Si Madma at ang MRT-3

MRT

Dear fans and followers,

Hello naman ulit sa inyo. Gusto ko palang i-share ang pasabog news na nabasa ko re: Metro Rail Transit (MRT Line 3). Mage-expand na pala ang punyetang MRT-3 soon. HALLELUJAH!!!🙂

The P8.43-billion expansion project involves adding 52 coaches for the MRT-3, which runs from North Avenue in Quezon City to Taft Avenue in Pasay City. BUTI NAMAN!!! Tangina. Sawang-sawa na ako sa buhay sardinas sa MRT-3 sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Wala ka ng ngang jowa, ipit ka pa. Konting-konti na lang talaga ang pasensya ko. Paubos na!!! And how soon naman kaya ang expansion na ‘yan?! Baka naman mauna pa akong magka-jowa bago maisakatuparan ‘yan ha. Naku!

Ibang level ang siksikan sa MRT-3 every day. Delubyo!!! Malapit na talaga akong magka-trauma.😦 Sa totoo lang, mas challenging pa ang pagsakay sa train kaysa sa actual job ko sa office. Shet. Paano ba naman, ang MRT-3 pala ay nagsasakay ng mahigit 500,000 passengers daily, way above its capacity of 350,000. Pota. Over-over na pala yung sinasakay ng MRT-3 ha. Kaya naman pala halos magkapalitan na ng mukha ang mga tao sa loob ng train. Sobrang sikip. Gosh.😦 Buti sana kung puro pogi at mababango ang nakikipagsiksikan sa’yo. Buti sana kung kamukha lahat ni Derek Ramsey ang papalibot sa’yo. Hindi ‘eh. Kairita.

Talaga namang nawawala ang educational attainment ng mga tao kapag nasa MRT. Lahat asal barbaro. Lahat parang kakalabas lang sa kweba. Parang walang pinag-aralan ang mga tao. Parang kakaimbento lang ng apoy kahapon. Ganun ka-jurassic ang ugali ng mga passengers. Pati yung pabango kong Versace ay sumusuko sa amoy na masa. Grabe. Wala ring sense yung papipilahin ang mga tao sa platform kasi kapag dumating na ang train at bumukas ang pinto, dagsaan agad! Akala mo lalabas si Sharon Cuneta kasi nagkakagulu-gulo na. Diyos ko po.

O, etong picture na ito ang sample. Kita n’yo ba yung dami ng tao?! Sa platform pa lang ‘yan ng MRT 3 ha. SHOCKING!!! Sa MRT Taft Station ko pala kinuha ‘yan. Nagulat ako pagbaba ko ng hagdaan at bumulaga sa akin ang mga taong ‘yan. Akala ko ginawang evacuation center yung MRT kasi soobraaaang dami talaga. Nakakaumay sa dami! Nanghina talaga yung tuhod ko sa eksenang ito.
___________________________________

MRT-3
__________________________
Ibang issue pa yung mga sirang elevators at escalators sa mga MRT stations ha. Kingina. Sa may amin pa lang sa Boni Station ay marami ng walang-silbing facilties. Nakakainit talaga ng ulo yung hindi gumaganang facilties ha. Sarap tadyakan at sipa-sipain ang mga hinayupak na ‘yan. Forever na lang sira. NEVER na gumana! Ano ba ‘yan?! Bakit pa binili yang mga ‘yan kung lagi namang under maintenance?! Ano ‘yan display lang?! Kawawa naman yung mga matatanda, buntis at may mga kapansanan na hirap na hirap sa pag-akyat at pagbaba. Diyos ko. Hindi na ako magtataka kung biglang maglakad ang pilay at mapaanak ang buntis dahil sa kacheapang ito. Kakasuka.

Nakakalungkot na sobrang napag-iwanan na ang train system ng Pilipinas. Nahihiya ako sa pagkabulok ng MRT pati na ng LRT. Worst experience lagi ang pagsakay sa MRT. Kahit weekend, talagang dagsa ang tao. Walang pinipiling araw at oras. Super sad talaga.😦 Lakas maka-third world country nung train system natin ha. ‘Di ba maunlad na tayo, PNoy?! Anyare sa 6.6 percent economic growth natin?! Iparamdam naman sana sa amin yung essence ng figure na ito. Hindi kasi namin ma-feel yung impact sa every day life namin ‘eh. Hindi kame economists kaya marami kameng hindi nakakaintindi sa pinagmamalaking “paglago” ng Philippine economy.
_________________________

Philippine MRT line 3
_________________________
Sana talaga ay i-modernize na ang MRT pati ang LRT sa lalong madaling panahon. I-level na sana natin ang MRT at LRT sa train system ng Singapore at Hong Kong. Sila nga kinaya ‘eh, tayo pa?!😉 Nakakatuwa namang may expansion ang MRT soon. Akala ko tuluyan ng de-deadmahin ng gobyerno ang issue sa train system ‘eh. Sana naman ay maganap muna ang expansion na ito bago isagawa ang rehabilitation ng EDSA this year. Naku. Ibang issue pa ‘yan. For sure, sa MRT at LRT ang takbo ng mga tao kapag sinimulan ng bungkalin ang kahabaan ng EDSA for the rehabilitation project of DPWH. POTA. Bahala na nga si Lord! Tang ina. Sama-sama na lang sa hirap! Shet.

Yours Truly,

Madma

(Photo credit:ebusinesspress.net; http://www.abe-industry.com)

(Article sources: http://www.abs-cbnnews.com/business/02/02/13/mrt-3-get-additional-52-coaches; http://www.gmanetwork.com/news/story/293303/news/metromanila/dpwh-chief-seeks-understanding-for-edsa-rehab; http://www.interaksyon.com/business/54365/dotc-to-revise-bid-rules-for-lrt-mrt-common-ticketing-system)

P.S. Para sa mga may ngasngas at nguyngoy sa buhay, mag-email lang kayo kay Madma sa yourstrulymadma@gmail.com. Hayaan n’yong pagaanin n’ya ang buhay n’yo sa pamamagitan ng mga pasabog n’yang payo. ANSABE?!🙂

20 thoughts on “Si Madma at ang MRT-3

  1. I’m with you re: this one, Madma bilang pareho tayong sumasakay, or should I say, nagpapaalipin sa train system na ito.

    It’s just so ironic kasi ang The Philippines (emphasis on “The”) ang isa sa unang nagkaroon ng train system sa Asia. Sadly, ang bagal ng improvement kaya mukha tayong kawawa.

    Well, minsan may benefit din akong nakukuha sa MRT. Like, pwede ko siyang sisihin sa pagiging late ko sa work dahil kesyo ang tagal, nasiraan or nasunog yung train along the way. May days din naman na maluwag. Siguro once a month, paki-abangan na lang kung kailan. Hahaha!

    Off topic: I love the new layout. ‘Brang tamis or tam-es.

    • wahaha. Naku, alam na alam ko ang ngasngas mo sa MRT. hahaha Super layo na talaga ng mga kapit-bahay nating bansa when it comes to train system. Alam mo ang ganda at efficient ng MRT ng Singapore. hahaha

      Buti naman at nakapasa sa’yo ang bagong layout. Alam mong Valentines. Medyo babagay din tayo. hahaha

      Bye, B. We will miss you.😦

  2. Natawa ako sa blog mo pero nalungkot naman sa experience mo lately sa MRT. I can feel you all the way from here! Naalala ko tuloy MRT days ko noon, di sya magandang balik balikan! Good news na rin na balak nila i-improve yan. It’s about time to do a major overhaul in our transpo system! Ka-stress! It’s not so much fun to travel in trains in the Phils kung puro ka-cheapang ganyan ang nangyayare. On the lighter side, ang cute ng fish & hook layout mo ha. Miss you!🙂

    • VAN slash GANDA! hahaha Live na live ka rin talaga from London ha. Yun oh! Naku, ‘wag mo ng i-attempt na balikan ang MRT days mo. You’ve suffered enough. Sana talaga ma-modernize na ang train system dito! Kamusta ba ang train system sa UK? Wagi?

      Ang pa-sweet lang nung layout ko. Medyo Valentines din kaseah. haha

      I love you!!! And congrats! Congrats na nga ba?! UPDATE!!!

      • I’ll keep you posted sa katauhan ko. Balik pa ko ulit next week for consultation. Re: trains dito sa UK, efficient naman ang overland trains. Yung ala-PNR is malinis at on time kasi mahal sila kaya dapat lang umayos sila. Yung ala-MRT naman sa London which they called The Tube, the first ever underground train system in Europe, well kahit bulokish sya minsan at may amoy, pasado na rin though wag ka magkakamali sumabay sa rush hour dahil bongga din dami ng commuters though may delicadeza naman sila sa mga buntis, babae, oldies etc. Punta ka dito minsan nang masubukan mo!🙂

      • hahaha Salamat naman sa input mo re: train system sa London. Para kang correspondent na based sa London. Lakas maka-Jing Castaneda ha! haha Sana positive ang result ng inaantay natin! SUPER EXCITED NA KAME!!!!

  3. Buti naman aaayusin na ang MRT. Grabe kasi mag-unleash ‘to ng inner evil ng mga tao. Patayan levels. Pero mas matindi sa PNR, Madma. Tinry namin ‘to once at sinumpa ng paulit-ulit. Giyera kung giyera. Sakto yung kantang This is War ng 30 Seconds to Mars. Literal na maraming sumasabog. O___o

    And yes, the new layout is❤. Nalulungkot lang ako kasi naaalala ko yung Tubbataha.😦

    • hahaha. True ‘yang nakaka-unleash ng evil side ang MRT. Sooobrang true! Naku, ibang issue pa ‘yang chakang PNR na ‘yan. Hindi ko pa ‘yan naa-avail ang wala pa akong plano soon. Ma-tetanus pa ako sa kalawang n’yan. haha Taas!

      Sad talaga ‘yang Tubbataha. My God. Ang daming issues sa bansa!😦

  4. silent subrcriber ako ng blog mo.. aliwan avenue ito sa akin, nakakawala ng homesick,, yun nga lang napagkakamalan akong may “sapak” habang tumatawa mag isa sa opisina… marami na akong blog na sinubaybayan pero sayo lang ako napacomment.. (sign na kaya to na mahal na kita..)

    agree ako sa delubyo ng mrt na yan,,, bilang OFW sa Singapore hnde ko maalis ang pagkadismaya sa mrt natin, typewriter at computer ultrabook ang komparison, tsk tsk.. naaalala ko yung umuwi ako ng Pinas, 3 months ago at sumakay ako ng mrt ppuntang makati from north station 7am monday. isipin mo ang timing na yan,, hinimatay ako sa pila hndi ko kinaya,,, hahaha.. 30 mins pumila bago nakakuha ng ticket tas siksikan sa tren…. pagdating ng cubao station tumirik ang naghihingalong tren,, namputchang yan,,, isang oras ata ako nasa mrt na yan bgo nakarting ng buendia… simula noon sinumpa ko na yang mrt na yan… nyahahahha…

    Ngapala, fyi 2 araw ko lang binack read mga post mo…ambilis ko mainip sa bagong post… sorry naman.. hehehehe,,,

    • Hello naman, Dale. Ang pogi ng name na “Dale.” I think pogi ka. Just in case hindi, palitan mo na lang ang name mo. Sayang. hahaha WOW. Dami agad ngasngas.

      Ang sweet mo naman at nag-comment ka rito.❤ Love na kita! Your comments and views are highly welcome. Super appreciated ko 'yan, Dale.🙂

      And true 'yan. Very typrewriter ang peg ng MRT natin. Kakalokaaaa. Sobrang ABALA sa buhay. Ang daming nasasayang na oras at lakas na pwede mo na sanang gamitin sa ibang bagay. Pila pa lang sa MRT, Diyos ko. Bilasa na ang beauty mo. Super bad trip. Kakainggit nga sa Singapore. IBANG LEVEL. I was there last August at ayaw ko ng umuwi. Pota.

      Ang bilis mo naman magbasa ng blog ko! 2 days na marathon?! Ikaw na!

      Salamat sa pagbabahagi ng opinyon.🙂

      • pogi naman ako kaya panindigan ko na yung name ko, tutal yan din naman sabi ng nanay ko,,

        nga pala mas gusto ko yung dati mong layout mas bagay sa picture mo dito,,, medyo wholesome na kasi un layout mo ngaun tapos yung picture mo pumepeg ng Cristine Reyes,, hehehe,,, palitan mo din picture mo ipeg mo naman si Aryana.,. hehe,,, just saying,,
        😀

      • hahaha ang humble mo naman, Dale. I like it. hahaha

        Sige, sige. Hahanap ako ng tamis-tamisan photo ko. haha Natawa naman ako sa Cristine Reyes! hahaha Lakas maka-sexy actress ha! hahaha

        Salamat sa suporta, Dale.

    • Hello naman, Adamsmeat. Welcome din sa YTM. Salamat sa pag-comment. Ang fierce! hahaha

      Well, totoo naman talaga ‘yang sinabi mo. Kung pag-uusapan talaga ang real sense ng economics, hindi talaga criteria for economic growth and density ng MRT. If we are going to be very technical, yes, tama ka talaga.😉

      Pero sa mga basic na tao na hindi nakakaintindi ng mga big concepts ng economics gaya ng GDP, inflation, deflation, nominal GDP, real GDP, GDP growth rate etc., iba ang nagiging batayan na salitang “economic growth.” Sa mga masang hindi nakapag-aral, ang economic growth sa kanila ay ‘yung mas marami silang pagkain sa hapag, mas mura ang kuryente at tubig, may trabaho ang lahat ng kamag-anak nila, nakakapag-aral ang lahat ng mga anak nila, mura ang pamasahe at efficient ang transportation system. Gaya ng sabi ko, hindi ako ekonomista. Hindi ko rin naiintindihan ang real sense ng “economic growth.” Kaya naman ako, gaya ng mga simpleng tao, ay nagbe-base na lang sa personal experience. Kung may pagbabago ba sa buhay ngayon compared before. Kung mas naging maginhawa ba ang buhay ngayon versue before.

      Kaya nga ang laging challenge sa gobyerno is kung paano ibaba sa pangkariniwang-tao ang sinasabing “pag-unlad.” Kung paano ipaparamdam ang sinasabing “growth.” Siguro nga napakasimple kung gagawing batayan ang “density ng MRT” para sa economic performance. Pero hindi mo rin masisi ang mga taong kagaya namin na mag-base sa mga simpleng bagay para ma-gauge or masukat ang sinasabing “pagbabago” sa lipunan.

      ‘Yun lang naman.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s