2013 Oscar Predictions ni Madma

Oscars-2013

Dear fans and followers,

At talaga namang ito na ang pinakaaabangang tagisan ng mga hollywood actors and actress sa 85th Academy Awards. It’s Oscars time again, bitches! At syempre bilang tinaguriang “Boses ng Masa,” marapat lamang na maglabas din ng prediction si Madma. Grabe ‘yung pinu-push ko ‘yung title na “Boses ng Masa” sa sarili ko.

First time kong magpa-involve sa Oscars season. Dati kasi dinedeadma ko lang ang mga films dito kasi nga wala namang horror film na sinasali. Alam n’yo namang horror lang ang alam kong genre before. Kapag walang nanakot sa akin or walang namatay na character within 15 minutes, ekis na sa akin ang film! O, ‘di ba ang harsh ko lang.🙂 Pero since nag-promise na akong magve-venture out ng genre, binigyan ko na rin ng chance ang LAHAT, take note LAHAT ng mga major entries sa Oscars. I really deserve a shout ouch for this! Wow.😉

Hindi ako binigo ng lahat ng mga films na kasali sa Oscars. GRABE! Iba’t ibang mga pasabog at putahe ang ino-offer nila. Kung may plano din kayong mag-venture out ng film genre like me, I strongly suggest na sa Oscar entries kayo magsimula. Soobrang gaganahan na kayo! Swear!

Anyway, so much for ngasngas, I’m now presenting my Oscars review and predictions for 2013. Woooh!

Paalala, ang mga opinion na nasasaad sa bawat sa post na ito ay sariling opinion lang ni Madma at hindi ng buong management. MANAGEMENT?!
_________________________________________
les_miserables_ver11
_________________________________________
Les Misérables (Hugh Jackman, Russell Crowe, Anne Hathaway, Amanda Seyfried)

Hindi naman ako binigo ni Director Tom Hooper sa version n’ya ng Les Misérables. Overall, nabigyan naman ng n’ya ng justice ang timeless and classic film na ito at masasabing sulit ang binayad kong P220. Nakakaloka ‘yung ang dami kong naramdamang emotion habang pinapanood ito sa sinehan! Kinilig ako, kinabahan, nasaktan, naiyak, nagalit, nairita, naloka haaaay this is crazy!!! Medyo nakakahiya nga sa mga katabi ko sa sinehan kasi masyado akong pa-involve. May pasigaw-sigaw pa ako. Shet. Baka inisipin tuloy nila baliw ako. SHOCKING!🙂 Hay naku, deadma na. Hindi naman sila mga pogi. Pampakapal lang sila ng population so keri lang. Chura.

Masasabing nadale pa rin ako ng film kahit na alam ko na ‘yung story n’ya, Tagos pa rin sa puso at puson! Kamusta naman ‘yung naiyak ako noong namatay si Fantine at nadurog ang puso ko sa unrequited love ni Eponine para kay Marius. Gosh. ‘Eh expected namang mamatay si Fantine at ire-reject si Eponine ni Marius, ‘di ba?! Kaloka! Wagas ‘yung emote ko sa scene ni Eponine habang kinakanta n’ya ang famous song na ‘On My Own’ ha. May ulan-ulan effect pa! Parang pelikula lang ni Sarah and John Lloyd. Very Pinoy ang peg ng scene na ‘yun.

Well, sobrang gandang material naman kasi ng Les Misérables so you can never go wrong with the story. May template na rin agad na susundin. May sigurong direksyon na agad na pupuntahan. Hindi ka na maliligaw. Magkakatalo na lang talaga sa treatment. And as a whole or asshole, maayos naman ‘yung atake ni Director Hooper. Nabo-bother lang ako sa singing parts ng ilang characters lalo na si Russell Crowe. Diyos ko, very nasal si Kuya! Sa ilong siya humuhugot ng notes! Parang si Ms. Zsa zsa Padilla ata ang nag-train sa kanya ‘eh. Nasisira ‘yung momentum ko every time na kumakanta si Ruselle. Parang boses ni Karylle ang naririnig ko. Ack. Sana naghubad na lang si Ruselle at nagpakita ng pwet. Mas ma-appreciate ko pa siya!

Hindi masyadong outstanding ang ‘musical’ part ng film. I think dun sila sumablay. The singing was just right. Hindi superb. Tamang kanta lang. Mairaos lang. Makanta lang. Sana hindi na lang nila ginawang musical since hindi naman nila mapapanindigan. Buti na lang super gaganda ng mga songs at alam ko na sila by heart kasi otherwise, lalayasan ko sila at magvi-videoke ako mag-isa. Baka mas mabigyan ko pa ng justice ‘yung mga songs sa labas. WOW. Sample naman!🙂

Commendable ang performance ni Ms. Anne Hathaway or Had A Way ha! Tumaas ang respeto ko sa kanya bilang artista. ‘Eh si Ricky Lo kaya tumaas rin ang respeto kay Anne? Char!🙂 I think we already talked about that.🙂 Ok din ang acting ni Hugh Jackman. Pasabog din! Ang pogi pa n’ya. SHET! Ang sarap n’ya. Kung asawa ko siya tang ina hindi na ako lalabas ng kwarto! Bahala na kayo sa buhay n’yo.
____________________________________________
Silver-Linings-Playbook-Poster
____________________________________________
Silver Linings Playbook (Bradley Cooper, Jennifer Lawrence, Robert De Niro, Jacki Weaver)

GRABE ang pelikulang ito! Tumataas ang BP ko sa stress!!! Shet. Hindi ako fan ng rom-com movies pero ibang klase ang Silver Linings Playbook. Mahusay ang pagkakagawa. Panalo ang pacing, very contemporary and very edgy. Swak sa banga, mga Ma’am!🙂

Ang daming beses pinasakit ng film na ito ang ulo ko dahil sa mga stressful, nonsense and agitating arguments ng character nina Bradley Cooper and Jennifer Lawrence. GRABE! Dilat na dilat ang mata ko all throughout the film kasi ang daming stressful at baliw-baliwan moments. Best na alternative sa kape ang Silver Linings Playbook. Gigisingin n’ya talaga ang dugo mo sa banas! Kung mahirap kayo at wala kayong kape, panoorin n’yo lang ‘to at ma-achib n’yo rin ang same effect. SWEAR!🙂 Pati siguro kape ay magising kapag napanood ‘to. WOW.🙂

Panalo ang direction ni Director David O. Russell kasi nagawa n’yang effective ang film. Talagang manunuot ‘yung story sa laman mo. Madadala ka talaga sa mga eksena. Pasabog din ang chemistry ni Bradley at Jennifer! Legit! Patalbugan sila sa kabaliwan. Dito mo mare-realize na mahirap pala talaga kapag pinagsama ang dalawang taong baliw. Mababaliw ka rin bilang audience.

Can I also just say na ang HOT ni Jennifer?! AS IN! Ang fierce ng mukha n’ya at ang ganda pa ng speaking voice. Kung lalaki lang ako, magiging crush ko siya nang todo. ‘Eh kaso hindi ‘eh kaya si Bradley ang bet na bet ko. Char!🙂
_______________________________________
Beasts-of-the-Southern-Wild
_______________________________________
Beasts of the Southern Wild (Quvenzhané Wallis, Dwight Henry, Levy Easterly, Lowell Landes)

Aaminin ko, wala akong masyadong na-gets sa film na ito kasi ang PROFOUND! Kaloka. Very Indie ang peg ng Beasts of the Southern Wild. Malalim ang gusto n’yang sabihin at sa sobrang lalim, nalunod na ako. Ang daming mga symbolisms ng film na ito na masasabing matatalino lang ‘yung makaka-gets. Apparently, hindi ako matalino, Diva lang ako.🙂 Kung sa Silver Linings Playbook ay dilat na dilat ang mata ko, dito naman ‘eh halos tungkuran ko na ng posporo ang pagitan ng mata ko para hindi ako makatulog. Pero in fairness to me, tinapos ko pa rin ha kahit ‘yung mga kasama ko ay nagsipagtulugan na. I think I deserve another shout ouch there so, SHOUT OUCH to me!🙂

Beasts of the Southern Wild is a coming-of-age film mix with magical surrealism and poetry. Hindi ko talaga ito genre! Gosh. Wala akong time sa masyadong profound na film. Lalong hindi ako magkaka-jowa kung ia-analyze ko pa nang todo ang pelikulang ito. Ibibigay ko na lang sa mga ‘experts’ ang pagju-judge dito. Most of the time kasi ay NGANGA lang ako so wala akong masyadong insights sa storya.

Ibibigay ko rin ang husay ng batang bida na si Quvenzhané Wallis. Alam n’yo bang siya ang youngest actress ever to receive a nomination for the Academy Award for Best Actress?! SHOCKING!🙂 Sa murang edad n’ya na 9 years old ay na-nominate na agad siya sa Oscars! *Clap, clap, clap. Pero kaya ring gampanan ni Ms. Jinky Oda ang role ni Quvenzhané kung bata-bata lang siya at nabigyan siya ng break. Kaso thunder na si Ate Jinky n’yo at pumuti na rin so ekis na siya sa role.

Basta panoorin n’yo na lang ang Beasts of the Southern Wild. Balitan n’yo na lang ako kung may na-gets kayo. Basta be sure na kumpleto ang tulog n’yo kapag sinalang n’yo ang film na ito ha. Galingan n’yo!
______________________________________
argo-poster1
______________________________________
Argo (Ben Affleck, Bryan Cranston, John Goodman, Alan Arkin)

Hindi rin matatawaran ang ganda at intensity ng Argo!!! Kinginaaaa. Ang galing ng pagkakagawa ni Director Ben Affleck sa film na ito! Bow ako! Panalo ang directing. Sooobraaaa.🙂 Ang ganda-ganda ng buildup at ang taas-taas ng intensity level. Ito ‘yung tipo ng pelikulang puputikin ka sa nerbyos at babaktulin ka sa kaba kapag pinanood mo. Kaya naman siguraduhing napahiran ng deodorant ang kili-kili n’yo bago kayo sumabak sa panood ng Argo. I-ensure n’yo na na-cover ang lahat ng area ha! Mahirap ng may makalusot na part. Shet.

Para akong nakasakay sa rollercoaster habang nanonood ng Argo. GRABE!!! Super ganda n’ya lalo na nung last 30 minutes. AY!!! Kakapit ka talaga sa upuan, Ma’am. Panalong-panalo. Kuhang-kuha ang Madma n’yo. Grabe ‘yung adrenaline rush na binigay ng Argo sa katawan ko. Feeling ko nga kaya kong buhatin ang ref namin at that time ‘eh. Ganung level!🙂 Bibilis talaga ang tibok ng puso mo sa mga nakakalokang eksena sa pelikula. Kaya medyo ingat lang ‘yung may mga heart-enlargement issue ha. Hindi ko masyadong nire-recommend ang Argo sa mga high blood kasi baka biglang pumutok bigla ang ugat n’yo sa batok habang nanonood. Sisihin n’yo pa ako!

Sayang nga lang at hindi ko ito napanood on big screen. Sa laptop ko lang ito napanood kasi akala ko chaka. Nai-imagine ko ‘yung eskandalong gagawin ko sa loob ng sinehan kung nagkataon! Shet. Highly recommended ang Argo. As in HIGHLY! I’m sure maga-agree sa akin ang mga nakapanood na. Ibang klase ang ganda. WAGAS! At ang pogi ni Ben Affleck ha. Ganda ng abs ni Kuya. Sarap dilaan. CHAROTH!😉
______________________________________________
DjangoUnchainedOfficialPosterPT
______________________________________________
Django Unchained (Jamie Foxx, Christoph Waltz, Leonardo DiCaprio, Kerry Washington, Samuel L. Jackson)

Ito na talaga ang rurok na patunay na nagve-venture out na ako sa film genres. Grabe ‘yung pinanood ko ang very panlalaking film na Django Unchained! Ansabeee?!🙂 Shout ouch naman kay Madma ulit!🙂 Bilang Diva, hindi talaga ako mahilig manood ng action film. Ang last ko pa yatang super action film na pinanood sa sinehan ay ‘yung kay Jet Li na ‘Once Upon a Time in China.’ Kasama ko pa Papa ko sa sinehan nomanood noon. Diyos ko! Bagets na bagets pa ako nung mga panahong ‘yun. Kaloka!

Nag-fiesta ang mata ko sa pagdanak ng dugo sa pelikula. Ibang klase talaga si Director Quentin Tarantino! Siya ang epitome ng salitang ‘ACTION.’ Binubuhay n’ya ang natitirang pagkakalalaki sa katawan ko!🙂 Patay kung patay. Dugo kung dugo. Bituka kung bituka. Utak kung utak. Ganyan! Hindi ka talaga n’ya titipirin sa pagka-gory ng pelikula. Shet! Siguraduhing n’yo lang na hindi kayo masyadong busog habang nanonod kasi baka masuka kayo. May mga eksena kasi talagang NAKAKALOKA!!!🙂

Panalo rin ang story ng Django Unchained. Magsasawa ang mga mata n’yo sa mga negro kasi about slavery ang theme. Gosh. Sobrang daming blacks sa film! Parang ang sarap magtinda ng ‘Likas Papaya’ soap o kaya ng ‘Glutathione.’ I think maghi-hit ang mga producktong ito kung naimbento na sila sa period na ‘yun. Baka magkaroon pa nga ng panic buying! Char.🙂 Medyo may kahabaan lang ang pelikula pero sulit naman kasi ang daming pasabog. Almost 3 hours din ang running time ng Django Unchained so kung byahe ito, nakarating ka na sa Batangas.🙂

Gustong-gusto ko pala ang soundtrack ng pelikulang ito. Super aliw! Nagulat ako pero pasok na pasok. Gusto ko rin ang acting nina Christoph Waltz at Leonardo DiCaprio. Ang taas ng level ng aktingan nila. Talagang kinarir ang kanilang mga characters. In fairness to Leonardo, pogi pa rin until now at super galing n’ya pa ring umarte. Walang kupas si Kuya! Intense actor. Level ni Marvin Agustin. Or.🙂
_______________________________________________
zero_dark_thirty_poster04_jessica_chastain
_______________________________________________
Zero Dark Thirty (Jessica Chastain, Joel Edgerton, Chris Pratt, Mark Strong)

Hindi rin papahuli ang sa mga pasabog at aksyon ang Zero Dark Thirty. GRABE!!! Ibang klaseng putahe rin ang film na ito. Super taas din ng intensity ng mga eksena and very compelling din ang storya. Sa mga hindi nakakaalam, ang Zero Dark Thirty ay pelikula about sa malakasang hunt ng US intelligence sa leader and founder ng al-Qaeda na si Osama bin Laden. Tingin ko, ang pinaka-interesting thing dito ‘eh ‘yung ‘Osama bin Laden’ element. Ito ‘yung pinakahatak ng pelikula. Kung hunt ito para sa ibang tao like let say kay Madam Auring or Mystica, feeling ko iba ‘yung effect nito sa akin. Grabe ‘yung may hunt for Mystica ha. Asan na ba kasi siya?! Parang kailangan na nga siyang hanapin! Name-miss ko na ‘yung pag-split n’ya ‘eh.😉

Overall, mataas naman ang suspense level ng film kahit wala ang ‘bin Laden’ element. Maayos ang pagkakagawa at panalo ang buildup. Very gripping talaga! Ang intense ‘nung last 30 minutes ng film kasi dito pinakita ‘yung detailed execution kung paano napatay si bin Laden sa isang cheapipay compound n’ya sa Pakistan. Soobrang bilis ng kabog ng dibdib ko sa bawat putok ng bala ng mga CIA officers kasi baka si bin Laden na ‘yung nadale. Alam n’yo ‘yung ganung feeling?!🙂 Ang galing-galing ni Director Kathryn Bigelow. Intense kung intense! Ang bilis ng circulation ng dugo ko habang nanonood. Shet. By the way, highly required din pala ang paggamit ng deodorant before watching it ha kasi alam n’yo na.🙂

Gusto ko rin ang very subtle yet powerful acting ni Jessica Chastain. Not my favorite actress among the Oscars nominees pero tama lang siya for the film. You really have to watch it para magka-idea kayo kung paano napatay si bin Laden. Alam kong gusto n’yo ring malaman kung paano siya namatay. Go na!
_______________________________________________
life-of-pi-1
_______________________________________________
Life of Pi (Suraj Sharma, Irrfan Khan, Adil Hussain, Tabu)

Ito ang perfect epitome ng literal na ‘Best Picture’ kasi nag-fiesta ang mata ko sa ganda ng cinematography and visuals ng Life of Pi. Talaga namang binigyan ng justice ni Director Ang Lee ang award-winning book na ito ni Yann Martel. Shet, tumataas na naman ang energy ko bigla kasi naalala ko ‘yung experience ko while watching it! I just loved everything about the film. As in everything!🙂

Gaya ng sinabi ko sa previously, maraming pagkakataon na sinasabi nating mas maganda ang book version kaysa sa film adaptation, ‘di ba?! Pero iba ang kaso sa pelikulang ito. Parehong maganda at pasabog ang book and film version! Yes, pwedeng ganun.🙂 Nabasa ko ang book version years ago at naipakita sa film ang mga bagay na na-imagine ko habang binabasa ang book version. Ganun ka ganda!😉

Best ng pagkakaganap ng bidang si Suraj Sharma sa character na Piscine Molitor “Pi” Patel. Kuhang-kuha ang tamanag tirada. Grabe. And ang nakakaloka is walang formal acting experience si Suraj bago siya sumalang sa Life of Pi. Sinamahan n’ya lang ‘yung kapatid n’ya mag-audition tapos siya na ‘yung nakuha. TANGINA! Lalo akong bumilib kay Suraj ‘nung nalaman ko ‘to. Ang dami kasing nire-require sa character ni Pi Patel sa film at talaga namang nabigay slash nalampasan pa ni Suraj ang lahat ng ito! Gosh. Sobrang kailangan n’yong mapanood ito, just in case hindi n’yo pa naa-avail. This is really a life-changing experience. AS IN!
_______________________________________
lincoln-poster_743x1100
_______________________________________
Lincoln (Daniel Day-Lewis, Sally Field, David Strathairn, Joseph Gordon-Levitt)

Taas ang kamay ko sa galing at husay ni Daniel Day-Lewis sa pagganap n’ya bilang Lincoln. BRAVO!!! Ang astig! Hindi ko naman kilala si President Abraham Lincoln personally pero parang feeling ko close na kame after watching it kasi na-portray nang todo ni Daniel ang character. Acting at its finest si Kuya. Hindi mo makikilala si Daniel kasi maliban sa prosthetics sa mukha n’ya, ibang-iba rin ang kilos, pananalita at nuances n’ya. Kung si Tyra Banks ay may “modelling from head to toe,” si Daniel naman ay may “acting from head to toe.” Grabe lang talaga! Dapat magpaturo si Ms. Kris Aquino kay Daniel kasi same-same lang lagi ang atake ni Kris sa LAHAT ng film n’ya ‘eh. Keyword: LAHAT! Laging kunot-noo school of acting si Madam. Kasora.
Mahusay ang take ni Director Steven Spielberg sa film. Daming winning moments! Nadala n’ya talaga ako sa period na dine-depict n’ya. Feeling ko nga paglabas ko ng bahay ‘eh negro na lahat ‘yung mga kapit-bahay namin. Ganung level. Nakakapraning! Compelling ‘yung story at hindi mo mamalayan na more than 2 hours pala ang running time ng pelikula. Magandang refresher film din ang Lincoln sa knowledge natin on slavery and ‘yung mga kaganapan sa Civil War sa USA noong 1861.Very interesting pala ‘yung period na ‘yun ha. Daming nagaganap. Mahihiya ang mga teleserye natin! Hindi kasi talaga ako mahilig sa history as person dati. Kasi ‘di ba nga, may kasabihan na “history repeats itself.” So, bakit ko pa aalamin ang nakaraan kung mauulit lang din naman. Or bakit ko pa papanoorin ang live telecast ng “The Walking Dead” kung pwede ko naman itong ulitin at my convenient time in the future by downloading it. Gets?! Mai-connect lang.🙂 Pero again dati ‘yun ha. Super love ko na ngayon ang history and current events.😉

This is definitely a must-see film. Huwag n’yo itong palampasin. Mapapatayo ka talaga sa dulo at mapapa-palakpak! Grabe. Ang gaganda ng mga eksena! Soobrang mahusay ang pelikula. Wala na akong ibang masabi kundi BOW. Clap, clap, clap with standing O!😉
_____________________________________________
With this, ito naman ang 2013 Oscar predictions ko for this year!

Best Picture: Lincoln
Best Actor in a Leading Role:Daniel Day-Lewis
Best Actress in a Leading Role: Jennifer Lawrence
Best Director: Life of Pi
Best Actor in a Supporting Role: Christoph Waltz
Best Actress in a Supporting Role: Anne Hathaway
Best Animated Feature Film: ParaNorman

Taray! O, ‘di ba kinarir?! Hindi ko pala napanood ang ‘Amour’ ni Michael Haneke. Kinapos na ako ng oras! Kaloka. Napanood ko rin ang mga mga films na nominated sa Best Animated Feature Film. GANDAAA!!!

So, ayan naman! Again, ang mga comments ko ay gabay lamang, meron kayong free will, gamitin n’yo ito.🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.impawards.com/2012/les_miserables_ver11.html; http://www.screencrush.com; http://www.liveforfilms.com; http://www.collider.com ; http://www.hitfix.com; http://www.lostinthemultiplex.com; http://www.filmofilia.com; http://www.insidemovies.ew.com)

P.S. Malugod ko kayong inaanyayahan sa pasabog na play ng The UP Repertory Company na pinamagatang ‘APUHAP: 13 in 1’ sa darating na March 2 & 4, 2013 | 3PM & 7PM
sa Aldaba Recital Hall, UP Diliman. For ticket inquiries, contact Gian 0917 546 1935.

Tara na!!!
___________________________________
UP Rep
___________________________________

6 thoughts on “2013 Oscar Predictions ni Madma

  1. Hi Madma! Anong oras na dyan? Hahaha!

    Unang-una, I’m so proud of you dahil hindi ka na nagpapakupota sa horror films. But don’t get me wrong, I love horror as well.

    I stil feel bad na hindi na-nominate si Ben Affleck sa directing category. Yun kasi yung bumuhay sa Argo eh. Hindi kasi yan kayang gawin ni Wenn Deramas at Bb. Joyce Bernal.

    Re: Best Picture, di ko mapredict kasi di ko naman napanood ang Lincoln at tinulugan ko ang Django at Beasts of the Southern Wild, because it’s so wild for me. Wuw. So sa mga napanood ko, best picture ang Argo, second best picture ang Les Miserables at third best picture ang Silver Linings Playbook. Wow may first, second at third? MMFF levels? Hahaha!

    Mishuu Madma!

    • Hello naman sa’yo, B. Ano nga ulit name mo? WOW. hahaha

      Sooobrang laking venture out ang ginawa ko ha! I think nasaksihan mo naman ang ilan sa mga moments na ito noong andito ka pa. Sniff! hahaha Gusto ko ‘yung may mga runner-ups ka. Lakas nga maka-MMFF! hahaha Sana talaga umangat naman ang quality ng pelikula natin! Tama na ang paggawa ng “basura.” Ayaoko mag-mention pero shout ouch sa Sisterakas. hahaha Grabe ‘yung jinadge ko ang film kahit ko pa napapanod. haha

      Miss you, B! Padala naman ng pera. GRABE! Pera lang oh.

  2. Wow 5 out of 7 ng hula mo nagkatotoo! Tuwang-tuwa ako sa movie review mo na to, dami kong tawa. Super agree ako sa Argo, sobrang taas ng tension ng movie na yan, muntik na yata akong atakihin sa puso hahaha…

    Kakapanood ko lang nung Les Miserables kahapon. Medyo inantok ako at nadisappoint ng bongga sa singing ni Crowe, monotone si kuya haha… Pero sobrang bilib ako kay Hugh, great acting at ang galing ding kumanta.

    The rest, I’ve yet to watch.

    • hahaha ang fierce nung 5 out of 7 ang nakuha kong tama sa Oscars ha! Aminin mo! haha Mas sa acting lang yung kaya kong i-judge ‘eh. Hindi ako magaling mag-judge sa technicals. Agree, best ng Argo! Grabe!!!

      Naku, bilang na ang araw ni Crowe sa industry. Kapag inulit n’ya pang kumanta, magpo-protesta na talaga ako. hahaha Overall, nice naman ang Les Mis.🙂

      Sama mapanood mo lahat! Super best ng experience kapag napanood mo lahat. Go na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s