Happy Valentine’s Day, bitches!

HVD

Dear fans and followers,

Happy Valentine’s Day sa inyong lahat! Shet. Araw na naman ng mga puso. Parang kailan lang ‘eh araw ng mga patay ha. Grabe! 🙂

Ang saya-saya ng ambiance today. Nakaka-GV! Ang festive! Nagkalat ang mga flowers, chocolates at mga cards sa kalsada. Nakakakilig po talaga!!! 🙂 Pero ang malungkot na part kung wala kang jowa is yung fact na hanggang tingin ka na lang sa kanila kasi wala namang magbibigay sa’yo ng mga ito. Wahahaha Nega! 🙂 Well, pwede ka namang bumili for yourself. Kaya lang ang loser ng dating, ‘di ba? Medyo chaka din ‘yung makikita ka ng friends mo na may hawak na flowers at chocolates tapos kapag tinanong nila kung saan galing, ang sasagot mo is “binili ko.” MEDYO OFF. Parang anticlimactic! Pero go lang! Bili ka lang. Hindi ka namin iju-judge. 🙂

Sa mga fans na may jowa ngayong Valentine’s Day, ‘EH DI KAYO NA! SAKSAK N’YO SA BAGA N’YO ‘YANG JOWA N’YO! Charoth lang! 🙂 Seriously, I’m happy for you, guys. Imagine, sa laki ng mundo, nahanap n’yo pa rin ang isa’t isa. EEEEH. Soooo kiliiiig po! Tangena po. 😉 Stay happy and enjoy your relationship. Alagaan n’yo ‘yan at huwag hayaang masira kasi mahirap humanap ng true love. Mas madali pang tumakbo from SM North to SM MOA kaysa sa makakita ng love. 🙂 Ingatan n’yo ‘yang mga jowa n’yo lalo na kung pogi at ka-level ni David Beckham. Diyos ko! Alam n’yo namang madaming girls na kagaya ni Ms. Deniece Milet Cornejo na mahilig mag-invite sa condo at magpadala ng foods. 🙂 Huwag din nating kalimutan na madaming mga pamintang nagkalat sa kalsada na hayok sa so-called titi. Naku, ingat talaga. It’s a dangerous world out there.

Sa mga fans naman na this year lang nagkaroon ng jowa, SOOO HAPPY FOR YOU! 🙂 Aminan na tayo. Pinagdasal n’yo ‘yan nang todo! Aminin n’yo na sumayaw pa kayo sa Obando at nag-alay ng itlog kay Santa Clara para makuha ‘yan. Board exam?! wahaha Congrats ha! Sana magtagal kayo. 🙂 At sana hindi bakla ‘yang nakuha n’yo. Just in case naman na bakla nga, ‘wag kayong matakot. Andito kame!

Sa mga nasa ligawan stage pa din until now, PETSA NA?! Puro landian lang? Puro paandaran lang? Tama na ‘yan! Aksyon na! Tandaan n’yo, napapanis ang buko kapag hindi ginalaw. Bilis-bilisan n’yo na kasi baka dumating na si Lord at mag-second coming. Sayang ang time. Galaw!

Sa mga naka-long distance relationship mode ngayon, OK LANG ‘YAN! Cybersex na lang muna kayo. 🙂 Konting greetings at kamustahan then cybersex na. 🙂 Alam kong hindi madali ang malayo sa minamahal kaya tiis lang. Makakaraos din kayo.

Sa mga nasa rocky stage ng relationship ngayon, BITAW NA!!! Hindi kapit lang. 😉 Or bitaw na din. Parang dun ako sa bitaw na lang kayo kasi nakakapagod mag-drama. ‘Wag kayong matakot na mawalan ng jowa. Mas matakot kayong mawalan ng tubig. After all, ang tubig ay BUHAY!

And lastly, sa mga single naman na nauupod na ang dila kakadasal na sana ay magka-jowa na, PUSH LANG! Busy lang si Lord lately kaya hindi n’ya kayo masyadong maatupag. Kayo kaya maging Diyos! Tingnan ko lang kung makakain pa kayo sa kabusyhan! Don’t worry, nakapila na sa listahan ni Lord ang dasal n’yong ito. ‘Yung nga lang pang-1,378,987 pa kayo. WOW. Ang layo rin ha. 🙂 Basta ‘wag kayong mag-give up ha. Konting patience lang. Isipin ‘yo na lang ‘to: kung ang mga pangit ay nagka-jowa, paano pa ang magandang nilalang na kagaya n’yo?!” Yeeeeessss nomoooon! Gondoooo ni Mum. That’s the spirit! Cheers, bitch!

So, since Valentine’s Day nga ngayon, tiyak kong madaming magse-sex tonight. Punuan na naman sa mga motel or mas kilala sa discrete name na “motmot.” Double-time na naman ang mga staff ng Sogo Hotel for sure. Double-time din ang mga giant washing machine nila para labhan ang mga bedsheets para matanggal ang mga “ebidensya.” 🙂 At dahil sa madaming magse-sex later, madaming mabubuntis at madaming manganganak sa November. Ang lamig pa naman ngayon. Shet. PERFECT WEATHER! Ito ‘yung best weather na pang-sex ‘eh. Alam n’yo ‘yan. 🙂 Daming nagiging clingy kapag malamig. ‘Yung tipong “Babe, yakapin mo naman ako. Nilalamig me eh.” ‘YAN TAYO! 🙂

Anyway, enough of my nguyngoy. May konting reminders lang pala ako sa mga makikipag-sex sa motel mamaya. Paki-take note lang para happy tayo:
__________________________________________
Kama sutra

1. Mag-aral ng mga bagong sex moves. Manood muna ng Kama Sutra bago i-meet ang jowa. Magpasiklab kayo! ‘Yung tipong magugulat siya na bigla ka na lang tatalon tapos kakapit sa chandelier tapos dahan-dahan kang baba papunta sa lips n’ya! AAAY! ANG HOT! Hiyang-hiya ang chimpanzee. Kabog! Tama na ang mga pa-tweetums na sex moves. It’s time to step up the game.
__________________________________________
ungol

2. Iwasan umungol nang malakas. Konting finesse ha. Alam n’yong punuan sa lahat ng rooms sa motel ngayon kaya rinig na rinig kung ano man ang ungol n’yo. Baka magulat kayo at bigla na lang pumasok ang SOCO team sa room n’yo kasi akalain nilang may krimen ng nagaganap sa loob. Konting pagpipigil din para di maistorbo ‘yung ibang “clients” sa tabing room. Kung soper lakas n’yo talagang umungol ka-level ng mga pusa, lakasan n’yo na lang ‘yung TV para ma-balance. Or di kaya kagatin n’yo ‘yung unan para di mapalag ang bunganga n’yo.
_________________________________________
queueu

3. Huwag masyadong magtagal sa motel. Kawawa ang mga nakapila. Maawa kayo sa kanila. May pangangailangan din sila. Hindi n’yo alam kung anong hirap ang pinagdaanan nila para makatakas lang sa mga jowa nila. WOW KABIT PALA! 🙂 Maximum of two rounds lang sana ha. ‘Wag na kayong magpatumpik-tumpik. Pagpasok sa motel, go na agad!
________________________________________
regla

4. Push n’yo pa rin ang sex kahit may regla kayo tonight. ‘Wag matakot! Mas “dramatic” ‘yan. Mas intense. Hugas na lang after. 😉
________________________________________
condom

5. MAG-CONDOM! Safe sex lang tayo. Mahirap nang mabuntis ng wala sa oras. Kung lesbian naman ang partner n’yo, ipasuot n’yo pa din ang condom sa daliri n’ya. Mahirap ng magkaanak ng kuko. CHAR!

‘Yan lang naman! Enjoy the day! Happy Valentine’s Day again everyone. Group date lang ang peg ko later. Attack kame sa concert ni idol Regine Velasquez sa SM MOA ARENA! Andun ba kayo?! See you there then!

Love you all. ❤

Yours Truly,

Madma

(Photo sources: http://nationalharbor.com/event/happy-valentines-day/, http://akisswithcyanide.blogspot.com/2009/06/kamasutra-ayer-y-hoy.html, http://www.magicforest22.com/WerewolfAttraction.html, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding, http://jezebel.com/5891185/your-period-is-a-time-for-deep-lady+bonding)

P.S. Gusto ko palang i-share ang bagong song ni Ms. Mariah Carey titled “You’re Mine.” Yes, the Diva is back! 🙂 Tamang-tama ang song n’ya para sa araw ng mga puso. I dedictae this song to all lovers out there! Yikeeee. Enjoy!
_________________________________

Advertisements

Madma Reacts: Sabah Standoff

Dear fans and followers,

Hello everyone! Kamusta na kayo?! Ang titindi ng mga pasabog natin sa YTM last week ha, aminin n’yo ‘yan. Taas ng ratings natin!!! In fact sa sobrang taas, nag-peak tayo nang bongga last Sunday afternoon at nakuha natin ang 28th spot bilang most read and viewed blog in the Philippines under Personal category based sa topblogs.com. LAKAS!!! Tangina. 😉 I think kaya na rin nating sabayan ang ratings ng teleserye ni Ms. Kim Chu na ‘Ina, Kapatid, Anak, Tiyuhin, Biyenan.’ Charoth. 😉

Just so you know, mahirap ang labanan ng ratings sa blogging industry kaya huwag kayong masyadong umarte. Patayan talaga! Parang labanan lang ng ratings sa TV. Sa dami ba naman ng blogs nowadays! Diyos ko naman. Every week ang labanan ng mga blogs sa ranking. Very competitive talaga! Ang hirap ding sumabay lalo na sa kagaya kong may totoong full-time job. Gosh! Pero laban lang. Laban lang nang laban! 🙂

Kaya naman WAGAS ang pasalamat ko sa lahat ng mga walang-sawang nagbabasa ng blog na ito. Salamat naman at sa dami ng mga babasahin ngayon sa internet ay may time pa kayong bisitahin si Madma at makinig sa mga ngasngas n’ya. Na-touch naman ako sa support n’yo, guys. Biruin n’yong nagbabasa pala kayo?! Group hug naman! ;)Hindi ko na tuloy masyadong nararamdaman na single ako kasi and’yan kayo lagi for me. WOW. Arte!

Anyway, MARAMING SALAMAT muli sa inyong tiwala at suporta. Lalo tuloy akong ginaganahang magsulat. Salamat, salamat, salamat talaga! Mas marami pa tayong pasabog sa mga susunod na araw. Asahan n’yong itotodo pa natin ang laban. TARAY!

I love you all. 🙂
________________________________________________
Jamalul-Kiram
________________________________________________
Gusto ko palang pag-usapan natin ang iringan ng Malaysian government at ng pwersa ni Sulu Sultan Jamalul Kiram III about sa ownership ng Sabah. Super init kasing issue ito ngayon kaya bilang tinaguriang ‘Boses ng Masa,’ marapat lamang na ilabas ko ang ngasngas ko about it. Dapat kasi talaga ay payuhan portion tayo today. Pero I decided na bukas na lang pasabugin ang featured letter natin to give way to this very timely subject. Shout ouch naman sa pagiging relevant ni Madma! Ang pa-involve ko na rin talaga sa mga national issues ha. 🙂

Anyway, usong-uso na naman lately ang agawan ng teritory! Super scary talaga. Kung dati ay asawa at jowa lang ang karaniwang pinag-aagawan, ngayon, pati ang mga lupain at teritoryo ay pinagdidiskitahan na naman. Ang mga tao nga naman oh. PASAWAY! Siguro mabuting i-check n’yo rin kung kayo pa rin ba ang may-ari ng puso ng asawa or jowa n’yo. Baka maloka kayo at IBA na pala ang may-ari n’yan. SHOCKING! 🙂

Isang classic example na nga ng agawan ay ang walang kamatayan at ang nagbabalik na issue sa tunay na may-ari ng Sabah. Very plot sa teleserye ang peg nito. Kanino nga ba ang Sabah?! ‘Yan ang million dollar question ngayon. Sa totoo lang, ang tunay na may-ari ng Sabah ay si Lord. Alam n’yong siya ang may-ari ng lahat! So, ano pang issue bale?! Charoth lang, beybe!

O, eto, para hindi kayo ma-lost sa issue, ichi-chika ko muna sa inyo quickly ang background ng iringang ito. Flashback muna tayo sa simula ng lahat para mas madaling maintindihan. Mahalaga kasing malaman natin ang simula ng storya para mas madaling makagawa ng opinyon at kuru-kuro. Kumbaga sa fairy tale, mag-start tayo sa classic line na “once upon a time.” GAME! 😉

Noong unang panahon, wala pang Sabah. Lakatan pa lang at tsaka Latundan ang mayroon. Then isang araw, biglang may umusbong na tila kakaibang klase ng prutas sa isang ‘di kalayuang kakahuyan. Medyo mataba ang prutas na ito, bilugan at kulay brown. Hindi ito titi, ok?! 🙂 One time, may isang Ale na dumaan sa area na ‘yun tapos nakita n’ya ang naturang prutas. Kinuha n’ya ito, binalatan at tinikman. While eating, biglang napasigaw ang Ale, “Shit. Ang sarap naman nitong prutas na ito! Grabe. Nakakaulol! Para siyang… para siyang…para siyang… Sabah!” At ito nga ang ‘Alamat ng Saging na Sabah.’ CHAROTH! Ano baaaaaa. Ang corny! 🙂

Serious na nga. GAME!
_________________________________________________
IMAGE_FEB222013_UNTV-News_Google-Maps_SABAH
_________________________________________________
Base sa aking mga nakalap na data, ang Sabah (North Borneo) pala ay pag-aari na ng Sultan ng Sulu noon pang 1704. Ang lupain na ito ay iniregalo ng Sultan ng Brunei sa Sultan ng Sulu bilang pasasalamat nito sa tulong na ibinigay ng Sultan ng Sulu sa pagpuksa sa malakasang rebellion sa Brunei at that time. Ang bongga magregalo ng Sultan ng Brunei no?! Hiyang-hiya si Ms. Sharon Cuneta. Kukunin ko talaga siyang Ninong sa kasal kung buhay na ako noon. Ok na sa akin na regaluhan n’ya ako ng sampung poging lalaki. SHET! Feeling ko sisiw lang sa kanya ang simpleng request na ito. Kahit gawin ko pang twenty, kering-keri!

Noong 1878 naman, pumasok sa isang ‘lease agreement’ ang Sultan ng Sulu with British nationals na sina Gustavus Baron de Overbeck and Alfred Dent. Ayon sa agreement, ang mga British nationals na nabanggit ay pinayagang mag-occupy sa Sabah kapalit ng pagsu-supply nila ng armas sa Sultan. Kaaway kasi ng Sultan ang mga Spaniards during that period. Ang mga armas na sinu-supply ng mga British nationals ay ginagamit ng Sultan laban sa Spaniards. Hindi pinapang-raffle ang mga armas ha! Hindi ito level ng show ni Willie Revillame.

Maliban sa pagsu-supply ng armas, required din na magbayad ang mga British nationals ng 5,000 Malaysian ringgits annual rental based on the Mexican dollar’s value at that time or its equivalent in gold. So, dalawa ang components ng agreement– ang pagsusupply ng armas at pagbabayad ng annual rental. Maayos naman ang naging kalakaran ng usapan. More bayad ang dalawang Briton, more kubra ang Sultan. Naging swabe naman ang kalakaran. Maliwanag din palang nakasaad sa agreement na ang rights ng Sabah ay hindi pwedeng i-transfer to any other nation or anyone else without the Sulu Sultan’s express consent. Klaro pala ‘yan!

After some years, pinasa at binenta na nila Gustavus Baron de Overbeck and Alfred Den ang kontrata ng pag-renta sa Sabah sa British Empire. Ang British Empire na ang nagpatuloy ng pag-occupy sa Sabah. Out na sa story sina Overbeck at Den. Kumbaga sa teleserye, pinatay na ang characters nila sa puntong ito. 🙂

Noong 1946, after 86 years since the lease agreement was inked, tuluyan nang inangkin ng British Empire ang Sabah. Hindi lang inangkin ha, pinamigay pa nila ito sa isa sa mga colonies nila. To quote one of my sources, “the British Empire included Sabah in the Federation of Malaysia when it granted independence to its colony in 1963.” O, di ba nakakaloka?! Umupa lang tapos biglang sa kanila na tapos pinamigay pa! LUPET! Lakas maka-gago no?! Try ko kayang gawin ito sa landlady namin, Ewan ko lang kung hindi n’ya ako kalbuhin!

Kaya naman dahil sa nakapa-cheap na agawang ito, nanghingi ng saklolo ang Sultan ng Sulu sa Philippine Government. In 1962, the Sultan of Sulu entered into an agreement with the Government of the Philippines para ipagpatuloy ang laban sa pagbawi sa Sabah sa International Court of Justice. Naganap ang ang agreement na ito noong time ni Presidency Diosdado Macapagal. So in essence, ang Philippine government dapat ang TAGAPAGTANGGOL ng Sultan ng Sulu. ‘Yan pala ang usapan.
___________________________________________________
home-affairs-minister2
___________________________________________________
So ngayong present time, ANO NG NANGYARI?! Bakit nagka-leche leche na?! Historically, ang Sultan pala talaga ng Sulu ang may-ari ng Sabah. SA PILIPINAS ANG SABAH. Nasa kamay ni Sultan Kiram ang lahat ng dokumento at ebidensya na magpapatunay sa claim na ito. So, anong inaarte-arte ng Malaysia?! Grabe ‘yung sila pa ang may ere! Duh. Konting HIYA naman ‘d’yan. Alam kong alam n’yong hindi talaga sa inyo ang lugar na ‘yan so ‘wag na kayong magmaang-maangan. Napapalibutan na namin kayo. Char. 😉

Until now pala ay tuloy ang pagbabayad ng Malaysia ng renta sa heirs ng Sultan ng Sulu. Sabi sa chika, ang Malaysian Embassy ay nagbabayad pa rin ng annual rent amounting to USD1,500 per year bilang kabayaran sa paggamit sa Sabah. Hindi ka naman magbabayad ng renta kung hindi mo ina-acknolwedge na may-ari ‘yung pinagbabayaran mo, ‘di ba?! Ang simple nito, PLES! Kahit elementary student mage-gets na ‘to agad. Hindi nila pwedeng gamitin ang argument na ang Sabah ay binigay sa kanila ng British Government kasi in the first place, hindi naman sa mga Briton ang Sabah. Walang namang naganap na bentahan ng Sabah sa pagitan ng Sultan ng Sulu at ng British Empire! Gosh. Irita. 😦 Sa toong buhay, hindi mo pwedeng ipamigay sa iba ang bagay na hindi sa’yo! Ano ba. Expound ko pa ba ‘to?! Mismong ilang mga Malaysian observers na nga ang nagsasabing sa Pilipinas ang Sabah ‘eh. PAPALAG PA BA?!

Hindi ko rin masisisi ang ginawang paglusob ng grupo ni Sultan Jamalul Kiram III last February 9, 2013 sa Lahad Datu sa Sabah. After all, sa kanila naman pala ang lupaing ito. Sila ‘yung inaagawan. Sila ‘yung ninakawan. Sila ang BIKTIMA. Ang sad lang ‘nung parang pinagtatabuyan sila sa sarili nilang pag-aari. Isipin mo, ikaw ‘yung landlady at ang LEGAL na may-ari ng isang apartment tapos noong pumunta ka sa property mo ay pinagtabuyan ka na lang ng mga umuupa sa’yo. POTA! Asan naman ang sense nito?!
_________________________________________________
philippines_malaysia_sabah
_________________________________________________
At ang worst part is, ang ating mahal na pangulo na si PNoy na inaasahan nilang kakampi sa kanilang laban ay pumabor pa sa Malaysians. SHOCKING! Malaysians ba ang nagluklok sa kanya?! Last time I checked, HINDI! Gosh. 😦 Ang sakit ‘nun sa part ni Sultan Kiram ha. Para silang inabandona ng sarili nilang ama. Para silang pinagkanuno ng sarili nilang kasangga. Para silang iniwan ng kanilang pamilya sa gitna ng isang matinding labanan. Sila na nga ‘yung nasa TAMA, sila pa ‘yung iniipit, sila pa ‘yung tinatakot at pinagbabantaan, sila pa ang pinapalabas na masama ng gobyernong dapat sama ay KAALYADO NILA. GRABE!!!

Actually, hindi naman pala dapat aabot sa ganito ang galit ni Sultan Kiram at hindi na sana magiging magulo ang lahat kung pinansin at binasa ni PNoy ang letter ni Sultan Kiram requesting for a consultation on peace talks. Last 2010 pa pala pinadala ng Sultan ang nasabing letter sa Malacañan, ilang linggo matapos manalo si PNoy as President. In fairness to Sultan Kiram, gumawa siya ng initiative para mabuksan ulit ang usapan re: peace process sa Mindanao including the issue on Sabah. Pero anong naganap? Hindi nabasa ni PNoy ang nasabing letter! To quote PNoy, “let me say to Sultan Jamalul Kiram III: I have just been made aware that a letter to me, from you, was sent through the Office of the Presidential Adviser on the Peace Process in the very first weeks of my term, when we were organizing the government. Unfortunately, this letter was lost in the bureaucratic maze.” NAWALA naman pala ang letter. Ok. NOTED!

Overall, ang duwag ni PNoy at ng kanyang administration sa kasong ito. Para sabihin n’yang “hopeless cause” ang laban sa ownership ng Sabah ay patunay lang na wala siyang balak i-push ang pag-claim nasabing lupain. Kung wala naman pala siyang balak protektahan ang mga ari-arian natin, ‘eh ‘di ipa-raffle n’ya lang ang lahat ng lupain ng Pilipinas para mas happy! Ako na magho-host para mas bongga! Gosh. NAKAKALOKA. 😦

Don’t get me wrong ha, hindi ako pabor sa kaguluhan at hindi ko ina-advocate na gerahin natin ang Malaysia. I’m all for peaceful resolution and all. Ang akin lang is dapat mabuhay ulit ang malakas na call natin sa ownership ng Sabah na matagal nang natengga! Ito naman kasi ang ultimate long-term call sa issue na ito ‘eh. Whether may nagtulak kina Sultan Kiram para gawin ang paglusob or wala, the fact still remains na may issue sa ownership ng Sabah at kailangan itong ma-resolve ASAP! Wow. Urgent?! 🙂 Pero based sa mga turn of events ngayon, mukhang walang malinaw na plano si PNoy about it. Ang concern lang n’ya is mapaalis ang grupo ni Sultan Kiram sa Sabah, which is very short-term na pagtingin. Wala man lang siyang statement of assurance na itutuloy ang laban hanggang sa mabawi natin ang Sabah and matuldukan na finally ang issue na ito. My God! Wala man lang ganun!

Ang sad ‘nung hindi natin kayang ipagtanggol ang mga bagay na pag-aari natin. Nakakagalit ‘yung fact na hindi natin kayang i-defend ang ating teritoryo. Kung sinu-sino na lang ang umaangkin sa mga lupain natin. Kung sinu-sino na lang ang nambu-bully sa atin. Kaya naman, huwag na kayong magulat kung bukas makalawa ay ibang bansa na ang may-ari bigla ng Manila at Makati. Huwag na kayong magulat kung paggising n’yo ay China or Malaysia na bigla ang may-ari ng Palawan, Cebu at Bacolod. I think mabuting mag-start na tayong mag-aral ng Chinese at Malay para worst comes worst, maka-survive pa rin tayo sa anumang pagbabago. GRABE!!!

Haaay… nasa-sad ako. Sana ay pagmuni-munihan n’yo rin ito. 😦

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://www.interaksyon.com/article/55753/mel-sta-maria–sabah-is-ours–we-should-claim-it; http://www.epilipinas.com/sabahclaim.htm; http://opinion.inquirer.net/47591/not-a-very-good-idea#disqus_thread; http://www.freemalaysiatoday.com/category/opinion/2013/02/22/to-whom-does-sabah-belong/; http://www.interaksyon.com/article/55861/kiram-letter-seeking-consultation-on-peace-talks-lost-in-the-maze—aquino; http://en.wikipedia.org/wiki/Jamalul_Kiram_III)

(Photo credits: http://www.globalnation.inquirer.net, http://www.scmp.com, http://www.verafiles.org, thepinoyweekly.com, http://www.untvweb.com, http://www.globalgrind.com; http://www.dinmerican.wordpress.com )

P.S. Gusto ko palang i-share na super aliw na aliw ako sa bagong single ni Ms. Mariah Carey titled ‘Almost Home’ na soundtrack ng upcoming Disney film na ‘Oz The Great & Powerful.’ Ang cool ng melody ng song. Very upbeat. Very Mariah! Masasabing talagang magandang comeback ito para sa idol kong Diva na si Mariah.

Pakinggan n’yo naman! Medyo mataas nga lang ng konti ang pitch so good luck na lang sa mga ka-boses ni Ms. Jessa Zaragosa and Ms. Jaya. 🙂
______________________________________________

_______________________________________________
P.P.S. Sa lahat ng gusto lumiham kay Madma, ipadala lang ito sa yourstrulymadma@gmail.com. Dali! Huwag mahiya. Promise, sasagot ako. 🙂

Madma Reacts: Ricky Lo-Anne Hathaway Interview, Tubbataha Reef Accident and American Idol Season 12

Dear fans and followers,

Hello naman!

Hindi na tayo nagbo-blog. Ang busy nitong mga nakaraang araw. Ngayon lang ako “nakahinga.” 🙂

Kamusta na kayo?! Soobrang lamig lagi. BEST! To be exact, kaninang umaga ang pinakamalamig nating temperature at 18.1 degrees Celsius. Waaaah! Aarte pa?! Lakas maka-Europe! Kaya naman nagkaka-windburn na ang Madma n’yo. Shet. Sobrang cheap nung nagkaka-windburn sa Pilipinas ha. Aminin n’yo. 😉

Pero still, gusto ko pa rin ang malamig na panahon. Sa gabi, nakatutok lang yung industrial fan ko sa mukha ko at naka-number 3. O, ha! Deadma na sa windurn tsaka sa TB. Lamig is lurve talaga. ❤ Tsaka nababawasan yung mga may putok dahil malamig. Hindi na masyadong offensive ang amoy ng LRT at MRT these days. Amoy baby pa rin ang masa kahit na gabi na. Love it! 😉 Pero kinakabahan ako sa summer. My God! Feeling ko bubwelta ang init at dadami na naman ang puputukin. Bakit ba kasi naimbento pa yang putok sa kili-kiliki. Sana time machine na lang yung naimbento instead na putok at baktol. Anyway, matagal pa naman ang summer so enjoying muna natin ang lamig. GV, GV muna!

Kung malamig sa Metro Manila, naku Alaska level na sa Baguio. Ang pinakamalamig na temperature sa Baguio ay 9.5 degrees Celsius last Friday. Hooong lamig! Pati pawis n’yo giginawin din dun for sure. 🙂 Ang hirap lang kapag malamig is yung pagligo sa umaga. Tangina lang talaga. Pahirap! Mga 1 hour lang akong tulala pagkagising bago kumilos. Parang naka-drugs lang. Ganyan. Para may idea kayo, ito ang schedule ko sa umaga nowadays:

6:30 a.m. Gising
6:30-7:30 a.m. Tulala
7:30-7:33 a.m. Ligo
7:33-7:55 a.m. Bihis
8:00 a.m. Pasok

O, ‘di ba ang bilis ko maligo?! 3 minutes lang. Parang aso lang. ‘Eh ang lamig ‘eh. Buti nga naligo pa! Yung iba nga nakasuot na yung uniform na pang-office bago matulog sa gabi tapos pagising sa umaga, pagtayo sa kama, deretcho agad sa sakayan ng jeep. Panalo! 😉

Syempre charoth lang yung 3 minutes lang ako maligo. Baka kumalat sa internet tapos ikabagsak pa ng career ko. Mga 20 minutes lang talaga ako maligo nowadays. Wala nang kanta-kanta sa shower. Wala ng jakol. Pagpasok sa CR, buhos agad. Ligo agad. I really mean business here. Ganyan! I’m sure struggle n’yo rin sa umaga ang maligo. Pero BAWAL MAG-GIVE UP HA! Bawal magpatalo sa lamig at pumasok sa office ng hindi naliligo. Konting hygiene naman mga Ma’am/Sir. 🙂

Moving forward, ang daming mga kaganapan nitong nakaraang araw na worth it i-blog. Nakakaloka. Buhay na buhay ang show biz at politics sa mga issue at chika. Kaya naman hayaan n’yo muna akong magre-react sa ilang mga events. I think I owe this to my fans. WOW.

Game!
____________________________________________

Ricky Lo-Anne Hathaway Interview: DELUBYO

Ricky

Nakakaloka ‘tong interview na ‘to. Isang beses ko lang ‘to pinanood kasi kinikilabutan ako. Ako yung nahihiya para kay Mr. Ricky Lo. Shet. I just can’t watch this video again! Super awkward and painful panoorin nung interview. Haaay… 😦

Ang nega rin kasi talaga ng simula ng interview ni Mr. Lo ‘eh. Weight issue agad ang tinira ni Kuya. ‘Eh alam naman nating super sensitive ng mga babae sa usapang weight and age. Para mo na ring tinanong ang isang bading kung kelan siya magiging lalaki. O kaya parang tinanong mo ang mga Pari kung kamusta ang sex life nila. Or parang tinanong mo ang mga isda kung kamusta ang buhay nila sa aquarium. Ganung level! Awkward. 😦

Isa pang nega sa interview ay ang too much focus ni Mr. Lo kay Ms. Lea Salonga. Ang OA rin kasi ng pag-mention kay Lea Salonga sa interview. Kahit siguro ako maiirita. I mean gets na namin na friends kayo ni Lea pero huwag naman ulit-ulit. Nawala na tuloy sa focus yung interview. Naging all about Lea na lang. After all, the interview was about Ms. Anne’s film, Les Miserables, and not about her admiration for Lea. Tsk. Tsk.

Sabi ni Ricky Lo sa column niya sa The Philippine Star, wala daw talaga sa mood si Anne at that time. Masama na pala talaga ang timpla ni Ate Anne bago pa ang interview n’ya kay Ricky. Yung mga previous journalists din daw na nag-interview kay Anne noong araw na yun ay nakatikim din ng pagtataray ni Ate Anne. Ok sige, fine. May ganitong factor. Bibigyan ko siya ng tinatawag na “benefit of the DAW.” Pero ang pinaka-problema kasi talaga is yung mismong paghandle ni Ricky sa interview ‘eh. Wala sa hulog talaga. Kita n’yo, pati cell phone ni Ricky ay nahulog din, which I find a bit amateur ha. Para siyang baguhang reporter where in fact “beterano” na siya. Haaay…

Sa totoo lang, valid naman lahat ng mga tanong ni Mr. Ricky Lo kay Ms. Anne. They were all sensible for me. Yung nga lang, sa Philippine setting siya bagay. Very local show biz ang peg ng mga tanong ni Mr. Lo. Nakalimutan n’ya ang tinatawag na “cultural difference.” Kaya naman naging disaster ang panayam na ito. Yun na!

Watch n’yo na lang ang interview and see it for yourself.


___________________________

Tubbataha Reef Accident: NAKAKALOKA

tubbataha-reef

Napaka-sad na balita nitong Tubbataha Reef incident. Grabe!:(

Para sa mga ‘di nakakaalam, isang US Navy ship, the USS Guardian, ang sumadsad sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea last January 17 destroying a total area of 1,000 square meters. GRABE!!! Take note, ang Tubbataha Reef is a marine sanctuary protected area at isang UNESCO World Heritage Site kaya nakakalokang may nakapasok sa area na ‘yan nang ganun-ganun lang. 😦

Sobrang ganda pala ng Tubbataha Reef based sa mga photos na nakita ko. NAKAKALOKA! In fact, sa sobrang ganda ng site na ito, na-nominate pala ito bilang one of the New 7 Wonders of Nature. May higit sa 1000 species ang nakatira sa Tubbataha Reef at karamihan ay endangered na pala. Haaay… My heart is breaking right now. 😦

Ang tanong: ano bang ginagawa ng US Navy ship sa area na ‘yan?! Bakit sila andyan?! Tang ina. Nakakaloka yung presence nila d’yan ha! Leche. Kahit si PNoy daw ay nagtataka sa presence US Navy ship sa Tubbataha Reef. Isang MALAKING CHE!!!

Sabi ng Malacanang, maliit lang naman daw ang pinsalang dulot ng pagsadsad ng ship na ito. Ang Tubbataha Reef ay may total area of 97,030 square meters. So maliit lang ang 1,000 square meters na nasira buhat ng incident. KAHIT NA!!! Ang keyword pa rin is NASIRA! 1,000 pa square meters pa rin yun!!! Huwag n’yo nga kameng ululin! Ang dami n’yong mga pakulo para ma-pacify kame! Pota.

Sana talaga ay magkaroon ng justice ang issue na ito. Abangan natin ang gagawin ng government sa mga salarin. Tingnan natin ang “bangis” ng PNoy administration sa kasong ito. Umayos kayo! Lahat kami ay nakaabang. Ang isang sanction pala na nakasaad sa Republic Act 10067 or the Tubbataha Reefs National Park Act of 2009 ay pag-fine ng approximately P12,000 per square meter of damaged corals. Grabe. Pera-pera na lang?! Ganun na lang?! Hindi naman maibabalik nito ang buhay ng mga coral reefs at iba pang hayop sa dagat na namatay dahil sa kacheapang accident na ito. Haaaaay. Isang mahabang haaaaay… 😦

USS-Guardian-grounded.3

Sa ngayon ay nandun pa pala ang US Navy ship na sumadsad. Hindi pa naaalis. Inaaral pa kung paano aalisin ang malaking sasakyan na ito. Hindi pa nila alam kung hahatakin ang ship, bubuhatin or pipira-pirasuhin. Tang ina kasi bakit andyan yan in the first place! Buhatin n’yo yan tapos ipakilo n’yo! Saksak n’yo sa baga n’yo! Ulamin n’yo ‘yang ship n’yo! Leche kayo! Iritaaaaa. Hay! 😦

Pagbayarin ang may sala! Nakakainit ng ulo ‘to. 😦
____________________________________________

American Idol Season 12: PASABOG

american-idol-season-12-judges

At talaga namang hindi ko maitago ang pagkaaliw at pagkabaliw ko sa American Idol Season 12! Ibang level din talaga yung presence ni Superstar Mariah Carey sa bagong season na ito. LAKAS!!! 🙂

In fairness sa mga bagong judges ha, maganda ang chemistry nila. Gustung-gusto ko ang iringan nina Mariah Carey and Nicky Minaj. I’m sure bet na bet din ito ng beki community. Huling-huli ang kiliti ng mga bading! 🙂 Maganda rin ang anggulong ito ng American Idol ha. Masasabi! At least mina-maximaze nila nang todo ang mamahalin nilang mga judges. Sa mga hindi nakakaalam, si Mariah Carey ang highest-paid talent show judge ngayon! Ang presyo lang naman ng serbisyo ni Ate Mariah n’yo ay tumataginting na $18Million. Tanginaaaa. NAKAKALOKA! 🙂 Kinabog n’ya ang talent fee nila Britney Spears ($15Million) and Jennifer Lopez ($12Million). Muntik pang pumantay ang talent fee ni Mariah sa prize money ni Manny Pacquiao sa nakaraan n’yang laban kay Manuel Marquez na $25Million. Grabe! Si Manny halos mamamatay na para sa premyo n’ya tapos si Mariah upo-upo lang tapos $18 Million na?! WOW. Ikaw na Mariah!!! Penge namang pera d’yan. Sana magpadala ka naman kahit $1Million. WOW. Laki rin ng hingi ko ha. Level ng ransom money. 🙂

AI

Sadly, mababa ang ratings ng pilot episode ng American Idol Season 12. As in lowest-rated pilot episode ever in the history of American Idol. Kaloka. 😦 The pilot episode of the newest AI season posted a total of 17.8 million viewers versus Season 11’s debut of 21.93 million viewers, about 19% lower. GRABE! Anyare?! Nakaka-sad naman ito for Ate Mariah. Pero malakas pa rin naman ang AI sa ngayon compared sa ibang talent show programs gaya ng The Voice and The X Factor. Ang AI pa rin ang hari ng lahat ng mga talent shows. Ang pilot episode ng The Voice Season 3 ay nakakuha ng 10.7 million viewers versus The X Factors Season 2’ 8.5 million viewers from its debut. O, ‘di ba?! Well, trend naman sa US ngayon ang bagsakan ng ratings. Across the board ‘yan. So hindi rin nakaligtas ang American Idol.

Pero in fairness, sobrang liit lang ng ibinaba ng ratings ng American Idol Season 12 nung second night from its pilot episode. And second night ng AI ay pumalo sa 16.18 million viewers compared with the 18.02 million viewers ng last season’s second night. AYAN NA! Bumabawi na si Ma’am. Ibig sabihin, effective si Ate Mariah at ang iringan nila ni Nicki! Tumalab na ang charm ni Ate Mariah at ng ibang judges kahit paano. 😉

Aliw na aliw ako sa pagko-comment ng mga judges ngayon. Buhay na buhay! May sense nang todo at talagang believable. Si Nicki ha, ratchada ang bunganga ni Ma’am. Love ko na siya kasi ang articulate n’ya as a judge. Nagulat ako sa talino ni Ms. Minaj sa craft n’ya. 🙂 Si Mariah naman tamang regal and diva lang ang peg which is expected sa kanya. Pero maniniwala ka sa lahat ng sasabihin ni Mariah kasi magaling siya as a person. Isipin n’yo kung si Ms. Pops Fernandez ang judge tapos sinabihan kayong hindi maganda ang boses n’yo, papayag kayo?! Da fuck!:)

Ayos din ang male judges ng AI. Tamang balance si Keith Urban. Plus ang pogi pa n’ya. Shet. 🙂 Si Randy Jackson naman ay cool pa rin so bet! Ang ganado mag-comment ng lahat ng judges in general. Malaman talaga! Hindi tulad ni Ms. Britney Spears na walang kalatuy-latoy magsalita sa The X Factor. Sayang ang bayad kay Ms. Britney. Buti na-tsugi na si Ma’am. 🙂

American-Idol-Season-12-Judges-Table-Photo

Marami pang mangyayari sa bagong season ng AI. Mahaba pa ang laban. Sana lang ay mas maraming magagaling na singers ang makuha sa bagong season na ito. After all, ang mga contestants naman talaga ang bida rito. Nasa quality pa rin ng mga contestants nakasalalay ang main bulk ng success ng show. At sana rin ay ma-maintain nila ang tamang balance ng iringan nila Mariah at Nicki. Baka mamaya ay magsapakan silang dalawa for real. Lagot na. 😉 So far, maraming ng promising contestants! Shet. Kaya tutok lang tayo mga fans!

So there.

Yours Truly,

Madma

(Sources: http://www.interaksyon.com/article/53461/brrr–pagasa-records-lowest-metro-temperature-of-18-1-degrees-c-in-qc; http://www.philstar.com/entertainment/2013/01/23/899982/anne-thousand-hits; http://en.wikipedia.org/wiki/Tubbataha_Reef, http://www.abs-cbnnews.com/nation/01/17/13/us-navy-ship-stuck-tubbataha-reef; http://thatgrapejuice.net/2012/07/mariah-carey-highest-paid-talent-show-judge-history-jennifer-lopez-responds/; http://www.huffingtonpost.com/2013/01/17/american-idol-ratings-season-12-premiere-mariah-carey_n_2496996.html;)http://www.hollywoodreporter.com/live-feed/ratings-x-factor-premiere–britney-spears-voice-369975; http://tv.yahoo.com/news/ratings-rat-race-american-idol-season-premiere-second-164302016.html)

(Photo credit: http://www.wheninmanila.com/awkward-anne-hathaway-les-miserables-interview-with-filipino-ricki-lo/; http://dextertravels.blogspot.com/2012/01/my-2nd-natural-wonder-of-philippines.html; http://globalbalita.com/2013/01/22/us-navy-fined-for-illegal-entry-at-tubbataha/; http://blog.newsok.com/bamsblog/2012/09/18/secamerican-idol-and-the-voice-shake-up-judging-panels/; http://www.rickey.org/american-idol-season-12-judges-table-photo/; http://startrident.com/2012/10/04/nicki-minaj-mariah-carey-engage-in-a-gruesome-feud/)

P.S. Wala ng P.S. Ang haba na nito. Pota. Abusado?! 🙂

Shocking Diva Demands

Diva

Dear fans and followers,

Anyare na?! Wednesday na. Or should I say, Wednesday pa lang! Ang tagal naman ng weekend. Irita.

Mag-bonding na nga lang muna tayo para ‘di nakakainip. Gusto ko pa lang i-share sa inyo itong nakakalokang article tungkol sa kaartehan ng mga favorite nating Hollywood Divas. Aaaay. Alam n’yong fascination ko ang mga Divas bilang isa rin akong Diva in my own little way! WOW. 🙂

Ang taray nitong article na ito kasi naisawalat talaga ang mga shocking bordering to nonsense demands ng mga iniidolo nating Divas while they are on tour. Yes, maarte sila sa totoong buhay. Demanding ang mga bitches! Kaloka. Sila na talaga ang pinagpala sa mundong ito! Grabe. Pero nakakatuwa rin yung mga demands nila ha. Ang weird ‘eh. Nakaka-shock! Very outrageous talaga!

Enough of my intro.  Basahin n’yo na lang ito para maloka kayo! Magugustuhan n’yo ‘to kasi mas makikilala n’yo ang pagkatao ng mga Hollywood Divas na kinahuhumalingan n’yo.

GAME! Basa na! Alamin ang mga nakakalokang pakulo slash kaartehan ng mga sikat na Hollywood Divas.

_________________________

Mariah

(Photo source: http://www.examiner.com/article/mariah-carey-edged-out-by-hannah-montana-on-the-charts-mariah-fans-astonished)

Mariah Carey

We wouldn’t be surprised if we looked up “diva” in the dictionary and saw a picture of Mariah Carey. While the Grammy-winning singer certainly has the pipes and resume to back up the title — she holds the record for most no. 1 singles by a female recording artist — does her Billboard status justify her outrageous demands?

According to sources, she’s been known to demand Cristal champagne with bendy straws to drink it, two dozen white roses, and dark-colored couches without busy patterns for her dressing room.

Of course, that’s nothing compared to her rumored 2009 demand for 20 white kittens and 100 white doves to be released while she turned on Christmas lights at Westfield London Shopping Centre. The demand could not be met due to health hazards, but Westfield was able to accommodate her request to roll out the pink carpet for her and then shower the crowd with pink and white butterfly-shaped confetti.

___________________________

JLo

(Photo source: http://blogs.babble.com/famecrawler/tag/jennifer-lopez-diva/)

Jennifer Lopez

Jennifer Lopez may be doing commercials for Fiat and selling her clothing line at Kohl’s, but don’t be deceived. This former Fly Girl turned world-wide superstar is just as divalicious as the rest of them, as evidenced by her 2001 rider demanding an all-white dressing room, including white couches, white tablecloths, white candles, an assortment of white flowers, white everything!

According to Perez Hilton, J-Lo’s demands have skyrocketed in recent years. At the 2010 American Music Awards, the American Idol judge demanded a custom-fitted ferry — complete with faux leather seats, a champagne fridge, and a pair of diamond-encrusted headphones — to usher her from Cannes to Monaco.

_____________________________

Madonna performs during her MDNA tour at Hyde Park, London.

(Photo source: http://www.thecuttingsuite.com/Madonna-pop-diva-mdna-tour-demands-material-girl-the-cutting-suite-mastering-london-studio)

Madonna

Madonna is the Queen of Pop, so it’s only fitting that she would demand her very own throne while on tour. According to the Daily Mail, Madge requires a brand new toilet seat at every show, in addition to dozens of white roses and candles to protect from “negative glances and mean-spiritedness.” She also requires special Kabbalah water, which costs $5 a bottle, backstage. There must be 25 cases back there for each show!

Perhaps even more shocking is Madonna’s request to ban air conditioning in every venue to protect her vocal chords. Fans who flocked to see her Confessions World Tour in London in 2006, began fainting as temps inside the arena hit the 90-degree mark. The British health and safety council had no choice but to overrule her diva demand and flip the A/C back on.

But that’s nothing compared to the backlash Madonna received after her latest incident when she mouthed off about a bouquet of flowers given to her by a fan. In case you didn’t know, she absolutely loathes hydrangeas.

While making the rounds on her current MDMA tour, the Material Girl is traveling with a heavy load as well. Her 200-person entourage includes personal chefs, 30 bodyguards, an acupuncturist, and a yoga instructor! She even totes around a personal dry cleaner and insists her dressing room be filled to the brim with lillies and white and pink roses with perfectly trimmed six-inch stems. The singer also expects the room to be swathed in a specific fabric and outfitted with 20 international phone lines.

When Madonna retires to her hotel room, she spares no expense to make herself feel at home. An insider tells In Touch that she replaces all hotel furnishings with her own furniture shipped in just for the occasion!

_____________________________

Barbara

(Photo source: http://www.musicismylife-divasandotherbeings.com/tag/barbra-streisand/)

Barbara Streisand

This one makes no sense. She doesn’t want a clean toilet or a new toilet seat…nope! Streisand wants rose petals floating in the toilet for her. Why is that?

____________________________

Beyonce

(Photo spurce: http://www.allthatsfab.com/2009/01/21/say-word-is-beyonce-a-diva-for-real)

Beyoncé

You don’t expect her to go to the bathroom in a dirty toilet do you? That toilet better be freshly scrubbed and disenfected and the temperature better not be anything but 78 degrees.

__________________________

Christina

(Photo source: http://www.fanpop.com/clubs/christina-aguilera/images/17554346/title/diva-photo)

Christina Aguilera

During her heyday, Christina Aguilera’s contract rider was a little bizarre, but not too over-the-top — the singer demanded items like Flintstones vitamins, Oreo cookies, and soy cheese. Oh wait, this diva will wait for no one! Christina must have a police escort from the airport because waiting in traffic is too much for her to handle! Obviously, no diva should have to endure the utter agony of a red light.

These days, Christina is much more concerned with how she looks on camera. According to Perez Hilton, The Voice judge demands to watch the playback of every single scene she’s in and will make the crew re-shoot them if she thinks she looks fat.

______________________________

Britney

(Photo source: http://www.hollywoodreporter.com/live-feed/x-factor-britney-spears-video-348091)

Britney Spears

Britney Spears is really just a hometown gal at heart, and her diva demands reflect her Kentwood, La. upbringing. A music insider told us that Brit Brit was all about southern comfort food backstage at the 2007 MTV VMAs, which she washed down with a few ice-cold margaritas. Probably not the best idea before performing a choreographed routine in a midriff-baring costume and stiletto boots, but who are we to judge?

X Factor was willing to pay her $15 million to be on the show, so you can expect they would get her whatever else she wants, which is a crazy list: 10 bags of Doritos a day, 10 pieces of chicken, 12 Snickers bars, four pints of potato salad every week, six cases of Diet Coke, which must be replenished every week and 12 vases of magnolia blossoms in her dressing room.

These days, Britney’s rider is looking much healthier. According to PerezHilton, she has banned all junk food from her Femme Fatale Tour dressing room, and requires each venue to accommodate two humidifiers and a miniature gym.

However, a source recently told Perez that calories don’t count when she’s in London, as she requests portions of fish and chips for dinner backstage.

____________________________

Rihanna

(Photo source: http://www.astrolabio.net/canal/contenido/rihanna-17092010.php)

Rihanna

Keep adding on the #1 hits and keep adding on the demands. Rihanna requires black or blue drapes in her dressing room layered with icy-blue chiffon. Add on top of that an animal print throw rug that is clean and ready for her bare feet.

____________________________

Katy

(Photo source: http://www.taaz.com/makeover/katy-perry-is-not-a-diva-/A98B3gAs9t6_eT-S14gCygKk-ilhZBrZ.html)

Katy Perry

She gets very specific in her demands: coffee tables that are ”perspex modern” style and pairs of floor lamps in French ornate style and a fridge with a glass door!

____________________________

Cher

(Photo source: http://theindigoblue.blogspot.com/2010/08/cher-remixes.html)

Cher

I’m sure this is just a start for the queen…she must have an entire room dedicated for her wigs!

___________________________

ANSABE?! O, ‘di ba? Ang aarte rin talaga nila?! Akala mo naman Diyos kung maka-demand. 🙂 Pero nakakaaaliw rin ha. Aminin n’yo. Parang ‘di rin kapani-paniwala.

Basta ako kapag naging sikat (which is manyayari talaga very soon), isa lang ang demand ko: dapat puro pogi at macho ang staff na ibibigay sa akin! Dapat ka-peg ni Derek Ramsey. Ganyan. Bawal pangit sa backstage room ko. Hindi talaga ako magshow-show kapag may nakita akong chaka na hahara-hara sa paligid. SWEAR! 🙂 Wow. Diva na rin agad ha! Char lang. 😉

Stay humble everyone. After all, mamamatay din tayo. Hiram lang ang buhay natin sa mundo. Huwag masyadong mayabang. Kinukuha ng dagat ang mayayabang. 🙂

Yours truly

Madma

(Phot source: http://gloriamangi.wordpress.com/2012/06/09/a-true-diva/)

Article Sources: http://www.wetpaint.com/network/gallery/top-5-most-outrageous-diva-demands/photo/top-5-most-outrageous-diva-demands–cover-gallery and http://styleblazer.com/87495/outrageous-celebrity-demands-they-asked-for-what-while-on-tour/

P.S. Happy Birthday pala sa pogi kong friend na si Mr. Sanriel Chris Ajero. Ang wish ko ay sana matigil na ang pag-recede ng hairline mo kasi nababawasan ang kapogian mo. Sabagay, lahat naman ng kagandahan ay may hangganan. Yung akin nga rin ‘eh. Medyo alalay lang rin ako sa paggamit ng ganda ko kasi baka “maubos.” Char. 🙂 Sana rin pala ay malampasan mo na ang mga “pinagdadaanan” mo ngayon. Yun oh! 🙂

Miss you, Sani. Thanks for everything. I love you. ❤ Enjoy!

Sani and Madma

Nga pala, isa rin palang “batikang” artista si Sani. Super galing n’ya umaarte like crazy! Hiyang-hiya si Ms. Nora Aunor sa subtlety ng acting n’ya. AS IN! Minsan na rin siyang nagbida sa isang Indie film na talaga namang pinagusapan at umalingawngaw sa buong industriya. O, ha! Coco Martin ang peg n’ya. At dahil sa special day n’ya today, hayaan n’yong bigyan bigyan ko kayo ng “patikim” ng pelikula ni Sani. 🙂

____________________

Of course, Happy Birthday din sa pinakamamahal kong Lola! Woooh! Happy 68th Birthday, Nanay Nelly! More years to come. 🙂 We love you so much. See you this weekend. ❤