Si Madma at ang ‘Dear PH’

Dear fans and followers,

Hello everyone! Ang best ng week na ito bilang 3 days lang ang pasok. SHET! Ready na ba kayo sa long vacation?! Excited na ako magpahingaaaaa.🙂 By the way, when I say “pahinga,” I don’t mean “mamatay” ha. SHOCKING ‘yan! Tamang pahinga lang ‘yung magigising pa rin naman. Mabuti na ‘yung malinaw kasi baka malito si Lord at maging iba ‘yung interpretation n’ya. Gosh.🙂

Anyway, I just want to make an announcement.
___________________________________________________
DearPH
___________________________________________________
Isa pala si Madma sa mga pasabog conveners ng bonggang-bonggang voter’s education campaign na ‘Dear PH.’ Yes, kasali talaga ang Diva! Shout ouch naman sa pagiging relevant ang YTM!🙂 Huwag kayong malito ha. Iba ang ‘Dear PH’ sa ‘PH Care’. Hindi ito brand ng panlinis ng pepe. Hindi ako naga-advertise ng product! Please. Charoth.😉

ANO NGA BA ANG DEAR PH?

Para sa inyong kaalaman, ang ‘Dear PH’ ay isang open letter campaign initiative ng Vote Report PH na naglalayong iparinig sa buong mundo ang sentimyento ng mga Filipino voters especially ng mga Pinoy netizens. Ang taray, ‘di ba? Ito na talaga ang tamang panahon para mangalampag! Ito na ang tamang avenue para mag-ingay! Ito na ang chance para marinig! THIS IS IT! Let’s do this.🙂

Gaya nga ng sinabi ko, gagawin ko ang lahat para makiaalam sa darating na eleksyon at para masigurong mga KARAPAT-DAPAT na kandidato lamang ang manalo sa posisyon. Hindi na talaga ako makakapayag na maluklok na naman ang walang kwentang tao para mamahala sa bansang ito! Tangina. Kaya naman, gusto kong gamitin ang YTM para maging tulay para mahikayat kayong maging bahagi rin ng ‘Dear PH.’

Sobrang excited ako ‘Dear PH’ kasi magandang kampanya ito ngayong panahon ng eleksyon. Napaka-relevant n’ya talaga. ‘Di hamak naman na MAS RELEVANT ito kaysa sa Kris Aquino-James Yap and Heart Evangelista-Francis ‘Chiz’ Escudero issue. PLEASE LANG! Tigilan ako ha. LAHAT pwedeng sumali sa ‘Dear PH.’ Walang kagastos-gastos, walang ka-effort effort!

ANO BA ANG GAGAWIN?

Very simple lang! Mas simple pa sa sex. Char.🙂 Sa darating na April 29, 2013, inaanyayahan ko ang lahat na mag-blog, mag-tweet o ‘di kaya ay mag-post about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang! AARTE PA? Huwag kayong mag-alala, walang catch ‘to sa dulo. Hindi kukunin ang kidney n’yo rito. Walang hidden charges ‘to. Ganun lang talaga siya ka-simple. Huwag kayong praning.🙂

Ito na ang chance para magamit n’yo ang Facebook, Twitter or blog n’yo sa pasabog na paraan!

Mag-iingay tayo nang todo sa April 29, 2013. Ipaparinig natin ang ating boses!!! Markahan n’yo na ang araw na ‘yan ha. Medyo matagal pa naman so may time pa kayo para makapaghanda nang bongga! Pwede pa kayong magpa-kulot ng hair o ‘di ay magpa-manicure para super pasabog n’yo sa April 29.🙂

O, eto ang sample tweets para ‘di kayo malito. Parang nalilito kayo ‘eh. Grabe parang ang hina n’yo. Charot.🙂
______________________________________________________
Best-Tweets-1024x731
______________________________________________________
SUPER DALI LANG, right?!

Sali na kayo, mga fans! Markahan n’yo na ang April 29, 2013 bilang ‘Dear PH’ day natin. Sama-sama nating ipagsigawan ang lahat ng mga hopes and aspirations natin sa parating na eleksyon para naman tablan ‘yung mga kandidatong tumatakbo lang para mangurakot sa bayan. Gosh. Ayoko na mag-mention ng specific names ng mga trapong politiko ha. Baka mapaaway na naman ako. Holy Week ngayon so wala akong time d’yan. Next week na lang.🙂

CALLING ALL BLOGGERS

Tinatawagan ko rin ang kapwa ko bloggers na sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Maging convener din kayo para best! Dali naaaaa!🙂

Para sa karagdagang kaalaman, inaanyayahan ko kayong bisitahin ang website ng ‘Dear PH.’ Here is the link: http://www.dear.ph/
____________________________________________
Dear-PH-Header2
____________________________________________
GO NA! Attack na. Andy’an na lahat ng information about this campaign. Excited na ako!!!

Maging maalam. Makialam.

Yours Truly,

Madma

P.S. Bukas ang pasabog na payuhan natin! Abangan n’yo ang nakakalokang storya natin.🙂

2 thoughts on “Si Madma at ang ‘Dear PH’

  1. Hi Madma, The last time na nakasubaybay ako sa blog mo was during the modelling contest na mala ANTM ang peg. Madrama din yun sobra hahaha.🙂

    Reading your blog today—para nakakagoodvibes! your stories, point of views are really entertaining and provides lots of insights too.

    Kaya kahit mukha nakong shongga dito sa office —sa kakatawa mag isa go lang. I even endorsed your blog to my teammates kasi the way you converse things —kakaiba tlaga ang atake. Plus your new layout is really good… Looking forward for more of your pasabog😀

    Congrats and wish you all the best !

    • Hello KARYL_PATTZ. Nakaka-touch ka naman! Salamat and you find this site very GV.🙂 Thanks din sa endorsement mo sa YTM. I appreciate it.😉 Nawa’y ma-keep ko ang interest mo lagi. Tambay ka lang dito. Your opinions and comments are very much welcome.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s