Walang Sisihan!!!

283757_10151475741218791_1930644166_n

Dear fans and followers,

Isang malagim na araw sa inyong lahat. 😦

Alam kong kasalukuyan kayong nagluluksa sa very disappointing partial result ng 2013 elections. Alam kong ngayon ay panay ang pahid n’yo ng calming lotion sa katawan para ma-kalma ang inyong nanggagalatiing emosyon sa mga nangungunang Senators so far. Alam kong marami sa inyo ang nagpunta sa salon or spa para mag-relax at makalimutan ang horrors ng eleksyon. Naiintindihan ko ang inyong sentimyemto. Kasi NALOLOKA RIN AKO!!! 😦

Anong nangyari?! Bakit ganito ang resulta? Bakit SILA-SILA NA NAMAN?! Bakit hinayaan na naman nating MAULIT ang lahat?! Bakit sila na naman ang ating hinalal?! Bakit hinayaan nating masayang ang ating magandang nasimulan?! ‘Di ba gusto natin ng PAGBABAGO?! ‘Eh bakit ito na naman tayo?!

Haaaay… Diyos ko! Kahapon pa sumasakit ang bangs ko sa mga pangalang nakikita ko sa mga partial/unofficial result ng eleksyon. Ayoko na ngang tumingin sa TV kasi naiirita ako lalo. Nakakainis! Nakakagalit! Nakakapikon! 😦 Pare-parehong mga pangalan na naman ang mananalo. Sila-sila na naman. ‘Yun at ‘yun na naman. Nasilaw na naman tayo sa mga paulit-ulit na pangalan sa pulitika. Nagpauto na naman tayo sa kanila. GRABE.

Gusto ko manapak sa inis. Gusto ko magbasag ng mga plato para ma-release ‘tong inis na nararamdaman ko. Kaso konti lang ang plato namin sa bahay ‘eh so sa blog ko na lang ilalabas ang lahat. 😉

Magpapakatotoo na ako. Galit ako! Galit ako sa mga Pilipino! Gusto kong layasan ang punyetang bansang ‘to! Masama ang loob ko ngayon kasi hindi tayo natututo sa kasaysayan. Naiinis ako kasi ang bilis-bilis nating makalimot! Galit ako kasi ang bilis nating mauto! Galit ako kasi hinalal na naman natin ang mga mismong taong naging sanhi ng ating mga pagdudurusa noong mga nakaraang taon. Imbyerna ako kasi hinayaan na naman nating maghari ang mga taong minsan nang nanamantala at nang-abuso sa mga Pilipino. Naiirita kasi ang hilig-hilig nating MAGTIIS where in fact kayang-kaya naman nating baguhin ang lahat! Hobby talaga nating magdusa ‘no?! Nae-enjoy talaga natin ang suffering ‘no?! NAKAKALOKA!!!

Ang sad kasi ang lapit na natin sa PAGBABAGONG gusto nating makamit pero pinakawalan na naman natin ulit ang chance na ito. Haaay… Wala na akong masabi kundi puro buntong-hininga na lang. 😦 Sa totoo lang, ayoko na sana itong isipan pa. Ayoko na sana itong problemahin pa kasi marami din akong mga iniisip sa personal kong buhay gaya ng kawalan ng lovelife. Pinipilit kong deadmahin na lang ang bagay na ito at mag-move on na lang sa buhay ko. But I JUST CAN’T! Naiinis ako na patuloy akong binabagabag ng isipan ko sa bagay na ito. Shet.

Akala ko may magbabago na. Akala ko matatalino na tayo. Akala ko ay mga wais na tayo. Sadly, HINDI PA PALA. 😦 Ang taas-taas ng hope ko sa mga kapwa ko voters. Sobrang taas ng faith ko na hindi na tayo magpapaloko at iboboto na natin ang mga TAMANG TAO. Ang taas ng pananalig ko na makakamit na natin sa wakas ang tunay na PAGBABAGO. Na hindi na natin iboboto ang mga trapo at mga walang-kwentang pinuno. Apparently, nabigo ako. 😦

Emotions aside, ang resulta ng naganap na eleksyon ay may malaking sinasabi sa ating mga Pilipino– marami pa rin talagang sa atin ang nabubuhay sa dilim at kawalan ng tamang impormasyon. Isang malaking wake-up call ito para sa mga kagaya kong nagnanais ng TUNAY NA PAGBABAGO. Sadly, sa kabila ng kaliwa’t kanan nating mga paandar sa social media, kulang pa pala ang effort natin para abutin ang puso at isip ng mas marami nating kababayan. Magkaiba pa rin pala ang mundong ginagawalan natin sa mundong ginagalawan ng mga ordinaryong masang Pilipino na nakatira sa mga probinsya at malalayong lugar. May ibang mundo pa palang nage-exist sa mga far flung areas na walang access sa internet. Nakalimutan nating may ibang reality pa pala sa bansang ito.

Nakakalungkot. Hindi ko talaga mapigilang malungkot. Dismayado ako sa mga kapwa ko Pilipino. 😦

Pagbigyan n’yo na ako sa emotional breakdown na aking nararanasan ngayon. Ibigay n’yo na sa akin ang moment na ito. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat. Pero makaka-move on rin ako. Gaya ng dati, magmo-move rin ako. Wala namang akong choice, ‘di ba?! Ano ba naman ang isang boses ko laban sa boses ng milyung-milyong Pilipinong nagpauto sa mga trapong pulitiko. Sino ba naman ako.

Anyway, sa puntong ito, gusto ko na lang magbigay ng mensahe sa mga mananalong Senador ng bansang ito. Ang fierce ‘nung may message no? Lakas maka-show biz. 😉 Ito na lang ang magagawa ko for now. Wala na ‘eh. Andy’an na ‘yan. Hindi na ako makakapalag.
_______________________________________________
946549_10152801750355596_709563182_n
_______________________________________________
Grace Poe

Pasalamat ka sa apelyido ng tatay mo. Pasalamat kay kay Fernando Poe Jr. kasi siya ang nagpanalo sa’yo. YOU OWE HIM THIS VICTORY! Kung “Santos” o kaya “Ocampo” ang apelydio mo, wala ka sa pwesto mo ngayon. Alam mo ‘yan! Ang convenient din talaga ng may powerful na surname no?! Nagiging madali rin talaga ang lahat para sa’yo. Sa totoo lang, hindi kita binoto kasi lagi kang nagtatago sa apelyido ng tatay mo. Hindi ako bilib sa ganyang atake kaya hindi mo nakuha ang boto ko. Oh well, sana na lang ay “makipagbakbakan” ka talaga para sa tunay na pagbabago kapag nasa Senado ka na. Kasi kung ako ang masusunod, sa show biz kita ilalagay para mabuhay mo ang action films sa Pilipinas since gusto mong sundan ang yapak ng tatay mo. I think exciting din na makitang babae ang gumanap sa role na “Panday” for once.

Loren Legarda

At tibay mo rin talaga, girl. Lagi’t lagi kang pasok sa eksena kahit anong mangyari. Pero ang shocking ‘nung na-upstage ka sa number 1 spot ha. How does it feel na hindi na ikaw ang reyna? Basta ang message ko lang sa’yo is ayusin mo ang pag-file mo ng SALN next time. Declare-declare rin ng mga properties ‘pag may time ha? Ang tagal-tagal mo ng public servant tapos mali-mali pa rin ang SALN mo?! Wow ha. Sana ay maisama mo naman kame minsan sa posh na condo mo sa New York. Kahit overnight stay lang, ok na ako.

Edgardo Angara, Bam Aquino, Koko Pimentel, Cynthia Villar, JV Ejercito

Pasalamat rin kayo sa mga kamag-anak n’yo. Pasalamat kayo sa mabangong apelyido n’yo. Nawa’y patunayan n’yo na IBA kayo sa mga kamag-anak n’yo. Na may taglay rin kayong sariling husay at galing sa pamumuno. Hindi ko rin kayo binoto kasi umay na umay na ako sa mga angkan n’yo. Personally, hindi ko na kailangan ng isa pang Angara, Aquino, Pimentel, Villar at Ejercito sa buhay ko. Tama na ang perwisyong ginawa ng mga ninuno n’yo. Buti na lang at marami kayong nauto para bumoto para sa inyo. And congrats for that.

Alan Peter Cayetano and Antonio Trillanez IV

Sana mas maging pursigido kayo sa tunay na pagbabago. Sana ay mas maging maigting pa ang inyong pagsisikap para mas mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Kayo na lang siguro ang pinaka-ok sa mga mananalong Senador kaya sa inyo na lang ako kakapit. Sana naman ay hindi n’yo ako biguin. Sana naman ay paninidigan n’yo ang mga pangakong binitiwan n’yo during the campaign period. Again, please do not disappoint me. I had enough!

Chiz Escudero

Wala akong masyadong mensahe sa’yo kasi in love ka gaya ng sabi mo. At usually, mahirap kausap ang mga taong in love so hindi na ako magsasayang ng oras. Gusto ko lang sabihin ng bumaba ang tingin ko sa’yo dahil sa ka-cheapang kinasangkutan mo with Heart Evangelista’s parents. Galingan mo na lang. Sana gamitin mo ang inspiration and love na nararamdaman mo ngayon para mas higit na magsilbi sa bayan. Remind lang kita, 43 years old ka na so sana ay kumilos ka nang naaayon sa edad mo. Ibigay mo na kina Daniel Padilla at Kathryn Bernado ang pa-tweetums role. Hindi na kasi bagay sa’yo. Please lang.

Nancy Binay

At syempre, papahuli ba naman ang message ko sa paborito kong si Nancy Binay?! Save the best for last!

Hello Nancy. Taray mo, girl. Pasok na pasok sa banga! Hindi ka rin talaga natinag! Iba talaga kapag maitim na damo. Mahirap mapabagsak.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sapat na lakas ng loob na tanggapin ka bilang Senador ng bansang ito. Hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko para matanggap ka. Ang hirap din kasi talaga ng task na ito. Hindi ito madali for me so ‘wag mo akong masyadong i-pressure! Pero hayaan mo, aabot rin ako sa acceptance part. Kung kailangang mangutang ako ng lakas ng loob sa bangko, gagawin ko para mapayapa na ang kalooban ko at maka-move on na ako sa buhay. Deretsahan na tayo, hindi ako masayang nanalo ka. Pero sino ba naman ako kumpara sa milyung-milyong nauto mo. Pasalamat ka rin sa tatay mo at Binay ang apelyido mo. Kasi kung naging “Bingas” o kaya “Binat” ang surname mo, sa kangkungan ang bagsak mo, girl! Sure ako!

Oh, well. Panalo ka na. Natalo ako. Araw mo ito. Pero tandaan mo, bilog ang mundo. I will be closely watching you, bitch! Babantayan ko ang lahat ng kilos at galaw mo sa Senado. Kahit hindi na ako magka-lovelife kakabantay sa’yo, keri lang! Simula pa lang ng totoong laban so umayos ka.

At bilang unang paandar ni Senator Nancy Binay, gusto ko ipapanood ang nakakalokang interview na ito. Ang best n’ya kasi sumagot sa mga tanong ‘eh. Watch this!
_____________________________________

_____________________________________
Waaaah. DELUBYO!!! Grabe. Hindi ko kinaya!!! Say hello to our new Senator. 😦

At the end of day, kailangan nating mag-move on at tanggapin ang hatol ng bayan. Kailangan pa rin nating kumilos bilang isang bansa. Sana na lang mali ang mga iniisip ko. Sana na lang mali ako. Basta ang wish ko na lang is sana mahanap na natin ang sapat na lakas ng loob para matanggap ang resulta ng 2013 elections. Basta maging mapagmatyag lang tayo. Huwag tayong tumigil na magbantay sa mga kinikilos ng ating mga pinuno.

God Bless this country!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.facebook.com/ANCalerts, http://www.rappler.com)

(Video source: GMA News http://www.youtube.com/watch?v=4vmcNB1oTwg)

P.S. Isang pagpupugay sa mahigit 3 million na bomoto kay Mr. Teddy Casiño. Proud ako na at least may 3 million na Pinoy na sumuporta sa TUNAY NA PAGBABAGO. Masaya akong malaman na may mga tao pa rin sa Pilipinas na nag-iisip. Mabuhay kayong lahat! 🙂

To Mr. Teddy Casiño: Nawa ay hindi po kayo matinag sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino. Sana hindi ito ang maging dahilan para tumigil kayo sa iyong maganda at kahanga-hangang gawain. Kailangan namin ng isang kagaya mo kaya sana ay patuloy ka pa ring maging aktibo sa pagsulong ng mga mahahalagang pagbabago.Nakasuporta po kame sa inyo.

Basta para sa akin, hindi ka man nanalo, ikaw pa rin ang Senador ko!

P.P.S. Happy Anniversary sa Your Truly, Madma!!! Grabe. One year na akong blogger!!! Nakakaloka. Ang bilis rin talaga ha. 🙂

Salamat sa mas pinalakas n’yong suporta!!! Asahan n’yo ang mga bagong pasabog ni Madma very soon. 🙂 One year na tayo. Shet. 😉

Muli, MARAMING SALAMAT!!! ❤

Advertisements

Si Madma sa Gitna ng mga Issues ng Bansa

Dear fans and followers,

OMG! Grabe yung ngayon lang ako nakapag-post sa linggong ito. Sorry naman! Medyo na-busy si Madma sa mga kaganapan. Na-miss ko kayo, kingina n’yo! Anyare na sa inyo?! Ang daming naganap nitong mga nakaraang araw ha. Hitik na naman sa mga pasabog! Ang saya talaga rito sa Pilipinas. Hindi ka mabo-bore. Pasabog after pasabog ang peg dito. Likey! 🙂 Kayan naman, hayaan n’yo muna akong humabol sa mga ganap. I’m sure hinihintay n’yo ang nakakalokang boses ni Madma hinggil sa mga  mahahalagang issues na bumida sa atin nitong mga nakaraang araw. Aminin n’yo, ang lakas ng boses ni Madma re: Cybercrime Law last week ha. Talagang hataw sa ratings! Tunay namang pinakinggan, ikinaloka, at naging maingay ang mga matatapang na pahayag ni Madma re: Cybercrime Law. BONGGA! 😉

O, tama na ang intro. Chika na!

_______________________________

Temporary Restraining Order (TRO) para sa Cybercrime Law

The Supreme Court finally issued a TRO that stopped for 120 days the implementation of Republic Act  No. 10175 or the Cybercrime Protection Act of 2012 after receiving 15 petitions questioning the constitutionality of portions of the law. MABUHAY!!! Ang best nito. Nagbunga rin ang pangangalampag natin sa  gobyerno! Kingina. Masasabing isa itong tagumpay para sa ating lahat na matapang na lumaban laban sa Cybercrime Law! Woooh! Group hug naman! 🙂

Kinabahan rin talaga ang mga Senators at ang buong Aquino Administration ha. Eh sa lakas ba naman ng campaign against Cybercrime, ewan ko na lang! Buti naman at pumanig ang Supreme Court sa atin. Ang saya lang na nakuha natin ito! Good job everyone. 🙂 Tayo pa rin talaga ang makapangyarihan. Excuse me! Tayo ang Boss kaya tayo ang dapat masunod. Tax natin ang pinambabayad sa lahat ng government officials kaya umayos sila. Pota.

Pero hindi pa rito nagtatapos ang lahat ha. Patuloy pa rin tayong maging vigilant sa mga kaganapan. Mahirap na, baka maisahan!!!

Isang pagbati sa ating lahat! Cheers. Bwahahaha 🙂

_______________________________

The Varsitarian Controversial Editorial Article

Ito ang isa pang pasabog! Ang fierce nung Anti-RH Bill editorial article ng The Varsitarian ha. NAKAKALOKA! Nabasa n’yo ba?! Buwis-buhay din yung writer/writers! PALABAN! 🙂 Well, commendable yung tapang and conviction n’yo, mga Ma’am! Ibibigay ko ‘yan sa inyo. Ang taray ng mga wordings na ginamit n’yo ha! Lemons, cowards, dishonest, intellectual pretenders and interlopers etc. BONGGA!  Away kung away. Walang pakundangan! No holds barred!

Gets ko naman ang point n’yo, The Varsitarian. Ayaw n’yo sa RH Bill. Period. Malinawag. Klaro. Pero ang hindi ko ma-gets ay ang pancha-chaka n’yo sa mga taong pabor sa bill na nito particularly sa mga kasamahan natin sa Ateneo De Manila University and De La Salle University. Ekis ‘yan mga Ma’am! Hindi kailangang dautin ang opposing views para i-angat ang opinion n’yo. This is soooo nega. Purely wrong. 😦

Ito example ha. Ako, super favorite singer ko si Regine Velasquez. Para sa akin, siya ang pinakamagaling na singer sa bansang ito. Mataba siya, yes. Pero Diva pa rin. Lampake. Kahit ikamatay ko, ito ang paniniwalaan ko! Pero at the end of day,  alam kong hindi lahat ng Pinoy ay agree sa akin. And I respect them. Hindi ko sinusubo sa mukha ng iba ang paniniwala kong ito. Or sinusubo rin pala. Char! 🙂 Nirerespeto ko ang mga fans ni Pops Fernandez kahit  maliwanag pa sa araw na chaka ang idol nila. Nirerespeto ko rin ang mga fans ni Jaya kahit sing-kalat ng basura ang boses ng idol nila. Nirerespeto ko rin ang mga followers ni Jovit Baldivino kahit na singgaspang ng hollow blocks ang skin ng idol nila. WOW. Ang perfect ko rin ha. 🙂 The bottom line is RESPECT. Yun lang! Respect, respect lang!

Medyo below the belt din talaga yung article ng The Varsitarian. Masyadong righteous bordering to nakakairita! O, ‘di kayo na?! Kayo na ang may hawak ng “katotohanan.” Nasa school n’yo na ang “truth.” Lahat kame masusunog sa impyerno. Okay na ba?! Kakainit din talaga ng ulo. Kaya hindi ko rin masisisi ang mga Atenista at mga La Sallians sa pag-react nila. Buti hindi n’yo tinira ang UP. Kasi medyo gyera na talaga ‘to! Char. 🙂

Hindi ko kinaya ‘tong line na ‘to sa article: “If faculty members of UST and other Catholic schools feel they need to invoke their academic freedom to make known their stand in conflict with the bishops regarding the RH bill, then they’re free to do so. But they must resign from UST. They must give up their Catholic academic affiliation.” WOW! LAKAS! Parang humina bigla yung hangin sa industrial fan ko. Nakakaloka!!!

Ito pa ang best: “But alas, it seems intellectual honesty and moral convictions are in such short supply in Katipunan, Quezon City and Taft Avenue, Manila.” ANSABE?! ‘E, ‘di kayo na ang nakakaalam kung saan may maraming supply ng moral conviction! Buti na lang sa Mandaluyong ako nakatira. May ample moral conviction dito. KAKALOKA kayo!

Ayun naman. Bilang pangwakas, magme-message na lang ako sa writers ng The Varsitarian. Wow. Lakas maka-birthday! 🙂

Take it from Madma, reviewhin n’yo ang basics ng editorial writing. Medyo “sumablay” kayo eh. While it’s true na kailangang maging matapang at palaban sa pagsusulat ng editorial article, hindi pa rin dapat nawawala ang mga basics ng journalism such as RESPECT, FAIRNESS and BALANCED reporting. Otherwise, mag-blog na lang kayo. Wala masyadong rule sa blogging. Pasok kayo rito. Na-appreciate ko tuloy ulit ang UP College of Mass Communication! Salamat sa “tamang” pagpapalaki n’yo sa akin. 🙂

Sa mga hindi pa nababasa ang controversial na article ng The Varsitarian, click this link: “RH Bill, Ateneo and La Salle: Of Lemons and Cowards”

_____________________________________

Political Dynasties to Dominate the 2013 Elections

KINGINA! Ito ang nakakaloka! Hindi ko kinakaya yung puro political dynasty ang tatakbo sa elections next year! DIYOS KO! AYOKO NA!!! Ano ba ‘to, bastusan na?! Family business na ba ang government?! Very sari-sari store na ang peg! Sobrang nakakasuka ‘tong eksenang ito. I just can’t take it.

Ibang level na rin talaga ang pagka-garapal ng mga tao sa ‘Pinas pagdating sa kapangyarihan. SUKDULAN! Lahat gagawin para masigurong makaka-upo sa pwesto. Lahat papatakbuhin para sure ang panalo. Same faces. Walang bago! Grabe yung pinapatakbo na ngayon ang bunsong anak, hipag, asawa, bayaw, katulong etc. Family outing sa Tagaytay?! MY GOD! Pati siguro aso, kung pwede, ‘eh papatakbuhin din. Tang ina. Mapapamura ka talaga.

Kaya naman mga fans, PLEASE! Maging matalino tayo sa darating na halalan ha! PARANG-AWA n’yo na! Hindi pa ako nagkaka-jowa kaya huwag n’yong pag-initin lalo ang ul0 ko! Suriing mabuti ang mga tumatakbo sa lugar ninyo. Huwag magpasilaw sa kasikatan. Sa itsura! Ayoko na mag-name drop. Kilala n’yo na sila.

PLEASE! Huwag nating ilubog pa lalo ang bansang ito sa mas malalim na kahihiyan. Pumili tayo ng mga karapat-dapat! Malapit na naman ang eleksyon. Amoy na amoy ko na. Hindi ko na nga maamoy ang simoy ng Pasko sa lakas ng politika ngayon. GRABE! Eeeeh umiinit na naman ang ulo ko! Makapag-bibingka nga muna sa labas!

___________________________________

So, ito na lang muna sa ngayon. Grabe ang political na ni Madma lately ha. Sorry, hindi ko talagang mapigilan ang mga nguynguy ko sa mga kaganapan sa paligid nowadays. Huwag kayong mag-alala, tuloy pa rin ang mga payuhan natin. In fact, may pasabog letter na tayo for this week! O, ha! KAPIT KAYO! Nakakaloka ang nguynguyera natin para sa linggong ito! Stay tuned!

SALAMAT sa mainit na pagtanggap n’yo sa Yours Truly, Madma! SALAMAT sa suporta! SALAMAT sa paniniwala! 🙂

I love you all!

Yours truly,

Madma

(Photo credits: http://www.facebook.com/AdLSUhttp://www.newsflash.org/2004/02/hl/hl112153.htm and http://www.scmp.com/news/asia/article/1057020/philippines-suspends-controversial-anti-cybercrime-law)

P.S. O, since puro pasabog tayo sa araw na ito, allow me to share this PASABOG  song as well! Grabe, hindi ko kinaya ang kantang ito. Muntik na akong ma-ospital sa kakatawa kanina! Salamat naman sa’yo, Mr. Albert Cruz for introducing me to this song! Nabago ang buhay ko! GRABE!!!

Ang title pala ng kantang ito is “Kantutan Na.” O, di ba?! Kailangan ko pa bang magsalita?! Pakinggan n’yo ”to! DALI!

Mahal ko na ang Cue C! Fan na ako! Sana magparamdam kayo sa blog ko. Ang best n”yo eh. AS IN! More songs pa, please! Good job!

Paki-namnam yung lyrics ha! Ingat lang din kasi baka “labasan” kayo after the song! 🙂

P.P.S. Belated Happy Birthday, Joharri Marasigan! Mwah!

Belated Happy Birthday din sa pasabog photographer ng YTM na si Mr. Zabra Yu Siwa. I love you, Z! Alam mong package ako! 😉

AND, isang MALAKAS na shout ouch para kay Ms. Karen Dematera para sa pelikula n’yong “This Guy’s In Love with You Mare.” Masasabing maganda! Salamat sa premiere night tickets. Congrats sa buong cast and crew lalo na kina Vice Ganda, Toni Gonzaga and Luis Manzano! Ang saya ng film! LEGIT na comedy! NOOD NA! 😉 We love you, Karen!