Pagpupugay sa mga SINGLE ngayong Valentine’s Day!

HVD
__________________________________________________
Dear fans and followers,

So, Valentine’s Day na pala ulit today. K. Keri. Noted. Enjoy kayo. Text-text na lang after. Busy ako.

WOW. Very nega lang ang peg.😉 Well, hindi naman special ang araw na ito for me bilang single since birth ang Madma n’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng fans na hindi ko “forte” ang sarili kong love life. Kumbaga sa libro, pwedeng skip na natin ang part na ito at punta na lang tayo sa ibang chapters. Mas exciting pa!😉 Kaya nga aliw na aliw ako sa Valentine’s joke ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na “para sa mga malungkot na single, ang tawag dito sa araw na ito ay Singles’ Awareness Day. Para sa mga masasayang single, ang tawag dito ay Singles’ Independence Day. Pero sa mga walang pakialam, ang tawag dito ay Thursday.” True enough. Today is THURSDAY. And tomorrow is FRIDAY.🙂

Aminin na natin, magpakatotoo na tayo mga Sir/Ma’am, ang Valentine’s Day ay araw ng magkasintahan at magsing-irog. Ito ang araw na kung saan magde-date ang mag-jowa, magre-regaluhan sila nang bongga, mag-check in sa hotel/motel para mag-sex, manonood ng sine tapos mag-MOMOL sa loob, maglalampungan sa kalsada, maglalandian sa park etc. etc. Huwag na tayong maging polite at sensitive na ang araw na ito ay “para sa lahat.” Tigilan ako. I-rub in pa?! Hindi namin kailangan ng “sugar coating” at ng mga “polite” na statements. Sige nga kung “para sa lahat” ‘yan, isama n’yo kame sa motel later tapos sex tayong lahat. Ano?! Orgy ang peg.🙂 Plain and simple, Valentine’s Day is for lovers. Kaya hindi talaga ako nasanay na pinagdiriwang ang “Araw ng mga Puso” bilang single for 27 years and counting. Anong gusto n’yong gawin ko? Tumambling? Umiyak? Bigyan ang sarili ko ng flowers at cards?! Baliw-baliwan?! Ano baaa!

What I’m saying is, hindi lahat ng tao ay masaya tuwing Valentine’s Day. Habang ang iba ay kilig na kilig ang pepe kasi may jowa, ang iba naman ay naloloka dahil nare-remind na naman sila na pa-expire na sila pero hindi pa rin nila nahahanap ang taong para sa kanila. Sad, but true.😦 Well, ganun naman ‘eh. Laging may dalawang mukha ang mga bagay-bagay. Laging may dalawang sides ang isang coin. Laging may dalawang storya sa bawat kwento.😦

Don’t get me wrong ha. Hindi ako BITTER! My God. Hindi ko hobby ang maging-Bitter Ocampo. I’m just presenting the other side of the story. Super happy kaya ako bilang single!🙂 Alam ng mga immediate friends and fans ko ‘yan. Masaya ako sa current status ko so huwag kayong maulol.🙂 Actually, I’m proud pa nga because after all these years, nalampasan ko ang mga pagsubok sa buhay nang mag-isa. Nabuhay ako nang maayos at malusog. Nabuhay ako ng marangal at matino. NABUHAY AKO.🙂 Kaya mataas ang tingin ko sa mga single ‘eh kasi alam kong hindi din biro ang pinagdadaanan ng mga ‘yan sa buhay. Ang daming pagsubok and struggles ang hinarap nila nang mag-isa. Ang daming tagumpay at happy moments na ni-celebrate nila alone kasi wala namang silang “someone” to share it with. Yes, mga kaibigan tayo na nakakasama. At marami akong friends. Ang gastos na nga nila ‘eh. Gosh! Pero alam mo ‘yun, nagwi-wish ka pa rin na may “someone” na i-she-share mo ‘yung mga bagay-bagay. Gets n’yo na ‘to, Diyos ko! Expound pa ba?!🙂
___________________________________________
couple
__________________________________________
Sobrang rare lang ako magka-crush at ma-inlove. Mas madalas pa ang dating ng bagyo sa Pilipinas kasya sa moments na nagkaka-crush ako nang tunay. Pero again, capable akong magka-crush at ma-inlove ha. Hindi naman ako halaman!🙂 OR.🙂 Talagang hindi lang ako swerte sa field na ito. At tanggap ko ‘yun. Sabi nga nila, hindi mo raw talaga makukuha ang lahat. Pakyu kayo kasi tama nga kayo! Char.😉 Mataas rin kasi ang standards ko sa “partner” and sa love. Diyos ko naman, naghintay na rin lang ako ng almost 27 years, might as well itaas ko na talaga, ‘di ba?! Ang sad part lang is wala nang nakaka-abot masyado. Kumbaga, lahat below poverty line.🙂 Pero hayaan n’yo, ibaba ko na rin soon. Baka ang maging standard ko na lang is basta humihinga, ayos na. I’m sure naman marami ng PASOK d’yan!🙂

Basta ang keyword ko lang lagi sa buhay is “ENJOY.” Whether may jowa or wala, ENJOY LANG! Enjoy the moment. Enjoy the opportunity. Enjoy the situation. ENJOY!🙂 Hindi naman porke’t may jowa na ‘eh masaya na, ‘di ba?! Ibang level din ng problema ang hinaharap ng mga may mga jowa. Nasa perspective lang talaga ang lahat. At masaya ako na lagi kong pinipili ang positibong perspective sa buhay.🙂

Message ko sa lahat ng single na kagaya ko, ENJOY lang! Nakakaririndi man sa tenga pero gusto kong ulitin na “darating din ang para sa atin.” Maniwala tayo d’yan.😉

Message ko sa mga may jowa, ENJOY lang din! Savor the moment. Baka bukas wala na ‘yan. WOW. Threat?!

Message to Mr. Cupid, pakipana na ‘yung puso ng taong para sa akin. Kung nahihiya ka, akin na ang pana mo at ako na ang titira! Medyo mabagal ka rin talaga minsan!

Message to Lord, Hi Lord. Ano na?! Galaw naman!

Message to myself, I’m so proud of you!🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://cms.ccps.us/2013/02/03/pta-flower-candy-sale-for-valentines-day/; http://www.wehatecleaning.co.uk/st-valentines-day-around-the-world/)

P.S. Happy Valentine’s Day to everyone! Stay happy and SAFE! Huwag naman magpabuntis tonight. Tamang sex lang.🙂

16 thoughts on “Pagpupugay sa mga SINGLE ngayong Valentine’s Day!

    • Awwww. Ang sweet mo naman, Lorna. Super love rin kita. Konti lang ang friends mo and happy ako na kasama ako doon.🙂 Sayang ‘yung friendship n’yo ni Jenjen. Nauwi sa ‘iringan’ dahil sa trayduran sa Agape celebration. wahahaha

  1. Sobrang natuwa naman ako sa post to. Sobrang relate din kasi kung ikaw 27 years nang single, ako 30 years so mas malupit diba hahaha… Sana nga kumilos na si cupid kung hindi agawan na natin ng pana.

      • Enjoy-enjoy lang talaga. You don’t even have to wait kasi ang paghihintay eh nakakatunaw ng utak, LOL!!!! Hindi naman kabawasan sa buhay ang walang jowa. Pero masayang idagdag kung may idadagdag. Icing on the cake, kumbaga.🙂

      • Dati naman na ako relate, he he, although not recently ;p Pero I did write a “dissertatiuon” (kasi naman mahaba at talagang inisa-isa ko) about single-blessedness dati pa (LOL), at kahit iba na situation ngayon, I still maintain my POV🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s