May putok si boyfriend!

sweaty-man-body-odor
____________________________________________________
Hello Madma,

Ano po ba dapat gawin kapag may putok sa kilikili ang boyfriend? Sasabihin mo ba sa kanya o titiisin mo na lang para di siya ma-offend? Marami kasing sports si boyfriend at medyo active siya kaya madalas siya pawisan. Minsan nagpaparinig naman ako sa kanya na may amoy siya kaya lang hindi n’ya naman sineseryoso. Ano ba magandang gawin?

Bago pa lang kame mag-on kaya medyo alangan din ako kausapin siya about this. Naging boyfriend ko siya nito lang January. Masaya naman kame Madma in general. Ito lang talaga ang major problem ko sa kanya sa ngayon. What to do?

You fan,

Dianne
______________________________________________
Dear Dianne,

Naku po, ito na naman tayo sa usaping hygiene. SHOCKING ka, Dianne!!! Paano lumampas sa ligawan stage ang bagay na ito ng hindi mo naa-address?!😦 Ibang klase rin ang tibay ng ilong mo ha. Saludo ako sa sikmura mo, ‘Te! Hindi ko alam na may mga sikmura pala talagang gawa sa bakal. Shet.🙂 Muntik na akong mawalan ng gana sa merienda ko dahil sa story mo. Ang sarap pa naman sana nitong puto galing Biñan. Tinatamad na tuloy ako kumain kasi nai-imagine ko ngayon ang pawisan at umaalingasaw na kilikili ng boyfriend mo. Waaaah! Ang appetizing, right? But I like your story ha.🙂 Nangangabog! Lumelevel sa issue ni Ms. Kris Aquino.

I want to say sorry pala for the very late reply. Your e-mail was dated February 28, 2013 tapos ngayon lang ako nakasagot. So ibig sabihin, na-extend pa lalo pa ang pagtitiis mo! Shet.😦 Buhay ka pa ba, Dianne? Please say yes! Maggu-guilty ako nang bongga kung pumanaw ka na dahil sa nakakasulasok na amoy ng kilikili ni jowa. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa pagiging pabayang blogger kapag nagkataon!😦 Sana naman ay humihinga ka pa until now para mabasa itong response ko. Guys, hug naman natin si Dianne. Ang bigat ng problema n’ya ‘eh. Literal na life and death situation!🙂

Anyway, alam mo kung anong stand ko sa mga may putok. Alam mong hindi ko pinapatawad ang mga taong nagtataglay ng mabahong amoy sa katawan. Masyadong maiksi ang mundo para magtiis sa mga ganitong bagay. Masyadong maraming problema ang mundo para isama pa ito. Lumaban ka, Dianne! SABIHIN MO ‘TO SA BOYFRIEND MO! Parang awa mo na. Ibalato mo na ‘to sa akin. Awang-awa na ako sa ilong mo. Baka tuluyan nang masira ang pang-amoy mo at malito ka na sa pagkakaiba ng amoy ng tae sa menudo. Baka tuluyang nang bumigay ang ilong mo at hindi mo na ma-distinguish ang difference ng totoong kanin sa kaning-baboy. PLEASE, DIANNE. Huwag ka ng magdalawang-isip pa! Kausapin mo na si boyfriend habang may oras pa. NOW NA!

Matanong ko lang, paano kayo kapag nagse-sex? Paano ‘yung foreplay part? Naku-curious lang ako.😉 So bale iki-kiss mo siya sa lips and leeg tapos jump agad sa pusod at titi? Nilalampasan mo lang lagi ang balikat to kilikili part? Ganun ba?🙂 Or baka naman pikit-mata mong dinidilaan ang leeg n’ya patungo sa arm pit n’ya. NO WAY, Dianne!!! PLEASE! Konting respeto naman sa sarili. Konting angat naman sa pagkababae. Hindi mo ito kailangang gawin!

May suggestion ako na simple experiment for you. Try mo kumain sa isang masarap na restaurant tonight. Kainin mo ‘yung pinakamahal at pinakamasarap nilang menu. Namnamin mong mabuti ‘yung pagkain. Kapag tapos ka mag-dinner, i-meet mo si boyfriend. Yayain mo siya mag-sex. Tapos papakin mo ang kilikili n’ya. Dilaan mo nang todo-todo like there’s no tomorrow. Tiyak ko, makikita mo ‘yung pagkakaiba ng masarap na pagkain sa mabahong kilikili. Hopefully through this ay makukuha mo ‘yung POINT KO!🙂 Minsan kasi kailangan talagang malagay sa extreme situations para makita ang difference ng dalawang bagay. Paki-try ‘to Dianne ha. Seryoso!

Huwag kang matakot na kausapin si boyfriend re: this issue. I-raise mo na ‘to sa kanya habang kilikili n’ya pa lang ang mabaho at hindi pa kasama ang batok at nipples. Umiinit ang ulo ko! Paki-text nga siya ngayon. Ito ang sabihin mo, “Hello ____ (insert name of your boyfriend). Gusto ko palang sabihin na may putok ka. Huwag kang tumawa. Seryoso ‘to, Baby. Kahit amuyin mo pa.” That’s it! That simple. Dali na. Let me know kung wala kang load. Papasahan kita.😉

Take it from Madma, walang ibang sagot sa issue mo kundi ang maayos na pakikipag-usap kay jowa. Bilang girlfriend n’ya, tungkulin mong pangalagaan ang image n’ya. Tungkulin mo ring alalayan siya sa mga bagay na hindi n’ya nakikita or naamoy for that matter. Pwede kasing immune na si boyfriend sa putok n’ya kaya hindi n’ya na ito napapansin. At bilang karelasyon, dapat lang na tulungan mo siya sa bagay na ito. Usap lang ang katapat n’yan. Promise!🙂

Galingan mo, girl. Umaasa akong malulutas mo na ito tonight. Yes, tonight agad! Huwag ka ng pumalag. Baka bukas hindi na lang kilikili ang mabaho sa kanya. NOT LIKEY! Go, Dianne. Kaya mo ‘yan.😉

Salamat sa matapang na pagbabahagi ng storya mo.😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.urbasm.com)

P.S. May nguynguy ka ba?! Pwes, ipadala na ‘yan kay Madma! Mag-email lang kayo sa yourstrulymad@gmail.com. GAME! Pag-usapan natin ‘yan dito.

P.P.S. Muli, inaanyayahn ko kayong sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Sa darating na April 29, 2013, ini-invite ko ang lahat na mag-blog, mag-tweet o ‘di kaya ay mag-post about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang! Ito na ang chance para magamit n’yo ang Facebook, Twitter or blog account n’yo sa isang mas pasabog na paraan.🙂 TARA NA!

Dear-PH-Header2

For more details, click this post: Si Madma at ang ‘Dear PH’
_____________________________________________

7 thoughts on “May putok si boyfriend!

  1. Dianne, hindi sa ganyang paraan dapat ka niya pinuputukan!

    Try mong magpaka-subtle muna. Sa next monthsary mag-regalo ka ng Axe or Rexona or Milcu. (Wow, may Milcu talaga? Haha.) Siguro naman somehow mage-gets niya. Kapag wala pa ring effect, diretsuhin mo na. Mas OK na rin talagang sa’yo manggaling, kasi for sure naman napapansin ‘yan ng iba niyang kakilala, unless immune na sila kasi mga 3 months lang pala kailangan para ma-immune. (Kung gayon, konti na lang Dianne! Haha!)

    Good luck! Sasabihin ko sana ay “More power sa inyo” kaso mukhang there is too much power na, just not the good one. HAHA.

  2. Jusko member pala ng PBA (Putok Baktol Anghit) ang jowa mo Dianne! Hindi likey ang PBA! Ka-level ‘to ng mga lasing sa jeep. EKIS!!! Tama na naman si Madma, sabihin mo na ‘to sa kanya. Agad-agad. Baka kasi ma-immune ka na rin sa amoy ng jowa mo eventually. Iskeri! And ang mas nakakaloka eh pag kumapit na rin ang amoy sa’yo. Gusto mo bang mag-amoy baktol na rin Dianne? Uso na kasi ang tawas. Matagal nang nadiskubre. Pili ka kung durog o buo (parang paminta lang yan haha) Gawin niyong bonding activity ang pagligo ng sabay. Tas ikuskos mo ng maigi yung tawas sa kilikili niya. ‘Pag tinanong niya kung bakit, sabihin mo yun ang usong body scrub ngayon for couples (any-any na explanation). Basta gawin mo na ‘to agad-agad. Huwag mong hintaying umabot ang “baho” sa jun-jun ng jowa mo. Or baka ikaw rin yung dating letter sender re: mabahong jun-jun? GRABE HA. Sabi nga ni Madma, #Shocking. :p

  3. Hindi ko to kinaya, tawang-tawa na naman ako sa payo mo Madma hahaha… Medyo naiintindihan ko si letter sender kasi I have cousins na may putok and I also have some friends na meron ding body odor pero di ko talaga magawang ipagtapat sa kanila ang katotohanan. Pero ibang usapan naman yata ang bf, so tama ang mga payo dito, including the commenters. Sabihin mo na agad Dianne kasi yun lang talaga ang solusyon dyan. Or… you can ask someone to tell it to him straight, yung hindi mangingiming magsabi ng totoo, then pag tinanong ka ni bf kung totoo nga ba, then you can tell him once and for all! Go girl, you can do it!

  4. Truthfully, I don’t understand why anyone should need advice on what to do about this. I think you already know the answer, it’s just you’re too afraid to say it. So siguro, half of the problem is the body odor, the other half is you. There’s no going around it, girl. If you can’t say it to his face, subtly of course, then either suffer the smelly consequence or break up with him. That last one’s probably too much of a solution, but really, say it or keep mum about it and suffer in silence. Will he get mad at you for telling him? Not sure, but surely, he shouldn’t. In fact, he should be thankful to you. If you think about it, this should be a gauge and a test of his character. If he can’t take a constructive comment as that meant for his own good, I wonder how he is as a person.

    The thing is, if you can’t discuss something as trivial and easily solved a problem as this with him, that’s not good. How are you going to solve bigger problems in the future? Are you just going to keep mum, too, just because you don’t want to lose him? That’s not a relationship; relationship is a two-way traffic. Think about, girl.

  5. Hmmm.. Nakakadiri nmn ang may amoy sa katawan.. Di baleng panget basta malinis.. Isipin m kya tumira s smokey mountain parang ganun ang feeling..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s