Madma Reacts: Sabah Standoff

Dear fans and followers,

Hello everyone! Kamusta na kayo?! Ang titindi ng mga pasabog natin sa YTM last week ha, aminin n’yo ‘yan. Taas ng ratings natin!!! In fact sa sobrang taas, nag-peak tayo nang bongga last Sunday afternoon at nakuha natin ang 28th spot bilang most read and viewed blog in the Philippines under Personal category based sa topblogs.com. LAKAS!!! Tangina.😉 I think kaya na rin nating sabayan ang ratings ng teleserye ni Ms. Kim Chu na ‘Ina, Kapatid, Anak, Tiyuhin, Biyenan.’ Charoth.😉

Just so you know, mahirap ang labanan ng ratings sa blogging industry kaya huwag kayong masyadong umarte. Patayan talaga! Parang labanan lang ng ratings sa TV. Sa dami ba naman ng blogs nowadays! Diyos ko naman. Every week ang labanan ng mga blogs sa ranking. Very competitive talaga! Ang hirap ding sumabay lalo na sa kagaya kong may totoong full-time job. Gosh! Pero laban lang. Laban lang nang laban!🙂

Kaya naman WAGAS ang pasalamat ko sa lahat ng mga walang-sawang nagbabasa ng blog na ito. Salamat naman at sa dami ng mga babasahin ngayon sa internet ay may time pa kayong bisitahin si Madma at makinig sa mga ngasngas n’ya. Na-touch naman ako sa support n’yo, guys. Biruin n’yong nagbabasa pala kayo?! Group hug naman! ;)Hindi ko na tuloy masyadong nararamdaman na single ako kasi and’yan kayo lagi for me. WOW. Arte!

Anyway, MARAMING SALAMAT muli sa inyong tiwala at suporta. Lalo tuloy akong ginaganahang magsulat. Salamat, salamat, salamat talaga! Mas marami pa tayong pasabog sa mga susunod na araw. Asahan n’yong itotodo pa natin ang laban. TARAY!

I love you all.🙂
________________________________________________
Jamalul-Kiram
________________________________________________
Gusto ko palang pag-usapan natin ang iringan ng Malaysian government at ng pwersa ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III about sa ownership ng Sabah. Super init kasing issue ito ngayon kaya bilang tinaguriang ‘Boses ng Masa,’ marapat lamang na ilabas ko ang ngasngas ko about it. Dapat kasi talaga ay payuhan portion tayo today. Pero I decided na bukas na lang pasabugin ang featured letter natin to give way to this very timely subject. Shout ouch naman sa pagiging relevant ni Madma! Ang pa-involve ko na rin talaga sa mga national issues ha.🙂

Anyway, usong-uso na naman lately ang agawan ng teritory! Super scary talaga. Kung dati ay asawa at jowa lang ang karaniwang pinag-aagawan, ngayon, pati ang mga lupain at teritoryo ay pinagdidiskitahan na naman. Ang mga tao nga naman oh. PASAWAY! Siguro mabuting i-check n’yo rin kung kayo pa rin ba ang may-ari ng puso ng asawa or jowa n’yo. Baka maloka kayo at IBA na pala ang may-ari n’yan. SHOCKING!🙂

Isang classic example na nga ng agawan ay ang walang kamatayan at ang nagbabalik na issue sa tunay na may-ari ng Sabah. Very plot sa teleserye ang peg nito. Kanino nga ba ang Sabah?! ‘Yan ang million dollar question ngayon. Sa totoo lang, ang tunay na may-ari ng Sabah ay si Lord. Alam n’yong siya ang may-ari ng lahat! So, ano pang issue bale?! Charoth lang, beybe!

O, eto, para hindi kayo ma-lost sa issue, ichi-chika ko muna sa inyo quickly ang background ng iringang ito. Flashback muna tayo sa simula ng lahat para mas madaling maintindihan. Mahalaga kasing malaman natin ang simula ng storya para mas madaling makagawa ng opinyon at kuru-kuro. Kumbaga sa fairy tale, mag-start tayo sa classic line na “once upon a time.” GAME!😉

Noong unang panahon, wala pang Sabah. Lakatan pa lang at tsaka Latundan ang mayroon. Then isang araw, biglang may umusbong na tila kakaibang klase ng prutas sa isang ‘di kalayuang kakahuyan. Medyo mataba ang prutas na ito, bilugan at kulay brown. Hindi ito titi, ok?!🙂 One time, may isang Ale na dumaan sa area na ‘yun tapos nakita n’ya ang naturang prutas. Kinuha n’ya ito, binalatan at tinikman. While eating, biglang napasigaw ang Ale, “Shit. Ang sarap naman nitong prutas na ito! Grabe. Nakakaulol! Para siyang… para siyang…para siyang… Sabah!” At ito nga ang ‘Alamat ng Saging na Sabah.’ CHAROTH! Ano baaaaaa. Ang corny!🙂

Serious na nga. GAME!
_________________________________________________
IMAGE_FEB222013_UNTV-News_Google-Maps_SABAH
_________________________________________________
Base sa aking mga nakalap na data, ang Sabah (North Borneo) pala ay pag-aari na ng Sultan ng Sulu noon pang 1704. Ang lupain na ito ay iniregalo ng Sultan ng Brunei sa Sultan ng Sulu bilang pasasalamat nito sa tulong na ibinigay ng Sultan ng Sulu sa pagpuksa sa malakasang rebellion sa Brunei at that time. Ang bongga magregalo ng Sultan ng Brunei no?! Hiyang-hiya si Ms. Sharon Cuneta. Kukunin ko talaga siyang Ninong sa kasal kung buhay na ako noon. Ok na sa akin na regaluhan n’ya ako ng sampung poging lalaki. SHET! Feeling ko sisiw lang sa kanya ang simpleng request na ito. Kahit gawin ko pang twenty, kering-keri!

Noong 1878 naman, pumasok sa isang ‘lease agreement’ ang Sultan ng Sulu with British nationals na sina Gustavus Baron de Overbeck and Alfred Dent. Ayon sa agreement, ang mga British nationals na nabanggit ay pinayagang mag-occupy sa Sabah kapalit ng pagsu-supply nila ng armas sa Sultan. Kaaway kasi ng Sultan ang mga Spaniards during that period. Ang mga armas na sinu-supply ng mga British nationals ay ginagamit ng Sultan laban sa Spaniards. Hindi pinapang-raffle ang mga armas ha! Hindi ito level ng show ni Willie Revillame.

Maliban sa pagsu-supply ng armas, required din na magbayad ang mga British nationals ng 5,000 Malaysian ringgits annual rental based on the Mexican dollar’s value at that time or its equivalent in gold. So, dalawa ang components ng agreement– ang pagsusupply ng armas at pagbabayad ng annual rental. Maayos naman ang naging kalakaran ng usapan. More bayad ang dalawang Briton, more kubra ang Sultan. Naging swabe naman ang kalakaran. Maliwanag din palang nakasaad sa agreement na ang rights ng Sabah ay hindi pwedeng i-transfer to any other nation or anyone else without the Sulu Sultan’s express consent. Klaro pala ‘yan!

After some years, pinasa at binenta na nila Gustavus Baron de Overbeck and Alfred Den ang kontrata ng pag-renta sa Sabah sa British Empire. Ang British Empire na ang nagpatuloy ng pag-occupy sa Sabah. Out na sa story sina Overbeck at Den. Kumbaga sa teleserye, pinatay na ang characters nila sa puntong ito.🙂

Noong 1946, after 86 years since the lease agreement was inked, tuluyan nang inangkin ng British Empire ang Sabah. Hindi lang inangkin ha, pinamigay pa nila ito sa isa sa mga colonies nila. To quote one of my sources, “the British Empire included Sabah in the Federation of Malaysia when it granted independence to its colony in 1963.” O, di ba nakakaloka?! Umupa lang tapos biglang sa kanila na tapos pinamigay pa! LUPET! Lakas maka-gago no?! Try ko kayang gawin ito sa landlady namin, Ewan ko lang kung hindi n’ya ako kalbuhin!

Kaya naman dahil sa nakapa-cheap na agawang ito, nanghingi ng saklolo ang Sultan ng Sulu sa Philippine Government. In 1962, the Sultan of Sulu entered into an agreement with the Government of the Philippines para ipagpatuloy ang laban sa pagbawi sa Sabah sa International Court of Justice. Naganap ang ang agreement na ito noong time ni Presidency Diosdado Macapagal. So in essence, ang Philippine government dapat ang TAGAPAGTANGGOL ng Sultan ng Sulu. ‘Yan pala ang usapan.
___________________________________________________
home-affairs-minister2
___________________________________________________
So ngayong present time, ANO NG NANGYARI?! Bakit nagka-leche leche na?! Historically, ang Sultan pala talaga ng Sulu ang may-ari ng Sabah. SA PILIPINAS ANG SABAH. Nasa kamay ni Sultan Kiram ang lahat ng dokumento at ebidensya na magpapatunay sa claim na ito. So, anong inaarte-arte ng Malaysia?! Grabe ‘yung sila pa ang may ere! Duh. Konting HIYA naman ‘d’yan. Alam kong alam n’yong hindi talaga sa inyo ang lugar na ‘yan so ‘wag na kayong magmaang-maangan. Napapalibutan na namin kayo. Char.😉

Until now pala ay tuloy ang pagbabayad ng Malaysia ng renta sa heirs ng Sultan ng Sulu. Sabi sa chika, ang Malaysian Embassy ay nagbabayad pa rin ng annual rent amounting to USD1,500 per year bilang kabayaran sa paggamit sa Sabah. Hindi ka naman magbabayad ng renta kung hindi mo ina-acknolwedge na may-ari ‘yung pinagbabayaran mo, ‘di ba?! Ang simple nito, PLES! Kahit elementary student mage-gets na ‘to agad. Hindi nila pwedeng gamitin ang argument na ang Sabah ay binigay sa kanila ng British Government kasi in the first place, hindi naman sa mga Briton ang Sabah. Walang namang naganap na bentahan ng Sabah sa pagitan ng Sultan ng Sulu at ng British Empire! Gosh. Irita.😦 Sa toong buhay, hindi mo pwedeng ipamigay sa iba ang bagay na hindi sa’yo! Ano ba. Expound ko pa ba ‘to?! Mismong ilang mga Malaysian observers na nga ang nagsasabing sa Pilipinas ang Sabah ‘eh. PAPALAG PA BA?!

Hindi ko rin masisisi ang ginawang paglusob ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram III last February 9, 2013 sa Lahad Datu sa Sabah. After all, sa kanila naman pala ang lupaing ito. Sila ‘yung inaagawan. Sila ‘yung ninakawan. Sila ang BIKTIMA. Ang sad lang ‘nung parang pinagtatabuyan sila sa sarili nilang pag-aari. Isipin mo, ikaw ‘yung landlady at ang LEGAL na may-ari ng isang apartment tapos noong pumunta ka sa property mo ay pinagtabuyan ka na lang ng mga umuupa sa’yo. POTA! Asan naman ang sense nito?!
_________________________________________________
philippines_malaysia_sabah
_________________________________________________
At ang worst part is, ang ating mahal na pangulo na si PNoy na inaasahan nilang kakampi sa kanilang laban ay pumabor pa sa Malaysians. SHOCKING! Malaysians ba ang nagluklok sa kanya?! Last time I checked, HINDI! Gosh.😦 Ang sakit ‘nun sa part ni Sultan Kiram ha. Para silang inabandona ng sarili nilang ama. Para silang pinagkanuno ng sarili nilang kasangga. Para silang iniwan ng kanilang pamilya sa gitna ng isang matinding labanan. Sila na nga ‘yung nasa TAMA, sila pa ‘yung iniipit, sila pa ‘yung tinatakot at pinagbabantaan, sila pa ang pinapalabas na masama ng gobyernong dapat sama ay KAALYADO NILA. GRABE!!!

Actually, hindi naman pala dapat aabot sa ganito ang galit ni Sultan Kiram at hindi na sana magiging magulo ang lahat kung pinansin at binasa ni PNoy ang letter ni Sultan Kiram requesting for a consultation on peace talks. Last 2010 pa pala pinadala ng Sultan ang nasabing letter sa Malacañan, ilang linggo matapos manalo si PNoy as President. In fairness to Sultan Kiram, gumawa siya ng initiative para mabuksan ulit ang usapan re: peace process sa Mindanao including the issue on Sabah. Pero anong naganap? Hindi nabasa ni PNoy ang nasabing letter! To quote PNoy, “let me say to Sultan Jamalul Kiram III: I have just been made aware that a letter to me, from you, was sent through the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process in the very first weeks of my term, when we were organizing the government. Unfortunately, this letter was lost in the bureaucratic maze.” NAWALA naman pala ang letter. Ok. NOTED!

Overall, ang duwag ni PNoy at ng kanyang administration sa kasong ito. Para sabihin n’yang “hopeless cause” ang laban sa ownership ng Sabah ay patunay lang na wala siyang balak i-push ang pag-claim nasabing lupain. Kung wala naman pala siyang balak protektahan ang mga ari-arian natin, ‘eh ‘di ipa-raffle n’ya lang ang lahat ng lupain ng Pilipinas para mas happy! Ako na magho-host para mas bongga! Gosh. NAKAKALOKA.😦

Don’t get me wrong ha, hindi ako pabor sa kaguluhan at hindi ko ina-advocate na gerahin natin ang Malaysia. I’m all for peaceful resolution and all. Ang akin lang is dapat mabuhay ulit ang malakas na call natin sa ownership ng Sabah na matagal nang natengga! Ito naman kasi ang ultimate long-term call sa issue na ito ‘eh. Whether may nagtulak kina Sultan Kiram para gawin ang paglusob or wala, the fact still remains na may issue sa ownership ng Sabah at kailangan itong ma-resolve ASAP! Wow. Urgent?!🙂 Pero based sa mga turn of events ngayon, mukhang walang malinaw na plano si PNoy about it. Ang concern lang n’ya is mapaalis ang grupo ni Sultan Kiram sa Sabah, which is very short-term na pagtingin. Wala man lang siyang statement of assurance na itutuloy ang laban hanggang sa mabawi natin ang Sabah and matuldukan na finally ang issue na ito. My God! Wala man lang ganun!

Ang sad ‘nung hindi natin kayang ipagtanggol ang mga bagay na pag-aari natin. Nakakagalit ‘yung fact na hindi natin kayang i-defend ang ating teritoryo. Kung sinu-sino na lang ang umaangkin sa mga lupain natin. Kung sinu-sino na lang ang nambu-bully sa atin. Kaya naman, huwag na kayong magulat kung bukas makalawa ay ibang bansa na ang may-ari bigla ng Manila at Makati. Huwag na kayong magulat kung paggising n’yo ay China or Malaysia na bigla ang may-ari ng Palawan, Cebu at Bacolod. I think mabuting mag-start na tayong mag-aral ng Chinese at Malay para worst comes worst, maka-survive pa rin tayo sa anumang pagbabago. GRABE!!!

Haaay… nasa-sad ako. Sana ay pagmuni-munihan n’yo rin ito.😦

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://www.interaksyon.com/article/55753/mel-sta-maria–sabah-is-ours–we-should-claim-it; http://www.epilipinas.com/sabahclaim.htm; http://opinion.inquirer.net/47591/not-a-very-good-idea#disqus_thread; http://www.freemalaysiatoday.com/category/opinion/2013/02/22/to-whom-does-sabah-belong/; http://www.interaksyon.com/article/55861/kiram-letter-seeking-consultation-on-peace-talks-lost-in-the-maze—aquino; http://en.wikipedia.org/wiki/Jamalul_Kiram_III)

(Photo credits: http://www.globalnation.inquirer.net, http://www.scmp.com, http://www.verafiles.org, thepinoyweekly.com, http://www.untvweb.com, http://www.globalgrind.com; http://www.dinmerican.wordpress.com )

P.S. Gusto ko palang i-share na super aliw na aliw ako sa bagong single ni Ms. Mariah Carey titled ‘Almost Home’ na soundtrack ng upcoming Disney film na ‘Oz The Great & Powerful.’ Ang cool ng melody ng song. Very upbeat. Very Mariah! Masasabing talagang magandang comeback ito para sa idol kong Diva na si Mariah.

Pakinggan n’yo naman! Medyo mataas nga lang ng konti ang pitch so good luck na lang sa mga ka-boses ni Ms. Jessa Zaragosa and Ms. Jaya.🙂
______________________________________________

_______________________________________________
P.P.S. Sa lahat ng gusto lumiham kay Madma, ipadala lang ito sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali! Huwag mahiya. Promise, sasagot ako.🙂

10 thoughts on “Madma Reacts: Sabah Standoff

  1. I must admit, ngayon lang ako naliwanagan ng husto about this issue. So yun pala ang history ng nakakalokang agawan na ito. Nakakalungkot ngang isipin na ang sobrang kulang sa effort (or zero effort) ang government natin when it comes to this issue. Kumbaga sa legal wife, wa keber kung inaagaw na sa kanya ang husband nya ng ibang babae! Nakakaloka at nakakadisappoint talaga! FYI I didn’t vote for PNoy. It’s times like these na nari-realize kong tama naman ang choice ko.

  2. Hay naku Madma, nalungkot talaga ako nung nakita ko na lang sa balita nung isang araw na mismong Philippine Navy pa ang sumusundo sa Sultan.😦 Lamoyun? Palaban din kasi ako eh… at pinaka-ayoko yung warla-mode ka na tapos yung mismong mga pinaglalaban at kakampi mo, sasabihan ka na: “Ay tama na yan. Wag ka na mag-effort. Di worth it ang cause mo.”

    Heart. Breaaaaaaaaaaaaaaaak. Talaga yun. Nakakainis magkaron ng mga lider na walang conviction at nang-iiwan ng tao.

  3. AMEN TO THAT! hindi naman giyera ang gusto natin, like some people seem to think. ang gusto natin pansinin sila ng gobyerno. nakakahiya talaga huhu. Sana makagawa tayo ng paraan para iparating sa pangulo na nasa likod tayo ng mga Muslim brothers natin sa paglaban.

    • Sana nga talaga. No to gyera naman talaga ang peg natin. Wala lang kasing matinong stand ‘tong si PNoy kaya nagkakaleche-leche na ang situation ngayon. Haaaaay.😦

  4. Wow thanks madma, ngayon ko lang naintindihan nang maigi ang issue. Alam ko namang hindi sila pumunta dun kasi bet lang nilang pumunta. Ikaw na talaga! Hahaha.

    Pero honestly, hindi na rin ako surprised na kebs lang kay PNot ang lahat. Tapos sabi nga ng isang pahayag from the sultan, wala daw dapat nagugutom/nahihirapan na Muslim sa mindanao ngayon kung ibalik lang yung Sabah. Take note malaki kasi ang kita ng lupaing ito. Hay…

    • Hello naman Advojunior.🙂 Happy ako at may napulot ka rin sa post ko. Worth it din ang research ko ha. hahaha Sana matapos na ang gulo sa Sabah. And ultimately, sana magising na ‘tong si PNoy na i-reclaim ang lupaing ito kasi atin talaga ito! Kaloka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s