Walang Sisihan!!!

283757_10151475741218791_1930644166_n

Dear fans and followers,

Isang malagim na araw sa inyong lahat. 😦

Alam kong kasalukuyan kayong nagluluksa sa very disappointing partial result ng 2013 elections. Alam kong ngayon ay panay ang pahid n’yo ng calming lotion sa katawan para ma-kalma ang inyong nanggagalatiing emosyon sa mga nangungunang Senators so far. Alam kong marami sa inyo ang nagpunta sa salon or spa para mag-relax at makalimutan ang horrors ng eleksyon. Naiintindihan ko ang inyong sentimyemto. Kasi NALOLOKA RIN AKO!!! 😦

Anong nangyari?! Bakit ganito ang resulta? Bakit SILA-SILA NA NAMAN?! Bakit hinayaan na naman nating MAULIT ang lahat?! Bakit sila na naman ang ating hinalal?! Bakit hinayaan nating masayang ang ating magandang nasimulan?! ‘Di ba gusto natin ng PAGBABAGO?! ‘Eh bakit ito na naman tayo?!

Haaaay… Diyos ko! Kahapon pa sumasakit ang bangs ko sa mga pangalang nakikita ko sa mga partial/unofficial result ng eleksyon. Ayoko na ngang tumingin sa TV kasi naiirita ako lalo. Nakakainis! Nakakagalit! Nakakapikon! 😦 Pare-parehong mga pangalan na naman ang mananalo. Sila-sila na naman. ‘Yun at ‘yun na naman. Nasilaw na naman tayo sa mga paulit-ulit na pangalan sa pulitika. Nagpauto na naman tayo sa kanila. GRABE.

Gusto ko manapak sa inis. Gusto ko magbasag ng mga plato para ma-release ‘tong inis na nararamdaman ko. Kaso konti lang ang plato namin sa bahay ‘eh so sa blog ko na lang ilalabas ang lahat. 😉

Magpapakatotoo na ako. Galit ako! Galit ako sa mga Pilipino! Gusto kong layasan ang punyetang bansang ‘to! Masama ang loob ko ngayon kasi hindi tayo natututo sa kasaysayan. Naiinis ako kasi ang bilis-bilis nating makalimot! Galit ako kasi ang bilis nating mauto! Galit ako kasi hinalal na naman natin ang mga mismong taong naging sanhi ng ating mga pagdudurusa noong mga nakaraang taon. Imbyerna ako kasi hinayaan na naman nating maghari ang mga taong minsan nang nanamantala at nang-abuso sa mga Pilipino. Naiirita kasi ang hilig-hilig nating MAGTIIS where in fact kayang-kaya naman nating baguhin ang lahat! Hobby talaga nating magdusa ‘no?! Nae-enjoy talaga natin ang suffering ‘no?! NAKAKALOKA!!!

Ang sad kasi ang lapit na natin sa PAGBABAGONG gusto nating makamit pero pinakawalan na naman natin ulit ang chance na ito. Haaay… Wala na akong masabi kundi puro buntong-hininga na lang. 😦 Sa totoo lang, ayoko na sana itong isipan pa. Ayoko na sana itong problemahin pa kasi marami din akong mga iniisip sa personal kong buhay gaya ng kawalan ng lovelife. Pinipilit kong deadmahin na lang ang bagay na ito at mag-move on na lang sa buhay ko. But I JUST CAN’T! Naiinis ako na patuloy akong binabagabag ng isipan ko sa bagay na ito. Shet.

Akala ko may magbabago na. Akala ko matatalino na tayo. Akala ko ay mga wais na tayo. Sadly, HINDI PA PALA. 😦 Ang taas-taas ng hope ko sa mga kapwa ko voters. Sobrang taas ng faith ko na hindi na tayo magpapaloko at iboboto na natin ang mga TAMANG TAO. Ang taas ng pananalig ko na makakamit na natin sa wakas ang tunay na PAGBABAGO. Na hindi na natin iboboto ang mga trapo at mga walang-kwentang pinuno. Apparently, nabigo ako. 😦

Emotions aside, ang resulta ng naganap na eleksyon ay may malaking sinasabi sa ating mga Pilipino– marami pa rin talagang sa atin ang nabubuhay sa dilim at kawalan ng tamang impormasyon. Isang malaking wake-up call ito para sa mga kagaya kong nagnanais ng TUNAY NA PAGBABAGO. Sadly, sa kabila ng kaliwa’t kanan nating mga paandar sa social media, kulang pa pala ang effort natin para abutin ang puso at isip ng mas marami nating kababayan. Magkaiba pa rin pala ang mundong ginagawalan natin sa mundong ginagalawan ng mga ordinaryong masang Pilipino na nakatira sa mga probinsya at malalayong lugar. May ibang mundo pa palang nage-exist sa mga far flung areas na walang access sa internet. Nakalimutan nating may ibang reality pa pala sa bansang ito.

Nakakalungkot. Hindi ko talaga mapigilang malungkot. Dismayado ako sa mga kapwa ko Pilipino. 😦

Pagbigyan n’yo na ako sa emotional breakdown na aking nararanasan ngayon. Ibigay n’yo na sa akin ang moment na ito. Hindi ko pa rin kasi matanggap ang lahat. Pero makaka-move on rin ako. Gaya ng dati, magmo-move rin ako. Wala namang akong choice, ‘di ba?! Ano ba naman ang isang boses ko laban sa boses ng milyung-milyong Pilipinong nagpauto sa mga trapong pulitiko. Sino ba naman ako.

Anyway, sa puntong ito, gusto ko na lang magbigay ng mensahe sa mga mananalong Senador ng bansang ito. Ang fierce ‘nung may message no? Lakas maka-show biz. 😉 Ito na lang ang magagawa ko for now. Wala na ‘eh. Andy’an na ‘yan. Hindi na ako makakapalag.
_______________________________________________
946549_10152801750355596_709563182_n
_______________________________________________
Grace Poe

Pasalamat ka sa apelyido ng tatay mo. Pasalamat kay kay Fernando Poe Jr. kasi siya ang nagpanalo sa’yo. YOU OWE HIM THIS VICTORY! Kung “Santos” o kaya “Ocampo” ang apelydio mo, wala ka sa pwesto mo ngayon. Alam mo ‘yan! Ang convenient din talaga ng may powerful na surname no?! Nagiging madali rin talaga ang lahat para sa’yo. Sa totoo lang, hindi kita binoto kasi lagi kang nagtatago sa apelyido ng tatay mo. Hindi ako bilib sa ganyang atake kaya hindi mo nakuha ang boto ko. Oh well, sana na lang ay “makipagbakbakan” ka talaga para sa tunay na pagbabago kapag nasa Senado ka na. Kasi kung ako ang masusunod, sa show biz kita ilalagay para mabuhay mo ang action films sa Pilipinas since gusto mong sundan ang yapak ng tatay mo. I think exciting din na makitang babae ang gumanap sa role na “Panday” for once.

Loren Legarda

At tibay mo rin talaga, girl. Lagi’t lagi kang pasok sa eksena kahit anong mangyari. Pero ang shocking ‘nung na-upstage ka sa number 1 spot ha. How does it feel na hindi na ikaw ang reyna? Basta ang message ko lang sa’yo is ayusin mo ang pag-file mo ng SALN next time. Declare-declare rin ng mga properties ‘pag may time ha? Ang tagal-tagal mo ng public servant tapos mali-mali pa rin ang SALN mo?! Wow ha. Sana ay maisama mo naman kame minsan sa posh na condo mo sa New York. Kahit overnight stay lang, ok na ako.

Edgardo Angara, Bam Aquino, Koko Pimentel, Cynthia Villar, JV Ejercito

Pasalamat rin kayo sa mga kamag-anak n’yo. Pasalamat kayo sa mabangong apelyido n’yo. Nawa’y patunayan n’yo na IBA kayo sa mga kamag-anak n’yo. Na may taglay rin kayong sariling husay at galing sa pamumuno. Hindi ko rin kayo binoto kasi umay na umay na ako sa mga angkan n’yo. Personally, hindi ko na kailangan ng isa pang Angara, Aquino, Pimentel, Villar at Ejercito sa buhay ko. Tama na ang perwisyong ginawa ng mga ninuno n’yo. Buti na lang at marami kayong nauto para bumoto para sa inyo. And congrats for that.

Alan Peter Cayetano and Antonio Trillanez IV

Sana mas maging pursigido kayo sa tunay na pagbabago. Sana ay mas maging maigting pa ang inyong pagsisikap para mas mapabuti ang buhay ng mga Pilipino. Kayo na lang siguro ang pinaka-ok sa mga mananalong Senador kaya sa inyo na lang ako kakapit. Sana naman ay hindi n’yo ako biguin. Sana naman ay paninidigan n’yo ang mga pangakong binitiwan n’yo during the campaign period. Again, please do not disappoint me. I had enough!

Chiz Escudero

Wala akong masyadong mensahe sa’yo kasi in love ka gaya ng sabi mo. At usually, mahirap kausap ang mga taong in love so hindi na ako magsasayang ng oras. Gusto ko lang sabihin ng bumaba ang tingin ko sa’yo dahil sa ka-cheapang kinasangkutan mo with Heart Evangelista’s parents. Galingan mo na lang. Sana gamitin mo ang inspiration and love na nararamdaman mo ngayon para mas higit na magsilbi sa bayan. Remind lang kita, 43 years old ka na so sana ay kumilos ka nang naaayon sa edad mo. Ibigay mo na kina Daniel Padilla at Kathryn Bernado ang pa-tweetums role. Hindi na kasi bagay sa’yo. Please lang.

Nancy Binay

At syempre, papahuli ba naman ang message ko sa paborito kong si Nancy Binay?! Save the best for last!

Hello Nancy. Taray mo, girl. Pasok na pasok sa banga! Hindi ka rin talaga natinag! Iba talaga kapag maitim na damo. Mahirap mapabagsak.

Sa totoo lang, hanggang ngayon ay hinahanap ko pa rin ang sapat na lakas ng loob na tanggapin ka bilang Senador ng bansang ito. Hanggang ngayon ay kinukumbinsi ko pa rin ang sarili ko para matanggap ka. Ang hirap din kasi talaga ng task na ito. Hindi ito madali for me so ‘wag mo akong masyadong i-pressure! Pero hayaan mo, aabot rin ako sa acceptance part. Kung kailangang mangutang ako ng lakas ng loob sa bangko, gagawin ko para mapayapa na ang kalooban ko at maka-move on na ako sa buhay. Deretsahan na tayo, hindi ako masayang nanalo ka. Pero sino ba naman ako kumpara sa milyung-milyong nauto mo. Pasalamat ka rin sa tatay mo at Binay ang apelyido mo. Kasi kung naging “Bingas” o kaya “Binat” ang surname mo, sa kangkungan ang bagsak mo, girl! Sure ako!

Oh, well. Panalo ka na. Natalo ako. Araw mo ito. Pero tandaan mo, bilog ang mundo. I will be closely watching you, bitch! Babantayan ko ang lahat ng kilos at galaw mo sa Senado. Kahit hindi na ako magka-lovelife kakabantay sa’yo, keri lang! Simula pa lang ng totoong laban so umayos ka.

At bilang unang paandar ni Senator Nancy Binay, gusto ko ipapanood ang nakakalokang interview na ito. Ang best n’ya kasi sumagot sa mga tanong ‘eh. Watch this!
_____________________________________

_____________________________________
Waaaah. DELUBYO!!! Grabe. Hindi ko kinaya!!! Say hello to our new Senator. 😦

At the end of day, kailangan nating mag-move on at tanggapin ang hatol ng bayan. Kailangan pa rin nating kumilos bilang isang bansa. Sana na lang mali ang mga iniisip ko. Sana na lang mali ako. Basta ang wish ko na lang is sana mahanap na natin ang sapat na lakas ng loob para matanggap ang resulta ng 2013 elections. Basta maging mapagmatyag lang tayo. Huwag tayong tumigil na magbantay sa mga kinikilos ng ating mga pinuno.

God Bless this country!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.facebook.com/ANCalerts, http://www.rappler.com)

(Video source: GMA News http://www.youtube.com/watch?v=4vmcNB1oTwg)

P.S. Isang pagpupugay sa mahigit 3 million na bomoto kay Mr. Teddy Casiño. Proud ako na at least may 3 million na Pinoy na sumuporta sa TUNAY NA PAGBABAGO. Masaya akong malaman na may mga tao pa rin sa Pilipinas na nag-iisip. Mabuhay kayong lahat! 🙂

To Mr. Teddy Casiño: Nawa ay hindi po kayo matinag sa paglilingkod sa sambayanang Pilipino. Sana hindi ito ang maging dahilan para tumigil kayo sa iyong maganda at kahanga-hangang gawain. Kailangan namin ng isang kagaya mo kaya sana ay patuloy ka pa ring maging aktibo sa pagsulong ng mga mahahalagang pagbabago.Nakasuporta po kame sa inyo.

Basta para sa akin, hindi ka man nanalo, ikaw pa rin ang Senador ko!

P.P.S. Happy Anniversary sa Your Truly, Madma!!! Grabe. One year na akong blogger!!! Nakakaloka. Ang bilis rin talaga ha. 🙂

Salamat sa mas pinalakas n’yong suporta!!! Asahan n’yo ang mga bagong pasabog ni Madma very soon. 🙂 One year na tayo. Shet. 😉

Muli, MARAMING SALAMAT!!! ❤

Advertisements

‘Dear PH’ na!!!

Dear fans and followers,

Hello everyone!

Start na naman ng panibagong linggo. Monday na naman, so trabaho na naman. Gosh. Ang bilis ng weekend! Parang lagi siyang may lakad at laging nagmamadali. Kaloka. Pero bawal ang BV! Monday ngayon kaya GV lang tayo. Dapat positive lang lagi. 🙂 So, dapat ang proper statement slash mantra natin today is “I sooo love my work! Sige, trabaho! Dagdagan n’yo pa ang trabaho ko. Kulang na kulang pa ang dami ng task ko. Alipinin n’yo pa ako. Go!” 🙂 Likey n’yo ba? Parang bordering to nababaliw na ang pota. Scary!

Gusto ko palang i-share na napapadalas ang pagbo-bowling ko lately. Ang sosyal, ‘no? Paeng Nepomuceno levels. 😉 Ang saya rin pala mag-bowling ha at nakakapagod din siyang tunay. Grabe! Akala ko dati super chill lang ng bowling. ‘Yung tipong ihagis mo lang ‘yung bola then that’s it. May mga twist pa pala ang game na ito. Shet. But I loved it! Medyo pumapalo rin sa more than 100 points ang score ko so not bad! Not bad at all! Bowling naman tayo kapag may time kayo. 🙂

Anyway, gusto ko pala kayong batiin ng happy ‘Dear PH’ day!

Yes, today is the day and there is no day but today! Ito na ang pinakahihintay nating araw upang ipagsiwagan ang lahat ng ating mga hopes and aspirations para sa parating na eleksyon through ‘Dear PH,’ a voter’s education campaign na naglalayong iparinig sa buong mundo ang sentimyento ng mga Filipino voters especially ng mga Pinoy netizens. It’s time to be heard! It’s time to speak up! It’s time to get involved!

Netizens, MAG-INGAY!!!

Huwag na kayong umaarte kasi super dali lang nito. Bawal ang nega! All you have to do is mag-blog, mag-tweet or mag-status sa FB about your hopes, aspirations, reminders and challenges for the Pinoy voting public. Ganun lang kadali, mga Ma’am. Walang ka-effort-effort. Very, very simple! At para mas magkaintindihan tayo, i-check n’yo ang mga samples sa ibaba.
_______________________________________________
best-tweets-1024x731
_______________________________________________
So easy, right? I know! Kaya wala na dapat ngasngas about it ha. Gamitin n’yo lang ‘yung keywords natin na ‘Dear PH’ para ma-capture ang shining moment n’yo. GO NA!!! 🙂

Sabi sa isang interview kagabi na napanood ko, democracy relies on active citizenry. Ang keyword is ACTIVE! Bilang isang mamamayan, dapat aktibo tayong nakikilahok sa paggawa ng malalaking desisyon gaya ng pagpili ng mga taong uupo sa gobyerno. Kaya bawal ang tumengga at manahimik! Dapat talaga nakikialam tayo kasi bansa natin ito. Bahay natin ito! Ang mga gusto natin ang dapat masunod! Kung hindi ka boboto at magsasalita, WALA KANG KARAPATANG MAGREKLAMO! Kung ‘di mo gagawin ang part mo bilang member ng bansang ito, WALA KANG KARAPATANG UMANGAL! So, speak up now or hold your peace forever. Huwag n’yong painitin ang ulo ko! Char. 🙂

At bilang Diva, ako na ang mauuna. GAME!!!
_______________________________________
family-enterprise
_______________________________________
Dear PH, sana ay tuluyan nang ma-ban ang potang inang political dynasties sa bansa. Sana manalo ang mga kandidatong magsusulong ng isang batas na tatapos sa matagal nang paghahari ng iilang pamilya! Tamaan sana ng kidlat o kaya dapuan ng ketong ang lahat ng mga pulitikong pumipigil para maisakatuparan ito.

Yes, mainit talaga ang ulo ko kapag nababanggit ang political dynasties. Hindi ko mapigiling magmura kasi sobrang nakakasulasok ang eksenang ito sa Pilipinas! TANGINA TALAGA. Grabe ‘yung ginagawang business ng ilang pamilya ang pagkuha sa position sa gobyerno! Ack. Nakakasuka kayo! Lahat ng miyembro ng pamilya ay pinapatakbo sa pulitika para masigurong manatili sa kanila ang kapangyarihan. After tumakbo ni Daddy, si Mommy naman. Tapos susunod na ang panganay na anak, then ‘yung sumunod na anak tapos ‘yung bunso naman. Kapag may posisyon na ang lahat ng members ng family, susunod na rito ang mga pinsan, mga apo, mga hipag at manugang. PUTANG INA! Patakbuhin n’yo na rin kaya pati mga katulong n’yo tsaka mga alaga n’yong aso at pusa?! Parang nakukulangan pa kayo sa posistion ‘eh. Shet. Sobrang gaguhan lang. Ang kakapal ng mukha ng mga hayop na ‘to. Sarap buhusan ng asido ang mga pagmumuka nila. Hay. Sorry for that outburst. 🙂

Huwag n’yo akong paandaran ng paliwanag na “everyone must be given equal opportunity to serve regardless of family name.” Fuck you kayo. So kame pa pala ang mali, ganun? Kame pa pala ang masama kasi kinu-kwestyon namin ang inyong karapatang tumakbo? SORRY HA! SORRY! Sige takbo lang kayo. Ito ang rubber shoes. Go, takbo! Nakakahiya namang ipagkaiit sa inyo ang karapatan n’yong ito. Bullshit.

Hindi na ako magme-mention ng mga names kasi baka ipatumba ako ni Mayor. Andami kong alam. Wahaha. 😉
__________________________________________
nancy2
__________________________________________
Dear PH sana po ay huwag manalo ang mga kandidatong OBVIOUS namang hindi qualified para sa posisyon. Sana po ay matalo si Nancy Binay.

Yes, deretsahan na talaga. Prangkahan na. Hindi ko kayang na magiging Senador si Nancy! Mas gusto ko pang mag-adik kaysa makita siya sa Senado. Grabe, tumatayo na agad ang balahibo ko sa thought na Senador siya. NO WAY!!! Scary!!!

Ate Nancy, hindi porket natural born citizen of the Philippines ka and able to read and write ka ay tatakbo ka na sa pagiging Senador. Hindi porket na-meet mo ang BASIC qualifications, ‘eh go na agad sa pulitika. Check, check din tayo ng background natin kapag may time. Ay, wala ka nga palang time. Busy ka nga pala sa ground campaigning lately. Sige, sorry. Baka naabala na kita. Ingat ka na lang. Huwag mo nga pa lang kalimutang mag-sunblock ha. Gamitin mo ‘yung may SPF 1,000,000,000 para sure na maprotektahan ka. Mahirap na. Baka hindi ka na namin makita. Concern lang ako sa complexion mo. Sana huwag mong masamain. ‘Yung totoo lang, Nancy ha? Keri.
___________________________________________
Top12Senatoriables
___________________________________________
Dear PH, sana huwag masilaw ang mga botante sa mga naglalakihang pangalan sa pulitika. Sana ay mas maging mapili at kritikal ang mga botante ngayon.

Ako ay kumakatok ngayon sa puso at isip ng bawat botante– piliin nating mabuti ang ating iboboto! Sana naman ay sapat nang hirap at dusa ang ating naranasan sa kamay ng mga maling pultikong ating naihahalal noong mga nakaraang eleksyon! Sana naman ay nadala na tayo. TAMA NA! Ito na ang pagkakataon nating itama ang mali at ituwid ang lahat ng mga kabaluktutan. Huwag na tayong magpadala sa mga paandar ng mga naglalakihan at tradisyunal na pangalan sa pulitika. Huwag na tayong makuha sa mga simpleng ngiti at kaway nila. Higit sa lahat, huwag na tayong papalinlang sa mga kandidatong wala namang alam kundi magtago sa kasikatan ng apelyido ng kanilang mga kamag-anak. Ipakita naman natin sa kanila na natututo na tayo at matalino na tayo ngayon!

Let’s do this!
_____________________________________________
pcos machine
_____________________________________________
Dear PH, sana ay maging malinis, kapani-paniwala at maayos ang parating na eleksyon. Sana ay kunin na lang ni Lord ang lahat ng mga kandidatong nagbabalak na mandaya at maghasik ng lagim sa May 13.

Sana talaga ay totoo ang sinasabi ng Comelec na more than 90 percent ready na sila para sa parating na halalan. Sana naman ay hindi lang pa-ratings lang ang statement na ito. Aaminin ko, hindi ko pa rin maalis ang mga agam-agam at kaba ko hinggil sa kalalabasan ng botohan lalo na at may issue pa sa source code ang mga machine na gagamitin. Sana maging maayos ang halalan. Sana nga talaga ay walang maging aberya. Sana walang masaktan. Haaay. Medyo afraid talaga ako pero deadma na! I will just take the word of Comelec on this. Haaay sana talaga maging maayos ang lahat!
_______________________________________________
At iyon naman ang mga ngasngas ako for our ‘Dear PH’ session. Kayo?! I wanna know! Mag-Dear PH na!

Visit the official site of ‘Dear PH’http://www.dear.ph/
_______________________________________________
CALLING ALL BLOGGERS

Tinatawagan ko rin ang kapwa ko bloggers na sumali sa ‘Dear PH’ campaign. Maging convener din kayo para best! Dali naaaaa!

Para sa karagdagang kaalaman, inaanyayahan ko kayong bisitahin ang website ng ‘Dear PH.’

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://opinion.inquirer.net/40084/dynasties-threat-to-democracy, http://energizepinas.com/top-12-philippine-senatoriables-by-pulse-asia/, http://electionspinoy.blogspot.com/2012/03/comelec-finally-admitted-pcos-defective.html)

P.S. Gusto ko pala kayong yayaain na bumili ng copy ng pinakabagong book na friend kong author na si Ms. Eliza Victoria titled “Unseen Moon.” Magugustuhan ‘to ng mga horror fanatics na kagaya ko kasi suspense/thriller ang theme ng book na ito! SHOCKING!!!

Tara bili na tayong lahat! Order now! Ang librong ito ay may limang pasabog na stories na tiyak na ikaloloka n’yo! Suportahan naman natin ang mga local authors! GO!

Congrats sa bago mong book, Eliza! Excited na akong mabasa ito. 🙂

Para sa mga gustong mag-pre order, punta lang kayo sa link na ito: http://elizavictoria.com/2013/04/25/pre-order-the-print-copy-of-unseen-moon-until-may-10-only/

ORDER NOW!

P.P.S. Maraming salamat sa bonggang suporta n’yo sa comeback post ni Madma. Talaga namang pumalo tayo sa Top 29 Most Read and Visited blog in the Philippines under the Personal category based on http://www.topblogs.com. SOBRANG LAKAS!!! Take note, nasa Top 156 ang YTM bago ako mag-post ha. Grabe! Lipad kung lipad. 🙂

Salamat ng sooobrang sa suporta! Salamat sa pagtangkilik! Salamat sa pakikinig!

I love you all. 🙂

SHOCKING KA, Nancy Binay!

Dear fans and followers,

The DIVA IS SOOO BAAACK!!!

Hello naman sa inyo! Magkakakilala pa ba tayo?! Do I need to introduce myself again?! I don’t think so. WOW. 🙂 Kamusta naman kayo? Chika time naman!!! ENERGY NAMAN! Parang ang lousy n’yo! Is this how you welcome your Queen?! No waaaay! 🙂 Sorry for being so mum these past few weeks ha. Sorry naman sa matagal na pananahimik. But I’m here to break my silence now. Lakas maka-The Buzz. 🙂 Ang dami na rin kasing lumabas na chismis about my absence so mabuti na rin ‘yung magbigay ako ng official statement. Ang sikat ko ‘no?! Nakakaloka.

First of all, hindi totoong nagka-cancer ako gaya ng lumabas sa mga balita sa TV. Sa TV talaga?! Super healthy ko now to the point na malapit ko nang palitan si Ms. Cory Quirino sa pagiging ‘Health & Lifestyly Diva.’ Kabahan ka na Ms. Cory. Madma is on her way. HER?!

Hindi rin totoo na nagka-jowa na ako kaya hindi na ako nagbo-blog. How I wish true ang chikang ito. Alam n’yo wala nga akong crush ngayon ‘eh so naghahanda na talaga akong maging madre. Malapit na akong mag-expire sa totoo lang kaya naman nako-consider ko na rin ang pagpasok sa kumbento! Sana naman welcome ako doon. 🙂 Wala ring katotohanan na nag-asawa na ako ng foreigner ha. Hindi ako ‘ganun ka-exotic para magustuhan nila! Between me and iguana, parang mas pipiliin ng mga foreigners na makasama ang iguana. Hindi ko kayang levelan ang pagka-exotic nila.

Not true din na nalulong ako sa Casino kaya hindi ako nagpapa-sense sa blogging world. Hindi ko nga alam kung paano mag-poker so ekis ang news na ‘yan. Hayaan n’yo, papaturo ako kay Ms. Nora Aunor kapag may time. Char. 🙂 And please, once pa lang ako nakapasok ng Resorts World Manila ha. Kumain lang ako ng buffet dinner kasi nagutom ako. Ok lang?

Kasinungalingan din ang chikang nagpunta ako sa states para magpalaglag. Gosh! C’mon guys, you are better than this. Anong ilalaglag ko? Tae? Kaloka.

Not true din ang balitang na-rehab ako dahil sa drugs. I don’t do drugs. I only do guys. WOW. Bastusan. 🙂

Panghuli, hindi totoong yumaman na ako at kasalukuyang nagpaparetoke ng boobs at nagpapa-sex change. Hindi ko kaya ang tapang ni Ms. BB Gandanghari when it comes to medical operations. Mahina ang tolerance ko sa pain so hindi ko kayang mag-undergo ng mga malakasang operations. Diyos ko, simpleng toothache nga lang ‘eh halos ikamatay ko na, retoke pa?! NO!

Ang totoo talaga is may inaayos lang akong “special project” for myself. Yes, it’s always about myself. I love myself ‘eh. Kayo ba, love n’yo ba ang self n’yo? 🙂 Pero hindi ko muna siya papasabugin now kasi hindi pa masyadong final. Kilala n’yo naman ako, pasabog kung pasabog. Ayaw natin ng mga flopchinang projects! So, in the meantime, ibigay n’yo muna sa akin ‘to. Malalaman n’yo rin ito very soon! As in very, very soon. Sana talaga ma-push! Pota.

Anyway, welcome back to me! I AM SO BACK and I AM HERE TO STAY. Because what doesn’t kill you, makes you stronger. Ano raw?! 🙂 I miss blogging! And I Miss Saigon. Char! 🙂 Madma is back for real. Mas pinalakas. Mas pasabog. Mas palaban. YES, dahhling!!! YES!!!

And for my my comeback post, gusto kong pag-usapan natin ang something related sa upcoming elections. At gusto kong ilagay nang very light sa spotlight si Ms. Nancy Binay. Game!
______________________________________________
nancy-binay-e1362084961145
______________________________________________
Sa totoo lang, ako ay lubhang nababahala sa mataas na ranking na nakukuha ni Ms. Nancy Binay sa mga surveys sa pagka-Senador. Sa mga hindi nakakaalam kasi busy sa kapapaypay dahil mainit, pang-3rd na po si Ate Nancy sa top senatoriables based on the recent Social Weather Stations (SWS) survey. SHOCKING!!! Bangungot. Hindi ko kaya. Mas scary pa ang news na ito kaysa sa mga favorite horror films ko na ‘Insidious’ at ‘Drag Me to Hell.’ Gosh.

Hindi ko talaga bet si Nancy Binay na maging isang Senador ng bansang ito. Don’t get me wrong ha. I don’t have anything against her as a person and her complexion. Hindi kame friends nor enemies. Hindi ko siya kapit-bahay at hindi ako taga-Makati. Jina-judge ko lang siya bilang isang taong nag-aapply sa isang public post. Hindi talaga ako convince na kaya n’ya maging isang Senador kaya HINDI KO SIYA IBOBOTO. I don’t see her fit for the post and it’s killing me to see her soar higher in terms of survey ranking along with my pet peeves– Cynthia Villar, Bam Aquino, Grace Poe and JV Ejercito. Scary!!!

Siguro by now, alam na alam n’yo na ang twist ng buhay ni Ate Nancy: na wala siyang solid track-record sa public service, na napilitin lang siyang tumakbo, na accidental candidate lang siya, na personal assistant lang siya ng daddy n’ya before, na mother of four lang siya, na ‘she is THE daughter of VP Jejomar Binay’ etc. Marahil ay narinig n’yo na ‘yang mga chikang ito so hindi na ako magpo-focus dito. Maha-high blood lang ako nang todo kung tatalakayin ko pa ‘yan isa-isa so I will not dwell on them na lang. Baka putukin lang ako sa inis so ‘wag na lang. Hahayaan ko na lang na ang sariling konsensya ni Ms. Nancy ang umusig sa kanya in terms of her unqualified background.

Gusto ko na lang mag-react sa annoying attitude ni Ms. Nancy pagdating sa mga public debates. Grabe ‘yung iwas na iwas si Ate Nancy sa mga debates ha! Diyos ko. Hindi na nga siya qualified na maging Senador, ayaw pa n’yang lumaban at i-grab ang mga opportunities para makilala siya ng mga tao. Pwede ba, debate lang ‘yan. Hindi ‘yan nakakamatay! Bakit, hindi ba kasali sa job experience n’ya bilang Personal Assistant ng Daddy n’ya ang paglahok sa mga debates? So wala rin siyang formal background on debates? Ganun?! LAHAT NA LANG WALA SIYA! Gosh. Ano na lang ang meron siya?!
______________________________________________________
Nancy
______________________________________________________
Nancy Binay: “I have no time to debate”

Wala rin kameng time para sa’yo! Nyeta. Choosy much, Ate Nancy? Kilalang-kilala na? Sikat na sikat na? Huwag mo kameng paandaran na wala kang time for debates. Pati ba naman TIME wala ka pa rin?! Diyos ko. Lahat na lang talaga wala ka. LAHAT! Nakakatakot na ha. Sayang, gusto pa naman sana kita bigyan ng chance. Gusto ko pa naman sana malaman kung gaano ka katinik magsalita at magpahayag. Gusto sana kitang mas makilala pa. Kaso umaarte ka ‘eh. At wala akong time sa mga taong umaarte. Chura mo. Irita.
______________________________________________________
Nancy Binay JR Lopez Gonzales PoliTikalon Blog
______________________________________________________
Nancy Binay: “I prefer to campaign on the ground instead of joining debates”

Hinay-hinay rin sa ground campanigning Ate Nancy kasi nakaka-itim ‘yan. Ingat-ingat din lalo na kung hindi naman tayo biniyayaan ng makinis at maputing kutis. Hindi ko bibilhin ‘yung alibi mo na mas kailangan mong mangampanya at mag-ikot kaysa sa makipag-debate. Excuses, excuses, excuses. Daming ngasngas! Debate lang ‘yan, Ate! Strategy wise, mas powerful ang pagsali sa isang national public debates kaysa sa paisa-isang bisita sa mga lugar. Mas malawak ang maaabot mo na botante kung sasali ka sa mga debates lalo na kung may malakasang media coverage. Hindi mo rin ba ito na-realize? OMG! Parang wala ka ring mahusay na diskarte, Ate Nancy. Lahat na lang wala ka! LAHAT! Sumakit na puson ko sa’yo. Parang rereglahin ako sa atake mo.
_______________________________________________________
nancy2
_______________________________________________________
Nancy Binay: “Let’s win the Senate race first, then debate in the plenary”

Nakakatawa ka talaga, Ate Nancy. Pinapasaya mo ang araw ko sa mga pakulo mo. Ang choosy-choosy mong tunay. Kumbaga sa singer, ayaw mong kumanta sa audition, gusto mo doon ka na kakanta sa recording studio agad. IKAW NA TALAGA! Tandaan mo, nag-apply ka sa amin so dapat ngayon mo ipakita ang husay at galing mo (kung meron man) at lahat ng makakaya mo! Nasa audition stage ka pa lang pero parang may attitude ka na. Diva na agad? Hindi na kita kaya, Ate Nancy! Nag-iisa ka!
________________________________________________________
Nasusurpresa ako na ganito ang attitude mo on debates. Taga-UP ka rin, ‘di ba? Tourism ang course mo, right? Hmmm. Parang hindi halata. Akala ko ang course mo sa UP ay BS Sports Science, Major in Boxing. Char. 🙂 Last time I checked, tinuro sa school natin na makipag-debate at magpahayag. Nahihiya ako for you, girl. Gusto kitang i-disown as my schoolmate. Hindi ko alam kung paano ka pumasa ng UP nang hindi nakikipag-debate. Hindi ko ma-imagine kung paano ka nakaabot sa graduation nang hindi lumalaban sa pakikipagtalastasan. Aaaay, I forgot, BINAY nga pala ang apelyido mo. Ang convenient rin talaga ng mabango mong surname ha.

Overall, hindi kita talaga iboboto. Wow. Prangkahan! 😉 Hindi ako bilib sa campaign strategy mo. Hindi ako natutuwa sa mga pakulo mo. Hindi ako naniniwala sa’yo. Hindi ako bilib sa pagkukubli mo sa safe-side up to now. Hindi ubra sa akin ang pa-low profile sa mga issues at patuloy na pagtatago sa kasikatan ng apelyido mo. Sobrang daling basahin ng cheap tactics mo, Ate Nancy. Walang kalatuy-latoy. Walang kadating-dating. You are Nancy Binay and that’s it. Nothing more, nothing less.

At nga pala, hindi namin kailangan ng “Nanay de Pamilya” sa Senado. May mga kanya-kanya na kameng Nanay na ‘di hamak na mas magaling kaysa sa’yo. Kung ikaw lang ‘din ang mag-aaruga sa amin, NO THANKS NA LANG. Kaya na namin! And saan mo ba kasi nabasa na kailangan ng Nanay sa Senado?! Maling classified ads yata ang source mo, ‘te! Just in case hindi mo alam, ang kailangan namin ay isang MAHUSAY NA SENADOR na magsusulong ng mga batas para sa ikakaunlad ng bansang ito. Kung ‘Nanay’ ang peg mo, sa orphanage ka na lang mag-apply kasi ‘dun kailangang-kailangan ng mga Nanay. For sure, dudumugin ka at pagkakaguluhan sa mga bahay ampunan. Sure win ka ‘dun, Ma’am!

Bahala na nga. Basta patuloy akong magdadsal na HINDI MANALO si Nancy Binay. Palakasan na lang kame ng dasal kay Lord! Kung kailangan kong sumayaw sa Obando para matalo siya, sige gagawin ko. Kung kailangan kong mag-alay ng buhay na manok at 12 na itlog sa puno na Balete para hindi manalo si Nancy, sige go! Natatakot ako na baka makalusot si Nancy bilang isang Senador. Gosh. 😦 Hindi ko ito kakayanin! Mas natatakot pa ako rito kaysa sa fact na wala akong jowa. Haaay… WAKE UP, EVERYONE!!!

Bahala na kayo, Lord!!! I leave it up to you.

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.newsinfo.inquirer.net, http://www.facebook.com/nomoreepal/posts/530437080335533, http://www.politikalon.blogspot.com, http://www.politicallyintoxicated.blogspot.com)

P.S. Abangan ang mas pasabog na post ni Madma sa mga susunod na araw! Na-miss ko talaga kayo kaya babawi ako.

Maraming salamat sa patuloy na suporta! I love you all. ❤

Hindi masama ang mga “LEFTIST”

Philippines Labor Day

Dear fans and followers,

Hello to everyone!

Grabe ‘yung ngayon pa lang ako nakapag-blog this week. Sorry naman! 🙂 Minsan talaga kailangan ding “mag-work” nang totoo at isantabi ang ibang mga hobbies sa buhay. After all, equally important din ang work ha! Nega minsan, yes, pero alam n’yong “kabuhayan” ito. 🙂 So, dapat lagi tayong positive towards work. Dapat ang statement lagi is “I love my work! Pagod na ako pero I love my work pa rin. Woooh! Trabaho pa! OT pa!” Ganun dapat.GV, GV lagi! 😉 Dapat iniiwasan natin ang mga nega statements like “Tang inang work ‘to oh! Napakarami. Hindi na ako makahinga! Ako na lang ba ang empleyado rito?!” Tsk, tsk, tsk. Very nega. Not likey!

Speaking of nega, gusto ko pa lang i-share ang thoughts ko tungkol sa mga taong tinatawag nating “leftist” o mga makakaliwa. Madalas ko kasing marinig ang word na ito lately ‘eh. Kesyo nanggugulo na naman ang mga leftist group, nega na naman ang mga leftist organizations, sagabal sa buhay ang mga leftist, walang alam ang mga leftist kundi mag-rally, ngumasngas at manggulo, laging nega sa gobyerno ang leftist, hindi ko iboboto ang mga leftist na kandidato etc. etc. Siguro naha-hype na naman ang term na ito kasi eleksyon ngayon. Maraming mga politikong bumabanggit sa kanila kasi kailangan nilang “magpabida” sa fans. Kailangan nilang “magpabango.” Kanilangan nilang “magpabibo.” Kaloka!

Hindi masama ang mga leftist! Mataas ang respeto ko sa kanila. Bilib ako sa kanila. Love ko sila. 🙂 Bakit ko sila love? Kasi sila ‘yung mga taong pinipiling ipagpalit ang sariling comfort sa buhay para ma-sustain ang kanilang paniniwala. Sila ‘yung mga taong mas pinipiling magbilad sa arawan at isigaw ang kanilang ipinaglalaban sa kalsada kaysa sa umupo sa office na may air-con. Sila ‘yung may malasakit na ipakita at isiwalat ang hindi nakikita ng karamihan. Sila ‘yung mga taong pumupuno sa kakulangan ng iba pagdating sa pagbabantay sa lipunan. Sila ‘yung mga taong lumalaban sa mga laban na hindi na naa-attendan ng iba kasi busy sa mga pansariling ganap sa buhay. Bakit ha? Laban lang ba nila ang pagtutol sa mataas na presyo ng gasoline, kuryente at tubig? Laban lang ba nila ang pagdadagdag ng budget sa edukasyon at iba pang pangunahing serbisyo ng gobyerno? Laban lang ba nila ang pangangalaga sa kalikasan? Laban lang ba nila ang paglalantad sa mga katiwaliaan ng mga politiko? HINDI!!! Dapat pa nga nahihiya tayo sa kanila ‘eh kasi sila lang ‘yung umaako at nagpapatuloy ng laban na dapat sana ay laban ng lahat! Gosh. Sorry for that outburst. 🙂

Nalulungkot ako para sa ibang tao na napakakitid ng pagtingin sa mga leftist. Nalulungkot ako sa mga taong ang tingin sa leftist ay nega lagi. Example na lang ‘yung pagtingin na “kapag may welga, abala.” Kapag tumaas ang gas tapos may welga sa kalsada, nega agad ‘yung iba kasi “naaabala” sila– nale-late sila sa pagpasok sa office dahil na-traffic, nahihirapan sumakay, pinuputok sa pawis kasi nakipagsiksikan sa jeep, napupunit ang panty sa pakikipaghabulan sa bus etc. Pero kapag success naman ang welga at napababa ang presyo ng gas, happy din sila! Wala man lang thank you at pasalamat sa mga taong nakipaglaban sa kalsada. Nakakaloka! ‘Yan ang hirap ‘eh. Puro KABIG! Puro GANANSYA! Puro PASARAP! Ayaw mahirapan. Gusto laging kakabig lang. Gusto laging nakahain na sa mesa ang pagkain. Pota.
_____________________________________________
rally
_____________________________________________
Sa ibang parte ng mundo like sa Europe, very progressive ang pagtingin ng mga tao sa leftist. Para sa kanila, ang mga leftist ay integral part ng balance ng society. Nirerespeto nila ang leftist views dahil importante ito sa panlipunang pamumuhay. Likey! 😉 Dito sa atin sa Pilipinas, wala, very nega ang connotation sa mga leftist. So saddening. 😦 Ano bang gusto n’yong mangyari? Lahat nasa “right” para peaceful? Dapat walang opposing views? Dapat lahat ng sasabihin ng gobyerno ay paniniwalaan na lang?! Dapat lahat magagandahan sa pelikula ni Coco Martin at Julia Montes? Dapat lahat idol si Angeline Quinto?! ANO BA!!! In your dreams, bitches! Lulubog ang barko kapag lahat nasa kanan. Mapipigtas ang sampayan kapag nilagay mo lahat ng sinampay sa gawing kanan. Hindi magiging pantay ang kulay ng mukha mo kung sa kanang part lang ng face mo ia-apply ang Eskinol. Isipin n’yo ‘yan!

Sa mga maarteng laging tingin sa leftist ay nega, minsan try n’yo ring lapitan sila at kausapin nang malaman n’yong legit ang pinaglalaban nila. Instead na i-judge sila at kainisan from afar, i-try n’yong dumikit sa kanila para alamin ang sentiments nila kung bakit nila ito ginagawa. Try n’yo rin minsang bumaba sa kotse n’yo or sa bus na sinasakyan n’yo para magbigay ng saglit na oras to hear their sentiments. Try n’yo lang!

Anyway, basta ako, patuloy akong makikinig sa sasabihin ng mga leftist at susuporta sa abot ng aking makakaya. Hindi ako magsasawang pakinggan ang kanilang nakakalokang mga pasabog. 🙂 Masaya ako na sa kabila ng pagbabago ng mundo, may mga tao pa ring kinakalimutan ang sarili para ipagpatuloy ang napakaraming laban sa lipunan. Salamat sa inyo. Hanga ako sa inyo. Mabuhay kayo! Lakas maka-solidarity message ha. 😉

Haaay… masyado kong natodo ang emotion ko sa post na ito ha. Kakapagod din. Makapag-spa nga later. Relax relax naman! Sarap din ng body massage minsan ‘eh. 🙂

‘Yun lang naman ang ngasngas ko today. Very political ‘no?! 🙂 Bukas ko na pala ire-reveal ang aking susuportahan sa darating na eleksyon! Lakas maka-endorser! 🙂 Ayan na ang hinihintay n’yo. Malalaman n’yo na bukas ang “manok” ni Madma sa darating na 2013 May elections. Abangan… 🙂

Yours Truly,

Madma

(Photo credit: http://www.vosizneias.com; http://dustent.blogspot.com/2011/12/philippine-street-protests-do-more-harm.html)

P.S. Sali na kayo sa nakakalokang pa-contest sa Facebook ngayon!!! Gusto ko kayong imbitahan na sumali na sa ‘The Ananda Kanani Facebook LIKE Contest’ and win Over P1,000.00 worth of prizes!!! Magaganda ang gawa ng Ananda Kanani. Swear! Very personalized at talagang unique ang mga designs. Visit n’yo ang site nila para makita. Maloloka kayo! 🙂

SALI NAAAAAAAAA!!! Ikagaganda n’yo ‘to. Promise!
______________________________________
Ananda
______________________________________

Si Madma at ang May 2013 Philippine Elections

May 13, 2013
___________________________________________

Dear fans and followers,

At talaga namang simula na ng kampanya today para sa May 2013 Philippine elections! Wooooh. Naku po. Ihanda na ang mga tenga at mata sa mga nakakasawang jingle at mga nakakairitang posters ng mga kandidato lalo na ng mga senatorial candidates all over the country. This is really is it! Ito na naman ang time para makarinig ng sandamakmak na mga pangako ng pagbabago. Ito na naman ang period na lalabas na sa lungga ang mga politicans para magpabibo, magpapansin at ligawan ang madlang people. Ito na naman ang panahon na kung saan makikita natin ang mga pulitiko sa kanilang pinakamabait, pinaka-attractive at pinaka-charming na anyo para makuha nila ang matamis na boto ng mga Pilipino. Ack. Kumapit na tayo dahil simula na ng matinding labanan. Magkakalat na naman ang mga “plastik” at “mapagpanggap” sa ating ating kapaligiran. Nakakaloka!
_____________________________________

may-2013-elections-philippines
_____________________________________
Since panahon ngayon ng pagbabalat-kayo, syempre ito ang best time para maging matalino! 🙂 Ito na ang chance para bumawi at magpaka-kritiko just in case tinamad kayong mag-isip at mag-analyze ng mga bagay-bagay nitong nakaraang buwan. Pinapatawad ko na kayo sa katamaran n’yo before. WOW. Bawi naman! 🙂

Napaka-crucial talaga nitong next two months and very exciting as well! Ito kasi ‘yung period na babalik muli sa masa, which is kayo, ang tinatawag na “kapangyarihan.” Tapos ‘yung mga desperadong politicians naman ‘yung naloloka at nagkukumahog para magpapansin para maalala ang pangalan nila sa araw ng botohan. Wahahaha. Its payback time, bitches! And I love it! 🙂

Kaya naman bilang tinaguriang ‘Icon ng Masa,’ (WOW) hayaan n’yong bigyan kayo ni Madma ng ilang mga very practical tips ngayong election period. Very voters’ education lang ang peg. Syempre, I owe this to my fans and followers na umaasa sa wisdom and knowledge ko ‘no. WOW. Hiyang-hiya ‘yung Commission on Elections (COMELEC). Magre-resign na raw sila kasi kaya ko na ‘yung job nila. Dedeliver na raw ‘yung mga PCOS machines sa bahay namin kasi doon na lang daw ang botohan. Char. Ano baaaa! 🙂

Seryoso na! O, eto muna ang limang mga simpleng paalala ni Madma ngayong panahon ng kampanya:
_________________________________________

liberal-party-una-party-thumbnails
_________________________________________
1. Hindi porke’t kaapelyido ay sigurong magaling na. Naku po. Ang daming mga kandidato ngayon ang nagtatago sa kanilang political lineage! Lumabas na kayo, napapalibutan na namin kayo! Char. 🙂 Ang daming mga tumatakbo ngayon ang nakiki-angkas sa popularidad ng pangalan ng kanilang mga kaanak na nasa posisyon. Very tricky! Tsk, tsk, tsk. Ayokong magbigay ng example pero shout ouch sa inyo Cynthia Villar, Nancy Binay, JV Ejercito, Jake Enrile at Bam Aquino. Hindi ko naman kayo jina-judge pero kasi medyo… char! 🙂

Tandaan lang natin mga fans na hindi porket’ kaapelyido ay sing-galing na ng mga ninuno nila. Hindi porke’t ‘Velasquez’ ang epelyido ay biritera na kagaya ni idol Regine Velasquez. Hindi porke’t ‘Pascual’ ang apelyido ay sing-pogi at sing-yummy na ni Papa/Mama Piolo Pascual. Hindi porke’t ‘Soho’ ang surname ay sing-taba na agad ni Ms. Jessica Soho. Gets?! Aww! 🙂 Maling logic ‘yan kaya huwag kayong mahulog sa patibong na ito. PLEASE!!! At the end of the day, kahit na anak, asawa, hipag, biyenan, second cousin or apo pa sila ng kilalang politiko, ibang tao pa rin sila na dapat ay husgahan ayon sa kanilang sariling kakayahan. Iba pa rin ang utak at kokote ng mga ‘yan!

2. Ituring na ang pagboto ay parang pagpili ng kasambahay slash katulong sa bahay. Aaaay! Gusto ko ang idea na ‘to! Kailangan kasi talaga suriing mabuti ang mga kandidato gaya ng pagkuha ng isang katulong. Sa totoong buhay, hindi ba’t sooobrang taas ng standards natin at over critical tayo kapag naghahanap ng isang katulong?! Dapat mapagkakatiwalaan, dapat maganda ang background, dapat may good moral at hindi magnanakaw, dapat maganda at may subok na track record sa previous na employers, dapat magaling magserbisyo etc. etc. Aminin n’yo ganyan tayo! 🙂

Dapat kasi ituring nating “bahay” ang Pilipinas at ang mga namumuno ang mga “katulong.” So bilang mga amo, tungkulin nating piliing mabuti kung kanino natin ipagkakatiwala ang “bahay” natin. Mahirap nang maisahan ng mga chakang “katulong.” Take note, bahay, buhay, ari-arian at kinabukasan natin ang ipinagkakatiwala natin sa kanila so tama lang na itaas natin ang standards natin sa pagpili sa kanila.

3. Alamin ang kakayahan at mga magagawa para sa bansa at hindi dapat magpaloko sa itsura. Naku medyo tricky din talaga itong part na ‘to. Ang dami kasing nasisilaw sa “kagwapuhan” at “kagandahan” ng isang kandidato. Ang daming nadadala sa matatamis na ngiti ng mga pa-charming na candidates. Huwag ganun! Look beyond mga fans. Ayoko mag-mention pero shout ouch kina Juan Miguel Zubiri, Juan Edgardo Angara, Tingting Cojuangco, Risa Hontiveros and Loren Legarda. Hindi naman sa jina-judge ko sila pero kasi medyo kabisado ko na rin ‘yung…. Char. 🙂

Importanteng alamin ang pinaka-core ng pagkatao ng mga candidates at hindi dapat masilaw sa panlabas na aura. Parang pagbili lang ‘yan ng furniture. Hindi ka dapat matapos sa “aesthetics” side. Dapat alamin mo kung anong material ang ginamit, saan gawa, matibay ba, tatagal ba at worth it ba bilhin. ‘Yun na!
__________________________________________

election_banner
__________________________________________
4. Hindi sapat ang pangalan! Importanteng alamin ang plataporma at advocacies. Ito gusto ko rin ‘tong part na ito. Magbasa-basa tayo about sa buhay ng mga kandidato, sa mga paniniwala nila at perspective sa buhay at sa passion nila. 🙂 Dapat alamin talaga natin ang “pinaka-sustansya” ng isang kandidato. Ayaw naman nating kumain ng sinigang na walang laman o di kaya nilagang walang baka. Hindi masaya kung “SABAW” lang. Taray! 🙂

5. Markahan ‘yung mga kandidatong nagpre-campaign! PLEASE! Gumawa kayo ng mga listahan ng mga candidates na 2012 pa lang ay “nangangampanya” na. Sila kasi ‘yung mga trapo at epal na kating-kati sa posisyon. Tandaan natin, NGAYON (February 12, 2013) pa lang ang simula na kampanya. Keyword: NGAYON!!! Gets?! Ako talaga personally ay nanggigil sa mga kandidatong maaga pa lang ay may ad na sa TV, radio at may mga posters na! Markado na kayo, mga bitches!!!

Tandaan natin na sa isang laro halimbawa ng fun run, hindi ka tatakbo sa field hanggang hindi pa sinasabing “GO!” ‘Di ba ang sinasabi pa nga “on your mark, ready, get set, GO!” Sa “GO” ka pa lang tatakbo at hindi sa “ready.” Gets?! Kapag tumakbo ka na habang ang iba ay nagre-ready pa lang, anong tawag sa’yo? ‘Eh ‘di MANDARAYA!!!
_____________________________________________

So, there. ‘Yan na lang muna ang ngasngas ko. Patikim pa lang ‘yan! Nangangako akong gagamitin ang blog na ito para makiaalam sa darating na May 2013 elections. Whether we like it or not, may magaganap na eleksyon sa buwan ng Mayo so mabuti nang makiaalam na lang. Mabuti nang kumilos sa umpisa kaysa sa magsisi at magmukmok kapag huli na.

Lastly, tandaan natin na hindi na natin mababago ang katotohanan na ito ay Pilipinas at tayo ay mga Pilipino. Given na ‘yan. 🙂 Kahit magpa-blonde ka pa at magpa-bleach, Pinoy ka pa rin! Huwag mo akong ululin. 🙂 Hindi rin natin kayang itulak at i-move ang location ng bansa para alisin sa Asia at idikit sa Europe para mas maging bongga. Marami tayong hindi kayang baguhin sa bansang ito. Pero ito lang ang sigurado, kaya nating baguhin ang mga namumuno rito!!!

Yours Truly,

Madma

(Photo credits: http://www.goodfilipino.com/2012/09/comelec-guidelines-on-filing-of-certificates-of-candidacies-for-may-2013-elections.html; http://newsinfo.inquirer.net/files/2012/09/liberal-party-una-party-thumbnails.jpg; http://pnp.gov.ph/portal/images/election2013/election_banner.jpg)

P.S. Personal greetings kay Direk Nick Olanka para sa matagumpay na pilot episode ng “Apoy sa Dagat” starring Piolo Pascual, Diether Ocampo, Angelica Panganiban AND Angelica Panganiban! Ang taas ng ratings!!! Bongga. 🙂

Sabi ng Pep.ph “ABS-CBN‘s new primetime series Apoy Sa Dagat posted a rating of 21.2% on its pilot episode, based on the overnight ratings of AGB Nielsen among Mega Manila households. It‘s timeslot was sandwiched by GMA-7‘s Pahiram Ng Sandali which got 22.9% and Temptation of Wife which generated 24.4%. In the overnight Total Philippines ratings Kantar Media-TNS, Apoy Sa Dagat premiered with an impressive 25.9% to rank fifth overall. This ABS-CBN series went up against GMA-7‘s Temptation of Wife which posted a rating of 17.5%.

Hindi naman ako nagtataka na warm ang response ng fans sa teleseryeng ito kasi kapana-panabik talaga ang story. Mabilis ang pacing, magaling ang acting at mahusay ang direksyon. ‘Yun oh! Aaminin ko, “napaso” ako sa unang gabi ng teleserye n’yo. 🙂

Good luck! Steady lang. 🙂
________________________________________

Apoy Sa Dagat Official Poster
________________________________________