Hindi masama ang mga “LEFTIST”

Philippines Labor Day

Dear fans and followers,

Hello to everyone!

Grabe ‘yung ngayon pa lang ako nakapag-blog this week. Sorry naman!🙂 Minsan talaga kailangan ding “mag-work” nang totoo at isantabi ang ibang mga hobbies sa buhay. After all, equally important din ang work ha! Nega minsan, yes, pero alam n’yong “kabuhayan” ito.🙂 So, dapat lagi tayong positive towards work. Dapat ang statement lagi is “I love my work! Pagod na ako pero I love my work pa rin. Woooh! Trabaho pa! OT pa!” Ganun dapat.GV, GV lagi!😉 Dapat iniiwasan natin ang mga nega statements like “Tang inang work ‘to oh! Napakarami. Hindi na ako makahinga! Ako na lang ba ang empleyado rito?!” Tsk, tsk, tsk. Very nega. Not likey!

Speaking of nega, gusto ko pa lang i-share ang thoughts ko tungkol sa mga taong tinatawag nating “leftist” o mga makakaliwa. Madalas ko kasing marinig ang word na ito lately ‘eh. Kesyo nanggugulo na naman ang mga leftist group, nega na naman ang mga leftist organizations, sagabal sa buhay ang mga leftist, walang alam ang mga leftist kundi mag-rally, ngumasngas at manggulo, laging nega sa gobyerno ang leftist, hindi ko iboboto ang mga leftist na kandidato etc. etc. Siguro naha-hype na naman ang term na ito kasi eleksyon ngayon. Maraming mga politikong bumabanggit sa kanila kasi kailangan nilang “magpabida” sa fans. Kailangan nilang “magpabango.” Kanilangan nilang “magpabibo.” Kaloka!

Hindi masama ang mga leftist! Mataas ang respeto ko sa kanila. Bilib ako sa kanila. Love ko sila.🙂 Bakit ko sila love? Kasi sila ‘yung mga taong pinipiling ipagpalit ang sariling comfort sa buhay para ma-sustain ang kanilang paniniwala. Sila ‘yung mga taong mas pinipiling magbilad sa arawan at isigaw ang kanilang ipinaglalaban sa kalsada kaysa sa umupo sa office na may air-con. Sila ‘yung may malasakit na ipakita at isiwalat ang hindi nakikita ng karamihan. Sila ‘yung mga taong pumupuno sa kakulangan ng iba pagdating sa pagbabantay sa lipunan. Sila ‘yung mga taong lumalaban sa mga laban na hindi na naa-attendan ng iba kasi busy sa mga pansariling ganap sa buhay. Bakit ha? Laban lang ba nila ang pagtutol sa mataas na presyo ng gasoline, kuryente at tubig? Laban lang ba nila ang pagdadagdag ng budget sa edukasyon at iba pang pangunahing serbisyo ng gobyerno? Laban lang ba nila ang pangangalaga sa kalikasan? Laban lang ba nila ang paglalantad sa mga katiwaliaan ng mga politiko? HINDI!!! Dapat pa nga nahihiya tayo sa kanila ‘eh kasi sila lang ‘yung umaako at nagpapatuloy ng laban na dapat sana ay laban ng lahat! Gosh. Sorry for that outburst.🙂

Nalulungkot ako para sa ibang tao na napakakitid ng pagtingin sa mga leftist. Nalulungkot ako sa mga taong ang tingin sa leftist ay nega lagi. Example na lang ‘yung pagtingin na “kapag may welga, abala.” Kapag tumaas ang gas tapos may welga sa kalsada, nega agad ‘yung iba kasi “naaabala” sila– nale-late sila sa pagpasok sa office dahil na-traffic, nahihirapan sumakay, pinuputok sa pawis kasi nakipagsiksikan sa jeep, napupunit ang panty sa pakikipaghabulan sa bus etc. Pero kapag success naman ang welga at napababa ang presyo ng gas, happy din sila! Wala man lang thank you at pasalamat sa mga taong nakipaglaban sa kalsada. Nakakaloka! ‘Yan ang hirap ‘eh. Puro KABIG! Puro GANANSYA! Puro PASARAP! Ayaw mahirapan. Gusto laging kakabig lang. Gusto laging nakahain na sa mesa ang pagkain. Pota.
_____________________________________________
rally
_____________________________________________
Sa ibang parte ng mundo like sa Europe, very progressive ang pagtingin ng mga tao sa leftist. Para sa kanila, ang mga leftist ay integral part ng balance ng society. Nirerespeto nila ang leftist views dahil importante ito sa panlipunang pamumuhay. Likey!😉 Dito sa atin sa Pilipinas, wala, very nega ang connotation sa mga leftist. So saddening.😦 Ano bang gusto n’yong mangyari? Lahat nasa “right” para peaceful? Dapat walang opposing views? Dapat lahat ng sasabihin ng gobyerno ay paniniwalaan na lang?! Dapat lahat magagandahan sa pelikula ni Coco Martin at Julia Montes? Dapat lahat idol si Angeline Quinto?! ANO BA!!! In your dreams, bitches! Lulubog ang barko kapag lahat nasa kanan. Mapipigtas ang sampayan kapag nilagay mo lahat ng sinampay sa gawing kanan. Hindi magiging pantay ang kulay ng mukha mo kung sa kanang part lang ng face mo ia-apply ang Eskinol. Isipin n’yo ‘yan!

Sa mga maarteng laging tingin sa leftist ay nega, minsan try n’yo ring lapitan sila at kausapin nang malaman n’yong legit ang pinaglalaban nila. Instead na i-judge sila at kainisan from afar, i-try n’yong dumikit sa kanila para alamin ang sentiments nila kung bakit nila ito ginagawa. Try n’yo rin minsang bumaba sa kotse n’yo or sa bus na sinasakyan n’yo para magbigay ng saglit na oras to hear their sentiments. Try n’yo lang!

Anyway, basta ako, patuloy akong makikinig sa sasabihin ng mga leftist at susuporta sa abot ng aking makakaya. Hindi ako magsasawang pakinggan ang kanilang nakakalokang mga pasabog.🙂 Masaya ako na sa kabila ng pagbabago ng mundo, may mga tao pa ring kinakalimutan ang sarili para ipagpatuloy ang napakaraming laban sa lipunan. Salamat sa inyo. Hanga ako sa inyo. Mabuhay kayo! Lakas maka-solidarity message ha.😉

Haaay… masyado kong natodo ang emotion ko sa post na ito ha. Kakapagod din. Makapag-spa nga later. Relax relax naman! Sarap din ng body massage minsan ‘eh.🙂

‘Yun lang naman ang ngasngas ko today. Very political ‘no?!🙂 Bukas ko na pala ire-reveal ang aking susuportahan sa darating na eleksyon! Lakas maka-endorser!🙂 Ayan na ang hinihintay n’yo. Malalaman n’yo na bukas ang “manok” ni Madma sa darating na 2013 May elections. Abangan…🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.vosizneias.com; http://dustent.blogspot.com/2011/12/philippine-street-protests-do-more-harm.html)

P.S. Sali na kayo sa nakakalokang pa-contest sa Facebook ngayon!!! Gusto ko kayong imbitahan na sumali na sa ‘The Ananda Kanani Facebook LIKE Contest’ and win Over P1,000.00 worth of prizes!!! Magaganda ang gawa ng Ananda Kanani. Swear! Very personalized at talagang unique ang mga designs. Visit n’yo ang site nila para makita. Maloloka kayo!🙂

SALI NAAAAAAAAA!!! Ikagaganda n’yo ‘to. Promise!
______________________________________
Ananda
______________________________________

12 thoughts on “Hindi masama ang mga “LEFTIST”

  1. Nakalimutan ko what about, pero some weeks ago, sabi ko talaga sa sarili ko, nakakahanga ang mga nagra-rally, kahit minsan ‘yung iba, wala sa lugar (merong ganyan din, depende sa dahilan ng rally, at depende sa kung sino ang nagli-lead ng rally). Kasi sabi ko, at least, may paninindigan sila at ipinaglalaban nila ang alam nilang tama. They are movers and shakers. Maraming nababago sa mundo, marami ang napapaganda, dahil sa mga umano ay “leftist”. ‘Yung iba kasing tao, hangga’t hindi yata naapektuhan directly, okay lang. Gaya kagabi, although this has nothing to do with rallies, medyo iba ang scenario.

    Sabi ng ilang babaeng kasama ko, okay lang lang ang lalake mambabae kesa manlalaki, tsaka basta ba di mabuking. Sabi ko naman, in typically animated fashion that is normally me when I give my opinion, “Ay ako, hindi. Ma-babae o -lalaki pa ‘yun, hindi rason na kasi lalaki siya kaya okay lang.” Ang nakuha ko eh kantyaw, bakit daw ako affected? Hay naku, kailangan bang maging affected personally and to speak from experience para lang malaman kung ano ang tama at dapat?

    Kaya mabuhay ang mga leftist!!! If everything would be up to the right, I wonder how much we would have progressed…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s