Happy Valentine’s Day, bitches!

HVD

Dear fans and followers,

Happy Valentine’s Day sa inyong lahat! Shet. Araw na naman ng mga puso. Parang kailan lang ‘eh araw ng mga patay ha. Grabe! 🙂

Ang saya-saya ng ambiance today. Nakaka-GV! Ang festive! Nagkalat ang mga flowers, chocolates at mga cards sa kalsada. Nakakakilig po talaga!!! 🙂 Pero ang malungkot na part kung wala kang jowa is yung fact na hanggang tingin ka na lang sa kanila kasi wala namang magbibigay sa’yo ng mga ito. Wahahaha Nega! 🙂 Well, pwede ka namang bumili for yourself. Kaya lang ang loser ng dating, ‘di ba? Medyo chaka din ‘yung makikita ka ng friends mo na may hawak na flowers at chocolates tapos kapag tinanong nila kung saan galing, ang sasagot mo is “binili ko.” MEDYO OFF. Parang anticlimactic! Pero go lang! Bili ka lang. Hindi ka namin iju-judge. 🙂

Sa mga fans na may jowa ngayong Valentine’s Day, ‘EH DI KAYO NA! SAKSAK N’YO SA BAGA N’YO ‘YANG JOWA N’YO! Charoth lang! 🙂 Seriously, I’m happy for you, guys. Imagine, sa laki ng mundo, nahanap n’yo pa rin ang isa’t isa. EEEEH. Soooo kiliiiig po! Tangena po. 😉 Stay happy and enjoy your relationship. Alagaan n’yo ‘yan at huwag hayaang masira kasi mahirap humanap ng true love. Mas madali pang tumakbo from SM North to SM MOA kaysa sa makakita ng love. 🙂 Ingatan n’yo ‘yang mga jowa n’yo lalo na kung pogi at ka-level ni David Beckham. Diyos ko! Alam n’yo namang madaming girls na kagaya ni Ms. Deniece Milet Cornejo na mahilig mag-invite sa condo at magpadala ng foods. 🙂 Huwag din nating kalimutan na madaming mga pamintang nagkalat sa kalsada na hayok sa so-called titi. Naku, ingat talaga. It’s a dangerous world out there.

Sa mga fans naman na this year lang nagkaroon ng jowa, SOOO HAPPY FOR YOU! 🙂 Aminan na tayo. Pinagdasal n’yo ‘yan nang todo! Aminin n’yo na sumayaw pa kayo sa Obando at nag-alay ng itlog kay Santa Clara para makuha ‘yan. Board exam?! wahaha Congrats ha! Sana magtagal kayo. 🙂 At sana hindi bakla ‘yang nakuha n’yo. Just in case naman na bakla nga, ‘wag kayong matakot. Andito kame!

Sa mga nasa ligawan stage pa din until now, PETSA NA?! Puro landian lang? Puro paandaran lang? Tama na ‘yan! Aksyon na! Tandaan n’yo, napapanis ang buko kapag hindi ginalaw. Bilis-bilisan n’yo na kasi baka dumating na si Lord at mag-second coming. Sayang ang time. Galaw!

Sa mga naka-long distance relationship mode ngayon, OK LANG ‘YAN! Cybersex na lang muna kayo. 🙂 Konting greetings at kamustahan then cybersex na. 🙂 Alam kong hindi madali ang malayo sa minamahal kaya tiis lang. Makakaraos din kayo.

Sa mga nasa rocky stage ng relationship ngayon, BITAW NA!!! Hindi kapit lang. 😉 Or bitaw na din. Parang dun ako sa bitaw na lang kayo kasi nakakapagod mag-drama. ‘Wag kayong matakot na mawalan ng jowa. Mas matakot kayong mawalan ng tubig. After all, ang tubig ay BUHAY!

And lastly, sa mga single naman na nauupod na ang dila kakadasal na sana ay magka-jowa na, PUSH LANG! Busy lang si Lord lately kaya hindi n’ya kayo masyadong maatupag. Kayo kaya maging Diyos! Tingnan ko lang kung makakain pa kayo sa kabusyhan! Don’t worry, nakapila na sa listahan ni Lord ang dasal n’yong ito. ‘Yung nga lang pang-1,378,987 pa kayo. WOW. Ang layo rin ha. 🙂 Basta ‘wag kayong mag-give up ha. Konting patience lang. Isipin ‘yo na lang ‘to: kung ang mga pangit ay nagka-jowa, paano pa ang magandang nilalang na kagaya n’yo?!” Yeeeeessss nomoooon! Gondoooo ni Mum. That’s the spirit! Cheers, bitch!

So, since Valentine’s Day nga ngayon, tiyak kong madaming magse-sex tonight. Punuan na naman sa mga motel or mas kilala sa discrete name na “motmot.” Double-time na naman ang mga staff ng Sogo Hotel for sure. Double-time din ang mga giant washing machine nila para labhan ang mga bedsheets para matanggal ang mga “ebidensya.” 🙂 At dahil sa madaming magse-sex later, madaming mabubuntis at madaming manganganak sa November. Ang lamig pa naman ngayon. Shet. PERFECT WEATHER! Ito ‘yung best weather na pang-sex ‘eh. Alam n’yo ‘yan. 🙂 Daming nagiging clingy kapag malamig. ‘Yung tipong “Babe, yakapin mo naman ako. Nilalamig me eh.” ‘YAN TAYO! 🙂

Anyway, enough of my nguyngoy. May konting reminders lang pala ako sa mga makikipag-sex sa motel mamaya. Paki-take note lang para happy tayo:
__________________________________________
Kama sutra

1. Mag-aral ng mga bagong sex moves. Manood muna ng Kama Sutra bago i-meet ang jowa. Magpasiklab kayo! ‘Yung tipong magugulat siya na bigla ka na lang tatalon tapos kakapit sa chandelier tapos dahan-dahan kang baba papunta sa lips n’ya! AAAY! ANG HOT! Hiyang-hiya ang chimpanzee. Kabog! Tama na ang mga pa-tweetums na sex moves. It’s time to step up the game.
__________________________________________
ungol

2. Iwasan umungol nang malakas. Konting finesse ha. Alam n’yong punuan sa lahat ng rooms sa motel ngayon kaya rinig na rinig kung ano man ang ungol n’yo. Baka magulat kayo at bigla na lang pumasok ang SOCO team sa room n’yo kasi akalain nilang may krimen ng nagaganap sa loob. Konting pagpipigil din para di maistorbo ‘yung ibang “clients” sa tabing room. Kung soper lakas n’yo talagang umungol ka-level ng mga pusa, lakasan n’yo na lang ‘yung TV para ma-balance. Or di kaya kagatin n’yo ‘yung unan para di mapalag ang bunganga n’yo.
_________________________________________
queueu

3. Huwag masyadong magtagal sa motel. Kawawa ang mga nakapila. Maawa kayo sa kanila. May pangangailangan din sila. Hindi n’yo alam kung anong hirap ang pinagdaanan nila para makatakas lang sa mga jowa nila. WOW KABIT PALA! 🙂 Maximum of two rounds lang sana ha. ‘Wag na kayong magpatumpik-tumpik. Pagpasok sa motel, go na agad!
________________________________________
regla

4. Push n’yo pa rin ang sex kahit may regla kayo tonight. ‘Wag matakot! Mas “dramatic” ‘yan. Mas intense. Hugas na lang after. 😉
________________________________________
condom

5. MAG-CONDOM! Safe sex lang tayo. Mahirap nang mabuntis ng wala sa oras. Kung lesbian naman ang partner n’yo, ipasuot n’yo pa din ang condom sa daliri n’ya. Mahirap ng magkaanak ng kuko. CHAR!

‘Yan lang naman! Enjoy the day! Happy Valentine’s Day again everyone. Group date lang ang peg ko later. Attack kame sa concert ni idol Regine Velasquez sa SM MOA ARENA! Andun ba kayo?! See you there then!

Love you all. ❤

Yours Truly,

Madma

(Photo sources: http://nationalharbor.com/event/happy-valentines-day/, http://akisswithcyanide.blogspot.com/2009/06/kamasutra-ayer-y-hoy.html, http://www.magicforest22.com/WerewolfAttraction.html, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding)

P.S. Gusto ko palang i-share ang bagong song ni Ms. Mariah Carey titled “You’re Mine.” Yes, the Diva is back! 🙂 Tamang-tama ang song n’ya para sa araw ng mga puso. I dedictae this song to all lovers out there! Yikeeee. Enjoy!
_________________________________

May putok si boyfriend!

sweaty-man-body-odor
____________________________________________________
Hello Madma,

Ano po ba dapat gawin kapag may putok sa kilikili ang boyfriend? Sasabihin mo ba sa kanya o titiisin mo na lang para di siya ma-offend? Marami kasing sports si boyfriend at medyo active siya kaya madalas siya pawisan. Minsan nagpaparinig naman ako sa kanya na may amoy siya kaya lang hindi n’ya naman sineseryoso. Ano ba magandang gawin?

Bago pa lang kame mag-on kaya medyo alangan din ako kausapin siya about this. Naging boyfriend ko siya nito lang January. Masaya naman kame Madma in general. Ito lang talaga ang major problem ko sa kanya sa ngayon. What to do?

You fan,

Dianne
______________________________________________
Dear Dianne,

Naku po, ito na naman tayo sa usaping hygiene. SHOCKING ka, Dianne!!! Paano lumampas sa ligawan stage ang bagay na ito ng hindi mo naa-address?! 😦 Ibang klase rin ang tibay ng ilong mo ha. Saludo ako sa sikmura mo, ‘Te! Hindi ko alam na may mga sikmura pala talagang gawa sa bakal. Shet. 🙂 Muntik na akong mawalan ng gana sa merienda ko dahil sa story mo. Ang sarap pa naman sana nitong puto galing Biñan. Tinatamad na tuloy ako kumain kasi nai-imagine ko ngayon ang pawisan at umaalingasaw na kilikili ng boyfriend mo. Waaaah! Ang appetizing, right? But I like your story ha. 🙂 Nangangabog! Lumelevel sa issue ni Ms. Kris Aquino.

I want to say sorry pala for the very late reply. Your e-mail was dated February 28, 2013 tapos ngayon lang ako nakasagot. So ibig sabihin, na-extend pa lalo pa ang pagtitiis mo! Shet. 😦 Buhay ka pa ba, Dianne? Please say yes! Maggu-guilty ako nang bongga kung pumanaw ka na dahil sa nakakasulasok na amoy ng kilikili ni jowa. Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko sa pagiging pabayang blogger kapag nagkataon! 😦 Sana naman ay humihinga ka pa until now para mabasa itong response ko. Guys, hug naman natin si Dianne. Ang bigat ng problema n’ya ‘eh. Literal na life and death situation! 🙂

Anyway, alam mo kung anong stand ko sa mga may putok. Alam mong hindi ko pinapatawad ang mga taong nagtataglay ng mabahong amoy sa katawan. Masyadong maiksi ang mundo para magtiis sa mga ganitong bagay. Masyadong maraming problema ang mundo para isama pa ito. Lumaban ka, Dianne! SABIHIN MO ‘TO SA BOYFRIEND MO! Parang awa mo na. Ibalato mo na ‘to sa akin. Awang-awa na ako sa ilong mo. Baka tuluyan nang masira ang pang-amoy mo at malito ka na sa pagkakaiba ng amoy ng tae sa menudo. Baka tuluyang nang bumigay ang ilong mo at hindi mo na ma-distinguish ang difference ng totoong kanin sa kaning-baboy. PLEASE, DIANNE. Huwag ka ng magdalawang-isip pa! Kausapin mo na si boyfriend habang may oras pa. NOW NA!

Matanong ko lang, paano kayo kapag nagse-sex? Paano ‘yung foreplay part? Naku-curious lang ako. 😉 So bale iki-kiss mo siya sa lips and leeg tapos jump agad sa pusod at titi? Nilalampasan mo lang lagi ang balikat to kilikili part? Ganun ba? 🙂 Or baka naman pikit-mata mong dinidilaan ang leeg n’ya patungo sa arm pit n’ya. NO WAY, Dianne!!! PLEASE! Konting respeto naman sa sarili. Konting angat naman sa pagkababae. Hindi mo ito kailangang gawin!

May suggestion ako na simple experiment for you. Try mo kumain sa isang masarap na restaurant tonight. Kainin mo ‘yung pinakamahal at pinakamasarap nilang menu. Namnamin mong mabuti ‘yung pagkain. Kapag tapos ka mag-dinner, i-meet mo si boyfriend. Yayain mo siya mag-sex. Tapos papakin mo ang kilikili n’ya. Dilaan mo nang todo-todo like there’s no tomorrow. Tiyak ko, makikita mo ‘yung pagkakaiba ng masarap na pagkain sa mabahong kilikili. Hopefully through this ay makukuha mo ‘yung POINT KO! 🙂 Minsan kasi kailangan talagang malagay sa extreme situations para makita ang difference ng dalawang bagay. Paki-try ‘to Dianne ha. Seryoso!

Huwag kang matakot na kausapin si boyfriend re: this issue. I-raise mo na ‘to sa kanya habang kilikili n’ya pa lang ang mabaho at hindi pa kasama ang batok at nipples. Umiinit ang ulo ko! Paki-text nga siya ngayon. Ito ang sabihin mo, “Hello ____ (insert name of your boyfriend). Gusto ko palang sabihin na may putok ka. Huwag kang tumawa. Seryoso ‘to, Baby. Kahit amuyin mo pa.” That’s it! That simple. Dali na. Let me know kung wala kang load. Papasahan kita. 😉

Take it from Madma, walang ibang sagot sa issue mo kundi ang maayos na pakikipag-usap kay jowa. Bilang girlfriend n’ya, tungkulin mong pangalagaan ang image n’ya. Tungkulin mo ring alalayan siya sa mga bagay na hindi n’ya nakikita or naamoy for that matter. Pwede kasing immune na si boyfriend sa putok n’ya kaya hindi n’ya na ito napapansin. At bilang karelasyon, dapat lang na tulungan mo siya sa bagay na ito. Usap lang ang katapat n’yan. Promise! 🙂

Galingan mo, girl. Umaasa akong malulutas mo na ito tonight. Yes, tonight agad! Huwag ka ng pumalag. Baka bukas hindi na lang kilikili ang mabaho sa kanya. NOT LIKEY! Go, Dianne. Kaya mo ‘yan. 😉

Salamat sa matapang na pagbabahagi ng storya mo. 😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.urbasm.com)

P.S. May nguynguy ka ba?! Pwes, ipadala na ‘yan kay Madma! Mag-email lang kayo sa yourstrulymad@gmail.com. GAME! Pag-usapan natin ‘yan dito.

P.P.S. Muli, inaanyayahn ko kayong sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Sa darating na April 29, 2013, ini-invite ko ang lahat na mag-blog, mag-tweet o ‘di kaya ay mag-post about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang! Ito na ang chance para magamit n’yo ang Facebook, Twitter or blog account n’yo sa isang mas pasabog na paraan. 🙂 TARA NA!

Dear-PH-Header2

For more details, click this post: Si Madma at ang ‘Dear PH’
_____________________________________________

‘Nakakatuyo’ ang Sobrang ‘Dilig’

View+of+feet+of+couple+having+sex+in+bed
________________________________________
Hello Madma,

I super love you blog. As in araw-araw ako nakatambay dito. Mas inuuna ko pa ngang i-check ang blog mo kaysa sa work email ko. 🙂 Ikaw na talaga Madma! At gusto ko rin yung pakikialam mo sa mga national issues ha. Panalo ka talaga! All around ang blog mo.

Anyway, gusto ko lang himingi ng payo sa inyo. Ang hilig kasi sa sex ng jowa ko. As in grabe ang libog n’ya. Ibang klase po! Hindi na po ako makasabay sa kanya. Gusto n’ya everyday nagse-sex kame. At gusto n’ya pa more than once a day ha. Grabe po talaga. 😦 Mahal ko naman ang jowa ko at masasabi kong hot din siya. May abs n’ya siya eh kasi madalas siya mag-gym. Anong say mo Madma! Pero nakakapagod lang talaga ang mga trip n’ya. Minsan nga napipilitan na lang ako kasi gustong-gusto n’ya talaga ang sex. Haaaay… ewan ko.

Payo naman oh. I don’t know what to do anymore.

-Taurus

P.S. Pareho po kameng lalaki ni jowa at bottom ako.
_______________________________________________
Dear Taurus,

NAKAKALOKA KA, Taurus! Ikaw na ang sagana at laging nadidiligan! Pota ka. 🙂 Ang lilibog n’yo naman. Maligo nga kayo ng tubig na may holy water para maalis ‘yang kati n’yo sa katawan! Ang dudumi n’yo! Char. 🙂 Salamat naman sa pagtambay sa YTM. Ang taray ‘nung inuuna mo pang i-check ang post ko kaysa sa work email mo ha! Nakaka-touch ka naman! Patira nga. JOKE! 🙂 Happy rin ako at nagustuhan mo ang pagsawsaw ko sa mga national issues. Alam mo naman ako, sawsawera at pa-involve nang bongga. Kailangan rin kasi nating mag-evolve as a blog at makisabay sa pagbabago ng panahon para hindi tayo off. But don’t worry, HINDI mawawala ang payuhan portion natin! Promise ‘yan. 🙂 Sisiguraduhin kong may tamang balance ang fun, substance and relevance sa YTM. Keri? Keri!

Alam mo, gets ko ‘yung feeling na nauumay ka na sa sex. Not because sagana rin ako sa sex ha! What I’m saying is, gets ko lang ‘yung state na ‘nauumay.’ Lahat naman kasi talaga ng SOBRA ay masama. Ang sinaing kapag sobra sa tubig nagiging malata. Ang tao pinuputok kapag pinawisan nang todo. At ang condom ay nabubutas kapag binayo mo nang wagas sa bading na bottom. CHAR!!! Ano ba! 🙂 Physically tiring din kasi ang sex kapag sobrang dalas. Nakakatuyo din ‘yan. Ang weird pala ‘nung ‘natutuyo’ ka kapag sobrang ‘nadidiligan.’ 🙂 Baka mamaya magulat ka at dugo na ang lumabas sa ‘jun-jun’ mo kasi tuyong-tuyo na pala talaga ang pwerta mo. PWERTA?! Babae?! 🙂 At tsaka ang hirap ding magtutuwad sa part mo ha. I feel for you. 😦 I’m sure lahat na ng klase ng pagbukaka ay nagawa mo na by now. Send ka naman ng picture na nakabukaka para makita namin ‘yung galing mo. CHARENG! Pero kung totohanin mo talagang mag-send, go lang rin. 🙂

Well, wala namang ibang sagot sa problema mo kundi kausapin nang bongga si jowa regarding this issue. Ikaw na ang nagsabi, mahal mo siya so dapat n’yo itong i-workout through an open communication. 🙂 Kausapin mo siya. Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo. Wala namang hindi nalulutas sa maayos na usapan, ‘di ba?! Mag-propose ka ng mga ‘alternatives’ para hindi naman siya mapahiya. Like pwedeng i-schedule n’yo na sa calendar ang sex n’yo para hindi ka na nabibigla at para na rin makapag-ready ka physically and emotionally. Tapos suggest mo na lang sa jowa mo na mag-jakol na lang sa ibang araw na naglilibog pa rin siya. Ganun. Parang ang straight forward masyado ‘nung word na ‘jakol.’ 🙂 O kaya naman, ito suggest lang ha, ibibigay ko sa’yo ang number ko para kapag pagod ka, text mo lang ako para ako ang magre-represent sa’yo sa kama. Walang malisya ‘to. Swear. Parang tulong ko na lang ‘to sa’yo bilang friend. WOW!!! Soobrang WOW!!! 🙂

Importante din pala ang CONSISTENCY. Kapag ayaw mo makipag-sex, sabihin mong ayaw mo. Panindigan mo. Gawin mo. Ipakita mo. Ganun lang. Baka sinasabi mong ayaw mo makipag-sex pero ang suot mo namang brief ay thong para sexy and ready sa lagi aksyon. Baka naman sinasabi mong ayaw mo pero parati kang nakahubad sa apartment n’yo. Or baka naman sinasabi mong ayaw mo makipag-sex pero kung makahiga ka naman at makabukaka ay kabog na kabog ang gagamba. ‘Wag ganun. 🙂 Consistent ka dapat sa mga kilos mo, Ma’am. Malilito si jowa kapag magulo ang signals na pinapakita mo. Umayos ka!

Tsaka ano pala, pwede ring may ‘satyriasis’ si jowa or abnormal, excessive, often uncontrollable sexual desire and behavior. O, ‘di ba nag-research pa talaga ako for you! 🙂 Kapag ganito, sa doctor na kayo kumunsulta. Hindi na ‘to keri ng powers ko. Pwede kasing tingin natin ang behavior ni jowa sa isang medical perspective. Malay mo, medical condition nga pala ito. At least mabibigyan siya ng payo ng mga eksperto.

Take it from Madma, pag-usapan n’yo na ‘to sa lalong madaling panahon. Huwag mong hayaang ilagay ko sa kamay ko ang batas! Chos. 🙂 Mag-jowa naman kayo you have all the advantage para maayos ang sitwasyon. Huwag ka nang mahiya or matakot na sabihin ang feelings mo. Believe me, magiging ok din ang lahat. 🙂 Mas lalong maging malala ang sitwasyon kapag patuloy mo lang na kinimkim ang mga ito. Go na, Taurus. Talk to him. Kapag hindi talaga kaya, sige, isasakripisyo ko na lang ang virginity ko para masalba ka lang sa problema mo. WOW!!! 🙂

Wish you all the best!

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.mirror.co.uk)

P.S. Patuloy lang na ipdala ang ng inyong mga nguynguy at ngasngas sa yourstrulymadma@gmail.com. Gosh, ang dami kong backlog! Pero hayaan n’yo, ife-feature ko lahat ‘yan sa YTM. Kalma lang kayo! Amo?! Charoth! 🙂

Isusuko ko na ang ‘Bataan’

dont_fake_600x450
______________________________
Hello Madma!

Ano pong mabibigay n’yong tips/advise sa kagaya kong first time pa lang makikipag-sex? Sa totoo lang medyo kinakabahan ako kasi first time ko nga so baka masakit and all. I just turned 21 years old at ngayon lang po ako nagka-boyrfriend. Three months na kame ni jowa this month at parang gusto n’ya makipag-sex sa Valentine’s Day. Gusto ko rin naman makipag-sex with him Madma kasi mahal ko siya pero kinakabahan lang talaga ako. Your thoughts, Madma?

More power sa YTM. Avid reader here.

-Fantine
______________________________________________
Dear Fantine,

Panalo ‘tong ngasngas mo! Ang fierce!!! ‘Eh ‘di ikaw na ‘yung “madidiligan.” 🙂 Hay naku, ang dami talagang “nangangati” kapag Valentine’s Day. Lahat gusto “magpaputok.” Lahat gusto “magpasabog.” Char. 🙂 Kinukulang tuloy ang mga motel sa bansa tuwing buwan ng Pebrero. Lahat fully-booked. Aminin n’yo ‘yan! Kaya ‘yung iba sa kotse na lang or sinehan “nagpaparaos.” ‘Yung iba namang matitigas ang mukha, kahit sa park or sa damuhan lang, talu-talo na. ‘Yung iba namang masa na sabihin na nating “gipit,” kahit sa public CR, go na. Deadma na kung mabagansya.

Nae-excite naman ako for you, Fantine. Or naiinggit. Charoth. 😉 Hindi, nae-excite talaga ako para sa’yo. Masaya kasi ‘yang “first sexual experience.” Eeeehhh. Kinikilig naman ako! Nai-imagine ko tuloy kayong dalawa ngayon habang nagse-sex. WOW. Biro lang ha. OR. 🙂 Go mo na ‘yan, Fantine! After all, jowa mo naman ‘yan ‘eh at part talaga ang sex sa isang healthy and lasting relationship. Ikaw na rin nagsabi, mahal mo si Kuya. At walang ibang taong masarap ka-sex kundi ang taong mahal na mahal mo. Alam mo ‘yan! 🙂 Tsaka 21 years old ka na rin! Konting panahon na lang at mage-expire ka na. So ito ang best time para mag-enjoy.Baka magsara ‘yang “hiwa” mo. Sige ka. 🙂

Personally, wala akong masyadong issue sa “sex” per se kasi sexual being naman ang mga tao. Sex is also a need kagaya ng pagkain, hangin at bigas. Bigas talaga?! Hindi pwedeng biko?! 😉 Huwag ka masyadong ma-fascinate at maulol sa concept ng sex kasi it’s just another form of human activity ka-level ng paglalaba, pagluluto, pagkanta, paghahalaman, paghahayupan etc. ‘Yan ang totoo. 😉 Masyado lang kasing maraming ngasngas ang society about this topic pero if we are going to sum it up, sex is really just an activity. Lahat ng tao nakikipag-sex. Lahat gusto makipag-sex. Lahat iniisip ang sex. Lahat kailangan ng sex. LAHAT!!! Period. 🙂 Kahit si Snow White at Cinderella ay nakikipag-sex. Kahit mga sirena gaya ni Ariel ng Little Mermaid ay nakikipagtalik din. Hindi na nga lang pinapakita sa movie pero nakikipag-chorvahan din sila sa mga Prince Charming nila. That’s life. That’s the reality of life. 🙂 Siguro magagalit sa akin ang mga conservative na tao sa very liberal kong pananaw about sex. Deadma na. After all, kanya-kanya naman tayong pananaw sa buhay.:)

So since na-establish ko na ang views ko on sex, punta na tayo sa exciting part which mga tips/advise ni Madma sa kagaya mong first time pa lang makikipag-sex. Ito ang hiningi mo, ‘di ba?! So, ito ang ibibigay! GAME!

1. Maligo, Maghilod at Mag-shave– Naku ha ang basic nitong mga ‘to pero ire-remind na rin kita kasi baka lang makalimutan mo sa sobrang excited mo. Ayaw nating amoy kanal ang tinatawag na “pekpek” during sex. Alam nating mabaho na ang talaga ang pekpek in general so huwag mo ng i-rub in ang amoy na ito kay jowa. Ayaw mo namang pakainin si boyfriend ng bilasang “tahong,” right?! 😉 Dapat fresh lagi ang pinapakain sa jowa para healthy siya. Basta itodo mo ang pagligo at paghilod. Siguraduhing malinis ang katawan bago sumabak sa giyera. At ang pagshe-shave ay importante ha! It saves time and energy during sex. But mostly time. Baka naman sa sobrang kapal at sukal ng “gubat” mo ‘eh abutin ng 9 hours si jowa kakahanap sa tinatawag na “hiyas” mo. Not likey ‘yan! Ano ‘yan, byahe papuntang Baguio?!

2. Mag-aral re: sex– Mahalaga na mag-review at mag-aral about sex bago ang “big day.” Manood ka ng porn, magbasa ka ng erotic materials etc. Ayaw nating sumabak sa exam ng hindi nagre-review. Baka bumagsak! Aralin mo ang mga sexual positions, mga caressing techniques at kung anu-ano pang sex infos. Pero huwag kang pabida come the actual sex. Baka naman super wild mo like a porn star. Not likey ‘yan! Pa-inosente pa rin ang atake mo dapat. Sweet-sweetan at virgin-virginan pa rin dapat sa simula. Huwag mo agad ilatag ang mga “alas” mo. Gugulatin mo na lang siya dapat sa mga pasabog moves mo kapag moment mo na. Aaay. Maloloka ‘yang jowa mo for sure! Tandaan natin, sex should be satisfying to both parties so responsibility mo ring mag-aral para mapasaya si jowa. Hindi pwedeng nakatihaya ka lang. ano ka, amo?!

3. Exercise.Exercise. Exercise– Importanteng mag-exercise days or weeks before the “big day.” Kailangang palakasin ang stamina para hindi lalatuy-latoy during sex. Ayaw mo namang sigurong isugod ka sa orthopaedic after having sex with your jowa ‘no? 🙂 More stretching ka, Ate. Believe me, kakailangan mo ng stretching skill sa sex lalo na ‘yung “pagbuka.” Dapat magulantang si boyfriend sa “pagbuka” mo. Dapat mala-gagamba ang pagbuka mo! Aaay. Maloloka si Kuya nang tunay! Tsaka achibin mo ring ang 2-3 rounds. Ang chaka naman kung lupaypay ka na agad sa round 1 pa lang. Sayang ang binayad sa motel! Hindi sulit.

4. Relax and Enjoy– Chill ka lang, Fantine. Huwag kang masyadong ma-pressure. Baka putukin ka bigla. Hindi maganda ‘yan! 🙂 Enjoyin mo lang ang experience. Namnamin mo lang. Tandaan mo, hindi lahat ng tao ay may sex life kaya mapalad ka. Pota ka! 😉 Enjoyin mo ‘yung foreplay. ‘Yung mga undressing part, ‘yung kiss, ‘yung cuddle ganyan etc. Don’t forget to breathe ha. Baka naman mamaya atakihin ka sa kama. Hinga lang. Inhale and exhale. Savor the moment. 🙂 Huwag kang magmadali! Baka naman pagpasok n’yo pa lang sa kwarto, buka ka agad ha tapos wala ka ng panty. ‘Wag ganyan! Aso ang peg?!

5. Practice Safe Sex- At syempre, huwag kalimutang i-practice ang safe sex. Ayaw nating mabuntis agad. Ang sad naman nung unang “putok” pa lang ‘eh buntis ka na! Diyos ko. Sobrang hinang klase mo! Use condom ha. Ayaw rin nating mahawa sa HIV/AIDS! Alam mo ‘yan. Mag-pills din tayo, Ate. Basta aralin mo ang safe sex tips. Basa-basa tayo sa internet. Hindi ko alam ang mga ginagawa para sa pag-iingat ng babae kasi hindi naman ako babae. Tanungin mo na lang yung mga haliparot mong kumare kung paano ang atake nila.

‘Yun naman! Go na ‘yaaaan. Balitaan mo na lang kame kung ano ang magaganap. Malapit na ang Valentine’s Day kaya simulan mo na ang paghahanda! Just in case hindi mo nagustuhan, akin na lang si jowa. Ako na bahala sa kanya. Char. 😉

Salamat sa pagsulat at pagsuporta sa YTM. ❤

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://idiva.com/photogallery-relationships/how-to-enjoy-firsttime-sex/13484/9)

P.S. May FREE HIV/AIDS test pala sa Sunday (February 10, 2013) organized by Take The Test Project. GO NAAA! Libre ‘oh. Aarte pa?! Pa-test na kayo! Visit their site: http://www.facebook.com/takethetest?fref=ts.
______________________________________
Take The Test Project
______________________________________

To Confess or Not To Confess

IOH-10057004 - © - image100

Dear Madma,

Bago ang lahat, salamat sa’yo at napapatawa mo ako sa mga posts mo dito sa iyong blog. Alam mo na, minsan stressed sa school/work.

Anyway, naisipan kong magsulat dahil wala naman akong kaibigan na pwedeng pagsabihan nitong problema ko. Wala kasing nakakaalam tungkol sa identity crisis na pinagdadaanan ko ngayon.

May isa kasi akong kaklase na sobrang mabait at sobrang charming ng pagkato. Bonus na lang yung itsura nya. Ayun, nahuhulog na ata ako sa kanya. Naging running at study buddy ko na siya. Minsan niyaya nya ako sa apartment nila at laking gulat ko na isa sa mga housemates nya ay girlfriend nya. Ang sakit lang! Buong akala ko, okay ang lahat. May sabit pala.

Pero hindi dun nagtatapos ang kwento. Close pa rin kami, lagi nga kami magkachat sa facebook. Kapag weekend, magkasama kami. Although minsan kasama gf niya. Oo na third wheel na ako hehe.

Alam kong hindi na dapat akong umasa pa kaso something is telling me inside na may ‘chance’ kaming dalawa. Ewan ko ba, malakas kasi instinct ko, nasesense ko na may problema sila ni gf. Pero di ko naman wini-wish na magkahiwalay sila. His gf is nice too! Kaibigan ko na rin.

Kaya lang ayun, dahil lagi kami magkachat, magkasama, at ang sweet pa niya sa’kin, naiisip ko na baka nga may nararamdaman din siya para sakin. Basta yung mga message exchange namin hindi normal sa dalawang lalaking magkaibigan lang ang turinngan. O baka masyado lang akong assuming hehe.

So ayun, aamin ba ako o hindi? Nabasa ko lang kasi somewhere na I will never know the answer or the answer is always NO, unless I ask.

Tulong naman…

Umaasa,

Ken
______________________________________________

Dear Ken,

Nakaka-flatter naman yung fact na napapasaya kita kahit papaano. Ang funny ko ‘no? Don’t you like me? WOW. Agresiba si Ma’am. 🙂 Salamat sa pagtambay sa YTM. Masaya ako at nakakadagdag ako sa kasiyahan ng buhay mo. Ang sweet nung nag-confide ka talaga sa blog ko and you see me as a “friend.” Awww… Parang nahuhulog na tuloy ang loob ko sa’yo. Char! Ano ba ‘to ang landi-landi ko. Ang lamig kasi ‘eh. Pota. 😉

Alam mo, Ken, hindi naman ako nagtataka na ma-fall ka sa kaklase mo kasi nga lagi kayong magkasama. Ang dami n’yong moments together. Ang ki-clingy n’yo ‘eh! Iba rin talaga ang power ng proximity. Nakakaloka ‘yan. Yung tipong buddy-buddy lang kayo sa una tapos magigising ka na lang one day na mahal mo na siya. Darating na lang yung araw na makukulangan ka na sa pagiging “mag-buddy” n’yo and gusto mo na siyang angkinin totally para maging “fuck buddy.” Charoth! Maraming ganyang kaso ngayon. Kalevel ng homicide sa dami. So kalma ka lang, Ken. 😉

Simple lang ang policy ko sa buhay, basta taken na, layuan na. Ayoko ko kasi ng kumplikadong buhay. Naniniwala ako na marami pang ibang bading na single d’yan so walang dahilan para mang-agaw at manira ng anumang relasyon. Tingin ka lang sa paligid. To be more precise tingnan mo ako. WOW. 😉 Respeto rin sa kapwa, Ken. Yun lang ‘yun ‘eh. Maliwanag naman na may GF yang kaklase mo. Take note ha, GIRLFRIEND ang karelasyon ni Kuya. So LALAKI ang portrayal niya sa buhay as of now. And ikaw na rin ang may sabi na nice ang GF n’ya. Ang bad mo naman kung manggugulo ka at sasaktan mo si GF, ‘di ba? Not likey! 😦

Alam mo damang-dama ko ang strong desire mo sa kaklase mong ‘yan, Ken. Gets ko ‘yan. Maniwala ka! Pero hindi mo deserved na lumabas na mang-aagaw at traydor sa kwento. Ayaw natin ang mga kontrabida role! Dapat bida tayo lagi. So kung ako ang nasa sitwasyon ko, gagawin ko ang tama. Lalayo ako sa sitwasyong ganyan. 😦 Aba, ang hirap kaya nung feeling na nagseselos at nasasaktan araw-araw ha. Tangina. Ayoko n’yan! Nakakamatay ‘yan. Nakakapangit ‘yan. Huwag ka namang maging harsh sa sarili mo. Tandaan mo, isa lang ang buhay kaya mahalin mo ito.

Pero bago ka lumayo, magtapat ka rin. Again, magtatapat ka hindi para mang-agaw kundi para mas mapadali ang paglayo mo. I just want to be clear on this. 🙂 Tapusin na ‘yan! Diyos ko. Kausapin mo na ang kaklase mong yan at sabihin ang lahat ng drama mo. Ang sarap din kasing pinapakawalan ang nararamdaman. Mas nakakatulong ‘yan sa paglayo at pagsisimula ng bagong buhay. Mahirap din yung puro “what ifs” so mabuti nang iparating mo rin ang laman ng puso mo para sa ikatatahimik mo. 🙂

Ngayon, kung sabihin n’yang mahal ka rin ‘yan. O, ‘di ang ganda mo! Happy Birthday sa’yo. IKAW NA! Pero huwag mo namang i-grab agad. Kati mo rin ‘eh. 🙂 Magbigay ka rin ng tamang panahon para ayusin, plantsahin at itama n’ya ang gusot ng buhay n’ya. Mag-allot ka ng panahon para maghilom ang mga pusong masasaktan. Hayaan mo si Kuyang maging mature enough to fix his mess. Again, ayaw nating maging kontrabida!

Kung sabihin n’ya namang wala siyang nararamdaman sa’yo, ‘eh magbigti ka na. CHAR! Well, ganun naman ang buhay ‘eh. Hindi lahat ng gusto natin ay nakukuha natin. So mag-move on ka na. Magsimula ka na ng bagong buhay na malayo muna sa kanila. Ang laging importante is honest and strong enough tayo para harapin at i-resolve ang arte natin sa buhay. ‘Yun naman ang nagma-matter lagi. 🙂

Take it from Madma, piliin natin lagi ang tama. Higit tayong magiging masaya kung wala tayong naapakan, nasasagasan at nasasaktan na ibang tao. Ang kaligayahan ay hindi dapat madamot. Hindi dapat nananakit. I know this is easier said than done pero sana sikapin nating piliin ang tama. 🙂 It’s all about making choices, bitch. 😉 Lakas maka-bible nung mga sinasabi mo. Nakakaloka. 😉

Good luck sa’yo, Ken. Hangad ko ang kaligayahan mo. 😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.agefotostock.com/en/Stock-Images/Royalty-Free/IOH-10057004)

P.S. Patuloy lang sa pagpapadala ng mga nguynguy at ngasngas sa buhay. Ipadala ito sa yourstrulymadma@gmail.com. GO NA!

Effective ba ang New Year’s Resolution?

NYR

Dear Madma,

Happy New Year po sa inyo. Sana ay maging maganda ang taon na ito for you and your family. Wish ko po ay love life para sa idol kong blogger.

Tanong ko lang po, ano bang thoughts n’yo sa mga new year’s resolution? Iniisip ko kasing gumawa ‘eh. Pero parang tinatamad din ako kasi baka ‘di ko rin ma-achieve. Gumagawa po kayo ng resolutions?

Excited na po ako sa mga pasabog sa YTM. Mabuhay ka Madma!

Your fan,

Water Snake
____________________________________

Dear Water Snake,

Happy New Year naman sa’yo, Water Snake! Ikaw talaga ang buena manong letter ng YTM for this year ha. Swerte mo naman! Sana swertehin din ako sa pagpili ko sa’yo. Char. 😉 Salamat naman sa wagas na suporta mo kay Madma. Year of the Water Snake nga pala ngayong 2013. Gosh. Sana hindi kumalat ang mga “ahas” sa lipunan. Ayoko pa naman sa mga “ahas.” Panira sila ‘eh. Tsaka ahas sila. Ahas! Parang may hugot ako ha sa mga ahasan. Ano ba! GV! 😉

Kung ako sa’yo, huwag ka nang gumawa ng New Year’s resolution kasi hindi naman natutupad ‘yan. Time and time again, napatunayan na hindi ito masyadong effective. Madi-disappoint ka lang sa huli kasi walang natupad sa mga resolutions mo. Yung mga may resolutions na magpapa-payat, hindi na magyo-yosi at iinom ng alak, ‘di na manlalaki/mambababae/mamamakla, ‘di na magnanakaw etc. Naku! Hindi ako bilib sa mga ganyan. Narinig na ‘yan last year. Pustahan tayo ilang araw lang or next month, balik na ulit sa dating gawi ang mga hinayupak na ‘yan. Lalo na yung mga magpapayat na raw. NAKU! Dumudugo na ang tenga ko sa dami ng nagsasabi ng line na ‘yan. Sa una lang ‘yan. Maniwala ka. Next month kita mo, nakatambay na naman sila sa mga restaurant. Next month, punung-puno na naman ang mga ref nila ng cakes, ice cream, chocolates etc. Tapos makikita mo na lang sila na singtaba na na naman ni Ms. Nadia Montenegro.

Pati ‘yang mga Balik Alindog Projects na ‘yan. Naku po. Wala akong sampalataya d’yan. Aside sa hindi siya applicable sa akin kasi NEVER naman nawala ang alindog ko to begin with, ‘eh parang wala namang nagiging matagumpay d’yan. Sa una ang sipag sipag pumanta sa gym. Halos maging kamukha ng nila ang mga empleyado doon sa sobrang dalas ng appearance nila. After several weeks or sometimes days nga lang, kamustahin mo sila about it. Sasagot sa’yo, next year na lang ulit kasi busy na ulit, daming trabaho sa work, ang hirap mag-commute, nagkasakit yung tatay, nawala yung kapatid, nawala yung gym card, depress ‘yung kapit-bahay, mainit sa gym etc. WOW! 🙂

Ako personally, hindi ako gumagawa ng New Year’s resolution kasi ang perfect ng buhay ko ‘eh. Charoth. Seriously, hindi talaga ako fan n’yan. Mahinang klase kasi ‘yang New Year’s resolution. Usually, ang coverage lang kasi ng mga New Year’s resolution is from January-February. Mga ganyan lang. By March, nakalimutan na ‘yan. SURE! Nega much?!Though aware naman ako na may mga cases na nagwo-work ang paggawa ng New Year’s resolution. May mga mga success stories din naman sa field na ito. Apparently, mga lima lang silang successful out of 7 billion. The rest NGANGA at the end of the year. Nabilang ko talaga ‘no? 🙂 So, siguro instead na gumawa ka ng New Year’s resolution, mas mabuting gumawa ka na lang ng yema. At least dito kikita ka pa. Sure ‘yan! Charoth. 🙂

Take it from Madma, huwag ka na gumawa ng resolutions. Mga ngawngaw lang yang resolutions ‘eh. Puro satsat lang. I suggest gawa ka na lang ng mga targets mo for the year. ‘Yan mas bongga ‘yan! 😉 Iba ang target sa resolutions ha. Mas measurable kasi ang targets than resolutions. Mas scientific and realistic pa siya. Yung mere word na “target” is more powerful than “resolution.” Aminin n’yo! Mas malakas! 🙂 Halimbawa ang target mo is mag-ipon. Dapat mag-set ka ng target amount kung magkano ang plan mong maipon and kung by what month or day mo siya ma-achib. O ‘di ba mas measurable? Or kung gusto mo magpapayat, magbigay ka ng target weight by a specific date. Magkaiba kasi yung statement na “magpapapayat na ako” versus “magbabawas ako ng 5 pounds by next month.” Gets ba? Ganun lang. 🙂 Ganyan na lang ang atake mo para mas maging productive ang taong ito at hindi ka pulutin sa kangkungan by the end of the year. Set your targets. Mas magiging madali ang lahat. Swear! 😉

And one more thing. Samahan mo ng disiplina at consitency ang pag-achib mo sa mga targets mo. Yung tipong huwag kang bibitiw until ‘di mo nakukuha ang mga targets mo. Go lang nang go kumbaga. Maraming mga balakid sa pag-abot ng mga targets kaya disiplina ang magiging pangontra mo sa mga ‘yan. Sabi nga ni PNoy, hindi madali ang daang matuwid. 🙂 KAYA MO ‘YAN! 🙂

So there. Good luck sa target setting mo, Water Snake. Salamat sa pagsulat sa YTM. Thanks din pala sa pag-wish ng love life for me. That’s sweet! 😉 Though ang dami na ring nag-wish n’yan sa akin over the years. Sadly, NEVER natupad. Para siyang resolution. Char. 😉 Iba na lang i-wish mo for me. Mas natutupad pa yun. Para kasing biglang nabibingi si Lord kapag binabanggit ko ang love life ‘eh. Parang nabu-busy siya agad. Napapansin ko lang. But thank you anyway. 🙂

Happy New Year sa’yo!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://associationsnow.com/2012/12/5-new-years-resolutions-meetings-can-help-you-keep/)

P.S. Tuluy-tuloy na tayo sa payuhan! Ife-feature ko rin yung mga backlogs ko from 2012. Nakalista naman kayo so huwag kayong mag-alala. Ngawngaw agad ‘eh.

Bukas na bukas na ulit ang tangggapan ni Madma para sa inyong mga ngasngas sa buhay. Ipadala lang ito sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali! Mas mga pasabog stories ang tatalakayin natin this year!

Let’s do this! 🙂

Tikman mo na si Best Friend

Hello Madma,

I just want to get your thoughts on my present situation. Ang ganda po kasi ng mga advice n’yo and I think you are the right person to ask.

I have best friend and sobrang close namin now. Pareho po kaming guy at nagka-GF na po kame before. Kaya lang parang ang weird ng nangyayari lately. Feeling ko type ako ni best friend. May mga moments kasi na parang nagpapahiwatig siya  halimbawa  kapag natutulog siya sa bahay. Niyayakap n’ya po ako and all. I think you already get the picture. Wala pa naman pong sexual na nangyayari between the two of us so far. Hindi kasi ako pumapayag. I just find it weird. But the thing is, I don’t know if until when will I able to resist this. Lumalayo nga ako now kasi baka may mangyari.  Pero ang weird na parang gusto ko din mag-give in. Parang gusto ko rin masubukan. Waaah. 😦

I really don’t know what to do. I’m so confused. Help. 😦

Hope to hear from you soon. By the way, I will be turning 31 this month. Hope you can greet me too.

Regards,

Scorpio

_____________________________________

Dear Scorpio,

Ang hot naman ng chika mo sa amin, Scorpio! Pota. Nakaka-horny. Sarap mag-finger. Char! May pepe?! 🙂 Ang perfect ng story mo pampainit sa malamig na araw na ito. Ganitong-ganito yung storya nung mga napapanod kong mga M2M porn! I’m sure dadagsa na naman ang mga bading sa YTM at magwe-wet sila post na ito. Kabisado ko na ‘yan. Taas ng ratings ng YTM kapag badingan ‘eh. Alam na alam ko talaga ang market ko. Kaya naman ibibigay din talaga ni Madma ang gusto ng fans. 🙂 By the way, ang cool naman na ako talaga ang tingin mong “right person” for this issue. Kinikilig ako! Parang ang galing-galing ko tuloy. Hiyang-hiya naman ako sa mga Pari, Doktor, Lawyer at mga Psycholgists. Salamat naman sa tiwala, Scorpio!

Alam mo, tama na ang pag-iwas. Isuko mo na ‘yang “sandata” mo. Ipatikim mo na yang “kargada” mo. WOW. Ang lakas maka-porn! 🙂 Amoy na amoy na kayo kaya huwag na kayong magtago. Napapalibutan na namin kayo. Sumuko na kayo! Sabi nga sa isang saying, “the best way to resist temptation is to give in to it.”  Kaya naman, go na ‘yan! Tikman mo na si best friend. “I know you want me, you know I want cha.” ‘Yan ang peg n’yo ‘oh. Shet, parang gusto ko tuloy masaksihan ng live ang moment na bibigay ka na. Invite mo naman ako. Hindi ako mag-iingay, promise! Or kung ayaw mo naman, paki-video na lang tapos pa-upload na rin sa youtube. For sure, kakabugin mo ang ratings ni Amalayer Girl! Sure ‘yan!

Marami kasing iba’t ibang tipo ng bading sa ating lipunan based on my dictionary, Scorpio. Halimbawa Baklang Parlor or mga bading na chimsisan sa kanto at kulutan maghapon ang peg. May Bekimon or mga bading na fashionista, sosyal, classy pero girl na girl ang kilos. May Maremon or mga bading na kumare-material, confidant ganyan at best kuning ninang sa binyag at kasalan. Favorite show din pala ng mga Maremon ang palabas sa Channel 11 na “Mars” hosted by Ms. Camille Prats. Sila rin yung mga bading na love na love si Sailor Mars. Char! 😉 Mayroon din namang Alpha Diva or mga powerful and strong gays kung saan kabilang si Madma. Ito yung counterpart ng Alpha Male. LAKAS! Actually, ako lang nag-coin nung Alpha Diva para magkaroon ako ng classification. 🙂 At syempre, mayroon din mga bading na kabilang sa grupong LNBB or “Lalaki Ngayon, Bading Bukas” group. Sila yung mga bading na nahimlay ang dugong bakla nang matagal na panahon at naghihintay ng tamang lalaking gigising sa dugong ito. Very Sleeping Beauty ang peg. Naku, daming members ng group na ito! Ka-level ng members ng El Shaddai at JIL. Kering-keri na nilang mapuno ang Luneta o kaya SM MOA Arena kapag nagsama-sama. Ganun! I think dito ka kabilang, Scorpio. Sa tingin ko, LNBB member ka. Grabe, na-judge na rin kita! 🙂

Na-appreciate ko naman ang pag-resist mo sa tuksong ito. Gusto ko yung pinapakita mong respeto at tapang. Natatakot ka siguro na masira ang friendship n’yo ni best friend and all. Gets ko ‘yan. 🙂 Pero kasi tingin mo rin yung positive sides na makukuha mo sa pag-give in. Maliban sa masasarapan ka (for sure), mas makakatulong ito para makilala mo rin ang pagkatao mo. Tandaan mo, 31 years old ka na this month. My God! Grabe yung nalilito ka pa sa gender mo at this point ha. Natuli ka na ba at the very least? Grabe yung hindi pa rin! Kaloka. Treat this act as an experiment. As a test. Kapag nasarapan ka, ituloy-tuloy mo na. Kapag hindi mo naman talaga likey at nandiri ka at nasuka ka, which I highly doubt, ‘eh ‘di tama na. Mangyayari ang dapat mangyari. 🙂 Ang saya nga kasi sa best friend mo ito gagawin. At least you’re in good hands. Malay mo kayo pala talaga ang meant for each other. Who knows! Huwag kang matakot na masira ang friendship n’yo. Hindi masisira ‘yan. Best friend mo ‘yan. Kung hind man maging successful at magkailangan man kayo after, which I highly doubt again, maayos din ‘yan eventually. Don’t worry. Magtiwala ka lang.

Take it from Madma, tikman mo na si best friend. Pushy siya ‘eh. Tikiman na ‘yan! Sasakit lang ang puson mo kaka-resist. I-unleash mo na ‘yang “Diva” in you. Single ka naman at wala kang GF ngayon so wala namang masasaktang ibang tao. Sex lang naman ‘yan. Hindi naman ‘yan marriage. Duh. So, go na! I-maximize mo si best friend. Hayaan mong maging daan siya sa ikaliliwanag ng buhay mo. What are best friends for?! Or what are best friends are for?! 🙂 Kapag nasira ang friendship n’yo ni best friend after n’yp mag-tikiman, sabihan mo ko para mag-meet tayo. Ako na lang ang papalit sa role n’ya. Ako na lang ang best friend mo. Tapos tikiman din tayo ha. WOW. Ano baaa. 🙂

So there. Advance/Belated Happy Birthday na rin sa’yo. Hindi mo naman sinabi ang eksaktong date ‘eh. Enjoy. Ang wish ko sa’yo is sana makilala mo na ang tunay mong pagkatao. I think ito yung best na gift for you. ❤

We wish you all the best.

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://theclearingroom.blogspot.com/2011/11/food-network-channel-and-philosophy.html)

P.S. Bukas na bukas ang tanggapan ni Madma para sa mga nguynguy at ngasngas n’yo sa buhay. O, “di ba parang presinto lang!

Ipadala ang inyong story sa yourstrulymadma@gmail.com. Gagawin ko yung best ko para mapayuhan kayo para sa ikagaganda ng buhay n’yo. Humahaba na naman ang pila kaya mag-email na kayo. Dali! Sulat na!

Salamat sa lahat ng mga mambabasa ng YTM! I love you all. ❤

P.P.S. At talaga namang hindi na kame makapaghintay sa Silver Take 2 ni idol Regine Velasquez! POTA! Excited na kame sa pag-bwelta ng REYNA!!! Humanda kayo mga punyeta kayo. 🙂 Wala pang final date ang concert ni Ate Regine up to now. Wait lang tayo ng further announcements.

In the meantime, gusto ko i-share itong bagong reherasal video ni Regine for Silver Concert! SHET LANG TALAGA! Nakakaloka. Kaya naman pala nagkasakit si Regine ‘eh. Kung maka-birit naman kasi. Laging may sunog ang peg. GRABE! ❤ Sooobrang galing. Siya talaga ang reyna sa biritan! Excited na sa live concert!

WATCH THIS! Pampakilig lang ‘to sa mga fans. 😉

__________________