FOCUS!!!

Dear fans and followers,

Hindi ko mapigilang mag-blog tonight kasi naloloka ako sa mga nagaganap. I just want to say these things bago ako matulog. Mas sasarap ang tulog ko kapag nasabi ko ang mga ito so hayaan n’yo na ako.

Masyadong naha-hype ang Kris-James and Heart-Chiz conflict. Nalilihis na naman tayo sa mga MAS IMPORTANTENG issues sa bansa! FOCUS!!! Hindi naman maso-solve ng pagre-resign ni Kris sa TV ang issue sa Sabah. Hindi naman mababago ang problema sa education system kung magbati si Chiz at Heart. Huwag na tayong magpadala sa mga ganyang antics. Nagawa na ‘yan. Personal nilang mga problema ‘yan. Hayaan n’yo silang lutasin ‘yan sa sarili nilang paraan. Matatalino silang tao. Mayayaman sila. May pambayad sila ng mga bigating abogado. Nasa kanila na lahat ng element para ma-solve ang sarili nilang problema so HAYAAN NA NATIN SILA.

Ang weird lang na kapag nasa ligawan stage ang mga artista, sooobrang secretive nila sa personal na buhay nila. Ang damot nila sa detalye. Walang mga pag-aming nagaganap. Puro pa-ratings. Puro smile lang. Puro pahaging lang. Puro pa-mystery. Pero kapag nagkaroon na sila ng major conflict, tsaka sila ngangawngaw sa publiko. Nakakaloka! Hindi ba’t ngayon mas kailangan ang “pananahimik” nila kasi mas lalong gumugulo ang sitwasyon kapag salita pa sila nang salita?! Hindi ba’t ngayon sila kailangang lumayo sa publiko kasi mas malulutas ang problemang hinaharap nila kung hindi na nila ito papalakihin pa?! Gosh.

Don’t get me wrong ha. I feel for Kris and everything she’s going through right now. I also feel for Heart’s parents at sa effect nito sa relationship n’ya kay Chiz. Mga tao rin naman sila after all. Pero masyadong personal na ang mga ito para ibalandra nila sa mukha ng publiko lalo na sa mga panahon ngayon na maraming mas importanteng issues. Masyadong personal ang mga ito kumpara sa sandamakmak na national issues na kinakaharap ng bansa at ng mundo ngayon. Konting sensitivity naman sana. Konting preno naman!

Naiirita ako sa media! Iritang-irita. Wagas na naman ang coverage na binibigay nila sa mga show biz issues na ito. GRABE! Sooobrang cheap. Hindi ko kinaya na headline kanina ng The Philippine Star ang Kris-James conflict. SERYOSO BA KAYO?! Tapos ngayon, lahat ng TV stations, FB feeds at twitter post, sila na rin ang laman. Nalalansi na naman ang mga tao. Nawawala na naman sa focus.

I would like to say this again: FOCUS!!! Manatili tayong focus sa mga isyung mas nangangailangan ng ating pagbabantay. Manatili tayong tutok sa mga kaganapang mas nangangailangan ng ating atensyon at pagsisiyasat. Napakabilis ma-distract ng mga tao ngayon. Napakabilis ng attention span ng mga Pilipino. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit ang daming “unfinished business” sa bansang ito. Hindi na ako nagtataka kung bakit ang daming mga isyung hindi matulduk-tuldukan. Guys, FOCUS!!!

Sana bukas paggising ko, bumalik na tayo sa TOTOONG laban natin. Sana bukas pagmulat ng mata ko, sama-sama na naman tayong nagbabantay sa latest developments sa mas mahahalagang kaganapan sa bansa. Matatapos din ang problema nila Kris at James. Magkakaayos din si Chiz at ang pamilya ni Heart. Babalik din sa TV si Kris. Matatapos lahat ‘yan! Maniwala kayo! Huwag natin sila masyadong problemahin. Kaya na nila ‘yan. Mas kailangan tayo ng bayan. Mas kailangan tayo ng mga ordinaryong mamamayan na walang pera at hindi maipagtanggol ang sarili nila kasi wala silang kakayanan. Mas kailangan tayo ng mga taong patuloy na naaapi at nakakaranas ng pang-aabuso ng lipunan. Mas kailangan nila tayo!

Sana ay pag-isipan n’yo rin ang mga sinabi ko bago kayo matulog.

Isang magandang gabi sa inyong lahat.

Yours Truly,

Madma

6 thoughts on “FOCUS!!!

  1. True. Sooooobrang CHEAP ples. Anyare na sa Krisis sa Sabah? Kay Kristel Tejada? Sa Tubbataha? TRO sa RH Law? Andaming dapat pagdiskusyunan tapos ang tinatanong ng mga tao eh ano raw meron sa Feb 14 bilang bday yun nung tatlong artista?! LAMPAKE kami ples. JUSKO NAMAN.

  2. Sobrang sinusuportahan kita dito. Yang media talaga ang may malaking kontrol sa lahat e. Sana naman naigagabay natin sa tamang landas ang impormasyon na kinakalat natin sa masa. Kung ano na lang ang trip nyo e. Hindi rin naman necessary na yan ang gusto ng masa, kapag may nakakausap akong jeepney driver or taxi driver may laman naman yung mga kinukwento nila mga daing sa lipunan. Wag nating idivert ang atensyon, anong purpose natin, ratings? Jusko naman anong klaseng lipunan ba ang gusto talaga natin?

    I will commend yung media in the form of radio, mas matatapang sila humarap sa issues, jan ka talaga makakakita ng matinong usapan. Sana ganyan din sa telebisyon.Tama na ples sa mga artista, dapat gumagawa sila ng makabuluhang films e– ganap na lang si Heart na si Kristel Tejada tapos si Kris ay asawa ni Kiram ganyan lol. Basta pumarte na lang sila sa makabuluhang film wag na sa personal nilang buhay. Kakaloka.

  3. Sinabi mo pa. Lokohan lang naman eh. Nung una, mga konting segment lang sa mga news. Tapos maya-maya ga-nobelang interview ni Kris, jusko. Di ko natiis at nanood nalang ako ng American Idol. Tapos ngayon headline. Ang impact kasi ng headline sa akin (bilang isang mambabasa na walang alam sa journalism), dapat yun yung pinakaimportant na balita. Dapat yun yung iisipin buong araw at pagsapit ng gabi, aabangan mo kung ano na ang nangyari. Ang cheap lang na i-level nag buhay ng mga actress na yan sa issues like Sabah, Tubataha, pagkaka-elect ni Pope Francis, at iba pang headlines. My ghad. Napakalife changing ng balitang yan.

  4. My sentiments exactly. Nung kasagsagan ng Sabah and Kristel issues ang tahimik lang ng contacts ko sa Twitter, pero nung nag-inarte na naman tong si Kris, ayan na, panay ang tweet ng mga tao about it. Sobrang dumb founded lang naman ako sa mga naobserbahan ko. It just shows na kulang talaga sa malasakit ang mga pinoy pagdating sa issues na importante. Mas concerned tayo sa mga drama sa buhay ng mga artista kesa sa mga pangyayaring nakakaapekto talaga sa ating lahat. I agree with what you said, no wonder hindi natatapos ang mga issues dito, kasi naman ang bilis lang makalimot ng pinoy.

    • Hello Marjorie G. Agree ako sa ang bilis makalimot ng Pinoy! Nakakaloka! Ang daling mawala sa focus ng mga fans. Kaya kailangan talagang gumawa ng mga post like this para mabalik sa ulirat ang mga tao.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s