Si Madma at ang Bagyong Yolanda

Image

Dear fans and followers,

First of all, I just want to say I MISS YOU ALL, BITCHES!!!🙂 Na-miss ko mag-post dito sa YTM! Shet. Sorry naman at medyo matagal rin talaga akong nawala sa blogging industry. I’m sure miss na miss n’yo na ang mga paandar ni Madma. Group hug naman for my comeback!!!🙂 Pero next time na natin pag-usapan ang drama sa likod ng aking matagal na pananahimik. Sa susunod na post ko na sasagutin ang lahat ng mga maiinit na intriga at chismis tungkol sa matagal kong pagkawala na kesyo nabuntis daw ako at nagpalaglag sa States, nagka-jowa na raw ako na pogi at nagpakasal sa India, nagpunta raw ako sa Thailand para magpa-sex change, tinanan daw ako ng isang negosyante at dinala sa Germany etc. Nakakaloka ha! Next time, sasagutin ko ‘yan isa-isa!🙂

For now, gusto ko lang magsalita hinggil sa naganap sinapit ng Leyte lalo na sa Tacloban at ilan pang probinsya dahil kay Super Typhoon Yolanda. Kung may statement si PNoy, meron din ako. Ansabe?!  :) Seriously, I would like to dedicate this special post to them. SOOOBRANG nakakadurog kasi ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan dahil sa pesteng bagyong ‘yan. Tangena.😦 ‘Yung ilang taong pinundar ng ating mga taga-Leyte ay  sinira lang ni Mareng Yolanda ng ilang oras. Just like that! NAKAKALOKA!  Tagos sa puso at kaluwawa na makita ang kalagim-lagim na kalagayan ng ilang Pilipino ngayon. Nakakaiyak talaga ‘yung mga news reports and mga social media accounts. ‘Yung mga namatayan ng asawa, kapatid, anak at magulang. OMG. I JUST CAN’TAKE THEM!😦  Grabe ‘yung tila nabura sa mapa ang mga bahay, ari-arian at kabuhayan nila in an instant. Para tuloy isang panaginip lang ‘yung fact na minsan ay natira sila dun kasi ibang-iba na ang itsura nito ngayon. Totally wiped-out. Hay.😦 Kaya naman sa puntong ito, gusto kong ipaabot ang aking taus-pusong pakikiramay sa lahat ng mga naging biktima, namatayan at nawalan ng ari-arian sa mga apektadong lugar. Kapit lang kayo! Magpakatatag kayo! Parating na ang mga tulong. Malalampasan din natin ito.😉

May gusto lang din akong i-point out na ilang mga bagay kaugnay sa mainit na isyu na ito. Particularly, I have 3 main points na gusto sabihin. Ang specific ha!🙂 Nakakarindi kasi sa tenga ‘yung ibang mga comments na nababasa ko sa social media eh. Hindi ko maatim na palampasin. Hindi ko matake na manahimik. So, ibigay n’yo ‘muna tong moment na ito sa akin!

__________________________________________________

Image

UNA, parang-awa n’yo na! Huwag n’yo naman agad i-judge ang mga biktima at tawaging MAGNANAKAW dahil lang sa pag-ransack nila ng ilang establishments. PLEASE!!! Kahit sa panaginip, hindi sila qualified as thieves! Pwede ba!  Magdahan-dahan nga ‘yang mga bunganga n’yo. Kaloka kayo! Kung may dapat may tawaging magnanakaw, mamdarumbong, hayop at demonyo, ‘yan ay walang iba kundi ang mga kupal sa gobyerno at mga kampon ni Janet Lim-Napoles na nagbubulsa ng bilyun-bilyong pera ng mga Pillipino! Kung may dapat mang i-judge, ikulong, sunugin at bitayin, SILA YUN at hindi ang mga typhoon survivors na sinisikap lamang mabuhay, lumaban at ituloy ang kanilang sirang-sira ng buhay. Lawakan naman natin ang mga utak natin. Intindihin natin ang buong context ng situation bago magsalita. Tandaan natin, issue na ito ng SURVIVAL! Dyosko! Gutom at uhaw na ang kalaban dito! Tangena. GETS N’YO BA ‘YUN?! Kayo kaya gutumin at uhawin ko. Ano kayang gagawin n’yo?! Ako nga isang oras lang na gutom, nagbabago na agad ang ugali ko, paano na kaya ‘yung ilang araw?! Ako ngang nakapag-aral at Diva ay nagta-tranform into a certified bitch kapag inaatake ng gutom eh, paano na lang ‘yung mga typhoon victims na until now ay nakanganga at naghihintay pa rin tulong na forty eight years bago dumating?! Human nature ‘yan eh. Sa bingit ng gutom at uhaw PLUS stress, pagod, trauma, heartache dahil namatayan ka ng kamag-anak, nasira ang bahay mo at kabuhayan, EWAN KO NA LANG! Kung ako ‘yan, siguro naulol na ako sa isang tabi.  Nagbaliw-baliwan mode na lang ako. KAYO KAYA HA?! Kaya please, instead na manghusga, lawakan n’yo ang inyong pang-unawa! Sorry for the outburst. 

Sa tingin n’yo ba magnanakaw sila kung wala sa ganyang situation? Nilooban ba nila ang mga malls on a daily basis? Tingin n’yo hobby nila ang nakawan ang groceries and malls? Mag-isip kayo.  May mga matinong trabaho ang mga survivors na ito bago sila nasalanta ng bagyo. May disente at marangal silang pamumuhay bago ang lahat ng ito. Nagsisikap silang mabuhay ng tama at marangal araw-araw sa kabila ng hirap ng buhay bago ang trahedyang ito. Sana maisip natin ‘yan! Huwag n’yo namang lalo pang apakan ang pagkatao at dangal nila. Please lang! Sa kabilang banda, ‘yung mga magnanakaw sa gobyerno, NAGNANAKAW SILA SA LAHAT NG PANAHON! ‘Yan ang buhay nila eh. Umulan, bumagyo, tuloy ang ligaya nila. Tuloy ang pagkulimbat nila! Nandarambong sila regardless of the circumstances! Ngayon, tanong ko sa inyo, sino ang tunay na magnanakaw? Sino ang dapat tugisin?  Sino ang tunay na baliw? Pasok Kuh Ledesma. Ito na ang cue mo! Grabe nakatengga ka! Char.🙂

Don’t get me wrong ha. Hindi ko sinasabing tama ang ginagawa nila. Hindi ko jinu-justify ang pagnanakaw ng mga survivors sa mga malls. Ang akin lang is huwag silang husgahan kasi hindi naman natin talaga naiintindihan ang kanilang buong pinagdadaanan. THEY ARE IN A REALLY DESPERATE SITUATION.😦 Hindi tayo ‘yung namatayan, nagutom, nauhaw, nawalan ng ari-arian at kabuhayan.  We can only feel so much as outsiders. Kaya tingnan sana natin ang context ng buong pangyayari bago magsalita. Umunawa muna sana bago manghusga ha? Dyosko. Rereglahin ako sa inyo! 

______________________________________________

Image

PANGALAWA, kumukulo ang dugo ko  sa kinikilos ng government sa case na ito. Kapag ang mayayaman ang ninanakawan, umaaksyon agad ang pamahalaan. Bothered na bothered agad ang mga gago. Parang tanga, right?! In fact, na-consider na nga ni PNoy na mag-declare ng Martial Law dahil daw sa talamak na “nakawan” sa mga probinsyang nasalanta. O, di ba? SHOCKING!!! Bullshit. Huwag n’yo kameng simulan sa usapin ng “NAKAWAN!” Huwag mo nga akong paandaran, PNoy! Ang taong-bayan, ninakawan ng bilyun-bilyung piso, pero anong ginawa mo? BINGI-BINGIHAN! BUSY-BUSYHAN! Pero ‘nung mayayaman ang naagrabyado, aksyon agad! Kilos agad para protektahan ang kanilang properties! Padala agad ng military at kung anu-anong pwersa para matigil ang nakawan! PWE! Isang malakas na PWE!

Again, don’t get me wrong ha. Hindi ko sinasabing si PNoy ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ko sinasabing siya ang dahilan kung bakit may bagyo. ANO BA! Ang sa akin lang is nakukulangan ako sa kanya as a leader. BIG TIME! Alam ko hindi madali maging president, PNoy. Tao ka lang. Diva ako. Char. Alam kong marami ka ring hinaharap na issues sa personal na buhay at sa pagiging pangulo. Pero sana kapag hinarap mo ang isang bagay, harapin mo nang maayos. Harapin mo nang totoo! Simply put, gusto namin ng maayos na leader! ‘Yun lang naman ‘yun. After all, ‘yan ang dahilan kung bakit and’yan ka sa pwesto. Binabayaran ka to be OUR LEADER! 

Sorry, PNoy pero sirang-sira ka na talaga sa akin. Binoto pa naman kita. Haaaay.😦 Sana pala bumili na lang ako ng pagkain. Nabusog pa ako. CHAR!🙂 Ang dami mong mga kasinungalingan. Kung kasali ka lang sa teleseryeng “Honesto” tiyak ko, super haba na ng ilong mo. Sabi mo last week bago dumating ‘yung bagyo, handa-handa ang Pilipinas kay Yolanda. HANDA PALA HA! Galeng. Tapos kagabi sa speech mo sabi mo naman kaunti lang ang nasalanta na biktima. KAUNTI PALA HA! Hindi man ako magaling sa Math pero alam kong mas kaunti ang 2 kaysa sa 10,000! Please ha. Ano naman kaya ang sasabihin mong lies bukas? Na nakakakain na ulit ang mga survivors at busog na busog na ulit sila? Na masaya na ulit sila? Ewan ko sa’yo. Parang lutang lagi ang mga reports mo. Parang ibang mundo ‘yung ginagalawan mo. May TV ka ba sa bahay? Let me know kung wala ha. Willing akong gamitin ang 13th month pay ko para regaluhan kita ng TV set para lang magkaintindihan tayo .Parang hindi kasi pareho ‘yung mundong ginagalawan natin eh.  Parang lost ka , Kuya. 

_________________________________________

Image

Lastly, sana naman bumawi na lang ang government sa pagiging systematic sa pagbibigay ng mga mga relief goods and donations sa mga nasalanta. Utang na loob, kahit dito man lang ay maging maayos ang trabaho n’yo. Nasa mahigit 23 countries na ang nag-pledge na magbigay ng financial and logistic aid. Malinaw po na pera yan, Mr. President. Kaya lang gaya ng iba, kinakabahan ako na baka hindi umabot sa sa tamang tao ang mga tulong na ito. Baka 10% lang ang actual help na dumating ha! Pota. Dami kasing officials na mahilig sa KICKBACKS!  I think mag-aagree sa akin si Sen. Estrada, Sen. Revilla at Sen. Enrile. Tama ba Seksi, Pogi at Tanda?! PLEASE LANG! Huwag na sanang pagnakawan ang mga biktima kasi wala ng mas masahol pa sa act na ‘yan. Dami din kasing buwaya at mapagsamantala sa gobyerno kaya sana paki-ensure na may tamang accounting at auditing sa paglabas at pagpasok ng local and international donations of any kind. Pakibilisan din po sana ang pagdidistribute ng tulong. Hindi po nakakapaghintay ang gutom at uhaw! Basic needs po ang tawag sa kanila. Hindi sila ka-level ng kama na pwedeng tsaka na ibigay. Sadly, marami pa palang mga biktima ang wala pa ring nakukuhang tulong UNTIL NOW. GRABE NAMAN! Four days na po ang ang nakakalipas! My God. Hindi sila camel na may reserbang tubig at pagkain sa likuran!!! Galaw-galaw. Huwag naman gutumin at uhawin nang todo ang mga typhoon victims. Huwag naman nating isagad ang kanilang desperation at paabutin sa point na kakain na sila ng laman ng tao. PLEASE!

Sa malaking pagtanaw, maliwanag na kailangang-kailangan na nating mag-upgrade bilang bansa. YES, DATI PA! Ibang-iba na ang panahon ngayon. Ang mga ulan ay mas malalakas na at bumubutas na ng bubong. Ang mga dating hindi binabaha ay sinasalanta na. Ang mga lugar na hindi nililindol ay niyayanig na. Ang mga lalaking pogi ay nahihilig na rin sa kapwa pogi. Char. OR!🙂 Kaya ang mas malaking tanong, ANONG GAGAWIN PARA HINDI NA MAULIT ANG TRAHEDYANG ITO?! Actually, natanong na ito ng ilang beses pero parang walang sumasagot. Sana pinagiisipan na ito ng mga nasa gobyerno. Hindi po pwedeng laging may “bayanihan” kapag may calamity. Hindi pwedeng laging nakaasa sa donation at tulong. Hindi tamang hayaang may 10,000 na Pinoy na naman ang magbuwis ng buhay sa susunod na typhoon! Every year na lang may ganitong eksena. Kung jowa ko ‘to, nakipag-break na ako. Kakapagod eh. Ulit-ulit. Alam naman nating LAGING may bagyong dumadating sa Pinas, di ba? So, MAGHANDA na tayo ng TOTOO! Gumawa tayo ng mga matatalinong policies, scientific for that matter, para hindi na maulit ito. Ayusin natin ang infrastructure. Kung magpapagawa ng tulay at kalsada, huwag substandard! Reflection talaga ito ng talamak corruption sa bansa eh! It will all boil down to corruption. May pera sa gobyerno. Ang problema is ilan lang ang nakikinabang dito. Paano kasi’ yung mga pondong pam-projects ay nakukulimbat. Naibubulsa. Kung gagawa man ng projects, chaka! It’s either substandard, hindi matatapos ang project or walang project na gagawin AT ALL! Dyosko! Nakakapanghina.

Haaaaay. Isang malaking haaaay. Ewan ko. Nakaka-depress talaga.😦 Basta huwag tayong magsawang tumulong muna sa ngayon. Tumulong tayo sa kahit anong paraan para makabangon muli ang ating mga kababayan.

God bless the Philippines.

Yours truly,

Madma

(Photo sources: http://www.abc.net.au/news/2013-11-08/an-worlds-most-powerful-typhoon-makes-landfall-in-philippines/5078216http://www.frugal-cafe.com/public_html/frugal-blog/frugal-cafe-blogzone/2013/11/10/destruction-death-super-typhoon-haiyan-decimates-philippines-death-toll-rises-into-thousands-more-missing-looters-hampering-rescues-video/http://globalnation.inquirer.net/90077/world-vision-abs-cbn-foundation-seek-relief-for-super-typhoon-victimshttp://www.rappler.com/nation/43347-yolanda-death-toll-nov-10-amhttp://www.ibtimes.com/super-typhoon-haiyan-aftermath-photos-typhoon-yolanda-devastates-philippines-leaves-trail-1463632)

 P.S. Maraming salamat sa mga kasama kong nag-volunteer sa Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH sa Vinzon’s Hall sa UP Diliman. Super enjoy kahit sumakit ang katawan ko nang todo! Ang saya kasama ng mga taga-UP. At ang popogi pa. Char.🙂 Salamat sa mga magagaling kong staff kanina. STAFF?!🙂 Thank you at inako n’yo ang pagbubuhat ng mga sako-sakong bigas. Sorry at hindi ko talaga kaya ang mga buhatan. Alam n’yo na, DIVA.🙂  Special mention to my co-volunteer and the birthday girl herself, Ms. Szusza Velasco! Ang galing nating leaders kanina ha. Masasabi! Good job tayo, bitch!🙂

Image

 

__________________________________ 

 Ito pala ‘yung mga na-pack namin kanina. Almost 500 na relief goods! GOOD JOB!!!🙂

Image

Maraming salamat lahat ng bumubuo ng “Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH.” Kailangan pa nila ng mas maraming volunteers!!! Attack lang kayo sa UP Diliman sa Vinzon’s Hall. Andun ang kanilanfor more detailsg headquarter! GO NA! Check their website for more details: https://www.facebook.com/events/191377047714707/

______________________________________

P.P.S. Gusto ko din palang i-promote ang super nice na campaign ng friend ko na si Raine Mateo Calucag! Suportahan natin ang “The Butterfly Project” sa kanilang super catchy na project titled “You Lenda Hand.” BONGGA! Witty!🙂 Layunin nilang tugunan ang mga pangangailangan ng mga typhoon victims na babae at mga bata! Panalo talaga ‘to. So, kailangan nila ng mga napkins, undergarments ang diapers!

For more information, visit them at facebook.com/thebutterflyproject.ph or email them at butterflyproject.ph@gmail.com! ‘Yun na!

Image

 

__________________________________________________

Madma is sooo back, bitches!!! Magbo-bonding na tayo nang mas madalas dito!🙂 I LOVE YOU ALL!

8 thoughts on “Si Madma at ang Bagyong Yolanda

    • Gandaaa! I miss you tooo! Back to regular programming na tayo as a blogger! haha At least makakasagap ka na ng balita sa akin here. Cute ng baby mo! Chika tayoo soon. I love you as always, dahleeeng!❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s