Madma Reacts: Pope Benedict XVI’s Resignation and Lolong’s Death

Dear fans and followers,

It’s Madma Reacts time! Oh my God, hindi pa pala ako nakaka-react sa mga pinagpyestahang balita this past few days. So unbecoming of a Diva! Si Madma pa naman ang tinaguring “Boses ng Masa.” WOW.🙂 Kung anu-ano na lang na title ang dinidikit ko sa sarili ko. Love it!😉

Super daming naganap na mga pasabog nitong mga nakaraang araw. SHOCKING! Grabe! Parang pasabog after pasabog. I’m sure sabik na sabik na kayong marinig ang boses ni Madma sa mga nakakalokang issue kaya ito na. Ibibigay ko na.

GAME!
______________________________________________
Pope Benedict XVI Resigns, Very SHOCKING!

Pope2
______________________________________________

S.H.O.C.K.I.N.G. news talaga ito! Nakakaloka ‘yung walang kaabug-abog na pagre-resign ni Pope Benedict XVI, Joseph Aloisius Ratzinger in real life, bilang pinakamataas na pinuno ng Catholic Church simula February 28, 2013. NGANGA ako sa balitang ito! Hindi man lang nagpasabi or nagtext si Pope Benedict XVI para nakapaghanda ako kahit papaano. Hindi tuloy ako nakapagluto. WOW.😉

Well, valid naman ang reason ni Pope Benedict XVI. Sa mga hindi pa nakakaalam, the Pope cited his advancing age and declining health as the major reasons for his resignation. Ang tanda na rin kasi n’ya sa edad na 85 years old. Diyos ko naman! Ibigay na rin natin sa kanya ang tinatawag na “pahinga.”🙂 Hindi na rin talaga kalakasan ang kanyang katawan. Siya na mismo ang nagsabing hindi na n’ya kaya so huwag na kayong umarte-arte d’yan. Katawan n’yo?!🙂 Ok lang na ma-shock sa biglaang resignation n’ya pero sa huli, dapat lang na igalang at tanggapin natin ang kanyang pasya. Wala namang masama kung naniniwala siya sa kasabihang “kung kaya ng iba, ipagawa mo sa iba,” ‘di ba?!🙂

Gaya ng ibang trabaho sa mundo, allowed naman ang pagre-resign ng isang Pope sa batas ng Catholic Church. Sabi sa nabasa kong report, “there is a clause in Church Canon Law saying that a papal resignation is valid if the decision is made freely and manifested properly.” So, legit talaga ang resignation ng ating mahal na Papa.🙂 Pero ayon sa kasaysayan ng simbahan, super rare ang pagre-resign ng isang Pope. According to sources, the last pope to resign from his papacy was Pope Gregory XII in 1415. Nearly 600 years ago na ang nakakaraan ng huling naganap ang ganitong eksena! SHOCKING!!!
__________________________________________
VATICAN POPE
_________________________________________
Hindi rin kasi talaga madali ang trabaho ng isang Pope. I could only imagine the stress!!! My God! Hindi biro ang maging leader ng buong Catholic Church na may estimated na 1.2 billion members worldwide! Ewan ko na lang kung hindi kumulot ang bangs mo sa stress at dumugo ang ilong mo kakasalita ng iba’t ibang languages especially Latin! Good luck talaga. Ibang issue pa ang pagharap sa mga controversies ng simbahan. Naku po! Hindi n’yo na rin naitatanong, nahirang na Pope si Pope Benedict XVI noong 2005 sa gitna ng kasagsagan ng kontrobersya re: pang-aabuso ng mga pari particularly child sex abuse. NAKAKALOKA!

Personally, hindi ko bet masyado ang very conservative and traditionalist mode na pamumuno niya sa Catholic Church. To quote one of my sources, “Pope Benedict XVI has a reputation as a theological conservative, taking uncompromising positions on homosexuality, women priests and contraception. He has always believed that the strength of the Church comes from an absolute truth that does not bend with the winds.” O, ‘di ba? Kamay na bakal ang peg ni Pope.🙂 Kaya naman somehow, natutuwa na rin ako pagbaba niya sa pwesto kasi nabigyan ako ng hope na mas maisusulong ang liberalization ng Catholic Church with its new leader. Naniniwala akong kailangan ng din talaga ng “upgrading” at “modernization” ng Catholic Church sa ilang concepts, stands and beliefs sa panahon ngayon, bagay na mangyayari lamang kung ang mismong Pope ay may ganyang inclination. Ang dami na rin kasing mga “lumang paniniwala” ang hindi na akma sa nagbabagong mundo ngayon. Aminin n’yo ‘yan!😉

So since final na ang pagre-resign ni Pope Benedict XVI, ang buong mundo ay naghihintay na sa bagong Pope na papalit sa kanya. ‘Yun oh! Exciting!!!😉 Sana magkaroon din ng parang pageant sa paghahanp ng bagong Pope. Parang Miss Universe lang ganyan. Ang saya siguro ‘nun! Ang haggard naman kasi ng conclave bilang closed-door event. Hindi natin nasi-sight ang mga kaganapan sa loob. Baka mamaya may swimsuit competition din ang mga pambatong cardinals sa loob Sistine Chapel. Char!🙂
________________________________________
Pope Benedict XVI
________________________________________
So far, malakas ang ugong na si Cardinal Peter Turkson, 64, ng Ghana ang papalit! Kung magkakatotoo, ito na ang simula ng era of an African pope. Taray! Malakas din ang laban ni Cardinal Marc Ouellet, 68, ng Canada at ni Cardinal Francis Arinze, 80, ng Nigeria. Syempre papahuli ba ang Pilipinas?! Alam n’yong hindi! Tayo pa. Si Cardinal Luis Tagle, 55, ang pambato ng The Philippines. Ang taray naman kung siya ang makukuha! Shet. Pero I think malabo. Marami pang ibang cardinal ang mas senior sa kanya.🙂

Para naman aware kayo sa mga susunod na magaganap, gusto kong i-share itong process na tinatawag na “Papal Conclave.” Exciting ito kasi sa event na ito pinipili ang susunod na Pope!

1. The Vatican summons a conclave of cardinals that must begin 15-20 days after Benedict’s Feb. 28 resignation. Papal Conclave is a meeting of the College of Cardinals convened to elect a new Pope.

2. Cardinals eligible to vote – those under age 80 – are sequestered within Vatican City and take an oath of secrecy.

3. There are currently 118 cardinals under age 80 and eligible to vote, 67 of whom were appointed by Benedict. However, four of them will turn 80 before the end of March. Depending on the date of the conclave, they may or may not be allowed to vote.

4. Any baptized Roman Catholic male is eligible for election as pope, but only cardinals have been selected since 1378.

5. Two ballots are held each morning and two each afternoon in the Sistine Chapel. A two-thirds majority is required. Benedict in 2007 reverted back to this two-thirds majority rule, reversing a 1996 decision by Pope John Paul II, who had decreed that a simple majority could be invoked after about 12 days of inconclusive voting. Benedict did so to prevent cardinals from holding out for 12 days then pushing through a candidate who only had only a slim majority.

6. Ballots are burned after each round. Black smoke means no decision; white smoke signals that cardinals have chosen pope and he has accepted. Bells also signal the election of a pope to help avoid possible confusion over color of smoke coming from chimney of the Sistine Chapel.

7. The new pope is introduced from the loggia overlooking St. Peter’s Square with the words “Habemus Papam!” (Latin for “We have a pope!”) and he then imparts his first blessing.

‘Yun na!
_______________________________________________
So long, Lolong

Lolong
______________________________________________
SHOCKING din ang pagkamatay ng tinaguriang ‘World’s Largest Captive Crocodile’ na si “Lolong” last February 10, 2013. Sayang talaga. Napakabata pa n’ya. Parang kailan lang, ang lakas-lakas pa n’ya at patakbo-takbo pa tapos ngayon… Arte?!

Seriously, sayang talaga si Lolong. Grabe. Around 50 years old pa lang siya ngayon. ‘Eh hanggang 100 years pala umaabot ang buhay ng mga crocodile. Gosh! Lakas maka-Kuya Kim ng peg ko. Si Lolong ay pinakamalaking buwaya buong mundo sa habang umaabot ng 6.17-meters (20.24 feet) at tumitimbang ng 1,075-kilo (2,370-pound). GRABE!!! Kung sa boxing match ‘yan, sa Ultra-Mega-Divine Heavyweight na category papasok si Lolong. Hindi n’ya ka-level sina PacMan. Taas ni Lolong ha.

Hindi pa natutukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Lolong until now. Next week pa raw malalaman. Pero agree ako sa mga sinabi ng mga expert na sa “stress” namatay si Lolong. Hindi n’ya kinaya ang dami ng fans everyday kaya naloka si Kuya at na-deads. Biruin mo, more than 1,000 guests ang bumibisita kay lolong araw-araw sa Bunawan Eco Park and Research Center sa Agusan del Sur. So, 30,000 visitors ‘yan per month. SHOCKING! Talagang naging tourist attraction na si Kuya simula ng mahuli siya at ikulong sa park na ‘yan 17 months ago. Grabe! Very sensitive talaga ang mga hayop sa stress lalo na kung bigla mong ikukulong sa isang cage from their natural environment. Hindi sila sanay! Parang si Dyesebel lang ‘yan.
_______________________________________
Lolong2
_______________________________________
SUPER SAYANG TALAGA!!! Pinagkitaan na lang si Lolong. Grabe. Ngayon wala na siya, ano na kayo d’yan sa park?! NGANGA!!! Irita. Ayan tuloy, nagdiriwang ang mga Australians kasi naibalik na sa crocodile nilang si ‘Cassius’ ang title! Si Cassius ay may habang 5.48-meter (17 feet-11 inches) at kasalukuyang nasa park somewhere in Queensland, Australia. Siya ay nasa around 110 years old na ngayon and has been in captivity for 26 years. GRABE! Samantalang si Lolong…haaay… SAYANG!!!😦

Sana talaga ay pagtibayin ang mga batas para sa mga hayop! Sayang kasi talaga ‘eh. Biruin mo, LARGEST CROCODILE si Lolong at namatay sa pangangalaga ng mga Pilipino. KALOKA! Sad talaga…😦 Hindi ako expert pagdating sa mga hayop pero sana ay maalarma rin ang gobyerno sa pangyayaring ito. Sana hindi masayang ang death ni Lolong at magkaroon ng bonggang aksyon ang government to ensure the safety and protection of our endangered species.

‘Yan na lang muna. Hanggang sa muli, which is bukas! Valentine’s Day special ang peg natin tomorrow. ABANGAN!🙂

Yours Truly,

Madma

(Article sources: http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-11141340, http://www.bbc.co.uk/news/magazine-21412604, http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-21430737, http://www.guardian.co.uk/world/2013/feb/11/pope-resigns-live-reaction, http://www.interaksyon.com/article/54863/who-will-succeed-pope-benedict-cardinal-tagle-is-among-top-10-most-mentioned-papables—reuters; http://www.huffingtonpost.com/2013/02/11/electing-a-new-pope-conclave-oath-chimney-smoke_n_2661731.html; http://www.abs-cbnnews.com/global-filipino/world/02/12/13/australias-cassius-reclaims-worlds-biggest-croc-crown; http://www.interaksyon.com/article/54899/autopsy-carried-out-on-lolong; http://www.cnn.com/2013/02/11/world/asia/philippines-crocodile-death/; http://www.mb.com.ph/articles/393736/with-lolong-gone-australia-s-cassius-now-world-s-biggest-croc)

(Photo credit: http://www.ksfy.com; http://www.euronews.com; http://www.guardian.co.uk; http://www.philstar.com; http://www.dailymail.co.uk)

P.S. Bon voyage naman sa’yo, Mr. Robby Benson Torres! Mag-iingat ka d’yan sa Dubai. Sana huwag kang magpa-rape. Char.🙂 Galingan mo sa bago mong work. Padala ka na lang ng pera sa amin. WOW. Padala agad? Hindi pa nga nag-start?!🙂

We will miss you, B! Sana ay tumambay ka pa rin sa YTM kahit na OFW ka na. At sana pagbalik mo, hindi ka magka-ere. Alam mo na ‘to. Keep in touch.❤
______________________________
B
______________________________

8 thoughts on “Madma Reacts: Pope Benedict XVI’s Resignation and Lolong’s Death

  1. Hello naman peeps. Nalungkot naman ako. Sayang… Andami pa sanang magagawa ni Pope. Sayang din at hindi niya nabisita si Lolong.😦

    Ngayon ko lang nalaman yung pag-alis ni Benson. Bon voyage naman sa’yo. Anlayo rin ng Dubai ha. Magkano ba pamasahe dun? Haha.
    Good luck sa iyong future endeavors. Or endeavours.😀

  2. Any baptized Roman Catholic male is eligible for election as pope.. – OMG Madma baka ikaw ang ma-elect ng cardinals!!! #SHOCKING!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s