#BalikAlindog versus #BalikPagkatao

Pinyuyir

 

Dear fans and followers,

Happy New Year naman to all of you!!! 2014 na! Shet. Nakaka-pressure ang bilis ng panahon. Hindi ko siya kinakaya. Parang kelan lang single ako. Tapos ngayon…single pa rin. Bwahaha Chaka! 😉 Sana naman mas maging maganda ang taon na ito for my lovelife. LORD! SANA MAKINIG KA NA!!! Parang ang selective mo sa mga pinakikinggan mo ‘eh. Parang nabibingi ka bigla kapag lovelife na ang hiling ko. Parang bigla kang nagiging busy. Char! 😉  Joke lang, Lord ha. ‘Wag ka namang sensitive. Dyosko. 😉

Kamusta naman kayo?! Kamusta ang figure n’yo? I’m sure nagtabaan kayo. Ang siba n’yo ‘eh. Ano expect n’yo? Ano ba. GV lang tayo! 🙂 This is my first post for this year so I think kailangan positive tayo para naman maganda ang pasok ng taon. Hindi natin dapat ina-attract ang mga negative vibes kasi hindi sila nakakayaman. Dapat positive lang! Apir! 😉

So, pumasok na naman ang bagong taon kaya ito na naman at naglipana ang mga taong nahuhumaling sa tinawag na #BalikAlindog program. Alam n’yo ‘yan! Very rampant na naman ang programang ito ngayon sa social media at maging sa mga simpleng usap-usapan. Nagkalat na naman sa Facebook at Twitter ang mga taong nagpo-post ng mga specific details kung paano papabalikin ang alindog nila na wala naman talaga sila nito to begin with. ‘Te, hindi mo talaga maibabalik ang NEVER na naging iyo. ‘Wag kang mag-ilusyon! CHAROTH! Lakas maka-linya sa teleserye! Love it! 😉

Anyway, puro #BalikAlindog ang fans ngayon na kesyo magjojogging na raw at tatakbo ng 90 miles a day (wow), kakain na ng healthy food at magbabawas ng rice from 6 cups to half rice (wow), maggi-gym na raw lagi at susulitin na ang membership na never namang nagamit talaga etc. etc. ‘YAN NA NAMAN TAYO ‘EH.  Pustahan paandar lang yan. Next month makikita mo na naman sila sa mga buffet restaurant tapos aamagin na naman ng gym card nila. Naku! I don’t want to sound nega ha. May mga success stories din naman akong alam. ‘Yung tipong biglang naging balingkitan talaga from a whale-sharkish size. Congrats naman sa inyo! 😉 Pero sadly,  mga 2 lang sila out of 20. Bwahaha. Ang dami ko rin kasing friends na matataba na nagbalak na ibalik ang alindog nila to no avail. Gusto ko ‘yung “to no avail.” 😉 Ang ending, mas tumaba pa sila huli. ‘Yung tipong nawala na ang leeg nila nang tuluyan dahil sa katabaan. Parang after ng ulo, balikat agad. Tapos after balikat, paa agad. Ganun level! Saklap no?

Hay naku. Tantanan na nga lang natin sila. Baka magulat ako at paulanan ng bala ang bahay ko mamaya. Walang na lang basagan ng trip. Ibigay na lang natin sa kanila ang benefit of the daw. I mean of the doubt. 😉 GV lang! After all, ang gusto ko naman talagang pag-usapan ay ang aking paandar program na #BalikPagkatao program! Ay, gusto ko ‘to! Ito na! Ito na!!! 🙂

Ang pagbabago ay dapat laging holistic. Hindi lang pagbabagong piskal dapat. Higit sa lahat, mas importante ang pagbabago ng ugali tungo sa mas mabuting pagkatao. O, ha! Hiyang-hiya si Dra. Margie Holmes sa entrada ko. Wahaha. 😉 Pero seriously, walang point na magandang katawan pero BASURA naman ang pag-uugali. Ekis din ‘yan sa fans. Tandaan natin, maraming bagay ang hindi kayang takpan ng magandang mukha at makinang na ngiti. Kaya inaanyayahan ko kayong mag-#BalikPagkatao program kasabay ng #BalikAlindog n’yo. ‘Wag puro pag-build ng muscle ang atupagin! Dapat may mga babaguhin din tayong pag-uugali para mas maging busilak na tao tayo ka-level ni Mama Mary. At isa ngang maganda at simpleng pagbabagong pwede nating gawin sa buhay ay ang PAGTUPAD SA COMMITMENT!

___________________________________________________
com

Sabi ko nga sa Facebook status ko kagabi, mataas ang respeto ko sa mga taong pumupunta talaga sa isang event kapag sinabi nilang pupunta sila. Truly commendable ‘yung mga taong reliable at may pagpapahalaga sa commitment. ‘Yung hindi ka bibitinin at iiwan sa ere. Ang dami kasi talagang mahilig magpa-andar. Halimbawa  sa Facebook event page, ang bilis mag-click ng “GOING!” Kakapost mo pa lang tapos naka-“GOING” na agad si Ate. Pero pagdating naman ng actual event, HINDI MO NA MAKITA! Biglang hindi magpaparamdam. Tangena. Kairita no? Dapat sa sinisilaban ng buhay ang mga taong ganito ‘eh. Dapat pinagtutulak ng MRT ang mga hinayupak na ‘yan para putukin. Dapat dinidispatsya na sila ‘eh. Leche! Ang simple-simple lang ng buhay. Kung hindi ka pwedeng umattend, ‘E ‘DI ‘WAG! Shut your fucking mouth na lang!!! Nyeta. Sorry for the outburst, judges. 🙂 Medyo natodo ko sa part na ‘yun ha! Wahaha 🙂 Pero aminin n’yo ha, ang simple-simple ng bagay na ito pero marami ang bumabagsak dito. Kaasar.

Hindi naman ako nagmamalinis. Hindi ako sing-buti ni  Mama Mary. May mga times din na nag-confirm ako pero hindi ako nakapunta for some reason. BUT I RARELY DO THIS. I rarely backout from a commitment. Life and death situation na talaga kapag hindi ako sumipot. Almost always, sumisipot ako sa lahat commitment na nag-confirm ako. Kahit 8 na events pa ‘yan sa isang araw, lahat ‘yan sisiputin ko kahit ikamatay ko. Ganun kasi dapat, ‘di ba? Nag-commit ka, so magpakita ka. Basic! ‘Yung iba kasi sa atin ang bilis mag-confirm. Pero kapag sa actual lakad na, biglang malo-lowbatt, biglang nadukutan, biglang nabangga ng truck ‘yung taxi na sinasakyan, biglang namatay ang lola, biglang nanakawan ang bahay, biglang inapoy ng lagnat. INAPOY TALAGA? Hindi pwedeng sininat lang muna?! Dyosko ha. Please!

__________________________________________________
so

Sabi nga ni Ate Sharon Cuneta na recently ay nagpaandar na naman sa Twitter, “I remember when life was simpler… When people had some degree of respect for one another because it was just a natural thing…” Korek ka d’yan, Ate Shawie! Nakakamiss din talaga ‘yang mga moments na ganyan. Ang laki din kasi talaga ng pinagbago ng buhay natin with the technological advancements. May negative side din talaga ang mga paglipana ng gadgets and all. Dati nung hindi pa uso ang cellphone at landline pa lang ang meron tayo, mataas ang pagpapahalaga ng mga tao sa COMMITMENT. Halimbawa may ime-meet tayong isang tao sa particular na lugar at oras, talagang sisipot tayo dun kasi otherwise aamagin ‘yung kausap natin kakahintay. Wala tayong cellphone or FB/ Twitter na pwedeng gamitin para magsabi sa kausap natin na hindi na tayo bigla makakapunta dahil nga “inapoy ka ng lagnat.” So, sisipot tayo kahit anong mangyari dati. Ngayon, DYOSKO. Ang daming mahilig mag-confirm pero never nagpapakita. At ang nakakairita pa is ‘yung nagba-backout MINUTES away from the event! AY, NAKU! GRABE!!! Dapat sa mga taong ‘yan pinapakain ng racumin. Kingina. Sobrang bastos ‘no? Pet peeve ko talaga ‘yang mga backout-era! SOPER! Usually, dinidispatsya ko na ‘yan sa friends list ko. After all, afford ko namang mag-delete ng friends kasi soper dami na rin talaga nila.  Wahaha. #Bitch

Haaaay. Tama na nga. I think I made my point already. Sana gumawa din kayo ng #BalikPagkatao program n’yo. Marami namang simpleng mga bagay at pag-uugali ang pwede nating i-improve para mas maging maganda ang pagkatao natin. Kumbaga sa sex, dahan-dahan lang para hindi duguin. WOW. 🙂 Pwedeng ang laman ng #BalikPagkatao n’yo is mga simpleng changes lang like magiging on-time na sa mga lakad, magiging mas palangiti na, matutulog na nang maaga, maghuhugas na ng kamay bago kumain etc. Mga light levels lang. Or kung paandar kayo, pwede rin namang mas pasabog like hindi na magnanakaw, hindi na makikipag-sex sa lalaking may jowa, hindi sisilipan ang mga naliligo sa banyo etc. Mga ganyan ba. ‘Wag masyadong mag-focus sa panlabas na pagbabago. Marami d’yan maganda nga ang katawan pero single din naman. Wala rin! Hindi n’yo rin kinaangat ‘yang muscle n’yo sa mga single na pangit. Char.

So there. ‘Yan na lang muna. Tandaan natin na hindi kayang takpan ng magandang katawan ang bulok na ugali. Napakaraming hindi kayang itago ng kagandahan. Kaya payo ko sa inyo, patuloy na pagandahin ang inyong pagkatao. Kasi kung ang pagkatao mo ay  busilak, sa huli, ikaw pa rin ang magiging makinang! (Balutin mo ako ng liwanag ng iyong pagmamahal…)

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.aiche.org/ifs/resources/sustainable-meeting-initiative/environmental-commitment-statement, http://www.ekaterinawalter.com/2013/09/to-get-reluctant-employees-on-board-with-social-media-put-em-through-boot-camp/, http://www.techblogstop.com/35-plus-most-beautiful-happy-new-year-2014-hd-wallpapers/)

P.S. Sorry at hindi ko masyadong napanindigan na GV ang post ko. hahaha Medyo nadala ako ng emotion ko. Happy New Year ulit sa inyo! At cheers tayo para sa mas pinalakas na pagkatao nating lahat! ❤

 

 

 

 

Advertisements

Si Madma at ang May 2013 Philippine Elections

May 13, 2013
___________________________________________

Dear fans and followers,

At talaga namang simula na ng kampanya today para sa May 2013 Philippine elections! Wooooh. Naku po. Ihanda na ang mga tenga at mata sa mga nakakasawang jingle at mga nakakairitang posters ng mga kandidato lalo na ng mga senatorial candidates all over the country. This is really is it! Ito na naman ang time para makarinig ng sandamakmak na mga pangako ng pagbabago. Ito na naman ang period na lalabas na sa lungga ang mga politicans para magpabibo, magpapansin at ligawan ang madlang people. Ito na naman ang panahon na kung saan makikita natin ang mga pulitiko sa kanilang pinakamabait, pinaka-attractive at pinaka-charming na anyo para makuha nila ang matamis na boto ng mga Pilipino. Ack. Kumapit na tayo dahil simula na ng matinding labanan. Magkakalat na naman ang mga “plastik” at “mapagpanggap” sa ating ating kapaligiran. Nakakaloka!
_____________________________________

may-2013-elections-philippines
_____________________________________
Since panahon ngayon ng pagbabalat-kayo, syempre ito ang best time para maging matalino! 🙂 Ito na ang chance para bumawi at magpaka-kritiko just in case tinamad kayong mag-isip at mag-analyze ng mga bagay-bagay nitong nakaraang buwan. Pinapatawad ko na kayo sa katamaran n’yo before. WOW. Bawi naman! 🙂

Napaka-crucial talaga nitong next two months and very exciting as well! Ito kasi ‘yung period na babalik muli sa masa, which is kayo, ang tinatawag na “kapangyarihan.” Tapos ‘yung mga desperadong politicians naman ‘yung naloloka at nagkukumahog para magpapansin para maalala ang pangalan nila sa araw ng botohan. Wahahaha. Its payback time, bitches! And I love it! 🙂

Kaya naman bilang tinaguriang ‘Icon ng Masa,’ (WOW) hayaan n’yong bigyan kayo ni Madma ng ilang mga very practical tips ngayong election period. Very voters’ education lang ang peg. Syempre, I owe this to my fans and followers na umaasa sa wisdom and knowledge ko ‘no. WOW. Hiyang-hiya ‘yung Commission on Elections (COMELEC). Magre-resign na raw sila kasi kaya ko na ‘yung job nila. Dedeliver na raw ‘yung mga PCOS machines sa bahay namin kasi doon na lang daw ang botohan. Char. Ano baaaa! 🙂

Seryoso na! O, eto muna ang limang mga simpleng paalala ni Madma ngayong panahon ng kampanya:
_________________________________________

liberal-party-una-party-thumbnails
_________________________________________
1. Hindi porke’t kaapelyido ay sigurong magaling na. Naku po. Ang daming mga kandidato ngayon ang nagtatago sa kanilang political lineage! Lumabas na kayo, napapalibutan na namin kayo! Char. 🙂 Ang daming mga tumatakbo ngayon ang nakiki-angkas sa popularidad ng pangalan ng kanilang mga kaanak na nasa posisyon. Very tricky! Tsk, tsk, tsk. Ayokong magbigay ng example pero shout ouch sa inyo Cynthia Villar, Nancy Binay, JV Ejercito, Jake Enrile at Bam Aquino. Hindi ko naman kayo jina-judge pero kasi medyo… char! 🙂

Tandaan lang natin mga fans na hindi porket’ kaapelyido ay sing-galing na ng mga ninuno nila. Hindi porke’t ‘Velasquez’ ang epelyido ay biritera na kagaya ni idol Regine Velasquez. Hindi porke’t ‘Pascual’ ang apelyido ay sing-pogi at sing-yummy na ni Papa/Mama Piolo Pascual. Hindi porke’t ‘Soho’ ang surname ay sing-taba na agad ni Ms. Jessica Soho. Gets?! Aww! 🙂 Maling logic ‘yan kaya huwag kayong mahulog sa patibong na ito. PLEASE!!! At the end of the day, kahit na anak, asawa, hipag, biyenan, second cousin or apo pa sila ng kilalang politiko, ibang tao pa rin sila na dapat ay husgahan ayon sa kanilang sariling kakayahan. Iba pa rin ang utak at kokote ng mga ‘yan!

2. Ituring na ang pagboto ay parang pagpili ng kasambahay slash katulong sa bahay. Aaaay! Gusto ko ang idea na ‘to! Kailangan kasi talaga suriing mabuti ang mga kandidato gaya ng pagkuha ng isang katulong. Sa totoong buhay, hindi ba’t sooobrang taas ng standards natin at over critical tayo kapag naghahanap ng isang katulong?! Dapat mapagkakatiwalaan, dapat maganda ang background, dapat may good moral at hindi magnanakaw, dapat maganda at may subok na track record sa previous na employers, dapat magaling magserbisyo etc. etc. Aminin n’yo ganyan tayo! 🙂

Dapat kasi ituring nating “bahay” ang Pilipinas at ang mga namumuno ang mga “katulong.” So bilang mga amo, tungkulin nating piliing mabuti kung kanino natin ipagkakatiwala ang “bahay” natin. Mahirap nang maisahan ng mga chakang “katulong.” Take note, bahay, buhay, ari-arian at kinabukasan natin ang ipinagkakatiwala natin sa kanila so tama lang na itaas natin ang standards natin sa pagpili sa kanila.

3. Alamin ang kakayahan at mga magagawa para sa bansa at hindi dapat magpaloko sa itsura. Naku medyo tricky din talaga itong part na ‘to. Ang dami kasing nasisilaw sa “kagwapuhan” at “kagandahan” ng isang kandidato. Ang daming nadadala sa matatamis na ngiti ng mga pa-charming na candidates. Huwag ganun! Look beyond mga fans. Ayoko mag-mention pero shout ouch kina Juan Miguel Zubiri, Juan Edgardo Angara, Tingting Cojuangco, Risa Hontiveros and Loren Legarda. Hindi naman sa jina-judge ko sila pero kasi medyo kabisado ko na rin ‘yung…. Char. 🙂

Importanteng alamin ang pinaka-core ng pagkatao ng mga candidates at hindi dapat masilaw sa panlabas na aura. Parang pagbili lang ‘yan ng furniture. Hindi ka dapat matapos sa “aesthetics” side. Dapat alamin mo kung anong material ang ginamit, saan gawa, matibay ba, tatagal ba at worth it ba bilhin. ‘Yun na!
__________________________________________

election_banner
__________________________________________
4. Hindi sapat ang pangalan! Importanteng alamin ang plataporma at advocacies. Ito gusto ko rin ‘tong part na ito. Magbasa-basa tayo about sa buhay ng mga kandidato, sa mga paniniwala nila at perspective sa buhay at sa passion nila. 🙂 Dapat alamin talaga natin ang “pinaka-sustansya” ng isang kandidato. Ayaw naman nating kumain ng sinigang na walang laman o di kaya nilagang walang baka. Hindi masaya kung “SABAW” lang. Taray! 🙂

5. Markahan ‘yung mga kandidatong nagpre-campaign! PLEASE! Gumawa kayo ng mga listahan ng mga candidates na 2012 pa lang ay “nangangampanya” na. Sila kasi ‘yung mga trapo at epal na kating-kati sa posisyon. Tandaan natin, NGAYON (February 12, 2013) pa lang ang simula na kampanya. Keyword: NGAYON!!! Gets?! Ako talaga personally ay nanggigil sa mga kandidatong maaga pa lang ay may ad na sa TV, radio at may mga posters na! Markado na kayo, mga bitches!!!

Tandaan natin na sa isang laro halimbawa ng fun run, hindi ka tatakbo sa field hanggang hindi pa sinasabing “GO!” ‘Di ba ang sinasabi pa nga “on your mark, ready, get set, GO!” Sa “GO” ka pa lang tatakbo at hindi sa “ready.” Gets?! Kapag tumakbo ka na habang ang iba ay nagre-ready pa lang, anong tawag sa’yo? ‘Eh ‘di MANDARAYA!!!
_____________________________________________

So, there. ‘Yan na lang muna ang ngasngas ko. Patikim pa lang ‘yan! Nangangako akong gagamitin ang blog na ito para makiaalam sa darating na May 2013 elections. Whether we like it or not, may magaganap na eleksyon sa buwan ng Mayo so mabuti nang makiaalam na lang. Mabuti nang kumilos sa umpisa kaysa sa magsisi at magmukmok kapag huli na.

Lastly, tandaan natin na hindi na natin mababago ang katotohanan na ito ay Pilipinas at tayo ay mga Pilipino. Given na ‘yan. 🙂 Kahit magpa-blonde ka pa at magpa-bleach, Pinoy ka pa rin! Huwag mo akong ululin. 🙂 Hindi rin natin kayang itulak at i-move ang location ng bansa para alisin sa Asia at idikit sa Europe para mas maging bongga. Marami tayong hindi kayang baguhin sa bansang ito. Pero ito lang ang sigurado, kaya nating baguhin ang mga namumuno rito!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.goodfilipino.com/2012/09/comelec-guidelines-on-filing-of-certificates-of-candidacies-for-may-2013-elections.html; http://newsinfo.inquirer.net/files/2012/09/liberal-party-una-party-thumbnails.jpg; http://pnp.gov.ph/portal/images/election2013/election_banner.jpg)

P.S. Personal greetings kay Direk Nick Olanka para sa matagumpay na pilot episode ng “Apoy sa Dagat” starring Piolo Pascual, Diether Ocampo, Angelica Panganiban AND Angelica Panganiban! Ang taas ng ratings!!! Bongga. 🙂

Sabi ng Pep.ph “ABS-CBN‘s new primetime series Apoy Sa Dagat posted a rating of 21.2% on its pilot episode, based on the overnight ratings of AGB Nielsen among Mega Manila households. It‘s timeslot was sandwiched by GMA-7‘s Pahiram Ng Sandali which got 22.9% and Temptation of Wife which generated 24.4%. In the overnight Total Philippines ratings Kantar Media-TNS, Apoy Sa Dagat premiered with an impressive 25.9% to rank fifth overall. This ABS-CBN series went up against GMA-7‘s Temptation of Wife which posted a rating of 17.5%.

Hindi naman ako nagtataka na warm ang response ng fans sa teleseryeng ito kasi kapana-panabik talaga ang story. Mabilis ang pacing, magaling ang acting at mahusay ang direksyon. ‘Yun oh! Aaminin ko, “napaso” ako sa unang gabi ng teleserye n’yo. 🙂

Good luck! Steady lang. 🙂
________________________________________

Apoy Sa Dagat Official Poster
________________________________________

Nag-iisa ka, Regine Velasquez!

Dear fans and followers,

Hello.

WOW. Ang baba ng energy?! ‘Eh kasi medyo sad pa rin ako ‘eh. Haaay…

At this point, marahil ay nabalitaan n’yo na siguro ang nakakalokang  kaganapan sa Silver Concert ni Regine Velasquez last November 16, 2012 (Friday). I’m sure nakarating na sa inyong kaalaman ang bagay na ito bilang talk of the town siya sa loob at labas ng bansa. Haaay… 😦 Puro “haaay…” din ha.

Sorry naman at mum ako nitong mga nakaraang araw re: Silver Concert. Medyo “nagluksa” muna ako sa mga naganap sa concert ni Idol. Ang sad talaga. 😦 In fairness, dami ring nagtatanong ng saloobin ni Madma ha. Sabagay, very vocal naman ako na fan ako ni Regine. Salamat sa mga nag-tweet at nag-message sa FB. Taray! 🙂

Andoon kame sa concert last Friday. Nasaksihan namin ang totoong naganap sa heartbreaking concert ni Ate Regine. Nagulat kame sa aming nakita. Hindi kame prepared sa aming nasaksihan. Isang kakaibang Regine Velasquez ang humarap sa more than 20,000 people noong gabing iyon. GRABE. Isang hinang-hina, may sakit, paos, windang, umiiyak at pumipiyok na Regine ang tumambad sa aming lahat. Haaay… Naiiyak na naman ako. Pota. Kukuha nga muna ako ng tissue bago mag-chika. 😦

Nasa SM MOA Arena na kame at around 7:30 pm. Syempre ayaw naming ma-late sa biggest concert of the year. May I just share na SOOOBRANG gulo ng EDSA last Friday. Tang ina yung dami ng tao sa MRT at dami ng mga sasakyan sa kahabaan ng EDSA. Feeling ko nga nakita ko na ang lahat ng Pilipino ‘eh. ANG GULO! Nagsabay kasi ang event ni Regine sa SM MOA Arena at ni Lee Min Ho sa Araneta Coliseum kaya parang doomsday ang itsura ng EDSA. Kaloka.

Pero syempre bilang excited sa concert ni Ate Regine, deadma na sa mga tao a.k.a. masa. Siksik din kame sa MRT para makarating on time. Sabayan talaga! Lampake na. Kung mag-bus kasi kame, baka kinabukasan na kame makarating sa MOA. NO WAY!!! Buti na lang naka-leave ako sa office that day kaya marami akong lakas para makipag-sabayan sa “pwersa” ng masa sa MRT. By the way, ibang lakas din ang pwersa ng masa last Friday. MALAKASAN! Pati yung pabango kong Versace ‘eh sumuko. WOW. Ang taas nung naka-Versace perfume ha. Actually, gusto ko lang talaga sabihin yung brand ng pabango ko. Char. 🙂

Eksaktong 8:00 pm ay nasa loob na kame ng SM MOA Arena. Daming artista! Nakita pa nga namin si Ms. Mikee Cojuanco sa gate. Grabe yung parang napakanta ako ng “I Can.” Alam n’yong OST ito ng pelikulang “Do RE Mi.” 🙂 Habang nasa loob ng Arena, hindi kame mapakali sa excitement while waiting for the show to start. WAGAS yung excitement! Lalabasan-level. Char. :)Ang ganda ng stage! FABULOUS! Alam mong special yung concert. Ang taas ng energy ng mga tao, nagkalat ang mga bading sa paligid at punung-puno ang buong Arena! Yes, PUNO ang venue. Kaya itigil na yang chismis na “nilangaw” ang concert ni Ate Regine kaya kinancel. Dafak. Baka nasa maling concert kayo last Friday. Baka nasa concert kayo ni Pops Fernandez. Kahit bobo sa Math at numbers, masasabi na agad na puno ang venue ng Silver Concert. Duh. Hindi na kailangang ang presence ng DTI representative at SGV para ma-confirm na puno ang venue. Kakapika yung balitang nilangaw ang show ni Ate Regine. Kung may mga bagay o salita man kayong ibabato about the event, “nilangaw” is definitely not one them. YUN NA!

Ito ba ang mukhnag “nilangaw?!” Please! Pa-check nga kayo ng mata sa EO Optical! Bihira na lang ang nakakapuno ng venue ng concert sa mga panahong ito ha. Kaya naman audience wise, WAGI na agad si Ate Reg. Dami rin kasing baklang fans si Ate. Diyos ko. NAGKALAT ang bading last Friday sa MOA Arena. Ang lansa talaga. Na-overpower ang lansa ng dagat sa Coastal Road. Sabi ko nga sa friend ko, malaking bulk na kabadingan ang mawawala sa ‘Pinas kung biglang lamunin ng lupa ang MOA Arena. Kaso hindi naman nilamon ‘eh, so tuloy ang baklaan. Sorry, girls. 🙂

So ito na nga. Eksaktong 9:00 pm ay tumugtog na ang orchestra ni Ate Regine. Syempre naulol na kame! Start na ‘eh!!! Then unti-unting lumabas si Idol sa stage. WAAAAH! NAKAKALOKA!!! Tang ina. Reynang-reyna ang peg ni Ate sa outfit n’ya. At aminin n’yo, may lifting na si Regine. Kaya na siyang buhatin ulit! Ang petite ni Ma’am. 😉 Hindi magkandamayaw ang fans sa sigawan! Parang sasabog yung venue. Shet!!! Kaya lang may may weird na nagaganap. Hindi makabirit si Ate Regine sa opening song n’ya. May mali talaga. 😦 Take note, ang opening song n’ya ay “Shine.” Alam n’yong MATAAS ito! Huwag kayong umarte. So, naloka kame kasi may mali talaga sa boses ni Regine. Haaay… 😦

True enough, after ng opening song ay nag-speech na si Ate Regine about her condition. Ayun nga. Inamin n’ya na may sakit siya at wala siyang boses. GRABE! Boses n’ya talaga yung nawala?! Hindi ba pwedeng yung anak na lang muna ng kapit-bahay nila yung nawala?! My God! At dito na nga nagsimulang bumaha ng luha sa loob ng MOA Arena. OMG! Naiiyak na naman ako habang nire-recall ang part na ito. Pota. Hagulgol din talaga sa iyak ang Madma n’yo. Haaay… 😦 Hindi ako iyaking tao pero hindi ko kinaya ang kalagayan ni Regine. Kitang-kita na may sakit talaga siya. Both her speaking and singing voice, wala! Gasgas talaga. Napakuha pa ako ng tissue sa isa kong kasama kasi wala ng tigil yung luha ko. ;( Pero syempre kontrol lang ang iyak ko. Nakakahiya naman kung maglupasay ako sa Arena. Kamag-anak ni Regine?! 🙂 Hindi ako ready sa eksenang ito. Diyos ko. Haaay…

Sabi pa ni Regine, dapat daw talaga ay ika-cancel na nila yung show that night kasi hindi na n’ya kaya. Inamin n’ya na wala pa raw sa 50% ng totoo n’yang boses ang kalagayan ng vocal cords n’ya. Diyos ko! Napakapit talaga kame! Sa taas ba naman ng mga songs n’ya, hindi talaga n’ya talaga kakayanin ang buong show! Kayo nga kahit nasa kundisyon ‘eh hindi pa rin maabot ang mga songs n’ya sa videoke ‘eh. Huwag kayong umarte d’yan. Aminin n’yo, kahit 10 hours pa ang tulog n’yo at kumpleto ang meal n’yo for the day ‘eh hindi n’yo pa rin mahi-hit ang song n’yang “I Don’t Want To Miss a Thing.”

To quote Regine, “We’re thinking of cancelling the show altogether because I didn’t have a voice. But, inisip ko, para kanino ba ito… this show is a celebration…Minsan ka lang magse-celebrate ng twenty-five years sa industriya, palpak pa. Nandito naman kayo, dumating naman kayo. I know that you deserve more from me and I really would’ve wanted to give you more. You know, for the past six months, I’ve been trying to get back in shape… in fairness, ha! Tulungan n’yo na lang ako. Tutal, kasama naman kayo sa celebration ng twenty-five years. Pasensiya na kayo, ha? But, but… even though my voice is not even fifty percent, I am a performer.This is what I’ve been doing for the past twenty-five years—so that’s what I’m giving you tonight. Dumugo man ang ilong ko at dumugo man ang lalamunan ko, shit!”

Haaay…

Kaloka talaga. Sabi pa n’ya, “I really don’t know what to do anymore.” SHET! Naiyak ako lalo rito. Ramdam mo yung pagkapahiya n’ya, yung frustration n’ya, yung kaba n’ya, pagkalito and all. Taong Regine ang nakita namin sa moment na ito. Regine at her weakest ang peg. Hulas na ang make-up ni Ate Regine kakaiyak. Tinanong n’ya pa ang audience kung itutuloy n’ya pa rin ang concert despite her condition. Ganung level na ng usapan. Deretsahan na! Syempre sagot ng fans, TULOY! Alam mo naman ang fans, supportive. Pero grabe. Struggling si Ate Regine nang TODO sa bawat bitaw ng boses! Piyok Diva ang peg. Grabe. 😦 Kakaawa talaga siya. Gusto n’yang bumirit pero walang lumalabas na boses sa kanya.

Panoorin n’yo ‘tong video clip na ito para makita kung gaano kabasag ang boses ni Ate. ;(

_____________________________

Haaay… Kakaiyak talaga. Sa bawat attempt n’ya abutin ang high notes, fail. Sobra yung frustration n’ya. RUROK! Kame namang mga fans, sa bawat pagpiyok n’ya ay dinudurog ang aming puso. Ang sakit kayang makita ang idol mo sa ganung kalagayan. Hello! Regine Velasquez ang pinag-uusapan natin dito. Hindi basta-bastang singer ang pinag-uusapan dito! Alam n’yong forte n’ya ang birit! Siya nga yata ang nag-imbento ng birit ‘eh. Kung magkakaroon ng man ng “Alamat ng Birit,” tiyak na siya ang bida d’yan! Pero that night, wala talaga. ‘Di talaga kaya. Gusto ko na nga kunin yung mic para tumulong ‘eh. Hindi n’yo na rin naitatanong, medyo magka-pitch kame ni Regine. Ansabe?! 🙂

Kakaibang experience talaga yung Silver Concert. Ang surreal. Very inspiring and touching. Bumaha ng luha sa Arena. Naloka kameng lahat. Parang hindi si Regine ang pinapanood namin. Parang pinsan lang ni Regine. Or parang si Pops lang. Ganung level. Pero ibang klase rin yung pinakitang lakas ni Regine nung gabi na ‘yun. Professional talaga. Tinuloy n’ya hangga’t kaya. Siguro mga almost 2 hours din ang tinakbo ng show. Pero mga guest performers ang mostly nag-perform. Ina-attempt n’ya kantahin ang ilang mga numbers n’ya kaya lang wala talagang lumalabas na boses sa kanya. Haaay… 😦

Ang best nung part na kakantahin na n’ya yung “On The Wings of Love.” Aaay! Alam n’yo kung anong kalibre ng song na ito. Naiyak kame nung tinawag n’ya na lang ang gay impersonator n’yang si Anton Diva para tulungan siya sa number na ito. GRABE! Kumapit na sa bakla si Ate Regine. Ganun na siya kagipit! Iyak kame ng iyak sa number na ito. Imagine, si Regine ang patulong sa sarili n’yang song?! My God! Ganun yung level ang struggle ni Ate Reg that night. WAGAS! Sagad-sagaran.

Watch this video! Ito ‘yun ‘eh!

______________________

O, ‘di ba? Kahit sablay-sablay si Anton sa notes, go pa rin?! Love ko na si Anton! Biglaan naman kasi ang pagkatawag sa kanya. 🙂

Masaya ako na na-witness ko ang gabing ito. Masaya akong present ako that night kasi somehow ay nasalo ko ang Idol ko during her weakest moment. Kapag fan ka talaga, fan ka ‘eh. Mahal mo lang yung idol mo kahit ano pang mangyari sa kanya. Kapag bumagsak siya, kasama ka rin. Kapag nasaktan siya, iiyak ka rin. 😦 I’m sure alam n’yo ‘yan. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang idol. Haay… 😦 Maga rin talaga ang mata ko last Friday ha. Parang namatayan. Tulala mode hanggang makauwi ng bahay. Minalas lang talaga si Ate Regine last Friday. Ibigay na natin ito sa kanya. Na-peste ang boses n’ya. Parang pananim lang. Kapag na-peste, wala na talaga.

Tama ang mga sinasabi ng mga tao. Wala naman ng dapat patunayan si Regine. Alam na ng buong mundo kung gaano siya kagaling bilang singer. Kita n’yo, konti lang ang bashers ni Regine. Wala masyadong nanlait sa kanya about what happened sa concert. Kasi nga alam din nila na minalas lang si Ate Regine. At ang best part is… BABAWI ANG REYNA! Ang best nung uulitin n’ya ang concert sa December for FREE! Ganun siya ka-determine na bumawi sa mundo! Sigawan nga ang lahat ng fans nung nag-announce si Ate ng free concert. Same venue pa! LAKAS!

To quote Regine, “Kinarir ko po talaga itong makabalik sa stage, I went into a diet… Pero I wanted so much to be perfect for you tonight, guys, really. I really do… And I also wanted to be perfect for Mang Gerry. When I get better, I will do the same show for free! I will do this freakin’ show, then I will show you how it should be done!”

PANALO! Kaya naman excited na kame sa Silver Concert Take 2! Woooh! I’m sure, itotodo n’ya ‘to kasi babawi siya. POTA! Buti na lang hindi namin naitapon ang tickets namin kasi ito rin ang ticket na ipapakita next time. Ayon sa mga balita, sa December 8 magaganap ang Silver Concert Take 2. MALAPIT NA! Nagpapalakas at nagpapagaling lang si Regine. Love it!!!

Gusto ko din pala i-share itong rehearsal video ni Regine for the Silver Concert. Panoorin n’yo, PLEASE! Nakakaloka. Ganito dapat ang ipapakita n’ya last Friday. OMG! Watch n’yo na!!! Tang ina!

_____________________

See?! Ang best ni Ate Regine, ‘di ba?! Any questions?! Kung alam lang ni Anton Diva na ganito ang key ng “On The Wings of Love” for sure mahihimatay siya. My God! Mas tinaas pa ang mataas na n’yang song. KAKALOKA! Grabe yung bagong areglo ng song. Si Lord na lang yung makakaabot sa sobrang taas! Parang ayaw na ipakanta ni Regine yung song sa iba ha. At grabe yung boses ni Regine. Batak na batak! Sayang talaga at hindi siya nakapag-perform last Friday! Tang ina kasing virus ‘yan. Nahawa pa siya. Pero excited na kame sa Take 2 Concert. PAK!

So there. Sana ay gumaling na si Regine. Get well soon, Idol. Mas dumami ang nagmamahal sa’yo dahil sa pinakita mo last Friday. IBA KA! Nag-iisa ka! ❤ Hindi na kame makapaghintay sa iyong pagbabalik. I’m sure, kakabugin mo ang Silver Concert Take 2!

Hanggang sa muli mong paglipad. WE LOVE YOU, Songbird. ❤

Yours truly,

Madma

(Photo credits: http://www.pep.ph/news/36467/regine-velasquez-cuts-silver-concert-short-after-losing-voice-vows-to-do-better-in-free-concert-before-yearend; http://www.pep.ph/photos/3413/regine-velasquez39s-silver-concert-cut-short-i-promise-to-do-it-again-and-i39ll-do-it-for-free; http://www.facebook.com/#!/reginefantasy/photos_stream; http://www.facebook.com/RegineVelasquezSilver25thAnniversaryConcert/photos_stream?ref=ts)

(Additional article source: http://www.pep.ph/news/36467/regine-velasquez-cuts-silver-concert-short-after-losing-voice-vows-to-do-better-in-free-concert-before-yearend)

P.S. Isang pagpupugay sa lahat ng mga Reginians na nagmamahal kay Asia’s Songbird. Magkita-kita tayo ulit sa Silver Concert Take 2! Shet. 🙂

Shout ouch naman sa mga kasama ko: Reginald Uy, Silvino Philip Guangco, Carla Jill Masalonga, Andrea Aniban, Mark Vigare, Jadey Concepcion Bata, Witch and to my VF. 🙂 Alam mong bawal ipagkalat ang appearance mo kaya itatago na lang kita sa pangalang VF. 🙂 Grabe yung naiyak tayong lahat ha! BEST! Sama-sama ulit tayo sa Take 2! I love you all. ❤

P.P.S.  Pahabol pala. Nakalimutan ko sabihin. Sana pala ‘eh baguhin yung opening number sa Silver Take 2. Ang chaka nung opening last Friday. Medyo off. Hindi pang-Diva yung opening. Sana ‘eh pasabog song agad like “I Dont Want to Miss A Thing.” Diva-diva ang peg. Then tsaka papasok yung isang dance music after that pasabog birit number. Mas ganun sana. Nakulangan kame sa opening number ‘eh. Hindi siya pang-opening. Mas bongga dapat! Please consider. Thanks. ❤

Madma dumalaw sa Party Pilipinas

Dear fans and followers,

Happy Monday to all of you! Alam n’yong ang Monday is equal to TRABAHO! So Happy “Working Monday” naman sa inyong lahat. Trabaho ulit mga alipin! Char. 🙂 Kamusta ang weekend n’yo? Ang bilis lang ‘no?! Parang tanga. Dumaan lang siya. Nagmamadali siyang mag-Lunes. KAKALOKA!  Yung mga bagay na gustong-gusto natin sa buhay particularly weekend, holiday, sweldo at poging lalaki ay dumadaan lang lagi! ANO BAAA! Konting stay naman! Pota.

Anyway, GV GV naman! Chikahan muna. 🙂

Gusto ko palang i-share na dumalaw na naman si Madma sa set ng Party Pilipinas kahapon. Avail n’yo naman yung “pagdalaw” ko sa mga artists ng Party Pilipinas. Level ng may sakit yung dumadalaw. Kaloka. 😉 Pang-4th time ko na atang dumalaw sa set ng Party Pilipinas kung hindi ako nagkakamali. Hindi ito consecutive weeks ha. Grabe yung naka-tambay na sa Party P?! Matatagal ang gap ng mga dalaw ko kaya huwag n’yo akong i-judge. Requirement ko lagi is dapat andun si Ate Regine. Sino pa ba pupuntahan ko doon? Alangan namang si Jaya. Duh. Shout ouch naman sa kasama kong si Ms. Kti Alibanban. Grabe ang bilis din nating kumilos ha. Kahit na past 11:00 a.m. na tayo naabisuhan, pasok na pasok pa rin sa call time na 12:00 n.n. Good job, Witch! 🙂

Sooobrang best ni Idol Regine Velasquez-Alcasid! Shet. Nagkita na naman kame for the nth time!!! And lagi’t lagi pa rin akong na-starstruck sa kanya. GRABE! As in tsope talaga! Parang tanga. Iba talaga kapag super idol mo ‘no?! Manghihina ka talaga bigla. Tingnan n’yo naman itong nakuha kong photo. Very stolen lang! Kasi naman nanghihina ako mag-ask para magpa-picture sa kanya. GRABE TALAGA! Mahinang klase si Madma. Pero isang dipa na lang ang layo ni Regine sa akin n’yan kaya keri na rin. SOBRANG LAPIT! Eeeeeh. 🙂 Pasensya na sa quality ng photo ha. Again, alam n’yong naka-Blackberry lang ako!

Muli ko na namang narining ng live si Asia’s Songbird. Live na birit! POTA! Panalo. Heaven. 😉 Masasabing nasa kundisyon na talaga si Ate Regine at kasado na sa concert n’ya sa Friday sa SM MOA Arena titled “Silver.” Shet! Of course, manood din ako nun! Excited na talaga ako!!! Super ganda ni Regine. At ang payat na n’ya. GRABE! Magkabraso na ata kame. Ganun na siya kapayat. AMAZING! 😉 Walang kupas ang boses at ang ganda-ganda n’ya. Reyna talaga! Kinanta n’ya pala kahapon ang isa sa mga favorite songs ko na “Sana Maulit Muli.” Achib na achib!

Iba yung birit ni Regine. Swabe at malinis. GRABE! Siya lang talaga ang nakakagawa nun. Sorry na lang kay Angeline Quinto na madalas nawawala sa tono. Regine is lurve. ❤

At syempre, nilubos ko na ang opportunity para magpa-picture sa ilang sa mga poging artista ng GMA 7. Lalo na kay super crush na si Mr. Rocco Nacino! WAAAAH! 3 days ago lang nagbo-browse ako ng twitter account n’ya. Tapos last Sunday nagkita kame bigla. AARTE PA?! Ang pogi ni Rocco. Yummy!

ANG POGI NI ROCCO! Final na ‘yan! Ulit-ulit?! 🙂

Nagpa-picture din ako kay Mr. Richard Gutierrez. Alam n’yong pogi din siya. Ang bait pa. Panalo ang kapogian ni Kuya Chard. Diyos level! GRABE! Love ko na si Chard. ❤

At naku, I have to mention na super pogi pala ni Mall Show Prince himself Jake Vargas ha. GRABE! Promising ‘tong batang ‘to. Ganda ng mukha at mata. Kumikinang! Avail n’yo naman yung title n’yang “Mall Show Prince.” Si Kuya Germs talaga kung mag-coin naman ng title. Pak na pak ang kapogian ni Jake Vargas. Crush ko na siya kahit mukhang 17 years old palang siya. Waaaah!

So yung lang naman. Yung ibang artista deadma na. Lang gana sa kanila. Dami ko ring hindi kilala sa Party P. Dapat may name tag sila ‘eh para makilala. Ang saya ng experience na ito kasi andun si Regine! Sulit na sulit kahit isang beses lang siya lumabas at kumanta. At ang lapit namin sa stage ha. AS IN! Parang tanga. Gusto ko na nga umakyat ‘eh. Wow. 😉

Syempre, special thanks to Ms. JC Cantos! Iba talaga kapag make-up artist ni Richard Gutierrez. Powerful! Salamat sa ora-oradang pag-imbita. PANALO KA! Guys, pa-make kayo kay Ms. JC Cantos. Artista level ang kakalabasan n’yo! Super best. I love you, JC. Ang bait ni Chard. Masasabi. ❤

Yours truly,

Madma

P.S. Happy Birthday naman sa masugid na suporter ng YTM na si Ms. Cherrie Cruz ng Northgate Arinso! GRABE. Libre naman! 🙂 Salamat sa pagbabasa ng YTM. Balita ko updated ka lagi ha. Panalo! We love you, Ms. Cherrie. Arte nung may “Ms.” Love ka namin ni  Ms. Jill Masalonga. Enjoy your day at salamat sa suporta kay Madma. Wish ko sa’yo is gumanda ka pa kasi medyo… CHAR! Happy Birthday ulit. Mwaaah ❤

Salamat din sa mga ka-bonding last weekend. I love you, UP Repertory Company and PEERS. ❤

O, ‘di ba?! Ang jampacked lagi ng weekend ko. Daming nagaganap. Diva ‘eh. WOW. 🙂

P.P.S. Gusto ko rin pala i-share ang PASABOG ng performance ni Idol Regine! Grabeeee. Check n’yo ‘tong video na ‘to! Boses lang niya at piano. Waging-wagi. Makikita n’yo rito kung gaano siya kagaling at kalinis kumanta. GRABEEEEEEEEEEEE! Heaven. ❤ Sana makantahan n’ya ako ng ganitong level sa bahay. Pota. Avail n’yo yung pagbirit n’ya ha. Simple pero ROCK! Go. 🙂

OMG! Pahabol! Ito pala yung performance ni Ate Regine kahapon. Grabe nasa youtube na agad. 🙂 Ito yung napanood namin kahapon sa Party Pilipinas. BEST!

Health is Wealth: The Dra. Madma Episode

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo, mga chaka. Kamusta na?! Malusog ba kayo?! WOW. 🙂

Before anything else, ang fierce nung “Dra. Madma” ‘no? Aminin n’yo! At kailangan talaga “Dra.” at hindi “Dr.” lang. Lakas maka-Dracula nung Dra. Or pwede ring Dragonesa which is personality ko rin at times lalo na kapag gutom or antok. 🙂

Alam n’yo hindi natin nagpagtutuunan masyado ang usaping “health” sa Yours Truly, Madma. So unbecoming of us! Puro tayo usapang love, sex, kabaklaan, sex, relationship and sex nitong mga nakaraang araw. ‘Eh hindi naman nakakayaman yang mga topics na ‘yan ‘eh. After all, health is wealth, ‘di ba?! So ibig sabihin ba nito ay “wealthy” na tayo kasi ‘di na natin ito pinag-uusapan?! Nakaka-praning kasi na ang daming nagkakasakit lately. Sa immediate friends ko pa lang, ang dami na. Diyos ko! Ako mismo, nagkasakit recently. Partida ‘yan ha, Diva na ako pero nadali pa rin. Paano na kaya kayong mga “simpleng” tao lang. WOW. Taas! 🙂 Ito na ba ang tinatawag na “end of the world?!” NO WAY! Or NORWAY! Huwag naman sana! Hindi pa ako nagkaka-lovelife, please! Si Lord naman nagmamadali masyado. Aagawan. Lord?!

Come to think of it, napakaraming paraan or ways para mamatay. Kahit nasa comfort ka ng bahay mo, pwedeng-pwede kang mamatay. Agad-agad. Scary!!! O, ito i-list natin ang ilan sa mga scenarios of death. Habang natutulog, pwedeng bangungutin. Habang naliligo sa CR, pwedeng madulas at mabagok at magkaroon ng blood clotting or clothing. Habang nagjo-jogging, pwedeng mahagip ng truck tapos patay na. (truck talaga ha. Hindi pwedeng bike?!) Habang tumatawa nang todo, pwedeng ma-lock jaw tapos forever ka na nakanganga then papa-euthanasia ka na lang kasi haggard yung nakanganga forever. Habang kumakain, pwedeng sumakit ang batok tapos ma-stroke. Habang nakikipag-sex, pwedeng ma-lock ang titi sa pepe tapos mamamatay na lang kayo sa kahihiyan. (hello, Shaina Magdayao.) ANG DAMI!!! Kaya talagang naniniwala akong may “Lord” eh. Kasi sa daming paraan para mamatay, nanatili pa rin tayong buhay sa kabila ng ating mga kasalanan. Parang naging religion yung topic! Focus!

Lagi kung sinasabi sa mga friends ko, tumatanda na talaga kame. Kasi lumalapit na yung death sa buhay namin. Kung dati ‘eh mga unknown people lang yung nababalitaan naming nagkakasakit or namamatay, ngayon pumasok na siya sa mismong buhay namin. Two years ago, nabalitaan ko na may sakit yung teacher ko nung 1st year then namatay. Last year naman, nalaman ko na yung teacher ko naman nung 2nd year ang nagkasakit at namatay. This year, nalaman ko na ilan sa mga malapit na kaibigan ko ay mga malubha palang karamdaman. OMG! Lumalapit na talaga ang death! Layo naman muna death. Magsama kayo ng tukso. Parehas kayong lumayo! Char. 🙂

Going back to the present time, nakaka-sad malaman na may sakit na yung friends ilan sa mga friends ko na ka-edad ko lang ha. GRABE! Yung isa may polyps, yung isa high-blood, yung isa parang may meningitis, yung isa may lupus, yung isa may bacterial infection sa katawan, yung isa may AIDS etc. WAAAH! Give up! Kaka-sad talaga. Mga ka-edad ko lang ‘to ha. Haaay. 😦 Kaya naman maging maingat tayo, mga fans! Alagaan natin ang sarili natin. Ito lang yung magagawa natin at the very least. Kaya nga ngayon nagiging-health conscious na ako ‘eh. Gusto ko ng maging maingat sa mga kinakain at ginagawa ko. Syempre, ayoko pang mamatay ‘no. Kayo ba? Grabe yung gusto na?! Sama-sama tayong maging health conscious, guys! Simulan natin sa pag-revisit ng mga kinakain natin. Tapos more exercise and physical activities. Iwas sa yosi, sa drugs, sa casual sex and all. Mahirap gawin, yes. Pero kung sama-sama tayo, kaya natin ‘to. 🙂

Huwag nating hintaying mahuli ang lahat. Gaya nga ng sabi ko, mahirap ito. Like yung healthy diet, magastos. Aminin n’yo. Tapos mahirap umiwas sa casual sex. WOW. 🙂 Mahirap lahat, pero KAYA ‘YAN! I think mabuting simulan natin ito sa pag-inom ng Holy Water. I think this is the best way to start talaga. 🙂

Kita n’yo naman, may tinitinda ng Holy Water na naka-bote. Ang best ‘no?! Makabili nga! Thanks naman, Mr. Jo-Harri Marasigan para sa photo na ito. 🙂

Yun lang naman. Nakaka-praning lang na maraming nagkakasakit lately. Yung sakit ko pala 2 weeks ago ay sore throat at sipon na BONGGA. Grabe. At natuklasan ko na best pala ang pag-gargle ng lukewarm water with salt for sore throat. AS IN! Hiyang-hiya yung sandamakmak na lozenges na nilaklak ko! Tapos sa sipon naman, best nung mainit na tubig sa palangga tapos magtalukbong ka ng kumot para masingot mo yung init. Anong medical term ‘dun? Basta BEST! Guaranteed ginhawa! Walang sinabi ang Vicks!

Totoo nga ang sabi ng iba na ‘di bale ng walang jowa basta walang sakit. NANINIWALA NA AKO! Health is wealth talaga. Kaya sa mga mag-jowa d’yan na nagsasabing ang parner nila ang pinaka-mahalagang yaman sa mundo, I think mali ‘yun. WOW. Ako na nag-decide. Health kasi ang best! 🙂

O, basta mag-ingat kayo lagi ha. Ingatan natin ang mga sarili natin gaya ng pag-iingat natin sa wallet natin at cell phone. Well, mamatay naman tayong lahat eventually ‘no. Given naman ‘yan. Pero pahabain naman natin ang appearance natin sa mundo. Ako talaga more fruits and healthy stuff na from now on. More sports na din ulit and exercise. SO HELP ME GOD!

Sa mga friends kong may sakit, kaya ‘yan! Matatapos ‘din ‘yan. Gagaling din kayo. 😉

Stay healthy everyone!

Yours Truly,

Dra. Madma

(The photo above was lifted from this site: http://www.ask.com/wiki/File:Rx_symbol.png?qsrc=3044)

P.S. Maraming salamat sa mga nagpapadala ng mga nguynguy para ma-feature sa Yours Truly, Madma! Humahaba na naman ang pila. BEST! Salamat sa pagtitiwala sa blog na ito. Again, you can send your nguynguy and ngasngas sa yourstrulymadma@gmail.com.

Dali! Mag-send na at pag-usapan natin ‘yan sa YTM. ❤

P.P.S. Gusto n’yo bang marinig si Madma ng LIVE?! Bet n’yo ba ang LIVE PAYUHAN?! Aaaay…magaganap na ang matagal n’yo ng hinihintay! ABANGAN n’yo ‘to NEXT WEEK! Maririnig n’yo ako ng LIVE! 🙂

Madma goes LIVE! ABANGAN TALAGA ‘TO! Pota. ❤

Tama Na, Itigil Na

 

Madam,

Kaibigan po ako ni Jill Masalonga tas ngayon eh nasa korea ako, dito po ako nag aaral : ) Ayan mayaman lang ang peg, hahaha Pero hindi po yan ang kwento ko, gusto ko lang po sana magpa-advise sa nangyari sakin ngayon,

May karelasyon ako, isa syang doctor at ako naman ay nurse dito sa South Korea, 9 months na kami pero naka LDR kami, though umuuwi naman ako every 2 months at nag-stay don para makasama sya. Tonight nag hiwalay kami, ang sakit lang sa All Souls Day pa talaga, namatay ang puso ko dito! (sa phone lang kami naghiwalay ngayon kaya nag-isip ako kung uuwi ba ako sa pinas para puntahan sya or wag nalang kasi baka ayaw nya na talaga at masayang lang ang effort ko? what if naman meron pa pala at di lang ako nag effort? )

Ang reason kasi masyado syang nag-dududa, lahat ng ginagawa ko parang mali lahat sa paningin nya at parang sya lang ang perpekto na tao. Masakit sa akin at nag-iisip ako kung tatawagan ko pa sya para mag-ask pa ng isang pagkakataon or e-let go nalang total sya na din naman ang humingi.

Pano ba ako makakpag move on dito? Mahal na mahal ko sya ateh,

Salamat

Jay

____________________________

Dear Jay,

Annyeong-haseyo, Jay. 🙂 O, ha! Lakas maka-Korean ni Madma. First things first, bading ka right? Friend ka ni Jill ‘eh. So alam na. 🙂

Nakakaloka yung nakipag-break during All Souls Day! Inagawan n’yo rin talaga ng limelight slash ratings ang mga kaluluwa ha. Minsan na nga lang sila maging bida, nakisabay pa talaga kayo. HUG NAMAN, Jay! Ouch. 😦 Naku, ang sakit n’yan. Heartbreak ‘yan ‘eh. Alam naman natin ang mas masakit pa sa sakit ng ngipin ang heartbreak. Kalma ka lang. Sana naman ay ok ka ngayon. Or the correct question pala is sana “buhay” ka pa until now. Huwag naman tayong mag-suicide, please. Hobby pa naman ng mga Koreans ‘yan. Based sa Wikipedia “South Korea has the highest suicide rate among the 30 OECD (Organisation for Economic Co-operation and Development) countries, having recently surpassed Japan’s rate. The toll of suicide deaths in South Korea has doubled in the last decade.” NAKAKALOKA! Chill ka lang, Jay. Nood ka muna ng porn para malibang ka. Best din ang mga porn sa Korea lalo na yung M2M. Alam natin ‘yan. Char. 😉

Anyway, alam mo huwag mo na siyang habulin. I don’t think healthy siya for your well-being. And when I say “well-being” that means your growth and development as a person. WOW. 😉 Haggard yung LAGING nagdududa sa mga ginagawa mo. Importante ang trust sa isang relationship lalo na sa Long Distance Relationship. Parang gas lang ang trust. Ito ang nagpapandar sa isang LDR. Kung wala ‘yan, hindi na ‘yan uusad so itigil na. Sakit lang sa ulo ‘yan. Nagsasayangan lang kayo ng oras at lakas. Walang point na kumapit sa isang taong hindi nagtitiwala sa mga ginagawa mo at puro nega ang dulot sa buhay mo. Kung “tunay” ang relationship n’yo, dapat naghahatakan kayo pataas at nagsusuportahan kayo sa mga pakulo ng isa’t isa. Kaloka.

Gets ko naman na mahal mo si Kuya. Pero hindi lahat ng pagmamahal ay tama. OMG! Saan galing ‘yun?! Parang sinasapian ako ni Mahatma Gandhi or Mahadma Gandhi. Char. 😉 Hindi lahat ng pagmamahal ay dapat susundin. More than love, kailangang gamitin din natin ang ating pag-iisip. Otherwise, kung hindi mo din gagamitin ang brain mo, ipa-raffle mo na lang ‘yan para magamit ng iba. Student ka pa naman sa Korea so maraming “laman” ‘yan for sure. Sayang naman! Huwag mo na tawagan si Kuya para manghingi ng chance. Arte n’ya. Perfect siya ‘eh. Sayang lang sa load. Kung ano ang hinihingi, ibigay! I go for e-let go mo na ‘yan. Ang taray nung e-let go! Ka-level ng e-books tsaka ng e-Commerce. Bongga! 🙂

Hindi ko rin naman alam ang hugot ng karelasyon mo kung bakit lagi siyang nagdududa sa’yo, ‘no. Baka naman nagloko ka na before at nakipaglandian sa ibang lalaki  kaya praning si Kuya lagi. Well, if this is the case, you deserved this. WOW. Bilis ko rin kumambyo ha! Bi-polar ang peg ko. Charoth. 🙂 Alam kong lungkot-lungkutan ang aura mo ngayon. Go lang. Enjoy mo lang ‘yan pain. 🙂 Lahat naman ng pain ‘eh natatapos din eventually. Parang sweldo lang ‘yan. Dadaan lang tapos mawawala rin agad. WOW. 🙂

Take it from Madma, tama na. Hayaan mo na siya. So much for drama. Focus ka na lang sa mga positive benefits ng paghihiwalay n’yo gaya ng 1. Mas makaka-ipon ka na kasi ‘di mo na kailangang lumuwas every 2 months! More money ‘to and savings; 2. Wala ka ng sakit ng ulo kasi wala ng nega sa buhay mo; and 3. Mas makaka-focus ka pa sa studies mo. O, ‘di ba?! You don’t need this kind of negativities in your life right now. Marami ka pang bagay na dapat pagtuunan ng pansin most especially your studies. I-revisit mo ang mga priorities mo and goals in life. I think magandang dito ka magsimula. Huwag kang matakot na mawalan ng karelasyon, may darating na love for you eventually. Pogi ka naman siguro ‘no? Or hindi? OMG matakot ka na nga. CHAR! Madaming lalaki sa mundo, please. Hindi mauubos ‘yan. Mas dapat mag-panick ang mga girls kasi lahat na ng lalaki ay bading na by 2015. Avail n’yo yung ultimatum ha. 🙂 Try mo naman makipag-relasyon sa mga Koreans for a change! OMG! Dami ding poging Koreano ha. Maliit nga lang ang titi. CHAR!

So there. Sana ay may napulot ka naman, Jay. Grabe din yung referral ni Ms. Jill Masalonga sa YTM ha. Umaabot hanggang South Korea! Panalo. Very HR talaga ang peg mo, Jill. 🙂

We wish you all the best!

Yours Truly,

Madma

(The photo above was lifted from this site: http://paulocoelhoblog.com/2012/06/09/on-the-importance-of-%E2%80%9Cno%E2%80%9D-2/)

P.S. At talaga namang humahaba na rin ang pila ng mga nguyngoy and ngasngas galing sa mga fans! Huwag kayong pahuli, send your story sa yourstrulymadma@gmail.com! Huwag na kayong mahiya kasi hindi n’yo ikakayaman ‘yan. Pag-usapan natin ‘yan dito sa YTM! Hayaan n’yong maging daan ang blog na ito para sa ikagagaan ng buhay n’yo!

I love you all!

P.P.S. At since emo-emo ang story natin today, mag-soundtrip muna tayo ulit. Gusto ko pala i-share ‘tong sort of favorite song ko these days. Ang cute kasi ‘eh. Bagay na bagay sa kaartehan natin today. Alam kong alam na alam n’yo ‘tong song ng Keane na “Somewhere Only We Know.” O, ‘di ba?! Bagong-bago! Ayan ha, ito ay malinaw na patunay na naa-appreaciate ko rin ang mga hindi birit songs ha! Chura n’yo. GAME! Kantahan tayo! ❤

Madma at HER Strongest

Dear fans and followers,

Hello naman sa inyo! Grabe trabaho na naman. Pota. Tapos na ang maliligayang araw. Ang sarap ng maraming holidays tapos magkakasunod gaya nitong nakaraan linggo. BEST! Hindi na yata ako sanay mag-work ng 5 days. WOW. Ang arte rin bigla ha. More holidays, please!!! Sana magkaroon ng maraming bagong holidays sa Pilipinas gaya ng Araw ng mga Pagdarahop ng mga Chaka, Araw ng mga Diva, National Exercise Day, National Rest and Recreation Day, National Spa Day wherein sabay-sabay tayong lahat magpapa-spa. Pwede ring magkaroon ng National Singing Day kung saan kakanta lang tayong lahat buong araw tapos yung mga wala sa tono ‘eh tatangalan ng tonsil. O, ‘di ba?! Ang saya lang. Grabe kasi ang buhay. Puro trabaho! Kingina. Nakaka-alipin. Ganito ba talaga ang pag-envision ni Lord habang ginawa n’ya ang mga tao? Ang dialogue ba n’ya is “Gagawa ako ng mga tao para magtrabaho sila nang todo.” Ganun ba?! Grabe kasi! Sana mayaman na lang tayong lahat para happy.  Basta kapag ako talaga naging presidente, asahan n’yo, malulunod kayo sa holiday. Tipong sasakit ang ulo n’yo sa bahay kakapahinga. Tapos magwe-welga na kayo para damihan ang working days kasi nagtatabaan na kayong lahat.

Anyway, shout ouch naman sa napaka-simple yet pasabog kong photo sa taas. AARTE PA?! Ito talaga ang gusto kong i-showcase sa post na ito. Hiyang-hiya si Ms. Ruffa Gutierrez sa atake ko, aminin n’yo. Lakas maka-porn star o kaya commercial ng whisky. Nakakaloka! Sorry kung medyo blurred ha. Kasi naman ang chaka ng camera ng Blackberry ‘eh. Sorry naman at Blackberry lang ang phone ng Nag-iisang Madma. Ang sarap gamitin sa sarili yung description na “Nag-iisang.” Nakaka-artista! Pwede rin namang “Nag-gigisang” para sa mga mahilig mag-luto. 🙂

Aminin n’yo, ang lakas ng aura ko sa photo na ‘yan! Madma at HER strongest talaga! Grabe yung sarili ko ang topic natin ngayon. Vain ba masyado?! 😉 Pa-picture rin kayo habang nakasakay sa kabayo! Try n’yo rin minsan. Ibang power! First time ko mangabayo sa photo na ‘yan. Ang saya pala! Lakas maka-yaman! Very haciendera ang peg. Idol ko na si Mikey Cojuangco for that! Sa una, nakakatakot talaga ang pagsakay sa kabayo. Pero kapag katagalan na, enjoy na rin! Parang sex lang. WOW. 🙂 Sa Tagaytay pala kuha ang photo ko na ‘yan. Hindi ‘yan kuha sa London  ha. Akala kasi nung iba sa bakuran ni Queen Elizabeth sa London ‘yan ‘eh. Char. 😉

Shout ouch naman sa high school barkada ko na kasama ko sa Tagaytay adventure! I love you, PEERS. ❤

O, ‘di ba?! Kahit sa group photo ‘eh angat na angat pa rin ang beauty ni Madma. Aminin n’yo ‘yan! Kay Madma agad ang atensyon n’yo sa unang pagtingin pa lang sa photo. Ganyan dapat. Simple pero rock! 😉 First time ko din pala i-try ang Fish Spa. Tangina, nakakaliti! Virgin pa kasi ako so marami pa akong kiliti. WOW! Ang saya talaga nung Fish Spa. Pang-mayaman! Nakakakiliti sa una pero masarap na kapag tumagal. Parang sex ulit. ANO BA! Lahat na lang may kinalaman sa sex. 😉

Anyway, trabaho na ulit! Back to reality. Limang araw na naman ang pasok. ANG DAMI!!! Sure bang walang holiday this week? Check n’yo nga yung calendar baka may na-miss tayong holiday! Grabe, hindi ako maka-move on sa holiday. 😉 Pampagana post ko lang ito ha. Lutang pa ako ‘eh. Naka-vacation mode pa rin ang utak ko. 😉 Mamaya na lang ang payuhan natin. Abangan n’yo ang PASABOG nating kwento later!

Gusto ko rin palang sabihin na EXCITED NA AKO sa Silver Anniversary ni Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez!!! POTA! Sa November 16 na ito sa SM MOA Arena! Naka-leave na ako n’yan sa work. 🙂 Avail n’yo yung naka-leave ako ha! Staff?! May ticket na kame sa wakas! Grabe yung nagkaka-ubusan ng tickets. Parang ticket lang sa UAAP Cheerdance! Excited na ako sa mga birit ni Ate Regine. I’m sure itotodo n’ya ‘to kasi ang payat na n’ya ‘eh. No offense to Ms. Sharon Cuneta ha na malapit nang pumutok sa taba. Nood din kayo, guys! I-avail n’yo na si Ate Regine habang bumibirit pa siya!

‘Yun lang muna. Ayan medyo ganado na ulit ako magsulat! Bonding ulit tayo later. 🙂

Yours truly,

Madma

P.S. Huwag kayong mahihiyang isangguni ang inyong mga nguyngoy at ngasngas sa buhay. Ipadala n’yo lang ‘yan kay Madma at pag-uusapan natin ‘yan. Send your stories sa yourstrulymadma@gmail.com. BILIS! I-feature natin ang kaartihan n’yo sa blog ko!

SALAMAT sa patuloy na pagtangkilik sa YTM. Mahal ko kayo. Marami pa tayong mga pasabog sa mga susunod na araw. ABANGAN. ❤

Shout ouch naman to Mr. Stan Baltazar para sa pag-enhance ng photo ko sa taas. Thanks, TF. ❤

P.P.S. Since malamig today, mag-soundtrip muna tayo with this song. In fairness, ang ganda ng song na ito ha. Isa na namang PASABOG song from Cue C! Ang title pala nito is “Kung Sa Pwet Na Lang.” Naku, huwag kayong judgemental. Very informative ang song na ito. Yet bastos din. 🙂 Pero deadma na! Tamang halo ng bastos and legit information ang atake nito. At very upbeat! Bagay na bagay sa issue ng Reproductive Health Bill. Dali! Check n’yo ‘to! BONGGA ‘to! Alam n’yo naman ang Cue C, hindi tayo binibigo n’yan! GAME! ❤