7 Bagay na DI-DAPAT I-donate

Dear fans and followers,

Kamusta na ang ulo n’yo, mga bitches?! Mainit pa rin ba dahil sa palpak na aksyon ng gobyerno sa trahedyang dala ni Mareng Yolanda? Well, hindi ko kayo masisisi sa part na ‘yan. Ako rin ay ilang beses na tumaas ang BP sa magkahalong kahihiyan, inis, asar at galit sa turn of events lately. Day 7 na lagim ni Super Typhoon Yolanda pero parang kahapon lang nangyari ang pananalasa. Same-same pa rin ang kalagayan! Pota. In fact, parang mas lumala pa nga. Hindi pa rin nabibigyan ng tulong ‘yung ibang areas until now. Magulo pa rin. Mas lalo pang gumulo. ‘Yung mga bangkay ay nakakalat pa rin sa kalsada hanggang ngayon. Dyosko. Ano ‘yan? Palay?! Nakakaloka!

Anyway, ayaw ko na munang ma-nega. Friday ngayon so dapat GV lang tayo!🙂 Nakakasira ng beauty ang issue na ito. Grabe! I think we’ve said enough. We’ve heard enough. We’ve seen enough. Mag-focus na lang muna tayo sa rehabilitation at patuloy na pagtulong sa mga biktima para matapos na ang bangungot na ito. Bweltahan na lang natin lahat ng mga inutil sa gobyerno pagkatapos nito. After all, sa likod ng galit, sisihan, awayan at bangayan, ang main task at hand is maibalik sa kaayusan ang mga affected areas at matulungan ang mga biktimang makabangon ulit. OMG ang positive ko today ha! Aminin n’yo ‘yan.🙂

With that, gusto ko na lang i-discuss ‘yung mga bagay na HINDI DAPAT i-donate sa mga ganitong pagkakataon. Based ito sa karanasan ko sa pagbo-volunteer sa “Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH.” Medyo naloka lang ako sa ilang items na dinonate ng ilan nating mga mabubuting kababayan. I appreciate the kindness ha. Don’t get me wrong. Nakaka-shock lang talaga! Super fun siya though kaya naalis din somehow ang pagod while nagre-repack ng mga relief goods.🙂

Without further ado, I now give you the 7 things na HINDI DAPAT i-donate sa mga biktima! Paki-note po. Lalo na dun sa mga nagbabalak mag-donate.
__________________________________
Panties

Gamit na panty at brief and other undergarments

PLEASE NAMAN! Hindi ko kinaya ‘yung mga nagdo-donate ng mga used underwear ha. GAMIT TALAGA?! Hindi pwedeng bago?! Shocking! Konting respeto naman d’yan. Huwag naman magbigay ng mga manilaw-nilaw na brief o kaya ay may dugo-dugong panty. Hindi naman contestant sa “Extra Challenge” or sa “Fear Factor” ‘yung mga victims para i-subject sa pagsusuot ng ganyang mga gamit. Baka naman nakaligtas nga sila sa bagyo, mamatay naman sila sa infection sa genitals. AY! Ayaw natin ‘yan. I-avoid natin ‘to ha. Kung gamit na lahat ng briefs or panties n’yo, KEEP THEM na lang for future references. Marami namang ibang items na pwedeng i-donate. ‘Wag n’yo na lang i-push. Ok? BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Fairy

Costume-like na mga damit (Fairy costume, Vampire costume, mermaid costume etc.)

Dyosko ha. Biktima na sila. Tingin n’yo ba may time pa silang mag-costume party?! Ewan ko ha. Hindi ko kinaya ‘yung mga fairy costume-like na nakita ko sa donation. I’m wondering kung ano kayang iniisip nung nag-donate. Siguro sa isip-isip n’ya, kailangan ng mga biktima na magmukhang fairies para makamove on. Ganun? Di ako sure sa motive ha. Medyo dehado ako dito. Sana i-avoid din natin ang pagdo-donate ng ganitong items. Kung hindi na kasya sa inyo ‘yung mga costume n’yo sa bahay, keep them na lang din. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_________________________________________
Apples

Mansanas at iba pang mga prutas

Unless turukan n’yo ng formalin ‘yan, sige papalusutin ko ‘yan. Guys, ‘wag naman perishable items kasi sure na masisira ‘yan so sobrang tagal at haba ng lalakbayin ng mga relief goods. Baka ‘yung mansanas n’yo ay maging apple juice na pagdating sa Leyte. Gosh. Kung pushy talaga kayo at sobrang mapilit at tingin n’yo ay importante talagang makakain ng prutas ang mga biktima, siguro mabuti pang mag-donate na lang kayo ng buto ng mansanas para at least kapag dumating na siya sa mga biktima, prutas na siya. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Knorr

Knorr Sinigang Mix/ Sinigang sa Miso

Magsisigang talaga?! Sana sinamahan n’yo naman rin ng isang kilong baboy, sitaw, labanos at talbos. Ang haggard naman na sinigang mix lang ‘yung matatanggap ng biktima. Ano kayang gagawin nila sa sinigang mix? Lalaklakin kapag nareceive? ‘E ‘di kidney naman nila ang nadale. Nakaligtas nga sa bagyo pero nagkasakit naman sa kidney?! Talo rin. Tsaka dagdag problema pa yan sa mga biktima. Poproblemahin pa nila tuloy kung paano magiging totoong sinigang ‘yung Knorr mix. Mapu-push pa sila magnakaw ng baboy at iba pang sahog. Tsk tsk.. Guys, huwag na natin sanang dagdagan ng stress yung stressful na nilang buhay. Konting diskarte naman. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
________________________________________
Biscuits

Expired na biscuits

Ewan ko kung tatawagin kong “mabait” ‘yung nag-donate o mas appropriate na tawagin siyang “demonyo.” Ano ba! May galit ka ba sa mga biktima?! Sabihin mo lang para mapag-usapan natin dito. Huwag naman tayong magbigay ng expired na o di kaya ay mage-expire na na mga biscuits. Check-check din ng expiration date! Huwag masyadong agit sa pagdo-donate. Siguraduhin namang makakain ‘yung bigay n’yo. Gusto n’yo ba talagang mag-donate? Parang ayaw n’yo eh. Sa pakiwari ko ha. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
________________________________________
Halls

Mga candies gaya ng Stork, Halls etc.

Trick or treat ang peg?! Or pwede ring trick or THREAT. Char.🙂 Ano baaa! Kalako ha. Itago n’yo na lang ang mga candies n’yo kung marami kayo. Gets namin. Marami kayong candies. Duly noted po. Pero sana totoong mga pagkain na lang ibigya n’yo gaya ng noodles, bigas etc. Hindi naman babyahe ‘yung mga biktima at kailangan nila ng candy. Hindi na nga makaalis eh, di ba? Please ha. No more candies! BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Tea

Slimming teas/ Mga pampapayat na tsaa

Wala na ngang nakakain ‘yung mga biktima ng ilang araw tapos gusto n’yo pa silang pumayat?! Gosh. Baka naman magsuka na sila ng dugo kapag pinainom pa natin sila ng mga pampapayat na tea. Ang sadista din ha! Huwag naman kayong maging bitter kung hindi umepekto sa inyo yung mga slimming teas na binili n’yo at ibibigay na lang sa iba. Eh ang taba nyo talaga eh. Ang siba n’yo kumain eh. Anong gagawin natin? Puro kayo ‘Balik Alindog Program” pero kain naman nang kain! Charot.🙂 Please ha. I-avoid natin ang item na ito. Kape, gatas at milo na lang ang ibigay n’yo instead of this. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
__________________________________

There you have it! Paki-note ‘yang mga ‘yan ha. Pinapaalalahanan ko na kayo. Kung magdo-donate kayo, siguraduhin n’yo rin na makakatulong talaga ang ibibigay n’yo. Otherwise, kalat lang yan. Sayang lang.🙂

BUT AGAIN, I appreciate the kindness.;)

Yours Truly,

Madma

(Photo sources: http://yoy50.wordpress.com/2010/03/03/major-retail-stores-selling-used-underwear-wtf/, http://www.halloweencostumes.com/womens-fairy-costume.html, http://www.fanpop.com/clubs/fruit/images/1201901/title/apples-wallpaper, http://filipino-store.com/index.php?act=viewProd&productId=164, http://www.continentalbakeries.com/en/products/cookies-biscuits/, http://azraelsmerryland.blogspot.com/2011/07/toys-and-halls-mentholyptus-candy.html, http://closemyer.co.za/theteas.html)

P.S. Tuluy-tuloy lang sa pagtulong sa ating mga kababayan! Every help counts! Kailangan talaga nating magtulungan ngayon kasi hindi na kaya ng chaka nating gobyerno ang ang pagrespond. Maraming namang paraan para tumulong. Kung wala kayong pera, pwedeng mag-volunteer. Kung wala kayong time, pwedeng mag-donate ng items. Basta madami! Go lang nang go!

Para sa mga gustong tumulong, just visit the Facebook account of Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH: https://www.facebook.com/#!/events/191377047714707/
______________________________________
TK
______________________________________
P.P.S. MARAMING SALAMAT sa inyong suporta! Madma loves you!❤

96 thoughts on “7 Bagay na DI-DAPAT I-donate

  1. Hindi ko mapigilang hindi tumawa kahit madaming tao. Winner talaga!! Funny post pero may heart behind it pa rin.🙂 Hindi ako maka-getover sa slimming tea and costume! Hahaha Kaloka!

  2. hahaha tawa ako ng tawa at muntik na akong naka-skid mark sa underwear ko hahahaha bawal pa naman i-donate. Thanks ha, nalulongkot lang ako sa news at pictures dito sa ibang bansa… I needed this. Mabuahy ka Madma!

  3. Hahaha! Sobrang funny ng post and very true. Though sana wag lang tayong sisi ng sisi sa gobyerno. Tumulong po tayo sa pagrerepack. Hindi lang buhos ng buhos ng donations na hindi pa naman naka-sort. And it’s not our fault our country is a third world country na wala masyadong magagandang roads or airports na makakatulong sa pagbilis ng pagbigay ng relief goods. Nasira din sila sa bagyo.

    Pero this was a very funny and witty post!🙂 kudos to you!

  4. Pingback: nstp1upse

  5. meron pa akong experience, may nagdonate ng lingerie as in ung super lacy at pang akit tlga… meron pang mga damit na prang pinag-initan ni edward scissor hands… meron png nag donate ng mg bag nilang inaamag na at sira ang strap… may sapatos pang wla ng mga takong at swelas… ung iba wla pang pares… pti medyas na sobrang luwang na at my butas sa my big toe dinonate… mga basura nla sa bahay gsto itapon sa visayas… nkaainis lng… pinagtatapon ko lng tuloy mga “donations” nla… pero like u said, i appreciate the kindness…🙂

  6. Naging volunteer ako dito sa Chicago at may mga experience din akong ganyan..meron lang ako idadagdag, merong may mga nagdodonate ng mga sapatos na high heels!..anu un, para iwas putik kaya nag donate ng high heels?..haha

  7. Dami kong tawa, sa simula palang underwear wow nman ako dun sa nagdonate tapos sa costume😀 nice post🙂 tama ka nga naman. two thumbs up🙂 . share ko to para matawa cla at malaman kung ano dapat idonate🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s