It’s Madma, bitch!

Dear fans and followers,

It’s Madma, bitch!

AKO si MADMA. At narito kayo sa hit na hit na Yours Truly, Madma. Ang blog na ito ay para sa lahat ng mga taong may suliranin/nguynguy/ngasngas/arte sa buhay na gustong pag-usapan. Handa akong magbigay ng payo at mga tips para sa ikagagaan ng buhay n’yo. WOW. Ako na ang bukal ng kaalaman.πŸ˜‰ Puso sa puso ang usapan dito. Walang arte-arte, walang kyemehan! Basta i-share n’yo lang ang mga issues n’yo at pag-uusapan natin ‘yan, live na live. O, ‘di ba ang exciting?! Parang online talk show ang peg.

Tunay namang ito na nga ang pasabog blog na tataob sa lahat ng mga established blogs out there! Siguradong kakahumalingan n’yo ang lahat ng mga entries sa blog na ito. Lahat ay invited at welcome tumambay. Huwag mahihiya. Tambay lang. Hayaan n’yong i-entertain kayo ni Madma.

Of course, ibabahagi ko din sa blog na ito ang aking makulay at pasabog na buhay. Lahat ng mga thoughts at mga nguynguy ko ay isisiwalat ko rin dito. Wala akong ililihim. Lahat ibibigay. Lahat papasabugin. Basta ito lang ang tandaan n’yo, puro pasabog lang sa Yours truly, Madma! Bawat araw, pasabog!

Kaya naman ano pang arte n’yo? Halika na at mag-usap tayo.

Yours truly,

Madma

P.S. Ang tunay kong pangalan ay Marvin Salazar. BA Journalism graduate mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Alumnus ako ng The UP Repertory Company. Marami akong talents kaya ‘wag n’yo akong simulan. Pangarap kong sumikat nang todo at magka-TV show. So, habang wala pa yan, dito muna tayo. Bata pa naman ako, malakas pang bumayo.

Mag-email lang kayo sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali! Promise, sasagot ako.πŸ™‚

Blogging since May 2012.

One thought on “It’s Madma, bitch!

  1. Hi po, Ako po si Michael ginamit ko lang po ang account ng pinsan ko . may gusto lang po akong malaman about sa solusyon sa putok .. Halos dalawang taon na po kami ng girlfriend ko, at alam niya pong may putok po siya .. at lahat po ay ginawa na namin lahat ng alam naming paraan para mawala iyon . yun nga lang po ay hindi pa po mawala wala ang nakakahiyang sakit niya . sana naman po ay mabigyan niyo po ako ng bagong paraan para mawala ang nakakahiyang sakit niya .

    naliligo po siya araw araw, naglalagay ng deodorant ngunit talagang hindi mawala wala ang mabahong amoy na iyon ..

    sana naman po ay mabigyan niyo po kami ng solusyon para dun sa kili-kili niya ..

    Salamat po :))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s