UP Naming Mahal

Dear fans and followers.

HELLO NAMAN!

OMG! Sobrang tagal din bago ako nakapag-post ulit. Sorry naman sa inyo. Kakauwi ko lang kasi from Boracay ‘eh. Ok lang ba?! May jet lag pa nga ako’eh. Haaaay. Shet ‘di ko pa pala naa-adjust ‘yung relos ko to Philippine time. WOW!!!🙂

Medyo rumampa lang ang Diva sa Bora para naman magka-tan line. Nakakayaman din kasi ang medyo namumula-mula ang balat, right? Tsaka ang sarap din mag-sight see ‘dun. Shet. Busog na busog ang mata ko sa pagdanak ng mga pasabog hotties. Kanin na lang talaga ang bibitbitin mo kasi nagkalat ang mga “ulam.”😉 Umuulan ng ang mga sexy bodies!!! Muscle kung muscle! Abs kung abs! Swimsuit kung swimsuit! Gosh. Naparaming mga nakabilad na katawan sa paligid. Hiyang-hiya ang mga daing! Pwede mo silang maapakan kung hindi ka tumitingin-tingin.

Super dami rin pa lang mga poging foreigners ha. AS IN! Or ASS IN! Puro foreigners na nga ‘eh. Parang sa kanila na ‘yung Bora. Kaloka. Buti na lang mga pogi sila. Ang daming kamukha ni Papa Jesus or ‘yung mga kabilang sa tinatawag na ‘Immaculate Beauties.’ Ang sarap nila, guys!🙂 Talagang ‘mapapaluhod’ at ‘mapapanganga’ ka na lang bigla kapag nasilawayan ang kapogian nila. Ganung level! Ibang experience talaga ‘yung makakita ng pogi ‘no? Very life changing!🙂 On the other hand, ibang experience din naman ‘yung makakita ng panget. Medyo nerve-wracking naman ‘yun. CHAROTH.
________________________________________________________
231009_BnMainFea
________________________________________________________
Anyway, habol muna ako sa isang major national issue na talagang malapit sa puso ko– ang suicide case ng UP Manila student na si Ms. Kristel Tejada. SOOOBRANG SHOCKING ng news na ito. Tanginaaaa.😦 Nadurog ang puso ko ‘nung nabasa ko ang pangyayaring ito. GRABE! Biglang tumigil ang ikot ng mundo ko all of a sudden at biglang nag-flashback ang sarili kong struggles ‘nung ako ay nag-aaral pa sa UP. Hindi ko mapigilang maiyak sa sinapit ni Kristel. Hindi ko mapigilang magalit sa ating bulok na gobyerno at sa baluktot na sistema nito. Hindi ko mapigilang murahin ang pamatansang nagpalaki at naghubog sa akin. And I would like to say this again for the record– FUCK YOU, UP!!!

Hindi ko makakalimutan ang mismong araw na sapilitang ipinatupad ni Former UP President Ermerlinda Roman at ng buong UP Board of Regents ang 300% tuition fee increase sa buong UP system noong December 2006, apat na buwan bago ako grumadweyt. Kasagsagan noon ng celebration ng Lantern Parade at kasalukuyan akong rumarampa kasama ang mga orgmates ko sa The UP Repertory Company. Kung hindi ako nagkakamali, Gothic ‘yata ang theme namin kaya naka-aura costume ang Madma n’yo that time kasi kasama kami sa actual parade. Syempre, kinarir ko ang costume ko kasi last parade ko na ‘yun as a student. Ang huling rampa ni Madma ang peg! Nakapa-festive ng eksena noon kasi nga Lantern Parade. Super saya ng atmosphere at jampacked talaga ang buong campus. Lahat ay busy at hindi magkandaugaga sa pag-sight see sa mga pasabog na lanterns.

Pero sa ‘di kalayuan, particularly sa College of Law building, may isang meeting pa lang dinaraos ang UP Board of Regents regarding sa tuition fee increase. At habang ang lahat ay abala sa Lantern Parade, ginamit naman ng Board of Regents ang pagkakataong ito para ipasa ang 300% tuition fee increase, from P300 to P1,000 per unit! Ansabe?! Kaya naman ‘nung i-announce ng UP Student Council (USC) ang update na ito sa gitna ng parade, talagang takbo agad kameng lahat sa College of Law building para harangan at i-corner ang mga Board of Regents at para sabunin sila sa karumal-dumal na krimeng ginawa nila sa mga mag-aaral. Talagang lumipad ako and my orgmates kasama ang libu-libong students papuntang College of Law para barikadahan ang venue ng meeting nila. Ibang adrenaline rush ang na-feel ko noong narinig ko ang historical announcement ng USC na pormal ng itataas ang tuition fee ng UP starting SY 2007-2008. GRABE TALAGA! Tumayo ang balahibo ko. Magkahalong galit, lungkot, inis at panlulumo ang na-feel ko at that time. Naloka ako nang todo! Hindi ko kinaya! Pumasok agad sa isip ko ang sasapitin ng mga susunod na mga iskolar na bayan na mag-aaral sa UP! PAANO NA SILA ngayong ginto na ang presyo ng UP?!😦

Siguro nga malas talaga kame ‘nung moment na ‘yun kasi nakatakas ang Board of Regents kasama si President Roman. Hindi na namin sila naabutan. O, ‘di ba lakas maka-eksena sa teleserye?! Tumakas talaga sila literally na parang mga kriminal! Sumibat agad ang mga lecheng officials na ‘yan right after maipasa nila ang tuition fee increase. Sobrang kupal lang talaga! Hindi sila patas kung lumaban. Siguro hindi na nila nagawang mag-CR pa sa pagmamadali para makatakas sa galit ng mga studyante! Leche. Pasalamat sila at hindi namin sila naabutan kasi talagang lintik lang ang walang ganti! Kakalbuhin talaga namin sila isa-isa lalo na ‘tong si President Roman na sobrang kapal ng buhok! Pasalamat talaga sila at pumanig sa kanila ang kapalaran at hinayan silang makatakas ng pagkakataon. Shet.
_____________________________________________
oble
_____________________________________________
Masakit mang aminin, pero naisahan kame. Nanalo ang mga demonyong officials ng UP. Natalo kame sa laban. Kaya naman doble-dobleng galit at lungkot ang naramdaman namin. Maraming umiyak. Maraming natulala. Maraming napanganga sa kaganapang ito. Naiyak din talaga ako sa aming pagkatalo. Ayoko pa naman ng natatalo bilang isang competitive na tao! Alam n’yong hindi magandang feeling ang talunan, ‘di ba?! Parang nagdilim bigla ang kapaligiran dahil dito. Bumigat ang pakiramdam ng mga tao. Napuno ng luha bigla ang buong campus na dapat sana ay nagsasaya ‘nung mga panahong ‘yun. Para talaga siyang isang masamang bangungot.😦

Nakaramdam ako ng hiya sa puntong ‘yun kasi sa batch namin naganap ang tuition fee increase. Sa panahon namin nangyari ang krimeng ito. Kame ang supposedly ‘tagapagbantay’ ng mga pahanong ‘yun. Pero natalo kame. Nahihiya ako sa magigiting na alumni ng UP kasi natalo kame. Parang gusto ko na lang maglaho bigla that time kasi wala na akong mukhang ihaharap sa mga UP alumni. Halu-halong emotion na talaga ang nasa puso ko–galit, lungkot, hiya, pag-aalala etc. HAAAAYYY… Kaya naman sa puntong ito, gusto kong mag-sorry sa pagkatalo namin noong 2006. Hindi ko tuloy mapigilang makaramdam ng guilt sa pagkamatay ni Kristel. Kung sana’y naipanalo namin ang laban noon, hindi na sana kinailangang danasin ni Kristel ang mala-impyernong buhay sa UP ngayon. Patawad…😦
____________________________________________________
up-kristel1
____________________________________________________
Tuluyan na ngang nagbago ang mukha UP simula noon. Dumami na ang kutis mayaman sa campus kasi sila na lang ang nakakaabot ng presyo ng tuition sa UP. Napansin kong parami nang parami ang naka-dental braces every time na dumadalaw ako sa UP. Parang kabuti lang na nagsusulputan ang mga braces sa bibig nila. Nagkikinangan ang mga ngipin ng mga UP students ngayon. Gosh! Ang dating mga vacant parking lots ay puno na ngayon ng kotse kasi marami ng UP students ang may car. Naglipana na rin ang laptop sa paligid at may pagaagawan na ng electric sockets sa campus kasi ang ratio ng student at laptop is 1:1 na. Noong panahon namin, ang ratio ay 10-15 students per 1 laptop. Yes, ganun ang eksena noon kasi mahihirap talaga kameng tunay at wala kameng pera pambili ng laptop. Wala nga kameng pambayad ng tuition ‘eh, laptop pa?! Sobrang nag-iba talaga ang demographics ng UP. Na-dominate na talaga ang campus ng mayayaman. Ang dami ng nage-English at marami na ring sosyal. Kahit sa CR, iihi lang, nage-English pa. SHOCKING!!! Sa totoo lang, minsan kapag nadadalaw ako sa UP, nakakaramdam na ako ng pagkalito. Minsan hindi ko na sure kung nasa tamang campus ba ako. Para kasing nasa Ateneo na ako or De La Salle. Ibang level talaga. Nakaka-miss makita ‘yung mga kutis mahirap sa campus. Nakaka-miss makausap ang mga probinsyanong gusgusin pero matatalino at pogi. Nakaka-miss ang dating demographics ng UP.😦

Don’t get me wrong ha. Hindi ako against na makapasok ang mayayaman sa UP. Kung deserving naman talaga sila, why not! Hindi naman nila kasalanan kung mayaman na sila ‘nung pinanganak sila, ‘di ba?! Aarte pa ba sila kung may nakalaan na agad na kotse para sa kanila pagkasilang pa lang nila?! Ang pino-point ko lang is hindi na fair ang labanan ngayon. Hindi na equal ang opportunities. Talo na agad ang mahihirap yet deserving students. Paano ba naman kasi kakayanin ng isang student na may tatlong kapatid ang tuition fee na almost P30,000 per sem kung ang parent n’ya ay isang magsasaka, janitor, tindera or mangingisda lamang? Sige nga, PAANO?! And let me remind you, totoong may mga magsasaka, janitor, tindera at mangingisda sa Pilipinas until now kaya totoong problema ang pino-post ko sa inyo ha. Hindi mga kathang-isip ang mga trabahong ‘yan kaya huwag kayong umarte. When I was a student, P300/unit pa lang so roughly P5,000 ang total amount ng tuition ko per sem. Believe it or not, ginagapang ko pa ‘yan. AS IN! Nag-aavail pa ako ng Student Loan every sem. Tapos working student pa ako. Tangina. Kaya nga hindi ako magka-jowa nung college kasi ang busy-busy ko! Kulang na lang ibenta ko ang kidney ko para maka-graduate. Leche.

Huwag n’yo akong paandaran na maraming scholarships sa UP dahil sa totoo lang, KONTI lang sila. At huwag n’yo ring ipagmalaki itong infamous Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP). Can I just say na SOBRANG chaka ng STFAP like crazy?! RUROK ang kachakahan! Nakakasuka talaga sa pagkabulok. Hindi ko gets ang gusto nila. Nag-apply ako d’yan before and I just don’t get it AT ALL! Kapag nalaman lang nila na may electric fan ka sa bahay or kaya may TV ka kahit black & white, laglag ka na! Wala ka na! Kinginang ‘yan. Sino ba ine-expect nilang maga-apply sa STFAP? Mga kambing? Mga aso? Gosh. Hindi makatao ang policy ng STFAP. Parang ayaw talaga nilang tumulong. Grabe.

At hindi pa ‘yan ha, sooobrang kapal at busisi ng STFAP form ha. Tatamarin ka talagang mag-fill out. Pipigain ka talaga hanggat magdecide ka na lang na hindi na mag-apply. Itatanong sa’yo ‘dun lahat ng appliance na meron kayo, model, year acquired, amount etc. Kaloka! Kulang na lang itanong pati name ng lahat ng kapit-bahay mo pati age and date of birth nila. Sobrang pain in the ass! On top of that, kung anu-ano pang documents ang hihingin sa’yo kaya talagang mapapagastos ka rin. Kaya ka nga nag-apply sa STFAP kasi mahirap ka, ‘di ba? Tapos kung anu-anong documents ang hihingin sa’yo kaya ang ending gagastos ka rin nang bongga para masatisfy lahat ng requirements. Shet. Sobrang CHAKAAAAAAAA!!!
__________________________________________________
UP
__________________________________________________
Socialized tuition is NOT and will NEVER be a good thing. Hindi kailangang bayaran ng mayayamang studyante ang tuition fee ng mahihirap na studyante. PLEASE! Tigilan ako. Sobrang chaka ng scheme na ‘to. Ang gobyerno dapat ang nagpo-pondo sa mga State Universities and Colleges (SUCs). Kaya nga STATE, ‘di ba? Sana tawagin na lang RICH-subsidized Universities and Colleges (RUCs) kung mayayamang pamilya rin lang ang susuporta sa pag-aaral ng mahihirap na students. Huwag tayong makalimot, guys! Focus!!! In the grand scheme of things, TUNGKULIN ng gobyerno na pag-aralin ang mamamayan nito and huwag natin silang hayaang abandonahin ang OBLIGASYON na ito pamamagitan ng socialized tuition at kung anu-ano pang mga ka-cheapang scheme. Kayo naman oh, ang dali n’yong malito! FOCUS!!! Sa totoong buhay, hindi ba’t parents naman talaga ang sumasagot sa pag-aaral ng anak kasi responsibility nila ito? Tingin n’yo ba, tama na basta na lang ipapasa ang responsibilidad na ito sa mayaman n’yong kapitbahay or kamag-anak?! Isipin n’yo ‘yan!

Ultimately, naniniwala pa rin ako na dapat igiit sa pamahalaan ang malaking budget sa education. Nandito pa rin ang panig ko! Technically kasi, ang “parent” nating lahat ay ang gobyerno so dapat sa kanya tayo nanghihingi ng pera para sa pag-aralin tayo sampu ng ating mga kapatid. Hindi ako naniniwalang walang pera ang gobyerno. Hindi ko talaga bibilhin ang dramang ‘yan. Nasaan na ang pinagmamalaking GDP growth ng Pilipinas na 6.6 percent?! MARAMING PERA ANG GOBYERNO! Maraming pera ang “parents” natin. Ayaw lang talaga nitong maglaan ng budget para sa education. Ang keyword: AYAW!!!

Sa mga nagsasabing ok lang ang socialized tuition kasi naniniwala kayong WALANG pera ang gobyerno, inaanyayahan ko kayong mag-comment sa post na ito. Paliwanagan n’yo ako. Kumbinsihin n’yo akong WALA talagang pera ang pamahalaan kaya tama lang na gumawa ng kung anu-anong scheme para pataasin ang budget ng education. GAME!

Nalulungkot talaga ako sa patuloy na paglala ng kalagayan ng UP. Sumasakit ang puso ko sa fact na patuloy na nabababoy at nalilihis ng landas ang UP dahil sa pagtalikod ng pamahalaan sa tungkulin nito. Kaya sana talaga, maging makahulugan ang pagkamatay ni Kristel. Sana magising ang mga UP officials na tila nabubulagan na rin. Sana tablan naman ang PNoy administration sa kalunus-lunos na sinapit ng isang studyanteng nangarap lang naman na makapag-aral pero pinagkaitan ng pagkakaton.

FIGHT FOR GREATER STATE SUBSIDY!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.pssstcentro.com; http://www.exist.com; http://www.remate.ph)

P.S. Shout ouch naman sa mga kasama ko sa Boracay! I love PEERS!

PEERS
_______________________________________________

Hindi na talaga papaawat ang pagdating ng summer. Wooooh! Kayo ba? Saan ang summer aura n’yo?! Don’t tell me sa banyo lang! NO WAY! Konting flaunt naman ng body. Ito na ang best time na ibalandra ang katawan. Super saglit lang ng summer so i-avail n’yo na. Nasaan na ‘yung mga nag-undergo ng ‘Balik Alindog Program?’ Nasaan na ‘yung mga nag-jogging, nag-diet at nag-gym since January 2013? Patingin na kame ng resulta! We need results! Grabe ‘yung puro ngasngas lang kayo ha.🙂

Shout ouch din kay Boracay Diva herself Kristina Kiddie Galeria! Grabe ‘yung nagkita tayo ha. Love it! Ingat ka lagi sa Boracay. Ikaw na ang reyna d’yan.🙂

Kiddie
______________________________________________
And lastly, HAPPY BIRTHDAY to Ms. Vanessa Nepomuceno-Richardson. I love you, ganda! Alam mo na ‘to. ‘Yan ha, TAMA na ang greetings ko!🙂 See you soon.🙂

Van
_______________________________________________

14 thoughts on “UP Naming Mahal

    • Thanks Kaytiest!🙂 Love you too!🙂 Salamat Marvz sa pagbati mo sa’kin sa blog mo. I’m touched. Na-miss kita lalo ng bongga! Naiinggit ako sa Bora escape mo ha. March na dito pero pang-Alaska pa rin ang lamig. Sana maambunan naman kami ng mala-El Ninong init!🙂

      Hinggil sa maninit na issue ng blog mo, halong lungkot at dismaya ang nararamdaman ko. Sana magkaroon ng malawakang pagbabago sa sistema ng edukasyon natin ngayon din! Naniniwala ako na ang gobyernong hindi inuuna na maalis sa kamangmangan ang mga tao ay hindi tunay na uunlad. Kalokohan ang economy growth na pinagmamalaki ni Pnoy kung hindi nabibigyan ng pagkakataon na makapag-aral ang lahat ng Pilipino lalo na yung mga deserving talaga! Hindi dapat sagabal ang pera sa pag-aaral. Ang dami pa talagang kakaining bigas ng mga taga-DepEd, CHED at educ officials compared sa education system dito. Hindi dapat gawing negosyo ang school system! Sa papaanong paraan pa magigising ang natutulog na gobyerno? Nangangati akong makielam sa isyu na’to dahil hindi talaga madaling mag-paaral sa Pinas. I really pray Kristel’s death will not be in vain.

      • Grabe ba talaga ‘yung lamig d’yan?! Dito naman soobrang init na. Nagpuputukan na ang kili-kili ng mga fans. Hahaha. Kamusta naman ang bday mo? Update naman!

        Sobrang sad ‘nung Kristel news ‘no? Talagang NAKAKADISMAYA! Irita ‘tong government natin. Walang kaamor-amor sa education. Shet. Sana i-seminar ng UK si PNoy on education. Baka mahimasmasan si Kuya mo! Haaaay…😦

    • Mejo taas kilay ako sa article niyang ito. Yes it’s a different perspective pero it doesn’t change the fact na baluktot ang sistema ng gobyerno natin. Wait, sige, dapat muna nating i-establish na mali ang sistema. simula muna tayo sa maliit na part, budget for education. sa suc’s palang. Ang take ng government dito ay maging self sustaining ang mga suc’s. diyan nagrereflect kung gaano hindi prioritized ng gobyerno ang usaping edukasyon. for the longest times, kulang ang datung na binibigay nila. Fact yun. Di na kailangang iestablish. Jusko, sa sweldo palang ng mga guro. Yung ibang bansa kalevel ng doctors ang sweldo ng guro. Kaya hanga ako sa mga guro. Mandate din ng govrnment na bigyan ng subsidy ang suc’s. Tapos sasabihin pa ng tanginang Valte na yan na walang control ang gobyerno sa tuition hikes?! Kingina niya mukha siyang palaka.

      Anyway pasensya nagmukhang rant. may point nga si ateng “Hug Queen” na makakatulong sa pagpapalakas loob ng mga tulad ni Kristel na may pinagdadaanan ang mga mwahugs. Pero pero pero wag din niyang aalisan ng pagkakataong maimbyerna at magalit ang ibang estudyante prof kawani magulang etc dahil sa nangyari. Kung sinasabi niyang ginagawang poster girl si Kristel, wag niyang aalisin yung possibility na sa pamamagitan nito, maraming ibang bata ang maaring mabibigyan ng chance. Halimbawa, tinanggal na yung kinginang FLOA na yan. At may ginagawa nang aksyon ang administrasyon ng UP. Such as reviewing STFAP (Shit tangina fuck ang Pooohr, sabi nga sa Philippine kangkungan). Yung stfap naman kasi na yan, nobela. Cant believe i nagawa ko yan ng five years. Etc. at madami pang babaguhin i believe. Sana nga lang larger scale. Like taasan na yung subsidy sa edukasyon at basic human needs.

      Hay. Yun lang hahah.

      • Hello Advojunior.😉

        In fairness naman kay ‘Hug Queen,’ may point naman siya. Ibang perspective ang hinain n’ya at nagawa n’ya namang ipaliwanag ito nang mabuti kaya wala akong nguynguy sa kanya. Medyo ‘psychological’ point of view ang inihain ni Ma’am. So since napanindigan n’ya naman, keri lang.😉

        Pero kung lalabas tayo sa mas malaking laban, totoong baluktot ang sistema ng gobyerno natin kaya maraming nagdurusa kagaya ni Kristel. May mali talaga sa sistema kaya tayong lahat ay naghihirap. Iilan lang ang nakikinabang at talagang nakakaramdam ng kaginhawaan sa bansang ito. Haaay…😦

        Maraming laban ang dapat ipinalo para sa totoong pagbabago. At tama ka, ang isyu sa edukasyon ay isa lamang sa maraming labang ito.🙂

  1. ‘Di ko alam na ganito ang eksena nun sa UPD nung 2006 BOR meeting na yun. Seryosong naiyak ako nung nabasa ko na literal na sinugod niyo ang College of Law nung i-announce ng USC ‘to.
    Batch ’07 ako. Hindi makapaniwala ang parents ko nung pinadala ang letter ko of acceptance sa UP may kasamang letter (Written in a matter-of-factly way) na nag no-notify na kami ay affected na ng ToFI as if it was the most normal thing in the world. Sinubukan kong mag-apply ng STFAP, but yeah, after everything, Bracket B pa rin. So putangina lang.
    I share the same sentiments. Nakikiramay ako ‘di lang sa pamilya ni Kristel kundi sa lahat ng pangarap ng mga kabataang pinatay ng ToFI.
    At sa mga nagsasabing mahina ang loob ni Kristel at tanga siya (Believe me, meron, I know a handful) dahil kinitil niya ang buhay niya, ‘di niyo naiintindihan kung anong klase yung pakiramdam ang amidst ng hellweek, 5 months mo nang binubuno ang subjects mo, wala ka pang pera at malayo pa mga magulang mo tapos sasabihan kang mag-LOA. Hindi joke ang Hellweek sa UP. Kahit pagsamasamahin pa ang finals week ng lahat ng universities, IBA PA RIN TALAGA. Hindi joke ang iraos ang limang buwan sa UP. Hindi joke ang walang pera. Hindi joke na wala ang parents mo at hand to give moral support at a tough time.
    So yeah, hindi tanga si Kristel. Bumigay lang siya. Lahat tayo bumibigay at some point iba-iba lang ang means natin. At lalong iba-iba ang bagay na magpapa-bigay sa atin.

    (Sorry haba ng comment ko.)

    • Hello Sugar MB.🙂 Yes, may ganung eksena ‘nung December 2006. Nakakalungkot talaga.😦 Super clear pa sa mind ko ang moment na ‘yun. Una ko talagang concern after the annoucement: shet, paano na ang future students ng UP?!😦 Sooooobrang nalulungkot ako until now sa pangyayaring ito. Nahihiya nga akong sumagot sa’yo kasi kasama ka sa ‘future students’ na naisip ko before.😦 Natalo kame sa labang iyon kaya dinaranas n’yo ang dobleng pahirap ngayon. Haaay. Hindi naman sa pa-involve ako sa issue, pero totoo kasi na sa batch namin na-implement ang ToFI. Lumaban naman kame, in fairness to us. Lumaban kame nang todo. Malakas lang talaga ang mga kalaban namin that time. Haaaay…

  2. ^ Nakapasok ka na ba sa lahat ng universities sa Pilipinas at naranasan ang hellweek ng lahat ng mga yun? Taas! Alam kong malayo ito sa main issue pero hindi ko lang talaga mapigilan magcomment.

  3. Grabe, naluha din ako nang bongga. Bumalik sakin ang alala ng pagsama ko sa rally sa Senate against Senate Bill 2587 (“Junk, Junk Senate Bill 2587!” pa ang chant non), na shang nagsilbing gateway ng impyernong ito. Hindi talaga ako mahilig mag rally dahil mainit at ayaw kong pawisan, pero kinalimutan ko ang mga kaartehang ito dahil alam kong importante itong laban na ito. Naexperience ko firsthand ang barikada ng mga pulis at ang violent dispersal sa min using their icky shields. Pinatid pa ako ng isang pulis habang naglalakad kame paalis ng Senado. Sayang nakalimutan ko na pangalan nung pulis na yun, napatumba ko sana.

    • hahaha gusto ko ‘yung honest ka sa pagsasabing ‘pawisin’ ka bilang tao. hahaha Maarte ka rin talaga! hahaha Sayang at hindi pa tayo magkakilala that time. Parang ang cool ‘nung makita kita sa isang rally. haha Ang arte mo kasi! Pero at the end of the day. good job ‘yang lumaban ka rin sa kalsada kahit minsan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s