Walang Sisihan!!!

283757_10151475741218791_1930644166_n

Dear fans and followers,

Isang malagim na araw sa inyong lahat. 😦

Alam kong kasalukuyan kayong nagluluksa sa very disappointing partial result ng 2013 elections. Alam kong ngayon ay panay ang pahid n’yo ng calming lotion sa katawan para ma-kalma ang inyong nanggagalatiing emosyon sa mga nangungunang Senators so far. Alam kong marami sa inyo ang nagpunta sa salon or spa para mag-relax at makalimutan ang horrors ng eleksyon. Naiintindihan ko ang inyong sentimyemto. Kasi NALOLOKA RIN AKO!!! 😦

Anong nangyari?! Bakit ganito ang resulta? Bakit SILA-SILA NA NAMAN?! Bakit hinayaan na naman nating MAULIT ang lahat?! Bakit sila na naman ang ating hinalal?! Bakit hinayaan nating masayang ang ating magandang nasimulan?! ‘Di ba gusto natin ng PAGBABAGO?! ‘Eh bakit ito na naman tayo?!

Haaaay… Diyos ko! Kahapon pa sumasakit ang bangs ko sa mga pangalang nakikita ko sa mga partial/unofficial result ng eleksyon. Ayoko na ngang tumingin sa TV kasi naiirita ako lalo. Nakakainis! Nakakagalit! Nakakapikon! 😦 Pare-parehong mga pangalan na naman ang mananalo. Sila-sila na naman. ‘Yun at ‘yun na naman. Nasilaw na naman tayo sa mga paulit-ulit na pangalan sa pulitika. Nagpauto na naman tayo sa kanila. GRABE.

Gusto ko manapak sa inis. Gusto ko magbasag ng mga plato para ma-release ‘tong inis na nararamdaman ko. Kaso konti lang ang plato namin sa bahay ‘eh so sa blog ko na lang ilalabas ang lahat. 😉

Magpapakatotoo na ako. Galit ako! Galit ako sa mga Pilipino! Gusto kong layasan ang punyetang bansang ‘to! Masama ang loob ko ngayon kasi hindi tayo natututo sa kasaysayan. Naiinis ako kasi ang bilis-bilis nating makalimot! Galit ako kasi ang bilis nating mauto! Galit ako kasi hinalal na naman natin ang mga mismong taong naging sanhi ng ating mga pagdudurusa noong mga nakaraang taon. Imbyerna ako kasi hinayaan na naman nating maghari ang mga taong minsan nang nanamantala at nang-abuso sa mga Pilipino. Naiirita kasi ang hilig-hilig nating MAGTIIS where in fact kayang-kaya naman nating baguhin ang lahat! Hobby talaga nating magdusa ‘no?! Nae-enjoy talaga natin ang suffering ‘no?! NAKAKALOKA!!!

Ang sad kasi ang lapit na natin sa PAGBABAGONG gusto nating makamit pero pinakawalan na naman natin ulit ang chance na ito. Haaay… Wala na akong masabi kundi puro buntong-hininga na lang. 😦 Sa totoo lang, ayoko na sana itong isipan pa. Ayoko na sana itong problemahin pa kasi marami din akong mga iniisip sa personal kong buhay gaya ng kawalan ng lovelife. Pinipilit kong deadmahin na lang ang bagay na ito at mag-move on na lang sa buhay ko. But I JUST CAN’T! Naiinis ako na patuloy akong binabagabag ng isipan ko sa bagay na ito. Shet.

Akala ko may magbabago na. Akala ko matatalino na tayo. Akala ko ay mga wais na tayo. Sadly, HINDI PA PALA. 😦 Ang taas-taas ng hope ko sa mga kapwa ko voters. Sobrang taas ng faith ko na hindi na tayo magpapaloko at iboboto na natin ang mga TAMANG TAO. Ang taas ng pananalig ko na makakamit na natin sa wakas ang tunay na PAGBABAGO. Na hindi na natin iboboto ang mga trapo at mga walang-kwentang pinuno. Apparently, nabigo ako. 😦

Emotions aside, ang resulta ng naganap na eleksyon ay may malaking sinasabi sa ating mga Pilipino– marami pa rin talagang sa atin ang nabubuhay sa dilim at kawalan ng tamang impormasyon. Isang malaking wake-up call ito para sa mga kagaya kong nagnanais ng TUNAY NA PAGBABAGO. Sadly, sa kabila ng kaliwa’t kanan nating mga paandar sa social media, kulang pa pala ang effort natin para abutin ang puso at isip ng mas marami nating kababayan. Magkaiba pa rin pala ang mundong ginagawalan natin sa mundong ginagalawan ng mga ordinaryong masang Pilipino na nakatira sa mga probinsya at malalayong lugar. May ibang mundo pa palang nage-exist sa mga far flung areas na walang access sa internet. Nakalimutan nating may ibang reality pa pala sa bansang ito.

Nakakalungkot. Hindi ko talaga mapigilang malungkot. Dismayado ako sa mga kapwa ko Pilipino. 😦

Pagbigyan n’yo na ako sa emotional breakdown na aking nararanasan ngayon. Ibigay n’yo na sa akin ang moment na ito. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat. Pero makaka-move on rin ako. Gaya ng dati, magmo-move rin ako. Wala namang akong choice, ‘di ba?! Ano ba naman ang isang boses ko laban sa boses ng milyung-milyong Pilipinong nagpauto sa mga trapong pulitiko. Sino ba naman ako.

Anyway, sa puntong ito, gusto ko na lang magbigay ng mensahe sa mga mananalong Senador ng bansang ito. Ang fierce ‘nung may message no? Lakas maka-show biz. 😉 Ito na lang ang magagawa ko for now. Wala na ‘eh. Andy’an na ‘yan. Hindi na ako makakapalag.
_______________________________________________
946549_10152801750355596_709563182_n
_______________________________________________
Grace Poe

Pasalamat ka sa apelyido ng tatay mo. Pasalamat kay kay Fernando Poe Jr. kasi siya ang nagpanalo sa’yo. YOU OWE HIM THIS VICTORY! Kung “Santos” o kaya “Ocampo” ang apelydio mo, wala ka sa pwesto mo ngayon. Alam mo ‘yan! Ang convenient din talaga ng may powerful na surname no?! Nagiging madali rin talaga ang lahat para sa’yo. Sa totoo lang, hindi kita binoto kasi lagi kang nagtatago sa apelyido ng tatay mo. Hindi ako bilib sa ganyang atake kaya hindi mo nakuha ang boto ko. Oh well, sana na lang ay “makipagbakbakan” ka talaga para sa tunay na pagbabago kapag nasa Senado ka na. Kasi kung ako ang masusunod, sa show biz kita ilalagay para mabuhay mo ang action films sa Pilipinas since gusto mong sundan ang yapak ng tatay mo. I think exciting din na makitang babae ang gumanap sa role na “Panday” for once.

Loren Legarda

At tibay mo rin talaga, girl. Lagi’t lagi kang pasok sa eksena kahit anong mangyari. Pero ang shocking ‘nung na-upstage ka sa number 1 spot ha. How does it feel na hindi na ikaw ang reyna? Basta ang message ko lang sa’yo is ayusin mo ang pag-file mo ng SALN next time. Declare-declare rin ng mga properties ‘pag may time ha? Ang tagal-tagal mo ng public servant tapos mali-mali pa rin ang SALN mo?! Wow ha. Sana ay maisama mo naman kame minsan sa posh na condo mo sa New York. Kahit overnight stay lang, ok na ako.

Edgardo Angara, Bam Aquino, Koko Pimentel, Cynthia Villar, JV Ejercito

Pasalamat rin kayo sa mga kamag-anak n’yo. Pasalamat kayo sa mabangong apelyido n’yo. Nawa’y patunayan n’yo na IBA kayo sa mga kamag-anak n’yo. Na may taglay rin kayong sariling husay at galing sa pamumuno. Hindi ko rin kayo binoto kasi umay na umay na ako sa mga angkan n’yo. Personally, hindi ko na kailangan ng isa pang Angara, Aquino, Pimentel, Villar at Ejercito sa buhay ko. Tama na ang perwisyong ginawa ng mga ninuno n’yo. Buti na lang at marami kayong nauto para bumoto para sa inyo. And congrats for that.

Alan Peter Cayetano and Antonio Trillanez IV

Sana mas maging pursigido kayo sa tunay na pagbabago. Sana ay mas maging maigting pa ang inyong pagsisikap para mas mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Kayo na lang siguro ang pinaka-ok sa mga mananalong Senador kaya sa inyo na lang ako kakapit. Sana naman ay hindi n’yo ako biguin. Sana naman ay paninidigan n’yo ang mga pangakong binitiwan n’yo during the campaign period. Again, please do not disappoint me. I had enough!

Chiz Escudero

Wala akong masyadong mensahe sa’yo kasi in love ka gaya ng sabi mo. At usually, mahirap kausap ang mga taong in love so hindi na ako magsasayang ng oras. Gusto ko lang sabihin ng bumaba ang tingin ko sa’yo dahil sa ka-cheapang kinasangkutan mo with Heart Evangelista’s parents. Galingan mo na lang. Sana gamitin mo ang inspiration and love na nararamdaman mo ngayon para mas higit na magsilbi sa bayan. Remind lang kita, 43 years old ka na so sana ay kumilos ka nang naaayon sa edad mo. Ibigay mo na kina Daniel Padilla at Kathryn Bernado ang pa-tweetums role. Hindi na kasi bagay sa’yo. Please lang.

Nancy Binay

At syempre, papahuli ba naman ang message ko sa paborito kong si Nancy Binay?! Save the best for last!

Hello Nancy. Taray mo, girl. Pasok na pasok sa banga! Hindi ka rin talaga natinag! Iba talaga kapag maitim na damo. Mahirap mapabagsak.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sapat na lakas ng loob na tanggapin ka bilang Senador ng bansang ito. Hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko para matanggap ka. Ang hirap din kasi talaga ng task na ito. Hindi ito madali for me so ‘wag mo akong masyadong i-pressure! Pero hayaan mo, aabot rin ako sa acceptance part. Kung kailangang mangutang ako ng lakas ng loob sa bangko, gagawin ko para mapayapa na ang kalooban ko at maka-move on na ako sa buhay. Deretsahan na tayo, hindi ako masayang nanalo ka. Pero sino ba naman ako kumpara sa milyung-milyong nauto mo. Pasalamat ka rin sa tatay mo at Binay ang apelyido mo. Kasi kung naging “Bingas” o kaya “Binat” ang surname mo, sa kangkungan ang bagsak mo, girl! Sure ako!

Oh, well. Panalo ka na. Natalo ako. Araw mo ito. Pero tandaan mo, bilog ang mundo. I will be closely watching you, bitch! Babantayan ko ang lahat ng kilos at galaw mo sa Senado. Kahit hindi na ako magka-lovelife kakabantay sa’yo, keri lang! Simula pa lang ng totoong laban so umayos ka.

At bilang unang paandar ni Senator Nancy Binay, gusto ko ipapanood ang nakakalokang interview na ito. Ang best n’ya kasi sumagot sa mga tanong ‘eh. Watch this!
_____________________________________

_____________________________________
Waaaah. DELUBYO!!! Grabe. Hindi ko kinaya!!! Say hello to our new Senator. 😦

At the end of day, kailangan nating mag-move on at tanggapin ang hatol ng bayan. Kailangan pa rin nating kumilos bilang isang bansa. Sana na lang mali ang mga iniisip ko. Sana na lang mali ako. Basta ang wish ko na lang is sana mahanap na natin ang sapat na lakas ng loob para matanggap ang resulta ng 2013 elections. Basta maging mapagmatyag lang tayo. Huwag tayong tumigil na magbantay sa mga kinikilos ng ating mga pinuno.

God Bless this country!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.facebook.com/ANCalerts, http://www.rappler.com)

(Video source: GMA News http://www.youtube.com/watch?v=4vmcNB1oTwg)

P.S. Isang pagpupugay sa mahigit 3 million na bomoto kay Mr. Teddy Casiño. Proud ako na at least may 3 million na Pinoy na sumuporta sa TUNAY NA PAGBABAGO. Masaya akong malaman na may mga tao pa rin sa Pilipinas na nag-iisip. Mabuhay kayong lahat! 🙂

To Mr. Teddy Casiño: Nawa ay hindi po kayo matinag sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino. Sana hindi ito ang maging dahilan para tumigil kayo sa iyong maganda at kahanga-hangang gawain. Kailangan namin ng isang kagaya mo kaya sana ay patuloy ka pa ring maging aktibo sa pagsulong ng mga mahahalagang pagbabago.Nakasuporta po kame sa inyo.

Basta para sa akin, hindi ka man nanalo, ikaw pa rin ang Senador ko!

P.P.S. Happy Anniversary sa Your Truly, Madma!!! Grabe. One year na akong blogger!!! Nakakaloka. Ang bilis rin talaga ha. 🙂

Salamat sa mas pinalakas n’yong suporta!!! Asahan n’yo ang mga bagong pasabog ni Madma very soon. 🙂 One year na tayo. Shet. 😉

Muli, MARAMING SALAMAT!!! ❤

Si Teddy Casiño ang Senador ko!

teddy31

Dear fans and followers,

Kasado na…

Go na go na…

Si Madma ay para sa tunay na pagbabago…

Si Madma ay para kay Teddy Casiño!

Palapit na nang palapit ang inaabangang May 2013 Elections. Ilang buwan na lang at magkakaalaman na kung sino ang mga mananalo at sino ang mga matatalo. Nakapili na ba kayo ng iboboto? Napintahan n’yo na ba ang mga tumatakbong kandidato? Grabe kilos! 😉

Soobrang importante ng magaganap na eleksyon sa Mayo kaya dapat seryosohin natin ito. Bawal umarte-arte! Whether you like it or not, may magaganap na eleksyon kaya dapat karirin na lang natin ‘to mga fans. Dapat seryoso tayo sa paghahanap ng mga iboboto. Dapat i-level natin ang paghahanap ng karapat-dapat na politiko sa paghahanap natin ng jowa sa totoong buhay para mas maging meaningful ang atake natin sa eleksyon. Pak! 🙂

Kung gaano tayo ka-kritikal sa paghahanap ng jowa, ganun din dapat ang peg natin sa pag-scrutinize sa deserving politicians. Isipin dapat natin na parang manliligaw lang natin ‘yung mga kandidatong tumatakbo tapos mamimili tayo sa kanila kung kanino natin ipagkakatiwala ang ating puso. Ganun dapat ang peg mga fans! 🙂 So ang tanong ngayon, ipagkakatiwala mo ba ang puso mo isang taong puro porma at papogi lang ang alam gawin sa buhay? Ibibigay mo ba ang matamis mong “oo” sa isang sinungaling at magnanakaw? Ipagkakatiwala mo ba ang future mo at ng magiging mga anak mo sa isang mahinang klaseng nilalang? Isipin n’yo ‘yan! 🙂

Kaya ako, mataas ang premium ko sa pagpili ng kandidatong iboboto ko kasi mataas din ang standards ko sa pagpili ng magiging jowa ko. WOW. 🙂 Kaya nga ako single until now kasi wala pang nakakapasa sa standards ko ‘eh. O, ‘di ba ang ganda-ganda ko?! Hiyang-hiya ang beauty ni Ms. Lucy Torres-Gomez. 🙂 Aba, mahirap ng mauwi sa chakang jowa ha! Not likey ‘yan! 🙂

Sa lahat ng mga nanliligaw sa aking politiko so far, si Mr. Teddy Casiño lang ang napupusuan ko. ‘Yun oh! 🙂 Siya lang talaga ang masasabing “naka-capture” ng puso ko bilang isang botante. Sa kanya lang ako naniniwala at nakikinig. Sa kanya lang ako nabibilib. Kaya naman sa kanya ko lang ipagkakatiwala ang aking matamis na “oo.” Hindi na ako papaloko sa mga paulit-ulit na mga pangalan sa pulitika. Hindi na ako papasilaw sa mga matatamis nilang salita. Tama na ang minsang maloko. Tama na ang minsang maisahan. TAMA NA PLEASE! Gusto ko iba naman! Gusto ko si Teddy Casiño naman! 🙂
__________________________________________
mkbyn-convention-teddy-casino-9
__________________________________________
Tama ang sinabi ni Teddy Casiño, matagal nang nabibihag ang Senado ng mga pare-parehong mga political families and personalities na may kanya-kanyang mga personal na interest na pinangangalagaan. Matagal nang pinamumugaran ang Senado ng mga trapo at basurang politiko. Matagal nang pinagkakakitaan at ginagawang “business avenue” ang Senado. TAMA NA! Kailangan natin ng mga taong “totoong” magpu-push ng pagbabago para sa bansa. Diyos ko naman!!! Bibigyan na naman ba natin sila ng panibagong pagkakataong gawin muli ang mga ito sa atin?! NO WAY! Or Norway! Shout ouch naman sa mga taga-Norway. Hei alle sammen. WOW. 🙂

Lagi nating sinasabi na gusto natin ng pagbabago. Lagi nating pinapangarap na dumating na sana ang pinakaaasam nating kaunlaran. Sa tingin n’yo ba makakamit ito kung pareho-parehong mga tao ang inilalagay natin sa gobyerno?! I don’t think so. Umay na umay na ako sa putaheng hinahain ng Senado. Sukang-suka na ako! Kaya naman gagawin ko ang lahat para kahit papaano ay mabago ito. 😉
___________________________________________

___________________________________________
Teddy Casiño: MAY GINAWA

Ang mga mambabatas ay dapat gumagawa ng batas. Kaya nga sila mambabatas, ‘di ba?! Basic ‘yan! Binabayaran natin ang mga congressmen gamit ang pagkalaki-laking tax na kinukuha sa atin para gumawa sila ng mga makabuluhang batas na makakatulong sa pag-unlad ng mga tao at ng buong bansa in general. Kung ikaw ay isang congressman at wala kang nagawang batas sa buong term mo, EPIC FAIL KA!!! Anong ginawa mo bale?! Nagpasarap?! Tumengga? Ngumanga?! Sumahod lang?! Nakipag-bonding lang?! CHEEEEE!!!

Ito ang gusto ko kay Teddy Casiño, MAY GINAWA! May napatunayan at may naipaglaban. Masasabing sulit ang bawat sentimong pinasahod ng taumbayan kay Teddy Casiño kasi nagawa n’ya ang kanyang trabaho. Sa mga hindi nakakaalam, si Teddy Casiño ay nakapag-akda ng (4) batas na talagang bongga at may katuturan! Siya ang nasa likod ng mga batas na Public Attorneys Act of 2007 (R.A. 9406), kung saan pinapalakas nito ang PAO para sa mas malawak na libreng legal na serbisyo sa ating hikahos na mga; ang Tax Relief Act of 2009 (R.A. 9504) na nagbibigay ng eksempsyon sa mga kumikita lamang ng minimum wage mula sa witholding taxes; ang Rent Control Act of 2009 (R.A. 9653) na nagtatalaga ng hangganan sa upa para sa minimum wage earners; at ang Anti-Torture Act of 2009 (R.A. 9745) na nagbibigay kaparusahan sa sinumang gumagawa ng tortyur. O, ‘di ba?! PANALO! Aarte ka pa?! 😉 Sa tatlong termino n’ya sa Congress ay naipaglaban n’ya ang mga batas na ito na atin naman ngayong pinakikinabangan! Love it. 😉

And wait there’s more! Si Teddy Casiño ay nakapag-akda rin ng 178 measures at nag co-author ng mahigit 376 na iba pang mga batas. Kaya naman Teddy Casiño ay nasama sa top 5 most prolific congressmen sa 15th Congress! O, ha! 🙂 Sulit ang bayad sa kanya. Masasabi! Mahiya naman sana ‘yung IBA na ang lakas-lakas nang loob na tumakbo kahit wala pang napapatunayan sa kanilang karera. Mahiya naman sana ‘yung mga kasalukuyang nakaupo ngayon na mahilig mamuna at manlait ng iba pero wala namang nagawa noong sila ay nasa dating posisyon pa nila. Yes, PNoy? Would you like to share something?!
___________________________________
Teddy
_________________________________________________
Teddy Casiño: MAY GINAGAWA

Aside sa mga nagawa na n’ya, hindi tumitigil si Teddy Casiño sa pag-push ng mga very nationalist and progressive changes sa ating bansa. Patuloy siyang lumalaban para sa genuine agrarian reform, higher wages for workers, higher budget for education, independent foreign policy, women’s rights, justice for human rights victims, permanent societal reforms in the government and in economics among others. Hindi siya nagpapayaman gaya ng iba na uupo lang tapos yayaman na. In fairness to Teddy Casiño, pangatlo siya sa pinakamahirap na kongresista sa ngayon at meron lamang siyang net worth na P232,000.00. Gosh. Mas malaki pa ang sahod ko ha. No offense, Sir Teddy ha. WOW. 🙂 Pa-holdap?! 🙂 Nakakatuwang kahit na naka-tatlong terms na si Teddy Casiño sa Congress ay NEVER lumobo ang assets n’ya until now. ‘Eh ‘yung iba?!

I-check n’yo rin ‘yung financial background ng ibang mga kumakandidato ngayon pati na ‘yung mga nasa posisyon sa gobyerno. Maloloka kayo kung paano lumobo ang yaman nila! Magugulat kayo kung paano sila nagkaroon BIGLA ng bonggang pera. Kaya siguro hindi rin maipasa-pasa ang Freedom of Information Bill (FOI) ‘eh. Maraming takot kasi maraming MABUBUKING! Pak!
_______________________________________________

_______________________________________________
Teddy Casiño: MAY GAGAWIN

At syempre, pasok na pasok rin ang malinaw na plataporma ni Teddy Casiño kapag siya ay naging Senador. Pasok sa banga ang pinu-push n’yang mababang presyo ng mga bilihin and basic utilities, dagdag kabuhayan at trabaho and pagpapalaganap ng mabuting gobyerno. Tama si Sir Teddy, hindi lang “tuwid na daan” ang kailangan. Mas kailangan ang daang kakatawan sa kapakanan ng karaniwang tao at mamamayan. 🙂 Alam kong may plataporma rin naman ‘yung ibang kandidato. Nabasa ko rin ang mga ito. Pero wala akong bilib na gagawin nila ang mga sinabi nilang ito kapag sila ay naluklok na sa Senado. Madali lang ang magbanggit ng mga pasabog na plataporma. Madali lang ang magsulat at magsabi ng mga agenda. Pero ibang usapan ‘yung gagawin ba talaga ito at ipu-push kapag sila ay nahalal na. Naku po, ang dami na nating nasaksihang mga napakong mga pangako! TAMA NA! Nakakaloka na!

Natutuwa ako na tumakbo si Teddy Casiño bilang isang Independent candidate hindi tulad ng iba na nagtatago sa apelyido ng pamilya at nakikiangkas sa popularidad ng mga political parties. Natutuwa ako sa malinis, simple, very humble at mataas na antas na pagkampanya niya. Ang best nung literal na tumatakbo siya at sinusuyod ang mga masang lugar para kausapin ang ordinaryong mga tao. 🙂 Natutuwa ako na hindi gumagamit si Teddy Casiño ng malalaki at mamahaling ads sa TV at radio unlike ng ibang candidates na minu-minuto mong nakikita ang pagmumukha sa TV. Hindi madali tumakbo bilang isang Independent candidate kaya bilib ako na pinili n’ya ang mahirap na daan patungo sa tagumpay. Nakakabilib! 😉
___________________________________________________

_________________________________________________
‘Yun lang muna ang aking PAUNANG salvo para sa aking suporta sa aking Senador na si Teddy Casiño. Marami pang mga susunod na pasabog about my favorite candidate. Ikakampanya ko siya sa abot ng aking makakaya! Syempre, doon din tayo sa mataas na antas ng pangangampanya na kung saan naka-focus tayo sa issues at platforms at hindi sa mga pagtira sa sa personalty. Mababang klase kasi ‘yung personality-based na kampanya at batuhan ng mga “putik.” Pang-starlet ang ganitong atake kumbaga sa show biz! 🙂

At sa mga walang-sawang nagpaparatang kay Teddy Casiño na isa siyang komunista, nasagot n’ya na ‘yan. He already talked about that. Hindi siya komunista at hindi siya bahagi ng armadong pakikibaka. Kung may ebidensya kayo na magpapatunay na siya ay komunista, ilantad n’yo. Pasabugin n’yo. Pag-usapan natin. Makikinig ako. 😉

Yours Truly,

Madma

(Article source: http://myteddycasino.com/; http://truth.myteddycasino.com/?page_id=16)

(Video sources: http://www.youtube.com/watch?v=v-OD0cNEiPA; http://www.youtube.com/watch?feature=player_detailpage&v=v-OD0cNEiPA and http://www.youtube.com/watch?v=HZj5ccKqKGs)

P.S. Let’s vote for Teddy Casiño! I think nasabi ko na ‘to. 😉 Follow n’yo siya sa Twitter: @teddycasino. GO! #TeamTeddy #TatakboSiTeddy #TeddyCares
_________________________________
iba-naman-tc-banner2

Hindi masama ang mga “LEFTIST”

Philippines Labor Day

Dear fans and followers,

Hello to everyone!

Grabe ‘yung ngayon pa lang ako nakapag-blog this week. Sorry naman! 🙂 Minsan talaga kailangan ding “mag-work” nang totoo at isantabi ang ibang mga hobbies sa buhay. After all, equally important din ang work ha! Nega minsan, yes, pero alam n’yong “kabuhayan” ito. 🙂 So, dapat lagi tayong positive towards work. Dapat ang statement lagi is “I love my work! Pagod na ako pero I love my work pa rin. Woooh! Trabaho pa! OT pa!” Ganun dapat.GV, GV lagi! 😉 Dapat iniiwasan natin ang mga nega statements like “Tang inang work ‘to oh! Napakarami. Hindi na ako makahinga! Ako na lang ba ang empleyado rito?!” Tsk, tsk, tsk. Very nega. Not likey!

Speaking of nega, gusto ko pa lang i-share ang thoughts ko tungkol sa mga taong tinatawag nating “leftist” o mga makakaliwa. Madalas ko kasing marinig ang word na ito lately ‘eh. Kesyo nanggugulo na naman ang mga leftist group, nega na naman ang mga leftist organizations, sagabal sa buhay ang mga leftist, walang alam ang mga leftist kundi mag-rally, ngumasngas at manggulo, laging nega sa gobyerno ang leftist, hindi ko iboboto ang mga leftist na kandidato etc. etc. Siguro naha-hype na naman ang term na ito kasi eleksyon ngayon. Maraming mga politikong bumabanggit sa kanila kasi kailangan nilang “magpabida” sa fans. Kailangan nilang “magpabango.” Kanilangan nilang “magpabibo.” Kaloka!

Hindi masama ang mga leftist! Mataas ang respeto ko sa kanila. Bilib ako sa kanila. Love ko sila. 🙂 Bakit ko sila love? Kasi sila ‘yung mga taong pinipiling ipagpalit ang sariling comfort sa buhay para ma-sustain ang kanilang paniniwala. Sila ‘yung mga taong mas pinipiling magbilad sa arawan at isigaw ang kanilang ipinaglalaban sa kalsada kaysa sa umupo sa office na may air-con. Sila ‘yung may malasakit na ipakita at isiwalat ang hindi nakikita ng karamihan. Sila ‘yung mga taong pumupuno sa kakulangan ng iba pagdating sa pagbabantay sa lipunan. Sila ‘yung mga taong lumalaban sa mga laban na hindi na naa-attendan ng iba kasi busy sa mga pansariling ganap sa buhay. Bakit ha? Laban lang ba nila ang pagtutol sa mataas na presyo ng gasoline, kuryente at tubig? Laban lang ba nila ang pagdadagdag ng budget sa edukasyon at iba pang pangunahing serbisyo ng gobyerno? Laban lang ba nila ang pangangalaga sa kalikasan? Laban lang ba nila ang paglalantad sa mga katiwaliaan ng mga politiko? HINDI!!! Dapat pa nga nahihiya tayo sa kanila ‘eh kasi sila lang ‘yung umaako at nagpapatuloy ng laban na dapat sana ay laban ng lahat! Gosh. Sorry for that outburst. 🙂

Nalulungkot ako para sa ibang tao na napakakitid ng pagtingin sa mga leftist. Nalulungkot ako sa mga taong ang tingin sa leftist ay nega lagi. Example na lang ‘yung pagtingin na “kapag may welga, abala.” Kapag tumaas ang gas tapos may welga sa kalsada, nega agad ‘yung iba kasi “naaabala” sila– nale-late sila sa pagpasok sa office dahil na-traffic, nahihirapan sumakay, pinuputok sa pawis kasi nakipagsiksikan sa jeep, napupunit ang panty sa pakikipaghabulan sa bus etc. Pero kapag success naman ang welga at napababa ang presyo ng gas, happy din sila! Wala man lang thank you at pasalamat sa mga taong nakipaglaban sa kalsada. Nakakaloka! ‘Yan ang hirap ‘eh. Puro KABIG! Puro GANANSYA! Puro PASARAP! Ayaw mahirapan. Gusto laging kakabig lang. Gusto laging nakahain na sa mesa ang pagkain. Pota.
_____________________________________________
rally
_____________________________________________
Sa ibang parte ng mundo like sa Europe, very progressive ang pagtingin ng mga tao sa leftist. Para sa kanila, ang mga leftist ay integral part ng balance ng society. Nirerespeto nila ang leftist views dahil importante ito sa panlipunang pamumuhay. Likey! 😉 Dito sa atin sa Pilipinas, wala, very nega ang connotation sa mga leftist. So saddening. 😦 Ano bang gusto n’yong mangyari? Lahat nasa “right” para peaceful? Dapat walang opposing views? Dapat lahat ng sasabihin ng gobyerno ay paniniwalaan na lang?! Dapat lahat magagandahan sa pelikula ni Coco Martin at Julia Montes? Dapat lahat idol si Angeline Quinto?! ANO BA!!! In your dreams, bitches! Lulubog ang barko kapag lahat nasa kanan. Mapipigtas ang sampayan kapag nilagay mo lahat ng sinampay sa gawing kanan. Hindi magiging pantay ang kulay ng mukha mo kung sa kanang part lang ng face mo ia-apply ang Eskinol. Isipin n’yo ‘yan!

Sa mga maarteng laging tingin sa leftist ay nega, minsan try n’yo ring lapitan sila at kausapin nang malaman n’yong legit ang pinaglalaban nila. Instead na i-judge sila at kainisan from afar, i-try n’yong dumikit sa kanila para alamin ang sentiments nila kung bakit nila ito ginagawa. Try n’yo rin minsang bumaba sa kotse n’yo or sa bus na sinasakyan n’yo para magbigay ng saglit na oras to hear their sentiments. Try n’yo lang!

Anyway, basta ako, patuloy akong makikinig sa sasabihin ng mga leftist at susuporta sa abot ng aking makakaya. Hindi ako magsasawang pakinggan ang kanilang nakakalokang mga pasabog. 🙂 Masaya ako na sa kabila ng pagbabago ng mundo, may mga tao pa ring kinakalimutan ang sarili para ipagpatuloy ang napakaraming laban sa lipunan. Salamat sa inyo. Hanga ako sa inyo. Mabuhay kayo! Lakas maka-solidarity message ha. 😉

Haaay… masyado kong natodo ang emotion ko sa post na ito ha. Kakapagod din. Makapag-spa nga later. Relax relax naman! Sarap din ng body massage minsan ‘eh. 🙂

‘Yun lang naman ang ngasngas ko today. Very political ‘no?! 🙂 Bukas ko na pala ire-reveal ang aking susuportahan sa darating na eleksyon! Lakas maka-endorser! 🙂 Ayan na ang hinihintay n’yo. Malalaman n’yo na bukas ang “manok” ni Madma sa darating na 2013 May elections. Abangan… 🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.vosizneias.com; http://dustent.blogspot.com/2011/12/philippine-street-protests-do-more-harm.html)

P.S. Sali na kayo sa nakakalokang pa-contest sa Facebook ngayon!!! Gusto ko kayong imbitahan na sumali na sa ‘The Ananda Kanani Facebook LIKE Contest’ and win Over P1,000.00 worth of prizes!!! Magaganda ang gawa ng Ananda Kanani. Swear! Very personalized at talagang unique ang mga designs. Visit n’yo ang site nila para makita. Maloloka kayo! 🙂

SALI NAAAAAAAAA!!! Ikagaganda n’yo ‘to. Promise!
______________________________________
Ananda
______________________________________

Si Madma at ang May 2013 Philippine Elections

May 13, 2013
___________________________________________

Dear fans and followers,

At talaga namang simula na ng kampanya today para sa May 2013 Philippine elections! Wooooh. Naku po. Ihanda na ang mga tenga at mata sa mga nakakasawang jingle at mga nakakairitang posters ng mga kandidato lalo na ng mga senatorial candidates all over the country. This is really is it! Ito na naman ang time para makarinig ng sandamakmak na mga pangako ng pagbabago. Ito na naman ang period na lalabas na sa lungga ang mga politicans para magpabibo, magpapansin at ligawan ang madlang people. Ito na naman ang panahon na kung saan makikita natin ang mga pulitiko sa kanilang pinakamabait, pinaka-attractive at pinaka-charming na anyo para makuha nila ang matamis na boto ng mga Pilipino. Ack. Kumapit na tayo dahil simula na ng matinding labanan. Magkakalat na naman ang mga “plastik” at “mapagpanggap” sa ating ating kapaligiran. Nakakaloka!
_____________________________________

may-2013-elections-philippines
_____________________________________
Since panahon ngayon ng pagbabalat-kayo, syempre ito ang best time para maging matalino! 🙂 Ito na ang chance para bumawi at magpaka-kritiko just in case tinamad kayong mag-isip at mag-analyze ng mga bagay-bagay nitong nakaraang buwan. Pinapatawad ko na kayo sa katamaran n’yo before. WOW. Bawi naman! 🙂

Napaka-crucial talaga nitong next two months and very exciting as well! Ito kasi ‘yung period na babalik muli sa masa, which is kayo, ang tinatawag na “kapangyarihan.” Tapos ‘yung mga desperadong politicians naman ‘yung naloloka at nagkukumahog para magpapansin para maalala ang pangalan nila sa araw ng botohan. Wahahaha. Its payback time, bitches! And I love it! 🙂

Kaya naman bilang tinaguriang ‘Icon ng Masa,’ (WOW) hayaan n’yong bigyan kayo ni Madma ng ilang mga very practical tips ngayong election period. Very voters’ education lang ang peg. Syempre, I owe this to my fans and followers na umaasa sa wisdom and knowledge ko ‘no. WOW. Hiyang-hiya ‘yung Commission on Elections (COMELEC). Magre-resign na raw sila kasi kaya ko na ‘yung job nila. Dedeliver na raw ‘yung mga PCOS machines sa bahay namin kasi doon na lang daw ang botohan. Char. Ano baaaa! 🙂

Seryoso na! O, eto muna ang limang mga simpleng paalala ni Madma ngayong panahon ng kampanya:
_________________________________________

liberal-party-una-party-thumbnails
_________________________________________
1. Hindi porke’t kaapelyido ay sigurong magaling na. Naku po. Ang daming mga kandidato ngayon ang nagtatago sa kanilang political lineage! Lumabas na kayo, napapalibutan na namin kayo! Char. 🙂 Ang daming mga tumatakbo ngayon ang nakiki-angkas sa popularidad ng pangalan ng kanilang mga kaanak na nasa posisyon. Very tricky! Tsk, tsk, tsk. Ayokong magbigay ng example pero shout ouch sa inyo Cynthia Villar, Nancy Binay, JV Ejercito, Jake Enrile at Bam Aquino. Hindi ko naman kayo jina-judge pero kasi medyo… char! 🙂

Tandaan lang natin mga fans na hindi porket’ kaapelyido ay sing-galing na ng mga ninuno nila. Hindi porke’t ‘Velasquez’ ang epelyido ay biritera na kagaya ni idol Regine Velasquez. Hindi porke’t ‘Pascual’ ang apelyido ay sing-pogi at sing-yummy na ni Papa/Mama Piolo Pascual. Hindi porke’t ‘Soho’ ang surname ay sing-taba na agad ni Ms. Jessica Soho. Gets?! Aww! 🙂 Maling logic ‘yan kaya huwag kayong mahulog sa patibong na ito. PLEASE!!! At the end of the day, kahit na anak, asawa, hipag, biyenan, second cousin or apo pa sila ng kilalang politiko, ibang tao pa rin sila na dapat ay husgahan ayon sa kanilang sariling kakayahan. Iba pa rin ang utak at kokote ng mga ‘yan!

2. Ituring na ang pagboto ay parang pagpili ng kasambahay slash katulong sa bahay. Aaaay! Gusto ko ang idea na ‘to! Kailangan kasi talaga suriing mabuti ang mga kandidato gaya ng pagkuha ng isang katulong. Sa totoong buhay, hindi ba’t sooobrang taas ng standards natin at over critical tayo kapag naghahanap ng isang katulong?! Dapat mapagkakatiwalaan, dapat maganda ang background, dapat may good moral at hindi magnanakaw, dapat maganda at may subok na track record sa previous na employers, dapat magaling magserbisyo etc. etc. Aminin n’yo ganyan tayo! 🙂

Dapat kasi ituring nating “bahay” ang Pilipinas at ang mga namumuno ang mga “katulong.” So bilang mga amo, tungkulin nating piliing mabuti kung kanino natin ipagkakatiwala ang “bahay” natin. Mahirap nang maisahan ng mga chakang “katulong.” Take note, bahay, buhay, ari-arian at kinabukasan natin ang ipinagkakatiwala natin sa kanila so tama lang na itaas natin ang standards natin sa pagpili sa kanila.

3. Alamin ang kakayahan at mga magagawa para sa bansa at hindi dapat magpaloko sa itsura. Naku medyo tricky din talaga itong part na ‘to. Ang dami kasing nasisilaw sa “kagwapuhan” at “kagandahan” ng isang kandidato. Ang daming nadadala sa matatamis na ngiti ng mga pa-charming na candidates. Huwag ganun! Look beyond mga fans. Ayoko mag-mention pero shout ouch kina Juan Miguel Zubiri, Juan Edgardo Angara, Tingting Cojuangco, Risa Hontiveros and Loren Legarda. Hindi naman sa jina-judge ko sila pero kasi medyo kabisado ko na rin ‘yung…. Char. 🙂

Importanteng alamin ang pinaka-core ng pagkatao ng mga candidates at hindi dapat masilaw sa panlabas na aura. Parang pagbili lang ‘yan ng furniture. Hindi ka dapat matapos sa “aesthetics” side. Dapat alamin mo kung anong material ang ginamit, saan gawa, matibay ba, tatagal ba at worth it ba bilhin. ‘Yun na!
__________________________________________

election_banner
__________________________________________
4. Hindi sapat ang pangalan! Importanteng alamin ang plataporma at advocacies. Ito gusto ko rin ‘tong part na ito. Magbasa-basa tayo about sa buhay ng mga kandidato, sa mga paniniwala nila at perspective sa buhay at sa passion nila. 🙂 Dapat alamin talaga natin ang “pinaka-sustansya” ng isang kandidato. Ayaw naman nating kumain ng sinigang na walang laman o di kaya nilagang walang baka. Hindi masaya kung “SABAW” lang. Taray! 🙂

5. Markahan ‘yung mga kandidatong nagpre-campaign! PLEASE! Gumawa kayo ng mga listahan ng mga candidates na 2012 pa lang ay “nangangampanya” na. Sila kasi ‘yung mga trapo at epal na kating-kati sa posisyon. Tandaan natin, NGAYON (February 12, 2013) pa lang ang simula na kampanya. Keyword: NGAYON!!! Gets?! Ako talaga personally ay nanggigil sa mga kandidatong maaga pa lang ay may ad na sa TV, radio at may mga posters na! Markado na kayo, mga bitches!!!

Tandaan natin na sa isang laro halimbawa ng fun run, hindi ka tatakbo sa field hanggang hindi pa sinasabing “GO!” ‘Di ba ang sinasabi pa nga “on your mark, ready, get set, GO!” Sa “GO” ka pa lang tatakbo at hindi sa “ready.” Gets?! Kapag tumakbo ka na habang ang iba ay nagre-ready pa lang, anong tawag sa’yo? ‘Eh ‘di MANDARAYA!!!
_____________________________________________

So, there. ‘Yan na lang muna ang ngasngas ko. Patikim pa lang ‘yan! Nangangako akong gagamitin ang blog na ito para makiaalam sa darating na May 2013 elections. Whether we like it or not, may magaganap na eleksyon sa buwan ng Mayo so mabuti nang makiaalam na lang. Mabuti nang kumilos sa umpisa kaysa sa magsisi at magmukmok kapag huli na.

Lastly, tandaan natin na hindi na natin mababago ang katotohanan na ito ay Pilipinas at tayo ay mga Pilipino. Given na ‘yan. 🙂 Kahit magpa-blonde ka pa at magpa-bleach, Pinoy ka pa rin! Huwag mo akong ululin. 🙂 Hindi rin natin kayang itulak at i-move ang location ng bansa para alisin sa Asia at idikit sa Europe para mas maging bongga. Marami tayong hindi kayang baguhin sa bansang ito. Pero ito lang ang sigurado, kaya nating baguhin ang mga namumuno rito!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.goodfilipino.com/2012/09/comelec-guidelines-on-filing-of-certificates-of-candidacies-for-may-2013-elections.html; http://newsinfo.inquirer.net/files/2012/09/liberal-party-una-party-thumbnails.jpg; http://pnp.gov.ph/portal/images/election2013/election_banner.jpg)

P.S. Personal greetings kay Direk Nick Olanka para sa matagumpay na pilot episode ng “Apoy sa Dagat” starring Piolo Pascual, Diether Ocampo, Angelica Panganiban AND Angelica Panganiban! Ang taas ng ratings!!! Bongga. 🙂

Sabi ng Pep.ph “ABS-CBN‘s new primetime series Apoy Sa Dagat posted a rating of 21.2% on its pilot episode, based on the overnight ratings of AGB Nielsen among Mega Manila households. It‘s timeslot was sandwiched by GMA-7‘s Pahiram Ng Sandali which got 22.9% and Temptation of Wife which generated 24.4%. In the overnight Total Philippines ratings Kantar Media-TNS, Apoy Sa Dagat premiered with an impressive 25.9% to rank fifth overall. This ABS-CBN series went up against GMA-7‘s Temptation of Wife which posted a rating of 17.5%.

Hindi naman ako nagtataka na warm ang response ng fans sa teleseryeng ito kasi kapana-panabik talaga ang story. Mabilis ang pacing, magaling ang acting at mahusay ang direksyon. ‘Yun oh! Aaminin ko, “napaso” ako sa unang gabi ng teleserye n’yo. 🙂

Good luck! Steady lang. 🙂
________________________________________

Apoy Sa Dagat Official Poster
________________________________________