7 Bagay na DI-DAPAT I-donate

Dear fans and followers,

Kamusta na ang ulo n’yo, mga bitches?! Mainit pa rin ba dahil sa palpak na aksyon ng gobyerno sa trahedyang dala ni Mareng Yolanda? Well, hindi ko kayo masisisi sa part na ‘yan. Ako rin ay ilang beses na tumaas ang BP sa magkahalong kahihiyan, inis, asar at galit sa turn of events lately. Day 7 na lagim ni Super Typhoon Yolanda pero parang kahapon lang nangyari ang pananalasa. Same-same pa rin ang kalagayan! Pota. In fact, parang mas lumala pa nga. Hindi pa rin nabibigyan ng tulong ‘yung ibang areas until now. Magulo pa rin. Mas lalo pang gumulo. ‘Yung mga bangkay ay nakakalat pa rin sa kalsada hanggang ngayon. Dyosko. Ano ‘yan? Palay?! Nakakaloka!

Anyway, ayaw ko na munang ma-nega. Friday ngayon so dapat GV lang tayo! 🙂 Nakakasira ng beauty ang issue na ito. Grabe! I think we’ve said enough. We’ve heard enough. We’ve seen enough. Mag-focus na lang muna tayo sa rehabilitation at patuloy na pagtulong sa mga biktima para matapos na ang bangungot na ito. Bweltahan na lang natin lahat ng mga inutil sa gobyerno pagkatapos nito. After all, sa likod ng galit, sisihan, awayan at bangayan, ang main task at hand is maibalik sa kaayusan ang mga affected areas at matulungan ang mga biktimang makabangon ulit. OMG ang positive ko today ha! Aminin n’yo ‘yan. 🙂

With that, gusto ko na lang i-discuss ‘yung mga bagay na HINDI DAPAT i-donate sa mga ganitong pagkakataon. Based ito sa karanasan ko sa pagbo-volunteer sa “Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH.” Medyo naloka lang ako sa ilang items na dinonate ng ilan nating mga mabubuting kababayan. I appreciate the kindness ha. Don’t get me wrong. Nakaka-shock lang talaga! Super fun siya though kaya naalis din somehow ang pagod while nagre-repack ng mga relief goods. 🙂

Without further ado, I now give you the 7 things na HINDI DAPAT i-donate sa mga biktima! Paki-note po. Lalo na dun sa mga nagbabalak mag-donate.
__________________________________
Panties

Gamit na panty at brief and other undergarments

PLEASE NAMAN! Hindi ko kinaya ‘yung mga nagdo-donate ng mga used underwear ha. GAMIT TALAGA?! Hindi pwedeng bago?! Shocking! Konting respeto naman d’yan. Huwag naman magbigay ng mga manilaw-nilaw na brief o kaya ay may dugo-dugong panty. Hindi naman contestant sa “Extra Challenge” or sa “Fear Factor” ‘yung mga victims para i-subject sa pagsusuot ng ganyang mga gamit. Baka naman nakaligtas nga sila sa bagyo, mamatay naman sila sa infection sa genitals. AY! Ayaw natin ‘yan. I-avoid natin ‘to ha. Kung gamit na lahat ng briefs or panties n’yo, KEEP THEM na lang for future references. Marami namang ibang items na pwedeng i-donate. ‘Wag n’yo na lang i-push. Ok? BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Fairy

Costume-like na mga damit (Fairy costume, Vampire costume, mermaid costume etc.)

Dyosko ha. Biktima na sila. Tingin n’yo ba may time pa silang mag-costume party?! Ewan ko ha. Hindi ko kinaya ‘yung mga fairy costume-like na nakita ko sa donation. I’m wondering kung ano kayang iniisip nung nag-donate. Siguro sa isip-isip n’ya, kailangan ng mga biktima na magmukhang fairies para makamove on. Ganun? Di ako sure sa motive ha. Medyo dehado ako dito. Sana i-avoid din natin ang pagdo-donate ng ganitong items. Kung hindi na kasya sa inyo ‘yung mga costume n’yo sa bahay, keep them na lang din. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_________________________________________
Apples

Mansanas at iba pang mga prutas

Unless turukan n’yo ng formalin ‘yan, sige papalusutin ko ‘yan. Guys, ‘wag naman perishable items kasi sure na masisira ‘yan so sobrang tagal at haba ng lalakbayin ng mga relief goods. Baka ‘yung mansanas n’yo ay maging apple juice na pagdating sa Leyte. Gosh. Kung pushy talaga kayo at sobrang mapilit at tingin n’yo ay importante talagang makakain ng prutas ang mga biktima, siguro mabuti pang mag-donate na lang kayo ng buto ng mansanas para at least kapag dumating na siya sa mga biktima, prutas na siya. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Knorr

Knorr Sinigang Mix/ Sinigang sa Miso

Magsisigang talaga?! Sana sinamahan n’yo naman rin ng isang kilong baboy, sitaw, labanos at talbos. Ang haggard naman na sinigang mix lang ‘yung matatanggap ng biktima. Ano kayang gagawin nila sa sinigang mix? Lalaklakin kapag nareceive? ‘E ‘di kidney naman nila ang nadale. Nakaligtas nga sa bagyo pero nagkasakit naman sa kidney?! Talo rin. Tsaka dagdag problema pa yan sa mga biktima. Poproblemahin pa nila tuloy kung paano magiging totoong sinigang ‘yung Knorr mix. Mapu-push pa sila magnakaw ng baboy at iba pang sahog. Tsk tsk.. Guys, huwag na natin sanang dagdagan ng stress yung stressful na nilang buhay. Konting diskarte naman. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
________________________________________
Biscuits

Expired na biscuits

Ewan ko kung tatawagin kong “mabait” ‘yung nag-donate o mas appropriate na tawagin siyang “demonyo.” Ano ba! May galit ka ba sa mga biktima?! Sabihin mo lang para mapag-usapan natin dito. Huwag naman tayong magbigay ng expired na o di kaya ay mage-expire na na mga biscuits. Check-check din ng expiration date! Huwag masyadong agit sa pagdo-donate. Siguraduhin namang makakain ‘yung bigay n’yo. Gusto n’yo ba talagang mag-donate? Parang ayaw n’yo eh. Sa pakiwari ko ha. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
________________________________________
Halls

Mga candies gaya ng Stork, Halls etc.

Trick or treat ang peg?! Or pwede ring trick or THREAT. Char. 🙂 Ano baaa! Kalako ha. Itago n’yo na lang ang mga candies n’yo kung marami kayo. Gets namin. Marami kayong candies. Duly noted po. Pero sana totoong mga pagkain na lang ibigya n’yo gaya ng noodles, bigas etc. Hindi naman babyahe ‘yung mga biktima at kailangan nila ng candy. Hindi na nga makaalis eh, di ba? Please ha. No more candies! BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
_______________________________________
Tea

Slimming teas/ Mga pampapayat na tsaa

Wala na ngang nakakain ‘yung mga biktima ng ilang araw tapos gusto n’yo pa silang pumayat?! Gosh. Baka naman magsuka na sila ng dugo kapag pinainom pa natin sila ng mga pampapayat na tea. Ang sadista din ha! Huwag naman kayong maging bitter kung hindi umepekto sa inyo yung mga slimming teas na binili n’yo at ibibigay na lang sa iba. Eh ang taba nyo talaga eh. Ang siba n’yo kumain eh. Anong gagawin natin? Puro kayo ‘Balik Alindog Program” pero kain naman nang kain! Charot. 🙂 Please ha. I-avoid natin ang item na ito. Kape, gatas at milo na lang ang ibigay n’yo instead of this. BUT AGAIN, I appreciate the kindness.
__________________________________

There you have it! Paki-note ‘yang mga ‘yan ha. Pinapaalalahanan ko na kayo. Kung magdo-donate kayo, siguraduhin n’yo rin na makakatulong talaga ang ibibigay n’yo. Otherwise, kalat lang yan. Sayang lang. 🙂

BUT AGAIN, I appreciate the kindness.;)

Yours Truly,

Madma

(Photo sources: http://yoy50.wordpress.com/2010/03/03/major-retail-stores-selling-used-underwear-wtf/, http://www.halloweencostumes.com/womens-fairy-costume.html, http://www.fanpop.com/clubs/fruit/images/1201901/title/apples-wallpaper, http://filipino-store.com/index.php?act=viewProd&productId=164, http://www.continentalbakeries.com/en/products/cookies-biscuits/, http://azraelsmerryland.blogspot.com/2011/07/toys-and-halls-mentholyptus-candy.html, http://closemyer.co.za/theteas.html)

P.S. Tuluy-tuloy lang sa pagtulong sa ating mga kababayan! Every help counts! Kailangan talaga nating magtulungan ngayon kasi hindi na kaya ng chaka nating gobyerno ang ang pagrespond. Maraming namang paraan para tumulong. Kung wala kayong pera, pwedeng mag-volunteer. Kung wala kayong time, pwedeng mag-donate ng items. Basta madami! Go lang nang go!

Para sa mga gustong tumulong, just visit the Facebook account of Tulong Kabataan Relief Drive for #YolandaPH: https://www.facebook.com/#!/events/191377047714707/
______________________________________
TK
______________________________________
P.P.S. MARAMING SALAMAT sa inyong suporta! Madma loves you! ❤

Advertisements

YTM’s Next Top Model: 6th Elimination Night

Dear fans and followers,

The fans have voted.

The judges have spoken.

Sa ating 7 na finalists, sino ang uuwi na?

Welcome sa sixth Elimination Night ng sikat na sikat at kinababaliwang Yours Truly, Madma’s Next Top Model! Ito po ang nakakalokang modeling search sa blogging world na handog sa atin ng Adbokasya at Dolled up by J.C. Cantos.Welcome back to me! Fresh na fresh from Singapore and Malaysia! 😉 OA ang ulan! Nakakaloka. Ingat kayo ha. Sana hindi naman kayo nabaha.

Matapos ang apat na araw na botohan, nagpasya na ang mga fans at ang ating mga judges kung sino sa Top 7 finalists ang tuluyang magpapaalam. I have to say na pasabog ang High Fashion round! Napakalakas pa rin ng show kahit hindi ako nakatutok nitong mga nakaraang araw kasi nga gumala ako. Salamat sa lahat ng mga bomoto at sumuporta sa YTMNTM. SALAMAT sa lahat ng mga fans and followers. Hindi n’yo rin talaga pinabayaan ang ratings! Love it!

Anyway, alam kong sabik na sabik na kayong malaman ang matatanggal na modelo sa gabing ito. Sorry naman at medyo late. Sumali pa kasi ako sa Relief Operations sa University of Asia and the Pacific. Shout ouch naman sa lahat ng mga kasama kong volunteers lalo na kay Mr. Rogelio Estacio Jr. Good job, guys! 😉 Mag-volunteer din kayo! Tulungan naman natin ang mga kababayan nating nasalanta. Maraming mga organizations ang nangangailangan ng mga matatapang na volunteers! Help and donate naman. GO!

Going back, nakakalungkot man subalit kailangan nating magtanggal ng 1 model tonight sa YTMNTM. Hindi ko na ito pagtatagalin pa. Mga fans, sama-sama tayong magpasalamat at magpaalam kay:

___________________________

Keempee, 20, Tarlac

____________________________

Hindi po ginamit ng ating mga judges ang kanilang SAVE POWER kaya ang pambato ng Tarlac na si Keempee ay tuluyan nang magpapaalam.  NAKAKALOKA! Napakalakas ni Keempee lagi pero… Anyare?! Nagulat ako!!! Haaay… 😦

MARAMING salamat sa iyong pagsali at pagiging bahagi ng makasaysayang YTMNTM. Salamat sa pinakita mong tapang, husay at galing. Hangad namin ang iyong tagumpay sa anumang landas na iyong tatahakin. Ipagpatuloy mo ang iyong napakagandang adbokasya, Keempee. Mabuhay ka! 🙂

Mahal ka namin. Mahal ka ni Madma.

________________________

At ngayon, nais kong ipakilala ang tatlong nangungunang finalists sa round na ito. Sila ang tatlong naging pinaka-makinang among the 7 finalists! Shout ouch naman sa members ng “Powerful 3!” Ibang-iba na naman members ng Powerful 3 ngayon compared to last week! KALOKA!!!

CONGRATULATIONS and let’s give it up for (in order):

_______________________

Jetti, 28, Quezon City

___________________________

Jeff,22, Malabon

___________________________

Angelica, 24, Laguna

___________________________

Sila ang ating Powerful 3 for this week! Nabawi na rin talaga ni Jetti ang korona sa No. 1 spot! Woooh! 😉 Lakas ni Ma’am sa round na ito. The Queen is sooo back! Congrats, Jetti! Pasabog ka talaga! Walang duda.

Napakusay din ng entry ni Jeff. Fierceness is the key! You really deserved to be in the Powerful 3! Congrats, Jeff. Ibang level ka na. ASTIG!

And of course, congrats din kay Angelica! Welcome back sa Powerful 3! Grabe yung ratchada si Ma’am sa round na ito. Super best ng high fashion/period entry mo! B.E.S.T! 😉

Palakpakan din natin ang iba pang models na pasok sa Top 6! Sila ang kukumpleto sa ating pasabog at nakakalokang Top 6 na maglalaban-laban muli sa Friday!

Congratulations kina (in no particular order):

___________________________

Flip, 27, Mandaluyong

_________________________________

Paris, 24, Quezon City

___________________________

At gusto ko ring ipakilala ang pinakamahinang model for this round. Naging crucial ang kanyang standing para sa round na ito both sa fans and sa judges pero lusot pa rin. Pasok na pasok pa rin siya sa Top 6 natin at lalaban sa Friday. Laban lang!

Congratulations kina (in order):

___________________________

Coco, 24, Quezon City

___________________________

And there you have it fans! Sila ang bumubuo ng ating pasabog na Top 6!!! Each of them is still in the running towards becoming the first Ultimate Grand Winner of YTM’s Next Top Model!

Sa Friday (August 10) ang formal presentation ng Top 6! Ang theme sa Friday ay SEXIEST PHOTO! Pasabog na naman ‘to! Painitan naman natin ang malamig na panahon! Pa-seksihan ang labanan. Kabugan! 🙂

At syempre, may WRITE-UP ulit! Q & A portion another ang peg para sa mga models. Ang tanong para sa Top 6 finalists: “How do you define sexy.” Aaay. Pasabog na naman ‘to!

Send your entry and write-up to yourstrulymadma@yahoo.com. Deadline is on Thursday (August 9).

Isang malugod na pagbati sa ating Top 6!

Yours truly,

Madma

P.S. Marami pang nakaabang na pasabog sa YTMNTM! Abang lang kayo! 😉

Maraming salamat sa ating pasabog na Celebrity Judge for this week na si Ms. Ms. Millie Morales. Salamat sa pagpapaunlak sa YTMNTM. We love you, Ms. Millie. ❤

Aminin n’yo, ang taray ni Ms. Millie sa photo na ito! Kung kasali lang s’ya, tiyak na mananalo si Ma’am! 🙂 Bisitahin n’yo ang blog ni Ms. Millie. NAKAKALOKA! http://milliemorales.blogspot.com/

Salamat din sa ating mahal na mahal na Resident Judges na si Mr. Rogelio Estacio Jr. at Ms. J.C. Cantos. 🙂

_______________________

Special thanks to Mr. Rogelio Estacio Jr. sa pag-invite sa akin para mag-volunteer para tumulong sa mga nasalanta nating mga kababayan. 🙂 Salamat din sa lahat ng mga students ng University of Asia and the Pacific para sa mainit na pagtanggap sa amin bilang volunteers.  😉 Kailangan pa din nila ng maraming volunteers! Attack na kayo. It’s time to give back and help our kababayans. 🙂

Thanks din kay Mr. Robby Benson Torres para sa photo ko for this post. 😉

P.P.S. Gusto ko din i-promote ang pasabog video ng dat nating Celebrity Judge na si  Ms. Sonia Pascual! Ito nga pala ang last episode ng kanyang Rexona Confidence project! Panoorin n’yo. Kakatuwa! Congrats naman, Ona. 🙂 Belated Happy Birthday din. Sorry naman at late na ito. We love you! 🙂

Click this link to watch the video: http://www.youtube.com/watch?v=IQcdBlnKSbE

Stay safe everyone! 😉