Si Madma at ang Bagyong Yolanda

Image

Dear fans and followers,

First of all, I just want to say I MISS YOU ALL, BITCHES!!! 🙂 Na-miss ko mag-post dito sa YTM! Shet. Sorry naman at medyo matagal rin talaga akong nawala sa blogging industry. I’m sure miss na miss n’yo na ang mga paandar ni Madma. Group hug naman for my comeback!!! 🙂 Pero next time na natin pag-usapan ang drama sa likod ng aking matagal na pananahimik. Sa susunod na post ko na sasagutin ang lahat ng mga maiinit na intriga at chismis tungkol sa matagal kong pagkawala na kesyo nabuntis daw ako at nagpalaglag sa States, nagka-jowa na raw ako na pogi at nagpakasal sa India, nagpunta raw ako sa Thailand para magpa-sex change, tinanan daw ako ng isang negosyante at dinala sa Germany etc. Nakakaloka ha! Next time, sasagutin ko ‘yan isa-isa! 🙂

For now, gusto ko lang magsalita hinggil sa naganap sinapit ng Leyte lalo na sa Tacloban at ilan pang probinsya dahil kay Super Typhoon Yolanda. Kung may statement si PNoy, meron din ako. Ansabe?!  🙂 Seriously, I would like to dedicate this special post to them. SOOOBRANG nakakadurog kasi ng puso ang sinapit ng ating mga kababayan dahil sa pesteng bagyong ‘yan. Tangena. 😦 ‘Yung ilang taong pinundar ng ating mga taga-Leyte ay  sinira lang ni Mareng Yolanda ng ilang oras. Just like that! NAKAKALOKA!  Tagos sa puso at kaluwawa na makita ang kalagim-lagim na kalagayan ng ilang Pilipino ngayon. Nakakaiyak talaga ‘yung mga news reports and mga social media accounts. ‘Yung mga namatayan ng asawa, kapatid, anak at magulang. OMG. I JUST CAN’TAKE THEM! 😦  Grabe ‘yung tila nabura sa mapa ang mga bahay, ari-arian at kabuhayan nila in an instant. Para tuloy isang panaginip lang ‘yung fact na minsan ay natira sila dun kasi ibang-iba na ang itsura nito ngayon. Totally wiped-out. Hay. 😦 Kaya naman sa puntong ito, gusto kong ipaabot ang aking taus-pusong pakikiramay sa lahat ng mga naging biktima, namatayan at nawalan ng ari-arian sa mga apektadong lugar. Kapit lang kayo! Magpakatatag kayo! Parating na ang mga tulong. Malalampasan din natin ito. 😉

May gusto lang din akong i-point out na ilang mga bagay kaugnay sa mainit na isyu na ito. Particularly, I have 3 main points na gusto sabihin. Ang specific ha! 🙂 Nakakarindi kasi sa tenga ‘yung ibang mga comments na nababasa ko sa social media eh. Hindi ko maatim na palampasin. Hindi ko matake na manahimik. So, ibigay n’yo ‘muna tong moment na ito sa akin!

__________________________________________________

Image

UNA, parang-awa n’yo na! Huwag n’yo naman agad i-judge ang mga biktima at tawaging MAGNANAKAW dahil lang sa pag-ransack nila ng ilang establishments. PLEASE!!! Kahit sa panaginip, hindi sila qualified as thieves! Pwede ba!  Magdahan-dahan nga ‘yang mga bunganga n’yo. Kaloka kayo! Kung may dapat may tawaging magnanakaw, mamdarumbong, hayop at demonyo, ‘yan ay walang iba kundi ang mga kupal sa gobyerno at mga kampon ni Janet Lim-Napoles na nagbubulsa ng bilyun-bilyong pera ng mga Pillipino! Kung may dapat mang i-judge, ikulong, sunugin at bitayin, SILA YUN at hindi ang mga typhoon survivors na sinisikap lamang mabuhay, lumaban at ituloy ang kanilang sirang-sira ng buhay. Lawakan naman natin ang mga utak natin. Intindihin natin ang buong context ng situation bago magsalita. Tandaan natin, issue na ito ng SURVIVAL! Dyosko! Gutom at uhaw na ang kalaban dito! Tangena. GETS N’YO BA ‘YUN?! Kayo kaya gutumin at uhawin ko. Ano kayang gagawin n’yo?! Ako nga isang oras lang na gutom, nagbabago na agad ang ugali ko, paano na kaya ‘yung ilang araw?! Ako ngang nakapag-aral at Diva ay nagta-tranform into a certified bitch kapag inaatake ng gutom eh, paano na lang ‘yung mga typhoon victims na until now ay nakanganga at naghihintay pa rin tulong na forty eight years bago dumating?! Human nature ‘yan eh. Sa bingit ng gutom at uhaw PLUS stress, pagod, trauma, heartache dahil namatayan ka ng kamag-anak, nasira ang bahay mo at kabuhayan, EWAN KO NA LANG! Kung ako ‘yan, siguro naulol na ako sa isang tabi.  Nagbaliw-baliwan mode na lang ako. KAYO KAYA HA?! Kaya please, instead na manghusga, lawakan n’yo ang inyong pang-unawa! Sorry for the outburst. 

Sa tingin n’yo ba magnanakaw sila kung wala sa ganyang situation? Nilooban ba nila ang mga malls on a daily basis? Tingin n’yo hobby nila ang nakawan ang groceries and malls? Mag-isip kayo.  May mga matinong trabaho ang mga survivors na ito bago sila nasalanta ng bagyo. May disente at marangal silang pamumuhay bago ang lahat ng ito. Nagsisikap silang mabuhay ng tama at marangal araw-araw sa kabila ng hirap ng buhay bago ang trahedyang ito. Sana maisip natin ‘yan! Huwag n’yo namang lalo pang apakan ang pagkatao at dangal nila. Please lang! Sa kabilang banda, ‘yung mga magnanakaw sa gobyerno, NAGNANAKAW SILA SA LAHAT NG PANAHON! ‘Yan ang buhay nila eh. Umulan, bumagyo, tuloy ang ligaya nila. Tuloy ang pagkulimbat nila! Nandarambong sila regardless of the circumstances! Ngayon, tanong ko sa inyo, sino ang tunay na magnanakaw? Sino ang dapat tugisin?  Sino ang tunay na baliw? Pasok Kuh Ledesma. Ito na ang cue mo! Grabe nakatengga ka! Char. 🙂

Don’t get me wrong ha. Hindi ko sinasabing tama ang ginagawa nila. Hindi ko jinu-justify ang pagnanakaw ng mga survivors sa mga malls. Ang akin lang is huwag silang husgahan kasi hindi naman natin talaga naiintindihan ang kanilang buong pinagdadaanan. THEY ARE IN A REALLY DESPERATE SITUATION. 😦 Hindi tayo ‘yung namatayan, nagutom, nauhaw, nawalan ng ari-arian at kabuhayan.  We can only feel so much as outsiders. Kaya tingnan sana natin ang context ng buong pangyayari bago magsalita. Umunawa muna sana bago manghusga ha? Dyosko. Rereglahin ako sa inyo! 

______________________________________________

Image

PANGALAWA, kumukulo ang dugo ko  sa kinikilos ng government sa case na ito. Kapag ang mayayaman ang ninanakawan, umaaksyon agad ang pamahalaan. Bothered na bothered agad ang mga gago. Parang tanga, right?! In fact, na-consider na nga ni PNoy na mag-declare ng Martial Law dahil daw sa talamak na “nakawan” sa mga probinsyang nasalanta. O, di ba? SHOCKING!!! Bullshit. Huwag n’yo kameng simulan sa usapin ng “NAKAWAN!” Huwag mo nga akong paandaran, PNoy! Ang taong-bayan, ninakawan ng bilyun-bilyung piso, pero anong ginawa mo? BINGI-BINGIHAN! BUSY-BUSYHAN! Pero ‘nung mayayaman ang naagrabyado, aksyon agad! Kilos agad para protektahan ang kanilang properties! Padala agad ng military at kung anu-anong pwersa para matigil ang nakawan! PWE! Isang malakas na PWE!

Again, don’t get me wrong ha. Hindi ko sinasabing si PNoy ang dahilan ng lahat ng ito. Hindi ko sinasabing siya ang dahilan kung bakit may bagyo. ANO BA! Ang sa akin lang is nakukulangan ako sa kanya as a leader. BIG TIME! Alam ko hindi madali maging president, PNoy. Tao ka lang. Diva ako. Char. Alam kong marami ka ring hinaharap na issues sa personal na buhay at sa pagiging pangulo. Pero sana kapag hinarap mo ang isang bagay, harapin mo nang maayos. Harapin mo nang totoo! Simply put, gusto namin ng maayos na leader! ‘Yun lang naman ‘yun. After all, ‘yan ang dahilan kung bakit and’yan ka sa pwesto. Binabayaran ka to be OUR LEADER! 

Sorry, PNoy pero sirang-sira ka na talaga sa akin. Binoto pa naman kita. Haaaay. 😦 Sana pala bumili na lang ako ng pagkain. Nabusog pa ako. CHAR! 🙂 Ang dami mong mga kasinungalingan. Kung kasali ka lang sa teleseryeng “Honesto” tiyak ko, super haba na ng ilong mo. Sabi mo last week bago dumating ‘yung bagyo, handa-handa ang Pilipinas kay Yolanda. HANDA PALA HA! Galeng. Tapos kagabi sa speech mo sabi mo naman kaunti lang ang nasalanta na biktima. KAUNTI PALA HA! Hindi man ako magaling sa Math pero alam kong mas kaunti ang 2 kaysa sa 10,000! Please ha. Ano naman kaya ang sasabihin mong lies bukas? Na nakakakain na ulit ang mga survivors at busog na busog na ulit sila? Na masaya na ulit sila? Ewan ko sa’yo. Parang lutang lagi ang mga reports mo. Parang ibang mundo ‘yung ginagalawan mo. May TV ka ba sa bahay? Let me know kung wala ha. Willing akong gamitin ang 13th month pay ko para regaluhan kita ng TV set para lang magkaintindihan tayo .Parang hindi kasi pareho ‘yung mundong ginagalawan natin eh.  Parang lost ka , Kuya. 

_________________________________________

Image

Lastly, sana naman bumawi na lang ang government sa pagiging systematic sa pagbibigay ng mga mga relief goods and donations sa mga nasalanta. Utang na loob, kahit dito man lang ay maging maayos ang trabaho n’yo. Nasa mahigit 23 countries na ang nag-pledge na magbigay ng financial and logistic aid. Malinaw po na pera yan, Mr. President. Kaya lang gaya ng iba, kinakabahan ako na baka hindi umabot sa sa tamang tao ang mga tulong na ito. Baka 10% lang ang actual help na dumating ha! Pota. Dami kasing officials na mahilig sa KICKBACKS!  I think mag-aagree sa akin si Sen. Estrada, Sen. Revilla at Sen. Enrile. Tama ba Seksi, Pogi at Tanda?! PLEASE LANG! Huwag na sanang pagnakawan ang mga biktima kasi wala ng mas masahol pa sa act na ‘yan. Dami din kasing buwaya at mapagsamantala sa gobyerno kaya sana paki-ensure na may tamang accounting at auditing sa paglabas at pagpasok ng local and international donations of any kind. Pakibilisan din po sana ang pagdidistribute ng tulong. Hindi po nakakapaghintay ang gutom at uhaw! Basic needs po ang tawag sa kanila. Hindi sila ka-level ng kama na pwedeng tsaka na ibigay. Sadly, marami pa palang mga biktima ang wala pa ring nakukuhang tulong UNTIL NOW. GRABE NAMAN! Four days na po ang ang nakakalipas! My God. Hindi sila camel na may reserbang tubig at pagkain sa likuran!!! Galaw-galaw. Huwag naman gutumin at uhawin nang todo ang mga typhoon victims. Huwag naman nating isagad ang kanilang desperation at paabutin sa point na kakain na sila ng laman ng tao. PLEASE!

Sa malaking pagtanaw, maliwanag na kailangang-kailangan na nating mag-upgrade bilang bansa. YES, DATI PA! Ibang-iba na ang panahon ngayon. Ang mga ulan ay mas malalakas na at bumubutas na ng bubong. Ang mga dating hindi binabaha ay sinasalanta na. Ang mga lugar na hindi nililindol ay niyayanig na. Ang mga lalaking pogi ay nahihilig na rin sa kapwa pogi. Char. OR! 🙂 Kaya ang mas malaking tanong, ANONG GAGAWIN PARA HINDI NA MAULIT ANG TRAHEDYANG ITO?! Actually, natanong na ito ng ilang beses pero parang walang sumasagot. Sana pinagiisipan na ito ng mga nasa gobyerno. Hindi po pwedeng laging may “bayanihan” kapag may calamity. Hindi pwedeng laging nakaasa sa donation at tulong. Hindi tamang hayaang may 10,000 na Pinoy na naman ang magbuwis ng buhay sa susunod na typhoon! Every year na lang may ganitong eksena. Kung jowa ko ‘to, nakipag-break na ako. Kakapagod eh. Ulit-ulit. Alam naman nating LAGING may bagyong dumadating sa Pinas, di ba? So, MAGHANDA na tayo ng TOTOO! Gumawa tayo ng mga matatalinong policies, scientific for that matter, para hindi na maulit ito. Ayusin natin ang infrastructure. Kung magpapagawa ng tulay at kalsada, huwag substandard! Reflection talaga ito ng talamak corruption sa bansa eh! It will all boil down to corruption. May pera sa gobyerno. Ang problema is ilan lang ang nakikinabang dito. Paano kasi’ yung mga pondong pam-projects ay nakukulimbat. Naibubulsa. Kung gagawa man ng projects, chaka! It’s either substandard, hindi matatapos ang project or walang project na gagawin AT ALL! Dyosko! Nakakapanghina.

Haaaaay. Isang malaking haaaay. Ewan ko. Nakaka-depress talaga. 😦 Basta huwag tayong magsawang tumulong muna sa ngayon. Tumulong tayo sa kahit anong paraan para makabangon muli ang ating mga kababayan.

God bless the Philippines.

Yours truly,

Madma

(Photo sources: http://www.abc.net.au/news/2013-11-08/an-worlds-most-powerful-typhoon-makes-landfall-in-philippines/5078216http://www.frugal-cafe.com/public_html/frugal-blog/frugal-cafe-blogzone/2013/11/10/destruction-death-super-typhoon-haiyan-decimates-philippines-death-toll-rises-into-thousands-more-missing-looters-hampering-rescues-video/http://globalnation.inquirer.net/90077/world-vision-abs-cbn-foundation-seek-relief-for-super-typhoon-victimshttp://www.rappler.com/nation/43347-yolanda-death-toll-nov-10-amhttp://www.ibtimes.com/super-typhoon-haiyan-aftermath-photos-typhoon-yolanda-devastates-philippines-leaves-trail-1463632)

 P.S. Maraming salamat sa mga kasama kong nag-volunteer sa Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH sa Vinzon’s Hall sa UP Diliman. Super enjoy kahit sumakit ang katawan ko nang todo! Ang saya kasama ng mga taga-UP. At ang popogi pa. Char. 🙂 Salamat sa mga magagaling kong staff kanina. STAFF?! 🙂 Thank you at inako n’yo ang pagbubuhat ng mga sako-sakong bigas. Sorry at hindi ko talaga kaya ang mga buhatan. Alam n’yo na, DIVA. 🙂  Special mention to my co-volunteer and the birthday girl herself, Ms. Szusza Velasco! Ang galing nating leaders kanina ha. Masasabi! Good job tayo, bitch! 🙂

Image

 

__________________________________ 

 Ito pala ‘yung mga na-pack namin kanina. Almost 500 na relief goods! GOOD JOB!!! 🙂

Image

Maraming salamat lahat ng bumubuo ng “Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH.” Kailangan pa nila ng mas maraming volunteers!!! Attack lang kayo sa UP Diliman sa Vinzon’s Hall. Andun ang kanilanfor more detailsg headquarter! GO NA! Check their website for more details: https://www.facebook.com/events/191377047714707/

______________________________________

P.P.S. Gusto ko din palang i-promote ang super nice na campaign ng friend ko na si Raine Mateo Calucag! Suportahan natin ang “The Butterfly Project” sa kanilang super catchy na project titled “You Lenda Hand.” BONGGA! Witty! 🙂 Layunin nilang tugunan ang mga pangangailangan ng mga typhoon victims na babae at mga bata! Panalo talaga ‘to. So, kailangan nila ng mga napkins, undergarments ang diapers!

For more information, visit them at facebook.com/thebutterflyproject.ph or email them at butterflyproject.ph@gmail.com! ‘Yun na!

Image

 

__________________________________________________

Madma is sooo back, bitches!!! Magbo-bonding na tayo nang mas madalas dito! 🙂 I LOVE YOU ALL!

Si Teddy Casiño ang Senador ko!

teddy31

Dear fans and followers,

Kasado na…

Go na go na…

Si Madma ay para sa tunay na pagbabago…

Si Madma ay para kay Teddy Casiño!

Palapit na nang palapit ang inaabangang May 2013 Elections. Ilang buwan na lang at magkakaalaman na kung sino ang mga mananalo at sino ang mga matatalo. Nakapili na ba kayo ng iboboto? Napintahan n’yo na ba ang mga tumatakbong kandidato? Grabe kilos! 😉

Soobrang importante ng magaganap na eleksyon sa Mayo kaya dapat seryosohin natin ito. Bawal umarte-arte! Whether you like it or not, may magaganap na eleksyon kaya dapat karirin na lang natin ‘to mga fans. Dapat seryoso tayo sa paghahanap ng mga iboboto. Dapat i-level natin ang paghahanap ng karapat-dapat na politiko sa paghahanap natin ng jowa sa totoong buhay para mas maging meaningful ang atake natin sa eleksyon. Pak! 🙂

Kung gaano tayo ka-kritikal sa paghahanap ng jowa, ganun din dapat ang peg natin sa pag-scrutinize sa deserving politicians. Isipin dapat natin na parang manliligaw lang natin ‘yung mga kandidatong tumatakbo tapos mamimili tayo sa kanila kung kanino natin ipagkakatiwala ang ating puso. Ganun dapat ang peg mga fans! 🙂 So ang tanong ngayon, ipagkakatiwala mo ba ang puso mo isang taong puro porma at papogi lang ang alam gawin sa buhay? Ibibigay mo ba ang matamis mong “oo” sa isang sinungaling at magnanakaw? Ipagkakatiwala mo ba ang future mo at ng magiging mga anak mo sa isang mahinang klaseng nilalang? Isipin n’yo ‘yan! 🙂

Kaya ako, mataas ang premium ko sa pagpili ng kandidatong iboboto ko kasi mataas din ang standards ko sa pagpili ng magiging jowa ko. WOW. 🙂 Kaya nga ako single until now kasi wala pang nakakapasa sa standards ko ‘eh. O, ‘di ba ang ganda-ganda ko?! Hiyang-hiya ang beauty ni Ms. Lucy Torres-Gomez. 🙂 Aba, mahirap ng mauwi sa chakang jowa ha! Not likey ‘yan! 🙂

Sa lahat ng mga nanliligaw sa aking politiko so far, si Mr. Teddy Casiño lang ang napupusuan ko. ‘Yun oh! 🙂 Siya lang talaga ang masasabing “naka-capture” ng puso ko bilang isang botante. Sa kanya lang ako naniniwala at nakikinig. Sa kanya lang ako nabibilib. Kaya naman sa kanya ko lang ipagkakatiwala ang aking matamis na “oo.” Hindi na ako papaloko sa mga paulit-ulit na mga pangalan sa pulitika. Hindi na ako papasilaw sa mga matatamis nilang salita. Tama na ang minsang maloko. Tama na ang minsang maisahan. TAMA NA PLEASE! Gusto ko iba naman! Gusto ko si Teddy Casiño naman! 🙂
__________________________________________
mkbyn-convention-teddy-casino-9
__________________________________________
Tama ang sinabi ni Teddy Casiño, matagal nang nabibihag ang Senado ng mga pare-parehong mga political families and personalities na may kanya-kanyang mga personal na interest na pinangangalagaan. Matagal nang pinamumugaran ang Senado ng mga trapo at basurang politiko. Matagal nang pinagkakakitaan at ginagawang “business avenue” ang Senado. TAMA NA! Kailangan natin ng mga taong “totoong” magpu-push ng pagbabago para sa bansa. Diyos ko naman!!! Bibigyan na naman ba natin sila ng panibagong pagkakataong gawin muli ang mga ito sa atin?! NO WAY! Or Norway! Shout ouch naman sa mga taga-Norway. Hei alle sammen. WOW. 🙂

Lagi nating sinasabi na gusto natin ng pagbabago. Lagi nating pinapangarap na dumating na sana ang pinakaaasam nating kaunlaran. Sa tingin n’yo ba makakamit ito kung pareho-parehong mga tao ang inilalagay natin sa gobyerno?! I don’t think so. Umay na umay na ako sa putaheng hinahain ng Senado. Sukang-suka na ako! Kaya naman gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay mabago ito. 😉
___________________________________________

___________________________________________
Teddy Casiño: MAY GINAWA

Ang mga mambabatas ay dapat gumagawa ng batas. Kaya nga sila mambabatas, ‘di ba?! Basic ‘yan! Binabayaran natin ang mga congressmen gamit ang pagkalaki-laking tax na kinukuha sa atin para gumawa sila ng mga makabuluhang batas na makakatulong sa pag-unlad ng mga tao at ng buong bansa in general. Kung ikaw ay isang congressman at wala kang nagawang batas sa buong term mo, EPIC FAIL KA!!! Anong ginawa mo bale?! Nagpasarap?! Tumengga? Ngumanga?! Sumahod lang?! Nakipag-bonding lang?! CHEEEEE!!!

Ito ang gusto ko kay Teddy Casiño, MAY GINAWA! May napatunayan at may naipaglaban. Masasabing sulit ang bawat sentimong pinasahod ng taumbayan kay Teddy Casiño kasi nagawa n’ya ang kanyang trabaho. Sa mga hindi nakakaalam, si Teddy Casiño ay nakapag-akda ng (4) batas na talagang bongga at may katuturan! Siya ang nasa likod ng mga batas na Public Attorneys Act of 2007 (R.A. 9406), kung saan pinapalakas nito ang PAO para sa mas malawak na libreng legal na serbisyo sa ating hikahos na mga; ang Tax Relief Act of 2009 (R.A. 9504) na nagbibigay ng eksempsyon sa mga kumikita lamang ng minimum wage mula sa witholding taxes; ang Rent Control Act of 2009 (R.A. 9653) na nagtatalaga ng hangganan sa upa para sa minimum wage earners; at ang Anti-Torture Act of 2009 (R.A. 9745) na nagbibigay kaparusahan sa sinumang gumagawa ng tortyur. O, ‘di ba?! PANALO! Aarte ka pa?! 😉 Sa tatlong termino n’ya sa Congress ay naipaglaban n’ya ang mga batas na ito na atin naman ngayong pinakikinabangan! Love it. 😉

And wait there’s more! Si Teddy Casiño ay nakapag-akda rin ng 178 measures at nag co-author ng mahigit 376 na iba pang mga batas. Kaya naman Teddy Casiño ay nasama sa top 5 most prolific congressmen sa 15th Congress! O, ha! 🙂 Sulit ang bayad sa kanya. Masasabi! Mahiya naman sana ‘yung IBA na ang lakas-lakas nang loob na tumakbo kahit wala pang napapatunayan sa kanilang karera. Mahiya naman sana ‘yung mga kasalukuyang nakaupo ngayon na mahilig mamuna at manlait ng iba pero wala namang nagawa noong sila ay nasa dating posisyon pa nila. Yes, PNoy? Would you like to share something?!
___________________________________
Teddy
_________________________________________________
Teddy Casiño: MAY GINAGAWA

Aside sa mga nagawa na n’ya, hindi tumitigil si Teddy Casiño sa pag-push ng mga very nationalist and progressive changes sa ating bansa. Patuloy siyang lumalaban para sa genuine agrarian reform, higher wages for workers, higher budget for education, independent foreign policy, women’s rights, justice for human rights victims, permanent societal reforms in the government and in economics among others. Hindi siya nagpapayaman gaya ng iba na uupo lang tapos yayaman na. In fairness to Teddy Casiño, pangatlo siya sa pinakamahirap na kongresista sa ngayon at meron lamang siyang net worth na P232,000.00. Gosh. Mas malaki pa ang sahod ko ha. No offense, Sir Teddy ha. WOW. 🙂 Pa-holdap?! 🙂 Nakakatuwang kahit na naka-tatlong terms na si Teddy Casiño sa Congress ay NEVER lumobo ang assets n’ya until now. ‘Eh ‘yung iba?!

I-check n’yo rin ‘yung financial background ng ibang mga kumakandidato ngayon pati na ‘yung mga nasa posisyon sa gobyerno. Maloloka kayo kung paano lumobo ang yaman nila! Magugulat kayo kung paano sila nagkaroon BIGLA ng bonggang pera. Kaya siguro hindi rin maipasa-pasa ang Freedom of Information Bill (FOI) ‘eh. Maraming takot kasi maraming MABUBUKING! Pak!
_______________________________________________

_______________________________________________
Teddy Casiño: MAY GAGAWIN

At syempre, pasok na pasok rin ang malinaw na plataporma ni Teddy Casiño kapag siya ay naging Senador. Pasok sa banga ang pinu-push n’yang mababang presyo ng mga bilihin and basic utilities, dagdag kabuhayan at trabaho and pagpapalaganap ng mabuting gobyerno. Tama si Sir Teddy, hindi lang “tuwid na daan” ang kailangan. Mas kailangan ang daang kakatawan sa kapakanan ng karaniwang tao at mamamayan. 🙂 Alam kong may plataporma rin naman ‘yung ibang kandidato. Nabasa ko rin ang mga ito. Pero wala akong bilib na gagawin nila ang mga sinabi nilang ito kapag sila ay naluklok na sa Senado. Madali lang ang magbanggit ng mga pasabog na plataporma. Madali lang ang magsulat at magsabi ng mga agenda. Pero ibang usapan ‘yung gagawin ba talaga ito at ipu-push kapag sila ay nahalal na. Naku po, ang dami na nating nasaksihang mga napakong mga pangako! TAMA NA! Nakakaloka na!

Natutuwa ako na tumakbo si Teddy Casiño bilang isang Independent candidate hindi tulad ng iba na nagtatago sa apelyido ng pamilya at nakikiangkas sa popularidad ng mga political parties. Natutuwa ako sa malinis, simple, very humble at mataas na antas na pagkampanya niya. Ang best nung literal na tumatakbo siya at sinusuyod ang mga masang lugar para kausapin ang ordinaryong mga tao. 🙂 Natutuwa ako na hindi gumagamit si Teddy Casiño ng malalaki at mamahaling ads sa TV at radio unlike ng ibang candidates na minu-minuto mong nakikita ang pagmumukha sa TV. Hindi madali tumakbo bilang isang Independent candidate kaya bilib ako na pinili n’ya ang mahirap na daan patungo sa tagumpay. Nakakabilib! 😉
___________________________________________________

_________________________________________________
‘Yun lang muna ang aking PAUNANG salvo para sa aking suporta sa aking Senador na si Teddy Casiño. Marami pang mga susunod na pasabog about my favorite candidate. Ikakampanya ko siya sa abot ng aking makakaya! Syempre, doon din tayo sa mataas na antas ng pangangampanya na kung saan naka-focus tayo sa issues at platforms at hindi sa mga pagtira sa sa personalty. Mababang klase kasi ‘yung personality-based na kampanya at batuhan ng mga “putik.” Pang-starlet ang ganitong atake kumbaga sa show biz! 🙂

At sa mga walang-sawang nagpaparatang kay Teddy Casiño na isa siyang komunista, nasagot n’ya na ‘yan. He already talked about that. Hindi siya komunista at hindi siya bahagi ng armadong pakikibaka. Kung may ebidensya kayo na magpapatunay na siya ay komunista, ilantad n’yo. Pasabugin n’yo. Pag-usapan natin. Makikinig ako. 😉

Yours Truly,

Madma

(Article source: http://myteddycasino.com/; http://truth.myteddycasino.com/?page_id=16)

(Video sources: http://www.youtube.com/watch?v=v-OD0cNEiPA; http://www.youtube.com/watch?feature=player_detailpage&v=v-OD0cNEiPA and http://www.youtube.com/watch?v=HZj5ccKqKGs)

P.S. Let’s vote for Teddy Casiño! I think nasabi ko na ‘to. 😉 Follow n’yo siya sa Twitter: @teddycasino. GO! #TeamTeddy #TatakboSiTeddy #TeddyCares
_________________________________
iba-naman-tc-banner2

Hindi masama ang mga “LEFTIST”

Philippines Labor Day

Dear fans and followers,

Hello to everyone!

Grabe ‘yung ngayon pa lang ako nakapag-blog this week. Sorry naman! 🙂 Minsan talaga kailangan ding “mag-work” nang totoo at isantabi ang ibang mga hobbies sa buhay. After all, equally important din ang work ha! Nega minsan, yes, pero alam n’yong “kabuhayan” ito. 🙂 So, dapat lagi tayong positive towards work. Dapat ang statement lagi is “I love my work! Pagod na ako pero I love my work pa rin. Woooh! Trabaho pa! OT pa!” Ganun dapat.GV, GV lagi! 😉 Dapat iniiwasan natin ang mga nega statements like “Tang inang work ‘to oh! Napakarami. Hindi na ako makahinga! Ako na lang ba ang empleyado rito?!” Tsk, tsk, tsk. Very nega. Not likey!

Speaking of nega, gusto ko pa lang i-share ang thoughts ko tungkol sa mga taong tinatawag nating “leftist” o mga makakaliwa. Madalas ko kasing marinig ang word na ito lately ‘eh. Kesyo nanggugulo na naman ang mga leftist group, nega na naman ang mga leftist organizations, sagabal sa buhay ang mga leftist, walang alam ang mga leftist kundi mag-rally, ngumasngas at manggulo, laging nega sa gobyerno ang leftist, hindi ko iboboto ang mga leftist na kandidato etc. etc. Siguro naha-hype na naman ang term na ito kasi eleksyon ngayon. Maraming mga politikong bumabanggit sa kanila kasi kailangan nilang “magpabida” sa fans. Kailangan nilang “magpabango.” Kanilangan nilang “magpabibo.” Kaloka!

Hindi masama ang mga leftist! Mataas ang respeto ko sa kanila. Bilib ako sa kanila. Love ko sila. 🙂 Bakit ko sila love? Kasi sila ‘yung mga taong pinipiling ipagpalit ang sariling comfort sa buhay para ma-sustain ang kanilang paniniwala. Sila ‘yung mga taong mas pinipiling magbilad sa arawan at isigaw ang kanilang ipinaglalaban sa kalsada kaysa sa umupo sa office na may air-con. Sila ‘yung may malasakit na ipakita at isiwalat ang hindi nakikita ng karamihan. Sila ‘yung mga taong pumupuno sa kakulangan ng iba pagdating sa pagbabantay sa lipunan. Sila ‘yung mga taong lumalaban sa mga laban na hindi na naa-attendan ng iba kasi busy sa mga pansariling ganap sa buhay. Bakit ha? Laban lang ba nila ang pagtutol sa mataas na presyo ng gasoline, kuryente at tubig? Laban lang ba nila ang pagdadagdag ng budget sa edukasyon at iba pang pangunahing serbisyo ng gobyerno? Laban lang ba nila ang pangangalaga sa kalikasan? Laban lang ba nila ang paglalantad sa mga katiwaliaan ng mga politiko? HINDI!!! Dapat pa nga nahihiya tayo sa kanila ‘eh kasi sila lang ‘yung umaako at nagpapatuloy ng laban na dapat sana ay laban ng lahat! Gosh. Sorry for that outburst. 🙂

Nalulungkot ako para sa ibang tao na napakakitid ng pagtingin sa mga leftist. Nalulungkot ako sa mga taong ang tingin sa leftist ay nega lagi. Example na lang ‘yung pagtingin na “kapag may welga, abala.” Kapag tumaas ang gas tapos may welga sa kalsada, nega agad ‘yung iba kasi “naaabala” sila– nale-late sila sa pagpasok sa office dahil na-traffic, nahihirapan sumakay, pinuputok sa pawis kasi nakipagsiksikan sa jeep, napupunit ang panty sa pakikipaghabulan sa bus etc. Pero kapag success naman ang welga at napababa ang presyo ng gas, happy din sila! Wala man lang thank you at pasalamat sa mga taong nakipaglaban sa kalsada. Nakakaloka! ‘Yan ang hirap ‘eh. Puro KABIG! Puro GANANSYA! Puro PASARAP! Ayaw mahirapan. Gusto laging kakabig lang. Gusto laging nakahain na sa mesa ang pagkain. Pota.
_____________________________________________
rally
_____________________________________________
Sa ibang parte ng mundo like sa Europe, very progressive ang pagtingin ng mga tao sa leftist. Para sa kanila, ang mga leftist ay integral part ng balance ng society. Nirerespeto nila ang leftist views dahil importante ito sa panlipunang pamumuhay. Likey! 😉 Dito sa atin sa Pilipinas, wala, very nega ang connotation sa mga leftist. So saddening. 😦 Ano bang gusto n’yong mangyari? Lahat nasa “right” para peaceful? Dapat walang opposing views? Dapat lahat ng sasabihin ng gobyerno ay paniniwalaan na lang?! Dapat lahat magagandahan sa pelikula ni Coco Martin at Julia Montes? Dapat lahat idol si Angeline Quinto?! ANO BA!!! In your dreams, bitches! Lulubog ang barko kapag lahat nasa kanan. Mapipigtas ang sampayan kapag nilagay mo lahat ng sinampay sa gawing kanan. Hindi magiging pantay ang kulay ng mukha mo kung sa kanang part lang ng face mo ia-apply ang Eskinol. Isipin n’yo ‘yan!

Sa mga maarteng laging tingin sa leftist ay nega, minsan try n’yo ring lapitan sila at kausapin nang malaman n’yong legit ang pinaglalaban nila. Instead na i-judge sila at kainisan from afar, i-try n’yong dumikit sa kanila para alamin ang sentiments nila kung bakit nila ito ginagawa. Try n’yo rin minsang bumaba sa kotse n’yo or sa bus na sinasakyan n’yo para magbigay ng saglit na oras to hear their sentiments. Try n’yo lang!

Anyway, basta ako, patuloy akong makikinig sa sasabihin ng mga leftist at susuporta sa abot ng aking makakaya. Hindi ako magsasawang pakinggan ang kanilang nakakalokang mga pasabog. 🙂 Masaya ako na sa kabila ng pagbabago ng mundo, may mga tao pa ring kinakalimutan ang sarili para ipagpatuloy ang napakaraming laban sa lipunan. Salamat sa inyo. Hanga ako sa inyo. Mabuhay kayo! Lakas maka-solidarity message ha. 😉

Haaay… masyado kong natodo ang emotion ko sa post na ito ha. Kakapagod din. Makapag-spa nga later. Relax relax naman! Sarap din ng body massage minsan ‘eh. 🙂

‘Yun lang naman ang ngasngas ko today. Very political ‘no?! 🙂 Bukas ko na pala ire-reveal ang aking susuportahan sa darating na eleksyon! Lakas maka-endorser! 🙂 Ayan na ang hinihintay n’yo. Malalaman n’yo na bukas ang “manok” ni Madma sa darating na 2013 May elections. Abangan… 🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.vosizneias.com; http://dustent.blogspot.com/2011/12/philippine-street-protests-do-more-harm.html)

P.S. Sali na kayo sa nakakalokang pa-contest sa Facebook ngayon!!! Gusto ko kayong imbitahan na sumali na sa ‘The Ananda Kanani Facebook LIKE Contest’ and win Over P1,000.00 worth of prizes!!! Magaganda ang gawa ng Ananda Kanani. Swear! Very personalized at talagang unique ang mga designs. Visit n’yo ang site nila para makita. Maloloka kayo! 🙂

SALI NAAAAAAAAA!!! Ikagaganda n’yo ‘to. Promise!
______________________________________
Ananda
______________________________________

Madma Reacts: Pope Benedict XVI’s Resignation and Lolong’s Death

Dear fans and followers,

It’s Madma Reacts time! Oh my God, hindi pa pala ako nakaka-react sa mga pinagpyestahang balita this past few days. So unbecoming of a Diva! Si Madma pa naman ang tinaguring “Boses ng Masa.” WOW. 🙂 Kung anu-ano na lang na title ang dinidikit ko sa sarili ko. Love it! 😉

Super daming naganap na mga pasabog nitong mga nakaraang araw. SHOCKING! Grabe! Parang pasabog after pasabog. I’m sure sabik na sabik na kayong marinig ang boses ni Madma sa mga nakakalokang issue kaya ito na. Ibibigay ko na.

GAME!
______________________________________________
Pope Benedict XVI Resigns, Very SHOCKING!

Pope2
______________________________________________

S.H.O.C.K.I.N.G. news talaga ito! Nakakaloka ‘yung walang kaabug-abog na pagre-resign ni Pope Benedict XVI, Joseph Aloisius Ratzinger in real life, bilang pinakamataas na pinuno ng Catholic Church simula February 28, 2013. NGANGA ako sa balitang ito! Hindi man lang nagpasabi or nagtext si Pope Benedict XVI para nakapaghanda ako kahit papaano. Hindi tuloy ako nakapagluto. WOW. 😉

Well, valid naman ang reason ni Pope Benedict XVI. Sa mga hindi pa nakakaalam, the Pope cited his advancing age and declining health as the major reasons for his resignation. Ang tanda na rin kasi n’ya sa edad na 85 years old. Diyos ko naman! Ibigay na rin natin sa kanya ang tinatawag na “pahinga.” 🙂 Hindi na rin talaga kalakasan ang kanyang katawan. Siya na mismo ang nagsabing hindi na n’ya kaya so huwag na kayong umarte-arte d’yan. Katawan n’yo?! 🙂 Ok lang na ma-shock sa biglaang resignation n’ya pero sa huli, dapat lang na igalang at tanggapin natin ang kanyang pasya. Wala namang masama kung naniniwala siya sa kasabihang “kung kaya ng iba, ipagawa mo sa iba,” ‘di ba?! 🙂

Gaya ng ibang trabaho sa mundo, allowed naman ang pagre-resign ng isang Pope sa batas ng Catholic Church. Sabi sa nabasa kong report, “there is a clause in Church Canon Law saying that a papal resignation is valid if the decision is made freely and manifested properly.” So, legit talaga ang resignation ng ating mahal na Papa. 🙂 Pero ayon sa kasaysayan ng simbahan, super rare ang pagre-resign ng isang Pope. According to sources, the last pope to resign from his papacy was Pope Gregory XII in 1415. Nearly 600 years ago na ang nakakaraan ng huling naganap ang ganitong eksena! SHOCKING!!!
__________________________________________
VATICAN POPE
_________________________________________
Hindi rin kasi talaga madali ang trabaho ng isang Pope. I could only imagine the stress!!! My God! Hindi biro ang maging leader ng buong Catholic Church na may estimated na 1.2 billion members worldwide! Ewan ko na lang kung hindi kumulot ang bangs mo sa stress at dumugo ang ilong mo kakasalita ng iba’t ibang languages especially Latin! Good luck talaga. Ibang issue pa ang pagharap sa mga controversies ng simbahan. Naku po! Hindi n’yo na rin naitatanong, nahirang na Pope si Pope Benedict XVI noong 2005 sa gitna ng kasagsagan ng kontrobersya re: pang-aabuso ng mga pari particularly child sex abuse. NAKAKALOKA!

Personally, hindi ko bet masyado ang very conservative and traditionalist mode na pamumuno niya sa Catholic Church. To quote one of my sources, “Pope Benedict XVI has a reputation as a theological conservative, taking uncompromising positions on homosexuality, women priests and contraception. He has always believed that the strength of the Church comes from an absolute truth that does not bend with the winds.” O, ‘di ba? Kamay na bakal ang peg ni Pope. 🙂 Kaya naman somehow, natutuwa na rin ako pagbaba niya sa pwesto kasi nabigyan ako ng hope na mas maisusulong ang liberalization ng Catholic Church with its new leader. Naniniwala akong kailangan ng din talaga ng “upgrading” at “modernization” ng Catholic Church sa ilang concepts, stands and beliefs sa panahon ngayon, bagay na mangyayari lamang kung ang mismong Pope ay may ganyang inclination. Ang dami na rin kasing mga “lumang paniniwala” ang hindi na akma sa nagbabagong mundo ngayon. Aminin n’yo ‘yan! 😉

So since final na ang pagre-resign ni Pope Benedict XVI, ang buong mundo ay naghihintay na sa bagong Pope na papalit sa kanya. ‘Yun oh! Exciting!!! 😉 Sana magkaroon din ng parang pageant sa paghahanp ng bagong Pope. Parang Miss Universe lang ganyan. Ang saya siguro ‘nun! Ang haggard naman kasi ng conclave bilang closed-door event. Hindi natin nasi-sight ang mga kaganapan sa loob. Baka mamaya may swimsuit competition din ang mga pambatong cardinals sa loob Sistine Chapel. Char! 🙂
________________________________________
Pope Benedict XVI
________________________________________
So far, malakas ang ugong na si Cardinal Peter Turkson, 64, ng Ghana ang papalit! Kung magkakatotoo, ito na ang simula ng era of an African pope. Taray! Malakas din ang laban ni Cardinal Marc Ouellet, 68, ng Canada at ni Cardinal Francis Arinze, 80, ng Nigeria. Syempre papahuli ba ang Pilipinas?! Alam n’yong hindi! Tayo pa. Si Cardinal Luis Tagle, 55, ang pambato ng The Philippines. Ang taray naman kung siya ang makukuha! Shet. Pero I think malabo. Marami pang ibang cardinal ang mas senior sa kanya. 🙂

Para naman aware kayo sa mga susunod na magaganap, gusto kong i-share itong process na tinatawag na “Papal Conclave.” Exciting ito kasi sa event na ito pinipili ang susunod na Pope!

1. The Vatican summons a conclave of cardinals that must begin 15-20 days after Benedict’s Feb. 28 resignation. Papal Conclave is a meeting of the College of Cardinals convened to elect a new Pope.

2. Cardinals eligible to vote – those under age 80 – are sequestered within Vatican City and take an oath of secrecy.

3. There are currently 118 cardinals under age 80 and eligible to vote, 67 of whom were appointed by Benedict. However, four of them will turn 80 before the end of March. Depending on the date of the conclave, they may or may not be allowed to vote.

4. Any baptized Roman Catholic male is eligible for election as pope, but only cardinals have been selected since 1378.

5. Two ballots are held each morning and two each afternoon in the Sistine Chapel. A two-thirds majority is required. Benedict in 2007 reverted back to this two-thirds majority rule, reversing a 1996 decision by Pope John Paul II, who had decreed that a simple majority could be invoked after about 12 days of inconclusive voting. Benedict did so to prevent cardinals from holding out for 12 days then pushing through a candidate who only had only a slim majority.

6. Ballots are burned after each round. Black smoke means no decision; white smoke signals that cardinals have chosen pope and he has accepted. Bells also signal the election of a pope to help avoid possible confusion over color of smoke coming from chimney of the Sistine Chapel.

7. The new pope is introduced from the loggia overlooking St. Peter’s Square with the words “Habemus Papam!” (Latin for “We have a pope!”) and he then imparts his first blessing.

‘Yun na!
_______________________________________________
So long, Lolong

Lolong
______________________________________________
SHOCKING din ang pagkamatay ng tinaguriang ‘World’s Largest Captive Crocodile’ na si “Lolong” last February 10, 2013. Sayang talaga. Napakabata pa n’ya. Parang kailan lang, ang lakas-lakas pa n’ya at patakbo-takbo pa tapos ngayon… Arte?!

Seriously, sayang talaga si Lolong. Grabe. Around 50 years old pa lang siya ngayon. ‘Eh hanggang 100 years pala umaabot ang buhay ng mga crocodile. Gosh! Lakas maka-Kuya Kim ng peg ko. Si Lolong ay pinakamalaking buwaya buong mundo sa habang umaabot ng 6.17-meters (20.24 feet) at tumitimbang ng 1,075-kilo (2,370-pound). GRABE!!! Kung sa boxing match ‘yan, sa Ultra-Mega-Divine Heavyweight na category papasok si Lolong. Hindi n’ya ka-level sina PacMan. Taas ni Lolong ha.

Hindi pa natutukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Lolong until now. Next week pa raw malalaman. Pero agree ako sa mga sinabi ng mga expert na sa “stress” namatay si Lolong. Hindi n’ya kinaya ang dami ng fans everyday kaya naloka si Kuya at na-deads. Biruin mo, more than 1,000 guests ang bumibisita kay lolong araw-araw sa Bunawan Eco Park and Research Center sa Agusan del Sur. So, 30,000 visitors ‘yan per month. SHOCKING! Talagang naging tourist attraction na si Kuya simula ng mahuli siya at ikulong sa park na ‘yan 17 months ago. Grabe! Very sensitive talaga ang mga hayop sa stress lalo na kung bigla mong ikukulong sa isang cage from their natural environment. Hindi sila sanay! Parang si Dyesebel lang ‘yan.
_______________________________________
Lolong2
_______________________________________
SUPER SAYANG TALAGA!!! Pinagkitaan na lang si Lolong. Grabe. Ngayon wala na siya, ano na kayo d’yan sa park?! NGANGA!!! Irita. Ayan tuloy, nagdiriwang ang mga Australians kasi naibalik na sa crocodile nilang si ‘Cassius’ ang title! Si Cassius ay may habang 5.48-meter (17 feet-11 inches) at kasalukuyang nasa park somewhere in Queensland, Australia. Siya ay nasa around 110 years old na ngayon and has been in captivity for 26 years. GRABE! Samantalang si Lolong…haaay… SAYANG!!! 😦

Sana talaga ay pagtibayin ang mga batas para sa mga hayop! Sayang kasi talaga ‘eh. Biruin mo, LARGEST CROCODILE si Lolong at namatay sa pangangalaga ng mga Pilipino. KALOKA! Sad talaga… 😦 Hindi ako expert pagdating sa mga hayop pero sana ay maalarma rin ang gobyerno sa pangyayaring ito. Sana hindi masayang ang death ni Lolong at magkaroon ng bonggang aksyon ang government to ensure the safety and protection of our endangered species.

‘Yan na lang muna. Hanggang sa muli, which is bukas! Valentine’s Day special ang peg natin tomorrow. ABANGAN! 🙂

Yours Truly,

Madma

(Article sources: http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-11141340, http://www.bbc.co.uk/news/magazine-21412604, http://www.bbc.co.uk/news/world-europe-21430737, http://www.guardian.co.uk/world/2013/feb/11/pope-resigns-live-reaction, http://www.interaksyon.com/article/54863/who-will-succeed-pope-benedict-cardinal-tagle-is-among-top-10-most-mentioned-papables—reuters; http://www.huffingtonpost.com/2013/02/11/electing-a-new-pope-conclave-oath-chimney-smoke_n_2661731.html; http://www.abs-cbnnews.com/global-filipino/world/02/12/13/australias-cassius-reclaims-worlds-biggest-croc-crown; http://www.interaksyon.com/article/54899/autopsy-carried-out-on-lolong; http://www.cnn.com/2013/02/11/world/asia/philippines-crocodile-death/; http://www.mb.com.ph/articles/393736/with-lolong-gone-australia-s-cassius-now-world-s-biggest-croc)

(Photo credit: http://www.ksfy.com; http://www.euronews.com; http://www.guardian.co.uk; http://www.philstar.com; http://www.dailymail.co.uk)

P.S. Bon voyage naman sa’yo, Mr. Robby Benson Torres! Mag-iingat ka d’yan sa Dubai. Sana huwag kang magpa-rape. Char. 🙂 Galingan mo sa bago mong work. Padala ka na lang ng pera sa amin. WOW. Padala agad? Hindi pa nga nag-start?! 🙂

We will miss you, B! Sana ay tumambay ka pa rin sa YTM kahit na OFW ka na. At sana pagbalik mo, hindi ka magka-ere. Alam mo na ‘to. Keep in touch. ❤
______________________________
B
______________________________

Bading pero may Girlfriend?! SHOCKING!

Chick

Hello Madma,

Gusto ko lang sumangguni sa’yo about sa ex-boyfriend ko. I just find him weird.

Sometime February last year, natapos ang 3 year-relationship namin ni ex-boyfriend. Ako ang pinakamatagal n’yang karelasyon. Naka-3 boyfriends din yata siya bago yung amin. Maayos naman ang hiwalayan namin and friends naman kame up to now. Though hindi na sobrang close.

Ang weird lang kasi nalaman kong may girlfriend na siya ngayon. Nabalitaan ko sa isang common friend namin. Nalaman ko pa na ay planong pakasalan ni ex-boyfriend ang babaeng kinakasama n’ya ngayon. Hindi naman po ako bitter or anything. Naka-move on na po ako sa totoo lang. Swear! Ang weird lang na may girlfriend siya ngayon after n’yang makipagrelasyon sa mga lalaki before.

Pwede ba talaga itong mangyari? Naguguluhan lang ako sa mga nagaganap. Ano tingin mo Madma?
Salamat and more power.

-Jake

P.S. Pogi si ex-boyfriend at borta. Hawig siya ni Andrew Wolff.

_________________________________

Dear Jake,

Hello naman sa’yo, Jake. Naku baklaan na naman ang topic. Gustung-gusto ‘to ng mga fans and followers ng YTM! 🙂 Grabe yung ako na talaga ang takbuhan ng mga bading kapag may mga ngasngas sila sa buhay. Lakas maka-Icon nito! At hindi ko kinaya yung kamukha ni Andrew Wolff ang ex-boyfriend mo ha. Hooong pogi nomooon!!! Shet. Siguro ang saya-saya mo nung kayo pa at talaga namang “panay-panay” ang sex n’yo ‘no?! Umamin ka. Huwag mo akong artehan! Ang sarap namang “madiligan” ng pogi! Pogi ka rin ba, Jake? Padilig naman d’yan. Tuyo ‘eh. CHAR! 😉 Ano ba ‘to ang landi ko na naman. Ang lamig kasi ‘eh! Hindi ko mapigilan! 🙂

Anyway, naku huwag ka ng maguluhan, Jake. Weird na talaga ang mundo ngayon just in case hindi mo napapansin. Marami na talagang mga “kababalaghan” at “misteryo” sa lipunan ngayon ang hindi maipaliwanag ng simpleng isipan. Halimbawa, ang mga Korean songs ay patok na patok sa atin kahit hindi natin naiintindihan yung lyrics. Ang mga lugar na hindi binabagyo, ngayon ay binabayo na rin. Si Regine Velasquez, sa unang pagkakataon, ay hindi nakakanta sa sarili n’yang concert. Si Manny Pacquiao, nakatulog at bumagsak sa laban n’ya kay Marquez etc. etc. O, ‘di ba ang weird?! Kaya naman hindi na rin nakakapagtaka yung mga eksenang biglang nagkaka-girlfriend ang mga beki ngayon. Nakakaloka, yes. Pero it really happens these days. 🙂

Aaminin ko, weird talaga ‘yang eksenang ganyan. Kahit ako man ay naloloka sa ganyang drama. Ka-level ‘yan ng relationship ni Mahal at ni Jimboy dati. O kaya ni Madam Auring at yung boy toy n’yang si Archie. O kaya ang biglang pagtangos ng ilong ni Ms. Lani Misalucha tapos sasabihin n’yang hindi raw siya nagparetoke. Ano yun biglang tumubo? Monggo seed? NAKAKALOKA TALAGA. 🙂 Sa akin kasing paniniwala, kapag bading, BADING! Hindi siya katulad ng ubo at sipon na nawawala at gumagaling. Hindi siya katulad ng insomnia na iinuman mo lang ng sleeping pills tapos ok na. It doesn’t work that way for me. Ang sisiw, kulayan mo man ng kulay pink, violet or yellow, sisiw pa rin‘yan. Hindi mo mababago ‘yan. Period. 🙂

May mga personal friends din ako na bading tapos after makailang boyfriend ay biglang nagka-girlfriend. Shocking talaga sa una. Hindi ko masyadong kinakaya ang biglaang shift ng “diet” nila. Dati enjoy na enjoy nila ang “talong” tapos bigla na lang silang nahilig sa “tahong.” BONGGA! 🙂 Natural reaction naman yung magulat at maloka sa balitang ganito. Ako nga may patili-tili pa kapag nakakatanggap na mga ganitong balita. O, ‘di ba ang arte?! 🙂 ‘Eh kasi naman nakakawindang nang tunay ang mga ganitong chismis. Lalo na’t alam na alam mo kung gaano kaberde ang dugo ng friend mo na pumatol sa babae. Nakakanginig talaga ng laman ‘yan. SHOCKING!!!

Pero at the end of the day, wala naman tayong magagawa kundi tanggapin at yakapin ang mga milagrong ganito lalo na kung kaibigan mo. Ang policy ko na lang lagi is basta masaya ang friend ko sa ganyang set-up at genuine ang nararamdaman n’ya, ok ako. 🙂 Ako pa ba yung aarte? Mas una kasi sa akin ang kapakanan at nararamdaman ng friend ko kaysa sa sarili kong arte. Lakas maka-politician nung inuuna ang kapakanan ng kapwa kaysa sa sarili! 🙂 Hindi man natin lubos na naiintindihan kung ano ang tumatakbo bigla sa kokote nila, support pa rin tayo dapat sa kanila. Malay mo nga naman, bigla talaga silang tinawag ng “kakaibang” pag-ibig. Bigay rin natin sa kanila ang benefit of the daw. 🙂

Take it from Madma, deadmahin mo na ang ganap ng ex-boyfriend. Hayaan mo na siya. Naka-move on ka na ba talaga? Parang hindi pa! Char. 🙂 Respetuhin mo na lang ang desisyon n’ya and i-wish na maging masaya siya sa napili n’yang landas. Kung friend mo talaga siya, you’ll be happy for him. 😉 And besides, ang dami pang ibang pwedeng pagkaabalahan kaysa sa isipin ang mga kaganapan ng ex mo ‘no. Sayang naman ang space sa utak mo kung siya lang ang laman n’yan. Paupahan mo na lang! Wow. 😉

Yun naman ang akin. Keyword: RESPECT. 😉

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.omgsocute.com/2011/10/04/rainbow-colored-chicks/)

P.S. Super excited na ako sa pagbabalik ng pinakamaganda kong friend na si Ma. Gertrude Hernandez! Excited na ako sa bonding natin! I sooo miss you. Susulitin natin ang appearance mo. 😉

I love you, Ganda. ❤

Ger
____________________________________

P.P.S. Sa Sunday (January 27, 2013) na pala ipapalabas sa TV ang nakakalokang ‘Silver Rewind’ ni Idol Regine Velasquez! Mapapanood n’yo na kung paano niya tinodo ang birit n’ya sa kontrobersyal na concert na ito. BONGGA! Siguraduhing nakakatutok kayo sa GMA 7 at exactly 9:30 p.m. sa Linggo ha. Sama-sama tayong manood. Woooh! ❤

Na-miss ko naman bigla si Asia's Songbird. 😉 Sharing this very recent performance of Regine. PASABOG 'TO! SWEAR! ❤


_____________________________________

Merry Christmas and Happy New Year To You and You… And You… You Gonna Love Me!

HNY

Dear fans and followers,

KAMUSTA NA KAYO?! Hindi na tayo nagkaka-chikahan lately ha. Kasi naman ang busy din talaga ng holiday season. Ibigay muna natin ito sa isa’t isa. Naka-vacation mode rin ang Madma n’yo. Huwag muna tayo maging clingy for now. Kiki-clingy much!

Anyway, since na-miss ko kayo, chikahan muna tayo nang saglit. Wala pa palang Christmas and New Year special ang YTM kaya naman ito na! Syempre, I owe it to the fans. WOW. 😉

merry_christmas_11_1200

Tapos na ang Christmas. Just like that! Sobrang bilis. My God. Na-feel n’yo ba ang Christmas? Medyo iba na rin talaga ang panahon ‘no? Sabihin na nating “nabawasan” nang very light ang kinang ng Pasko. Ewan ko kung nag-mature lang ako kaya medyo iba na ang tingin ko sa Pasko or sadyang iba na ang talaga ang makabagong mundo ngayon. Parang hindi na siya masyadong festive like before ‘no? Mas less na ang mga bahay na may Christmas tree, parol, Christmas light etc. Yung iba sadyang hindi na nagkabit ng mga Parol kasi katwiran nila, tatanggalin din naman. Nega much ang mga pota! Pero may point. Char. 🙂 Mas konti na rin ang nagre-regalo nowadays at mas konti na rin ang mga handa sa lamesa. Yung mga pinamimigay sa mga inaanak, medyo nabawasan din. Dati nasa P300-P500 ang bigayan sa mga inaanak. Ito yung bentahan sa merkado before. Ngayon parang nasa P100-200 na lang. Yung iba nga “tawad” na lang ‘eh. Pansin n’yo ba? Haaay… Sigurado mas mahirap lang talaga ang buhay ngayon kaya ganito. Tipid mode rin ang mga kababayan natin. Kumbaga “naghigpit din ng sinturon” ang mga Ma’am/Sir n’yo. Ang sad naman na iilan na lang kameng nakakaginhawa sa buhay. WOW.

Nonetheless, nakakatuwa na hindi nawawala ang reunion at gathering ng pamilya tuwing Pasko. Ang saya lang makita na sa kabila ng kahirapan ay talaga namang niraraos din kahit papaano ang Pasko. Bilib ka rin sa mga Pinoy, maghahanda rin talaga kahit wala na. Isasanla rin yung ref o kaya TV para magka-pera. Competitive! Ayaw patalo sa kapit-bahay. Char. 🙂 Ang best part lagi ng Christmas is yung Noche Buena gathering. Aaaay… love it! Ang saya makita at makasama muli ang mga pinsan mo, mga tito at tita, mga pamangkin, Lolo at Lola, at iba pang kamag-anakan. HEAVEN! Sa kabila ng mga alitan at tampuhan sa pamilya, nabubuo rin talaga ang lahat tuwing Christmas. BEST! Love always prevails talaga. Or not.

First time ko pa lang mag-effort bumili ng regalo para sa mga friends and family members. Alam n’yo na, medyo may pera rin tayo nowadays. Kayo ba? 🙂 Nakaka-yaman yung nagpapamudmod ng regalo. Parang Kris Aquino level. First time kong mamili sa Divisoria mag-isa and surprisingly, na-enjoy ko siya. Ang best ng Divisoria. Tangina. Lahat andoon na! Pwera lang jowa. WOW. 🙂 Kung anu-ano ang tinitinda sa Divi. Wala ngang nasunod sa checklist ko kasi lahat nabago. Nakakaloka! Na-in love talaga ako sa beauty ng Divi. Soobrang buhay na buhay ang lugar na ‘yun. Aliw na aliw ako sa mga paninda doon kaya super enjoy ang pamimili ko. Deadma na sa may mga putok at pawisang masa na makakagitgitan mo. Part yan ng experience. 😉 Ako rin pala ang nagbalot ng mga gifts after. EFFORT! And natuklasan ko na ang gift wrapping is a special skill. Either you have it or you don’t. Apparently, I don’t. AS IN! Kaya naman any-any na lang ang pagbalot ko. My God! Pero alam naman nating sa huli, it’s the thought that counts. Or it’s kantot that counts. CHAR! 😉

At isa pang bagay ang dapat nating ipagpasalamat ay yung fact na hindi nagunaw ang mundo last December 21! Tanginaaa. Thank you, Lord! Naka-leave pa naman ako that day para at least ready. Hirap namang maabutan ng end of the world sa office. Loser much! Salamat naman Lord at sa kabila ng mga kasalanan namin ay binigyan mo pa kame ulit ng chance na mabuhay. Nakakaloka yung nadisappoint ang iba na hindi nagunaw ang mundo ha! Tangina. Gunawin ko kaya mga bahay n’yo?! Leche. Sana nagpa-sign up na lang si Lord kung sino ang gustong mawala na sa mundo. Voluntary exit ang peg. Tapos yung mga nag-sign up, ihulog n’ya sa kumukulong apoy! Kingina. Hindi pa nga ako nagkaka-jowa so bawal pa ang end of the world. 😉 Love ko pa rin ang mga Mayans kahit na nagkamali sila ng predict. At least nabigyan nila tayo ng wake-up call sa mga ginagawa natin sa mundo. Kaya naman sa second life nating ito, sikapin nating maging mabuti at mahalin ang buhay. Lakas maka-El Shaddai nung line na yun. Amen. Or Emen. Pwede ring Ehmen. 🙂

Traditional Santa Claus3

Excited na ako sa New Year! Bagong taon, bagong pag-asa! Bagong taon, bagong aura! Nae-excite na ako sa mga pakulo at kaganapan sa 2013. Shet! Sana naman ay mas maging masagana ang bagong taon para sa ating lahat! Sagana sa pagkain, sa pera, sa kalusugan at syempre sa sex. Yun oh! Sana ay hindi maging nega ang 2013. Medyo scary din kasi may number 13. OMG! Alam n’yong bad luck ang number na ‘to. Gosh. Pero, tuloy lang ang laban. Tuloy ang buhay. Sama-sama tayo sa hirap at saya sa 2013. 🙂 Gumagawa na ba kayo ng new year’s resolutions? Naku itigil n’yo na ‘yan kasi hindi naman ‘yan natutupad. Huwag na kayong magpanggap. Go with the flow na lang.

At sa blog ko naman, asahan n’yo na MARAMING pasabog ang Yours Truly, Madma sa 2013!!! Abangan n’yo ang mga pakulo ni Madma sa mga susunod na araw. Itotodo natin ito. Hindi tayo titigil sa mga pasabog! Patuloy nating babaguhin ang mukha ng blogging world. Mas pinalakas, mas pinabongga at mas pasabog na YTM sa 2013! SHET! Excited na ako! Kapit kayo.

Maraming salamat sa tiwalang binibigay n’yo kay Madma. Salamat sa suporta at pagmamahal. Salamat sa mga fans na walang sawang tumatangkilik sa blog na ito.

I love you all. Merry Christmas and Happy New Year to everyone!

To end this post, hayaan n’yo namang i-serenade kayo ng ultimate idol ko na si Ms. Regine Velasquez. Super galing n’ya sa kantang ito! Kung ganito ang mangangaroling sa amin, ibibigay ko agad ang bahay namin! Pota. Kahit kapatid ko ibibigay ko na. 🙂 Go, Regine! Ito pala ang rendition ni idol ng song na “O, Holy Night.” BEST! GRABE! ❤


____________________

Ang galing ni Regine! Pota. Excited na sa resbak ni idol sa “Silver Rewind.” Sa January 5, 2013 na ito sa SM MOA Arena. Caaaaaaan’t wait! Shet. Sana naman hindi na siya paos by then. 🙂

Ito pala ang teaser ng “Silver Rewind.” Wooooh!


___________________

So, there. See you all next year. Which is next week na rin pala. 🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://hhdwallpapes.com/desktop/happy-new-year-2013-hd-wallpapers-new-year-wishes-photos-1080p/.html?pid=926; http://hhdwallpapes.com/festival-celebration/happy-christmas-2012-hd-1080p-wallpapers-desktop-photos/.html?pid=542 and http://christmas-santaclaus.blogspot.com/)

P.S.

Malapit na ang pagbabalik ng mga inaabangan at kinalolokohang payo ni Madma! Kaya naman ipila n’yo na ang stories n’yo habang maiksi pa ang pila.

Ipadala ang inyong nguyngoy at ngasngas sa: yourstrulymadma@gmail.com. Sulat na para ma-feature na kayo sa YTM! GO!

P.P.S.

Isang bonggang pagbati sa aking CF na si Mr. Albert Konrad de Luna! Binabati kita sa iyong ika-28 na kaarawan. My God! Malapit ka na mag-30 years old ha. At least may jowa ka na. Yikeeee… 🙂 Gaya ng sabi ko, masaya ako sa mga pagbabagong dumarating sa bahay mo. Andito lang kame para sa’yo. Laban lang!

I love you, CF. Sana baguhin mo na yung mga “masasamang” ugali mo. 🙂

CFs
_______________________

And since birthday mo ngayon CF, hayaan mong kantahan ka ni idol Regine ng isang “simpleng” Christmas song. Ito na lang ang regalo n’ya sa’yo. hahaha

Presenting, Regine Velasquez in scat singing! PANALO!!! Mahusay. Wagi. Pak. Regine is lurve. ❤


_________________________