Matapang ka? Magpa-test ka!

hiv-aids

Dear fans and followers

Kamusta na ang mga beauty n’yo? Ang busy kapag December! Grabe. Kaliwa’t kanan ang mga gimik. Laging puyat. Ang todo ng gastos. Parang hindi natatapos ang mga kaganapan. Nakakaloka. But of course, super happy naman! 🙂 Ang saya rin talaga nung mga bonding moments slash reunions with your close friends. Magastos, yes. Pero, best! PRICELESS. 🙂

Bago ako chumika, gusto ko pala munang  i-mention na ang init ng December na ito! Tang ina. HOTTEST EVER! Ramdam n’yo ba? Grabe yung pinagpapawisan tayo ngayong December ha! Pati electric fan ko umiiyak din sa init. Ibang level ang alinsangan ngayon lalo na sa gabi. Ang lagkit ng feeling.  Hindi pwedeng hindi maligo. My god! Nasaan na ba ang tinatawag na “simoy ng Pasko?” Na-late?! Parang summer nga ngayon ‘eh. Aminin n’yo! Parang kering-keri magsuot ng bathing suit at mag-swimming. Ayoko ko pa naman ng init. Andami kasing pinuputok ‘eh. Lalo na sa MRT! Kairita.

Anyway, gusto ko pala i-share sa inyo na nagpa-HIV-AIDS test ako kahapon. At salamat naman sa Diyos at lahat ng mga tests sa akin ay negative or non-reactive. PAK! 🙂 Ito lang yata ang negative na masaya! 😉 Nakaka-alarm kasi yung pagtaas ng HIV cases sa Pilipinas lately kaya agad-agad din talaga akong nagpa-test. Aba, mabuti na ang sigurado ha! Mahirap ang nabubuhay sa agam-agam.

Admittedly, I have been very naughty this year. Yun oh! 🙂 Kaya naman hindi ako nage-expect ng kahit na anong regalo kay Santa Claus ngayong taon. Hindi rin talaga ako naging “behaved” this year. Sabihin na nating naging “sagana” tayo sa taong 2012. :)Andami kasing “tukso” nowadays ‘eh. And sadly, bumigay din talaga ako. Naging mahina ang Madma n’yo. 🙂 Pagbigyan n’yo na rin. Late bloomer na nga ako ‘eh. Late last year lang talaga ako nagsimulang “mag-bloom.” O, ‘di ba very late na?! Bordering to expiration na?! I’m sure yung iba sa inyo lumandi na agad the moment na natutong maglakad kaya huwag kayong magmalinis d’yan. Char. 🙂 Mapili rin kasi ako ‘eh kaya super late bloomer ako. Hindi ako kumakain ng “basura.” LAKAS! To be honest, hindi naman kasi talaga ako sexual na tao. Mas bet ko pang chumika at dumaldal. Mas mataas ang need ng bunganga ko kaysa sa need ko for sex. So there. 😉

Nakakatuwa na maraming nagpa-test doon sa center na pinuntahan ko kahapon. Isang malakas at dumadagundong na SHOUT OUCH para sa “Take The Test Project” para sa kanilang bonggang FREE and confidential HIV testing initiative. BONGGA talaga! Panalo ang services nila. Nagbigay sila ng HIV Counseling & Testing, Syphilis Testing, Referral to Treatment Hubs, Referral to support groups, Training on Basic STI, HIV & AIDS Education etc. PANALO TALAGA! Super saya ng chikahan ko with my assigned counselor. Shout ouch naman kay Sir Ryan Rovero Pinili. Salamat sa “pagpili” sa akin. WOW. 😉

TTT

Ang  “Take The Test Project” din pala ang nasa likod ng pasabog at napaka-kontrobersyal na “Maalalaala M0 Kaya” episode na pinamagatang “Pulang Laso” starring Carlo Aquino and Joem Bascon last December 1, 2012. Alam n’yong nakakaiyak ang storya nila Kevin and Allan! Sniff. 😦

Here is the trailer of “Pulang Laso” para ma-refresh kayo.

__________________

Galaw-galaw na mga Ma’am lalo na yung mga super dalas at ginagawang kanin ang pakikipag-sex. Pa-test na kayo! Sabi sa nabasa kong article sa rappler.com, “globally, the AIDS response is on the upswing. But the Philippine story is something else. UNAIDS’ 2012 report showed a 25% increase in new HIV incidents in the country.” Dagdag pa, “in 2012, at least 9 new cases of HIV or AIDS are reported every day, compared to only 1 new case every three days in 2000. If the trend continues, DOH projects up to 37,000 new cases of HIV in 2015, the supposed deadline to reverse HIV incidents set by UNAIDS.” OMG! Nakakalokaaaaa. 😦

Sabi naman sa article ng PhilStar, “based on the DOH’s Philippines HIV and AIDS Registry, the new infections brought to 2,761 the number of HIV cases since January this year, including 148 AIDS cases and 11 deaths. The registry showed that of the 295 cases, 93 percent were males while 57 percent were in their productive ages of 20 to 29 years.” Grabe yung more than 2,000 ang new HIV cases sa bansa this year alone! SCARY! 😦

Ang common mode of transmission pala ng HIV ngayon is MSM or Men who have sex with men. Yun na oh! Dami na kasing bading nowadays ‘eh. And malalanding bading for that matter. Daming promiscuous. Mukhang anghel sa labas pero WILD at laging nakatambay sa kama. Naku! Kaya naman ingat-ingat din tayo mga Ma’am. Hindi porke’t mukhang masarap, kakainin na! Ingat din talaga. Masarap ang sex, yes. Pero pwedeng ikamatay kapag hindi naging maingat. Isang maling galaw lang, tapos ka! Once na nakapasok na ang virus sa katawan mo, wala na! Kaya naman inaanyayahan ko ang lahat na maging matapang para magpa-test. Labanan ang stigma sa HIV! PLEASE! Hindi n’yo ikayayaman ang takot at hiya. Huwag n’yo ng hintayin na kayo na ang maging susunod na biktima. Huwag kayong matakot! Diyos ko naman. Test lang ‘yan! Para ka lang nagpa-check up ng ubo and the likes. Kukunan ka lang ng konting dugo for testing at i-interviewhin. Yun lang! Anong mahirap doon? Hindi ka nila pagwawalisin nor paglalabahin. Promise! Mahirap mabuhay sa agam-agam mga Ma’am kaya go na!

Ang hirap kasi sa iba, nauunahan agad ng takot. Yung tipong natatakot malaman ang katotohanan kaya natatakot magpa-test. Nega agad ang mga pota. Hindi pa man nagpapa-test, guilty na agad na positive sila. O, ‘di kayo na ang  may sariling testing center sa utak. Not likey ‘yan! Ano ba ang mas nakakatakot? Yung alam mo ang status mo o hindi? Obviously, mas mabuting alam mo ang HIV status mo! Duh. Kung negative ka sa test, congrats! Kung positive ka naman, so be it. Face it. After all, ikaw naman ang gumamit ng katawan mo so wala kang ibang sisisihin kundi ang sarili mo. Hinahamon ko kayong magpa-test. Magtulungan tayong maging HIV free ang bansang ito. Bahay natin ang Pilipinas. Tungkulin nating protektahan ito laban sa lahat ng panganib!

May mga kilala akong HIV positive at nakakalungkot na ilan sa kanila ay kaibigan ko. Yung dating HIV statistics lang at figures na binabasa ko, ngayon may mukha na. Nakakalungkot talaga. 😦 Kaya naman, ipinangako ko talaga sa counselor ko na magiging maingat na ako nang bongga! Abstinence na ‘to! Jakol na lang. WOW. 🙂 Iniisip ko na ngang mag-madre ‘eh. Arte pa?! Ibayong pag-iingat talaga ang kailangan sa panahon ngayon. At mabuting simulan ito sa pagpapa-test for HIV. Kaya go na! Pa-test na! Agree din ako panawagan na magpa-test din ang mga mataas na government officials natin para mahikayat ang lahat na magpa-test. Kailangan kasi talaga mawala yung “stigma” at “takot” sa HIV testing ‘eh.

Yun lang naman. Sana ay nahikayat kayo ni Madma. AIDS Awareness month pala ngayon so ito ang best time para mag-take ng test! Tandaan, hindi kayo nakakasigurado unless magpa-test kayo. Huwag kayong kampante. Huwag n’yong i-base ang HIV status n’yo sa gut feel n’yo. PAK! GO NA!

Yours truly,

Madma

(Sources: http://www.rappler.com/nation/16494-rising-hiv-cases-in-ph-buck-global-decline; http://www.philstar.com/headlines/2012/12/04/879865/hiv-cases-%E2%80%93-doh; and http://www.doh.gov.ph/sites/default/files/NEC_HIV_Feb-AIDSreg2012.pdf)

(Photo credit: http://exministries.wordpress.com/2012/11/28/the-truth-behind-hip-hop-cdc-us-aids-epidemic-fresh-in-risk-taking-youth/ and

P.S. Bisitahin n’yo ang website ng “Take The Test Project” para malaman ang next nilang schedule for FREE HIV testing! Again, it’s for FREE! So wala ng dahilan para umarte-arte!

“Take The Test Project”

Website: http://www.takethetest.ph/

Facebook: http://www.facebook.com/takethetest/info

__________________

Advertisements

Humayo Ka at Rumampa

Dear Madma,

Last week I stumbled across your blog and I was captivated by your posts. Kaya heto ako, requesting for your thoughts, assistance- simply wanting to have a conversation.

Lately, I’m thinking na ready na ako to have a relationship pero everytime na may nakikilala ako, eh naduduwag ako. First, what if magkasakit ako kase may kaibigan akong HIV positive. Dati, it is just a number na nababasa natin sa news pero this time, ka-kilala ko na- definitely not a number anymore. For another, three of my gay friends ay sabay-sabay na nakipag-break sa mga partners nila of 4, 5 and 7 years. And lastly, matanda na rin ako at medyo naging busy literally sa work kaya medyo napabayaan ko ang isang aspeto ng buhay ko na akala ko eh di naman importante sa akin noon. Minsan iniisip ko na too late na siguro kase kulang na rin sa practice eh, di ko na ata alam paano magpaligaya ng isang tao.

Am 31 yrs old, medyo cute naman sabi ng mga kaibigan ko, workaholic, serious, never had a relationship, though had some fun here and there nung kabataan ko. Madma, I guess am ready to have someone in my life and just to let you know, someone na seryoso. Is it still possible?

Yours truly,

Jeepney Driver

P.S. One hot gay here. Or so I think!

___________________________________________

Dear Jeepney Driver,

Welcome sa YTM! Salamat naman at “na-captivate” ka ng mga posts ni Madma. Kaka-flatter! 😉 Lakas maka-bihag nung word na “captivate” ha. Naalala ko tuloy si Ms. Ces Drilon na minsan na ring “na-captivate” ng Abu Sayaff. Shout ouch naman sa inyo, Ms. Ces. 🙂 On the other hand, pwede ring pang-bold star ang word na “captivate” ha. OMG! Iniisip ko tuloy na palitan na ang title ko from Ultimate Horror Diva to “Captivating Diva.” TARAY!!! Buti naman at na-stumble across mo ‘tong blog ko. Mapalad ka at napadpad ka sa YTM. Maraming tinatawag pero iilan lang ang nakakakita ng “liwanag.” WOW. Mama Mary naman pala ang peg.

Grabe ang taas rin ng confidence mo sa statement na ito “one hot gay here.” SURE KA?! Parang walang masyadong basis ‘tong claim mo na ‘to. Parang puro angas lang. Send ka naman ng picture para malaman namin kung legit ba na “hot” ka. Picture naman showing your dick. Kahit picture lang from your abs to your balls. Kahit wala ng face. CHAROTH!! Ang dumi ng bunganga ko. Makapag-hilamos nga ng Holy Water para mahismasan. 🙂

Anyway, ano baaaa! Huwag kang matakot sumubok ulit magmahal. Huwag kang maduwag. Laban lang! Walang matanda at bata sa love. Si Madam Auring nga at Vicky Belo’ ‘di ba?! Ilang beses nang nadapa pero NEVER sumuko. Grabe yung pinag-level ko sila. Parang na-offend si Dra. Belo. 🙂 Si Idol Regine Velasquez din, age 40 na nung magka-jowa at magka-anak. O, ‘di ba lola level na rin! Huwag kang ma-nega sa edad mo. Malakas pa bumayo ang isang 31 years old. Alam ko ‘yan kasi nasubukan ko na. CHAR!

Huwag ka ring ma-nega sa kaliwa’t kanang break-ups ng mga gay friends mo. Malas lang talaga sila sa buhay. Kasi nga bading sila. Salot sa pananim. CHAR! Hayaan mo lang silang makipag-break. Hindi mo naman kasalanan na nasira ang relationships nila sa mga partners nila of 4, 5 and 7 years. Huwag kang pa-involve. Ang mga naganap sa kanila ay not necessarily magaganap sa’yo. Gabay lamang sila. Mayroon tayong freewill. Gamitin natin ito. PAK! 🙂

Alam mo, feeling ko, mas nato-trauma ka lang kasi may HIV positive ka na friend. I think ito yung major factor kaya nauulol ka. Damang-dama ko yung takot mo sa HIV part. Well, hindi rin kita masisi kasi dumarami na rin talaga ang mga kaso ng HIV sa bansa. Medyo HIV equals death din. Pero hindi ito dapat maging hadlang sa muling pagtibok ng puso mo! Grabe naman yung kaka-meet pa lang HIV na agad ang nasa isip mo? Hindi ba pwedeng ubo muna at sipon? Kaloka ka.

Huwag mo naman hayaang mamatay ang puso mo dahil sa kasawian ng iba. Ang unfair mo naman sa self mo. Not likey ‘yan! Kung hindi mo na rin lang gagamitin ang puso mo dahil sa “takot,” siguro better na i-donate mo na lang ‘yan sa Philippine Heart Center para magamit ng iba. Pwede namang maging maingat habang sumusubok muli sa pag-ibig, ‘di ba?! Pwede namang date, date lang minus the sex muna, right? Hindi ka dapat ma-nega sa mga external factors sa buhay. Wake-up call lang dapat sila pero hindi ka dapat pigilan ng mga factors na ito para muling magmahal. Isipin mo na lang kung ang mga parents natin ay natakot dati at nagpa-apekto sa kanegahan ng buhay. ‘E ‘di hindi na sila lumandi at hindi na tayo pinanganak! Wala na sanang Madma and “One hot gay here” sa mundong ito, ‘di ba?! Huwag kang matakot, Jeepney Driver. Lumayo ka sa kanegahan. Mag-yoga ka nga. Parang ang daming negativities sa buhay mo. Go na!

Take it from Madma, huwag kang matakot na sumubok muli sa pag-ibig. Go lang nag go! Walang taong nagtatagumpay nang hindi sumusubok. Lahat ng matagumpay na tao ay nagsimula sa simpleng “subok.” Subok lang nang subok. Or subo lang nang subo. Char. 🙂 Sa tingin ko, handa ka na muling magmahal. Nane-nega ka lang sa mga kaganapan sa paligid mo. Huwag kang paapekto. Gumawa ka ng sariling marka sa mundong ito. Hanapin mo ang kaligayahan na para sa’yo. 🙂 Kung mabigo at madapa ka man,‘e di umiyak ka at bumangon. Ganun lang. Tandaan mo, 31 years old ka na, assuming na mamamatay ka by the age of 60 (grabe yung pinapatay na kita), that means na meron ka na lang 29 years sa mundong ito. Hahayaan mo bang masayang ang 29 years na nabubuhay sa takot at pangamba? Hahayaan mo ba ‘to?! Huwag naman sana, Jeepney Driver. SAYANG! 😦

So much for excuses na busy ka sa work, workaholic ka at wala kang time. Busy din kame! Huwag kang pabida. Laging may time sa mga bagay na gusto natin sa buhay. Laging may time. Umaarte ka lang. Walang deadline sa love so hindi ka pa late. 🙂 Magmahal ka lang, Jeepney Driver. I-unleash mo na ang kalandian mo. I know malandi ka. Char. 🙂

Enjoyin mo ang buhay. Humayo ka at hanapin ang iyong kaligayahan. SUGOD!

Bon Voyage. 😉

Yours truly,

Madma

(The phot above was lifted from tbsi site: http://wallpaper-million.com/download/Big-wave-is-about-to-eat-a-small-boat-wallpaper_2930.html)

P.S. At talaga namang ito ang ang pinahihintay ng mga taga-P&G IT ng IBM Solutions Delivery, Inc. Shout ouch naman sa mga bago kong fans sa IBM. 🙂 Grabe yung involvement ko rito ha! Kakaloka! 🙂

Tandaan ang gift-giving dates n’yo. Grabe yung kakalimutan!:

November 29
December 7
December 14

Each gift should amount to P100 (for Nov. 29 and Dec. 7) and P300 (for Dec. 14), and should follow the theme. Ang theme n’yo pala is “Infectious Diseases.” Bongga! Special instructions like where to leave the gifts will also be provided.

ITO NA!!! Ito na pala ang inyong mga codenames:

1. Brazilian Hemorrhagic Fever

2. Tuberculosis

3. Burkholderia

4. Malaria

5. SARS

6. Chikungunya

7. Kulogo

8. Anthrax

9. Mad Cow

10. Bulutong

11. African Sleeping Sickness

12. Clonorchis Sinensis

13. Venezuelan Equine Encephalitis

So there. Ang taray naman ng mga codenames n’yo. Mga sakit talaga?! Very nega. 😉 Sana naman hindi n’yo ma-acquire yung mga napili n’yong sakit. In fairness ha, walang nagkapareho! Good job kayo! 😉

Good luck sa Kris Kringle n’yo. Galingan n’yo naman! Hope to meet you all in person soon. ❤

P.P.S. Patuloy lang sa pagpapadala ng mga nguyngoy at ngasngas kay Madma. Isulat n’yo lang at ipadala ang mga storya n’yo sa yourstrulymadma@gmail.com. Ife-feature ko ‘yan dito! KAYA GO NA!

Salamat sa lahat ng mga sumusubaybay at walang-sawang nagbabasa ng mga posts ni Madma.

I love you all. ❤

And since super lapit na ng concert ni Idol Regine Velasquez, isa ulit panalong Regine moment ang handog ko sa inyo! Sa Friday na ang concert ni Regine sa SM MOA Arena. Hindi na ako makapag-hintay! I’m sure pasabog ‘tong concert na ito. Todo biritan ‘to! Kaya naman mag-Regine muna tayo! One of my favorite songs: To Reach You.