Walang Sisihan!!!

283757_10151475741218791_1930644166_n

Dear fans and followers,

Isang malagim na araw sa inyong lahat. 😦

Alam kong kasalukuyan kayong nagluluksa sa very disappointing partial result ng 2013 elections. Alam kong ngayon ay panay ang pahid n’yo ng calming lotion sa katawan para ma-kalma ang inyong nanggagalatiing emosyon sa mga nangungunang Senators so far. Alam kong marami sa inyo ang nagpunta sa salon or spa para mag-relax at makalimutan ang horrors ng eleksyon. Naiintindihan ko ang inyong sentimyemto. Kasi NALOLOKA RIN AKO!!! 😦

Anong nangyari?! Bakit ganito ang resulta? Bakit SILA-SILA NA NAMAN?! Bakit hinayaan na naman nating MAULIT ang lahat?! Bakit sila na naman ang ating hinalal?! Bakit hinayaan nating masayang ang ating magandang nasimulan?! ‘Di ba gusto natin ng PAGBABAGO?! ‘Eh bakit ito na naman tayo?!

Haaaay… Diyos ko! Kahapon pa sumasakit ang bangs ko sa mga pangalang nakikita ko sa mga partial/unofficial result ng eleksyon. Ayoko na ngang tumingin sa TV kasi naiirita ako lalo. Nakakainis! Nakakagalit! Nakakapikon! 😦 Pare-parehong mga pangalan na naman ang mananalo. Sila-sila na naman. ‘Yun at ‘yun na naman. Nasilaw na naman tayo sa mga paulit-ulit na pangalan sa pulitika. Nagpauto na naman tayo sa kanila. GRABE.

Gusto ko manapak sa inis. Gusto ko magbasag ng mga plato para ma-release ‘tong inis na nararamdaman ko. Kaso konti lang ang plato namin sa bahay ‘eh so sa blog ko na lang ilalabas ang lahat. 😉

Magpapakatotoo na ako. Galit ako! Galit ako sa mga Pilipino! Gusto kong layasan ang punyetang bansang ‘to! Masama ang loob ko ngayon kasi hindi tayo natututo sa kasaysayan. Naiinis ako kasi ang bilis-bilis nating makalimot! Galit ako kasi ang bilis nating mauto! Galit ako kasi hinalal na naman natin ang mga mismong taong naging sanhi ng ating mga pagdudurusa noong mga nakaraang taon. Imbyerna ako kasi hinayaan na naman nating maghari ang mga taong minsan nang nanamantala at nang-abuso sa mga Pilipino. Naiirita kasi ang hilig-hilig nating MAGTIIS where in fact kayang-kaya naman nating baguhin ang lahat! Hobby talaga nating magdusa ‘no?! Nae-enjoy talaga natin ang suffering ‘no?! NAKAKALOKA!!!

Ang sad kasi ang lapit na natin sa PAGBABAGONG gusto nating makamit pero pinakawalan na naman natin ulit ang chance na ito. Haaay… Wala na akong masabi kundi puro buntong-hininga na lang. 😦 Sa totoo lang, ayoko na sana itong isipan pa. Ayoko na sana itong problemahin pa kasi marami din akong mga iniisip sa personal kong buhay gaya ng kawalan ng lovelife. Pinipilit kong deadmahin na lang ang bagay na ito at mag-move on na lang sa buhay ko. But I JUST CAN’T! Naiinis ako na patuloy akong binabagabag ng isipan ko sa bagay na ito. Shet.

Akala ko may magbabago na. Akala ko matatalino na tayo. Akala ko ay mga wais na tayo. Sadly, HINDI PA PALA. 😦 Ang taas-taas ng hope ko sa mga kapwa ko voters. Sobrang taas ng faith ko na hindi na tayo magpapaloko at iboboto na natin ang mga TAMANG TAO. Ang taas ng pananalig ko na makakamit na natin sa wakas ang tunay na PAGBABAGO. Na hindi na natin iboboto ang mga trapo at mga walang-kwentang pinuno. Apparently, nabigo ako. 😦

Emotions aside, ang resulta ng naganap na eleksyon ay may malaking sinasabi sa ating mga Pilipino– marami pa rin talagang sa atin ang nabubuhay sa dilim at kawalan ng tamang impormasyon. Isang malaking wake-up call ito para sa mga kagaya kong nagnanais ng TUNAY NA PAGBABAGO. Sadly, sa kabila ng kaliwa’t kanan nating mga paandar sa social media, kulang pa pala ang effort natin para abutin ang puso at isip ng mas marami nating kababayan. Magkaiba pa rin pala ang mundong ginagawalan natin sa mundong ginagalawan ng mga ordinaryong masang Pilipino na nakatira sa mga probinsya at malalayong lugar. May ibang mundo pa palang nage-exist sa mga far flung areas na walang access sa internet. Nakalimutan nating may ibang reality pa pala sa bansang ito.

Nakakalungkot. Hindi ko talaga mapigilang malungkot. Dismayado ako sa mga kapwa ko Pilipino. 😦

Pagbigyan n’yo na ako sa emotional breakdown na aking nararanasan ngayon. Ibigay n’yo na sa akin ang moment na ito. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat. Pero makaka-move on rin ako. Gaya ng dati, magmo-move rin ako. Wala namang akong choice, ‘di ba?! Ano ba naman ang isang boses ko laban sa boses ng milyung-milyong Pilipinong nagpauto sa mga trapong pulitiko. Sino ba naman ako.

Anyway, sa puntong ito, gusto ko na lang magbigay ng mensahe sa mga mananalong Senador ng bansang ito. Ang fierce ‘nung may message no? Lakas maka-show biz. 😉 Ito na lang ang magagawa ko for now. Wala na ‘eh. Andy’an na ‘yan. Hindi na ako makakapalag.
_______________________________________________
946549_10152801750355596_709563182_n
_______________________________________________
Grace Poe

Pasalamat ka sa apelyido ng tatay mo. Pasalamat kay kay Fernando Poe Jr. kasi siya ang nagpanalo sa’yo. YOU OWE HIM THIS VICTORY! Kung “Santos” o kaya “Ocampo” ang apelydio mo, wala ka sa pwesto mo ngayon. Alam mo ‘yan! Ang convenient din talaga ng may powerful na surname no?! Nagiging madali rin talaga ang lahat para sa’yo. Sa totoo lang, hindi kita binoto kasi lagi kang nagtatago sa apelyido ng tatay mo. Hindi ako bilib sa ganyang atake kaya hindi mo nakuha ang boto ko. Oh well, sana na lang ay “makipagbakbakan” ka talaga para sa tunay na pagbabago kapag nasa Senado ka na. Kasi kung ako ang masusunod, sa show biz kita ilalagay para mabuhay mo ang action films sa Pilipinas since gusto mong sundan ang yapak ng tatay mo. I think exciting din na makitang babae ang gumanap sa role na “Panday” for once.

Loren Legarda

At tibay mo rin talaga, girl. Lagi’t lagi kang pasok sa eksena kahit anong mangyari. Pero ang shocking ‘nung na-upstage ka sa number 1 spot ha. How does it feel na hindi na ikaw ang reyna? Basta ang message ko lang sa’yo is ayusin mo ang pag-file mo ng SALN next time. Declare-declare rin ng mga properties ‘pag may time ha? Ang tagal-tagal mo ng public servant tapos mali-mali pa rin ang SALN mo?! Wow ha. Sana ay maisama mo naman kame minsan sa posh na condo mo sa New York. Kahit overnight stay lang, ok na ako.

Edgardo Angara, Bam Aquino, Koko Pimentel, Cynthia Villar, JV Ejercito

Pasalamat rin kayo sa mga kamag-anak n’yo. Pasalamat kayo sa mabangong apelyido n’yo. Nawa’y patunayan n’yo na IBA kayo sa mga kamag-anak n’yo. Na may taglay rin kayong sariling husay at galing sa pamumuno. Hindi ko rin kayo binoto kasi umay na umay na ako sa mga angkan n’yo. Personally, hindi ko na kailangan ng isa pang Angara, Aquino, Pimentel, Villar at Ejercito sa buhay ko. Tama na ang perwisyong ginawa ng mga ninuno n’yo. Buti na lang at marami kayong nauto para bumoto para sa inyo. And congrats for that.

Alan Peter Cayetano and Antonio Trillanez IV

Sana mas maging pursigido kayo sa tunay na pagbabago. Sana ay mas maging maigting pa ang inyong pagsisikap para mas mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Kayo na lang siguro ang pinaka-ok sa mga mananalong Senador kaya sa inyo na lang ako kakapit. Sana naman ay hindi n’yo ako biguin. Sana naman ay paninidigan n’yo ang mga pangakong binitiwan n’yo during the campaign period. Again, please do not disappoint me. I had enough!

Chiz Escudero

Wala akong masyadong mensahe sa’yo kasi in love ka gaya ng sabi mo. At usually, mahirap kausap ang mga taong in love so hindi na ako magsasayang ng oras. Gusto ko lang sabihin ng bumaba ang tingin ko sa’yo dahil sa ka-cheapang kinasangkutan mo with Heart Evangelista’s parents. Galingan mo na lang. Sana gamitin mo ang inspiration and love na nararamdaman mo ngayon para mas higit na magsilbi sa bayan. Remind lang kita, 43 years old ka na so sana ay kumilos ka nang naaayon sa edad mo. Ibigay mo na kina Daniel Padilla at Kathryn Bernado ang pa-tweetums role. Hindi na kasi bagay sa’yo. Please lang.

Nancy Binay

At syempre, papahuli ba naman ang message ko sa paborito kong si Nancy Binay?! Save the best for last!

Hello Nancy. Taray mo, girl. Pasok na pasok sa banga! Hindi ka rin talaga natinag! Iba talaga kapag maitim na damo. Mahirap mapabagsak.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sapat na lakas ng loob na tanggapin ka bilang Senador ng bansang ito. Hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko para matanggap ka. Ang hirap din kasi talaga ng task na ito. Hindi ito madali for me so ‘wag mo akong masyadong i-pressure! Pero hayaan mo, aabot rin ako sa acceptance part. Kung kailangang mangutang ako ng lakas ng loob sa bangko, gagawin ko para mapayapa na ang kalooban ko at maka-move on na ako sa buhay. Deretsahan na tayo, hindi ako masayang nanalo ka. Pero sino ba naman ako kumpara sa milyung-milyong nauto mo. Pasalamat ka rin sa tatay mo at Binay ang apelyido mo. Kasi kung naging “Bingas” o kaya “Binat” ang surname mo, sa kangkungan ang bagsak mo, girl! Sure ako!

Oh, well. Panalo ka na. Natalo ako. Araw mo ito. Pero tandaan mo, bilog ang mundo. I will be closely watching you, bitch! Babantayan ko ang lahat ng kilos at galaw mo sa Senado. Kahit hindi na ako magka-lovelife kakabantay sa’yo, keri lang! Simula pa lang ng totoong laban so umayos ka.

At bilang unang paandar ni Senator Nancy Binay, gusto ko ipapanood ang nakakalokang interview na ito. Ang best n’ya kasi sumagot sa mga tanong ‘eh. Watch this!
_____________________________________

_____________________________________
Waaaah. DELUBYO!!! Grabe. Hindi ko kinaya!!! Say hello to our new Senator. 😦

At the end of day, kailangan nating mag-move on at tanggapin ang hatol ng bayan. Kailangan pa rin nating kumilos bilang isang bansa. Sana na lang mali ang mga iniisip ko. Sana na lang mali ako. Basta ang wish ko na lang is sana mahanap na natin ang sapat na lakas ng loob para matanggap ang resulta ng 2013 elections. Basta maging mapagmatyag lang tayo. Huwag tayong tumigil na magbantay sa mga kinikilos ng ating mga pinuno.

God Bless this country!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.facebook.com/ANCalerts, http://www.rappler.com)

(Video source: GMA News http://www.youtube.com/watch?v=4vmcNB1oTwg)

P.S. Isang pagpupugay sa mahigit 3 million na bomoto kay Mr. Teddy Casiño. Proud ako na at least may 3 million na Pinoy na sumuporta sa TUNAY NA PAGBABAGO. Masaya akong malaman na may mga tao pa rin sa Pilipinas na nag-iisip. Mabuhay kayong lahat! 🙂

To Mr. Teddy Casiño: Nawa ay hindi po kayo matinag sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino. Sana hindi ito ang maging dahilan para tumigil kayo sa iyong maganda at kahanga-hangang gawain. Kailangan namin ng isang kagaya mo kaya sana ay patuloy ka pa ring maging aktibo sa pagsulong ng mga mahahalagang pagbabago.Nakasuporta po kame sa inyo.

Basta para sa akin, hindi ka man nanalo, ikaw pa rin ang Senador ko!

P.P.S. Happy Anniversary sa Your Truly, Madma!!! Grabe. One year na akong blogger!!! Nakakaloka. Ang bilis rin talaga ha. 🙂

Salamat sa mas pinalakas n’yong suporta!!! Asahan n’yo ang mga bagong pasabog ni Madma very soon. 🙂 One year na tayo. Shet. 😉

Muli, MARAMING SALAMAT!!! ❤

Advertisements

Ang Sampung Pananaw ni Madma on Religion and Homosexuality

homosexuality_God
____________________________________
Dear fans and followers,

Hello naman!

Gusto ko lang pala mag-follow up sa controversial status ko sa FB last April 30. I just want to clear things up for the record. O, ‘di ba nakaka-artista ‘yung nagki-clear pa ng mga bagay-bagay? Char. 😉 Pinili kong maglabas na lang ng isang full-blown blog entry para mas maipaliwanag ko nang maayos ang aking saloobin. Mabuti na ‘yung may official statement si Madma para mas klaro. 🙂

Una sa lahat, gusto ko munang sabihin na na-appreciate ko ang lahat na nag-comment sa status ko na ito. Bet na bet ko talaga ‘yung palitan ng kuru-kuro at pananaw. Nakaka-talino ‘yan. Gawain ‘yan ng mga taong nag-iisip. And I’m happy na nag-iisip tayo! 🙂 Bilib ako sa mga taong matapang na nilalabas ang kanilang saloobin. After all, iba-iba naman talaga ang pananaw ng mga tao. Iba-iba ang paniniwala. Iba-iba ang saloobin. Everyone believes in something. Ang importante naman lagi is kaya mong ipahayag at panindigan ang iyong paniniwala at marunong kang rumespeto ng side ng iba. Bongga!

Sa mga hindi nakakaalam particularly sa mga hindi ko friends ko sa Facebook, ito ang FB status na tinutukoy ko:

“You can’t live an openly homosexual lifestyle and be a Christian.” -AGREE! Para mong sinabing vegetarian ka tapos kumakain ka naman ng pork. haha Check, check rin ng consistency ‘pag may time. K?!”

Shocking ba? Hahaha
_________________________________________________
chris-broussard-espn-1
_________________________________________________
Background of the Issue

Actually, si Chris Broussard, ESPN Reporter, ang nagsabi ng statament na “you can’t live an openly homosexual lifestyle and be a Christian.” Sumang-ayon lang ako gaya ng nakita n’yo sa taas. This was Chris’ reaction regarding the coming out of NBA player Jason Collins. I’m sure nabalitaan n’yo naman siguro ang shocking na pagladlad ni Jason earlier this week. Si Jason na ngayon ang first openly gay active player sa NBA! SHOCKING kung SHOCKING! 🙂

Personally, hindi ko kilala si Jason kasi hindi naman ako nanonood ng NBA. HELLO! Anong expect n’yo sa akin? Nakaka-amaze lang na inulan ng positibong suporta si Jason mula sa buong mundo. Nakakatuwa na maraming nagbigay suporta sa kanya kasama na ang no less than President Barack Obama himself. BONGGA! Ang saya-saya na ang dami ng naga-out lately. Deadma na kung mas nagiging stiff ang competition para magkaroon ng jowa sa gay community.;)

On the other hand, medyo inulan naman ng batikos si Kuya Chris dahil statement n’yang ito. Discriminatory daw si Chris sabi ng ilang individuals kaya may mga panawagang patalsikin siya o kaya i-suspend sa ESPN. Nakakaloka! Nagpahayag lang naman ng opinion si Sir Chris and gaya ng inaasahan, ganito ang naging comment n’ya kasi isa pala siyang born-again, Bible-believing Christian before pa. O, eto ang full statement ni Chris Broussard para mas maliwanag tayo:

“Personally, I don’t believe that you can live an openly homosexual lifestyle or an openly premarital sex between heterosexuals, if you’re openly living that type of lifestyle, then the Bible says you know them by their fruits, it says that’s a sin. If you’re openly living in unrepentant sin, whatever it may be, not just homosexuality, adultery, fornication, premarital sex between heterosexuals, whatever it may be, I believe that’s walking in open rebellion to God and to Jesus Christ. I would not characterize that person as a Christian because I do not think the Bible would characterize them as a Christian.”
____________________________________________________
homosexuality-and-the-bible
____________________________________________________
Ang Sampung Pananaw ni Madma on Religion and Homosexuality

(Paalala: Ang mga pananaw sa ibaba ay pananaw lamang ni Madma at hindi ng buong Yours Truly, Madma management. MANAGEMENT?! Wow naman ha! )

1. Naniniwala ako sa sinabi ni Chris Broussard at hindi ko nakikitang discrimatory ang pahayag n’ya. Legit ang comment n’ya at valid. Don’t get me wrong ha, hindi ko sinasabing masama ang mga homosexuals. Hello, ang bait-bait ko kaya! Excuse me! 🙂 Ang akin lang is, you can’t serve two Gods at the same time. You can’t embrace two lifestyles at the same time. Otherwise, lalabas kang hypocrite. At ayaw natin sa mga hypocrite! Ang weird naman na sinasabi mong Christian ka pero sa labas ay may same-sex relationship ka. Ang strange naman na kini-claim mong Christian ka yet panay ang pakikipag-sex mo sa kapwa mo lalaki or babae outside the church. It doesn’t make sense, right? Nakakaloka! Ang daming ganyan lately! Naku po. Dapat maging consistent tayo kasi baka malito si Lord. ‘Yung totoo lang, ok?

2. The teachings of God are very clear. And the bible is also clear about homosexuality. So, if you accept God and believe in him but you don’t follow his teachings, then there is some level of inconsistencies. Again, mahalagang maging consistent! Ayaw nating pinapasakit ang ulo ni Lord.

3. May mga nagsasabi na magkaiba ang take ng Old Testament sa New Testament when it comes to homosexuality. May mga nag-comment na magkaiba ang teaching ng dalawa sa aspect na ito. Seriously, hindi ko alam kung iba nga kasi hindi naman ako nagbabasa ng bible. Hindi ako bihasa sa mga teachings ni Lord. Paano ko naman nalaman na masama ang homosexual lifestyle? Well, ito ang itinuro ng simbahang kinalakihan ko. So, pakisabihan na lang ako kung may changes man sa bagay na ito. Let me know kung may portion sa New Testament na nagsasabing go na si Lord sa homosexual relationship. Timbrehan n’yo ako kung may bagong memo si Lord na ok na sa kanya ang homosexuality. Because apparently, I missed that memo.

4. May mga nagsabi rin na hindi naman clear ang Bible on homosexuality. Na hindi naman talaga tahasang sinasabi ng Bible na kasalanan ang homosexuality. Ok. Kung ‘yan ang paniniwala n’yo, go lang. Kung ang idea na ‘yan ang makakapagpayapa ng buhay n’yo, go. Kung ang thought na ‘yan ang magbibigay buhay sa inyo para magpatuloy sa mundo, why not. Pero para sa akin, ang statement na ito ay sinasabi lamang ng mga taong nagpapalusot. Ito ang kadalasang sinasabi ng mga taong pilit niyayakap at pinagsasama ang dalawang magkaibang mundo.

5. Para sa akin, ang pagsunod kay Lord is ALL or NOTHING. Hindi pwedeng mamimili ka lang ng mga bagay na susundin mo sa teachings n’ya kasi ‘yun lang ang convenient sa’yo. Anu ‘yun? Value Meal? Mamimili ka lang ng combination? You don’t fully believe in him kung hindi mo sinusunod LAHAT ng mga sinabi n’ya. You may believe in his existence pero not necessarily naniniwala ka sa kanya because believing is also FOLLOWING! Clear naman si God sa mga likes and dislikes n’ya, ‘di ba? So, kung hindi mo kayang sundin lahat, ekis na ‘yan. Walang partial effort. Walang partial points.
_____________________________________________________
Prasing-Almighty-God-our-Father-3-god-the-creator-19486614-842-595
______________________________________________________
6. Dati nagsisimba ako every Sunday sa Catholic church. Pero ngayon hindi na kasi may isang instance na sinabi ng pari na immoral ang pagiging homosexual. Naloka naman daw ako after hearing it so syempre labas naman ako agad sa Church! Na-judge na ako ‘eh. Bakit pa ako tatagal sa isang simbahang hinuhusgahan ako, ‘di ba?! Kulang na lang hulihin nila ako sa moment na ‘yun at silaban. SHOCKING! Kaya from then on, hindi na ako nagsisimba. Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa isang lugar na ayaw sa akin. Hello, ang ganda ko kaya! It’s their loss not mine. WOW. Kaya kung may alam kayong relihiyon na yumayakap sa kabadingan, sabihan n’yo ako at bibistahin ko. I’m up for grab. WOW. 🙂

7. Hindi ako naniniwala sa Bible kasi tao lang din ang gumawa n’yan at hindi si Lord ang mismong nagsulat n’yan. Kung ating babalikan, ang mga laman ng Bible ay sinulat ng mga disciples ni Lord based sa kanilang experience with God. So, essentially, subjective na rin ang laman ng n’yan. Ang dami na ring revisions ng Bible through the years so ang dami na ring mga teachings na nawala at naidagdag. And the fact na may mga nawala at naidagdag, that for me is already a form of subjectivity.

8. Naniniwala ako sa Diyos pero hindi ako naniniwala sa Diyos na sinasabi ng Bible. Naniniwala akong may higher being up there na nakatingin sa ating bawat kilos. Naniniwala akong may Diyos sa itaas na pwedeng kausapin ng kahit sino anytime, anywhere. At naniniwala akong mabait ang Diyos at hindi siya judgmental gaya ng portrayal sa Bible na parang ang hirap sumunod sa gusto n’ya kasi ang daming BAWAL! Naniniwala akong pwedeng magkaroon ng personal relationship with God without the help of priests or any religious leaders. After all, TAO RIN ANG MGA RELIGIOUS LEADERS! So, kung kaya nila kausapin si Lord, kaya rin natin. And since kaya rin natin, tayo na lang ang gumawa. Tayo na lang ang direktang makipag-usap sa Diyos. Kung kayo mo naman, huwag mo ng ipagawa sa iba.

9. Kung tatanungin mo ako kung mapupunta ako sa langit, ang sagot ko ay hindi ko alam kasi hindi naman ako ‘yung Diyos! Hello! 🙂 Pero kung tatanungin mo ako kung mabuti akong tao, ang sagot ko ay oo kasi naniniwala akong nakakasunod ako sa Diyos na pinaniniwalaan ko.

10. So anong point ko, simple lang, maging consistent sa mga bagay-bagay. Kung sinabi mong Christian ka, pakita mo sa LAHAT ng pagkakataon. Kung naniniwala ka sa Bible, sundin mo ang sinasabi nito sa LAHAT ng pagkakataon. Kung susunod ka sa aral ng Diyos, sundin mo LAHAT at huwag kang choosy. Ganun lang ‘yun. Nakakainis kasi ‘yung mga taong inconsistent. Sakit sa mata. Sakit sa bangs.

Ultimately, wala naman talagang personal nakita at nakausap ang Diyos so hindi natin alam ang real score ng mga bagay-bagay. Bible lang ang connection ng tao sa Diyos. And the shocking part is, iba-iba ang interpretations ng mga tao sa Bible. So, magulo talaga. 🙂 Walang may hawak ng katotohan! Ang tanging magagawa na lamang natin ay umasa na sana ang mga ginagawa natin sa mundo ay naayon sa tunay na kaloob ng Diyos. Mahaba at malawak ang usaping ng religion at homosexuality. At maraming bagay ang pwedeng masabi ng iba’t ibang tao hinggil dito.

Uulitin ko, ang lahat ng mga pananaw sa itaas ay sarili kong opinion. Kung hindi n’yo bet, go lang! Kung magalit kayo, go lang rin. Basta ito ang mga pinaniniwalaan ko. Everyone believes in something at ito ang mga bagay na kinakapitan ko bilang tao para magpatuloy sa mundong ito. Ngayon, kung iba ang paniniwala n’yo, sabihin n’yo lang at makikinig ako.

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.gurusfeet.com/blog/homosexuality-attempt-laugh-god, http://www.revolutionmyspace.com, http://www.businessinsider.com, http://www.fanpop.com)

P.S. Today is Teddy Casiño day! Just in case hindi n’yo pa alam, siya lang ang tanging kandidatong deserving ng boto ko! Hindi na ako aarte pa, kay Teddy lang ako! #TeddyDay

Iboto natin ang nararapat! Iboto natin ang kandidatong tunay na maglilingkod sa mamamayan. 🙂
____________________________________________
183081_10151564265808750_2119361710_n