#BalikAlindog versus #BalikPagkatao

Pinyuyir

 

Dear fans and followers,

Happy New Year naman to all of you!!! 2014 na! Shet. Nakaka-pressure ang bilis ng panahon. Hindi ko siya kinakaya. Parang kelan lang single ako. Tapos ngayon…single pa rin. Bwahaha Chaka!😉 Sana naman mas maging maganda ang taon na ito for my lovelife. LORD! SANA MAKINIG KA NA!!! Parang ang selective mo sa mga pinakikinggan mo ‘eh. Parang nabibingi ka bigla kapag lovelife na ang hiling ko. Parang bigla kang nagiging busy. Char!😉  Joke lang, Lord ha. ‘Wag ka namang sensitive. Dyosko.😉

Kamusta naman kayo?! Kamusta ang figure n’yo? I’m sure nagtabaan kayo. Ang siba n’yo ‘eh. Ano expect n’yo? Ano ba. GV lang tayo!🙂 This is my first post for this year so I think kailangan positive tayo para naman maganda ang pasok ng taon. Hindi natin dapat ina-attract ang mga negative vibes kasi hindi sila nakakayaman. Dapat positive lang! Apir!😉

So, pumasok na naman ang bagong taon kaya ito na naman at naglipana ang mga taong nahuhumaling sa tinawag na #BalikAlindog program. Alam n’yo ‘yan! Very rampant na naman ang programang ito ngayon sa social media at maging sa mga simpleng usap-usapan. Nagkalat na naman sa Facebook at Twitter ang mga taong nagpo-post ng mga specific details kung paano papabalikin ang alindog nila na wala naman talaga sila nito to begin with. ‘Te, hindi mo talaga maibabalik ang NEVER na naging iyo. ‘Wag kang mag-ilusyon! CHAROTH! Lakas maka-linya sa teleserye! Love it!😉

Anyway, puro #BalikAlindog ang fans ngayon na kesyo magjojogging na raw at tatakbo ng 90 miles a day (wow), kakain na ng healthy food at magbabawas ng rice from 6 cups to half rice (wow), maggi-gym na raw lagi at susulitin na ang membership na never namang nagamit talaga etc. etc. ‘YAN NA NAMAN TAYO ‘EH.  Pustahan paandar lang yan. Next month makikita mo na naman sila sa mga buffet restaurant tapos aamagin na naman ng gym card nila. Naku! I don’t want to sound nega ha. May mga success stories din naman akong alam. ‘Yung tipong biglang naging balingkitan talaga from a whale-sharkish size. Congrats naman sa inyo!😉 Pero sadly,  mga 2 lang sila out of 20. Bwahaha. Ang dami ko rin kasing friends na matataba na nagbalak na ibalik ang alindog nila to no avail. Gusto ko ‘yung “to no avail.”😉 Ang ending, mas tumaba pa sila huli. ‘Yung tipong nawala na ang leeg nila nang tuluyan dahil sa katabaan. Parang after ng ulo, balikat agad. Tapos after balikat, paa agad. Ganun level! Saklap no?

Hay naku. Tantanan na nga lang natin sila. Baka magulat ako at paulanan ng bala ang bahay ko mamaya. Walang na lang basagan ng trip. Ibigay na lang natin sa kanila ang benefit of the daw. I mean of the doubt.😉 GV lang! After all, ang gusto ko naman talagang pag-usapan ay ang aking paandar program na #BalikPagkatao program! Ay, gusto ko ‘to! Ito na! Ito na!!!🙂

Ang pagbabago ay dapat laging holistic. Hindi lang pagbabagong piskal dapat. Higit sa lahat, mas importante ang pagbabago ng ugali tungo sa mas mabuting pagkatao. O, ha! Hiyang-hiya si Dra. Margie Holmes sa entrada ko. Wahaha.😉 Pero seriously, walang point na magandang katawan pero BASURA naman ang pag-uugali. Ekis din ‘yan sa fans. Tandaan natin, maraming bagay ang hindi kayang takpan ng magandang mukha at makinang na ngiti. Kaya inaanyayahan ko kayong mag-#BalikPagkatao program kasabay ng #BalikAlindog n’yo. ‘Wag puro pag-build ng muscle ang atupagin! Dapat may mga babaguhin din tayong pag-uugali para mas maging busilak na tao tayo ka-level ni Mama Mary. At isa ngang maganda at simpleng pagbabagong pwede nating gawin sa buhay ay ang PAGTUPAD SA COMMITMENT!

___________________________________________________
com

Sabi ko nga sa Facebook status ko kagabi, mataas ang respeto ko sa mga taong pumupunta talaga sa isang event kapag sinabi nilang pupunta sila. Truly commendable ‘yung mga taong reliable at may pagpapahalaga sa commitment. ‘Yung hindi ka bibitinin at iiwan sa ere. Ang dami kasi talagang mahilig magpa-andar. Halimbawa  sa Facebook event page, ang bilis mag-click ng “GOING!” Kakapost mo pa lang tapos naka-“GOING” na agad si Ate. Pero pagdating naman ng actual event, HINDI MO NA MAKITA! Biglang hindi magpaparamdam. Tangena. Kairita no? Dapat sa sinisilaban ng buhay ang mga taong ganito ‘eh. Dapat pinagtutulak ng MRT ang mga hinayupak na ‘yan para putukin. Dapat dinidispatsya na sila ‘eh. Leche! Ang simple-simple lang ng buhay. Kung hindi ka pwedeng umattend, ‘E ‘DI ‘WAG! Shut your fucking mouth na lang!!! Nyeta. Sorry for the outburst, judges.🙂 Medyo natodo ko sa part na ‘yun ha! Wahaha🙂 Pero aminin n’yo ha, ang simple-simple ng bagay na ito pero marami ang bumabagsak dito. Kaasar.

Hindi naman ako nagmamalinis. Hindi ako sing-buti ni  Mama Mary. May mga times din na nag-confirm ako pero hindi ako nakapunta for some reason. BUT I RARELY DO THIS. I rarely backout from a commitment. Life and death situation na talaga kapag hindi ako sumipot. Almost always, sumisipot ako sa lahat commitment na nag-confirm ako. Kahit 8 na events pa ‘yan sa isang araw, lahat ‘yan sisiputin ko kahit ikamatay ko. Ganun kasi dapat, ‘di ba? Nag-commit ka, so magpakita ka. Basic! ‘Yung iba kasi sa atin ang bilis mag-confirm. Pero kapag sa actual lakad na, biglang malo-lowbatt, biglang nadukutan, biglang nabangga ng truck ‘yung taxi na sinasakyan, biglang namatay ang lola, biglang nanakawan ang bahay, biglang inapoy ng lagnat. INAPOY TALAGA? Hindi pwedeng sininat lang muna?! Dyosko ha. Please!

__________________________________________________
so

Sabi nga ni Ate Sharon Cuneta na recently ay nagpaandar na naman sa Twitter, “I remember when life was simpler… When people had some degree of respect for one another because it was just a natural thing…” Korek ka d’yan, Ate Shawie! Nakakamiss din talaga ‘yang mga moments na ganyan. Ang laki din kasi talaga ng pinagbago ng buhay natin with the technological advancements. May negative side din talaga ang mga paglipana ng gadgets and all. Dati nung hindi pa uso ang cellphone at landline pa lang ang meron tayo, mataas ang pagpapahalaga ng mga tao sa COMMITMENT. Halimbawa may ime-meet tayong isang tao sa particular na lugar at oras, talagang sisipot tayo dun kasi otherwise aamagin ‘yung kausap natin kakahintay. Wala tayong cellphone or FB/ Twitter na pwedeng gamitin para magsabi sa kausap natin na hindi na tayo bigla makakapunta dahil nga “inapoy ka ng lagnat.” So, sisipot tayo kahit anong mangyari dati. Ngayon, DYOSKO. Ang daming mahilig mag-confirm pero never nagpapakita. At ang nakakairita pa is ‘yung nagba-backout MINUTES away from the event! AY, NAKU! GRABE!!! Dapat sa mga taong ‘yan pinapakain ng racumin. Kingina. Sobrang bastos ‘no? Pet peeve ko talaga ‘yang mga backout-era! SOPER! Usually, dinidispatsya ko na ‘yan sa friends list ko. After all, afford ko namang mag-delete ng friends kasi soper dami na rin talaga nila.  Wahaha. #Bitch

Haaaay. Tama na nga. I think I made my point already. Sana gumawa din kayo ng #BalikPagkatao program n’yo. Marami namang simpleng mga bagay at pag-uugali ang pwede nating i-improve para mas maging maganda ang pagkatao natin. Kumbaga sa sex, dahan-dahan lang para hindi duguin. WOW.🙂 Pwedeng ang laman ng #BalikPagkatao n’yo is mga simpleng changes lang like magiging on-time na sa mga lakad, magiging mas palangiti na, matutulog na nang maaga, maghuhugas na ng kamay bago kumain etc. Mga light levels lang. Or kung paandar kayo, pwede rin namang mas pasabog like hindi na magnanakaw, hindi na makikipag-sex sa lalaking may jowa, hindi sisilipan ang mga naliligo sa banyo etc. Mga ganyan ba. ‘Wag masyadong mag-focus sa panlabas na pagbabago. Marami d’yan maganda nga ang katawan pero single din naman. Wala rin! Hindi n’yo rin kinaangat ‘yang muscle n’yo sa mga single na pangit. Char.

So there. ‘Yan na lang muna. Tandaan natin na hindi kayang takpan ng magandang katawan ang bulok na ugali. Napakaraming hindi kayang itago ng kagandahan. Kaya payo ko sa inyo, patuloy na pagandahin ang inyong pagkatao. Kasi kung ang pagkatao mo ay  busilak, sa huli, ikaw pa rin ang magiging makinang! (Balutin mo ako ng liwanag ng iyong pagmamahal…)

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.aiche.org/ifs/resources/sustainable-meeting-initiative/environmental-commitment-statement, http://www.ekaterinawalter.com/2013/09/to-get-reluctant-employees-on-board-with-social-media-put-em-through-boot-camp/, http://www.techblogstop.com/35-plus-most-beautiful-happy-new-year-2014-hd-wallpapers/)

P.S. Sorry at hindi ko masyadong napanindigan na GV ang post ko. hahaha Medyo nadala ako ng emotion ko. Happy New Year ulit sa inyo! At cheers tayo para sa mas pinalakas na pagkatao nating lahat!❤

 

 

 

 

13 thoughts on “#BalikAlindog versus #BalikPagkatao

  1. Tangina nung Dra. Margie Holmes. :))

    Parang may hugot. Pangalanan naman. Haha.
    Weaknesses to strengths, tsef.
    Pinyuyir.

    • Hello Tsef! Alam mo hayaan na lang nating tamaan kung sino ang dapat tamaan. After all, mas winner ‘yung nagku-cultivate ng guilt sa kalaban kaysa sa direktang pagtira. Pailalim dapat. Mas internal, mas bongga. hahaha #bitch Uy ha. Sana habulin mo ‘yung number of strengths ko. Based on my last tally, you have a looooong way to go. Keep up ha? K.

    • Hello naman Ms. Rog. Ang GV ng aura mo ngayon ha. hahaha Wish ko for you this year ay sana magka-jowa ka na. Medyo mataggal ka na ring “tengga.” hahaha Miss you. More powers.

  2. Naku I missed you Madma! Sobrang saya at nagbalik ka na. As usual, napatawa mo na naman ako sa post mo na in fairness, punung-puno ng aral. Pareho tayo, sobrang pet peeve ko ang mga taong walang commitment. Lalo na nga yung last minute magback out. Sa katunayan marami na kong na unfriend over the years dahil sa ganyang pag uugali. Naiirita lang ako sa mga taong paimportante, wala naman sa hitsura.

    Happy new year!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s