Happy Valentine’s Day, bitches!

HVD

Dear fans and followers,

Happy Valentine’s Day sa inyong lahat! Shet. Araw na naman ng mga puso. Parang kailan lang ‘eh araw ng mga patay ha. Grabe!🙂

Ang saya-saya ng ambiance today. Nakaka-GV! Ang festive! Nagkalat ang mga flowers, chocolates at mga cards sa kalsada. Nakakakilig po talaga!!!🙂 Pero ang malungkot na part kung wala kang jowa is yung fact na hanggang tingin ka na lang sa kanila kasi wala namang magbibigay sa’yo ng mga ito. Wahahaha Nega!🙂 Well, pwede ka namang bumili for yourself. Kaya lang ang loser ng dating, ‘di ba? Medyo chaka din ‘yung makikita ka ng friends mo na may hawak na flowers at chocolates tapos kapag tinanong nila kung saan galing, ang sasagot mo is “binili ko.” MEDYO OFF. Parang anticlimactic! Pero go lang! Bili ka lang. Hindi ka namin iju-judge.🙂

Sa mga fans na may jowa ngayong Valentine’s Day, ‘EH DI KAYO NA! SAKSAK N’YO SA BAGA N’YO ‘YANG JOWA N’YO! Charoth lang!🙂 Seriously, I’m happy for you, guys. Imagine, sa laki ng mundo, nahanap n’yo pa rin ang isa’t isa. EEEEH. Soooo kiliiiig po! Tangena po.😉 Stay happy and enjoy your relationship. Alagaan n’yo ‘yan at huwag hayaang masira kasi mahirap humanap ng true love. Mas madali pang tumakbo from SM North to SM MOA kaysa sa makakita ng love.🙂 Ingatan n’yo ‘yang mga jowa n’yo lalo na kung pogi at ka-level ni David Beckham. Diyos ko! Alam n’yo namang madaming girls na kagaya ni Ms. Deniece Milet Cornejo na mahilig mag-invite sa condo at magpadala ng foods.🙂 Huwag din nating kalimutan na madaming mga pamintang nagkalat sa kalsada na hayok sa so-called titi. Naku, ingat talaga. It’s a dangerous world out there.

Sa mga fans naman na this year lang nagkaroon ng jowa, SOOO HAPPY FOR YOU!🙂 Aminan na tayo. Pinagdasal n’yo ‘yan nang todo! Aminin n’yo na sumayaw pa kayo sa Obando at nag-alay ng itlog kay Santa Clara para makuha ‘yan. Board exam?! wahaha Congrats ha! Sana magtagal kayo.🙂 At sana hindi bakla ‘yang nakuha n’yo. Just in case naman na bakla nga, ‘wag kayong matakot. Andito kame!

Sa mga nasa ligawan stage pa din until now, PETSA NA?! Puro landian lang? Puro paandaran lang? Tama na ‘yan! Aksyon na! Tandaan n’yo, napapanis ang buko kapag hindi ginalaw. Bilis-bilisan n’yo na kasi baka dumating na si Lord at mag-second coming. Sayang ang time. Galaw!

Sa mga naka-long distance relationship mode ngayon, OK LANG ‘YAN! Cybersex na lang muna kayo.🙂 Konting greetings at kamustahan then cybersex na.🙂 Alam kong hindi madali ang malayo sa minamahal kaya tiis lang. Makakaraos din kayo.

Sa mga nasa rocky stage ng relationship ngayon, BITAW NA!!! Hindi kapit lang.😉 Or bitaw na din. Parang dun ako sa bitaw na lang kayo kasi nakakapagod mag-drama. ‘Wag kayong matakot na mawalan ng jowa. Mas matakot kayong mawalan ng tubig. After all, ang tubig ay BUHAY!

And lastly, sa mga single naman na nauupod na ang dila kakadasal na sana ay magka-jowa na, PUSH LANG! Busy lang si Lord lately kaya hindi n’ya kayo masyadong maatupag. Kayo kaya maging Diyos! Tingnan ko lang kung makakain pa kayo sa kabusyhan! Don’t worry, nakapila na sa listahan ni Lord ang dasal n’yong ito. ‘Yung nga lang pang-1,378,987 pa kayo. WOW. Ang layo rin ha.🙂 Basta ‘wag kayong mag-give up ha. Konting patience lang. Isipin ‘yo na lang ‘to: kung ang mga pangit ay nagka-jowa, paano pa ang magandang nilalang na kagaya n’yo?!” Yeeeeessss nomoooon! Gondoooo ni Mum. That’s the spirit! Cheers, bitch!

So, since Valentine’s Day nga ngayon, tiyak kong madaming magse-sex tonight. Punuan na naman sa mga motel or mas kilala sa discrete name na “motmot.” Double-time na naman ang mga staff ng Sogo Hotel for sure. Double-time din ang mga giant washing machine nila para labhan ang mga bedsheets para matanggal ang mga “ebidensya.”🙂 At dahil sa madaming magse-sex later, madaming mabubuntis at madaming manganganak sa November. Ang lamig pa naman ngayon. Shet. PERFECT WEATHER! Ito ‘yung best weather na pang-sex ‘eh. Alam n’yo ‘yan.🙂 Daming nagiging clingy kapag malamig. ‘Yung tipong “Babe, yakapin mo naman ako. Nilalamig me eh.” ‘YAN TAYO!🙂

Anyway, enough of my nguyngoy. May konting reminders lang pala ako sa mga makikipag-sex sa motel mamaya. Paki-take note lang para happy tayo:
__________________________________________
Kama sutra

1. Mag-aral ng mga bagong sex moves. Manood muna ng Kama Sutra bago i-meet ang jowa. Magpasiklab kayo! ‘Yung tipong magugulat siya na bigla ka na lang tatalon tapos kakapit sa chandelier tapos dahan-dahan kang baba papunta sa lips n’ya! AAAY! ANG HOT! Hiyang-hiya ang chimpanzee. Kabog! Tama na ang mga pa-tweetums na sex moves. It’s time to step up the game.
__________________________________________
ungol

2. Iwasan umungol nang malakas. Konting finesse ha. Alam n’yong punuan sa lahat ng rooms sa motel ngayon kaya rinig na rinig kung ano man ang ungol n’yo. Baka magulat kayo at bigla na lang pumasok ang SOCO team sa room n’yo kasi akalain nilang may krimen ng nagaganap sa loob. Konting pagpipigil din para di maistorbo ‘yung ibang “clients” sa tabing room. Kung soper lakas n’yo talagang umungol ka-level ng mga pusa, lakasan n’yo na lang ‘yung TV para ma-balance. Or di kaya kagatin n’yo ‘yung unan para di mapalag ang bunganga n’yo.
_________________________________________
queueu

3. Huwag masyadong magtagal sa motel. Kawawa ang mga nakapila. Maawa kayo sa kanila. May pangangailangan din sila. Hindi n’yo alam kung anong hirap ang pinagdaanan nila para makatakas lang sa mga jowa nila. WOW KABIT PALA!🙂 Maximum of two rounds lang sana ha. ‘Wag na kayong magpatumpik-tumpik. Pagpasok sa motel, go na agad!
________________________________________
regla

4. Push n’yo pa rin ang sex kahit may regla kayo tonight. ‘Wag matakot! Mas “dramatic” ‘yan. Mas intense. Hugas na lang after.😉
________________________________________
condom

5. MAG-CONDOM! Safe sex lang tayo. Mahirap nang mabuntis ng wala sa oras. Kung lesbian naman ang partner n’yo, ipasuot n’yo pa din ang condom sa daliri n’ya. Mahirap ng magkaanak ng kuko. CHAR!

‘Yan lang naman! Enjoy the day! Happy Valentine’s Day again everyone. Group date lang ang peg ko later. Attack kame sa concert ni idol Regine Velasquez sa SM MOA ARENA! Andun ba kayo?! See you there then!

Love you all.❤

Yours Truly,

Madma

(Photo sources: http://nationalharbor.com/event/happy-valentines-day/, http://akisswithcyanide.blogspot.com/2009/06/kamasutra-ayer-y-hoy.html, http://www.magicforest22.com/WerewolfAttraction.html, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding)

P.S. Gusto ko palang i-share ang bagong song ni Ms. Mariah Carey titled “You’re Mine.” Yes, the Diva is back!🙂 Tamang-tama ang song n’ya para sa araw ng mga puso. I dedictae this song to all lovers out there! Yikeeee. Enjoy!
_________________________________

5 thoughts on “Happy Valentine’s Day, bitches!

  1. Dami kong tawa sa post mo Madma ha ha. Na kaka Aliw ka talaga. We’ll , 20 years na ako zero love kaya wala ako happenings na Mai share sau. Eto nakaharap sa pad at binabasa Ang na kaka walang stress na message mo sa mga bitches ha ha. Tita ako ni Jorgette Ann Aguirre.

    Regards, Ate Precy

    Sent from my iPad

    >

    • Hello naman Ate Precy! OMG! Ang dami ko ng fans sa Aguirre family. hahaha SALAMAT PO SA PAGBABASA!🙂 Magkasama kame ni Jet last week.🙂 Sorry kung hindi ako maka-post nang madami. Nagma-Masters kasi ako ‘eh. Ang hirap pagsabayin. haha Thank you for finding time to read my posts.🙂 20 years kang zero lovelife? Ako 28. Beat that! hahaha Enjoy your day.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s