#BalikAlindog versus #BalikPagkatao

Pinyuyir

 

Dear fans and followers,

Happy New Year naman to all of you!!! 2014 na! Shet. Nakaka-pressure ang bilis ng panahon. Hindi ko siya kinakaya. Parang kelan lang single ako. Tapos ngayon…single pa rin. Bwahaha Chaka! 😉 Sana naman mas maging maganda ang taon na ito for my lovelife. LORD! SANA MAKINIG KA NA!!! Parang ang selective mo sa mga pinakikinggan mo ‘eh. Parang nabibingi ka bigla kapag lovelife na ang hiling ko. Parang bigla kang nagiging busy. Char! 😉  Joke lang, Lord ha. ‘Wag ka namang sensitive. Dyosko. 😉

Kamusta naman kayo?! Kamusta ang figure n’yo? I’m sure nagtabaan kayo. Ang siba n’yo ‘eh. Ano expect n’yo? Ano ba. GV lang tayo! 🙂 This is my first post for this year so I think kailangan positive tayo para naman maganda ang pasok ng taon. Hindi natin dapat ina-attract ang mga negative vibes kasi hindi sila nakakayaman. Dapat positive lang! Apir! 😉

So, pumasok na naman ang bagong taon kaya ito na naman at naglipana ang mga taong nahuhumaling sa tinawag na #BalikAlindog program. Alam n’yo ‘yan! Very rampant na naman ang programang ito ngayon sa social media at maging sa mga simpleng usap-usapan. Nagkalat na naman sa Facebook at Twitter ang mga taong nagpo-post ng mga specific details kung paano papabalikin ang alindog nila na wala naman talaga sila nito to begin with. ‘Te, hindi mo talaga maibabalik ang NEVER na naging iyo. ‘Wag kang mag-ilusyon! CHAROTH! Lakas maka-linya sa teleserye! Love it! 😉

Anyway, puro #BalikAlindog ang fans ngayon na kesyo magjojogging na raw at tatakbo ng 90 miles a day (wow), kakain na ng healthy food at magbabawas ng rice from 6 cups to half rice (wow), maggi-gym na raw lagi at susulitin na ang membership na never namang nagamit talaga etc. etc. ‘YAN NA NAMAN TAYO ‘EH.  Pustahan paandar lang yan. Next month makikita mo na naman sila sa mga buffet restaurant tapos aamagin na naman ng gym card nila. Naku! I don’t want to sound nega ha. May mga success stories din naman akong alam. ‘Yung tipong biglang naging balingkitan talaga from a whale-sharkish size. Congrats naman sa inyo! 😉 Pero sadly,  mga 2 lang sila out of 20. Bwahaha. Ang dami ko rin kasing friends na matataba na nagbalak na ibalik ang alindog nila to no avail. Gusto ko ‘yung “to no avail.” 😉 Ang ending, mas tumaba pa sila huli. ‘Yung tipong nawala na ang leeg nila nang tuluyan dahil sa katabaan. Parang after ng ulo, balikat agad. Tapos after balikat, paa agad. Ganun level! Saklap no?

Hay naku. Tantanan na nga lang natin sila. Baka magulat ako at paulanan ng bala ang bahay ko mamaya. Walang na lang basagan ng trip. Ibigay na lang natin sa kanila ang benefit of the daw. I mean of the doubt. 😉 GV lang! After all, ang gusto ko naman talagang pag-usapan ay ang aking paandar program na #BalikPagkatao program! Ay, gusto ko ‘to! Ito na! Ito na!!! 🙂

Ang pagbabago ay dapat laging holistic. Hindi lang pagbabagong piskal dapat. Higit sa lahat, mas importante ang pagbabago ng ugali tungo sa mas mabuting pagkatao. O, ha! Hiyang-hiya si Dra. Margie Holmes sa entrada ko. Wahaha. 😉 Pero seriously, walang point na magandang katawan pero BASURA naman ang pag-uugali. Ekis din ‘yan sa fans. Tandaan natin, maraming bagay ang hindi kayang takpan ng magandang mukha at makinang na ngiti. Kaya inaanyayahan ko kayong mag-#BalikPagkatao program kasabay ng #BalikAlindog n’yo. ‘Wag puro pag-build ng muscle ang atupagin! Dapat may mga babaguhin din tayong pag-uugali para mas maging busilak na tao tayo ka-level ni Mama Mary. At isa ngang maganda at simpleng pagbabagong pwede nating gawin sa buhay ay ang PAGTUPAD SA COMMITMENT!

___________________________________________________
com

Sabi ko nga sa Facebook status ko kagabi, mataas ang respeto ko sa mga taong pumupunta talaga sa isang event kapag sinabi nilang pupunta sila. Truly commendable ‘yung mga taong reliable at may pagpapahalaga sa commitment. ‘Yung hindi ka bibitinin at iiwan sa ere. Ang dami kasi talagang mahilig magpa-andar. Halimbawa  sa Facebook event page, ang bilis mag-click ng “GOING!” Kakapost mo pa lang tapos naka-“GOING” na agad si Ate. Pero pagdating naman ng actual event, HINDI MO NA MAKITA! Biglang hindi magpaparamdam. Tangena. Kairita no? Dapat sa sinisilaban ng buhay ang mga taong ganito ‘eh. Dapat pinagtutulak ng MRT ang mga hinayupak na ‘yan para putukin. Dapat dinidispatsya na sila ‘eh. Leche! Ang simple-simple lang ng buhay. Kung hindi ka pwedeng umattend, ‘E ‘DI ‘WAG! Shut your fucking mouth na lang!!! Nyeta. Sorry for the outburst, judges. 🙂 Medyo natodo ko sa part na ‘yun ha! Wahaha 🙂 Pero aminin n’yo ha, ang simple-simple ng bagay na ito pero marami ang bumabagsak dito. Kaasar.

Hindi naman ako nagmamalinis. Hindi ako sing-buti ni  Mama Mary. May mga times din na nag-confirm ako pero hindi ako nakapunta for some reason. BUT I RARELY DO THIS. I rarely backout from a commitment. Life and death situation na talaga kapag hindi ako sumipot. Almost always, sumisipot ako sa lahat commitment na nag-confirm ako. Kahit 8 na events pa ‘yan sa isang araw, lahat ‘yan sisiputin ko kahit ikamatay ko. Ganun kasi dapat, ‘di ba? Nag-commit ka, so magpakita ka. Basic! ‘Yung iba kasi sa atin ang bilis mag-confirm. Pero kapag sa actual lakad na, biglang malo-lowbatt, biglang nadukutan, biglang nabangga ng truck ‘yung taxi na sinasakyan, biglang namatay ang lola, biglang nanakawan ang bahay, biglang inapoy ng lagnat. INAPOY TALAGA? Hindi pwedeng sininat lang muna?! Dyosko ha. Please!

__________________________________________________
so

Sabi nga ni Ate Sharon Cuneta na recently ay nagpaandar na naman sa Twitter, “I remember when life was simpler… When people had some degree of respect for one another because it was just a natural thing…” Korek ka d’yan, Ate Shawie! Nakakamiss din talaga ‘yang mga moments na ganyan. Ang laki din kasi talaga ng pinagbago ng buhay natin with the technological advancements. May negative side din talaga ang mga paglipana ng gadgets and all. Dati nung hindi pa uso ang cellphone at landline pa lang ang meron tayo, mataas ang pagpapahalaga ng mga tao sa COMMITMENT. Halimbawa may ime-meet tayong isang tao sa particular na lugar at oras, talagang sisipot tayo dun kasi otherwise aamagin ‘yung kausap natin kakahintay. Wala tayong cellphone or FB/ Twitter na pwedeng gamitin para magsabi sa kausap natin na hindi na tayo bigla makakapunta dahil nga “inapoy ka ng lagnat.” So, sisipot tayo kahit anong mangyari dati. Ngayon, DYOSKO. Ang daming mahilig mag-confirm pero never nagpapakita. At ang nakakairita pa is ‘yung nagba-backout MINUTES away from the event! AY, NAKU! GRABE!!! Dapat sa mga taong ‘yan pinapakain ng racumin. Kingina. Sobrang bastos ‘no? Pet peeve ko talaga ‘yang mga backout-era! SOPER! Usually, dinidispatsya ko na ‘yan sa friends list ko. After all, afford ko namang mag-delete ng friends kasi soper dami na rin talaga nila.  Wahaha. #Bitch

Haaaay. Tama na nga. I think I made my point already. Sana gumawa din kayo ng #BalikPagkatao program n’yo. Marami namang simpleng mga bagay at pag-uugali ang pwede nating i-improve para mas maging maganda ang pagkatao natin. Kumbaga sa sex, dahan-dahan lang para hindi duguin. WOW. 🙂 Pwedeng ang laman ng #BalikPagkatao n’yo is mga simpleng changes lang like magiging on-time na sa mga lakad, magiging mas palangiti na, matutulog na nang maaga, maghuhugas na ng kamay bago kumain etc. Mga light levels lang. Or kung paandar kayo, pwede rin namang mas pasabog like hindi na magnanakaw, hindi na makikipag-sex sa lalaking may jowa, hindi sisilipan ang mga naliligo sa banyo etc. Mga ganyan ba. ‘Wag masyadong mag-focus sa panlabas na pagbabago. Marami d’yan maganda nga ang katawan pero single din naman. Wala rin! Hindi n’yo rin kinaangat ‘yang muscle n’yo sa mga single na pangit. Char.

So there. ‘Yan na lang muna. Tandaan natin na hindi kayang takpan ng magandang katawan ang bulok na ugali. Napakaraming hindi kayang itago ng kagandahan. Kaya payo ko sa inyo, patuloy na pagandahin ang inyong pagkatao. Kasi kung ang pagkatao mo ay  busilak, sa huli, ikaw pa rin ang magiging makinang! (Balutin mo ako ng liwanag ng iyong pagmamahal…)

Yours Truly,

Madma

(Photo source: http://www.aiche.org/ifs/resources/sustainable-meeting-initiative/environmental-commitment-statement, http://www.ekaterinawalter.com/2013/09/to-get-reluctant-employees-on-board-with-social-media-put-em-through-boot-camp/, http://www.techblogstop.com/35-plus-most-beautiful-happy-new-year-2014-hd-wallpapers/)

P.S. Sorry at hindi ko masyadong napanindigan na GV ang post ko. hahaha Medyo nadala ako ng emotion ko. Happy New Year ulit sa inyo! At cheers tayo para sa mas pinalakas na pagkatao nating lahat! ❤

 

 

 

 

Advertisements

Effective ba ang New Year’s Resolution?

NYR

Dear Madma,

Happy New Year po sa inyo. Sana ay maging maganda ang taon na ito for you and your family. Wish ko po ay love life para sa idol kong blogger.

Tanong ko lang po, ano bang thoughts n’yo sa mga new year’s resolution? Iniisip ko kasing gumawa ‘eh. Pero parang tinatamad din ako kasi baka ‘di ko rin ma-achieve. Gumagawa po kayo ng resolutions?

Excited na po ako sa mga pasabog sa YTM. Mabuhay ka Madma!

Your fan,

Water Snake
____________________________________

Dear Water Snake,

Happy New Year naman sa’yo, Water Snake! Ikaw talaga ang buena manong letter ng YTM for this year ha. Swerte mo naman! Sana swertehin din ako sa pagpili ko sa’yo. Char. 😉 Salamat naman sa wagas na suporta mo kay Madma. Year of the Water Snake nga pala ngayong 2013. Gosh. Sana hindi kumalat ang mga “ahas” sa lipunan. Ayoko pa naman sa mga “ahas.” Panira sila ‘eh. Tsaka ahas sila. Ahas! Parang may hugot ako ha sa mga ahasan. Ano ba! GV! 😉

Kung ako sa’yo, huwag ka nang gumawa ng New Year’s resolution kasi hindi naman natutupad ‘yan. Time and time again, napatunayan na hindi ito masyadong effective. Madi-disappoint ka lang sa huli kasi walang natupad sa mga resolutions mo. Yung mga may resolutions na magpapa-payat, hindi na magyo-yosi at iinom ng alak, ‘di na manlalaki/mambababae/mamamakla, ‘di na magnanakaw etc. Naku! Hindi ako bilib sa mga ganyan. Narinig na ‘yan last year. Pustahan tayo ilang araw lang or next month, balik na ulit sa dating gawi ang mga hinayupak na ‘yan. Lalo na yung mga magpapayat na raw. NAKU! Dumudugo na ang tenga ko sa dami ng nagsasabi ng line na ‘yan. Sa una lang ‘yan. Maniwala ka. Next month kita mo, nakatambay na naman sila sa mga restaurant. Next month, punung-puno na naman ang mga ref nila ng cakes, ice cream, chocolates etc. Tapos makikita mo na lang sila na singtaba na na naman ni Ms. Nadia Montenegro.

Pati ‘yang mga Balik Alindog Projects na ‘yan. Naku po. Wala akong sampalataya d’yan. Aside sa hindi siya applicable sa akin kasi NEVER naman nawala ang alindog ko to begin with, ‘eh parang wala namang nagiging matagumpay d’yan. Sa una ang sipag sipag pumanta sa gym. Halos maging kamukha ng nila ang mga empleyado doon sa sobrang dalas ng appearance nila. After several weeks or sometimes days nga lang, kamustahin mo sila about it. Sasagot sa’yo, next year na lang ulit kasi busy na ulit, daming trabaho sa work, ang hirap mag-commute, nagkasakit yung tatay, nawala yung kapatid, nawala yung gym card, depress ‘yung kapit-bahay, mainit sa gym etc. WOW! 🙂

Ako personally, hindi ako gumagawa ng New Year’s resolution kasi ang perfect ng buhay ko ‘eh. Charoth. Seriously, hindi talaga ako fan n’yan. Mahinang klase kasi ‘yang New Year’s resolution. Usually, ang coverage lang kasi ng mga New Year’s resolution is from January-February. Mga ganyan lang. By March, nakalimutan na ‘yan. SURE! Nega much?!Though aware naman ako na may mga cases na nagwo-work ang paggawa ng New Year’s resolution. May mga mga success stories din naman sa field na ito. Apparently, mga lima lang silang successful out of 7 billion. The rest NGANGA at the end of the year. Nabilang ko talaga ‘no? 🙂 So, siguro instead na gumawa ka ng New Year’s resolution, mas mabuting gumawa ka na lang ng yema. At least dito kikita ka pa. Sure ‘yan! Charoth. 🙂

Take it from Madma, huwag ka na gumawa ng resolutions. Mga ngawngaw lang yang resolutions ‘eh. Puro satsat lang. I suggest gawa ka na lang ng mga targets mo for the year. ‘Yan mas bongga ‘yan! 😉 Iba ang target sa resolutions ha. Mas measurable kasi ang targets than resolutions. Mas scientific and realistic pa siya. Yung mere word na “target” is more powerful than “resolution.” Aminin n’yo! Mas malakas! 🙂 Halimbawa ang target mo is mag-ipon. Dapat mag-set ka ng target amount kung magkano ang plan mong maipon and kung by what month or day mo siya ma-achib. O ‘di ba mas measurable? Or kung gusto mo magpapayat, magbigay ka ng target weight by a specific date. Magkaiba kasi yung statement na “magpapapayat na ako” versus “magbabawas ako ng 5 pounds by next month.” Gets ba? Ganun lang. 🙂 Ganyan na lang ang atake mo para mas maging productive ang taong ito at hindi ka pulutin sa kangkungan by the end of the year. Set your targets. Mas magiging madali ang lahat. Swear! 😉

And one more thing. Samahan mo ng disiplina at consitency ang pag-achib mo sa mga targets mo. Yung tipong huwag kang bibitiw until ‘di mo nakukuha ang mga targets mo. Go lang nang go kumbaga. Maraming mga balakid sa pag-abot ng mga targets kaya disiplina ang magiging pangontra mo sa mga ‘yan. Sabi nga ni PNoy, hindi madali ang daang matuwid. 🙂 KAYA MO ‘YAN! 🙂

So there. Good luck sa target setting mo, Water Snake. Salamat sa pagsulat sa YTM. Thanks din pala sa pag-wish ng love life for me. That’s sweet! 😉 Though ang dami na ring nag-wish n’yan sa akin over the years. Sadly, NEVER natupad. Para siyang resolution. Char. 😉 Iba na lang i-wish mo for me. Mas natutupad pa yun. Para kasing biglang nabibingi si Lord kapag binabanggit ko ang love life ‘eh. Parang nabu-busy siya agad. Napapansin ko lang. But thank you anyway. 🙂

Happy New Year sa’yo!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://associationsnow.com/2012/12/5-new-years-resolutions-meetings-can-help-you-keep/)

P.S. Tuluy-tuloy na tayo sa payuhan! Ife-feature ko rin yung mga backlogs ko from 2012. Nakalista naman kayo so huwag kayong mag-alala. Ngawngaw agad ‘eh.

Bukas na bukas na ulit ang tangggapan ni Madma para sa inyong mga ngasngas sa buhay. Ipadala lang ito sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali! Mas mga pasabog stories ang tatalakayin natin this year!

Let’s do this! 🙂

Merry Christmas and Happy New Year To You and You… And You… You Gonna Love Me!

HNY

Dear fans and followers,

KAMUSTA NA KAYO?! Hindi na tayo nagkaka-chikahan lately ha. Kasi naman ang busy din talaga ng holiday season. Ibigay muna natin ito sa isa’t isa. Naka-vacation mode rin ang Madma n’yo. Huwag muna tayo maging clingy for now. Kiki-clingy much!

Anyway, since na-miss ko kayo, chikahan muna tayo nang saglit. Wala pa palang Christmas and New Year special ang YTM kaya naman ito na! Syempre, I owe it to the fans. WOW. 😉

merry_christmas_11_1200

Tapos na ang Christmas. Just like that! Sobrang bilis. My God. Na-feel n’yo ba ang Christmas? Medyo iba na rin talaga ang panahon ‘no? Sabihin na nating “nabawasan” nang very light ang kinang ng Pasko. Ewan ko kung nag-mature lang ako kaya medyo iba na ang tingin ko sa Pasko or sadyang iba na ang talaga ang makabagong mundo ngayon. Parang hindi na siya masyadong festive like before ‘no? Mas less na ang mga bahay na may Christmas tree, parol, Christmas light etc. Yung iba sadyang hindi na nagkabit ng mga Parol kasi katwiran nila, tatanggalin din naman. Nega much ang mga pota! Pero may point. Char. 🙂 Mas konti na rin ang nagre-regalo nowadays at mas konti na rin ang mga handa sa lamesa. Yung mga pinamimigay sa mga inaanak, medyo nabawasan din. Dati nasa P300-P500 ang bigayan sa mga inaanak. Ito yung bentahan sa merkado before. Ngayon parang nasa P100-200 na lang. Yung iba nga “tawad” na lang ‘eh. Pansin n’yo ba? Haaay… Sigurado mas mahirap lang talaga ang buhay ngayon kaya ganito. Tipid mode rin ang mga kababayan natin. Kumbaga “naghigpit din ng sinturon” ang mga Ma’am/Sir n’yo. Ang sad naman na iilan na lang kameng nakakaginhawa sa buhay. WOW.

Nonetheless, nakakatuwa na hindi nawawala ang reunion at gathering ng pamilya tuwing Pasko. Ang saya lang makita na sa kabila ng kahirapan ay talaga namang niraraos din kahit papaano ang Pasko. Bilib ka rin sa mga Pinoy, maghahanda rin talaga kahit wala na. Isasanla rin yung ref o kaya TV para magka-pera. Competitive! Ayaw patalo sa kapit-bahay. Char. 🙂 Ang best part lagi ng Christmas is yung Noche Buena gathering. Aaaay… love it! Ang saya makita at makasama muli ang mga pinsan mo, mga tito at tita, mga pamangkin, Lolo at Lola, at iba pang kamag-anakan. HEAVEN! Sa kabila ng mga alitan at tampuhan sa pamilya, nabubuo rin talaga ang lahat tuwing Christmas. BEST! Love always prevails talaga. Or not.

First time ko pa lang mag-effort bumili ng regalo para sa mga friends and family members. Alam n’yo na, medyo may pera rin tayo nowadays. Kayo ba? 🙂 Nakaka-yaman yung nagpapamudmod ng regalo. Parang Kris Aquino level. First time kong mamili sa Divisoria mag-isa and surprisingly, na-enjoy ko siya. Ang best ng Divisoria. Tangina. Lahat andoon na! Pwera lang jowa. WOW. 🙂 Kung anu-ano ang tinitinda sa Divi. Wala ngang nasunod sa checklist ko kasi lahat nabago. Nakakaloka! Na-in love talaga ako sa beauty ng Divi. Soobrang buhay na buhay ang lugar na ‘yun. Aliw na aliw ako sa mga paninda doon kaya super enjoy ang pamimili ko. Deadma na sa may mga putok at pawisang masa na makakagitgitan mo. Part yan ng experience. 😉 Ako rin pala ang nagbalot ng mga gifts after. EFFORT! And natuklasan ko na ang gift wrapping is a special skill. Either you have it or you don’t. Apparently, I don’t. AS IN! Kaya naman any-any na lang ang pagbalot ko. My God! Pero alam naman nating sa huli, it’s the thought that counts. Or it’s kantot that counts. CHAR! 😉

At isa pang bagay ang dapat nating ipagpasalamat ay yung fact na hindi nagunaw ang mundo last December 21! Tanginaaa. Thank you, Lord! Naka-leave pa naman ako that day para at least ready. Hirap namang maabutan ng end of the world sa office. Loser much! Salamat naman Lord at sa kabila ng mga kasalanan namin ay binigyan mo pa kame ulit ng chance na mabuhay. Nakakaloka yung nadisappoint ang iba na hindi nagunaw ang mundo ha! Tangina. Gunawin ko kaya mga bahay n’yo?! Leche. Sana nagpa-sign up na lang si Lord kung sino ang gustong mawala na sa mundo. Voluntary exit ang peg. Tapos yung mga nag-sign up, ihulog n’ya sa kumukulong apoy! Kingina. Hindi pa nga ako nagkaka-jowa so bawal pa ang end of the world. 😉 Love ko pa rin ang mga Mayans kahit na nagkamali sila ng predict. At least nabigyan nila tayo ng wake-up call sa mga ginagawa natin sa mundo. Kaya naman sa second life nating ito, sikapin nating maging mabuti at mahalin ang buhay. Lakas maka-El Shaddai nung line na yun. Amen. Or Emen. Pwede ring Ehmen. 🙂

Traditional Santa Claus3

Excited na ako sa New Year! Bagong taon, bagong pag-asa! Bagong taon, bagong aura! Nae-excite na ako sa mga pakulo at kaganapan sa 2013. Shet! Sana naman ay mas maging masagana ang bagong taon para sa ating lahat! Sagana sa pagkain, sa pera, sa kalusugan at syempre sa sex. Yun oh! Sana ay hindi maging nega ang 2013. Medyo scary din kasi may number 13. OMG! Alam n’yong bad luck ang number na ‘to. Gosh. Pero, tuloy lang ang laban. Tuloy ang buhay. Sama-sama tayo sa hirap at saya sa 2013. 🙂 Gumagawa na ba kayo ng new year’s resolutions? Naku itigil n’yo na ‘yan kasi hindi naman ‘yan natutupad. Huwag na kayong magpanggap. Go with the flow na lang.

At sa blog ko naman, asahan n’yo na MARAMING pasabog ang Yours Truly, Madma sa 2013!!! Abangan n’yo ang mga pakulo ni Madma sa mga susunod na araw. Itotodo natin ito. Hindi tayo titigil sa mga pasabog! Patuloy nating babaguhin ang mukha ng blogging world. Mas pinalakas, mas pinabongga at mas pasabog na YTM sa 2013! SHET! Excited na ako! Kapit kayo.

Maraming salamat sa tiwalang binibigay n’yo kay Madma. Salamat sa suporta at pagmamahal. Salamat sa mga fans na walang sawang tumatangkilik sa blog na ito.

I love you all. Merry Christmas and Happy New Year to everyone!

To end this post, hayaan n’yo namang i-serenade kayo ng ultimate idol ko na si Ms. Regine Velasquez. Super galing n’ya sa kantang ito! Kung ganito ang mangangaroling sa amin, ibibigay ko agad ang bahay namin! Pota. Kahit kapatid ko ibibigay ko na. 🙂 Go, Regine! Ito pala ang rendition ni idol ng song na “O, Holy Night.” BEST! GRABE! ❤


____________________

Ang galing ni Regine! Pota. Excited na sa resbak ni idol sa “Silver Rewind.” Sa January 5, 2013 na ito sa SM MOA Arena. Caaaaaaan’t wait! Shet. Sana naman hindi na siya paos by then. 🙂

Ito pala ang teaser ng “Silver Rewind.” Wooooh!


___________________

So, there. See you all next year. Which is next week na rin pala. 🙂

Yours truly,

Madma

(Photo credit: http://hhdwallpapes.com/desktop/happy-new-year-2013-hd-wallpapers-new-year-wishes-photos-1080p/.html?pid=926; http://hhdwallpapes.com/festival-celebration/happy-christmas-2012-hd-1080p-wallpapers-desktop-photos/.html?pid=542 and http://christmas-santaclaus.blogspot.com/)

P.S.

Malapit na ang pagbabalik ng mga inaabangan at kinalolokohang payo ni Madma! Kaya naman ipila n’yo na ang stories n’yo habang maiksi pa ang pila.

Ipadala ang inyong nguyngoy at ngasngas sa: yourstrulymadma@gmail.com. Sulat na para ma-feature na kayo sa YTM! GO!

P.P.S.

Isang bonggang pagbati sa aking CF na si Mr. Albert Konrad de Luna! Binabati kita sa iyong ika-28 na kaarawan. My God! Malapit ka na mag-30 years old ha. At least may jowa ka na. Yikeeee… 🙂 Gaya ng sabi ko, masaya ako sa mga pagbabagong dumarating sa bahay mo. Andito lang kame para sa’yo. Laban lang!

I love you, CF. Sana baguhin mo na yung mga “masasamang” ugali mo. 🙂

CFs
_______________________

And since birthday mo ngayon CF, hayaan mong kantahan ka ni idol Regine ng isang “simpleng” Christmas song. Ito na lang ang regalo n’ya sa’yo. hahaha

Presenting, Regine Velasquez in scat singing! PANALO!!! Mahusay. Wagi. Pak. Regine is lurve. ❤


_________________________