Si Madma at ang May 2013 Philippine Elections

May 13, 2013
___________________________________________

Dear fans and followers,

At talaga namang simula na ng kampanya today para sa May 2013 Philippine elections! Wooooh. Naku po. Ihanda na ang mga tenga at mata sa mga nakakasawang jingle at mga nakakairitang posters ng mga kandidato lalo na ng mga senatorial candidates all over the country. This is really is it! Ito na naman ang time para makarinig ng sandamakmak na mga pangako ng pagbabago. Ito na naman ang period na lalabas na sa lungga ang mga politicans para magpabibo, magpapansin at ligawan ang madlang people. Ito na naman ang panahon na kung saan makikita natin ang mga pulitiko sa kanilang pinakamabait, pinaka-attractive at pinaka-charming na anyo para makuha nila ang matamis na boto ng mga Pilipino. Ack. Kumapit na tayo dahil simula na ng matinding labanan. Magkakalat na naman ang mga “plastik” at “mapagpanggap” sa ating ating kapaligiran. Nakakaloka!
_____________________________________

may-2013-elections-philippines
_____________________________________
Since panahon ngayon ng pagbabalat-kayo, syempre ito ang best time para maging matalino!🙂 Ito na ang chance para bumawi at magpaka-kritiko just in case tinamad kayong mag-isip at mag-analyze ng mga bagay-bagay nitong nakaraang buwan. Pinapatawad ko na kayo sa katamaran n’yo before. WOW. Bawi naman!🙂

Napaka-crucial talaga nitong next two months and very exciting as well! Ito kasi ‘yung period na babalik muli sa masa, which is kayo, ang tinatawag na “kapangyarihan.” Tapos ‘yung mga desperadong politicians naman ‘yung naloloka at nagkukumahog para magpapansin para maalala ang pangalan nila sa araw ng botohan. Wahahaha. Its payback time, bitches! And I love it!🙂

Kaya naman bilang tinaguriang ‘Icon ng Masa,’ (WOW) hayaan n’yong bigyan kayo ni Madma ng ilang mga very practical tips ngayong election period. Very voters’ education lang ang peg. Syempre, I owe this to my fans and followers na umaasa sa wisdom and knowledge ko ‘no. WOW. Hiyang-hiya ‘yung Commission on Elections (COMELEC). Magre-resign na raw sila kasi kaya ko na ‘yung job nila. Dedeliver na raw ‘yung mga PCOS machines sa bahay namin kasi doon na lang daw ang botohan. Char. Ano baaaa!🙂

Seryoso na! O, eto muna ang limang mga simpleng paalala ni Madma ngayong panahon ng kampanya:
_________________________________________

liberal-party-una-party-thumbnails
_________________________________________
1. Hindi porke’t kaapelyido ay sigurong magaling na. Naku po. Ang daming mga kandidato ngayon ang nagtatago sa kanilang political lineage! Lumabas na kayo, napapalibutan na namin kayo! Char.🙂 Ang daming mga tumatakbo ngayon ang nakiki-angkas sa popularidad ng pangalan ng kanilang mga kaanak na nasa posisyon. Very tricky! Tsk, tsk, tsk. Ayokong magbigay ng example pero shout ouch sa inyo Cynthia Villar, Nancy Binay, JV Ejercito, Jake Enrile at Bam Aquino. Hindi ko naman kayo jina-judge pero kasi medyo… char!🙂

Tandaan lang natin mga fans na hindi porket’ kaapelyido ay sing-galing na ng mga ninuno nila. Hindi porke’t ‘Velasquez’ ang epelyido ay biritera na kagaya ni idol Regine Velasquez. Hindi porke’t ‘Pascual’ ang apelyido ay sing-pogi at sing-yummy na ni Papa/Mama Piolo Pascual. Hindi porke’t ‘Soho’ ang surname ay sing-taba na agad ni Ms. Jessica Soho. Gets?! Aww!🙂 Maling logic ‘yan kaya huwag kayong mahulog sa patibong na ito. PLEASE!!! At the end of the day, kahit na anak, asawa, hipag, biyenan, second cousin or apo pa sila ng kilalang politiko, ibang tao pa rin sila na dapat ay husgahan ayon sa kanilang sariling kakayahan. Iba pa rin ang utak at kokote ng mga ‘yan!

2. Ituring na ang pagboto ay parang pagpili ng kasambahay slash katulong sa bahay. Aaaay! Gusto ko ang idea na ‘to! Kailangan kasi talaga suriing mabuti ang mga kandidato gaya ng pagkuha ng isang katulong. Sa totoong buhay, hindi ba’t sooobrang taas ng standards natin at over critical tayo kapag naghahanap ng isang katulong?! Dapat mapagkakatiwalaan, dapat maganda ang background, dapat may good moral at hindi magnanakaw, dapat maganda at may subok na track record sa previous na employers, dapat magaling magserbisyo etc. etc. Aminin n’yo ganyan tayo!🙂

Dapat kasi ituring nating “bahay” ang Pilipinas at ang mga namumuno ang mga “katulong.” So bilang mga amo, tungkulin nating piliing mabuti kung kanino natin ipagkakatiwala ang “bahay” natin. Mahirap nang maisahan ng mga chakang “katulong.” Take note, bahay, buhay, ari-arian at kinabukasan natin ang ipinagkakatiwala natin sa kanila so tama lang na itaas natin ang standards natin sa pagpili sa kanila.

3. Alamin ang kakayahan at mga magagawa para sa bansa at hindi dapat magpaloko sa itsura. Naku medyo tricky din talaga itong part na ‘to. Ang dami kasing nasisilaw sa “kagwapuhan” at “kagandahan” ng isang kandidato. Ang daming nadadala sa matatamis na ngiti ng mga pa-charming na candidates. Huwag ganun! Look beyond mga fans. Ayoko mag-mention pero shout ouch kina Juan Miguel Zubiri, Juan Edgardo Angara, Tingting Cojuangco, Risa Hontiveros and Loren Legarda. Hindi naman sa jina-judge ko sila pero kasi medyo kabisado ko na rin ‘yung…. Char.🙂

Importanteng alamin ang pinaka-core ng pagkatao ng mga candidates at hindi dapat masilaw sa panlabas na aura. Parang pagbili lang ‘yan ng furniture. Hindi ka dapat matapos sa “aesthetics” side. Dapat alamin mo kung anong material ang ginamit, saan gawa, matibay ba, tatagal ba at worth it ba bilhin. ‘Yun na!
__________________________________________

election_banner
__________________________________________
4. Hindi sapat ang pangalan! Importanteng alamin ang plataporma at advocacies. Ito gusto ko rin ‘tong part na ito. Magbasa-basa tayo about sa buhay ng mga kandidato, sa mga paniniwala nila at perspective sa buhay at sa passion nila.🙂 Dapat alamin talaga natin ang “pinaka-sustansya” ng isang kandidato. Ayaw naman nating kumain ng sinigang na walang laman o di kaya nilagang walang baka. Hindi masaya kung “SABAW” lang. Taray!🙂

5. Markahan ‘yung mga kandidatong nagpre-campaign! PLEASE! Gumawa kayo ng mga listahan ng mga candidates na 2012 pa lang ay “nangangampanya” na. Sila kasi ‘yung mga trapo at epal na kating-kati sa posisyon. Tandaan natin, NGAYON (February 12, 2013) pa lang ang simula na kampanya. Keyword: NGAYON!!! Gets?! Ako talaga personally ay nanggigil sa mga kandidatong maaga pa lang ay may ad na sa TV, radio at may mga posters na! Markado na kayo, mga bitches!!!

Tandaan natin na sa isang laro halimbawa ng fun run, hindi ka tatakbo sa field hanggang hindi pa sinasabing “GO!” ‘Di ba ang sinasabi pa nga “on your mark, ready, get set, GO!” Sa “GO” ka pa lang tatakbo at hindi sa “ready.” Gets?! Kapag tumakbo ka na habang ang iba ay nagre-ready pa lang, anong tawag sa’yo? ‘Eh ‘di MANDARAYA!!!
_____________________________________________

So, there. ‘Yan na lang muna ang ngasngas ko. Patikim pa lang ‘yan! Nangangako akong gagamitin ang blog na ito para makiaalam sa darating na May 2013 elections. Whether we like it or not, may magaganap na eleksyon sa buwan ng Mayo so mabuti nang makiaalam na lang. Mabuti nang kumilos sa umpisa kaysa sa magsisi at magmukmok kapag huli na.

Lastly, tandaan natin na hindi na natin mababago ang katotohanan na ito ay Pilipinas at tayo ay mga Pilipino. Given na ‘yan.🙂 Kahit magpa-blonde ka pa at magpa-bleach, Pinoy ka pa rin! Huwag mo akong ululin.🙂 Hindi rin natin kayang itulak at i-move ang location ng bansa para alisin sa Asia at idikit sa Europe para mas maging bongga. Marami tayong hindi kayang baguhin sa bansang ito. Pero ito lang ang sigurado, kaya nating baguhin ang mga namumuno rito!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.goodfilipino.com/2012/09/comelec-guidelines-on-filing-of-certificates-of-candidacies-for-may-2013-elections.html; http://newsinfo.inquirer.net/files/2012/09/liberal-party-una-party-thumbnails.jpg; http://pnp.gov.ph/portal/images/election2013/election_banner.jpg)

P.S. Personal greetings kay Direk Nick Olanka para sa matagumpay na pilot episode ng “Apoy sa Dagat” starring Piolo Pascual, Diether Ocampo, Angelica Panganiban AND Angelica Panganiban! Ang taas ng ratings!!! Bongga.🙂

Sabi ng Pep.ph “ABS-CBN‘s new primetime series Apoy Sa Dagat posted a rating of 21.2% on its pilot episode, based on the overnight ratings of AGB Nielsen among Mega Manila households. It‘s timeslot was sandwiched by GMA-7‘s Pahiram Ng Sandali which got 22.9% and Temptation of Wife which generated 24.4%. In the overnight Total Philippines ratings Kantar Media-TNS, Apoy Sa Dagat premiered with an impressive 25.9% to rank fifth overall. This ABS-CBN series went up against GMA-7‘s Temptation of Wife which posted a rating of 17.5%.

Hindi naman ako nagtataka na warm ang response ng fans sa teleseryeng ito kasi kapana-panabik talaga ang story. Mabilis ang pacing, magaling ang acting at mahusay ang direksyon. ‘Yun oh! Aaminin ko, “napaso” ako sa unang gabi ng teleserye n’yo.🙂

Good luck! Steady lang.🙂
________________________________________

Apoy Sa Dagat Official Poster
________________________________________

4 thoughts on “Si Madma at ang May 2013 Philippine Elections

  1. Pagkatingin ko sa pic, windangers ako, akala ko maagang shout ouch para sa birthday ko. Char. Sana birthday gift ng buong Pilipinas para sa akin ay isang matinong gobyerno. wow ang special ko. Hahaha.
    Kwela yung analogy ng politicians at katulong, which is true naman. Sana nga lang mabasa ng nakararami yung mga ganito. Thus bigyan ng laptop ang mga katutubo. Joke. Haha
    Hi madma. :))

    • Hello naman din sa’yo, Advojun! haha Gusto ko ‘yang birthday wish mo ha! Kung nasa Miss Universe ka, PASOK ka sa Magic 5! hahaha

      Salamat naman at nagustuhan mo ang mga pinagsasabi ko. Hayaan mo, tatalbo akong Senador para may pa-laptop ako sa mga katutubo at sa lahat ng fans in general. I-take note ko na ‘to. haha

      Happy Valentine’s Day sa’yo.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s