako ng pagbabago. Ito na naman ang period na lalabas na sa lungga ang mga politicans para magpabibo, magpapansin at ligawan ang madlang people. Ito na naman ang panahon na kung saan makikita natin ang mga pulitiko sa kanilang pinakamabait, pinaka-attractive at pinaka-charming na anyo para makuha nila ang matamis na boto ng mga Pilipino. Ack. Kumapit na tayo dahil simula na ng matinding labanan. Magkakalat na naman ang mga “plastik” at “mapagpanggap” sa ating ating kapaligiran. Nakakaloka!
_____________________________________

may-2013-elections-philippines
_____________________________________
Since panahon ngayon ng pagbabalat-kayo, syempre ito ang best time para maging matalino! 🙂 Ito na ang chance para bumawi at magpaka-kritiko just in case tinamad kayong mag-isip at mag-analyze ng mga bagay-bagay nitong nakaraang buwan. Pinapatawad ko na kayo sa katamaran n’yo before. WOW. Bawi naman! 🙂

Napaka-crucial talaga nitong next two months and very exciting as well! Ito kasi ‘yung period na babalik muli sa masa, which is kayo, ang tinatawag na “kapangyarihan.” Tapos ‘yung mga desperadong politicians naman ‘yung naloloka at nagkukumahog para magpapansin para maalala ang pangalan nila sa araw ng botohan. Wahahaha. Its payback time, bitches! And I love it! 🙂

Kaya naman bilang tinaguriang ‘Icon ng Masa,’ (WOW) hayaan n’yong bigyan kayo ni Madma ng ilang mga very practical tips ngayong election period. Very voters’ education lang ang peg. Syempre, I owe this to my fans and followers na umaasa sa wisdom and knowledge ko ‘no. WOW. Hiyang-hiya ‘yung Commission on Elections (COMELEC). Magre-resign na raw sila kasi kaya ko na ‘yung job nila. Dedeliver na raw ‘yung mga PCOS machines sa bahay namin kasi doon na lang daw ang botohan. Char. Ano baaaa! 🙂

Seryoso na! O, eto muna ang limang mga simpleng paalala ni Madma ngayong panahon ng kampanya:
_________________________________________

liberal-party-una-party-thumbnails
_________________________________________
1. Hindi porke’t kaapelyido ay sigurong magaling na. Naku po. Ang daming mga kandidato ngayon ang nagtatago sa kanilang political lineage! Lumabas na kayo, napapalibutan na namin kayo! Char. 🙂 Ang daming mga tumatakbo ngayon ang nakiki-angkas sa popularidad ng pangalan ng kanilang mga kaanak na nasa posisyon. Very tricky! Tsk, tsk, tsk. Ayokong magbigay ng example pero shout ouch sa inyo Cynthia Villar, Nancy Binay, JV Ejercito, Jake Enrile at Bam Aquino. Hindi ko naman kayo jina-judge pero kasi medyo… char! 🙂

Tandaan lang natin mga fans na hindi porket’ kaapelyido ay sing-galing na ng mga ninuno nila. Hindi porke’t ‘Velasquez’ ang epelyido ay biritera na kagaya ni idol Regine Velasquez. Hindi porke’t ‘Pascual’ ang apelyido ay sing-pogi at sing-yummy na ni Papa/Mama Piolo Pascual. Hindi porke’t ‘Soho’ ang surname ay sing-taba na agad ni Ms. Jessica Soho. Gets?! Aww! 🙂 Maling logic ‘yan kaya huwag kayong mahulog sa patibong na ito. PLEASE!!! At the end of the day, kahit na anak, asawa, hipag, biyenan, second cousin or apo pa sila ng kilalang politiko, ibang tao pa rin sila na dapat ay husgahan ayon sa kanilang sariling kakayahan. Iba pa rin ang utak at kokote ng mga ‘yan!

2. Ituring na ang pagboto ay parang pagpili ng kasambahay slash katulong sa bahay. Aaaay! Gusto ko ang idea na ‘to! Kailangan kasi talaga suriing mabuti ang mga kandidato gaya ng pagkuha ng isang katulong. Sa totoong buhay, hindi ba’t sooobrang taas ng standards natin at over critical tayo kapag naghahanap ng isang katulong?! Dapat mapagkakatiwalaan, dapat maganda ang background, dapat may good moral at hindi magnanakaw, dapat maganda at may subok na track record sa previous na employers, dapat magaling magserbisyo etc. etc. Aminin n’yo ganyan tayo! 🙂

Dapat kasi ituring nating “bahay” ang Pilipinas at ang mga namumuno ang mga “katulong.” So bilang mga amo, tungkulin nating piliing mabuti kung kanino natin ipagkakatiwala ang “bahay” natin. Mahirap nang maisahan ng mga chakang “katulong.” Take note, bahay, buhay, ari-arian at kinabukasan natin ang ipinagkakatiwala natin sa kanila so tama lang na itaas natin ang standards natin sa pagpili sa kanila.

3. Alamin ang kakayahan at mga magagawa para sa bansa at hindi dapat magpaloko sa itsura. Naku medyo tricky din talaga itong part na ‘to. Ang dami kasing nasisilaw sa “kagwapuhan” at “kagandahan” ng isang kandidato. Ang daming nadadala sa matatamis na ngiti ng mga pa-charming na candidates. Huwag ganun! Look beyond mga fans. Ayoko mag-mention pero shout ouch kina Juan Miguel Zubiri, Juan Edgardo Angara, Tingting Cojuangco, Risa Hontiveros and Loren Legarda. Hindi naman sa jina-judge ko sila pero kasi medyo kabisado ko na rin ‘yung…. Char. 🙂

Importanteng alamin ang pinaka-core ng pagkatao ng mga candidates at hindi dapat masilaw sa panlabas na aura. Parang pagbili lang ‘yan ng furniture. Hindi ka dapat matapos sa “aesthetics” side. Dapat alamin mo kung anong material ang ginamit, saan gawa, matibay ba, tatagal ba at worth it ba bilhin. ‘Yun na!
__________________________________________

election_banner
__________________________________________
4. Hindi sapat ang pangalan! Importanteng alamin ang plataporma at advocacies. Ito gusto ko rin ‘tong part na ito. Magbasa-basa tayo about sa buhay ng mga kandidato, sa mga paniniwala nila at perspective sa buhay at sa passion nila. 🙂 Dapat alamin talaga natin ang “pinaka-sustansya” ng isang kandidato. Ayaw naman nating kumain ng sinigang na walang laman o di kaya nilagang walang baka. Hindi masaya kung “SABAW” lang. Taray! 🙂

5. Markahan ‘yung mga kandidatong nagpre-campaign! PLEASE! Gumawa kayo ng mga listahan ng mga candidates na 2012 pa lang ay “nangangampanya” na. Sila kasi ‘yung mga trapo at epal na kating-kati sa posisyon. Tandaan natin, NGAYON (February 12, 2013) pa lang ang simula na kampanya. Keyword: NGAYON!!! Gets?! Ako talaga personally ay nanggigil sa mga kandidatong maaga pa lang ay may ad na sa TV, radio at may mga posters na! Markado na kayo, mga bitches!!!

Tandaan natin na sa isang laro halimbawa ng fun run, hindi ka tatakbo sa field hanggang hindi pa sinasabing “GO!” ‘Di ba ang sinasabi pa nga “on your mark, ready, get set, GO!” Sa “GO” ka pa lang tatakbo at hindi sa “ready.” Gets?! Kapag tumakbo ka na habang ang iba ay nagre-ready pa lang, anong tawag sa’yo? ‘Eh ‘di MANDARAYA!!!
_____________________________________________

So, there. ‘Yan na lang muna ang ngasngas ko. Patikim pa lang ‘yan! Nangangako akong gagamitin ang blog na ito para makiaalam sa darating na May 2013 elections. Whether we like it or not, may magaganap na eleksyon sa buwan ng Mayo so mabuti nang makiaalam na lang. Mabuti nang kumilos sa umpisa kaysa sa magsisi at magmukmok kapag huli na.

Lastly, tandaan natin na hindi na natin mababago ang katotohanan na ito ay Pilipinas at tayo ay mga Pilipino. Given na ‘yan. 🙂 Kahit magpa-blonde ka pa at magpa-bleach, Pinoy ka pa rin! Huwag mo akong ululin. 🙂 Hindi rin natin kayang itulak at i-move ang location ng bansa para alisin sa Asia at idikit sa Europe para mas maging bongga. Marami tayong hindi kayang baguhin sa bansang ito. Pero ito lang ang sigurado, kaya nating baguhin ang mga namumuno rito!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.goodfilipino.com/2012/09/comelec-guidelines-on-filing-of-certificates-of-candidacies-for-may-2013-elections.html; http://newsinfo.inquirer.net/files/2012/09/liberal-party-una-party-thumbnails.jpg; http://pnp.gov.ph/portal/images/election2013/election_banner.jpg)

P.S. Personal greetings kay Direk Nick Olanka para sa matagumpay na pilot episode ng “Apoy sa Dagat” starring Piolo Pascual, Diether Ocampo, Angelica Panganiban AND Angelica Panganiban! Ang taas ng ratings!!! Bongga. 🙂

Sabi ng Pep.ph “ABS-CBN‘s new primetime series Apoy Sa Dagat posted a rating of 21.2% on its pilot episode, based on the overnight ratings of AGB Nielsen among Mega Manila households. It‘s timeslot was sandwiched by GMA-7‘s Pahiram Ng Sandali which got 22.9% and Temptation of Wife which generated 24.4%. In the overnight Total Philippines ratings Kantar Media-TNS, Apoy Sa Dagat premiered with an impressive 25.9% to rank fifth overall. This ABS-CBN series went up against GMA-7‘s Temptation of Wife which posted a rating of 17.5%.

Hindi naman ako nagtataka na warm ang response ng fans sa teleseryeng ito kasi kapana-panabik talaga ang story. Mabilis ang pacing, magaling ang acting at mahusay ang direksyon. ‘Yun oh! Aaminin ko, “napaso” ako sa unang gabi ng teleserye n’yo. 🙂

Good luck! Steady lang. 🙂
________________________________________

Apoy Sa Dagat Official Poster
________________________________________