Ibang Klase ka, Beyoncé!!!


_____________________________

Dear fans and followers,

At naganap na nga kanina ang most anticipated performance ni Ms. Beyonce sa The 2013 Super Bowl XLVII Halftime Show kanina. GRABE!!! Tumigil ang pagtibok ng puso ko sa galing ni Ma’am! Nakalimutan kong huminga for a while. It was SUPERB! NAKAKALOKAAAAA KA BEYONCE!!! Kingina ka. Whoa!!!

Beyonce

Ibang level talaga kapag si Beyonce ang nag-perform. Todo. Wagas. Panalo.🙂 As always, lagi’t laging nagde-deliver si Ma’am. Total performance lagi ang binibigay n’ya sa mga manonood. AMAZING TALENT! Nakakabilib yung kaya n’yang bumirit nang todo habang humahataw ng pasabog dance moves. SIYA NA!!! Si Ms. Vina Morales lang alam kong nakakagawa n’yan sa ‘Pinas. Shout ouch naman sa Enerva Diva and Spider Woman of Philippines- Ms. GagamVina Morales.😉

NGANGA ako sa performance ni Beyonce. Wala akong masabi kundi AMEN.😉 Bakit ganyan ka kagaling, Beyonce?! Sobrang perfect ni Ma’am. Nasa kanya na lahat— ganda, talent, fame, yaman, baby, love life. Grabe yung parang favorite siya ni Lord. Nakakahalata ako ha! I’m sure may “dark side” din si Ms. Beyonce maliban sa kulay n’ya. Baka may putok siya or something. Basta hindi ako papayag na perfect siya. Meron din siyang kakulangan dapat! Grabe naman kung wala. Meron ‘yan!

Super Bowl Football

Anyway, ibang klase talaga gumawa ng production number ang Amerika. Hindi tinitipid. Todo-todo. Sagad-sagaran. Talagang pinagkakagastusan. Tangina lang nung stage, lights, costumes and pyrotechnics. BONGGA! Ilaw kung ilaw. Pasabog kung pasabog. Apoy kung apoy. Shet. Talaga namang ang sarap mag-perform kapag ganyan. Deadma na kung magka-wardrobe malfunction at mag-hello ang boobs basta todo perform! Hindi ko kinaya yung ganda ng lightning effects sa production number ni Beyonce. Naduling ang mata ko sa ganda. Parang lahat ng florescent lamps sa Amerika ay nagamit. Ganung level. Good luck na lang sa bill ng kuryente nila. I’m sure tataas nang todo ang bill nila sa MERALCO. Meralco?! Char.🙂

Sobrang best ng boses ni Beyonce. Powerful!!! Hindi siya hinihingal at all kahit na todo kembot ang bewang n’ya. Hiyang-hiya sa kanya ang kabayo sa totoo lang. Gusto nga siyang kunin ng mga kutsero para maghila ng kalesa kasi parang wala siyang concept ng hingal at pagod. Charoth.🙂 Pati mga energy drinks hiyang-hiya sa energy ni Beyonce as a performer! Nanghina silang lahat bigla.🙂 Ang fierce ng overall performance ni Ma’am. Take note, LIVE PERFORMANCE ‘yan ha. Hindi ‘yan lip-sync gaya ng ginawa n’ya sa inauguration ni President Obama. Excuse me! Siguro naman titigil na yung mga kritiko ni Beyonce na nagsasabing hindi na n’ya kayang kumanta. Any questions?!

Partida ‘yan ha, kakapanganak lang n’ya. Pero ang figure ni Ma’am, ka-level na agad ng isang 18 years old na kakaregla lang. Mahiya naman yung mga nasa “Balik Alindog Program” d’yan oh. Ano na nangyare mga Sir at Ma’am? February na pero 2 lbs. pa rin ang nababawas?! Ngek. Naunahan pa kayo ni Beyonce na kakapanganak lang. Konting kilos naman! Parang nakukulangan ako sa resulta!

Sobrang disiplinado rin talaga ni Beyonce as a performer. Masasabing mahal n’ya ang craft n’ya. Mahal n’ya ang performing. Maalaga siya sa talents n’ya. BEST!🙂 Sulit rin talaga ang ibabayad mong Talent Fee kay Beyonce. Grabe! Talagang hindi ka n’ya ipapahiya. Sosobrahan n’ya pa yung expectation mo! Gosh.

Destiny's Child

At grabe yung appearance ng Destiny’s Child ha! Clap, clap, clap.🙂 Ang cute nung kinanta nila as a group yung “Single Ladies.” Shet. Talagang nakibakas rin sina Michelle Williams and Kelly Rowland ha. Love it!🙂 Nae-excite na tuloy ako sa pagbabalik ng Destiny’s Child! Abangan natin ang reunion nila this year. I’m sure pasabog ‘yan!

Isang pagbati at pagpupugay sa kahusayan mo, Beyonce!!! Ikaw ang perfect epitome ng salitang “PERFORMER.” Iba ka, ‘Te. Hindi ka na ata tao ‘eh. Kaloka.🙂 Nakaraos ka na rin sa pressure sa wakas! At talagang napahanga mo ang buong mundo sa galing mo. You’re an inspiration to all of us. Sana mabasa mo naman ‘tong blog ko! Deadma na kung Tagalog. Kaya mo na ‘yan! Lahat naman kaya mo ‘di ba?!

Welcome back, Beyonce! Ikaw na naman ang reyna! Tabi-tabi muna tayo Rihanna, Katy Perry and Taylor Swift. Medyo nakakamal na rin kayo nang bongga nung nawala si Ma’am. Palamig muna kayo.

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.rickey.org/beyonce-super-bowl-half-time-show-full-video/; http://www.huffingtonpost.ca/2013/02/03/beyonce-super-bowl-halftime_n_2612569.html, http://www.digitalspy.co.uk/music/news/a455989/beyonce-destinys-child-super-bowl-performance-twitter-reactions.html)

(Video source: http://www.youtube.com/watch?v=V5plHXIpnPc)

P.S. Pero ibang level pa rin ang ginawa ni Madonna sa 2012 Super Bowl Halftime Show. Lakas maka-reyna ni Madonna sa production number n’ya ‘eh. Mas na-amaze ako sa overall pasabog ni Madonna last year. Personal opinion ko lang ha.🙂 Gusto ko kasi yung mga gladiator mode na performance. Pang-reyna kasi yung mga ganyan. Balikan natin ang performance ni Madonna!

Kayo na humusga.🙂
___________________________________

2 thoughts on “Ibang Klase ka, Beyoncé!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s