Happy Valentine’s Day, bitches!

HVD

Dear fans and followers,

Happy Valentine’s Day sa inyong lahat! Shet. Araw na naman ng mga puso. Parang kailan lang ‘eh araw ng mga patay ha. Grabe! 🙂

Ang saya-saya ng ambiance today. Nakaka-GV! Ang festive! Nagkalat ang mga flowers, chocolates at mga cards sa kalsada. Nakakakilig po talaga!!! 🙂 Pero ang malungkot na part kung wala kang jowa is yung fact na hanggang tingin ka na lang sa kanila kasi wala namang magbibigay sa’yo ng mga ito. Wahahaha Nega! 🙂 Well, pwede ka namang bumili for yourself. Kaya lang ang loser ng dating, ‘di ba? Medyo chaka din ‘yung makikita ka ng friends mo na may hawak na flowers at chocolates tapos kapag tinanong nila kung saan galing, ang sasagot mo is “binili ko.” MEDYO OFF. Parang anticlimactic! Pero go lang! Bili ka lang. Hindi ka namin iju-judge. 🙂

Sa mga fans na may jowa ngayong Valentine’s Day, ‘EH DI KAYO NA! SAKSAK N’YO SA BAGA N’YO ‘YANG JOWA N’YO! Charoth lang! 🙂 Seriously, I’m happy for you, guys. Imagine, sa laki ng mundo, nahanap n’yo pa rin ang isa’t isa. EEEEH. Soooo kiliiiig po! Tangena po. 😉 Stay happy and enjoy your relationship. Alagaan n’yo ‘yan at huwag hayaang masira kasi mahirap humanap ng true love. Mas madali pang tumakbo from SM North to SM MOA kaysa sa makakita ng love. 🙂 Ingatan n’yo ‘yang mga jowa n’yo lalo na kung pogi at ka-level ni David Beckham. Diyos ko! Alam n’yo namang madaming girls na kagaya ni Ms. Deniece Milet Cornejo na mahilig mag-invite sa condo at magpadala ng foods. 🙂 Huwag din nating kalimutan na madaming mga pamintang nagkalat sa kalsada na hayok sa so-called titi. Naku, ingat talaga. It’s a dangerous world out there.

Sa mga fans naman na this year lang nagkaroon ng jowa, SOOO HAPPY FOR YOU! 🙂 Aminan na tayo. Pinagdasal n’yo ‘yan nang todo! Aminin n’yo na sumayaw pa kayo sa Obando at nag-alay ng itlog kay Santa Clara para makuha ‘yan. Board exam?! wahaha Congrats ha! Sana magtagal kayo. 🙂 At sana hindi bakla ‘yang nakuha n’yo. Just in case naman na bakla nga, ‘wag kayong matakot. Andito kame!

Sa mga nasa ligawan stage pa din until now, PETSA NA?! Puro landian lang? Puro paandaran lang? Tama na ‘yan! Aksyon na! Tandaan n’yo, napapanis ang buko kapag hindi ginalaw. Bilis-bilisan n’yo na kasi baka dumating na si Lord at mag-second coming. Sayang ang time. Galaw!

Sa mga naka-long distance relationship mode ngayon, OK LANG ‘YAN! Cybersex na lang muna kayo. 🙂 Konting greetings at kamustahan then cybersex na. 🙂 Alam kong hindi madali ang malayo sa minamahal kaya tiis lang. Makakaraos din kayo.

Sa mga nasa rocky stage ng relationship ngayon, BITAW NA!!! Hindi kapit lang. 😉 Or bitaw na din. Parang dun ako sa bitaw na lang kayo kasi nakakapagod mag-drama. ‘Wag kayong matakot na mawalan ng jowa. Mas matakot kayong mawalan ng tubig. After all, ang tubig ay BUHAY!

And lastly, sa mga single naman na nauupod na ang dila kakadasal na sana ay magka-jowa na, PUSH LANG! Busy lang si Lord lately kaya hindi n’ya kayo masyadong maatupag. Kayo kaya maging Diyos! Tingnan ko lang kung makakain pa kayo sa kabusyhan! Don’t worry, nakapila na sa listahan ni Lord ang dasal n’yong ito. ‘Yung nga lang pang-1,378,987 pa kayo. WOW. Ang layo rin ha. 🙂 Basta ‘wag kayong mag-give up ha. Konting patience lang. Isipin ‘yo na lang ‘to: kung ang mga pangit ay nagka-jowa, paano pa ang magandang nilalang na kagaya n’yo?!” Yeeeeessss nomoooon! Gondoooo ni Mum. That’s the spirit! Cheers, bitch!

So, since Valentine’s Day nga ngayon, tiyak kong madaming magse-sex tonight. Punuan na naman sa mga motel or mas kilala sa discrete name na “motmot.” Double-time na naman ang mga staff ng Sogo Hotel for sure. Double-time din ang mga giant washing machine nila para labhan ang mga bedsheets para matanggal ang mga “ebidensya.” 🙂 At dahil sa madaming magse-sex later, madaming mabubuntis at madaming manganganak sa November. Ang lamig pa naman ngayon. Shet. PERFECT WEATHER! Ito ‘yung best weather na pang-sex ‘eh. Alam n’yo ‘yan. 🙂 Daming nagiging clingy kapag malamig. ‘Yung tipong “Babe, yakapin mo naman ako. Nilalamig me eh.” ‘YAN TAYO! 🙂

Anyway, enough of my nguyngoy. May konting reminders lang pala ako sa mga makikipag-sex sa motel mamaya. Paki-take note lang para happy tayo:
__________________________________________
Kama sutra

1. Mag-aral ng mga bagong sex moves. Manood muna ng Kama Sutra bago i-meet ang jowa. Magpasiklab kayo! ‘Yung tipong magugulat siya na bigla ka na lang tatalon tapos kakapit sa chandelier tapos dahan-dahan kang baba papunta sa lips n’ya! AAAY! ANG HOT! Hiyang-hiya ang chimpanzee. Kabog! Tama na ang mga pa-tweetums na sex moves. It’s time to step up the game.
__________________________________________
ungol

2. Iwasan umungol nang malakas. Konting finesse ha. Alam n’yong punuan sa lahat ng rooms sa motel ngayon kaya rinig na rinig kung ano man ang ungol n’yo. Baka magulat kayo at bigla na lang pumasok ang SOCO team sa room n’yo kasi akalain nilang may krimen ng nagaganap sa loob. Konting pagpipigil din para di maistorbo ‘yung ibang “clients” sa tabing room. Kung soper lakas n’yo talagang umungol ka-level ng mga pusa, lakasan n’yo na lang ‘yung TV para ma-balance. Or di kaya kagatin n’yo ‘yung unan para di mapalag ang bunganga n’yo.
_________________________________________
queueu

3. Huwag masyadong magtagal sa motel. Kawawa ang mga nakapila. Maawa kayo sa kanila. May pangangailangan din sila. Hindi n’yo alam kung anong hirap ang pinagdaanan nila para makatakas lang sa mga jowa nila. WOW KABIT PALA! 🙂 Maximum of two rounds lang sana ha. ‘Wag na kayong magpatumpik-tumpik. Pagpasok sa motel, go na agad!
________________________________________
regla

4. Push n’yo pa rin ang sex kahit may regla kayo tonight. ‘Wag matakot! Mas “dramatic” ‘yan. Mas intense. Hugas na lang after. 😉
________________________________________
condom

5. MAG-CONDOM! Safe sex lang tayo. Mahirap nang mabuntis ng wala sa oras. Kung lesbian naman ang partner n’yo, ipasuot n’yo pa din ang condom sa daliri n’ya. Mahirap ng magkaanak ng kuko. CHAR!

‘Yan lang naman! Enjoy the day! Happy Valentine’s Day again everyone. Group date lang ang peg ko later. Attack kame sa concert ni idol Regine Velasquez sa SM MOA ARENA! Andun ba kayo?! See you there then!

Love you all. ❤

Yours Truly,

Madma

(Photo sources: http://nationalharbor.com/event/happy-valentines-day/, http://akisswithcyanide.blogspot.com/2009/06/kamasutra-ayer-y-hoy.html, http://www.magicforest22.com/WerewolfAttraction.html, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding)

P.S. Gusto ko palang i-share ang bagong song ni Ms. Mariah Carey titled “You’re Mine.” Yes, the Diva is back! 🙂 Tamang-tama ang song n’ya para sa araw ng mga puso. I dedictae this song to all lovers out there! Yikeeee. Enjoy!
_________________________________

Advertisements

Pagpupugay sa mga SINGLE ngayong Valentine’s Day!

HVD
__________________________________________________
Dear fans and followers,

So, Valentine’s Day na pala ulit today. K. Keri. Noted. Enjoy kayo. Text-text na lang after. Busy ako.

WOW. Very nega lang ang peg. 😉 Well, hindi naman special ang araw na ito for me bilang single since birth ang Madma n’yo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng fans na hindi ko “forte” ang sarili kong love life. Kumbaga sa libro, pwedeng skip na natin ang part na ito at punta na lang tayo sa ibang chapters. Mas exciting pa! 😉 Kaya nga aliw na aliw ako sa Valentine’s joke ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na “para sa mga malungkot na single, ang tawag dito sa araw na ito ay Singles’ Awareness Day. Para sa mga masasayang single, ang tawag dito ay Singles’ Independence Day. Pero sa mga walang pakialam, ang tawag dito ay Thursday.” True enough. Today is THURSDAY. And tomorrow is FRIDAY. 🙂

Aminin na natin, magpakatotoo na tayo mga Sir/Ma’am, ang Valentine’s Day ay araw ng magkasintahan at magsing-irog. Ito ang araw na kung saan magde-date ang mag-jowa, magre-regaluhan sila nang bongga, mag-check in sa hotel/motel para mag-sex, manonood ng sine tapos mag-MOMOL sa loob, maglalampungan sa kalsada, maglalandian sa park etc. etc. Huwag na tayong maging polite at sensitive na ang araw na ito ay “para sa lahat.” Tigilan ako. I-rub in pa?! Hindi namin kailangan ng “sugar coating” at ng mga “polite” na statements. Sige nga kung “para sa lahat” ‘yan, isama n’yo kame sa motel later tapos sex tayong lahat. Ano?! Orgy ang peg. 🙂 Plain and simple, Valentine’s Day is for lovers. Kaya hindi talaga ako nasanay na pinagdiriwang ang “Araw ng mga Puso” bilang single for 27 years and counting. Anong gusto n’yong gawin ko? Tumambling? Umiyak? Bigyan ang sarili ko ng flowers at cards?! Baliw-baliwan?! Ano baaa!

What I’m saying is, hindi lahat ng tao ay masaya tuwing Valentine’s Day. Habang ang iba ay kilig na kilig ang pepe kasi may jowa, ang iba naman ay naloloka dahil nare-remind na naman sila na pa-expire na sila pero hindi pa rin nila nahahanap ang taong para sa kanila. Sad, but true. 😦 Well, ganun naman ‘eh. Laging may dalawang mukha ang mga bagay-bagay. Laging may dalawang sides ang isang coin. Laging may dalawang storya sa bawat kwento. 😦

Don’t get me wrong ha. Hindi ako BITTER! My God. Hindi ko hobby ang maging-Bitter Ocampo. I’m just presenting the other side of the story. Super happy kaya ako bilang single! 🙂 Alam ng mga immediate friends and fans ko ‘yan. Masaya ako sa current status ko so huwag kayong maulol. 🙂 Actually, I’m proud pa nga because after all these years, nalampasan ko ang mga pagsubok sa buhay nang mag-isa. Nabuhay ako nang maayos at malusog. Nabuhay ako ng marangal at matino. NABUHAY AKO. 🙂 Kaya mataas ang tingin ko sa mga single ‘eh kasi alam kong hindi din biro ang pinagdadaanan ng mga ‘yan sa buhay. Ang daming pagsubok and struggles ang hinarap nila nang mag-isa. Ang daming tagumpay at happy moments na ni-celebrate nila alone kasi wala namang silang “someone” to share it with. Yes, mga kaibigan tayo na nakakasama. At marami akong friends. Ang gastos na nga nila ‘eh. Gosh! Pero alam mo ‘yun, nagwi-wish ka pa rin na may “someone” na i-she-share mo ‘yung mga bagay-bagay. Gets n’yo na ‘to, Diyos ko! Expound pa ba?! 🙂
___________________________________________
couple
__________________________________________
Sobrang rare lang ako magka-crush at ma-inlove. Mas madalas pa ang dating ng bagyo sa Pilipinas kasya sa moments na nagkaka-crush ako nang tunay. Pero again, capable akong magka-crush at ma-inlove ha. Hindi naman ako halaman! 🙂 OR. 🙂 Talagang hindi lang ako swerte sa field na ito. At tanggap ko ‘yun. Sabi nga nila, hindi mo raw talaga makukuha ang lahat. Pakyu kayo kasi tama nga kayo! Char. 😉 Mataas rin kasi ang standards ko sa “partner” and sa love. Diyos ko naman, naghintay na rin lang ako ng almost 27 years, might as well itaas ko na talaga, ‘di ba?! Ang sad part lang is wala nang nakaka-abot masyado. Kumbaga, lahat below poverty line. 🙂 Pero hayaan n’yo, ibaba ko na rin soon. Baka ang maging standard ko na lang is basta humihinga, ayos na. I’m sure naman marami ng PASOK d’yan! 🙂

Basta ang keyword ko lang lagi sa buhay is “ENJOY.” Whether may jowa or wala, ENJOY LANG! Enjoy the moment. Enjoy the opportunity. Enjoy the situation. ENJOY! 🙂 Hindi naman porke’t may jowa na ‘eh masaya na, ‘di ba?! Ibang level din ng problema ang hinaharap ng mga may mga jowa. Nasa perspective lang talaga ang lahat. At masaya ako na lagi kong pinipili ang positibong perspective sa buhay. 🙂

Message ko sa lahat ng single na kagaya ko, ENJOY lang! Nakakaririndi man sa tenga pero gusto kong ulitin na “darating din ang para sa atin.” Maniwala tayo d’yan. 😉

Message ko sa mga may jowa, ENJOY lang din! Savor the moment. Baka bukas wala na ‘yan. WOW. Threat?!

Message to Mr. Cupid, pakipana na ‘yung puso ng taong para sa akin. Kung nahihiya ka, akin na ang pana mo at ako na ang titira! Medyo mabagal ka rin talaga minsan!

Message to Lord, Hi Lord. Ano na?! Galaw naman!

Message to myself, I’m so proud of you! 🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://cms.ccps.us/2013/02/03/pta-flower-candy-sale-for-valentines-day/; http://www.wehatecleaning.co.uk/st-valentines-day-around-the-world/)

P.S. Happy Valentine’s Day to everyone! Stay happy and SAFE! Huwag naman magpabuntis tonight. Tamang sex lang. 🙂