Ang Sampung Pananaw ni Madma on Religion and Homosexuality

homosexuality_God
____________________________________
Dear fans and followers,

Hello naman!

Gusto ko lang pala mag-follow up sa controversial status ko sa FB last April 30. I just want to clear things up for the record. O, ‘di ba nakaka-artista ‘yung nagki-clear pa ng mga bagay-bagay? Char.😉 Pinili kong maglabas na lang ng isang full-blown blog entry para mas maipaliwanag ko nang maayos ang aking saloobin. Mabuti na ‘yung may official statement si Madma para mas klaro.🙂

Una sa lahat, gusto ko munang sabihin na na-appreciate ko ang lahat na nag-comment sa status ko na ito. Bet na bet ko talaga ‘yung palitan ng kuru-kuro at pananaw. Nakaka-talino ‘yan. Gawain ‘yan ng mga taong nag-iisip. And I’m happy na nag-iisip tayo!🙂 Bilib ako sa mga taong matapang na nilalabas ang kanilang saloobin. After all, iba-iba naman talaga ang pananaw ng mga tao. Iba-iba ang paniniwala. Iba-iba ang saloobin. Everyone believes in something. Ang importante naman lagi is kaya mong ipahayag at panindigan ang iyong paniniwala at marunong kang rumespeto ng side ng iba. Bongga!

Sa mga hindi nakakaalam particularly sa mga hindi ko friends ko sa Facebook, ito ang FB status na tinutukoy ko:

“You can’t live an openly homosexual lifestyle and be a Christian.” -AGREE! Para mong sinabing vegetarian ka tapos kumakain ka naman ng pork. haha Check, check rin ng consistency ‘pag may time. K?!”

Shocking ba? Hahaha
_________________________________________________
chris-broussard-espn-1
_________________________________________________
Background of the Issue

Actually, si Chris Broussard, ESPN Reporter, ang nagsabi ng statament na “you can’t live an openly homosexual lifestyle and be a Christian.” Sumang-ayon lang ako gaya ng nakita n’yo sa taas. This was Chris’ reaction regarding the coming out of NBA player Jason Collins. I’m sure nabalitaan n’yo naman siguro ang shocking na pagladlad ni Jason earlier this week. Si Jason na ngayon ang first openly gay active player sa NBA! SHOCKING kung SHOCKING!🙂

Personally, hindi ko kilala si Jason kasi hindi naman ako nanonood ng NBA. HELLO! Anong expect n’yo sa akin? Nakaka-amaze lang na inulan ng positibong suporta si Jason mula sa buong mundo. Nakakatuwa na maraming nagbigay suporta sa kanya kasama na ang no less than President Barack Obama himself. BONGGA! Ang saya-saya na ang dami ng naga-out lately. Deadma na kung mas nagiging stiff ang competition para magkaroon ng jowa sa gay community.;)

On the other hand, medyo inulan naman ng batikos si Kuya Chris dahil statement n’yang ito. Discriminatory daw si Chris sabi ng ilang individuals kaya may mga panawagang patalsikin siya o kaya i-suspend sa ESPN. Nakakaloka! Nagpahayag lang naman ng opinion si Sir Chris and gaya ng inaasahan, ganito ang naging comment n’ya kasi isa pala siyang born-again, Bible-believing Christian before pa. O, eto ang full statement ni Chris Broussard para mas maliwanag tayo:

“Personally, I don’t believe that you can live an openly homosexual lifestyle or an openly premarital sex between heterosexuals, if you’re openly living that type of lifestyle, then the Bible says you know them by their fruits, it says that’s a sin. If you’re openly living in unrepentant sin, whatever it may be, not just homosexuality, adultery, fornication, premarital sex between heterosexuals, whatever it may be, I believe that’s walking in open rebellion to God and to Jesus Christ. I would not characterize that person as a Christian because I do not think the Bible would characterize them as a Christian.”
____________________________________________________
homosexuality-and-the-bible
____________________________________________________
Ang Sampung Pananaw ni Madma on Religion and Homosexuality

(Paalala: Ang mga pananaw sa ibaba ay pananaw lamang ni Madma at hindi ng buong Yours Truly, Madma management. MANAGEMENT?! Wow naman ha! )

1. Naniniwala ako sa sinabi ni Chris Broussard at hindi ko nakikitang discrimatory ang pahayag n’ya. Legit ang comment n’ya at valid. Don’t get me wrong ha, hindi ko sinasabing masama ang mga homosexuals. Hello, ang bait-bait ko kaya! Excuse me!🙂 Ang akin lang is, you can’t serve two Gods at the same time. You can’t embrace two lifestyles at the same time. Otherwise, lalabas kang hypocrite. At ayaw natin sa mga hypocrite! Ang weird naman na sinasabi mong Christian ka pero sa labas ay may same-sex relationship ka. Ang strange naman na kini-claim mong Christian ka yet panay ang pakikipag-sex mo sa kapwa mo lalaki or babae outside the church. It doesn’t make sense, right? Nakakaloka! Ang daming ganyan lately! Naku po. Dapat maging consistent tayo kasi baka malito si Lord. ‘Yung totoo lang, ok?

2. The teachings of God are very clear. And the bible is also clear about homosexuality. So, if you accept God and believe in him but you don’t follow his teachings, then there is some level of inconsistencies. Again, mahalagang maging consistent! Ayaw nating pinapasakit ang ulo ni Lord.

3. May mga nagsasabi na magkaiba ang take ng Old Testament sa New Testament when it comes to homosexuality. May mga nag-comment na magkaiba ang teaching ng dalawa sa aspect na ito. Seriously, hindi ko alam kung iba nga kasi hindi naman ako nagbabasa ng bible. Hindi ako bihasa sa mga teachings ni Lord. Paano ko naman nalaman na masama ang homosexual lifestyle? Well, ito ang itinuro ng simbahang kinalakihan ko. So, pakisabihan na lang ako kung may changes man sa bagay na ito. Let me know kung may portion sa New Testament na nagsasabing go na si Lord sa homosexual relationship. Timbrehan n’yo ako kung may bagong memo si Lord na ok na sa kanya ang homosexuality. Because apparently, I missed that memo.

4. May mga nagsabi rin na hindi naman clear ang Bible on homosexuality. Na hindi naman talaga tahasang sinasabi ng Bible na kasalanan ang homosexuality. Ok. Kung ‘yan ang paniniwala n’yo, go lang. Kung ang idea na ‘yan ang makakapagpayapa ng buhay n’yo, go. Kung ang thought na ‘yan ang magbibigay buhay sa inyo para magpatuloy sa mundo, why not. Pero para sa akin, ang statement na ito ay sinasabi lamang ng mga taong nagpapalusot. Ito ang kadalasang sinasabi ng mga taong pilit niyayakap at pinagsasama ang dalawang magkaibang mundo.

5. Para sa akin, ang pagsunod kay Lord is ALL or NOTHING. Hindi pwedeng mamimili ka lang ng mga bagay na susundin mo sa teachings n’ya kasi ‘yun lang ang convenient sa’yo. Anu ‘yun? Value Meal? Mamimili ka lang ng combination? You don’t fully believe in him kung hindi mo sinusunod LAHAT ng mga sinabi n’ya. You may believe in his existence pero not necessarily naniniwala ka sa kanya because believing is also FOLLOWING! Clear naman si God sa mga likes and dislikes n’ya, ‘di ba? So, kung hindi mo kayang sundin lahat, ekis na ‘yan. Walang partial effort. Walang partial points.
_____________________________________________________
Prasing-Almighty-God-our-Father-3-god-the-creator-19486614-842-595
______________________________________________________
6. Dati nagsisimba ako every Sunday sa Catholic church. Pero ngayon hindi na kasi may isang instance na sinabi ng pari na immoral ang pagiging homosexual. Naloka naman daw ako after hearing it so syempre labas naman ako agad sa Church! Na-judge na ako ‘eh. Bakit pa ako tatagal sa isang simbahang hinuhusgahan ako, ‘di ba?! Kulang na lang hulihin nila ako sa moment na ‘yun at silaban. SHOCKING! Kaya from then on, hindi na ako nagsisimba. Ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa isang lugar na ayaw sa akin. Hello, ang ganda ko kaya! It’s their loss not mine. WOW. Kaya kung may alam kayong relihiyon na yumayakap sa kabadingan, sabihan n’yo ako at bibistahin ko. I’m up for grab. WOW.🙂

7. Hindi ako naniniwala sa Bible kasi tao lang din ang gumawa n’yan at hindi si Lord ang mismong nagsulat n’yan. Kung ating babalikan, ang mga laman ng Bible ay sinulat ng mga disciples ni Lord based sa kanilang experience with God. So, essentially, subjective na rin ang laman ng n’yan. Ang dami na ring revisions ng Bible through the years so ang dami na ring mga teachings na nawala at naidagdag. And the fact na may mga nawala at naidagdag, that for me is already a form of subjectivity.

8. Naniniwala ako sa Diyos pero hindi ako naniniwala sa Diyos na sinasabi ng Bible. Naniniwala akong may higher being up there na nakatingin sa ating bawat kilos. Naniniwala akong may Diyos sa itaas na pwedeng kausapin ng kahit sino anytime, anywhere. At naniniwala akong mabait ang Diyos at hindi siya judgmental gaya ng portrayal sa Bible na parang ang hirap sumunod sa gusto n’ya kasi ang daming BAWAL! Naniniwala akong pwedeng magkaroon ng personal relationship with God without the help of priests or any religious leaders. After all, TAO RIN ANG MGA RELIGIOUS LEADERS! So, kung kaya nila kausapin si Lord, kaya rin natin. And since kaya rin natin, tayo na lang ang gumawa. Tayo na lang ang direktang makipag-usap sa Diyos. Kung kayo mo naman, huwag mo ng ipagawa sa iba.

9. Kung tatanungin mo ako kung mapupunta ako sa langit, ang sagot ko ay hindi ko alam kasi hindi naman ako ‘yung Diyos! Hello!🙂 Pero kung tatanungin mo ako kung mabuti akong tao, ang sagot ko ay oo kasi naniniwala akong nakakasunod ako sa Diyos na pinaniniwalaan ko.

10. So anong point ko, simple lang, maging consistent sa mga bagay-bagay. Kung sinabi mong Christian ka, pakita mo sa LAHAT ng pagkakataon. Kung naniniwala ka sa Bible, sundin mo ang sinasabi nito sa LAHAT ng pagkakataon. Kung susunod ka sa aral ng Diyos, sundin mo LAHAT at huwag kang choosy. Ganun lang ‘yun. Nakakainis kasi ‘yung mga taong inconsistent. Sakit sa mata. Sakit sa bangs.

Ultimately, wala naman talagang personal nakita at nakausap ang Diyos so hindi natin alam ang real score ng mga bagay-bagay. Bible lang ang connection ng tao sa Diyos. And the shocking part is, iba-iba ang interpretations ng mga tao sa Bible. So, magulo talaga.🙂 Walang may hawak ng katotohan! Ang tanging magagawa na lamang natin ay umasa na sana ang mga ginagawa natin sa mundo ay naayon sa tunay na kaloob ng Diyos. Mahaba at malawak ang usaping ng religion at homosexuality. At maraming bagay ang pwedeng masabi ng iba’t ibang tao hinggil dito.

Uulitin ko, ang lahat ng mga pananaw sa itaas ay sarili kong opinion. Kung hindi n’yo bet, go lang! Kung magalit kayo, go lang rin. Basta ito ang mga pinaniniwalaan ko. Everyone believes in something at ito ang mga bagay na kinakapitan ko bilang tao para magpatuloy sa mundong ito. Ngayon, kung iba ang paniniwala n’yo, sabihin n’yo lang at makikinig ako.

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.gurusfeet.com/blog/homosexuality-attempt-laugh-god, http://www.revolutionmyspace.com, http://www.businessinsider.com, http://www.fanpop.com)

P.S. Today is Teddy Casiño day! Just in case hindi n’yo pa alam, siya lang ang tanging kandidatong deserving ng boto ko! Hindi na ako aarte pa, kay Teddy lang ako! #TeddyDay

Iboto natin ang nararapat! Iboto natin ang kandidatong tunay na maglilingkod sa mamamayan.🙂
____________________________________________
183081_10151564265808750_2119361710_n

10 thoughts on “Ang Sampung Pananaw ni Madma on Religion and Homosexuality

  1. Clap, clap, clap with Standing O. Well said, Madma! Naku, susuportahan kita sa bagay na ‘to. Isa ka rin palang agnostic theist! Yey!🙂

  2. ang pinakamatalino daw na tao sa buong mundo ay yung MAUNAWAIN sa lahat ng bagay at SIMPLE. .
    at IKAW yun madma, kahit homo ka saludo ako sayo. . . . GOD LOVES YOU AND BLESSES YOU.

    • Salamat naman, Royalskies! Nakakatuwa ka naman.😉 Medyo controversial talaga ang topic na ito. Sakit sa ulo. Pero gaya nga ng sabi ko, at the end of the day, walang may hawak ng katotohan. Ang tanging magagawa lang natin ay maging tolerant sa paniniwala ng bawat isa at magrespetuhan.🙂 Amen.

  3. Good point! I think dahil nga wala namang literal na nakakakita at nakakausap ang diyos, at ang tao likas talagang mahina sa temptations, ang faith eh bina-base na lang sa kung ano ang convenient sa kanya. That’s why mas mataas pa ang respeto ko sa atheist pero hindi naman gumagawa ng masama and who respects the opinion of others, kesa sa religious people na grabe makapanghusga.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s