Si Teddy Casiño ang Senador ko!

teddy31

Dear fans and followers,

Kasado na…

Go na go na…

Si Madma ay para sa tunay na pagbabago…

Si Madma ay para kay Teddy Casiño!

Palapit na nang palapit ang inaabangang May 2013 Elections. Ilang buwan na lang at magkakaalaman na kung sino ang mga mananalo at sino ang mga matatalo. Nakapili na ba kayo ng iboboto? Napintahan n’yo na ba ang mga tumatakbong kandidato? Grabe kilos!😉

Soobrang importante ng magaganap na eleksyon sa Mayo kaya dapat seryosohin natin ito. Bawal umarte-arte! Whether you like it or not, may magaganap na eleksyon kaya dapat karirin na lang natin ‘to mga fans. Dapat seryoso tayo sa paghahanap ng mga iboboto. Dapat i-level natin ang paghahanap ng karapat-dapat na politiko sa paghahanap natin ng jowa sa totoong buhay para mas maging meaningful ang atake natin sa eleksyon. Pak!🙂

Kung gaano tayo ka-kritikal sa paghahanap ng jowa, ganun din dapat ang peg natin sa pag-scrutinize sa deserving politicians. Isipin dapat natin na parang manliligaw lang natin ‘yung mga kandidatong tumatakbo tapos mamimili tayo sa kanila kung kanino natin ipagkakatiwala ang ating puso. Ganun dapat ang peg mga fans!🙂 So ang tanong ngayon, ipagkakatiwala mo ba ang puso mo isang taong puro porma at papogi lang ang alam gawin sa buhay? Ibibigay mo ba ang matamis mong “oo” sa isang sinungaling at magnanakaw? Ipagkakatiwala mo ba ang future mo at ng magiging mga anak mo sa isang mahinang klaseng nilalang? Isipin n’yo ‘yan!🙂

Kaya ako, mataas ang premium ko sa pagpili ng kandidatong iboboto ko kasi mataas din ang standards ko sa pagpili ng magiging jowa ko. WOW.🙂 Kaya nga ako single until now kasi wala pang nakakapasa sa standards ko ‘eh. O, ‘di ba ang ganda-ganda ko?! Hiyang-hiya ang beauty ni Ms. Lucy Torres-Gomez.🙂 Aba, mahirap ng mauwi sa chakang jowa ha! Not likey ‘yan!🙂

Sa lahat ng mga nanliligaw sa aking politiko so far, si Mr. Teddy Casiño lang ang napupusuan ko. ‘Yun oh!🙂 Siya lang talaga ang masasabing “naka-capture” ng puso ko bilang isang botante. Sa kanya lang ako naniniwala at nakikinig. Sa kanya lang ako nabibilib. Kaya naman sa kanya ko lang ipagkakatiwala ang aking matamis na “oo.” Hindi na ako papaloko sa mga paulit-ulit na mga pangalan sa pulitika. Hindi na ako papasilaw sa mga matatamis nilang salita. Tama na ang minsang maloko. Tama na ang minsang maisahan. TAMA NA PLEASE! Gusto ko iba naman! Gusto ko si Teddy Casiño naman!🙂
__________________________________________
mkbyn-convention-teddy-casino-9
__________________________________________
Tama ang sinabi ni Teddy Casiño, matagal nang nabibihag ang Senado ng mga pare-parehong mga political families and personalities na may kanya-kanyang mga personal na interest na pinangangalagaan. Matagal nang pinamumugaran ang Senado ng mga trapo at basurang politiko. Matagal nang pinagkakakitaan at ginagawang “business avenue” ang Senado. TAMA NA! Kailangan natin ng mga taong “totoong” magpu-push ng pagbabago para sa bansa. Diyos ko naman!!! Bibigyan na naman ba natin sila ng panibagong pagkakataong gawin muli ang mga ito sa atin?! NO WAY! Or Norway! Shout ouch naman sa mga taga-Norway. Hei alle sammen. WOW.🙂

Lagi nating sinasabi na gusto natin ng pagbabago. Lagi nating pinapangarap na dumating na sana ang pinakaaasam nating kaunlaran. Sa tingin n’yo ba makakamit ito kung pareho-parehong mga tao ang inilalagay natin sa gobyerno?! I don’t think so. Umay na umay na ako sa putaheng hinahain ng Senado. Sukang-suka na ako! Kaya naman gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay mabago ito.😉
___________________________________________

___________________________________________
Teddy Casiño: MAY GINAWA

Ang mga mambabatas ay dapat gumagawa ng batas. Kaya nga sila mambabatas, ‘di ba?! Basic ‘yan! Binabayaran natin ang mga congressmen gamit ang pagkalaki-laking tax na kinukuha sa atin para gumawa sila ng mga makabuluhang batas na makakatulong sa pag-unlad ng mga tao at ng buong bansa in general. Kung ikaw ay isang congressman at wala kang nagawang batas sa buong term mo, EPIC FAIL KA!!! Anong ginawa mo bale?! Nagpasarap?! Tumengga? Ngumanga?! Sumahod lang?! Nakipag-bonding lang?! CHEEEEE!!!

Ito ang gusto ko kay Teddy Casiño, MAY GINAWA! May napatunayan at may naipaglaban. Masasabing sulit ang bawat sentimong pinasahod ng taumbayan kay Teddy Casiño kasi nagawa n’ya ang kanyang trabaho. Sa mga hindi nakakaalam, si Teddy Casiño ay nakapag-akda ng (4) batas na talagang bongga at may katuturan! Siya ang nasa likod ng mga batas na Public Attorneys Act of 2007 (R.A. 9406), kung saan pinapalakas nito ang PAO para sa mas malawak na libreng legal na serbisyo sa ating hikahos na mga; ang Tax Relief Act of 2009 (R.A. 9504) na nagbibigay ng eksempsyon sa mga kumikita lamang ng minimum wage mula sa witholding taxes; ang Rent Control Act of 2009 (R.A. 9653) na nagtatalaga ng hangganan sa upa para sa minimum wage earners; at ang Anti-Torture Act of 2009 (R.A. 9745) na nagbibigay kaparusahan sa sinumang gumagawa ng tortyur. O, ‘di ba?! PANALO! Aarte ka pa?!😉 Sa tatlong termino n’ya sa Congress ay naipaglaban n’ya ang mga batas na ito na atin naman ngayong pinakikinabangan! Love it.😉

And wait there’s more! Si Teddy Casiño ay nakapag-akda rin ng 178 measures at nag co-author ng mahigit 376 na iba pang mga batas. Kaya naman Teddy Casiño ay nasama sa top 5 most prolific congressmen sa 15th Congress! O, ha!🙂 Sulit ang bayad sa kanya. Masasabi! Mahiya naman sana ‘yung IBA na ang lakas-lakas nang loob na tumakbo kahit wala pang napapatunayan sa kanilang karera. Mahiya naman sana ‘yung mga kasalukuyang nakaupo ngayon na mahilig mamuna at manlait ng iba pero wala namang nagawa noong sila ay nasa dating posisyon pa nila. Yes, PNoy? Would you like to share something?!
___________________________________
Teddy
_________________________________________________
Teddy Casiño: MAY GINAGAWA

Aside sa mga nagawa na n’ya, hindi tumitigil si Teddy Casiño sa pag-push ng mga very nationalist and progressive changes sa ating bansa. Patuloy siyang lumalaban para sa genuine agrarian reform, higher wages for workers, higher budget for education, independent foreign policy, women’s rights, justice for human rights victims, permanent societal reforms in the government and in economics among others. Hindi siya nagpapayaman gaya ng iba na uupo lang tapos yayaman na. In fairness to Teddy Casiño, pangatlo siya sa pinakamahirap na kongresista sa ngayon at meron lamang siyang net worth na P232,000.00. Gosh. Mas malaki pa ang sahod ko ha. No offense, Sir Teddy ha. WOW.🙂 Pa-holdap?!🙂 Nakakatuwang kahit na naka-tatlong terms na si Teddy Casiño sa Congress ay NEVER lumobo ang assets n’ya until now. ‘Eh ‘yung iba?!

I-check n’yo rin ‘yung financial background ng ibang mga kumakandidato ngayon pati na ‘yung mga nasa posisyon sa gobyerno. Maloloka kayo kung paano lumobo ang yaman nila! Magugulat kayo kung paano sila nagkaroon BIGLA ng bonggang pera. Kaya siguro hindi rin maipasa-pasa ang Freedom of Information Bill (FOI) ‘eh. Maraming takot kasi maraming MABUBUKING! Pak!
_______________________________________________

_______________________________________________
Teddy Casiño: MAY GAGAWIN

At syempre, pasok na pasok rin ang malinaw na plataporma ni Teddy Casiño kapag siya ay naging Senador. Pasok sa banga ang pinu-push n’yang mababang presyo ng mga bilihin and basic utilities, dagdag kabuhayan at trabaho and pagpapalaganap ng mabuting gobyerno. Tama si Sir Teddy, hindi lang “tuwid na daan” ang kailangan. Mas kailangan ang daang kakatawan sa kapakanan ng karaniwang tao at mamamayan.🙂 Alam kong may plataporma rin naman ‘yung ibang kandidato. Nabasa ko rin ang mga ito. Pero wala akong bilib na gagawin nila ang mga sinabi nilang ito kapag sila ay naluklok na sa Senado. Madali lang ang magbanggit ng mga pasabog na plataporma. Madali lang ang magsulat at magsabi ng mga agenda. Pero ibang usapan ‘yung gagawin ba talaga ito at ipu-push kapag sila ay nahalal na. Naku po, ang dami na nating nasaksihang mga napakong mga pangako! TAMA NA! Nakakaloka na!

Natutuwa ako na tumakbo si Teddy Casiño bilang isang Independent candidate hindi tulad ng iba na nagtatago sa apelyido ng pamilya at nakikiangkas sa popularidad ng mga political parties. Natutuwa ako sa malinis, simple, very humble at mataas na antas na pagkampanya niya. Ang best nung literal na tumatakbo siya at sinusuyod ang mga masang lugar para kausapin ang ordinaryong mga tao.🙂 Natutuwa ako na hindi gumagamit si Teddy Casiño ng malalaki at mamahaling ads sa TV at radio unlike ng ibang candidates na minu-minuto mong nakikita ang pagmumukha sa TV. Hindi madali tumakbo bilang isang Independent candidate kaya bilib ako na pinili n’ya ang mahirap na daan patungo sa tagumpay. Nakakabilib!😉
___________________________________________________

_________________________________________________
‘Yun lang muna ang aking PAUNANG salvo para sa aking suporta sa aking Senador na si Teddy Casiño. Marami pang mga susunod na pasabog about my favorite candidate. Ikakampanya ko siya sa abot ng aking makakaya! Syempre, doon din tayo sa mataas na antas ng pangangampanya na kung saan naka-focus tayo sa issues at platforms at hindi sa mga pagtira sa sa personalty. Mababang klase kasi ‘yung personality-based na kampanya at batuhan ng mga “putik.” Pang-starlet ang ganitong atake kumbaga sa show biz!🙂

At sa mga walang-sawang nagpaparatang kay Teddy Casiño na isa siyang komunista, nasagot n’ya na ‘yan. He already talked about that. Hindi siya komunista at hindi siya bahagi ng armadong pakikibaka. Kung may ebidensya kayo na magpapatunay na siya ay komunista, ilantad n’yo. Pasabugin n’yo. Pag-usapan natin. Makikinig ako.😉

Yours Truly,

Madma

(Article source: http://myteddycasino.com/; http://truth.myteddycasino.com/?page_id=16)

(Video sources: http://www.youtube.com/watch?v=v-OD0cNEiPA; http://www.youtube.com/watch?feature=player_detailpage&v=v-OD0cNEiPA and http://www.youtube.com/watch?v=HZj5ccKqKGs)

P.S. Let’s vote for Teddy Casiño! I think nasabi ko na ‘to.😉 Follow n’yo siya sa Twitter: @teddycasino. GO! #TeamTeddy #TatakboSiTeddy #TeddyCares
_________________________________
iba-naman-tc-banner2

7 thoughts on “Si Teddy Casiño ang Senador ko!

  1. Hihintayin ko pa mga isisiwalat mong balita sa mga napupusuan mong kandidato. Sawang-sawa na’ko sa mga pagmumukha ng mga tao sa Senado. Pare-pareho na lang ang mga balita! Puro satsat, walang aksyon! Kung pwede lang i-complete wipe out sila and let’s start from scratch!

  2. THIS! Hello Madma, silent lurker lang ako dito sa blog mo. Pero syempre, bilang self-proclaimed na biggest supporter ni Teddy, I just had to comment here. Hehe. Alam niyo ba na sa isang social media study na nagmamapa ng voting preference ng mga hashtags, ayon kay Maria Ressa, dadalawa lang talaga ang kampo ng pulitika sa Pilipinas ngayong 2013 — ang walang pinag-ibang LP/UNA sa isang panig, at syempre, si Teddy at ang MAKABAYAN sa kabila.

    Tunay talagang si Teddy lang ang tanging alternatibong kandidato natin ngayong eleksyon. Even other independents have linkages to other traditional political factions. Kaya kung magkakaroon rin lang talaga tayong lahat ng karelasyon, yung kalibre talaga dapat ni Teddy ang piliin! Hehe. Salamat dito and more power to you Madma!

    • Hello Leon.🙂 Grabe yung nagbabasa ka pala nito?! hahaha Touch naman ako! Ang saya nung nakakadalaw ka pa rin dito sa kabila ng ka-busyhan mo.🙂

      Itotodo natin ang suporta kay Teddy! Walang duda ‘yan. Tuluy-tuloy hanggang sa tagumpay! See you soon.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s