Handa ka na ba sa MAS PINALAKAS na traffic sa EDSA?!

EDSA
___________________________

Dear fans and followers,

Kung akala n’yo ay naranasan n’yo na ang pinaka-grabeng traffic sa EDSA, nagkakamali kayo, bitches! Patikim pa lang ‘yan. Kumbaga sa boxing, kakantahin pa lang ang National Anthem. Wala pa yung actual na laban. Bwahahaha😉

Simula sa buwan ng Mayo, magsisimula na ang worth P3.7-billion rehabilitation plan ng infamous Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa pangangasiwa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng Metro Manila Development Authority (MMDA). Major rehabilitation ‘to mga Ma’am and inaasahang tatagal ito ng at least 2 years. The P3.7-billion plan is set to turn EDSA into a world-class highway. Antaray! Lakas maka-Europe!🙂 It involves concrete reblocking and using high-grade performance asphalt on EDSA, which could last for 10 years, plus widening of bus driveways and incorporating functional bus stops and building of underground and overhead walkways. Kasama na rin dito ang pagpapaganda ng mga secondary highways at paglalagay ng mga elevated loading and unloading platforms at bus terminals. In short, talagang MAJOR, MAJOR rehabilitation ito. Naku, naku! Kaliwa’t kanang bungkalan na naman ang makikita natin sa kahabaan ng EDSA simula sa buwan ng Mayo. Shet. Kapeeet!😦

Bale may tatlong phases ang project na ito according sa MMDA. The first segment of the plan is from Roxas Boulevard to SM Megamall. The second segment is from Megamall to Trinoma Mall in Quezon City while the third and last segment is from Trinoma Mall to Balintawak. Hindi biglaan ang pagbungkal kasi wala na tayong dadaanan! Nakakahiya naman kung paglalakarin nila tayo from Taft to Trinoma. Not likey! The repair will last for 23 months with all the phases involved, to be completed in time for the World Economic Forum in 2014 and the Asia Pacific Economic Cooperation summit in 2015. Ansabe?! Kaya naman pala “abalang-abala” tayo sa pagpapaganda. May darating naman palang mga bisita. Very Pinoy ang peg!😉

Pero gaya ng anumang uri ng pagpapaganda, kailangang dumaan muna tayo sa tinatawag na “tiis-ganda period.” Bago ang sarap, may hirap muna. Bago ang tagumpay, may pagsubok muna. Alam n’yo na ‘to!!! Kaya naman, kumapit na tayo sa MAS PINALAKAS, MAS PINABONGGA at MAS NAKAKAULOL na traffic sa EDSA. Humanda na tayo sa mas PINAHABA at MAS PINAKASIKIP na pila sa MRT at LRT. I-ready na natin ang ating mga sarili sa MAJOR ABALA ng buhay natin. Huwag kayong umarte kung ayaw n’yong gilitan ang leeg n’yo at ihalo ang dugo n’yo sa gagamiting aspalto sa EDSA!
____________________________
edsa_traffic
____________________________
Hindi biro ang sasagupain nating “delubyo” once na magsimula ang rehab project na ito. Nai-imagine n’yo na ba?! Major lifestyle adjustment din ang gagawin natin since tayo ang maapektuhan. Kung dati ay 1-2 hours lang ang preparation time natin bago pumasok sa office, aba hindi na pwede ‘yan Ate kapag nagsimula na ang rehab plan. Late na for sure!!! Mag-SL or VL ka na lang.🙂 Ngayon pa nga lang ‘eh nale-late na tayo minsan, paano pa kaya kung magbungkalan na?! Kailangan siguro 3:00 a.m. gising na tayo para SURE na ‘di ma-malate. Sabayan na lang natin ang galaw ng mga spirits during bewitching hour para sure na on time ang dating natin sa office. Or pwede ring huwag na lang matulog sa gabi para mabilis mamatay. Tapos na agad ang paghihirap! Char.🙂

Doblehin na rin ang pahid ng deodorant sa kili-kili kasi baka kapusin ‘yan at putukin bigla habang nakikipagbuno sa traffic sa EDSA. Ayaw natin ng amoy putok! Gosh.😉 Magbaon na rin dapat ng tubig at pagkain lagi kasi tiyak na maiipit at maiipit tayo sa traffic lalo sa kapag rush hour. Hindi maganda ang nagingisay habang bumabyahe!🙂 Dapat naka-charge rin nang todo ang mga gadgets para ‘di ma-lowbatt bigla. Lastly, ito importatnte ‘to, i-ensure na laging tumatae sa bahay para ‘di abutan ng “tawag ng kalikasan” sa daanan. Lakas maka Grade-3 nung tumatae sa public place ha. Diyos ko. Konting urbanidad.

Well, maganda naman ang layunin ng EDSA rehabilitation project. Super panget na rin talaga ng EDSA. Parang ang lungkot ng ambiance ng major highway natin, ‘di ba?! Pero ‘yun nga lang, sooobrang pagtitiis muna ang gagawin natin in the meantime. Kailangang habaan ang pasensya nang todo-todo simula sa May. Kung kailangang mangutang ng pasensya sa friend, go! Kasi walang makaka-arte sa perwisyong dulot ng project na ito. Lahat tayo ay apektado. Nakakabago talaga ng destiny ang project na ito. Imbes na mami-meet mo na sana ang lalaking para sa’yo, mapupunarda pa kasi maiipit ka sa traffic ng EDSA. May makikila tuloy siyang ibang lalaki tapos magiging sila na lang! Waaaaah. Ayoko ‘to!!!😦

Anyway, sana lang ay maging maayos ang re-routing scheme na gagawin ng DPWH at ng MMDA. Ang balita pa is magkakaroon ng “mock test” para ma-simulate ang magiging eksena sa EDSA kapag nagsimula na ang rehab plan. Abangan natin ang magiging taktika nila. Sabi naman ng MMDA, hindi isasara ang EDSA. Wala daw total closure. May matitira daw na at least three lanes in every work station. At ang mga work stations ay di pwedeng mahaba ang binubungkal.🙂
___________________________
edsa2
___________________________
Sana maging maayos ang execution ng project na ito overall para maging bearable ang mga bagay-bagay para sa atin. Tsaka sana ay isunod na rin ang pag-develop ng mga bagong route para may alternative highway na at hindi nagsisiksikan lahat ng sasakyan sa EDSA. Ultimately, mas issue kasi yung volume ng mga sasakyan kaysa sa itsura ng EDSA. ‘Yung DAMI naman kasi ng sasakyan ang major cause ng traffic sa EDSA. Hindi naman mababawasan ang dami ng sasakyan kapag kuminis na ang kalsada, ‘di ba?! Dapat talaga magkaroon na rin ng mga alternative highways para mas legit na mapagaan ang daloy ng traffic sa EDSA.

‘Yun lang naman. God bless us all.😉

Yours Truly,

Madma

(Article sources: http://www.interaksyon.com/motoring/edsa-rehab-repair-secondary-roads-too-lawmaker/, http://www.gmanetwork.com/news/story/293057/news/metromanila/metro-manila-mayors-approve-p3-7-b-edsa-rehab-map-options-to-traffic-woes, http://www.bworldonline.com/content.php?section=Nation&title=MMDA-OKs-EDSA-rehab-plan&id=65261; http://www.thepoc.net/breaking-news/local/17758-p37b-edsa-rehabilitation-begins-in-may-heavy-traffic-expected.html)

(Photo credit: http://www.automotivepartsuppliers.com; http://www.trekearth.com; http://www.philstar.com)

P.S. Napapadalas ang nguyngoy ko sa buhay lately ha.😉 ‘Eh kasi naman ang daming mas importanteng issues ngayon na hindi pwedeng deadmahin! Hindi ko kayang hindi magsalita sa mga nagaganap ngayon sa paligid. Hayaan n’yo at babalik na tayo sa payuhan sa next posting ko. Promise!😉

Salamat sa suporta! I love you all.❤

9 thoughts on “Handa ka na ba sa MAS PINALAKAS na traffic sa EDSA?!

  1. Love ko ang look ng madmacarta ngayon, lakas maka-relax ng mata! Lakas makabata! Pastel kung pastel.🙂 Re: EDSA rehab, good luck sa ating lahat. I agree sa pagdedeodorant at pagtae before umalis ng bahay. Mahirap na, di mo masasabi kung kelan puputukin or majejebs. Good job Madma!

    • hahaha Ang arte ng layout ko ngayon ‘no? Tamis-tamisan. Very Sheryl Cruz and Romnick Sarmenta ang peg. Or Romenick Sarmienta. hahaha Good luck talaga sa atin kapag nagsimula ang EDSA rehab plan. KAKAPIT TALAGA TAYO SA DIYOS. hahaha Pero as per news kanina, postponed daw ang project “until further notice.” hahaha Miss you, Tinj! Nood naman ng play sa RCBC!

    • hahaha Ang active mo sa blog ko, Van! Hindi rin matatawaran ang suporta mo kahit nasa malayo ka ha. PAK! Hayaan mo, mababalitaan mo ang mga kaganapan. As per news kanina pala, postponed ang EDSA rehab plan until further notice. haha NAKAKALOKA! Kung kelan ready ka na, tsaka ka bibitinin. Pakilig ang mga pota. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s