May putok si boyfriend!

sweaty-man-body-odor
____________________________________________________
Hello Madma,

Ano po ba dapat gawin kapag may putok sa kilikili ang boyfriend? Sasabihin mo ba sa kanya o titiisin mo na lang para di siya ma-offend? Marami kasing sports si boyfriend at medyo active siya kaya madalas siya pawisan. Minsan nagpaparinig naman ako sa kanya na may amoy siya kaya lang hindi n’ya naman sineseryoso. Ano ba magandang gawin?

Bago pa lang kame mag-on kaya medyo alangan din ako kausapin siya about this. Naging boyfriend ko siya nito lang January. Masaya naman kame Madma in general. Ito lang talaga ang major problem ko sa kanya sa ngayon. What to do?

You fan,

Dianne
______________________________________________
Dear Dianne,

Naku po, ito na naman tayo sa usaping hygiene. SHOCKING ka, Dianne!!! Paano lumampas sa ligawan stage ang bagay na ito ng hindi mo naa-address?! 😦 Ibang klase rin ang tibay ng ilong mo ha. Saludo ako sa sikmura mo, ‘Te! Hindi ko alam na may mga sikmura pala talagang gawa sa bakal. Shet. 🙂 Muntik na akong mawalan ng gana sa merienda ko dahil sa story mo. Ang sarap pa naman sana nitong puto galing Biñan. Tinatamad na tuloy ako kumain kasi nai-imagine ko ngayon ang pawisan at umaalingasaw na kilikili ng boyfriend mo. Waaaah! Ang appetizing, right? But I like your story ha. 🙂 Nangangabog! Lumelevel sa issue ni Ms. Kris Aquino.

I want to say sorry pala for the very late reply. Your e-mail was dated February 28, 2013 tapos ngayon lang ako nakasagot. So ibig sabihin, na-extend pa lalo pa ang pagtitiis mo! Shet. 😦 Buhay ka pa ba, Dianne? Please say yes! Maggu-guilty ako nang bongga kung pumanaw ka na dahil sa nakakasulasok na amoy ng kilikili ni jowa. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa pagiging pabayang blogger kapag nagkataon! 😦 Sana naman ay humihinga ka pa until now para mabasa itong response ko. Guys, hug naman natin si Dianne. Ang bigat ng problema n’ya ‘eh. Literal na life and death situation! 🙂

Anyway, alam mo kung anong stand ko sa mga may putok. Alam mong hindi ko pinapatawad ang mga taong nagtataglay ng mabahong amoy sa katawan. Masyadong maiksi ang mundo para magtiis sa mga ganitong bagay. Masyadong maraming problema ang mundo para isama pa ito. Lumaban ka, Dianne! SABIHIN MO ‘TO SA BOYFRIEND MO! Parang awa mo na. Ibalato mo na ‘to sa akin. Awang-awa na ako sa ilong mo. Baka tuluyan nang masira ang pang-amoy mo at malito ka na sa pagkakaiba ng amoy ng tae sa menudo. Baka tuluyang nang bumigay ang ilong mo at hindi mo na ma-distinguish ang difference ng totoong kanin sa kaning-baboy. PLEASE, DIANNE. Huwag ka ng magdalawang-isip pa! Kausapin mo na si boyfriend habang may oras pa. NOW NA!

Matanong ko lang, paano kayo kapag nagse-sex? Paano ‘yung foreplay part? Naku-curious lang ako. 😉 So bale iki-kiss mo siya sa lips and leeg tapos jump agad sa pusod at titi? Nilalampasan mo lang lagi ang balikat to kilikili part? Ganun ba? 🙂 Or baka naman pikit-mata mong dinidilaan ang leeg n’ya patungo sa arm pit n’ya. NO WAY, Dianne!!! PLEASE! Konting respeto naman sa sarili. Konting angat naman sa pagkababae. Hindi mo ito kailangang gawin!

May suggestion ako na simple experiment for you. Try mo kumain sa isang masarap na restaurant tonight. Kainin mo ‘yung pinakamahal at pinakamasarap nilang menu. Namnamin mong mabuti ‘yung pagkain. Kapag tapos ka mag-dinner, i-meet mo si boyfriend. Yayain mo siya mag-sex. Tapos papakin mo ang kilikili n’ya. Dilaan mo nang todo-todo like there’s no tomorrow. Tiyak ko, makikita mo ‘yung pagkakaiba ng masarap na pagkain sa mabahong kilikili. Hopefully through this ay makukuha mo ‘yung POINT KO! 🙂 Minsan kasi kailangan talagang malagay sa extreme situations para makita ang difference ng dalawang bagay. Paki-try ‘to Dianne ha. Seryoso!

Huwag kang matakot na kausapin si boyfriend re: this issue. I-raise mo na ‘to sa kanya habang kilikili n’ya pa lang ang mabaho at hindi pa kasama ang batok at nipples. Umiinit ang ulo ko! Paki-text nga siya ngayon. Ito ang sabihin mo, “Hello ____ (insert name of your boyfriend). Gusto ko palang sabihin na may putok ka. Huwag kang tumawa. Seryoso ‘to, Baby. Kahit amuyin mo pa.” That’s it! That simple. Dali na. Let me know kung wala kang load. Papasahan kita. 😉

Take it from Madma, walang ibang sagot sa issue mo kundi ang maayos na pakikipag-usap kay jowa. Bilang girlfriend n’ya, tungkulin mong pangalagaan ang image n’ya. Tungkulin mo ring alalayan siya sa mga bagay na hindi n’ya nakikita or naamoy for that matter. Pwede kasing immune na si boyfriend sa putok n’ya kaya hindi n’ya na ito napapansin. At bilang karelasyon, dapat lang na tulungan mo siya sa bagay na ito. Usap lang ang katapat n’yan. Promise! 🙂

Galingan mo, girl. Umaasa akong malulutas mo na ito tonight. Yes, tonight agad! Huwag ka ng pumalag. Baka bukas hindi na lang kilikili ang mabaho sa kanya. NOT LIKEY! Go, Dianne. Kaya mo ‘yan. 😉

Salamat sa matapang na pagbabahagi ng storya mo. 😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.urbasm.com)

P.S. May nguynguy ka ba?! Pwes, ipadala na ‘yan kay Madma! Mag-email lang kayo sa yourstrulymad@gmail.com. GAME! Pag-usapan natin ‘yan dito.

P.P.S. Muli, inaanyayahn ko kayong sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Sa darating na April 29, 2013, ini-invite ko ang lahat na mag-blog, mag-tweet o ‘di kaya ay mag-post about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang! Ito na ang chance para magamit n’yo ang Facebook, Twitter or blog account n’yo sa isang mas pasabog na paraan. 🙂 TARA NA!

Dear-PH-Header2

For more details, click this post: Si Madma at ang ‘Dear PH’
_____________________________________________

Advertisements

Si Madma at ang ‘Dear PH’

Dear fans and followers,

Hello everyone! Ang best ng week na ito bilang 3 days lang ang pasok. SHET! Ready na ba kayo sa long vacation?! Excited na ako magpahingaaaaa. 🙂 By the way, when I say “pahinga,” I don’t mean “mamatay” ha. SHOCKING ‘yan! Tamang pahinga lang ‘yung magigising pa rin naman. Mabuti na ‘yung malinaw kasi baka malito si Lord at maging iba ‘yung interpretation n’ya. Gosh. 🙂

Anyway, I just want to make an announcement.
___________________________________________________
DearPH
___________________________________________________
Isa pala si Madma sa mga pasabog conveners ng bonggang-bonggang voter’s education campaign na ‘Dear PH.’ Yes, kasali talaga ang Diva! Shout ouch naman sa pagiging relevant ang YTM! 🙂 Huwag kayong malito ha. Iba ang ‘Dear PH’ sa ‘PH Care’. Hindi ito brand ng panlinis ng pepe. Hindi ako naga-advertise ng product! Please. Charoth. 😉

ANO NGA BA ANG DEAR PH?

Para sa inyong kaalaman, ang ‘Dear PH’ ay isang open letter campaign initiative ng Vote Report PH na naglalayong iparinig sa buong mundo ang sentimyento ng mga Filipino voters especially ng mga Pinoy netizens. Ang taray, ‘di ba? Ito na talaga ang tamang panahon para mangalampag! Ito na ang tamang avenue para mag-ingay! Ito na ang chance para marinig! THIS IS IT! Let’s do this. 🙂

Gaya nga ng sinabi ko, gagawin ko ang lahat para makiaalam sa darating na eleksyon at para masigurong mga KARAPAT-DAPAT na kandidato lamang ang manalo sa posisyon. Hindi na talaga ako makakapayag na maluklok na naman ang walang kwentang tao para mamahala sa bansang ito! Tangina. Kaya naman, gusto kong gamitin ang YTM para maging tulay para mahikayat kayong maging bahagi rin ng ‘Dear PH.’

Sobrang excited ako ‘Dear PH’ kasi magandang kampanya ito ngayong panahon ng eleksyon. Napaka-relevant n’ya talaga. ‘Di hamak naman na MAS RELEVANT ito kaysa sa Kris Aquino-James Yap and Heart Evangelista-Francis ‘Chiz’ Escudero issue. PLEASE LANG! Tigilan ako ha. LAHAT pwedeng sumali sa ‘Dear PH.’ Walang kagastos-gastos, walang ka-effort effort!

ANO BA ANG GAGAWIN?

Very simple lang! Mas simple pa sa sex. Char. 🙂 Sa darating na April 29, 2013, inaanyayahan ko ang lahat na mag-blog, mag-tweet o ‘di kaya ay mag-post about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang! AARTE PA? Huwag kayong mag-alala, walang catch ‘to sa dulo. Hindi kukunin ang kidney n’yo rito. Walang hidden charges ‘to. Ganun lang talaga siya ka-simple. Huwag kayong praning. 🙂

Ito na ang chance para magamit n’yo ang Facebook, Twitter or blog n’yo sa pasabog na paraan!

Mag-iingay tayo nang todo sa April 29, 2013. Ipaparinig natin ang ating boses!!! Markahan n’yo na ang araw na ‘yan ha. Medyo matagal pa naman so may time pa kayo para makapaghanda nang bongga! Pwede pa kayong magpa-kulot ng hair o ‘di ay magpa-manicure para super pasabog n’yo sa April 29. 🙂

O, eto ang sample tweets para ‘di kayo malito. Parang nalilito kayo ‘eh. Grabe parang ang hina n’yo. Charot. 🙂
______________________________________________________
Best-Tweets-1024x731
______________________________________________________
SUPER DALI LANG, right?!

Sali na kayo, mga fans! Markahan n’yo na ang April 29, 2013 bilang ‘Dear PH’ day natin. Sama-sama nating ipagsigawan ang lahat ng mga hopes and aspirations natin sa parating na eleksyon para naman tablan ‘yung mga kandidatong tumatakbo lang para mangurakot sa bayan. Gosh. Ayoko na mag-mention ng specific names ng mga trapong politiko ha. Baka mapaaway na naman ako. Holy Week ngayon so wala akong time d’yan. Next week na lang. 🙂

CALLING ALL BLOGGERS

Tinatawagan ko rin ang kapwa ko bloggers na sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Maging convener din kayo para best! Dali naaaaa! 🙂

Para sa karagdagang kaalaman, inaanyayahan ko kayong bisitahin ang website ng ‘Dear PH.’ Here is the link: http://www.dear.ph/
____________________________________________
Dear-PH-Header2
____________________________________________
GO NA! Attack na. Andy’an na lahat ng information about this campaign. Excited na ako!!!

Maging maalam. Makialam.

Yours Truly,

Madma

P.S. Bukas ang pasabog na payuhan natin! Abangan n’yo ang nakakalokang storya natin. 🙂

FOCUS!!!

Dear fans and followers,

Hindi ko mapigilang mag-blog tonight kasi naloloka ako sa mga nagaganap. I just want to say these things bago ako matulog. Mas sasarap ang tulog ko kapag nasabi ko ang mga ito so hayaan n’yo na ako.

Masyadong naha-hype ang Kris-James and Heart-Chiz conflict. Nalilihis na naman tayo sa mga MAS IMPORTANTENG issues sa bansa! FOCUS!!! Hindi naman maso-solve ng pagre-resign ni Kris sa TV ang issue sa Sabah. Hindi naman mababago ang problema sa education system kung magbati si Chiz at Heart. Huwag na tayong magpadala sa mga ganyang antics. Nagawa na ‘yan. Personal nilang mga problema ‘yan. Hayaan n’yo silang lutasin ‘yan sa sarili nilang paraan. Matatalino silang tao. Mayayaman sila. May pambayad sila ng mga bigating abogado. Nasa kanila na lahat ng element para ma-solve ang sarili nilang problema so HAYAAN NA NATIN SILA.

Ang weird lang na kapag nasa ligawan stage ang mga artista, sooobrang secretive nila sa personal na buhay nila. Ang damot nila sa detalye. Walang mga pag-aming nagaganap. Puro pa-ratings. Puro smile lang. Puro pahaging lang. Puro pa-mystery. Pero kapag nagkaroon na sila ng major conflict, tsaka sila ngangawngaw sa publiko. Nakakaloka! Hindi ba’t ngayon mas kailangan ang “pananahimik” nila kasi mas lalong gumugulo ang sitwasyon kapag salita pa sila nang salita?! Hindi ba’t ngayon sila kailangang lumayo sa publiko kasi mas malulutas ang problemang hinaharap nila kung hindi na nila ito papalakihin pa?! Gosh.

Don’t get me wrong ha. I feel for Kris and everything she’s going through right now. I also feel for Heart’s parents at sa effect nito sa relationship n’ya kay Chiz. Mga tao rin naman sila after all. Pero masyadong personal na ang mga ito para ibalandra nila sa mukha ng publiko lalo na sa mga panahon ngayon na maraming mas importanteng issues. Masyadong personal ang mga ito kumpara sa sandamakmak na national issues na kinakaharap ng bansa at ng mundo ngayon. Konting sensitivity naman sana. Konting preno naman!

Naiirita ako sa media! Iritang-irita. Wagas na naman ang coverage na binibigay nila sa mga show biz issues na ito. GRABE! Sooobrang cheap. Hindi ko kinaya na headline kanina ng The Philippine Star ang Kris-James conflict. SERYOSO BA KAYO?! Tapos ngayon, lahat ng TV stations, FB feeds at twitter post, sila na rin ang laman. Nalalansi na naman ang mga tao. Nawawala na naman sa focus.

I would like to say this again: FOCUS!!! Manatili tayong focus sa mga isyung mas nangangailangan ng ating pagbabantay. Manatili tayong tutok sa mga kaganapang mas nangangailangan ng ating atensyon at pagsisiyasat. Napakabilis ma-distract ng mga tao ngayon. Napakabilis ng attention span ng mga Pilipino. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit ang daming “unfinished business” sa bansang ito. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming mga isyung hindi matulduk-tuldukan. Guys, FOCUS!!!

Sana bukas paggising ko, bumalik na tayo sa TOTOONG laban natin. Sana bukas pagmulat ng mata ko, sama-sama na naman tayong nagbabantay sa latest developments sa mas mahahalagang kaganapan sa bansa. Matatapos din ang problema nila Kris at James. Magkakaayos din si Chiz at ang pamilya ni Heart. Babalik din sa TV si Kris. Matatapos lahat ‘yan! Maniwala kayo! Huwag natin sila masyadong problemahin. Kaya na nila ‘yan. Mas kailangan tayo ng bayan. Mas kailangan tayo ng mga ordinaryong mamamayan na walang pera at hindi maipagtanggol ang sarili nila kasi wala silang kakayanan. Mas kailangan tayo ng mga taong patuloy na naaapi at nakakaranas ng pang-aabuso ng lipunan. Mas kailangan nila tayo!

Sana ay pag-isipan n’yo rin ang mga sinabi ko bago kayo matulog.

Isang magandang gabi sa inyong lahat.

Yours Truly,

Madma

Madma, masakit ang ulo!

Dear fans and followers,

Sooobrang sakit ng ulo ko ngayon kaya wala munang post. 😦 Hindi ko talaga kaya ‘eh. Parang binibiyak ang utak ko. Kaya ito na lang muna ang treat ko. Haaaay. 😦 Nagkataon din namang masakit ang ulo ng idol kong si Ms. Regine Velasquez. Grabe sabay din talaga sumakit ang ulo namin ha. Ganun yata talaga kapag super fan, nahahawa sa idol. 🙂

madam and reg
__________________________________________

I love you all.

Bawi na lang ako bukas.

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.facebook.com/#!/photo.php?fbid=10152166240882137&set=pb.67546862136.-2207520000.1363851628&type=3&theater)

P.S. Grabe ‘yung sumakit din ang ulo ni Baby Nate! Tatlo na tuloy kameng may headache. SHOCKING! 😦 Kaya ingat kayo, guys. Uso sakit lately.

baby madma reg
__________________________________________
Special thanks sa aking ‘Tol na si Eshei Mesina. Grabe ‘yung sinuportahan mo rin talaga ‘yung ka-cheapan ko ha. 🙂 Salamat sa pag-edit ng photos! 🙂 Beach volley na ‘to.
__________________________________________
Congrats nga pala sa successful ng ‘Foursome: The Repeat.’ Balita ko ay jampacked daw ang venue! Shet. Iba talaga ang hatak ni idol Regine. Hindi ako nakanood kasi nga nag-Bora ako, ‘di ba? Sorry ha? WOW. 🙂

Since hindi tayo nakanood, ito na lang ang excerpt sa naganap na concert. This is Regine with her version of the Broadway song ‘I Dreamed a Dream.’ GRABE! Iba rin ang atake ni Ate!

Shet!!! Galeng ni Ate Reg. Kaloka. 🙂 Kaya naman, excited na ako sa next concert n’ya this year titled ‘Regine At The Theater.’ Waaaaaaah. Papanoorin ko ‘to for sure, with or without a jowa. Lampake.

(Video source: http://www.youtube.com/watch?v=rFJfE05ziZY)
___________________________________________
Para naman fair, ipo-post ko rin ang version ni Ms. Lea Salonga. Ayan ha. Fair ang laban! Ang galing din naman ni Ms. Lea. Keri. 🙂

Kayo na lang ang mag-decide kung kaninong version ang mas best. Basta alam n’yo na kung kanino ang boto ko. hahaha 🙂

(Video source: http://www.youtube.com/watch?v=F6PYtxZXjoA)

__________________________________________

UP Naming Mahal

Dear fans and followers.

HELLO NAMAN!

OMG! Sobrang tagal din bago ako nakapag-post ulit. Sorry naman sa inyo. Kakauwi ko lang kasi from Boracay ‘eh. Ok lang ba?! May jet lag pa nga ako’eh. Haaaay. Shet ‘di ko pa pala naa-adjust ‘yung relos ko to Philippine time. WOW!!! 🙂

Medyo rumampa lang ang Diva sa Bora para naman magka-tan line. Nakakayaman din kasi ang medyo namumula-mula ang balat, right? Tsaka ang sarap din mag-sight see ‘dun. Shet. Busog na busog ang mata ko sa pagdanak ng mga pasabog hotties. Kanin na lang talaga ang bibitbitin mo kasi nagkalat ang mga “ulam.” 😉 Umuulan ng ang mga sexy bodies!!! Muscle kung muscle! Abs kung abs! Swimsuit kung swimsuit! Gosh. Naparaming mga nakabilad na katawan sa paligid. Hiyang-hiya ang mga daing! Pwede mo silang maapakan kung hindi ka tumitingin-tingin.

Super dami rin pa lang mga poging foreigners ha. AS IN! Or ASS IN! Puro foreigners na nga ‘eh. Parang sa kanila na ‘yung Bora. Kaloka. Buti na lang mga pogi sila. Ang daming kamukha ni Papa Jesus or ‘yung mga kabilang sa tinatawag na ‘Immaculate Beauties.’ Ang sarap nila, guys! 🙂 Talagang ‘mapapaluhod’ at ‘mapapanganga’ ka na lang bigla kapag nasilawayan ang kapogian nila. Ganung level! Ibang experience talaga ‘yung makakita ng pogi ‘no? Very life changing! 🙂 On the other hand, ibang experience din naman ‘yung makakita ng panget. Medyo nerve-wracking naman ‘yun. CHAROTH.
________________________________________________________
231009_BnMainFea
________________________________________________________
Anyway, habol muna ako sa isang major national issue na talagang malapit sa puso ko– ang suicide case ng UP Manila student na si Ms. Kristel Tejada. SOOOBRANG SHOCKING ng news na ito. Tanginaaaa. 😦 Nadurog ang puso ko ‘nung nabasa ko ang pangyayaring ito. GRABE! Biglang tumigil ang ikot ng mundo ko all of a sudden at biglang nag-flashback ang sarili kong struggles ‘nung ako ay nag-aaral pa sa UP. Hindi ko mapigilang maiyak sa sinapit ni Kristel. Hindi ko mapigilang magalit sa ating bulok na gobyerno at sa baluktot na sistema nito. Hindi ko mapigilang murahin ang pamatansang nagpalaki at naghubog sa akin. And I would like to say this again for the record– FUCK YOU, UP!!!

Hindi ko makakalimutan ang mismong araw na sapilitang ipinatupad ni Former UP President Ermerlinda Roman at ng buong UP Board of Regents ang 300% tuition fee increase sa buong UP system noong December 2006, apat na buwan bago ako grumadweyt. Kasagsagan noon ng celebration ng Lantern Parade at kasalukuyan akong rumarampa kasama ang mga orgmates ko sa The UP Repertory Company. Kung hindi ako nagkakamali, Gothic ‘yata ang theme namin kaya naka-aura costume ang Madma n’yo that time kasi kasama kami sa actual parade. Syempre, kinarir ko ang costume ko kasi last parade ko na ‘yun as a student. Ang huling rampa ni Madma ang peg! Nakapa-festive ng eksena noon kasi nga Lantern Parade. Super saya ng atmosphere at jampacked talaga ang buong campus. Lahat ay busy at hindi magkandaugaga sa pag-sight see sa mga pasabog na lanterns.

Pero sa ‘di kalayuan, particularly sa College of Law building, may isang meeting pa lang dinaraos ang UP Board of Regents regarding sa tuition fee increase. At habang ang lahat ay abala sa Lantern Parade, ginamit naman ng Board of Regents ang pagkakataong ito para ipasa ang 300% tuition fee increase, from P300 to P1,000 per unit! Ansabe?! Kaya naman ‘nung i-announce ng UP Student Council (USC) ang update na ito sa gitna ng parade, talagang takbo agad kameng lahat sa College of Law building para harangan at i-corner ang mga Board of Regents at para sabunin sila sa karumal-dumal na krimeng ginawa nila sa mga mag-aaral. Talagang lumipad ako and my orgmates kasama ang libu-libong students papuntang College of Law para barikadahan ang venue ng meeting nila. Ibang adrenaline rush ang na-feel ko noong narinig ko ang historical announcement ng USC na pormal ng itataas ang tuition fee ng UP starting SY 2007-2008. GRABE TALAGA! Tumayo ang balahibo ko. Magkahalong galit, lungkot, inis at panlulumo ang na-feel ko at that time. Naloka ako nang todo! Hindi ko kinaya! Pumasok agad sa isip ko ang sasapitin ng mga susunod na mga iskolar na bayan na mag-aaral sa UP! PAANO NA SILA ngayong ginto na ang presyo ng UP?! 😦

Siguro nga malas talaga kame ‘nung moment na ‘yun kasi nakatakas ang Board of Regents kasama si President Roman. Hindi na namin sila naabutan. O, ‘di ba lakas maka-eksena sa teleserye?! Tumakas talaga sila literally na parang mga kriminal! Sumibat agad ang mga lecheng officials na ‘yan right after maipasa nila ang tuition fee increase. Sobrang kupal lang talaga! Hindi sila patas kung lumaban. Siguro hindi na nila nagawang mag-CR pa sa pagmamadali para makatakas sa galit ng mga studyante! Leche. Pasalamat sila at hindi namin sila naabutan kasi talagang lintik lang ang walang ganti! Kakalbuhin talaga namin sila isa-isa lalo na ‘tong si President Roman na sobrang kapal ng buhok! Pasalamat talaga sila at pumanig sa kanila ang kapalaran at hinayan silang makatakas ng pagkakataon. Shet.
_____________________________________________
oble
_____________________________________________
Masakit mang aminin, pero naisahan kame. Nanalo ang mga demonyong officials ng UP. Natalo kame sa laban. Kaya naman doble-dobleng galit at lungkot ang naramdaman namin. Maraming umiyak. Maraming natulala. Maraming napanganga sa kaganapang ito. Naiyak din talaga ako sa aming pagkatalo. Ayoko pa naman ng natatalo bilang isang competitive na tao! Alam n’yong hindi magandang feeling ang talunan, ‘di ba?! Parang nagdilim bigla ang kapaligiran dahil dito. Bumigat ang pakiramdam ng mga tao. Napuno ng luha bigla ang buong campus na dapat sana ay nagsasaya ‘nung mga panahong ‘yun. Para talaga siyang isang masamang bangungot. 😦

Nakaramdam ako ng hiya sa puntong ‘yun kasi sa batch namin naganap ang tuition fee increase. Sa panahon namin nangyari ang krimeng ito. Kame ang supposedly ‘tagapagbantay’ ng mga pahanong ‘yun. Pero natalo kame. Nahihiya ako sa magigiting na alumni ng UP kasi natalo kame. Parang gusto ko na lang maglaho bigla that time kasi wala na akong mukhang ihaharap sa mga UP alumni. Halu-halong emotion na talaga ang nasa puso ko–galit, lungkot, hiya, pag-aalala etc. HAAAAYYY… Kaya naman sa puntong ito, gusto kong mag-sorry sa pagkatalo namin noong 2006. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng guilt sa pagkamatay ni Kristel. Kung sana’y naipanalo namin ang laban noon, hindi na sana kinailangang danasin ni Kristel ang mala-impyernong buhay sa UP ngayon. Patawad… 😦
____________________________________________________
up-kristel1
____________________________________________________
Tuluyan na ngang nagbago ang mukha UP simula noon. Dumami na ang kutis mayaman sa campus kasi sila na lang ang nakakaabot ng presyo ng tuition sa UP. Napansin kong parami nang parami ang naka-dental braces every time na dumadalaw ako sa UP. Parang kabuti lang na nagsusulputan ang mga braces sa bibig nila. Nagkikinangan ang mga ngipin ng mga UP students ngayon. Gosh! Ang dating mga vacant parking lots ay puno na ngayon ng kotse kasi marami ng UP students ang may car. Naglipana na rin ang laptop sa paligid at may pagaagawan na ng electric sockets sa campus kasi ang ratio ng student at laptop is 1:1 na. Noong panahon namin, ang ratio ay 10-15 students per 1 laptop. Yes, ganun ang eksena noon kasi mahihirap talaga kameng tunay at wala kameng pera pambili ng laptop. Wala nga kameng pambayad ng tuition ‘eh, laptop pa?! Sobrang nag-iba talaga ang demographics ng UP. Na-dominate na talaga ang campus ng mayayaman. Ang dami ng nage-English at marami na ring sosyal. Kahit sa CR, iihi lang, nage-English pa. SHOCKING!!! Sa totoo lang, minsan kapag nadadalaw ako sa UP, nakakaramdam na ako ng pagkalito. Minsan hindi ko na sure kung nasa tamang campus ba ako. Para kasing nasa Ateneo na ako or De La Salle. Ibang level talaga. Nakaka-miss makita ‘yung mga kutis mahirap sa campus. Nakaka-miss makausap ang mga probinsyanong gusgusin pero matatalino at pogi. Nakaka-miss ang dating demographics ng UP. 😦

Don’t get me wrong ha. Hindi ako against na makapasok ang mayayaman sa UP. Kung deserving naman talaga sila, why not! Hindi naman nila kasalanan kung mayaman na sila ‘nung pinanganak sila, ‘di ba?! Aarte pa ba sila kung may nakalaan na agad na kotse para sa kanila pagkasilang pa lang nila?! Ang pino-point ko lang is hindi na fair ang labanan ngayon. Hindi na equal ang opportunities. Talo na agad ang mahihirap yet deserving students. Paano ba naman kasi kakayanin ng isang student na may tatlong kapatid ang tuition fee na almost P30,000 per sem kung ang parent n’ya ay isang magsasaka, janitor, tindera or mangingisda lamang? Sige nga, PAANO?! And let me remind you, totoong may mga magsasaka, janitor, tindera at mangingisda sa Pilipinas until now kaya totoong problema ang pino-post ko sa inyo ha. Hindi mga kathang-isip ang mga trabahong ‘yan kaya huwag kayong umarte. When I was a student, P300/unit pa lang so roughly P5,000 ang total amount ng tuition ko per sem. Believe it or not, ginagapang ko pa ‘yan. AS IN! Nag-aavail pa ako ng Student Loan every sem. Tapos working student pa ako. Tangina. Kaya nga hindi ako magka-jowa nung college kasi ang busy-busy ko! Kulang na lang ibenta ko ang kidney ko para maka-graduate. Leche.

Huwag n’yo akong paandaran na maraming scholarships sa UP dahil sa totoo lang, KONTI lang sila. At huwag n’yo ring ipagmalaki itong infamous Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP). Can I just say na SOBRANG chaka ng STFAP like crazy?! RUROK ang kachakahan! Nakakasuka talaga sa pagkabulok. Hindi ko gets ang gusto nila. Nag-apply ako d’yan before and I just don’t get it AT ALL! Kapag nalaman lang nila na may electric fan ka sa bahay or kaya may TV ka kahit black & white, laglag ka na! Wala ka na! Kinginang ‘yan. Sino ba ine-expect nilang maga-apply sa STFAP? Mga kambing? Mga aso? Gosh. Hindi makatao ang policy ng STFAP. Parang ayaw talaga nilang tumulong. Grabe.

At hindi pa ‘yan ha, sooobrang kapal at busisi ng STFAP form ha. Tatamarin ka talagang mag-fill out. Pipigain ka talaga hanggat magdecide ka na lang na hindi na mag-apply. Itatanong sa’yo ‘dun lahat ng appliance na meron kayo, model, year acquired, amount etc. Kaloka! Kulang na lang itanong pati name ng lahat ng kapit-bahay mo pati age and date of birth nila. Sobrang pain in the ass! On top of that, kung anu-ano pang documents ang hihingin sa’yo kaya talagang mapapagastos ka rin. Kaya ka nga nag-apply sa STFAP kasi mahirap ka, ‘di ba? Tapos kung anu-anong documents ang hihingin sa’yo kaya ang ending gagastos ka rin nang bongga para masatisfy lahat ng requirements. Shet. Sobrang CHAKAAAAAAAA!!!
__________________________________________________
UP
__________________________________________________
Socialized tuition is NOT and will NEVER be a good thing. Hindi kailangang bayaran ng mayayamang studyante ang tuition fee ng mahihirap na studyante. PLEASE! Tigilan ako. Sobrang chaka ng scheme na ‘to. Ang gobyerno dapat ang nagpo-pondo sa mga State Universities and Colleges (SUCs). Kaya nga STATE, ‘di ba? Sana tawagin na lang RICH-subsidized Universities and Colleges (RUCs) kung mayayamang pamilya rin lang ang susuporta sa pag-aaral ng mahihirap na students. Huwag tayong makalimot, guys! Focus!!! In the grand scheme of things, TUNGKULIN ng gobyerno na pag-aralin ang mamamayan nito and huwag natin silang hayaang abandonahin ang OBLIGASYON na ito pamamagitan ng socialized tuition at kung anu-ano pang mga ka-cheapang scheme. Kayo naman oh, ang dali n’yong malito! FOCUS!!! Sa totoong buhay, hindi ba’t parents naman talaga ang sumasagot sa pag-aaral ng anak kasi responsibility nila ito? Tingin n’yo ba, tama na basta na lang ipapasa ang responsibilidad na ito sa mayaman n’yong kapitbahay or kamag-anak?! Isipin n’yo ‘yan!

Ultimately, naniniwala pa rin ako na dapat igiit sa pamahalaan ang malaking budget sa education. Nandito pa rin ang panig ko! Technically kasi, ang “parent” nating lahat ay ang gobyerno so dapat sa kanya tayo nanghihingi ng pera para sa pag-aralin tayo sampu ng ating mga kapatid. Hindi ako naniniwalang walang pera ang gobyerno. Hindi ko talaga bibilhin ang dramang ‘yan. Nasaan na ang pinagmamalaking GDP growth ng Pilipinas na 6.6 percent?! MARAMING PERA ANG GOBYERNO! Maraming pera ang “parents” natin. Ayaw lang talaga nitong maglaan ng budget para sa education. Ang keyword: AYAW!!!

Sa mga nagsasabing ok lang ang socialized tuition kasi naniniwala kayong WALANG pera ang gobyerno, inaanyayahan ko kayong mag-comment sa post na ito. Paliwanagan n’yo ako. Kumbinsihin n’yo akong WALA talagang pera ang pamahalaan kaya tama lang na gumawa ng kung anu-anong scheme para pataasin ang budget ng education. GAME!

Nalulungkot talaga ako sa patuloy na paglala ng kalagayan ng UP. Sumasakit ang puso ko sa fact na patuloy na nabababoy at nalilihis ng landas ang UP dahil sa pagtalikod ng pamahalaan sa tungkulin nito. Kaya sana talaga, maging makahulugan ang pagkamatay ni Kristel. Sana magising ang mga UP officials na tila nabubulagan na rin. Sana tablan naman ang PNoy administration sa kalunus-lunos na sinapit ng isang studyanteng nangarap lang naman na makapag-aral pero pinagkaitan ng pagkakaton.

FIGHT FOR GREATER STATE SUBSIDY!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.pssstcentro.com; http://www.exist.com; http://www.remate.ph)

P.S. Shout ouch naman sa mga kasama ko sa Boracay! I love PEERS!

PEERS
_______________________________________________

Hindi na talaga papaawat ang pagdating ng summer. Wooooh! Kayo ba? Saan ang summer aura n’yo?! Don’t tell me sa banyo lang! NO WAY! Konting flaunt naman ng body. Ito na ang best time na ibalandra ang katawan. Super saglit lang ng summer so i-avail n’yo na. Nasaan na ‘yung mga nag-undergo ng ‘Balik Alindog Program?’ Nasaan na ‘yung mga nag-jogging, nag-diet at nag-gym since January 2013? Patingin na kame ng resulta! We need results! Grabe ‘yung puro ngasngas lang kayo ha. 🙂

Shout ouch din kay Boracay Diva herself Kristina Kiddie Galeria! Grabe ‘yung nagkita tayo ha. Love it! Ingat ka lagi sa Boracay. Ikaw na ang reyna d’yan. 🙂

Kiddie
______________________________________________
And lastly, HAPPY BIRTHDAY to Ms. Vanessa Nepomuceno-Richardson. I love you, ganda! Alam mo na ‘to. ‘Yan ha, TAMA na ang greetings ko! 🙂 See you soon. 🙂

Van
_______________________________________________

‘Nakakatuyo’ ang Sobrang ‘Dilig’

View+of+feet+of+couple+having+sex+in+bed
________________________________________
Hello Madma,

I super love you blog. As in araw-araw ako nakatambay dito. Mas inuuna ko pa ngang i-check ang blog mo kaysa sa work email ko. 🙂 Ikaw na talaga Madma! At gusto ko rin yung pakikialam mo sa mga national issues ha. Panalo ka talaga! All around ang blog mo.

Anyway, gusto ko lang himingi ng payo sa inyo. Ang hilig kasi sa sex ng jowa ko. As in grabe ang libog n’ya. Ibang klase po! Hindi na po ako makasabay sa kanya. Gusto n’ya everyday nagse-sex kame. At gusto n’ya pa more than once a day ha. Grabe po talaga. 😦 Mahal ko naman ang jowa ko at masasabi kong hot din siya. May abs n’ya siya eh kasi madalas siya mag-gym. Anong say mo Madma! Pero nakakapagod lang talaga ang mga trip n’ya. Minsan nga napipilitan na lang ako kasi gustong-gusto n’ya talaga ang sex. Haaaay… ewan ko.

Payo naman oh. I don’t know what to do anymore.

-Taurus

P.S. Pareho po kameng lalaki ni jowa at bottom ako.
_______________________________________________
Dear Taurus,

NAKAKALOKA KA, Taurus! Ikaw na ang sagana at laging nadidiligan! Pota ka. 🙂 Ang lilibog n’yo naman. Maligo nga kayo ng tubig na may holy water para maalis ‘yang kati n’yo sa katawan! Ang dudumi n’yo! Char. 🙂 Salamat naman sa pagtambay sa YTM. Ang taray ‘nung inuuna mo pang i-check ang post ko kaysa sa work email mo ha! Nakaka-touch ka naman! Patira nga. JOKE! 🙂 Happy rin ako at nagustuhan mo ang pagsawsaw ko sa mga national issues. Alam mo naman ako, sawsawera at pa-involve nang bongga. Kailangan rin kasi nating mag-evolve as a blog at makisabay sa pagbabago ng panahon para hindi tayo off. But don’t worry, HINDI mawawala ang payuhan portion natin! Promise ‘yan. 🙂 Sisiguraduhin kong may tamang balance ang fun, substance and relevance sa YTM. Keri? Keri!

Alam mo, gets ko ‘yung feeling na nauumay ka na sa sex. Not because sagana rin ako sa sex ha! What I’m saying is, gets ko lang ‘yung state na ‘nauumay.’ Lahat naman kasi talaga ng SOBRA ay masama. Ang sinaing kapag sobra sa tubig nagiging malata. Ang tao pinuputok kapag pinawisan nang todo. At ang condom ay nabubutas kapag binayo mo nang wagas sa bading na bottom. CHAR!!! Ano ba! 🙂 Physically tiring din kasi ang sex kapag sobrang dalas. Nakakatuyo din ‘yan. Ang weird pala ‘nung ‘natutuyo’ ka kapag sobrang ‘nadidiligan.’ 🙂 Baka mamaya magulat ka at dugo na ang lumabas sa ‘jun-jun’ mo kasi tuyong-tuyo na pala talaga ang pwerta mo. PWERTA?! Babae?! 🙂 At tsaka ang hirap ding magtutuwad sa part mo ha. I feel for you. 😦 I’m sure lahat na ng klase ng pagbukaka ay nagawa mo na by now. Send ka naman ng picture na nakabukaka para makita namin ‘yung galing mo. CHARENG! Pero kung totohanin mo talagang mag-send, go lang rin. 🙂

Well, wala namang ibang sagot sa problema mo kundi kausapin nang bongga si jowa regarding this issue. Ikaw na ang nagsabi, mahal mo siya so dapat n’yo itong i-workout through an open communication. 🙂 Kausapin mo siya. Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo. Wala namang hindi nalulutas sa maayos na usapan, ‘di ba?! Mag-propose ka ng mga ‘alternatives’ para hindi naman siya mapahiya. Like pwedeng i-schedule n’yo na sa calendar ang sex n’yo para hindi ka na nabibigla at para na rin makapag-ready ka physically and emotionally. Tapos suggest mo na lang sa jowa mo na mag-jakol na lang sa ibang araw na naglilibog pa rin siya. Ganun. Parang ang straight forward masyado ‘nung word na ‘jakol.’ 🙂 O kaya naman, ito suggest lang ha, ibibigay ko sa’yo ang number ko para kapag pagod ka, text mo lang ako para ako ang magre-represent sa’yo sa kama. Walang malisya ‘to. Swear. Parang tulong ko na lang ‘to sa’yo bilang friend. WOW!!! Soobrang WOW!!! 🙂

Importante din pala ang CONSISTENCY. Kapag ayaw mo makipag-sex, sabihin mong ayaw mo. Panindigan mo. Gawin mo. Ipakita mo. Ganun lang. Baka sinasabi mong ayaw mo makipag-sex pero ang suot mo namang brief ay thong para sexy and ready sa lagi aksyon. Baka naman sinasabi mong ayaw mo pero parati kang nakahubad sa apartment n’yo. Or baka naman sinasabi mong ayaw mo makipag-sex pero kung makahiga ka naman at makabukaka ay kabog na kabog ang gagamba. ‘Wag ganun. 🙂 Consistent ka dapat sa mga kilos mo, Ma’am. Malilito si jowa kapag magulo ang signals na pinapakita mo. Umayos ka!

Tsaka ano pala, pwede ring may ‘satyriasis’ si jowa or abnormal, excessive, often uncontrollable sexual desire and behavior. O, ‘di ba nag-research pa talaga ako for you! 🙂 Kapag ganito, sa doctor na kayo kumunsulta. Hindi na ‘to keri ng powers ko. Pwede kasing tingin natin ang behavior ni jowa sa isang medical perspective. Malay mo, medical condition nga pala ito. At least mabibigyan siya ng payo ng mga eksperto.

Take it from Madma, pag-usapan n’yo na ‘to sa lalong madaling panahon. Huwag mong hayaang ilagay ko sa kamay ko ang batas! Chos. 🙂 Mag-jowa naman kayo you have all the advantage para maayos ang sitwasyon. Huwag ka nang mahiya or matakot na sabihin ang feelings mo. Believe me, magiging ok din ang lahat. 🙂 Mas lalong maging malala ang sitwasyon kapag patuloy mo lang na kinimkim ang mga ito. Go na, Taurus. Talk to him. Kapag hindi talaga kaya, sige, isasakripisyo ko na lang ang virginity ko para masalba ka lang sa problema mo. WOW!!! 🙂

Wish you all the best!

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.mirror.co.uk)

P.S. Patuloy lang na ipdala ang ng inyong mga nguynguy at ngasngas sa yourstrulymadma@gmail.com. Gosh, ang dami kong backlog! Pero hayaan n’yo, ife-feature ko lahat ‘yan sa YTM. Kalma lang kayo! Amo?! Charoth! 🙂

Madma Reacts: Cynthia Villar vs. Nurses, Willie-Ethel Feud and Sabah Standoff

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyong lahat! Kamusta naman ang life? Ang tagal kong hindi nakapag-post ha. Sorry naman. Babawi ako nang todo today. Game! 😉

Sooobrang daming nagaganap ngayon sa Pilipinas. GRABE! Nafi-feel n’yo rin ba?! Kaliwa’t kanan ang mga pasabog araw-araw. NAKAKALOKA! Napakaingay ngayon ng social media sa pinaghalu-halong mga issues and controversies from all walks of life. And’yan ‘yung lumalalang Sabah standoff, mga nakakalokang election-related news, issue sa Tubbataha, issue ng DSWD versus Typhoon Pablo survivors, issue sa tumataas na HIV cases, etc. Take note, national political news pa lang ‘yan, hindi pa kasama d’yan ang Willie Revillame-Ethel Booba-Ate Gay feud, ang Cacai Bautista and Mario Maurer “relationship,” ang pagpapaiksi ng buhok ni BB. Gandanghari, ang awayan ni Ai ai Delas Alas and her jow, ang isyung tomboy daw si Yeng Constantino etc. GOSH! Wala pa rito ang world news ha gaya ng pagkamatay ni Venezuelan President Hugo Chávez, ang gyera sa Syria, Egypt and Libya etc. Ang dami!!! Kingina. Isang araw ka lang na hindi makapag-check ng Twitter or Facebook, lost ka na agad sa mga happenings!

Ibang level na rin talaga ang nagawang pagbabago ng social media sa buhay natin ‘no?! Mas lalong mabilis ang dating ng mga balita kaya mas bumibilis din ang pacing ng buhay natin today. Ang saya, saya! Kaya challenge talaga ang magcatch-up ngayon sa mga balita. Kaya nga ba’t mas tumataas lalo ang chance na hindi na ako magkaka-jowa. Oh no! 😦 Busy ako lagi sa kakakeep-up sa mga kaganapan sa bansa at sa mundo. Nawawalan na tuloy ako ng time maghanap ng jowa. Nagre-ready na nga akong maging matandang dalaga ‘eh. DALAGA?! BABAE?! Char. 😉

Anyway, gusto ko palang mag-react muna sa ilan sa hot issues ngayon. Hahabol muna ako! GAME! 🙂
___________________________________________________
Rep. Cynthia Villar versus Nursing Profession

Naging mainit na usapan din ang naging pahayag Rep. Cynthia Villar about sa nursing profession sa isang show sa GMA News TV. Talagang nag-fiesta ang balitang ito sa feeds ko sa FB and sa Twitter! SHOCKING! Pero bago ang comment ko, panoorin muna natin ang actual statement ni Ms. Villar para ma-refresh tayo.
___________________________________________________

___________________________________________________
ANO DAW?! Nakakaloka naman ‘tong si Ms. Villar. Hind ko kinaya!!! Napanganga ako sa statement n’ya. Muntik nang matanggal ang pasta sa ngipin ko sa panliliit n’ya sa nursing profession. MY GOD! Kaya naman pala abot-langit ang galit ng mga nurses kay Rep. Villar ‘eh. Totoo namang nakakainit ng dugo ang mga sinabi ni Ma’am. Ako ngang hindi nurse ay na-offend after hearing it ‘eh, what more pa kaya ‘yung mga totoong nurse na nagpa-practice ng kanilang profession. Gosh.

Hindi biro ang maging isang nurse. BUHAY ang hawak nila at wala ng mas delikadong trabaho sa mundo kaysa sa mga profession na humahawak ng buhay ng tao! Final ‘yan! Para sabihin na “hindi naman kailangan maging ganun kagaling” sa nursing profession ay parang ka-level na rin ng pagsasabing mamatay na lang lahat ng may sakit sa hospital! Nakakaloka ka Mrs. Villar! Sakit mo sa panga!

Ako nga never nangarap maging nurse kasi ibang tapang ng loob ang kailangan sa profession na ito. Hindi ko kayang mag-injection, mag-process ng dugo, mag-alaga ng may malulubhang sakit at mag-assist sa isang major operation. Hindi ko kaya! Matapang ako as a person pero hindi ko tinataglay ang required level ng tapang para maging isang nurse. Kaya mataas ang tingin ko sa mga nurse kasi hindi ko kaya ang kanilang ginagawa. Kung ako magnu-nurse, baka mauna pa akong mahimatay sa mga inooperahan. Baka magtitili lang ako habang nag-assist sa panganganak ng isang buntis. Baka maloka lang ako habang nagtutuli ng mga batang lalaki! For sure, eeksena lang ako sa hospital kapag naging nurse ako so ‘wag na lang. 🙂

Hindi ko bibilhin ‘yung palusot na kinapos sa oras si Mrs. Villar kaya hindi siya nakapagpaliwanang nang mabuti sa show. Excuse me! I’ve heard enough and ok na ‘yun. Maliwanag naman ‘yung pino-point n’ya. Kung gusto n’ya pang magpaliwanang further, sa pinakamalapit na barangay or presinto na lang siya magpunta! At hindi rin ako natutuwa sa pagkontra n’ya sa pagpapasara sa ilang nursing schools lalo na ‘yung mga schools na hindi naman nakakapag-produce ng board passers. Maliwanag na mas concerned si Mrs. Villar sa pagkalugi ng mga negosyanteng may-ari ng mga chakang private nursing schools na ito kaysa sa paghigpitan sila para maitaas ang quality ng nursing education sa bansa. Sa businessmen naman pala kampi si Mrs. Villar. Oo nga pala, businesswoman din si Madam. Nakalimutan ko. Alam na!

Well, never naman ako natuwa kay Rep. Villar bilang kandidato. Hindi ko na siya bet sa unang araw pa lang ng paglabas ng pangalan n’ya bilang isa sa mga senatorial candidates. Pinatunayan n’ya lang lalo na tama ang desisyon kong huwag siyang iboto. 🙂 Dahil d’yan, isinama ko na siya sa final list ko ng mga kandidatong HINDI ko iboboto EVER along with Nancy Binay, Jamby Madrigal, Bam Aquino, Grace Poe, Loren Legarda, Tingting Cojuangco, JV Ejercito, Jack Enrile, Ernesto Maceda and Risa Hontiveros. So far, kay Mr. Teodoro Casiño lang lahat ng boto ko! Wow. Akala mo naman marami ‘yung boto ko. 🙂 Inaaral ko pa ‘yung pakulo ‘nung ibang candidates so balikan ko na lang kayo kung iboboto ko sila or not.

Good luck na lang sa pagkapanalo mo, Rep. Villar. Medyo career suicide rin ‘tong ginawa mo. Ikaw na mismo ang nagpabagsak sa sarili mong kandidatura. Taray! 🙂 Yes, nag-apolgize ka na pero gaya nga ng sabi ng iba, ‘the damage has been done.’ Hindi ka na makakalimutan ng mga Pinoy dahil d’yan. MARKADO KA NA, MADAM!
__________________________________________________
Willie Revillame versus Ethel Booba and Ate Gay


___________________________________________________
At nagkatotoo na nga ang hula kong masisibak din agad itong si Ethel Booba sa show ni Willie Revillame na “Wowowillie.” Day one pa lang, sobrang na-feel ko na agad na magka-clash ang personalities nilang dalawa. Pareho kasi silang strong! Parang bomba lang ‘yung mga personalities nila na sasabog anytime. At sumabog na nga last February 28! Kaloka. 🙂 Grabe ‘yung nagkakatotoo ang mga hula ko lately ha. Kabahan na sila Madam Auring! Malapit ko na sila maagawan ng career. Char. 😉 You don’t do that to me!!! 🙂

Gaya nga ng sinabi ko, hindi ko gusto si Willie Revillame. Bukod sa nayayabangan ako sa kanya, hindi rin ako nagagaling sa hosting skill n’ya. Sobrang nai-stress kaya ako sa hosting antics ni Willie kaya hindi ko siya matagalan sa TV. Laging may parinig. Laging paangas. Very bosy din siya at higit sa lahat, nanlalalaglag siya ng co-host sa ere! Kairita! Hindi ko kinaya ‘yung litanya n’ya sa TV against Ethel Booba at Ate Gay ha! GRABEEEEEEEEEEE!!! Kailangan talaga ilalabas pa sa NATIONAL TV ang ganitong mga chika?! YOU DON’T DO THAT TO OTHERS!!! Ang professional naman ni Sir Willie. Palakpakan naman natin siya! Siya na ang idol ko when it comes to professionalism from now on. Kapag nagkaroon ng seminar on professionalism, kukunin ko talaga si Willie bilang speaker. Sobrang na-master n’ya ‘yung art ng professionalism ‘eh. BRAVO!

Sa totoo lang, mas funny and talented si Ethel Booba and Ate Gay kay Willie. Milya-milya ang layo ng talent nina Ethel and Ate Gay sa talent ni Willie. Walang duda! Talent-wise, mas magbabayad ako para panoorin sina Ethel and Ate Gay sa shows and concerts nila kaysa sayangin ang kuryente ko sa pagnood ng show ni Willie. Pota. Mas matutuwa pa akong manood ng M2M na porn kaysa sa makinig sa stresfful antics ni Kuya Willie.

Nakakainit ng ulo ‘yung sinabi pa talaga ni Willie na tinutulungan n’ya sina Ethel and Ate Gay. Kailangan pa bang pinagsisigawan na tumutulong ka sa ibang tao?! You don’t do that to me! 🙂 At grabe din ‘yung ilang beses inulit ni Willie na “siya ang producer at siya ang nagpapa-sweldo” sa mga staff ng show ha. Sakit sa tainga. ‘Eh ‘di ikaw na! You are the market! You are the world! You are everything! Hay naku, ewan ko sa’yo Willie. Dami mong ngasngas.

Hindi ko alam ang tunay na naganap sa ‘dressing room incident’ pero regardless, hindi tamang magsermon sa National TV. Pari lang ang allowed mag-sermon on air. Kairita! Hindi tamang ipinapahiya at nililibak ang mga kasamahan sa trabaho. Hindi tamang inilalabas ang ‘away ng pamilya’ sa publiko. Kung pamilya ang turing ni Willie kina Ethel and Ate Gay, bakit n’ya siniraan ang dalawa sa harapan ng TV? Ganyan din ba siya sa mga real life kapamilya n’ya?! Gosh! Buti na lang hindi ko kamag-anak si Sir Willie ha. Afraid!

To Ethel Booba, huwag ka ng bumalik sa show ni Willie! Kawawa ka lang sa show na ‘yan. Mabubuhay ka naman kahit hindi ka dumikit sa kanya. Talented kang tao at maraming nagbubukas na opportunities sa mga talented na tao. Hanga ako sa husay mo sa comedy at lalo na singing prowess mo. Siguro, konting reflect lang sa attitude at mas aralin mo pang maging sensitive at makisama sa ibang tao. 🙂

To Ate Gay, na-sad akong bumalik ka sa show. WHY oh why?! 😦 Kakawawain ka lang d’yan! Gosh. Pero sige, malaki ka na. Alam mo na ‘yang ginagawa mo. Good luck na lang sa’yo. Sana hindi na ulit kayo magka-engkwentro ni Kuya. Aabangan na lang namin ang susunod na yugto sa pakikipagsapalaran mo sa very professional na si Willie. We’ll wait and see. 😉
_____________________________________________________________________
Sultan Jamalul Kiram III versus PNoy and Philippine Government

2013-02-26T084845Z_199030827_GM1E92Q19JR01_RTRMADP_3_MALAYSIA-PHILIPPINES
_______________________________________________________________________
SOOOBRANG dismayado ako sa paglala ng Sabah standoff na umabot pa sa pagkamatay ng ilang kababayan nating Pilipino! Kingina. Ano na ba ang peg natin, PNoy?! Hahayaan na lang na pulbusin ng Malaysian government ang grupo ni Sultan Jamalul Kiram III?! My God. Nadudurog ang puso na makitang nauubos at unti-unting namamatay ang mga supporters ni Sultam Kiram dahil sa nakapakawalang-kwentang paghandle ng PNoy administration sa insidenteng ito. NAKAKALOKA. 😦

Sobrang sad ‘nung fact na mas kumakampi si PNoy sa Malaysian government sa halip na igiit ang ownership ng Pilipinas sa Sabah. SOOOO DISAPPOINTING! 😦 Nakakairita ‘yung hindi direktang hinaharap ni PNoy ang ugat ng gulong ito. Focus nga tayo! Ang main issue ay ang PAG-RECLAIM ng Sabah sa Malaysia! Ito ang MAIN topic. ‘Wag tayong mag-focus sa pagtugis sa mga taong nagtulak sa grupo nila Sultan Kiram para gawin ang paglusob. Huwag nating pagbuntunan ng galit sina dating Pangulong Gloria-Macapagal Arroyo at Nur Misuari bilang sinasabing mga utak ng panggugulong ito. Huwag tayong mag-focus sa balitang binayaran ni Sultan Kiram ang mga supporters n’ya para sumama sa kanya. Huwag tayong mag-focus sa pagbibilang ng mga ikakaso sa grupo ni Sultan Kiram dahil sa “paglabag” sa konstitusyon ng bansa. Let’s deal with those later kasi HINDI ITO ANG ISSUE!!! Tangina. Nalilihis na tayo!!! Kung anu-ano na ‘yung topic! Kung anu-ano na ‘yung pinag-uusapan. FOCUS NGA!!! Gosh. Rereglahin ako sa ginagawa ng gobyerno!

Regardless kung sino ang nagtulak kina Sultan Kiram and regardless of the timing, the fact still remains na LEGIT ang pinaglalaban ng grupo ni Sultan Kiram. Huwag n’yo kaming paandaran ng kung anu-anong mga side news! Humarap tayo sa main issue at iyon ang lutasin natin. Sobrang nakakaasar ang peg ni PNoy sa case na ito. Nakakairita ‘yung iniipit pa ng gobyerno sina Sultan Kiram sa halip na hikayatin silang makipagsanib-pwersa sa pamahalaan para pag-usapan kung paano mas palalakasin ang call para mabawi ang Sabah! 😦 At the end of the day, laban ng Pilipinas ang laban ng grupo ni Sultan Kiram kaya hindi tamang gipitin sila lalo at itratong terorista. NAKAKALOKA TALAGA! 😦

SOOOBRANG duwag ng gobyerno ni PNoy sa pag-reclaim ng Sabah! Tangina lang. Parang nagbubulag-bulagan pa rin ang pamahalaan sa kabila ng mga solid evidence na Pilipinas ang may-ari ng lupaing ito. ANO BA ANG PEG N’YO?! Hintayin munang maubos ang grupo ng Sultan bago kayo ma-convince na ipaglaban ang ownership ng Pilipinas sa Sabah?! EWAN KO HA! Nakakainit ng ulo. Galaw-galaw naman d’yan oh!

And one more thing, pwede ba PNoy tigilan mo muna ang pangangampanya sa Team LP at mag-focus muna sa EFFECTIVE na pag-solve ng Sabah standoff? Pwede ba ‘yun ha?! ‘Di ba kame ang ‘boss’ mo? Pwes, ito ang utos ng boss! Huwag mo na sanang hintaying maubos ang grupo ni Sultan Kiram bago pa tumutok sa issue na ito. Tandaan mo, hindi ka campaign manager. PRESIDENT ka! Gosh.

High-blood!

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.ph.news.yahoo.com)

P.S. Bon voyage naman sa inyo, Andrea Aniban and Mark Vigare. Galingan n’yo sa Australia ha. Enjoy lang kayo d’yan. ‘Wag kalimutan ang referral ha! Kapag may pogi kayong nakita d’yang Aussie, pakidala na lang pagbalik n’yo rito sa December. I’ll take it from there. Bwahahaha. 😉

I love you both! Enjoy!
_____________________________________
Mark and Drei
_____________________________________

Shout ouch naman kay Ms. Timmy Rivera-Castor for the photo! See you soon ulit, girl. 🙂