‘Dear PH’ na!!!

Dear fans and followers,

Hello everyone!

Start na naman ng panibagong linggo. Monday na naman, so trabaho na naman. Gosh. Ang bilis ng weekend! Parang lagi siyang may lakad at laging nagmamadali. Kaloka. Pero bawal ang BV! Monday ngayon kaya GV lang tayo. Dapat positive lang lagi.🙂 So, dapat ang proper statement slash mantra natin today is “I sooo love my work! Sige, trabaho! Dagdagan n’yo pa ang trabaho ko. Kulang na kulang pa ang dami ng task ko. Alipinin n’yo pa ako. Go!” 🙂 Likey n’yo ba? Parang bordering to nababaliw na ang pota. Scary!

Gusto ko palang i-share na napapadalas ang pagbo-bowling ko lately. Ang sosyal, ‘no? Paeng Nepomuceno levels.😉 Ang saya rin pala mag-bowling ha at nakakapagod din siyang tunay. Grabe! Akala ko dati super chill lang ng bowling. ‘Yung tipong ihagis mo lang ‘yung bola then that’s it. May mga twist pa pala ang game na ito. Shet. But I loved it! Medyo pumapalo rin sa more than 100 points ang score ko so not bad! Not bad at all! Bowling naman tayo kapag may time kayo.🙂

Anyway, gusto ko pala kayong batiin ng happy ‘Dear PH’ day!

Yes, today is the day and there is no day but today! Ito na ang pinakahihintay nating araw upang ipagsiwagan ang lahat ng ating mga hopes and aspirations para sa parating na eleksyon through ‘Dear PH,’ a voter’s education campaign na naglalayong iparinig sa buong mundo ang sentimyento ng mga Filipino voters especially ng mga Pinoy netizens. It’s time to be heard! It’s time to speak up! It’s time to get involved!

Netizens, MAG-INGAY!!!

Huwag na kayong umaarte kasi super dali lang nito. Bawal ang nega! All you have to do is mag-blog, mag-tweet or mag-status sa FB about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang kadali, mga Ma’am. Walang ka-effort-effort. Very, very simple! At para mas magkaintindihan tayo, i-check n’yo ang mga samples sa ibaba.
_______________________________________________
best-tweets-1024x731
_______________________________________________
So easy, right? I know! Kaya wala na dapat ngasngas about it ha. Gamitin n’yo lang ‘yung keywords natin na ‘Dear PH’ para ma-capture ang shining moment n’yo. GO NA!!!🙂

Sabi sa isang interview kagabi na napanood ko, democracy relies on active citizenry. Ang keyword is ACTIVE! Bilang isang mamamayan, dapat aktibo tayong nakikilahok sa paggawa ng malalaking desisyon gaya ng pagpili ng mga taong uupo sa gobyerno. Kaya bawal ang tumengga at manahimik! Dapat talaga nakikialam tayo kasi bansa natin ito. Bahay natin ito! Ang mga gusto natin ang dapat masunod! Kung hindi ka boboto at magsasalita, WALA KANG KARAPATANG MAGREKLAMO! Kung ‘di mo gagawin ang part mo bilang member ng bansang ito, WALA KANG KARAPATANG UMANGAL! So, speak up now or hold your peace forever. Huwag n’yong painitin ang ulo ko! Char.🙂

At bilang Diva, ako na ang mauuna. GAME!!!
_______________________________________
family-enterprise
_______________________________________
Dear PH, sana ay tuluyan nang ma-ban ang potang inang political dynasties sa bansa. Sana manalo ang mga kandidatong magsusulong ng isang batas na tatapos sa matagal nang paghahari ng iilang pamilya! Tamaan sana ng kidlat o kaya dapuan ng ketong ang lahat ng mga pulitikong pumipigil para maisakatuparan ito.

Yes, mainit talaga ang ulo ko kapag nababanggit ang political dynasties. Hindi ko mapigiling magmura kasi sobrang nakakasulasok ang eksenang ito sa Pilipinas! TANGINA TALAGA. Grabe ‘yung ginagawang business ng ilang pamilya ang pagkuha sa position sa gobyerno! Ack. Nakakasuka kayo! Lahat ng miyembro ng pamilya ay pinapatakbo sa pulitika para masigurong manatili sa kanila ang kapangyarihan. After tumakbo ni Daddy, si Mommy naman. Tapos susunod na ang panganay na anak, then ‘yung sumunod na anak tapos ‘yung bunso naman. Kapag may posisyon na ang lahat ng members ng family, susunod na rito ang mga pinsan, mga apo, mga hipag at manugang. PUTANG INA! Patakbuhin n’yo na rin kaya pati mga katulong n’yo tsaka mga alaga n’yong aso at pusa?! Parang nakukulangan pa kayo sa posistion ‘eh. Shet. Sobrang gaguhan lang. Ang kakapal ng mukha ng mga hayop na ‘to. Sarap buhusan ng asido ang mga pagmumuka nila. Hay. Sorry for that outburst.🙂

Huwag n’yo akong paandaran ng paliwanag na “everyone must be given equal opportunity to serve regardless of family name.” Fuck you kayo. So kame pa pala ang mali, ganun? Kame pa pala ang masama kasi kinu-kwestyon namin ang inyong karapatang tumakbo? SORRY HA! SORRY! Sige takbo lang kayo. Ito ang rubber shoes. Go, takbo! Nakakahiya namang ipagkaiit sa inyo ang karapatan n’yong ito. Bullshit.

Hindi na ako magme-mention ng mga names kasi baka ipatumba ako ni Mayor. Andami kong alam. Wahaha.😉
__________________________________________
nancy2
__________________________________________
Dear PH sana po ay huwag manalo ang mga kandidatong OBVIOUS namang hindi qualified para sa posisyon. Sana po ay matalo si Nancy Binay.

Yes, deretsahan na talaga. Prangkahan na. Hindi ko kayang na magiging Senador si Nancy! Mas gusto ko pang mag-adik kaysa makita siya sa Senado. Grabe, tumatayo na agad ang balahibo ko sa thought na Senador siya. NO WAY!!! Scary!!!

Ate Nancy, hindi porket natural born citizen of the Philippines ka and able to read and write ka ay tatakbo ka na sa pagiging Senador. Hindi porket na-meet mo ang BASIC qualifications, ‘eh go na agad sa pulitika. Check, check din tayo ng background natin kapag may time. Ay, wala ka nga palang time. Busy ka nga pala sa ground campaigning lately. Sige, sorry. Baka naabala na kita. Ingat ka na lang. Huwag mo nga pa lang kalimutang mag-sunblock ha. Gamitin mo ‘yung may SPF 1,000,000,000 para sure na maprotektahan ka. Mahirap na. Baka hindi ka na namin makita. Concern lang ako sa complexion mo. Sana huwag mong masamain. ‘Yung totoo lang, Nancy ha? Keri.
___________________________________________
Top12Senatoriables
___________________________________________
Dear PH, sana huwag masilaw ang mga botante sa mga naglalakihang pangalan sa pulitika. Sana ay mas maging mapili at kritikal ang mga botante ngayon.

Ako ay kumakatok ngayon sa puso at isip ng bawat botante– piliin nating mabuti ang ating iboboto! Sana naman ay sapat nang hirap at dusa ang ating naranasan sa kamay ng mga maling pultikong ating naihahalal noong mga nakaraang eleksyon! Sana naman ay nadala na tayo. TAMA NA! Ito na ang pagkakataon nating itama ang mali at ituwid ang lahat ng mga kabaluktutan. Huwag na tayong magpadala sa mga paandar ng mga naglalakihan at tradisyunal na pangalan sa pulitika. Huwag na tayong makuha sa mga simpleng ngiti at kaway nila. Higit sa lahat, huwag na tayong papalinlang sa mga kandidatong wala namang alam kundi magtago sa kasikatan ng apelyido ng kanilang mga kamag-anak. Ipakita naman natin sa kanila na natututo na tayo at matalino na tayo ngayon!

Let’s do this!
_____________________________________________
pcos machine
_____________________________________________
Dear PH, sana ay maging malinis, kapani-paniwala at maayos ang parating na eleksyon. Sana ay kunin na lang ni Lord ang lahat ng mga kandidatong nagbabalak na mandaya at maghasik ng lagim sa May 13.

Sana talaga ay totoo ang sinasabi ng Comelec na more than 90 percent ready na sila para sa parating na halalan. Sana naman ay hindi lang pa-ratings lang ang statement na ito. Aaminin ko, hindi ko pa rin maalis ang mga agam-agam at kaba ko hinggil sa kalalabasan ng botohan lalo na at may issue pa sa source code ang mga machine na gagamitin. Sana maging maayos ang halalan. Sana nga talaga ay walang maging aberya. Sana walang masaktan. Haaay. Medyo afraid talaga ako pero deadma na! I will just take the word of Comelec on this. Haaay sana talaga maging maayos ang lahat!
_______________________________________________
At iyon naman ang mga ngasngas ako for our ‘Dear PH’ session. Kayo?! I wanna know! Mag-Dear PH na!

Visit the official site of ‘Dear PH’http://www.dear.ph/
_______________________________________________
CALLING ALL BLOGGERS

Tinatawagan ko rin ang kapwa ko bloggers na sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Maging convener din kayo para best! Dali naaaaa!

Para sa karagdagang kaalaman, inaanyayahan ko kayong bisitahin ang website ng ‘Dear PH.’

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://opinion.inquirer.net/40084/dynasties-threat-to-democracy, http://energizepinas.com/top-12-philippine-senatoriables-by-pulse-asia/, http://electionspinoy.blogspot.com/2012/03/comelec-finally-admitted-pcos-defective.html)

P.S. Gusto ko pala kayong yayaain na bumili ng copy ng pinakabagong book na friend kong author na si Ms. Eliza Victoria titled “Unseen Moon.” Magugustuhan ‘to ng mga horror fanatics na kagaya ko kasi suspense/thriller ang theme ng book na ito! SHOCKING!!!

Tara bili na tayong lahat! Order now! Ang librong ito ay may limang pasabog na stories na tiyak na ikaloloka n’yo! Suportahan naman natin ang mga local authors! GO!

Congrats sa bago mong book, Eliza! Excited na akong mabasa ito.🙂

Para sa mga gustong mag-pre order, punta lang kayo sa link na ito: http://elizavictoria.com/2013/04/25/pre-order-the-print-copy-of-unseen-moon-until-may-10-only/

ORDER NOW!

P.P.S. Maraming salamat sa bonggang suporta n’yo sa comeback post ni Madma. Talaga namang pumalo tayo sa Top 29 Most Read and Visited blog in the Philippines under the Personal category based on http://www.topblogs.com. SOBRANG LAKAS!!! Take note, nasa Top 156 ang YTM bago ako mag-post ha. Grabe! Lipad kung lipad.🙂

Salamat ng sooobrang sa suporta! Salamat sa pagtangkilik! Salamat sa pakikinig!

I love you all.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s